Author's Note (The Villain Se...

By wintertelle

220K 11.2K 3K

The Villain Series No. 1 Due to Zero almost wiping out the fictional dimension, Fictosa's system malfunctione... More

The Villain Series
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Winty's Note
Spotify Playlist

Kabanata 38

2K 141 43
By wintertelle

PIGIL-TAWANG naglalakad ngayon palabas si Adamas kasama si Logan at Gonietta. Nakahawak siya sa kaniyang tiyan. Mahigit apat na oras na ang lumipas matapos mahulog sa hagdan si Azure pero tawang-tawa pa rin siya. His mind kept on replaying how Azure's face kissed the stairs.

That must have hurt so bad. Pfft.

Hindi na niya napigilan ang sarili at humalakhak. Ang tawang niyang literal na 'haha' ay umalingawngaw sa paligid.

"What's wrong with you, Mr. Adamas? Kanina ka pa tumatawa," takang tanong ni Logan.

Nanatili namang tahimik si Gonietta. Nagulat pa nga siya dahil sumabay ang babae sa kanila. And seeing her emotion, she missed the guy who had been so distant from her lately. Gusto nitong kausapin si Logan pero nahihiya itong magsalita.

Pinagigitnaan niya ang dalawa kaya umalis siya at nagpunta sa gilid ni Logan. Tinulak si Logan habang tumatawa pa rin upang magkalapit ang dalawa.

Sabay itong napadaing nang mabangga sa ulo ni Gonietta ang pisngi ni Logan. Nasobrahan yata ang pagkakatulak niya.

"Ah, sorry," paumanhin kaagad ni Logan at lumayo.

"O-okay lang." Napakamot si Gonietta. Naglakas-loob itong lingunin si Logan at nagsalita. "Ahm, may progress na pala sa comic. Nakatapos na ako ng dalawang episodes."

"Really? That's great then." Isang tipid na ngiti lang ang pinakawalan ni Logan.

Napakunot ang noo ni Adamas dahil parang may iniinda ito. Napansin din ito ng babae.

"Ayos ka lang ba?" Tumigil ito sa paglalakad. Nilapat nito ang palad sa noo ng lalaki. Kaagad na kumunot ang noo nito. "Ang init mo. Mukhang nilalagnat ka na naman yata."

"What?!" sigaw niya at ginaya rin ang ginawa ng babae. Sa sobrang lakas ng pagkakalapat ng kamay niya muntik nang matumba si Logan.

"Aray naman."

He tilted his head because he couldn't distinguish what a sick person should feel like. Kaya ang ginawa niya, nilapat niya rin ang isang kamay sa noo ng babae. Pinakiramdaman niya ang kaibihan ng kanilang temperatura.

And Gonietta was right, Logan's temperature was higher.

"Shit! This is what I've been telling you! You're draining yourself again!" sigaw niya sa lalaki.

"I'm fine--"

"You're not!" Tinulak niya si Gonietta palapit kay Logan. "Do something. Get that fever out from him."

"Ay, ano tingin mo sa akin? May powers?" inis nitong sabi bago tiningnan si Logan. She held his arms. "You should get some rest."

"I will." Inalis kaagad nito ang kamay ng babae at naunang maglakad.

Pinagmasdan niya ang babae na matigilan sa ginawa ni Logan. Muling nabalot ng kalungkutan ang emosyon nito kaya bahagya niyang siniko ang braso nito.

She gazed at him.

"Have you realized something now?"

"Huh?" taka nitong tanong. "Realize what?"

He sighed. "Wala."

Akala pa naman niya napagtanto na nito ang nararamdaman. She was denser than he thought. Mabigat ang mga yabag niyang naglakad. Pero bago pa siya makahabol kay Logan, tumakbo si Gon papalapit sa kaniya at hinawakan ang kaniyang braso.

"Adamas."

"What is it?"

"What should I do? How can I make it up to him?" mahina nitong sabi habang pinaglalaruan ang tela ng kaniyang robe.

"Why would you ask me? You know that human better than anyone."

"Hindi naman ganito 'to katagal nagtampo sa akin kaya 'di ko alam kung ano gagawin."

"Continue to pursue him. Initiate the conversation. Start up any topic. Let him see how eager you are for your apology. Show him you appreciate him." Nilapat niya ang kamay sa tuktok ng ulo nito. "I am in no position to say this, but I want to give you a heads-up before I leave this dimension."

Nagulat ito sa kaniyang sinabi. "You're leaving?"

He nodded. "Logan is in the middle of giving you up. He's distancing himself in act of mending himself. It will be regretful if both of your feelings will not have a chance to recognize each other, so I want you to pay attention to yourself. Think, my reddy readsy. What is he really to you?"

She scratched her head in confusion. "Anong feelings pinagsasabi mo? May gusto sa akin si Logan?"

"I don't know. Ask him." Hinila niya ang braso ng babae at binilisan ang paglalakad upang makahabol kay Logan.

Napansin nila ang pagtigil ni Logan kaya napatigil din sila. May kinuha ito sa bulsa. Mukhang may tumawag sa lalaki.

"Hello, Ma?"

Kaagad silang napaigtad sa gulat dahil sa lakas ng boses ng caller.

"Putangimo na talagang bata ka! Pati ba naman kapatid mo dinamay mo sa kahibangan mong 'yan! Putangina mo talaga!"

Napatingin si Adamas at Gonietta sa isa't isa. Bakas sa mga mukha nila ang pagtataka.

What the hell is her problem again?

"Huh? Ano bang pinagsasabi mo, Ma? Hindi kita maintindihan." Kahit na sinisigaw-sigawan na siya ng magulang, nanatiling mababa ang boses ni Logan. Dahil na rin siguro sa pagod at may lagnat pa.

"Nawawala ang kapatid mo dahil sa 'yo!"

"What?" Logan exclaimed. "What do you mean, Ma? Papaanong dahil sa akin, e, wala naman ako r'yan."

"Sumunod siya sa 'yo dahil inuto mo siyang mas maganda ang buhay r'yan sa siyudad. Ngayon hindi ko na mahagilap ang kapatid mo! Lintek ka talaga! Kapag may nangyaring masama sa kapatid mo, ikaw sisisihin ko hangga't mamatay ako!"

"W-what?" He uttered. Logan was lost for words. Napahilot ito sa sintido. "Ma, hindi ko alam ang sinasabi mo. I never told Hina to follow me."

"Palagi mo siyang kinukuwentuhan kong gaano kaganda r'yan! Nakita ko chat niyo!"

"We rarely talk, Ma. Nag-me-message lang siya sa akin at nagtatanong tungkol sa buhay ko rito. I just answered her. I never convinced her to come here. She even told me last time she want to graduate there." He sighed. "And Hina is not the type to stay away from home. You know how shy she is."

"Not anymore! Iyang kapatid mo, palagi na lang wala sa bahay at ngayon hindi na nga umuwi!" Isang kalabog ang narinig nila sa kabilang linya. "Hanapin mo ang kapatid mo! Kapag hindi mo siya nakita magpapakamatay ako, Logan, at ikaw ang sisisihin ko. Kasalanan mo kung bakit ganito ang pamilya natin ngayon! Kung nag-law ka sana hindi ganito ang naging buhay natin, lintek ka! Putangi--"

Inagaw ni Adamas ang phone at pinatay ang tawag bago pa matapos ang ina nito sa pagsasalita. Tumaas ang balahibo niya sa katawan nang biglang kumapal ang itim nitong emosyon. It took it shaped like a giant mouth, ready to devour Logan.

Kaagad niyang hinawakan ang magkabilang braso nito at niyugyog. "Hey, human!"

Nakatunganga lang ito.

"Hey!" Inalog-alog niya ito ng ilang beses at saka lang napabalik sa diwa ang lalaki. The monstrous emotion subsided as well as though it was disappointed that Logan came back to his senses.

"Huh? Ah. I'm sorry." Napasapo ito sa noo at umiling-iling na para bang may inaalis sa isipan.

Lumapit din si Gonietta. "Magpahinga ka muna."

"I need to find my sister first." He looked at him. "Mr. Adamas, can I have my phone?"

Binalik niya ito.

Nagtipa kaagad si Logan doon. May tinawagan ito. Ilang minuto rin silang nakatayo habang paulit-ulit na tinatawagan nito ang kapatid na hindi sumasagot.

"Argh. She's not answering." Bumuntonghininga ito at sinubukan ulit. Naghalo na ang inis, pag-aalala at pagod sa mukha ng lalaki. Napahawak ito sa sariling buhok na bahagyang hinihila upang pakalmahin ang sarili.

"Try ko siyang tawagan sa akin," suhestiyon ni Gonietta. Pumayag naman si Logan. Naghintay silang sumagot si Hina pero kagaya lang ng kanina ang nangyari.

Hindi nito sinagot.

Napaangat na lang ang tingin ni Logan habang tinatakpan ang mukha. Malalim ang hininga nito at halatang pinipigilan lang ang sariling bumigay.

"Do you have a picture of your sibling?" he asked.

Tumango naman ito.

"Show it to me. I can find her if I know what she looks like."

Logan scrolled through his phone and showed him a photo of his sister. Kaagad niyang kinabisa ang mukha bago ginamit ang Thread Finder.

"Find this woman." Binagsak niya ang kamay sa sementadong lupa. The ground vibrated as his threads crept inside the cement, swimming fast and finding what he envisioned.

"Northwest. A club."

He stood up after receiving the message. "I found her. She is in a club."

"What?!" gulat na saad ni Logan. "A c-club? Papaano? Hindi nga 'yon lumalabas sa bahay tapos nasa club siya ngayon?"

"My threads can never be mistaken."

Muling bumuntonghininga si Logan. Kahit maraming katanungan sa isipan, pinili nitong pumara ng taxi at nagtungo sa club. Sumama rin silang dalawa ni Gonietta.

Bandang alas sais na sila nakarating sa club. Pagkapasok nila, sumalubong ang naghalong amoy ng alak at yosi sa kanilang ilong. Nahihilo rin si Adamas dahil sa dami ng tao at maingay na tunog. Idagdag pa ang mga sumasayaw na ilaw. Buti na lang at nakasuot siya ng veil kaya hindi siya masiyadong nasisilaw.

Tinuro niya ang dance floor. "She is there."

Kaagad na nagtungo si Logan papunta ro'n. Mabilis nitong hinila ang babaeng may tuwid at kulay kayumangging buhok. Maikling-maikli ang damit at saya nito at nawiwiling sumayaw sa lalaking kumakapit na ang kamay sa iba't ibang parte ng katawan nito.

"Hina!"

Namilog ang mga mata ng babae nang makilala ang humila. "K-kuya?"

"What are you doing here? You didn't even tell mom. How could you leave and went here alone?" Logan exclaimed, still pulling her sister away from the crowd.

"Wait, Kuya. Let me go. Isusumbong mo ba ako kay mama?" Nagpumiglas ito.

"What else? You got us worried." Hinarap ni Logan ang kapatid. "You're going home with me and you better explain why you ended up in this place."

Kumunot ang noo ni Adamas habang nakatingin sa dalawang magkapatid. Umapaw ang galit na emosyon sa kapatid nitong nagngangalang Hina. Halatang hindi nito nagustuhan ang pakikialam ng kapatid.

"Puwede ba, Kuya. Lubayan mo 'ko. Hindi na ako bata! Hayaan mo akong gawin lahat ng gusto ko!"

"Kailan ba kita pinagbawalan, Hina? I never dictate you about your life. Ang sa akin lang, magsabi ka nang hindi kami mag-alala sa 'yo."

"I don't need your care. Leave me alone! I don't want to go back home! Ang boring doon. Gusto ko rito!" Tumalikod ito subalit hinawakan ni Logan ang braso nito.

"We're not yet done. Hindi ka puwedeng manatili rito. You have a responsibility to take. You can't just leave like this. What about your studies?"

Napairap nito. "I told you, huwag mo akong pakialaman. Gagawin ko kung anong gusto ko!"

"Hey, babe. What's happening here?" Lumapit ang lalaking kasayaw nito kanina. Tiningnan nito si Logan mula ulo hanggang paa. "Who is this?"

"Ah, he's--"

"I'm her brother." Muli nitong hinila ang kapatid pero winaksi nito ang kamay.

Yumakap si Hina sa lalaki at siniksik ang mukha sa dibdib nito. "I don't know him."

Adamas' eyebrows furrowed after what Hina had said.

"Ano raw?!" Napasinghap din si Gonietta sa kaniyang tabi.

"What are you saying, Hina?" 'di makapaniwalang sabi ni Logan. "Let's go home!"

He was about to hold his sister's hand but the guy intervened. Before Logan could even react, the former landed a blow on his face.

"Logan!"

"Human!"

Kaagad silang napatakbo papalapit nang tumalipon ito. Tumama ang likuran nito sa table. Napatingin din ang ibang mga tao sa paligid dahil sa nangyari.

"Lolo, are you okay?" Tinulungan ni Gonietta na makatayo ang kaibigan.

Nagngingit ang paningin ni Adamas nang makitang dumudugo ang ilong ng lalaki. Muling sumugod ang lalaking nanuntok pero hindi niya ito hinayaang makalapit pa ulit kay Logan at sinalubong ng nakakuyom niyang kamao ang leeg nito.

Sinigurado niyang ang buto nito ang natamaan. Sa lakas ng suntok, lumipad ang lalaki papunta sa counter. Napasigaw ang mga tao. Napatigil din ang tugtugin nang mabasag ang mga bote ng drinks.

"How dare you touch Logan?!" His lips shook in anger.

"Ganiyan nga! Sige, suntukin mo 'yan, Adamas!" sigaw naman ni Gonietta bilang suporta sa kaniya.

Handa na siyang sugurin itong muli pero nagsalita si Logan. Hinawakan nito ang kaniyang braso. "Wait, Mr. Adamas. L-let's get out here. Don't make any more chaos."

"No! I'm going to kill that damn asshole! I will execute judgement on him!" he shouted before glancing at Logan. Natigilan siya nang makita ang sitwasyon ng mukha nito.

Dumudugo pa rin ang ilong ni Logan. Bakas ang pagod sa mukha at nagmamakaawang umalis na lang sila sa club. Not only he was pleading, but there was a huge fear coming out from the man. And it was because of him.

He glanced at Gonietta and the same thing happened. In a spur of a minute, her emotion of support changed into a different color. His words made them shrink in fear. They were afraid of him. He made them remember the thing he did to Aivan.

Their emotion made Adamas back down. Even if he wanted to finish the man, he was afraid he would make a wrong move and make the two humans close to him feel worse.

He looked away. It pained him to see those emotions.

Ilang segundo pa bago siya nagdesisyong maglakad papalapit sa dalawa. Inalalayan niya si Logan na makatayo at maglakad palabas ng club.

Continue Reading

You'll Also Like

9.9K 217 51
UNEDITED CAPTAINS' DUOLOGY #2 Chelseah Claire Cristobal is the daughter of the Mayor. She's almost living her life like a princess as she was born w...
67.6K 432 3
Her name is Cassey Elaine Chavez. A girl who has been bullied by her schoolmates. But by an accident, her life changed. She accidentally entered the...
243K 14.2K 95
In which the presidents from six different sections are caught between a clash and since all of them acts so competitive, expect this fight to not en...
192K 3.8K 48
(COMPLETED) Hera is a strong and independent lady who grew up in the US. Sa murang edad, natutunan niyang tumayo sa sarili niyang mga paa. But her l...