Author's Note (The Villain Se...

By wintertelle

236K 11.7K 3.2K

The Villain Series No. 1 Due to Zero almost wiping out the fictional dimension, Fictosa's system malfunctione... More

The Villain Series
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Winty's Note
Spotify Playlist
Adamas has something to say
Book Details and Booksigning

Kabanata 36

2K 169 28
By wintertelle

MALAPIT nang mag-alas dose nang makauwi si Gonietta kagabi. Tinawagan niya ulit si Logan pero naka-off na ang phone nito. Nag-aalala siya baka nagtampo sa kaniya ang lalaki kaya nag-alarm siya sa kaniyang phone ng 5 AM para puntahan ito kinaumagahan.

Kung bakit kasi nakalimutan niya. Masiyado siyang nawili sa mga piece na nakapaskil sa museum. Nakapunta na siya dati pero may mga bagong dating kaya hindi siya nakahindi kay Zaren. Chance niya na rin iyon upang mas maging malapit sila ni Zaren kaya um-oo siya.

Paggising niya, muntik na niyang maitapon ang phone pagtingin niya sa oras. It was already 6:27. Kanina pa tumutunog ang alarm niya pero ngayon lang siya naggising. Kaagad siyang bumangon at dali-daling lumabas. Mamaya na niya aasikasuhin ang sarili dahil baka 'di niya maabutan si Logan. May class pa naman itong 7:30.

Kumatok siya sa pinto. Naghintay siya ilang saglit bago may nagbukas.

It was Adamas. Nang makita siya ng lalaki, inirapan siya nito.

"What are you doing here?" Bakas sa boses nito ang inis kaya nagtaka siya.

"Galit ka ba? Nandiyan pa si Logan?" Papasok na sana siya pero hindi umalis si Adamas sa pintuan.

Sumandal ito sa pinto. "Yeah. Why? Are you going to apologize?"

"Oo kaya tumabi ka." Tinulak niya ang lalaki pero bigla itong umiwas dahilan para muntikan na siyang mapasubsob sa sahig.

"Gago, muntik na ako--" Natigilan siya nang makita ang kulay ng loob. Napaikot ang kaniyang tingin dahil nagandahan siya sa bagong pinta sa apartment ni Logan.

"Whoa . . ." It was the color she really liked.

Napunta ang tingin niya sa mga naka-pile na libro na nasa maliit na lamesa. Kaagad siyang tumakbo ro'n at nakangangang tiningnan. May katabi rin itong mga art materials na kailangan niya traditionally at digitally.

"Whoa! Para kanino 'to?" Inabot niya ang isang stylus. Ito ang stylus na gusto niyang bilhin dati pero palagi siyang nauubusan ng stock.

"Kanino pa ba? It's obviously for you." Naglakad papalapit si Adamas at naupo sa sofa. Nakasimangot pa rin ang mukha nito.

"Really?" Isang malawak na ngiti ang tumakas sa kaniyang labi.

"Really." He nodded. "We've waited for you yesterday to surprise you but you didn't come."

Nawala kaagad ang ngiti niya matapos iyong marinig.

May tinuro si Adamas kaya sinundan niya ito ng tingin. Sa isang sulok ng apartment, may isang kahon doon na naglalaman ng mga light at balloon. Nag-isip pa siya sandali pero kaagad ding nakaramdam ng konsensya nang mapagtanto kung para saan iyon.

"Logan prepared so much for you. He cooked for you, bought gifts, painted and designed the room. He even asked me to bring Hamitherion yet you didn't show up. And what's your excuse? You forget about it?" Ugali nitong manigaw pero ngayon, hindi sumisigaw si Adamas. Kalmado ang boses nito ngunit bakas sa tono ang lamig. "I don't find your excuse valid. Even if you are my reddy readsy, that doesn't mean I can't be disappointed towards you. You fail me yesterday, Gonietta."

Napayuko siya dahil sa umaapaw na hiyang nararamdaman. Pakiramdam niya'y isang magulang ang nanenermon sa kaniya ngayon.  Adamas was displeased. And it was because of her.

"I'm sorry." She fidgeted. She played with her fingers while continued talking. "Hahabol pa naman dapat ako, e. Pero hindi na ako sinagot ni Logan."

"The meeting time is seven in the evening. Three hours ka nang late." Tumayo ito at naglakad pero tumigil ito sa kaniyang tabi. "You can't expect Logan to keep on waiting for you because he has other things to deal with too. Sana sinabi mo na lang na hindi ka pupunta no'ng maaga pa. Someone's effort would not have been wasted."

Tuluyan na siyang nilampasan nito. Hindi siya nakasagot at nanatiling nakayuko. Napahigpit ang hawak niya sa stylus habang pinipigilan ang sariling umiyak. Hindi naman siya iyakin kaya nakapagtatakang naiiyak siya ngayon. Sigurod dahil sapol na sapol siya sa sinabi ni Adamas at ito rin ang unang pagkakataong pinagsabihan siya nito.

"Gon?"

Narinig niya ang boses ni Logan kaya kaagad siyang lumingon. Nakabihis na ito at mukhang handa nang umalis.

"Lolo, sorry." Nilapitan niya ang lalaki at hinawakan ang braso nito. "Sorry talaga kagabi. Hindi ko talaga sinasadyang kalimutan. Babawi na lang ako sa 'yo. Sabi ni Adamas nagluto ka raw, nasaan? Kakainin ko lahat."

"It's okay. You don't have to. Inubos na rin ni Adamas lahat kaya wala nang natira." Iniwas nito ang tingin at tinuro ang mga libro. "You can also take that. Para sa 'yo lahat 'yan. I hope you'll like it."

"Are you mad? I'm really sorry." Sinubukan niyang salubungin ang tingin nito.

Ngumiti naman si Logan at kaagad na umiling. Isang maaliwalas na ngiti subalit hindi siya natuwa. She didn't like it at all. Mas gusto niya pang sigawan siya nito kaysa itago ang totoo nitong nararamdaman.

"I'm not mad. It's really okay. It's not a big deal." Tinanggal nito ang pagkakahawak niya. "Sige na. Alis na ako."

Mabilis itong naglakad palabas.

"Uy, teka lang!" pigil niya pero hindi nakinig si Logan. Lumabas na ito at iniwan siyang may mabigat na nakadagan sa puso.

What should she do? Hahabulin niya ba? Ito ang unang pagkakataon na hindi siya nakasipot sa mga usapan nila kaya hindi niya alam kung paano siya makakabawi. Alam niyang mali ang ginawa niya. Alam niyang naghihintay ito sa kaniya pero pinili niya pa ring sumama sa iba. Hindi niya rin alam kung bakit hindi sumagi sa isip niya na malulungkot si Logan kapag hindi siya sumipot sa tamang oras.

Siguro dahil masiyado siyang nasanay na palagi lang itong nakasuporta sa kaniya. Kapag nag-aaway sila, palaging ito ang hindi nakatitiis sa kaniya kaya akala niya'y magkakaayos din kaagad sila ngayon. Pumunta siya rito na nasa isipang magiging okay kaagad sila kapag nagpakita siya at humingi ng sorry.

Hindi niya inaasahang iiwasan siya nito. He was supposed to be sulking. That was what he always do. But it wasn't what happened. Instead, he refused to talk to her about what she did and pretended everything was okay. Hindi ito gawain ni Logan kaya nanibago siya.

Bagsak ang mga balikat niyang bumalik sa kaniyang apartment. Tinapon niya ang sarili sa kamay at niyakap ang unan. Biglang kumulo anh tiyan niya sa gutom pero wala siya sa mood na bumangon at magluto.

Siniksik niya na lang ang mukha sa unan. Hindi niya namalayang nakatulog pala siya. Paggising niya, alas dos na ng hapon. Nagrereklamo pa rin ang kaniyang tiyan pero ayaw niya pa ring bumangon.

Nakakatamad.

Biglang tumunog ang phone niya na nasa study table niya. Inabot niya iyon habang hindi pa rin bumabangon.

Pumipikit pa ang mga mata niya habang nagbabasa pero kaagad ding napamulagat nang mabasa kung ano iyon.

It was a notification from their contest. Kaagad niyang binuksan ang shared email nila ni Logan na ginawa nila para lang sa contest na ito.

Greetings,

After evaluating all of the entries for this year's contest, your story is one of the chosen to advance to the final round. Congratulations!

We expect you to pass the 50 episodes four months from now. Good luck, future best seller!

Regards,

The International Comic Industry

Nawala ang katamaran niya sa katawan matapos itong mabasa. Mabilis siyang napabangon habang tumitili.

I knew it! We're going to pass the first round!

Patalon siyang bumaba sa kaniyang kama at dali-daling nagbihis. Pupuntahan niya si Logan sa univeristy upang ibalita ito. Siguradong ikatutuwa ito ng lalaki. Baka nga mas malala pa ang reaksyon nito sa kaniya.

She was excited to see his expression.

Nagsusuot na siya ng kaniyang sapatos nang biglang mag-beep ang kaniyang phone. It was a text message from Logan.

Logan Murikawa Ramirez:
Gon, I saw the email. We passed! Congratulations sa atin.

Here's the script for 50 episodes. I also attached the novel version para ma-visualize mo pa lalo. Ginawa ko na siya kagabi. If you have questions, just leave me a message.

Nawala ang saya na naramdaman niya nang mabasa ang mensahe ni Logan. Nabitiwan niya ang sapatos na hawak-hawak at bumuntonghininga. Logan never once greeted her through text message. Kapag may magandang balita patungkol sa kanilang pangarap, palagi silang nagkikita at doon pa lang mag-ce-celebrate. But seeing his message now, Gon doubted her best friend still wanted to celebrate it with her.

She clicked the call button.

Hindi niya yata kayang lumipas ang isang araw na hindi pa sila magkakaayos kaya gusto niya itong kausapin. Naghintay siyang sagutin ito ni Logan. Ilang ring na ngunit 'di pa rin sinasagot ng lalaki. Naghintay pa siya ngunit bigla itong na-end.

Or should she say, Logan ended it. He didn't answer her.

A message came right after.

Logan Murikawa Ramirez:
I'm sorry. It's time for my next class. Just message me if you need something.

Hindi siya sumagot at tinapon ang phone sa kama. Tinakpan niya ang mukha ng kaniyang mga palad dahil hindi na napigilan ng mga luha niyang tumukas. Pakiramdam niya'y may malaking bagay ang mawawala sa kaniya.

Logan clearly didn't want to talk to her. And she hated that. She hated it more because it was her fault.

Continue Reading

You'll Also Like

1.2K 127 4
Austin Kent Alcantara is already fine living alone. He's already contented with his stable job, and hanging out with his best friend and his family...
55.5K 1.9K 83
Si Lauranie ay nag-iisang anak ng mag-asawa na sina Joseph at Estilla. She lived a luxury life dahil parehong mayaman ang angkan ng kaniyang mga magu...
8.2K 719 41
What happens when a wizard in training summons a succubus? Orphaned at a young age, Merlin wanted nothing more than to avenge his brother. Now that h...
15.8K 902 53
Lisianthus Hibius Crimson, a S-gene, wishes to abolish the treaty that prevents them from communicating with other creatures living in the same count...