Their Long Lost Sister

By lialabspurple

46.9K 1.6K 284

The Fernandez family was thrilled to learn that they would have a princess in their family, especially when s... More

DISCLAIMER
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
AUTHORS NOTE
JAZLEY'S STORY

EPILOGUE

705 24 13
By lialabspurple

Abala sa paghahanda ang pamilya Fernandez dahil ngayon ang araw ng pagtatapos ni Dhianne sa kolehiyo sa kursong kinuha nito.

Hindi mapigilan ng lahat ang matuwa at maexcite sa araw na ito. Sobra din ang proud nila kay Dhianne dahil sa wakas ay makakagraduate na ito.

Kumpleto rin sila sa araw na ito. Hindi nila pwedeng mapalampas ang importanteng araw na ito para kay Dhianne.

Talagang pina-cancel nila ang mga appointments, meetings at kung ano-ano pang kailangan nilang gawin sa araw na ito para lang sa pagtatapos ni Dhianne. Hindi kasi nila hahayaan na hindi nila ito madaluhan.

Sa ilang taon na lumipas ay maraming nangyare. Hindi naman maiiwasan ang mga gano'n dahil parte na ng buhay ang maraming ganap sa buhay ng lahat.

Sa ilang taon rin na lumipas ay naging maayos naman ang pagmumuhay nilang lahat. Walang mga gulong nangyare.

Ang mga kaklase ni Dhianne nang magpaopera siya ng mukha. Nang ibalik sa dati ang mukha niya ay nasanay na rin katagalan na makitang gano'n na ang mukha niya at hindi na katulad ng dati nitong mukha na mukha ni Suzainne na siyang nakikita pa nila noon bago siya magpaopera.

"Is everyone ready?" tanong ni Dianna sa pamilya niya.

Nang sabay-sabay na tumango ang mga ito sa kaniya ay napangiti siya.

"Okay, let's go na. Come here, sweety." sabi nito at malambing na tinawag si Dhianne na malambing rin namang lumapit sa kaniya.

Maingat na hinaplos ni Dianna ang pisnge ng anak. Naiiyak pa nga dahil hindi siya makapaniwalang magtatapos na ito. Na magagawa niyang makapunta sa graduation nito na buong akala niya ay hindi niya magagawa no'ng mga panahong hinahanap pa lang nila ito.

"I'm so proud of you, sweety. Proud na proud kami sa 'yo." sabi ni Dianna sa anak at natawa ang boys ng pamilya nila nang makitang maluha ito. Napairap tuloy si Dianna at hindi na lang pinansin ang mga lalaki.

"Thank you po, Mommy. Don't cry na po, masisira ang make up natin, eh. Naiiyak na rin kasi ako." natatawang sabi ni Dhianne habang pinupunasan na ang pisnge ng ina para alisin ang mga luha nito, gano'n rin naman sa kaniya ang ina niya. Nagpupunasan lang sila ng luha ng isa't isa.

"Oh, so sorry, sweety." natatawang naiiling na sabi ni Dianna.

"Stop the drama na nga." maarteng sabi ni Felix na ikinatawa nila.

"Sus, inggit ka lang kuya, eh. Halika nga, hug na lang kita." sabi naman ni Dhianne at inangat ang dalawang kamay para yakapin ito.

Mabilis pa sa alas kwatrong tumakbo palapit sa kaniya si Felix at mabilis na tinanggap ang yakap niya. Natawa naman siya at mahigpit na niyakap ang kuya Felix niya.

"Hey, kami din!" sigaw bigla ni Jazley at tumakbo na rin palapit sa kanila. Natawa na lang siya ulit, lalo na nang makitang tumakbo na lahat palapit sa kaniya.

Ang ending, nag group hug silang lahat. Kasama na ang magulang nila do'n siyempre. Matapos no'n ay nagkaroon pa sila ng iyakan moments muna tapos nag selfie muna sila bago tuluyang umalis ng bahay nila para pumunta sa lugar kung saan gaganapin ang seremonya ng pagtatapos ni Dhianne.

Pagkarating nila sa venue ay marami ng tao. Magsisimula na rin kasi ang seremonya. Hindi naman maiwasan ni Dhianne ang kabahan.

"Doon na ako, Mom, Dad, kuya." paalam ni Dhianne sa pamilya niya. Magkahiwalay kasi ang upuan ng mga ito sa upuan nilang mga studyante.

"Okie, we are just here. Kukuhanan kita ng pictures! I'm excited!" excited na sabi ng Mommy ni Dhianne na ikinangiti niya na lang.

Bago siya tuluyang umalis sa tabi ng pamilya niya ay muli silang nagyakapan at hinalikan pa siya ng mga ito isa-isa sa noo niya na ikinangiti niya nang malaki.

Matapos ng konting chikahan nila ay pumunta na siya sa mauupuan niya. Sa kanilang magkakaibigan ay si Dhianne ang huling grumaduate ng college. Nauna sa kaniya ang mga kaibigan niya dahil na rin sa late na siyang nag college kaya siya ang huli na dapat ay sabay-sabay sila.

Pero kasabay niya namang grumaduate si Katey at mga kaklase niya kaya hindi naman siya gano'n kalungkot.

"Hi, teh!" masiglang bati sa kaniya ni Katey nang makita na siya nito.

At dahil nga magkasunod lang sila sa alphabetical order sa master list nila ay magkatabi sila ng upuan.

"Low." nakangiting bati ni Dhianne kay Katey at naupo na sa tabi nito.

Agad namang yumakap si Katey sa balikat niya at sinandal pa nito ang ulo sa balikat niya na ikinatawa niya na lang.

"I'm so proud of us! Can't wait to be a doctor hihi." tuwang-tuwa na sabi ni Katey.

"Hmm, ako rin." sabi lang ni Dhianne habang nakatingin sa harap nila.

Alam niyang pagkatapos nilang grumaduate ay marami pa siyang kakaharapin. Alam niyang ilang taon pa ang lilipas bago siya tuluyang maging doctor at hihintayin niya ang araw na 'yon.

Handa siyang magtyaga para sa pangarap niya. Alam niyang hindi ito magiging madali sa kaniya pero para sa pangarap niya ay kakayanin niya.

Hindi rin naman nagtagal ay nag-umpisa na kaya natahimik na sa pagdadaldalan sila Katey at Dhianne, gano'n rin naman ang lahat.

Umalis rin naman sila sa kinauupuan nila dahil need na nilang pumila. Pipila muna kasi sila kasama ang isang parent o guardian nila para pumunta sa upuan nila. Siyempre hiwalay sila ng parent o guardian ng upuan.

Hindi lang sila pumila agad kanina dahil medyo magulo pa kaya naupo na lang muna sila sa upuan nila.

Ang sasama kay Dhianne sa pila ay ang Daddy niya. Gano'n kasi ang napagkasunduan. Lahat ng babae ay tatay ang kasama sa pila at kung wala man ang tatay ay ang nanay na lang. Sa mga lalaki naman ay nanay at kung walang nanay ay tatay. Kung parehas wala ay guardian na lang o kung sino mang pwedeng sumama.

"Hi, Daddy." nakangiting bati ni Dhianne sa Daddy niya ng tumabi na ito sa kaniya.

Nakangiting inakbayan naman siya ng Daddy niya at hinalikan siya sa gilid ng noo niya.

"Big girl ka na. Congrats, my princess." malambing na sabi ng Daddy niya sa kaniya.

"Thank you, Daddy. I love you." she said happily.

"I love you, princess." sabi rin ng Daddy niya at maya-maya lang ay nag-umpisa na. Nagsimula na ang tugtog which is need na nilang magmartsa.

Sa dami nila ay matatagalan ang graduation ceremony nila. Aabutin rin siguro ng tatlong oras. Siyempre, marami pang eme tuwing graduation. Maraming sasabihin ang mga taong nasa stage. May mga speech pa ang mga ito.

Pero hindi maiwasan ni Dhianne ang maexcite at kabahan dahil may surprise siya sa pamilya niya. Hindi niya ito sinabi sa pamilya niya dahil gusto niyang surpresahin ang mga ito.

"See you later again, princess." sabi ng Daddy ni Dhianne nang magkahiwalay na sila.

Hindi niya na 'yon nasagot dahil nakalayo na ito. Umayos na lang siya ng tayo sa harap ng upuan niya ng may malaking ngiti sa labi.

Nang matapos na ang pagmamartsa nila ay nagsimula ng magdasal at kantahin ang lupang hinirang at marami pang iba bago sila tuluyang pinaupo.

Dahil nabored na sila Dhianne sa pakikinig sa harapan ay nagchikahan na lang silang dalawa ni Katey. Hindi na pinagtuunan ng pansin ang pinagsasabi ng nasa harapan.

Nagseselfie na rin silang dalawa habang natawa. Kung ano-ano na talaga ang pinaggagawa nilang dalawa na hindi na nga nila namalayan na isa-isa ng tinatawag ang mga pangalan nila para umakyat sa stage at kunin ang diploma nila.

Hindi rin naman nagtagal ay tinawag na ang pangalan ni Katey at siya na ang susunod. Nakapila silang lahat at kahit sa pila ay ang kulit nilang dalawa.

"Velasco, Katey Maurice S. Magna Cum Laude."

Napapalakpak si Dhianne sa sobrang tuwa nang marinig 'yon. Gusto niya sanang sumigaw ng "Kaibigan ko 'yan!" kaso nahihiya siya kaya pumalakpak na lang siya at mamaya niya na ito yayakapin at babatiin.

Alam naman na niya na Magna Cum Laude ito at ang kaniya. Nagsabihan silang dalawa at hindi nila maiwasan ang matuwa para sa isa't isa. Masaya sila dahil worth it ang pagod nila.

Nang makababa na sa stage si Katey at ang Daddy nito ay siya na ang tinawag at hindi niya maiwasan ang ngumiti nang marinig ang pangalan niya pero ang bilis ng tibok ng puso niya

"Fernandez, Dhianne Louisshana A. Summa Cum Laude."

Bahagya pa siyang nahiya nang marinig ang malakas na palakpakan at sigawan ng lahat.

Ito ang surpresa na tinutukoy niya. No'ng ipinaalam ito sa kaniya ng professor nila ay sobra siyang nagulat. Hindi niya inaasahan na siya ang magiging Summa Cum Laude.

Naiyak pa siya nang araw na 'yon. Sobrang saya nila ni Katey at naexcite siyang ipaalam ito sa pamilya niya. Hindi niya lang pinaalam agad dahil gusto niyang masurpresa ang mga ito. Hindi nga siya nabigo.

"Kaibigan ko 'yan!" malakas na sigaw ni Katey na ikinatawa ni Dhianne pati na rin ng mga nakarinig.

Buti pa siya malakas ang loob na sumigaw. Nasabi pa ni Dhianne sa isip niya.

"Oh my gosh!"

"Fuck!"

"That's our sister!"

Magkakasabay na react ng pamilya ni Dhianne. Hindi sila makapaniwala sa narinig. Sobra silang nagulat dahil hindi nila ito alam. Wala naman kasing sinabi si Dhianne sa kanila.

Nang tuluyan ngang magsink-in sa utak nila ang narinig ay hindi nila maiwasan ang mapaluha sa sobrang tuwa at proud sa nag-iisa nilang prinsesa. Kahit sila Jhacey ay napaluha.

"Ang galing naman ng prinsesa natin, nakaka proud." naiiyak na sabi ni Alfred.

Natigilan lang siya nang hampasin siya ni Dianna habang puno na rin ng luha ang mukha nito. Nagtataka niya itong tiningnan.

"Why?" takang tanong niya sa asawa at bahagyang pinunasan ang luha niya pati na ng asawa niya.

"Puntahan mo na ang anak mo. She's waiting, need mo siyang samahan sa stage para isuot sa kaniya 'yung medals niya." sabi ni Dianna sa asawa na ikinatawa lang ng mga anak nilang lalaki.

"Oh, oo nga pala, sorry." natatawang sabi ni Alfred at tumayo na sa pagkakaupo niya para lapitan si Dhianne na naghihintay nga sa kaniya sa pila.

Buti na lang hindi sila gano'n kalayo kaya agad niyang nalapitan si Dhianne. Niyakap niya ito agad sa sobrang tuwa.

"Ginulat mo kami, princess. I'm so proud of you! We didn't expect this because wala ka namang sinasabi sa amin, but anyways I love you." masayang sabi niya sa anak at hinalikan ito sa noo.

"I love you, Dad hehe. I just want to surprise you lang naman, Dad hehe. Let's go na." sabi ni Dhianne at hinalikan pa muna siya sa pisnge bago niya ito hinawakan sa kamay nito at sabay silang naglakad paakyat sa stage.

Masyado na silang nagtatagal sa pila kaya kailangan na nilang umandar dahil baka may magalit na. Kailangan pa naman na mabilis ang kilos.

Pag-akyat sa stage ay nakipagkamay sila sa mga taong nando'n at matapos ibigay ang diploma kay Dhianne ay inabot naman kay Alfred ang medals na isusuot niya kay Dhianne.

Ngunit napakunot ang noo ni Alfred nang pigilan siya ni Dhianne sa pagsuot niya ng medal dito. Kinuha ni Dhianne ang medals kay Alfred at kay Alfred niya ito isinuot.

Napaawang naman ang bibig ni Alfred sa gulat. Hindi niya inaasahan ang ginawa ni Dhianne.

"I love you, Dad. Later sila Mommy naman ang susuutan ko ng medal. Marami akong medals, eh. Sa ngayon sa 'yo muna 'yang mga 'yan." natatawang sabi ni Dhianne.

Marami talaga siyang medal dahil may iba pa siyang achievements. Hakot medals nga siya. Hindi niya tuloy maiwasan ang mahiya. After kasi sabihin na Summa Cum Laude siya ay sinabi na rin ang iba niya pang achievements at ibinigay sa Daddy niya ang medals.

Hindi na nagawa pang magsalita ni Alfred dahil hinila na siya ni Dhianne sa pinakagitna ng stage para mag picture. After ng picture taking sa stage ay bumaba na sila.

Hinalikan pa muna niya sa pisnge ang Daddy niya bago siya humiwalay dito. Hanggang sa makabalik rin si Alfred sa kinauupuan niya ay tahimik pa rin ito.

"Laugh trip mo sa stage, Dad." natatawang asar ni Jazley kay Alfred.

"Ang sweet talaga ng princess natin." nakangiti na lang na sabi ni Dianna at hindi na pinansin ang mga lalaking katabi niya.

Simula ng malaman nilang Summa Cum Laude si Dhianne ay hindi na mapigilan ni Dianna ang umiyak. Sobrang saya niya lang talaga.

Lahat naman ng anak niya ay may degree. Hindi naman sa pagmamayabang, pero lahat ng anak nila ni Alfred ay grumaduate ng Summa Cum Laude na never nilang inasahan.

Alam niyang matatalino ang mga anak nila at alam niyang kaya ng mga ito na maging Summa Cum Laude kung gugustuhin ng mga ito. Hindi lang talaga niya inaasahan na lahat sila ay gagraduate ng Summa Cum Laude.

Sobrang swerte niya sa mga anak nila. Kahit naman wala ang mga itong degree ay ayos lang sa kanila basta masaya ang mga ito. 'Yun lang naman ang mahalaga sa kanilang mag-asawa.

Bago tuluyang matapos ang graduation ceremony nila Dhianne ay nag Summa Cum Laude speech pa muna siya. Lahat ay natuwa sa speech niya at hindi nga napigilan ng iyakin niyang nanay ang muling mapaiyak.

Hindi rin naman gano'n kahaba ang speech niya pero sinigurado niyang may silbi ang speech niya at sa sobrang may kasilbihan ito ay halos napaiyak niya ang mga ka-batch niya at mas binigyan niya ang mga ito ng motivation para magpatuloy lang sa kanilang mga pangarap.

Hindi rin naman nagtagal ay natapos na ang kanilang graduation ceremony kaya nagsama-sama na sila ulit.

"Congrats, princess!" masayang salubong ng lalaking magkakapatid sa prinsesa nila.

Masaya rin naman silang sinalubong ni Dhianne ng yakap. Nag group hug silang magkakapatid.

"Thank you, kuyas." masayang sabi ni Dhianne pagkatapos nilang magyakapan.

"Nakaka proud ka, princess." buong galak na sabi ni Shawn.

"Sobrang saya namin for you, princess." sabi naman ni Vaxton.

"I love you all!" sabi na lang ni Dhianne nang may malaking ngiti sa labi.

"Okay, selfie na!" hiyaw naman bigla ni Felix kaya natawa sila sa ginawa nito.

At ayun nga, nag selfie na sila at matapos ng ilang takes ay kinuha ni Dhianne ang ibang medals na sinuot niya sa Daddy niya at isa-isang sinuutan ang pamilya niya.

Kita naman ang pagtataka at pagkunot ng noo ng mga ito dahil sa ginawa niya.

"I'm proud din po sa inyo! Deserve niyo po 'yang mga medals ko hehe. Picture na po tayo ulit." masayang sabi niya.

"Aw, sobrang sweet mo talaga, sweety. I love you." malambing na sabi ni Dianna sa anak at niyakap ito.

"Thank you, princess." sabi lang ng mga kuya niya.

Matapos nga ng moment nilang 'yon ay muli silang kumuha ng picture habang lahat sila ay nakasuot ng medal.

Puro lang sila picture. Kanina pa man ay kinukuhanan na talaga ni Dianna si Dhianne ng picture. Gusto niyang marami itong pictures sa araw ng graduation nito.

"Dhianne! Congrats! Baka Summa Cum Laude namin 'yan!" hiyaw bigla ni Katey kaya natatawang nilapitan niya ito para yakapin.

"Congrats din, Katey! I'm proud of you too!" tuwang sabi niya rin kay Katey matapos ng yakapan nila.

"Katey! Congrats! Baka bb ko 'yan!" biglang sulpot naman ng kuya Felix niya na ikinatawa niya.

"Thank you, bb!" tuwang sabi rin naman ni Katey at nagyakapan na nga ang dalawa na ikinailing lang ni Dhianne.

May relasyon na kasi ang dalawa. Tatlong taon na rin ang dalawa at support naman sila sa dalawa. Sobrang saya nga ni Dhianne nang malaman na may relasyon na ang dalawa.

Bago sila tuluyang umalis sa venue ay nagpicture picture muna sila kasama si Katey. Hindi naman pwedeng wala silang picture ni Katey.

Hindi naman nakadalo ang iba nilang kaibigan dahil hindi na pwede. Bilang lang kasi ang pwedeng dumalo sa graduation nila kaya no choice sila kung hindi sa isang restaurant na lang maghintayan.

Nagpaserve kasi ang pamilya ni Dhianne ng restaurant. Doon sila magcecelebrate. Sa restaurant na pinareserve ng pamilya ni Dhianne na lang nila Josephine hihintayin ang mga ito.

Kahit na gusto nilang pumunta sa graduation ni Dhianne ay hindi talaga pwede kaya wala talaga silang magagawa kung hindi ang hintayin na lang talaga ang mga ito sa restaurant.

"Dhianne cutie! Our Summa Cum Laude! Congrats!" agad na bungad ni Josephine nang makitang pumasok na sa restaurant sila Dhianne.

Tumakbo pa ito palapit kay Dhianne at niyakap ito nang mahigpit na ikinatawa ni Dhianne.

"Congrats, bebe! I'm so proud of you, ghorl!" tuwang-tuwa na sabi ni Josephine at kinurot-kurot pa ang pisnge nito.

"Thank you, Josephine." sabi ni Dhianne at binalingan si Flawrence na may hawak na bulaklak na inabot naman sa kaniya.

"Congrats, our Summa Cum Laude." ngiting bati ni Flawrence matapos iabot ang bulaklak kay Dhianne.

"Thank you, Flawrence." pasasalamat ni Dhianne.

"Hoy, ako, walang bulaklak? Grabe kayo sa 'kin. Magna cum laude kaya ako!" biglang sulpot ni Katey na ikinatawa nilang lahat.

"Meron, teh. Kalma ka lang. Oh, ayan na." natatawang sabi ni Josephine matapos iabot dito ang isa pang bulaklak.

"Parang labag pa sa loob, ah." sabi naman ni Katey habang inaamoy-amoy 'yung bulaklak.

"Hindi kaya. Binigyan ka naman na ng bulaklak ng jowa mo, naghanap ka pa sa 'min." irap na sabi ni Josephine na ikinatawa na naman ng lahat.

Totoo kasi 'yon. Binigyan na siya ni Felix ng bulaklak. Mas maganda nga ang bulaklak na bigay nito. Halatang pinaghandaan pa.

"Edi wow na lang." sabi lang ni Katey at umirap din.

"Anyways, congrats, ghorl! Proud din kami sa 'yo " sabi ni Josephine at sinambunutan pa ang gaga dahil sa gigil.

Hindi naman sobrang lakas na ikinatawa naman ng lahat, lalo na ng biglang sumulpot si Felix para awatin si Josephine. Tatawa-tawa lang naman si Josephine dahil sa kabaliwan.

"Tama na 'yan, kumain na tayo." natatawang sabi ni Dianna.

At 'yun nga, pumwesto na sila para makakain. Sila-sila lang naman. Kasama na nila ang magulang ni Katey para sabay na sila ng celebration.

Habang nakain sila ay nagkwekwentuhan lang sila ng kung ano mang maisipan nila.

Habang nakikinig naman si Dhianne sa mga ito ay hindi niya maiwasan ng mapangiti. Hindi niya lubos na naisip na magiging ganito kalaki ang pamilya niya. Na magiging ganito siya kasaya.

Hindi niya inaasahan na magiging masaya pa siya matapos ng nangyare sa Mama niya na umampon sa kaniya at sa ginagawa sa kaniya ng tatay-tatayan niya noon.

Hindi rin niya maiwasang malungkot nang maalala ang tatay-tatayan niya. Bago pa man kasi ito makalaya ay namatay na ito.

May sakit na pala ito at hindi nagsasabi at dahil hindi nagsasabi ay malala na pala ang sakit nito at hindi na naagapan kaya namatay.

Sobra ang lungkot ni Dhianne nang malamang namatay na ito. Gusto pa naman talaga niya itong makasama pa at makapag bonding pa sila kaso pinagkaitan sila. Parang pinagtagpo lang sila ulit para magkaayos.

Nahinto lang sila sa pagtatawanan nang may biglang batang babae ang sumulpot at kinalabit si Jazley. Nasa gitna kasi sila ng pagtatawanan na ng may batang babae na bigla na nga lang sumulpot.

"Hello po." cute na bati nito kay Jazley.

Lahat naman silang nasa mesa ay natigilan nang matitigan ang batang babae.

Si Jazley naman ay magkasalubong na ang kilay. Biglang bumilis ang tibok ng puso dahil sa kaba. Habang ang magulang nila ay tahimik lang na pinagmamasdan ang batang babae.

Ang ibang kapatid ni Dhianne na lalaki ay nakaawang lang ang labi habang nakatitig lang din sa batang babae.

"Pwede po ako kandong sa 'yo?" tanong pa ng bata at walang pagdadalawang isip na binuhat ni Jazley ang bata para iupo ito sa kandungan niya.

Hindi niya alam kung bakit ginawa niya ang tanong ng bata. Tahimik lang naman na nanonood ang lahat ng nasa mesa.

"W-who are you, kid?" kinakabahang tanong ni Jazley sa bata. Napanguso naman ang bata at mukhang iiyak pa kaya nataranta naman si Jazley.

Kahit si Dhianne ay nataranta dahil kita nilang lahat ang pamumula nito, hudyat na iiyak na nga. Hindi pa man nakakapagsalita si Jazley para muling magtanong ng umiyak na nga ang bata ng magsalita na ulit ito.

"I hate you! Bakit hindi mo ako kilala? I'm Kheina Kate, your daughter!" iyak nito na nagpatigil sa lahat at dahilan para maibagsak ni Dianna ang hawak na baso at mabasag ito saka ito nagsalita habang sapo ang dibdib.

"Jusko mahabagin."






End

12.31.22
Saturday

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 61K 39
Millie Ripley has only ever known one player next door. Luke Dawson. But with only a couple months left before he graduates and a blackmailer on th...
21.5K 741 7
Five times Ohm were able to catch Fluke everytime he's being clumsy and falls, and the one time he didn't. (Title is from Harry Style's Falling. Thi...
731K 2.7K 66
lesbian oneshots !! includes smut and fluff, chapters near the beginning are AWFUL. enjoy!
17.5K 358 9
"Family is supposed to be our safe heaven. Very often. It's the place where we found the deepest heartache" Highest Rank rank obtained as of (12-20...