Childhood Sweetheart | STALKE...

Por riyazyn

2.6K 75 4

[COMPLETED] STALKER #1 "Are you really a stalker of mine?" "Um, y-yeah..." **** Date Started: April 2022 Date... Más

Author's Note
WORK OF FICTION
SYNOPSIS
Prologue
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
Special Chapter
Special Chapter 2
Epilogue

13

52 1 0
Por riyazyn

Chapter 13

Athena

Dumaan ang ilang mga araw mula nung naging kami. Palapit ng palapit ang midterm kaya naman nagiging busy na kami parehas. Ako busy sa school siya naman busy sa trabaho niya, alam kong engineer na siya dahil nakapasa siya sa exam. Pero wala rin namang araw na hindi kami magkasamaㅡI mean, kahit gaano ka-hectic ang schedule naming dalawa, naghahanap at naghahanap kami ng time para sa isa't isa at masaya ako dun.

"Hey..." Anang tinig sa likuran ko. Hindi ko masyadong binigyan ng pansin yun dahil maya't maya kong finafamiliarize ang mga nireview ko kagabi plus napuyat pa ako kaya medyo masakit ang ulo ko. Napatigil nalang ako ng may yumapos sa bewang ko kaya napaharap ako. "Babe, you okay?" Kita ko ang pag-aalala sa mukha niya.

Teka, anong ginagawa niya dito sa school namin?

"What are you doing here?" Pag-iiba ko ng usapan. Ayokong ipakita sa kanya na hindi okay ang pakiramdam ko dahil alam kong mag-aalala lang siya at baka hindi na naman siya papasok sa trabaho niya gaya nung isang araw. Nagkaroon ako ng dysmenorrhea which is normal lang sakin kapag dinadalaw ako pero siya alalang-alala kaya hindi siya pumasok sa trabaho niya ng dalawang araw dahil na rin inaasikaso niya ako.

"To give you these..." Ipinakita niya ang nakatake-out na pagkain. Natawa ako. "Maganda to sa memorya para naman masaulo mo lahat ng nireview mo." He smiled kaya napangiti narin ako.

"Wow, thank you. Ang swerte ko naman."

"Oo pero mas maswerte ako." Hinalikan niya ang buhok ko. "Ilang oras vacant mo?"

Tumingin ako sa relo ko. "45 minutes nalang ang meron ako tapos exam na namin for next subject."

"Goodluck babe, kaya mo yan. Ako yata ang inspiration mo."

Natawa ulit ako at napailing sa kahanginan niya. "Yeah, thanks babe. Bumalik kana, baka may trabaho ka pa."

"Ah yeah, sunduin kita mamaya."

"Wag na. Magpahinga ka nalang ng deretso alam kong pagod ka mamaya kaya wag na."

"Butㅡ"

"No buts! Kaya ko ang sarili saka para namang eto ang first time na magcocommute ako." Sabi ko pero bakas parin sa mukha niya ang pagtutol pero kalauna'y napabuntong-hininga siyang tumango.

"Call me when you get home." Aniya na tinanguan ko lang.

"Take care, babe."

"Ikaw ang mag-ingat." Sabi niya bago ako hinalikan sa noo.

"Opo! Sige na, magrereview pa ako." Sabi ko kaya umalis na siya.

Nang mawala na siya ay napabuntong-hininga ako at nakangiting pinagmasdan ang pagkaing dala niya. Ang swerte ko talaga...

Nagpatuloy ako sa pagrereview habang kinakain ang mga pagkain. Kahit papano ay bumuti ang pakiramdam. Ewan ko ba pero napapansin kong napapadalas ang pagsakit ng ulo ko. Hindi man araw-araw pero ilang beses naman kapag sumakit sa isang araw. Minsan nga iniisip kong magpacheck-up dahil wala naman akong sakit pero iniisip ko ring baka dahil sa init ng panahon. Sobrang init kasi dito sa Pilipinas kumpara sa Australia kaya siguro naninibago ako sa temperatura.

****

Hay sa wakas natapos din ang exam namin ngayong araw. Naglakad ako sa hallway habang sapo ang batok kong kanina pa nangangalay dahil sa pagyuko.

"Astheria!" Nagulat ako ng may kumalabit sakin. Nakita ko ang isang magandang babae na may color pink na nakahighlight sa buhok niya.

"Um... I'm sorry I'm not Astheria." Sabi ko agad dahil gusto ko ng makauwi at humiga.

"Dahil ikaw si Darna?" Dugtong niya agad. "Duh, alangan namang naging si Darna ka bigla?" Magiliw na aniya at kinaladkad pa ako.

"I'm sorry but I'm saying the truthㅡ"

"Nikole!" Napahinto kami dahil sa boses ni Astheria na nakasigaw na nasa harapan di kalayuan samin. At naramdaman ko ang pagkatigas ng babaeng nakahawak sa braso ko. Nikole ata pangalan.

"H-Huh?..." Tila hindi siya makapaniwala sa nakikita niya. Pabalik-balik ang tingin niya saming dalawa ni Astheria hanggang sa unti-unting binitawan niya ang braso ko at parang tuod na lumayo sakin. "A-Astheria..."

"Gaga ka, kanina pa kita hinahanap!" Lumapit si Astheria samin. She smiled at me. "Hey, sis!" Hinarap niya si Nikole. "So, nakita mo na ang kambal ko."

"K-Kambal? May kambal ka?" Gulat parin yung babae. At tila nahihiya dahil sa inakto niya kanina sakin dahil sa pag-aakalang ako so Astheria. Hmm.. mukhang maraming maging close ang kambal ko ah! Good for her.

"Yes, I have a twin sister, Athena. Sis, si Nikole naging kaibigan ko siya dito." Pagpapakilala ni Astheria.

Nilingon ko yung Nikole at masuyong nginitian. "Hi, Nikole. Nice to meet you."

"H-Hi, Athena. I'm sorry kanina..." Nahihiya niyanv usal.

"No worries. Napagkamalan mo lang ako na si Astheria." Nagkamay kami.

"Ang laki nga talaga ng school na'to, kasi sa araw-araw na pumapasok tayo hindi man lang kita nakita." Aniya.

Natawa ako. "Yeah right. Kasalanan din ng kambal ko kung bakit hindi niya sinabi sa inyo na may kakambal siya." Sabi ko sabay tingin kay Astheria na nakasimangot.

"Eh gusto ko ngang malaman nila in a different way. I-prank, ganun!" Ani Astheria. Natawa nalang kami. "How's your exam?"

"Okay naman. Una nako sayo sis, gusto kong bumawi ng tulog." Paalam ko.

****

"Salamat po, kuya." Sabi ko pagkababa sa taxing sinakyan ko. Nasa tapat na kami ng building ng condominium namin.

Tumalikod ako sa taxi at nagsimulang maglakad pero isang hakbang palang ang nagagawa ko ng umikot ang paningin ko at sumakit ang ulo ko.

"Ma'am, ayos lang po ba kayo?" Anang guard ng building.

"Yes, kuya. Medyo nahilo lang." Sabi ko pero bigla nalang nandilim ang paningin ko kasabay ng pagbagsak ko.

****

"Fvck! Please, baby, wake up. You're making me worry!" Anang tinig na nakapagpagising ng diwa ko.

Minulat ko ang mata ko. "H-Hey..." Mahinang sambit ko. Agad naman niya akong dinaluhan.

"Bakit hindi mo sinabi sakin?" Aniya na may halong galit at pag-aalala. "You're sick mula pa pala kanina and yet you didn't bother to tell me!" Para siyang tatay ko na pinagalitan ako.

"Sick? I am not sick." Dahan-dahan akong umupo na inalalayan naman niya agad. Tumingin ako sa kanya kaya kita ko ang sama ng tingin niya.

"You're not sick? So normal lang ang init mo? Normal lang ang pagkahimatay mo, ganun ba yun?" Galit talaga siya. Napanguso ako. "Drink your meds, dadalhin kita sa ospital ngayon din."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. "What? Hindi na kailangan, pagod lang to. Konting pahinga lang ang kailangan ko."

"Athena..." He said in a warning tone. "Dadalhin kita sa ayaw at gusto mo!"

"Babe, I'm okay, really. Wala namang klase bukas kaya makapagpahinga ako ng maayos. Wag ka ng mag-alala, hmm?" Inabot ko ang kamay niya.

"How can I do that? Hindi mawawala ang pag-aalala ko because you're a stubborn girl!" Napasimangot ako. Naramdaman kong tumabi siya sakin. "Here, drink this."

"Hindi mo na ako dadalhin sa ospital?" Nginitian ko siya ng matamis.

Tiningnan pa niya ako ng mataman bago dahan-dahang tumango. "Pero kapag hindi ka parin gumaling, dadalhin kita, okay?" Naging malawak ang ngiti ko habang tumango-tango. Ininom ko din agad ang gamot. "Kung sana sinundo kita sa school niyo, edi naisugod kita agad sa ospital." Patuloy pa niya. "Buti nalang talaga si Manong Guard nakakita sayo!"

"Babe, I'm okay now. Maybe naninibago lang sa init ng panahon." Pagkukumbinsi ko.

"Take a rest." Aniya at pinaayos ako sa paghiga saka ako kinumutan. "Matulog ka ulit para mas lalong makapagpahinga ka."

"Wait, si Skier?"

"I don't know, wala na siya dito kanina but I texted him using your phone para hindi siya mag-alala." Sagot niya saka hinaplos ang buhok ko. Asan naman kaya ang pinsan kong yun? "Rest na, hmm?"

Naramdaman kong hinalikan niya ang noo ko pagpikit ko. Maya-maya pay narinig kong tumunog ang cellphone niya.

"Hello?" Nakinig lang ako sa kanya. "What? And why is that? Okay, I'm coming over. Make sure you bring Engr. Valdez to my office, understand?" Yun lang ang narinig ko dahil kinain na ako ng antok dala siguro sa sakit ko.

****

Nagising ang diwa ko dahil naramdaman kong may yumugyog sa balikat ko.

"Hey babe, wake up." Rinig kong boses ni Daren habang nakapikit parin ako.

"Mmm..." Naiusal ko habang unti-unting minumulat ang mata ko.

"Let's eat, hindi pwedeng malipasan ka ng gutom. And after that, iinom ka naman ng gamot." Inihilig niya ako sa headboard pero nagtaka ako ng maramdamang flat ang nahiligan ko.

Nanlaki ang matang pinalibot ko ang tingin sa kwartong kinaroroonan namin. Hindi naman ganito ang kwarto ko. "Nasan tayo? Hindi ito ang condo ko."

"Hindi naman talaga dahil andito tayo sa site kung san ako kasalukuyang may project. Nandito tayo sa office ko." Aniya habang hinanda ang pagkain namin.

Tumango ako. "Ahh, akala koㅡwait, what??" Naisigaw ko matapos ma-process ang sinabi niya. "Y-You mean..."

"Yes babe, I brought you here dahil ayokong mawala ka sa paningin ko. Paano nalang kapag naulit ang nangyari kanina na nahimatay ka?" Patuloy pa rin niyang inasikaso ang pagkain namin. "Eat this, masustansya lahat to."

"Daren, bakit naman kailangang dalhin mo pa ako dito? I'm feeling better now kaya naman ayos lang na iwanan mo ako sa condo kung may trabaho ka. Ano nalang ang sasabihin ng ibang katrabaho mo?" Mahinang usal ko. Mahirap na baka marinig sa labas ang pag-uusap namin.

Andito kasi kami ngayon sa mini office niya at sa labas mismo ay dun nila tinrabaho ang project nila na malaking bahay.

"Babe, wala akong pakialam sa sasabihin nila, sayo lang ako may pakialam. Dinala kita dito kasi nag-aalala ako sayo at ayokong iwanan kang mag-isa knowing na may sakit ka. Kaya nung malaman ko kanina na palpak ang trabaho ni Engr. Valdez, dinala na kita agad pagpunta ko dito." Medyo naiinis na usal niya. "Kung ayaw mo, I understand, ipapahatid nalang kita pabalik. Eat." Pagkatapos nun lumabas na siyang office niya.

Paktay! Nagalit ko ata. Hays, ano ba Athena! Ikaw na nga inalala ng boyfriend mo, nag-iinarte ka pa! Pasalamat ka nga't may boyfriend kang kagaya ni Daren! Pasimpleng sigaw ko sa sarili ko.

Minadali ko ang pagkain at ininom ang gamot. Nang natapos ay tumayo ako dahil naging maayos na rin naman ang pakiramdam ko. Kaya nung papalabas na sana ako, nakaramdam ako ng panlalagkit sa katawan dahil na rin pinagpawisan ako kaya naligo muna ako sa paligoan slash CR na nandun lang sa office niya.

"Kailangan kong bilisan para mapuntahan agad siya." Mabilis ang naging paggalaw ko pero napahinto rin ng maalalang wala nga pala akong damit na maisuot. "Stupid! Bat ba hindi ko naisip yun?" Napapikit nalang ako ng mariin sa katangahan ko. "Pano ako lalabas nito?" Kahit na ganun, tinapos ko pa rin ang pagligo ko.

"Miss Athena? Andito ba kayo?" Rinig kong sigaw sa labas. Kaya dali-dali akong nagtapis ng tuwalya.

"I-I'm here!" Sigaw ko para marinig niya ako.

"Miss Athena, nautusan lang ako ni Engr. Alonzo na tingnan kayo. Ako nga pala si Engr. Escudero." Sigaw niya pa rin dahil di ko binuksan ang pinto. "Sige po!"

"Wait lang po, Engr!" Desperadang sigaw ko. "Um... alam ko nakakahiyang sabihin peroㅡ"

"Teka, anong ginagawa niyo jan? Naliligo ba kayo?" Pagputol niya sa sasabihin ko.

"Yeah, and I don't have anyㅡ"

"Ay puntahan ko muna si Engr.!" He cut me off again. Di ko maiwasang mainis. Palagi niyang pinuputol sasabihin ko!

Naging tahimik sa labas kaya naman, umupo nalang ako sa bowl na nandun at nagmukmok.

Nakarinig ako ng mga yabag ng para kaya napatayo ako. Sa isang iglap, naging excited ako sa pag-aakalang si Daren na yun.

"Babeㅡ"

"Naku, Miss Athena, sobrang busy po ni Engr. Kasalukuyan kasi niyang tinrabaho ang mga ding ding na gumuho dahil sa kapalpakan ni Engr. Valdez." Ani Engr. Escudero. Napasimangot ako. Galit nga siya...

"Ganun ba?" Mahinang usal ko.

"Yes Miss. Sabihin mo nalang sakin ang kakailanganin niyo."

"Um.. g-gusto ko kasing magbihis kaya lang... n-nakalimutan kong wala nga pala akong dalang damit."

"Dontyawori, Miss. Laging nakahanda si Engr. Alonzo. Kanina habang tulog pa po kayo, umalis siya saglit para bilhan kayo ng gamit." Nakaramdam naman agad ako ng ginhawa.

"Talaga?"

"Yes, Miss. Andun lang sa table. Gusto mo kunin ko ibigay sayo?" Aniya na ikinalaki ng mata ko.

"No, no, no! I mean, ako nalang Engr."

"Nagpanic naman agad kayo. Siguro iniisip niyo na baka masilipan ko kayo no?" Tudyo niya na mas lalong ikinalaki ng mata ko. "Ay wag kayong mag-alala, Miss. Parehas tayo ng gusto, malaking hotdog. Binabae po ako!" Napanganga ako sa sinabi niya. "Sa tingin niyo talaga hahayaan ng boylet mo na may makapasok ditong ibang lalaki knowing na andito ang girlet niya? Hahahaha!" Napangiwi na talaga ako.

"Ah hehehe... h-hindi naman yun ang iniisip ko." Kahit papano ay nakahinga ako ng maluwag dahil bakla pala siya. Dahan-dahan akong lumabas at mas nagulat ako ng makita ko ang istura niya. Oo bakla siya pero hindi ko inisip na ganito siya kalantad. Ang pula ng mga pisngi niya kasingpula ng labi niya. Nilagyan niya siguro ng liptint kaya ganun kapula ang pisngi niya.  Alanganin akong ngumiti "Mabuti naman pala at hindi istrikto dito." Sabi ko nalang.

"Yes mader, buti nalang nailalantad ko ang pagkakababae ko. Ayos naman sa kanila, hindi ko naman din sila nilalandi hehehe.." natawa ako sa iniasta niya. "Ay gora na ako ha? Baka majombag na ako ng boylet mo HAHAHAH!"

Nagbihis ako ng dahan-dahan lang dahil kahit maayos na ang pakiramdam ko andun parin ang bigat ng ulo ko. Pagkatapos lumabas na ako.

"Teka, anong oras na ba?" Napatingin ako sa relo ko nang makitang madilim na ang kalangitan. "7:27 na pala. May trabaho pa rin sila?" Ganun ba yun?

Hinanap ko si Daren habang naglakad ako ng dahan-dahan. May ilaw naman dahil nga nagtatrabaho parin sila. Patuloy ako sa paghahanap niya hanggang sa namataan ko siyang nakatalikod habang nakatanaw sa itaas.

"Baba mo pa, hindi pa rin pantay." Rinig kong sabi niya habang nakatanaw parin sa itaas. "Stop! Yan, pantay na." Napangiti ako sa kaseryosohan ng mukha niya. Oo nga pala, nagalit ko siya kanina. Dapat may gawin ako.

Plano ko siyang yakapin mula sa likod saka lambingin siya. Napangiti ako sa naisip ko at naglakad ng dahan-dahan.

Pero napalis ang ngiti ko ng may lumapit sa kanyang babae at tumawa pa siya habang tinapik ang balikat niya. Napasimangot ako.

Yumuko ako at sinipa-sipa ang maliit na batong nandun. May respeto naman ako kaya hihintayin ko nalang na matapos silang mag-usap.

"Are you free tonight, Engr. Alonzo?" Rinig kong tanong nung babae. Sino kaya siya? Ang ganda pa naman niya.

Nakayuko lang ako habang nakikinig ang tenga ko lalo na sa kung anong isasagot ni Daren sa babae. Siguro sasabihin niyang oo free siya. Hindi ko maiwasang mainis sa isiping yun. Ngunit, makalipas ang ilang minuto wala parin akong marinig na kahit ano kay Daren. Wow, pinag-isipan talaga! Edi bahala kayo!

Paalis na ako nang may biglang humawak sa kamay ko at naglagay ng jacket sa balikat ko. Nanlaki ang mata kong napaangat ng tingin. "Bakit ka andito sa labas? Masyadong malamig!" Seryoso ang mukha niya.

"Uh-Um... wala naman kasi akong ginagawa sa loob kaya hinanap kita." Pahina ng pahina ang boses ko.

"Ihahatid na kita pauwi kung gusto mo." Tampo parin talaga!

"Baby, sorry na..." Ngumuso ako. "Hindi yun ang intensyon ko, okay? A-Ayoko lang namang makaabala sa trabaho mo." Sabi ko habang nilalaro ang daliri ko.

"Abala? Kelan ka ba naging abala, Athena? Hinding-hindi mangyayari yun kaya wag mong isipin yan!"

"Oo nga, sorry na nga eh..." Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kamay niya.

Bumuntong-hininga siya. "Wag mo ng isipin yun. You should rest." Naging mahinahon na ang boses niya.

"Engr. Alonzo, sino siya?" Biglang may sumabat kaya napalingon kami parehas ni Daren. Oo nga pala, andito yung babae nakalimutan ko.

"Architect Sarosa, meet my girlfriend, Athena." Pagpakilala ni Daren. "Babe, she's Architect Loren Sarosa. Siya ang architect na naging partner ko sa project nato." Hinawakan ni Daren ang bewang ko kaya medyo nailang ako kay Architect Sarosa.

"Hi, Architect. Nice to meet you." Nagdadalawang-isip pa ako na itaas ang kamay ko para makipagkamay. Pero nakita kong nangunot ang noo ni Architect.

"Girlfriend? I thought you don't have a girlfriend?" Inisnab niya ang kamay ko at deretso ang tingin niya kay Daren kaya hinawakan nalang ni Daren ang kamay kong nakaangat sa ere. "Kanina mo pa nga sinabi, Engineer."

Napataas ang kilay ko at napatingin kay Daren. Ah ganun? Sinabi niyang single siya, ganun ba yun?

"What the hell, Architect? Wala akong sinasabing ganyan!" Galit bigla ang tono ni Daren. Teka, ano bang sinasabi ni Architect?

"Just kidding!" Napanganga ako kay Architect matapos sabihin niya yun tapos sinundan pa niya ng tawang parang nababaliw na siya.

"Babe, okay lang ba siya?" Pasimpleng bulong ko kay Daren.

"Don't mind her. Let's go inside. And Architect, to be answered what you asked earlier, no, I'm not free tonight. Let's go, babe." Hinila niya ako at habang naglalakad kami papalayo ay di ko maiwasang sulyapan si Architect Sarosa pero nagulat ako ng nakatingin siya sakin ng pagkasama-sama na para bang gusto niya akong burahin sa mundo gamit ang mga titig niya.

Napalunok akong napaiwas ng tingin hanggang sa nakapasok kami.

****

"Oh my god, Kaede kumusta ka na?" Niyakap ko agad si Kaede pagkakita sa kanya.

"Heto, maganda pa rin parehas tayo." Aniya na nakapagpahalakhak samin. Nag-apir pa kaming dalawa. Andito kasi siya sa condo ko ngayon, binisita niya ako. "Guess why I am here?"

"Mukhang may good news ka ah! Spill it, please." Excited kong sabi. Pinakita niya ang daliri niya kaya napanganga ako ng makitang may suot siyang singsing na diamond. "Owemjii!!! Really? Kelan pa?"

We both giggled at nakita kong parang naging heart ang mga mata niya. "He proposed to me last week, biglaan nga eh hindi ko inexpect."

"Wow, I'm so happy for you girl! Kelan ang kasal?" Napatakip pa ako sa bibig ko dahil sa sobrang excitement.

"Next month, nagmamadali ang fiancé ko. At syempre gusto ko ikaw ang maid of honor ko tapos si kuya Daren ang best man ni Keiv." Napangiti ako sa sinabi ni Kaede.

"Talaga? Oo, gusto ko yan!" Natawa nalang kaming parehas. Nanood lang kami ng tv sa unit ko dahil wala naman kaming klase ngayon.

Si Daren, inasikaso niya ang trabaho niya tapos ang boyfriend I mean fiancè ni Kaede na si Zares Keiv ay ang CEO na sa kanilang kompanya since wala naman siyang ibang kapatid. Ang kambal ko naman, may date ata silang dalawa ni Levin at ang pinsan kong si Skier ay next week na babalik sa Australia.

"Teka, asan ba ang pinsan kong yun?" Nagkatinginan kami ni Kaede. Andito lang yun kanina eh. Papakilala ko sana siya kay Kaede.

Napatingin kami sa pinto ng bumukas yun at dun bumungad samin ang nakasimangot na mukha ni Skier. "Aurora, someone bullys me. Saying I'm a conyo daw!"

"Oh? Sino? You should punch him." Pangjojoke ko. Tinampal pa ako ni Kaede kaya napa-peace sign ako.

"It's a she and she's insulting the way I talk in Tagalog. I won't let her insult me, I will show her that!" Nakanguso na siya ngayon at dretsong pumasok sa kwarto.

Napangisi nalang ako. Oh pinsan, mukhang nakahanap ka na ng katapat mo.



THANKS FOR READING!!!

VOTE & COMMENT

RIYA 🐢

Seguir leyendo

También te gustarán

110K 3.2K 24
Claude who was sent to the U.S. by her mom and step dad to study for 7 years suddenly sent a 'SISTER' to him and let him take care of her for long as...
2.4K 67 10
Ps: I changed the title from THE PSYCHO MANIAC IS IN LOVE WITH ME to PRETENDING TO A BADBOY'S GIRLFRIEND Inalok si Yeshiva ni Xyron na isang bad boy...
75.3K 5.8K 41
A story about Sanskaar who tries to woo Kavita, the hottest girl in college but ends up being attracted to her friend Swara. ___________ Cover By Me ...
98.4K 1.4K 49
𝐈𝐭𝐬 𝐭𝐡𝐞 𝐟𝐢𝐫𝐬𝐭 𝐝𝐚𝐲 𝐛𝐚𝐜𝐤 𝐭𝐨 𝐬𝐜𝐡𝐨𝐨𝐥 , 𝐀𝐚𝐥𝐢𝐲𝐚𝐡 𝐢𝐬 𝐧𝐨𝐰 𝐢𝐧 𝟏𝟎𝐭𝐡 𝐠𝐫𝐚𝐝𝐞, 𝐰𝐡𝐢𝐥𝐞 𝐬𝐡𝐞𝐬 𝐭𝐡𝐞𝐫𝐞 𝐬𝐡...