The Moonlight Lilac (UNDER MA...

Door CassNcase

3.2M 102K 252K

Disclaimer: This story is written in Taglish. Another disclaimer: It's bloody, wordy, and GAY. (Alexa, play... Meer

𝑨𝑼𝑻𝑯𝑢𝑹'𝑺 𝑡𝑢𝑻𝑬
π‘ͺ𝑯𝑨𝑹𝑨π‘ͺ𝑻𝑬𝑹𝑺
π‘Ίπ’π’Žπ’†π’π’π’†'𝒔 π‘·π’π’Šπ’π’• 𝑢𝒇 π‘½π’Šπ’†π’˜
π‘·π’“π’π’π’π’ˆπ’–π’†
1- 𝑻𝒉𝒆 𝑢𝒏𝒆 π‘Ύπ’Šπ’•π’‰ 𝑻𝒉𝒆 𝑹𝒆𝒅 𝑫𝒐𝒐𝒓
2 - The One With The Interview
3 - The One With Friends and Adobong Pusit
𝑯𝒆𝒓𝒂 π‘ͺπ’šπ’•π’‰π’†π’“π’‚ 𝑨𝒓𝒆𝒏𝒕𝒔𝒗𝒆𝒍𝒕
4 - The One With The Broken Phone
5 - The One With The Pool Scene
6 - The One With The Baker
7 - The One With The Artworks
8 - The One With Oreo's Lookalike
9 - The One With Old Songs
10 - The One Where Thera Is Sick
12 - The One With Unknown Number
13 - The One With The Confrontation
14 - The One With The Call
15 - The One With Unexpected Action Pt. 1
16 - The One With Unexpected Action Pt. 2
17 - The One When There Was A Power Outage
18 - The One With Hera
19 - The One With The Threat
20 - The One With The Help
21 - The One With The Red Smiling Insect
22 - The One Where She Indirectly Confessed
23 - The One Where They're Not Friends
24 - The One Where They Went To EK Pt. 1
25 - The One Where They Went To EK Pt.2
26 - The One With All The Jealousy
27 - The One With Jealousy Continuation
28 - The One Where They All Met
29 - The One With The Province Vacay Pt. 1
30 - The One With The Province Vacay Pt. 2
31 - The One With The Province Vacay Pt. 3
32 - The One With The Province Vacay Pt. 4
33 - The One With The Unwanted Visitor
34 - The One With The Psych Advice
35 - The One With The New Girl
36 - The One With The Double Date
37 - The One Inside The Dressing Room
38 - The One Where They Acted Like One
39 - The One With The Digital Voice Recorder
40 - The One With Thera's Perfume
41 - The One With All The Chasing Pt. 1
42 - The One With All The Chasing Pt. 2
43 - The One Where She Had To Make A Final Decision
44 - The One With The Final Decision
45 - The One With Her Dream Date
46 - The One With Her Number 1 Supporter
47 - The One With Curious Skylar
48 - The One With The New Housemate
49 - The One With The Label
50 - The One With The Big Day
51 - The One After Five Months
52 - The One Where He's Back
53 - The One With Teddy
54 - The One With The Unexpected Goodbye
55 - The One With The Heaviest Tears
56 - The One With All Questions Answered
SECONDARY CHARACTERS
57 - The Moonlight Lilac
58 - The One With Someone's POV
59 - The One With The Loan Payment
60 - The One With Two Hearts And One Gun Pt. 1
61 - The One With Two Hearts And One Gun Pt. 2
62 - The One With All The Broken Morals
63 - The One With All The Sacrifices
64 - The One With The Most Painful Ending
65 - The One Behind It All
66 - The One With 100 Letters And One Book
67 - The One With HER Point Of View
68 - The One With The Final Chapter
EPILOGUE

11 - The One With The Girl Driving Harley

38.3K 1.3K 2.7K
Door CassNcase



Chapter 11 - The One With The Girl Driving Harley



Ang daming tao, lalo na mga bata. Magkahawak kamay kaming naglalakad ni Mykel sa isang malawak na park na malapit sa station kung saan siya nag tatrabaho. Linggo ng hapon ngayon, kulay orange na yung langit at malapit ng lumubog ang araw. Off ko, samantalang siya, naka 1 hour break lang. At dahil sa mga oras na 'to lang nagtatagpo ang schedule naming dalawa, naisipan niyang tawagan ako kanina at yayaing lumabas kahit isang oras lang.



Sobrang busy ng schedule niya. Parang simula ng bumalik ako sa bansa isang buwang mahigit nang nakakalipas, ngayon lang kami nakapag date, tapos isang oras lang. Di ko naman ginagawang big deal yun at maski ako eh busy sa trabaho. Alam ko din namang halos di na siya magkanda ugaga kakaresolba dun sa kaso nung serial killer. Pero naisip ko lang...



Si Luna nga nakakahanap ng mahabang oras para makasama ko.



Yung pakiramdam na kung kailan ako umuwi ng bansa, saka ako unti unting napapalayo sa kanya. Parang mas may oras pa kami sa isa't isa noong nasa Canada ako eh.



I asked myself last night as I remembered him when I was about to sleep. Did something change? He's so near, yet, he feels so far. To the point that I almost forgot that I am in a relationship. That I have a boyfriend.



Muntik ko ng makalimutan yun noong araw na yun...



I closed my eyes tightly trying to erase that one scenario in my head, trying to remove that emotion I felt that day.




Fuck! What the fuck!






"Love?"




Mabilis kong idinilat ang mga mata ko nang magsalita si Mykel. Kanina pa kami naglalakad dito, di ko rin alam saan kami pupunta, at ngayon lang may nagsalita saming dalawa. He's now looking at me with a small frown on his face.




"Okay ka lang? Nahihilo ka ba?" nag aalalang tanong niya.




He stopped walking, so did I. Pagkatapos nun ay inilapat niya ang kamay sa noo ko na para bang tinitignan kung may lagnat ako.




"Okay lang ako." maikling sagot ko.




Tinanggal niya ang kamay niya na nasa noo ko at iniligay yun sa bulsa ng suot niyang pants.




"Kanina ka pa kasi tahimik tapos umiiling ka bigla o kaya pumipikit. Sigurado ka bang ayos ka lang? Gusto mo bang maupo muna?" muling tanong niya na may kaunting pag hila sakin papunta sa direksyon nung kahoy na bench.




Ayoko maupo! Lalo akong matutulala pag nauupo.




"Wag na." pigil ko kasabay ng paghigpit ng hawak sa kamay niya. "Maglakad lakad nalang tayo. Hanap tayo ng street food. Nagugutom lang ako." dugtong ko pa.




He smiled and pat my head. "Okay. Magsasabi ka pag napapagod ka na ha?" sabi niya sabay naglakad na kami ulit.




We're still holding each others hands. Napatitig ako sa mukha ni Mykel sabay baba ng tingin ko dun sa mga kamay naming magkahawak. Mga ilang segundo din akong nakatitig dun na para bang may hinahanap na kung ano.




Asan na? Bakit di ko maramdaman?





"Love, tell me something." salitang biglang lumabas sa bibig ko.




I want him to tell me something about his life. Kung ano na na bang nangyayare sa kanya. Kung kamusta na siya. I want us to have a conversation, a real one. Tuwing nag uusap kami sa chat, puro kumain ka na ba? Good morning. At kung ano ano pang maiikling paulit ulit na mga salitang sinesend namin sa isa't isa.




Asan na yung kami dati?




Why do I feel like I'm holding a stranger's hand?




"Something about?" he asked curiously.




"Kahit ano. Ano---uhmm...Si Aiko, kamusta na?" pag sisimula ko ng topic tungkol sa kapatid niyang bunsong babae.




"Ayun, okay naman. Very good sa school, top 1 daw siya sa classroom tapos laging perfect sa exam. Maasahan narin sa bahay. Marunong ng mag saing saka magluto luto ng simpleng ulam para sa kanila ni lola. Miss ka na nga daw niya eh. Sabi ko busy ka pa. Next time kapag marami ka ng oras, pupuntahan mo siya." sagot niya sa tanong ko na nakapag pangiti sakin.


Close kami nung kapatid niyang 12 years old na ngayon. Parang huling kita ko sa batang yun, umiiyak pa pag di nabilihan ng laruan, ngayon nag sasaing na. Ang bilis ng panahon.




Dahan dahan! Yung mga bata lumalaki! Malapit na ko lumagpas sa kalendaryo.



I stopped smiling as I realized what he said. Sabi niya ba kay Aiko busy ako? Ako ba talaga ang sobrang busy? Libre ako ng Sabado at Linggo. Siya nga diyan yung maski off pinapasukan eh.



"Edi mabuti. Di mo na kailangan magluto bago umalis." maikling komento ko dun sa kwento niya. He just smiled at me, then that's it...




Another moment of silence.




Bakit ang hirap mag start ng conversation? Bakit kailangan ko pa mag isip ng topic para mag usap kami? Siya ba, hindi man lang ba niya ko tatanungin kung kamusta sa mansyon? Kung okay lang ba ko dun? Kung ano na bang nararamdaman ko?




"Siya nga pala..." panimula niya sa isang topic dahilan para lingunin ko siya.




I was expecting him to ask me something about my life, but then he continued "May bago kaming natuklasan sa moonlight lilac case. Nagkaroon kami ng lead dahil dun sa latest murder. Alam mo na ba yung tungkol dun? Nakwento ba ni Luna?"




I kind of spaced out after hearing what he said. The Moonlight Lilac again. Ni hindi ko nga alam kung ano yung latest case niya. I don't really want to talk about that killer. I want to talk about us. Us! Because I'm starting not to feel US!




Umiling nalang ako bilang tugon dun sa tanong niya. Dahil sa pag iling ko eh para bang nakahanap siya ng magandang topic at biglang nawala yung bored expression sa mukha niya at napalitan yun ng interesadong ekspresyon.




Matapos nun ay nagsimula na siyang magkwento tunkol sa bagay na hindi naman ako interesado. Nakakasawa na. Tuwing mag uusap kami, laging yung kriminal na yun ang topic namin.




"Well, yung latest case niya ay yung natagpuang bangkay nung wanted suspect sa isang rape and homicide case. Si Marlon Reyes Jr., natagpuang walang buhay malapit sa---"



Nagpatuloy siya dun sa kwento niya pero di ako nakikinig. Ang huling naintindihan ko eh kung saan natagpuan yung katawan ng biktima. Matapos nun, lahat ng sasabihin niya ay pumapasok nalang sa kanang tenga ko tapos lalabas sa kaliwa. Kunware nalang akong tumatango para ipakita na nakikinig ako.



Now I feel really tired. Why do I feel tired? Sana natulog nalang ako sa bahay.




"Matagal ng pinaghahanap si Reyes, malas niya at nauna siyang natagpuan nung killer. Tapos nang matagpuan siya---" pagtutuloy niya sa kwento.




Inilibot ko ang paningin ko sa paligid. Nakakita ako ng manong na nagbebenta ng street food, pero imbis na hilain si Mykel sa direksyon na yun, hinayaan ko nalang dalhin niya ko sa paglalakad. Parang di rin naman siya interesadong kumain. Para lang kaming may sariling mundong dalawa. Magkasama kami physically pero hindi mentally.



Tulala lang ako na patingin tingin sa mga tao tapos tatango tango sa tuloy tuloy niyang kwento na di ko na nasundan.



"Ayon sa forensic report, asphyxia due to rope throttling ang kinamatay ng biktima."


"Uhmm" pag rereact ka dun sa sinasabi niya na di ko na gets.




Malapit dun sa kuyang nag titinda ng fishball at kung ano ano pa eh may mga batang nagtataya tayaan. Ang saya saya nila tignan, pero sobrang gulo. Sinasaway sila ni manong tindero pero di siya pinapansin. Yung isa kamuntikan pa masubsob dun sa bisikletang gamit ni kuya pang tinda.



Napakagat labi ako para pigilan yung pagtawa nang mapairap nalang si manong. Si manong kung makairap kala mo si---







Wala.







"You know what the most exciting part is? The moonlight Lilac tried to erase evidence, but we found one. A very important one!"




Basta, evidence sabi ni Mykel.




Sa di kalayuan dun sa mga batang naglalaro, may kuyang nagtitinda ng lobo. Iba't ibang cartoon character. Andun yung minions, si Elsa, si Olaf, si Spongebob, tapos nakita ko din si Pikachu.




Meron kayang Psyduck diyan?




Naisip ko tuloy, kung sakali lang may Psyduck diyan tapos bumili ako at iuwi ko sa mansyon, ano kayang iisipin nun? Tatanggapin niya kaya?



I smiled remembering her Psyduck stuffed toy na maski sa kama eh katabi niya. Bakit kaya si Psyduck? Is there something special about that Pokemon? Naalala ko, nakita ko din siyang nakasuot ng jacket na may Psyduck na design dati.




Hays, buti pa si Psyduck---





Buti pa si Psyduck dilaw. O bakit? Gusto mo maging dilaw?




"Nasundan namin yung trail nun. May naiwang bakas ng gulong ng sasakyan. Malaki ang posibilidad na bakas yun ng sasakyan na ginamit ng Moonlight Lilac dahil sa liblib na parte ng gubat yun nakita. Nakakapah duda lang dahil sa ilang taon naming pag sunod sa serial killer na 'to, ngayon lang siya nakapag iwan ng ebidensya." pagtutuloy pa ni Mykel.




Basta daw may gulong.





"Saan ba kasi diyan? Sige ituro mo." dinig kong tanong ng boses ng isang babae.



Akala ko pa nung una ako yung tinatanong nung boses na narinig ko, pero nang lumingon ako sa bandang gilid, may nakita akong dalawang babaeng magkausap at sabay naglalakad papalapit dun sa pwesto kung saan maraming street vendor na nakaupo na may sari saring paninda. May mga gamit tapos pagkain sa parteng yun ng park.



Kita mo yan, andito na pala kami sa parteng maraming paninda tapos etong kasama ko, parang walang napapansin. Hanggang saan ba balak maglakad ng isang 'to?




Nakasunod lang ako ng tingin dun sa dalawang babae. Tumigil sila sa harap ng isang bike na nagtitinda nung tig-dodos na siomai. Gagi gusto ko yun!




Pipigilan ko sana si Mykel sa pagkwekwento niya at aayain siya dun sa direksyon nung siomai, pero natigilan ako. Sa di ko din mapaliwanag na dahilan, bigla akong napatigil sa plano ko sana nang makita ko yung ginawa nung isang babae dun sa kasama niya.




She kissed her forehead and hugged her waist.



My eyes were glued to their direction, hoping they wouldn't see me staring at them like some kind of an idiot. My heart started beating faster and I didn't even know why. They both look so beautiful and in love. The love that they have looks genuine, comforting, and just beautiful. The vendor in front of them is smiling while serving their food.



Yung ibang taong dumadaan nakatingin din sa kanila, kadamihan sa mga yun nakangiti. Paanong di sila ngingiti, eh ang ganda nung dalawa tapos mukhang masaya lang sila.




Oh, to have that kind of love.




"Base sa nakalap naming impormasyon, yung gulong na nakita sa crime scene ay gulong ng isang 2020 Toyota Corolla."




Napalingon ako kay Mykel na tuloy tuloy lang sa pagkwekwento at mukhang di napapansin ang paligid niya. Mga ilang segundo din akong nakatitig sa mukha niya, tapos ibinalik ko yung tingin ko dun sa dalawang babaeng bumibili ng siomai. Matapos ng ilang pabalik balik na tingin ay di ko na napigilang yumuko at para kong nawalan ng ganang gumalaw bigla.





And then I pictured someone's face. Those dimples, that smile.




I smiled bitterly and mentally scolded myself. This is stupid, I feel stupid. I shouldn't be feeling this. Andito ako sa park ngayon kasama ang boyfriend ko, tapos walang ibang tumatakbo sa isip ko kung hindi siya. Maling mali, isang malaking kahibangan.




Noong gabing yun, noong gabing may sakit si Thera, matapos kong lumabas ng kwarto niya ay di na ko muling pumasok pa at tuluyan ng umalis. Buong gabi akong di makatulog. Gusto kong magalit sa sarili ko kasi para kong siraulong nawawalan ng kontrol sa sarili kong emosyon, sa sarili kong nararamdaman.



Pilit kong sinasaway yung sarili ko na itigil ang kung ano mang kalokohang naramdaman ko noong gabing yun. Kasi hindi tama at bukod sa hindi tama, imposible. Sobrang imposible ng sitwasyon. Ang laki na nga ng problema ko sa mga utang ng tatay ko, ayoko ng dagdagan pa ng mas malaking problema. Ayoko ng mas parusahan pa yung sarili ko.



Pilit kong sinasabi sa sarili ko na nadadala lang ako ng pagkakataon. This is the first time I've met someone like Thera. Not just a person with a very challenging personality but also someone with unexplainable beauty. I'm telling myself that what I'm feeling is nothing but a mere infatuation.



But how can an infatuation affect me this much? To the point that I can't even feel anything with my boyfriend holding my hands?



Siguro kung hindi ako mag ooverthink at hahayaan lang lumipas lahat, mawawala din 'to. Baka nalamigan lang yung utak ko.



Nag angat ako ng ulo at muling tumigin sa direksyon nung dalawang babaeng kanina ko pa tinitignan. Hindi ko alam kung sa siomai ako naiinggit. I shook my head and looked away.




Hinding hindi magiging katulad niyan ang kahibangan mo, Sky.




"Sadly, there's no CCTV camera in that specific area. Pero, susubukan naming tignan yung mga CCTVs na malapit---" At hindi parin nga siya natigil sa pagkwekwento.




Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kamay niya. "Mykel." at may diing tinawag siya sa pangalan na halatang kinagulat niya.




I don't call him Mykel. I call him love.



At dahil sa hindi nawala yung gulat at pag tatakha sa mukha niya, huminga ako ng malalim para ayusin yung sarili ko and then I smiled at him. "Love." tawag ko sa kanya nang makabawi.





Yung pagtawag ko sa kanya ay siya ding naging dahilan para ilibot niya ang tingin sa paligid at bumalik sa realidad.




"Oh! We're here. Yung mga street food---Oh god! I'm so sorry, love. I'm really really sorry. Nasobrahan ako sa pagkwekwento. Hindi ko na namalayan---I'm sorry. You know what, I shouldn't be talking about that criminal." saka niya lang narealize matapos niyang magkwento ng pagkahaba haba na wala naman akong naintindihan.



"Sorry talaga. Ano bang gusto mong street food? Yung kwek kwek ba? Ayun, may calamares, o bananaque? Kahit ano." tanong niya habang nililibot ang paningin sa mga stall sa paligid.



Iniling ko yung ulo ko bilang tugon kaya natigil siya pag check ng mga street foods.




"Gusto mo ba sa restaurant nalang tayo kumain? Fast food?"



"No, love. Gusto ko na umuwi."



At first, he looked like he was about to say something, but then, he just composed himself, smiled at me, and slowly nodded. I'll just go home to fix my things so I can go back to the mansion and rest early. Besides, this doesn't feel like a date at all.



I just want to be home.




-----




Grabeng hirap! Wala man lang maski isang nag aaccept ng booking ko. Ano bang meron ngayong araw? Madalas naman kahit rush hour, may nag accept parin ng booking. Pero ngayon, nakailang try na ko sa iba't ibang transport app, pero walang swerte. Kung hindi cancelled, walang nag aaccept.



Nakaka irita! Sabi na sana natulog nalang talaga ko sa bahay eh.



"Love, sabi ko kasi sayo ihatid nalang kita eh." dahil sa sinabing yun ni Mykel ay napaangat ako ng ulo. Kanina pa ko nakayuko, nag pipindot ng phone ko. Umaasang may isang driver na tatanggap ng mga booking ko.



Kasalukuyan kaming nakatayo sa harap ng pulis station. Pabalik na sana siya kanina at 10 minutes nalang matatapos na yung break niya, kaya lang ayaw niya kong iwan mag isa at kung siniswerte nga naman, naabutan pa ng super rush hour. Alas sais palang naman, bakit wala na agad masakyan?



"Love, wag mo na nga ko isipin. Sige na, bumalik ka na sa loob." sabi ko sa kanya sabay balik ng atensyon sa cellphone.



Nakakainis kasi. Kanina pa nag priprisinta ihatid ako gamit ng police mobile. Hihiramin daw niya, papayagan naman daw siya. Ayoko nga! Machismis pa ko kapag ibinaba niya ko sa harap ng gate namin sakay ng police mobile tapos may makakitang kapit bahay. Sobrang chismosa pa naman ng mga kapit bahay namin.



Dati nga, nung sinundo ako ng pag kadami daming van nung unang araw ko na lilipat sa mansyon, may kumalat na chismis na nakapag asawa daw ako ng mayaman na politiko. Ganon kahibang mga kapit bahay namin.



"Ihatid na nga lang kasi kita. Malapit lang naman yung bahay mo dito." pagpupumilit niya.



"Wag na nga. Kaya ko na mag isa. Sige na at maooverlunch ka niyan. Sabi mo kanina andami mo pang aasikasuhin na reports."



Ang kulit din kasi ni Mykel. Parang walang tiwala sakin na kaya kong umuwi mag isa.



"Si Luna. Sabihan natin. Andun siya sa loob. May motor naman---"



"Love, aabalahin mo pa yung tao. Wag na nga. Pumasok ka na. Message nalang kita pag nakauwi na ko." putol ko sa suggestion niya na guluhin pa si Luna para ihatid ako.



"Atsaka, kung wala talagang tumanggap ng booking ko, mag cocommute ako." dagdag ko pa kahit alam ko sa sarili ko na sobrang hirap mag commute sa mga oras na 'to.



Maaga pa nga lang kanina, halos mag bigwasan na yung mga tao sa pag aagawan sa mga jeep at bus. Paano pa kaya ngayon?



Inalis ko muna sa isip ko yung senaryong pwede kong danasin pag nauwi talaga ko sa commute at kunware kayang kaya ko. Ayokong mag alala siya sakin. Di pa naman nakakapag function ng maayos 'tong isang 'to kapag nag aalala.




"Sorry." biglang pag hingi niya ng tawad.



Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Sorry? Saan na naman? Ano na namang hinihingi niya ng sorry?



"Bakit ka nag sosorry?"



"Sorry kasi wala kong sariling sasakyan para ihatid ka. Feeling ko wala kong kwentang boyfriend. Promise bibili na ko ng motor para di ka na mahirapan mag commute." pag papaliwanag niya kung bakit siya nang hihingi ng sorry.




Now I feel bad. Now, I feel terrible because of what he said. That's one thing about Mykel; he always finds a way to blame himself, even if he's not to be blamed in the first place. Pag ginagawa niya yan sa sarili niya, ako yung na guguilty. Feeling ko na naman ang sama kong girlfriend.



All he does is care for me and think of my welfare. While me, all I do is to think of what went wrong between us.



May mali ba talaga samin o ako lang naghahanap ng mali?



"Wala kang kasalanan, okay? Please, love, wag mong ilagay na naman yung pressure sa sarili mo dahil lang di ako maka book ng grab." I heaved a deep sigh after saying that, then I faced him and put my hands on his shoulders.



"Okay lang ako. Kaya ko umuwi mag isa. Di mo na ko kailangan alalahanin. Atsaka, wag mo ngang tawagin yung sarili mong walang kwentang boyfriend. Tignan mo nga, lunch mo na lang, naisipan mo pang ilaan sakin." I added giving him an assurance.



Ako nga ata yung walang kwentang girlfriend eh.



"Kaya please, please love, pumasok ka na sa loob. I'll make sure to message you once I get home. Okay? Please." I added.



"Let me at least wait for you to get on a jeep---"



"No, please. Di ko pa nga sure kung mag cocommute talaga ko. Atsaka kung oo man, alam mo namang di madaling sumakay ngayon. Masasayang lang oras mo. May importanteng kaso kang tinatrabaho diba? Kaya please, pumasok ka na. Hinahanap ka na nun ni Luna. Please, love?" kulang nalang lumuhod na ko habang nag mamakaawang pumasok lang siya sa loob.



Ang kulit naman kasi. Lalong bumibigat yung loob ko kapag nakikita ko siyang nagkakaganyan dahil sakin. Yung mukhang nalilito tapos di alam kung paano tutulong.



Mabuti nalang at matapos niyang magpakawala ng isang malalim na buntong hininga ay tumango nalang siya sa sinabi ko. Akala ko makaka isang please pa ko ulit eh.



"Wag mo kong kakalimutang itext ha?" bilin pa niya ulit. I nodded my head in response.



He pulled me closer and gave me a peck on my lips. Biglaan yung ginawa niya kaya natigilan ako di agad naka react. All I know is that I didn't kiss him back. Then suddenly, I felt my heart beating a little faster than expected. Alam kong hindi dahil sa kilig. It feels weird because my heartbeat is racing and I feel uneasy.



What is this? Guilt? Why do I feel guilty? Why would I even feel guilty?!



Mukhang di napansin ni Mykel yung naging reaksyon ko at matapos niya kong halikan eh tumitig pa siya sa mukha ko at bahagyang inipit yung buhok ko sa likod ng tenga.



"Please be safe, love. Okay?"


"Yes." maikling sagot ko.


"I love you." he said smiling.



Mga ilang segundo lang ako nakatitig sa mukha niya at di ko magawang sumagot. Kita ko ang unti unting pag kunot ng noo niya dahil sa di ko pag sagot ng I love you too.



Whatever is happening to me right now, whatever this shit of an emotion I'm feeling for the past few days, I hate it more than any feelings ever discovered! Hate! That's the word. I can't think of a stronger word than hate to explain my current state.



Saying I love you back should be easy.



Pucha! Naiinis ako sa sarili ko. Sana Sky, wala talagang driver na tumanggap ng booking mo. Mag hintay ka dito hanggang gabi tapos magpakain ka sa lamok. Deserve mo yun!



"Love? Are you ok---"



"I love you too!" mabilis na putol ko dun sa sasabihin niya sana. "Sorry nag space out lang. Pagod kasi." walang kwenta ko pang pagdadahilan.



Mabuti nalang at ngumiti lang siya sa sinabi ko at di na nagtanong pa ng kung ano ano. He kissed my forehead one last time. Matapos nun ay nag babye na kami sa isa't isa atsaka siya tuluyang pumasok sa loob.



Naiwan akong nakatayo sa harap ng istasyon. Tulala at di mapaliwanag kung ano yung nangyare. Ang dami na namang tanong na namumuo sa isip ko. Balak ko pa sana mag try ulit mag book online, pero dahil sa nangyare, ang tanging gusto ko lang eh lumayo sa lugar na 'to.



Nagmadali akong lumakad papalayo sa police station para pumunta sa sakayan ng jeep. Tulala parin ako habang naglalakad dahil sa sari saring emosyon na di mapaliwanag ang nararamdaman ko.



But I can no longer lie to myself. Things may be unclear for now, but there's one thing I'm certain.



Earlier, with Mykel, my heart raced not because I was happy but because I felt troubled. With Thera, it may not be clear, but my heart beats faster whenever I'm with her, and that's because my emotions are reaching an intense state of excitement...a euphoria.



I'm so fucked! Ibabalik ko talaga sarili ko sa sinapupunan ng nanay ko.




-----



"Putang---ina!" halos mabitin pang mura ko dahil sa pag sanggi sakin ng isang lalake na di magkanda ugagang sumakay sa bagong dating na jeep. Dahil dun, naiwan na naman ako at di naka sakay.



Hayop na yan! Sobrang daming tao tapos kakaunti yung sasakyan. Literal na nagsisikuhan pa yung iba makasakay lang.



Nakakaiyak kasi wala kong talent sa pakikipag siksikan sa jeep! Wala din naman akong maparang taxi. Hindi din umeepekto yung ganda ko. Nakailang pag papacute na ata ko dito pero di umeepek sa mga taong gusto ng umuwi o nagmamadaling pumasok sa trabaho.



Parang mag iisang oras na kong naghihintay ng sasakyan. Pag akala ko turn ko ng makasakay, biglang dumadagdag yung dami ng tao. Bakit ba ayaw niyong maubos?!



Kunti nalang talaga sasabit na ko sa likod ng jeep kahit di ako payagan ni kuyang driver! Aakyat ako sa bubong!



Bumalik nalang ako ulit sa pinipwestuhan ko kanina pa at pinag cross yung dalawang braso ko sa nay dibdib. Isang malalim na inhale at nagpakawala ako ng sobrang stress na exhale para pakalmahin yung sarili ko. Nakakaikli talaga ng pasensya ang problema sa transportation ng bansang 'to. Feeling ko, pati yung make up ko sumuko na.



"Ate ganda! Penge piso."



Nagyuko ako ng ulo nang may marinig akong maliit na boses. Sa harap ko ay isang maliit na batang lalakeng nakalahad yung isang kamay na mukhang nanlilimos, samantalang yung isang kamay niya ay hinihila yung laylayan ng suot kong tshirt.



"Pangbili lang ng ulam, teh." dugtong pa niya.



Napangiwi ako dun sa sinabi niya tapos bahagyang natawa. O sige nga, anong ulam mabibili mo sa piso?



Napailing nalang ako dahil sa mga nangyayare at binuksan yung bag ko.



"Di ka naman makakabili ng ulam sa piso." sabi ko sa kanya habang hinahanap ko yung wallet ko sa loob ng dala kong shoulder bag.



"Oo nga. Sige, payb tawsan nalang." biglang demand niya. "Dali na ate, mukha ka namang mayaman." dagdag pa ng mokong.



Natigil ako sa paghahanap ng wallet ko at pinanlakihan siya ng mata. "Ayos ha. From piso to 5 thousand real quick. Sino bang bibilhan mo ng ulam, buong baranggay? Papakain ka ba?" mabirong banat ko na nakapagpatawa sa kanya.



"O yan! Sigaruduhin mong pag kain bibilhin mo ha?" Inabutan ko nalang ng isang daan para makabili talaga ng pagkain.



Mabilis niya yung kinuha habang di maipinta yung ngiti sa mukha. "Salamat ate ganda!" huling sabi niya sabay takbo papalayo.



So yun na nga, nag hintay ka lang ng jeep, nawalan ka pa ng 100.



Mga ilang minuto bago umalis yung bata, muli ko siyang natanaw sa di kalayuan. Naglalakad siyag muli papalapit sa direksyon ko. Pero this time, di nalang siya nag iisa. Isa, dalawa, tatlo, apat---Jusko! Andami niyang kasama!



Nang makita niya ko eh nagliwanag yung mukha niya sabay turo sakin. Nagsitinginan naman lahat ng kasama niya sakin at yung simpleng lakad nila, bumilis. Tapos lahat sila papalapit na ngayon.



Jusmiyo! Nag tawag pa nga!



Patay malisya akong naglakad papalayo para humalo dun sa kumpol ng mga tao at makapag tago dun sa tropang bubwit. Sakto namang dating ng isang jeep na walang laman at nagsi lapitan na ang mga tao. Sumabay narin ako, nagbabakasakaling makasakay.



Malapit na ko sa pasukan ng jeep nang mapansin ko yung taong nasa gilid ko. Mabilis akong nag iwas ng mukha ng mamukaan ko siya.



Lintek! Teacher ko 'to nung college! Eto yung teacher na pinag iinitan ako dati.



At dahil sa kabagalan ko, nauna pa nga siyang sumakay ng jeep sakin. Medyo sinilip ko yung loob at napansin kong ang bakante nalang na upuan eh yung sa tabi niya. Grabeng daming tao, yung jeep na walang laman kanina, napuno agad. I clenched my jaw trying to swallow my pride. Uupo ka sa tabi ng kaaway mo na teacher sa loob ng jeep?



At di ko na nga kinayang lunukin yung pride ko lalo na nang maglingon si ma'am ng ulo at nagtama ang mga mata namin. Mukhang nakilala niya ko agad ng makita niya yung pagmumukha ko.



Mabilis akong nag patay malisya at naglakad papalayo sa jeep kahit hahakbang nalang sana, makakasakay na sana ko. Nagkunware akong di siya nakita.



Tangina naman!!! Bakit ang daming epal!!



Inilibot ko yung paningin ko sa paligid para maghanap ng bibilhin kunware para di niya maisip na iniiwasan ko talagang sumakay sa jeep kasama siya. Natanaw ng mata ko yung kuyang nag fifishball. At dahil sa katangahan ko at kataasan ng pride, mapapabili pa nga ko ng fishball ng wala sa oras.



Bahala na! Nagugutom narin talaga ko!



Naglakad nalang ako papalapit kay kuyang nag fifishball na nasa tawid kalsada at pinagmasdan umandar palayo yung jeep na mag uuwi sana sakin sa bahay. I mentally rolled my eyes realizing how dumb I am. Tama si Thera, I'm every type of stupid. Idiot, dimwit, at kung ano pa yung ibang tawag niya sakin.



Speaking of Thera, mag chat kaya ko tapos magpasundo sa butler? Tutal, didiretso narin naman ako sa mansyon. Maliligo lang ako tapos aayusin yung backpack ko.



I shook my head in defeat. Sobrang nakakapagod naman 'tong off na 'to. Tinawag na rest day pero di ako maka rest, puro stress. Hay nako! Mamaya na nga ko mag iisip! Kakain muna ko!



Lumapit ako ng tuluyan kay manong na nakabike at agad akong kumuha ng plastic cup at stick at nilagyan yun ng fishball, kikiam, saka squid ball. Doon ako kumuha sa mga bagong ahon sa mantika para pahirapan kainin.



Di pa ko nagtatanong ng presyo eh nilagyan ko na ng sweet sauce yung cup ko. Mamaya na ko magbabayad. Tanda ko naman mga kinuha ko. Mukhang wala namang problema si manong dun sa ginawa ko at ngumiti pa nga siya sakin.



Nang matapos kong kumuha ng sauce ay una kong sinubo ng buo yung squid ball. Dahil kailangan panatiliin ang poise kahit sobrang nakaka haggard ang mga nangyayare, nag panggap akong kainin yun na para bang normal lang yung init. Pero yung mga mata ko di napigilang mapaluha.



Pucha! Ang init!!



Wala na, paso na ko unang subo pa lang. Paano ko pa eenjoyin yung ibang binili ko eh nangapal na yung pakiramdam ng dila ko? Kasi naman, mga desisyon ko din talaga sa buhay minsan. Napansin kong trip talaga ko ng tadhana nitong mga nakaraang araw. Yung tipong parang ang daming nangyayareng kamalasan sayo o di kaya mga bagay na di mo inaasahan. Yung mga biglaang pangyayare na wala kang magagawa kung hindi mag go with the flow.



Ano pa bang nakaka stress na bagay ang mangyayare sakin ngayon?!



"Ang angas, gagi."


"Tol, tunay ba yan?"


"Oo. Tunay yan. Iiyak ka sa pyesa niyan. Maintenance palang niyan masakit na sa bulsa."




Dinig kong usapan nung dalawang lalakeng kasama kong kumakain ng tinda ni manong. Busy ako sa pagkain ng binili ko pero dinig ko nga ang tunog ng isang motor at ang pag tigil nun na mukhang nag park sa malapit lang. Nakatalikod kasi ko sa kalsada at nakaharap kay manong na nagtitinda kaya di ko alam kung ano bang klaseng motor yung tinitignan nila.



"Gago pre, Harley-Davidson. Ang angas!" puri ng kung sino man.



Di ko na sana papansinin kung ano yung pinaguusapan nila pero napansin ko na halos lahat ng tao sa paligid eh nakatingin sa kung ano mang dumating. Matapos kong nguyain yung kikiam na nasa sa bibig ko ay nilingon ko yung dumating na motor at mukhang yun ang pinag uusapan ng lahat. Halos lahat sa paligid manghang nakatitig dun.



Halatang mamahaling motor na kulay pula na naka park lang sa gilid ng kalsada, pero wala na dun yung driver. Nasan yung driver? Sinong siraulong mag iiwan ng ganyang sasakyan? Parang kakapatay lang ng makina niyan ah, nawala agad yung driver?



Ayan pala yung Harley Davidson. Narinig ko na kay Luna dati yung pangalan ng motor na yan at ang alam ko, milyones ang presyo niyan. Grabe, pinaparking lang kung saan saan. Ano 'to pinagyayabang?



Pinasadahan ko ng tingin ko yung kabuuan ng motor. Wala man akong hilig sa mga motor ay hindi ko rin mapigil hindi mamangha sa disensyo ng isang 'to. Mukhang motor ng power rangers o kaya yung mga nakikita mo lang sa pelikula na pinang hahatid nung mga milyornaryo at poging leading man. Kung sino mang nag mamaneho niyan, paniguradong maraming pera.



Di ko man nakita yung driver, I can only imagine a tall muscular man wearing an all black attire. Panigurado ganon ang datingan ng driver niyan. Saan ba sumuot yung driver na yun? Bakit nawala agad?




"How much is that?"




Natigilan ako sa pagsubo ng fishball at ramdam ko ang mabilis na paninigas ng buong katawan ko nang may madinig akong pamilyar na boses. Awtomatikong bumilis ang tibok ng kalmado kong puso hindi lang dahil sa boses na yun, maski yung amoy na biglang kumalat sa paligid. That unique special scent...




Pucha! Nag hahallucinate ba ko? Anong lebel na ba ng kahabingan 'to?!




Imposible! Imposibleng narinig ko talaga yung boses na yun. Guni guni ko lang 'to.




"Po?" dinig kong nagtatakhang tanong ni manong na nagbebenta ng fishball.




Shit! Sinong pino-po niya diyan?!




Napansin ko halos lahat ng tao sa paligid ay nakatingin sa iisang direksyon, sa tabi ko...



"How much is that?" the same voice asked, but this time, she asked it in a slower pace so the vendor could understand her.



Nagyuko ako ng ulo para tignan mula paa hanggang ulo ang kung sino mang katabi kong tinititigan ng lahat. Someone wearing a pair of black boots with high heels on it, a black pants, and black leather jacket. Hindi mo kita ang mukha niya dahil sa suot niyang itim na helmet. Para siyang power rangers.



Sobrang astig niyang tignan. Pero kahit pa balot ang buong katawan, everyone can tell that she's a woman because of her curves. That's when realization hits me. A motorcycle worth a million and this rider.




No fucking way...




Kahit nakatakip pa ng helmet yung mukha niya. I know that body! I know that presence! I know that's her...



"Eto po bang fishball?" balik na tanong ni manong habang nakatanga parin akong nakatitig sa taong nasa tabi ko. Naghahanap ng salitang sasabihin at ayaw paniwalaan ang sarili.




It can't be. No way...




"Yes." maikling sagot niya.




"Tatlo-dos madam." sagot ni manong. Parang may kung anong santo ang dumaan sa paligid dahil biglang tumahimik at di siya agad nakasagot dun sa sinabi ni manong. Pati si manong, tahimik lang na nakatitig sa kanya. Maski mga tao sa paligid.



That effect...that's...that's so her.




Mga ilang segundong katahimikan bago siya muling nagsalita. "I don't understand."




Fuck! Siya nga!




"Young lady..." pagkasabing pagkasabi ko niyan ay mabilis siyang lumingon sa direksyon ko.



Dahil sa di ko naman makita yung mukha niya, di ko alam kung anong naging reaksyon niya. Kung nagulat ba siya na nandito ako o kung wala lang.



Lumapit ako ng tuluyan sa kanya. Seryoso ba? Bibili siya ng fishball? Kumakain ba 'to ng ganitong pagkain? Anong ginagawa niya dito?!



"Young lady, anong ginagawa mo dito? Bibili ka ba? Paano ko napadpad sa lugar na 'to?" sunod sunod na tanong ko na may halong kaba.




Nagdadabog na naman yung puso ko!




"No." maikling sagot niya sabay harap ulit kay manong tindero.




Kasunod nun ay ipinasok niya ang kamay sa likurang bulsa ng suot niya jeans. Matapos niyang makuha ang kung ano mang gusto niyang kunin ay nilapit niya ang kamay kay manong na para bang may inaabot.




"I'm paying for what she bought. Keep the change." seryosong saad niya. Doon ko lang napagtanto yung bagay na inaabot niya kay manong.




Isang libo!! Gagi, keep the change eh wala pang 50 pesos yung kinain ko!



"Nako po, young lady! Bakit mo binabayaran yung binili ko?"



"Ay nako madam, seryoso po ba kayo?" tanong ni manong tindero pero inabot na din naman niya yung 1k. Nako! Ang malas nung mga bata kanina at hindi si Thera ang naabutan nila.



"Yes." maikling sagot niya kay manong. Manlalaban pa sana ko dun sa isang libo, pero mukhang napasaya naman si manong kaya hinayaan ko nalang.



Di naman kawalan yung isang libo sa isang 'to.



Mabilis akong napasunod sa kanya nang maglakad siya papalapit dun sa motor. Ramdam ko parin ang titig ng mga tao sa paligid saming dalawa pero hindi ko nalang sila pinansin. Sanay din naman akong pinag titinginan.



Doon naka focus ang atensyon ko sa ginagawa ng isang 'to. Ang dami na namang tanong ang tumatakbo sa isip ko. Nag momotor pala siya, akala ko kotse lang ang dinadrive niya? Though never naman akong nake alam sa garahe sa mansyon kung saan nandun lahat ng sasakyan nila. Di ko alam na may ganito palang motor dun.



Nako Thera, wala ka na bang mas iaastig pa?



Pero teka nga ulit, bakit ba 'to nandito?



"Hop in." sabi niya sabay lapit sakin ng kulay pink na full face helmet. Di ako agad nakareact at napatitig lang sa kanya at sa helmet na inaabot niya.



Wait---seryoso ba?! Isasakay niya ko diyan? Teka lang, marunong ba talaga siya mag motor? Mag angkas? Eh ang iikli ng hita niya!



"Teka teka, nalilito ko. Wait! Marunong ka ba mag drive niyan?" parang tangang tanong ko. Naka full motor gear na nga yung tao, yan pa naisip kong itanong.



May trauma kasi ko sa motor! Tumilapon na ko one time na kamuntikan ko ng ikamatay.



"That's the dumbest question I've ever heard from you." komento niya sabay layo sakin ng pink helmet na mukhang ibabalik niya sa pinagkuhaan. "If you don't want to take my offer, go ahead and butt your head with everyone again to get your spot inside that goddamn jeepney." halatang inis na sabi niya sabay sakay dun sa motor at inistart yun.



Napakunot ang noo ko dahil sa mga narinig ko sa kanya. Wait nga, bakit alam niyang nakikipag unahan ako sa jeepney? Kanina pa siya nandito? Nakita niya ba ko kanina? Wait, magulo na naman! Hay bahala na!



"Saglit! Eto na nga." mabilis kong kinuha yung helmet na inaalok niya at sinuot yun. Nang maayos ko ay sumakay ako sa likurang bahagi nung motor.



Pagkaupong pagkaupo ko dun ay bigla ba namang nag init yung buong mukha ko. Mabuti nalang at full face helmet 'tong suot ko. Kung hindi, kita yung pamumula ng mukha ko. Paanong di ako mamumula, sobrang liit lang pala ng space nung upuan. Imposibleng di ka mapabend over sa nag dadrive para makaupo ka ng maayos.



Tumingin din ako sa mga tao sa paligid. Grabe naman silang makatitig samin! May nakita pa kong kumukuha ng litrato. Ano 'to artista?



Hindi ko nalang sila pinansin at dun nag focus sa motor. Naka helmet naman ako, kahit mag picture pa sila diyan, di naman kita mukha. Chineck ko bawat gilid ng motor para maghanap ng mahahawakan, pero wala! Mukhang ang choice mo lang eh humawak sa driver.



Fuck! Yung puso ko pati yung iba ko pang laman loob nagwawala! O tadhana, bakit mo ba ko nilalagay sa mga ganitong sitwasyon?



I was about to wrap my arms around her waist when she said "Put your hands on my shoulders."



Seryoso yung utos niya. Napansin niya sigurong naghahanap ako ng hahawakan dahil alam kong nakatingin siya sakin sa side mirror kahit pa di ko makita yung mukha niya. My eyes automatically rolled because of what she said. Nahahawa na ko kakairap niya, mabuti nalang at nakatakip ng helmet buong mukha ko at di kita yung pag irap ko. Agad kong inayos yung kamay ko at inilayo yun sa bewang niya at pinatong yun sa balikat niya.




Naiinis ako bigla. Ewan ko din kung bakit.




"Saan tayo pupunta?" tanong ko nang tanggalin niya mula sa pagkaka center stand yung motor.



"Home." maikling sagot niya.



Anong home? Sa mansyon?



Malamang Sky, alangang ang tinutukoy niyang home eh yung bahay mo.



"Wait! Uuwi muna ko samin. Andun yung mga gamit ko pati na yung laptop ko. Importante yun sa klase." pag pigil ko sa kanya.



Mula sa pagkakalagay sa motor ay tinanggal niya yung maliit na gadget na naka kabit. Mukhang maliit na GPS yun dahil nang iabot niya sakin ay parang may google map sa screen. "Your address." yun lang sabi niya kaya kinuha ko yun sa kanya at tinaype yung address ko.



Habang nag tatype eh natigilan ako ng mag sink in sakin na ihahatid niya ko sa bahay. Teka lang---Paano kapag pumasok siya sa loob?! Si mama madaldal! Ano bang mga nakwento ko kay mama tungkol sa kanya? Teka, lagi kong sinasabi sa nanay ko na masungit yung amo ko na parang pinaglihi sa sama ng loob. Saglit lang, wag na kaya kong umuwi? Nakasave naman sa google drive yung files ko. Marami namang laptop dun sa mansion. Hiramin ko nalang yung isa.



"Hurry up, Parker." iritadong pangmamadali niya kaya mabilis na nagkusa yung kamay kong magtype ng address namin na agad din namang lumabas.



"Okay na." pagkasabi ko nun ay kaagad niyang hinila yung GPS at binalik yun sa pinaglagyan kanina.



"Ano ba kasing ginagawa mo dito?" muling tanong ko habang inaayos niya yung GPS.



"I took Oreo's vitamins from the vet. I was on my way home but then I saw you looking like a lost puppy. Did you run away from the vet?" paliwanag niya na idiniin pa yung puppy at may kasama pang pangaasar. Nakahanap na naman ng way para tawagin akong aso.



Pupunain ko pa sana yung tanong niya kung tumakas daw ba ko sa vet pero di ko na nagawa yun at napaayos nalang ako ng upo ng bigla siyang magbend.



"Hold tight." utos niya at pumorma ng magdadrive.



Kinakabahan parin ako!



"Wait lang! Sure ka bang marunong ka?! Mamaya practice lang 'to. Abot ba ng paa mo yung kalsada? Teka lang---"



"Do you want me to tape your mouth?"



"Ha? Ano---FUCK!!!"



Di na ko nakahindi ng biglang niyang paandarin yung sasakyan. Yung andar niya delikado!! Ang bilis! Hindi tamang andar sa lugar na maraming sasakyan! Yung tibok ng puso ko, hindi nalang nagdadabog dahil sa kanya, nagdadabog narin para sa buhay ko.



"Teka! Dahan dahan naman!" sigaw ko ng unahan niya yung jeep. Punyeta! May racing ba?!



"Shut up!"



Nawawalan ako ng balanse sa pagkakahawak sa balikat niya. Hindi kumportable. Halos manlambot ang mga kamay at paa ko ng pilit niyang inover take-an yung malaking pick up truck. Dahil sa ginawa niya ay napapikit ako at napayakap sa bewang niya. Kahit nakahelmet ay pinatong ko yung ulo ko sa likod niya sa sobrang takot ko dun sa kalokohang stunt na yun!




Ka stunt niya si kamatayan!




"Such a coward. Tss." she hissed.




Nag angat baba yung dib dib ko sa sobrang kaba. Para kong naubusan ng hininga dun sa ginawa niya. Ni hindi ko magawang sagutin yung pang lalait niya dahil parang nanigas yung panga ko sa takot.




Nang makalma ko ang sarili ko ay dun ko lang napansin na bumagal na yung takbo namin. Hindi na siya nakikipag unahan sa mga sasakyan. Ang behave niya bigla magpatakbo. Kasunod nun ay ang pakiramdam ulit na nanlalambot yung kamay at paa mo. This time, hindi dahil sa takot, kung hindi dahil sa posisyon ko.



Doon ko lang napagtanto na nakadantay na ko sa kanya habang mahigpit na nakayakap ang dalawang braso ko maliit niyang bewang. Wala ng espasyo sa pagitan namin.



For some reason, our position didn't give me an awkward feeling, rather, it gave me a feeling of comfort. Parang gusto ko bigla pumikit at matulog sa likod niya. Dagdag mo pa yung parang nangheheleng amoy nung pabango.



I feel so comfortable that it makes me want to rest on her back.



At that moment, I stopped thinking about everything. I just closed my eyes and tightened my arms around her waist, hoping she won't push me away. And she didn't; she's stayed focused on driving.



This is the worst kind of wrong. How can something that brings comfort be completely wrong? She was so wrong that it felt right; now, I'm out of my mind and sanity. I just want to be in this moment.



This moment kahit halos patayin niya ko kanina.



-----



"Diyan sa may pulang gate." turo ko sa gate ng bahay namin nang matanaw ko iyon.



Agad namang minaniobra ni Thera yung motor papalapit doon sa tinuturo ko. Nang matapat na sa mismong bahay ay pinatay na niya ang makina ng motor atsaka bahagyang tinagilid yung motor para ibalanse yung bigat gamit ng paa niya.



Kita mo yun, abot niya nga yung lupa.



Di pa ko kaagad bumaba. Nanatili ako sa posisyon kong nakayakap sa bewang niya. Nawiwili na ata ko dito, ayoko ng bumitaw.



"We're here, woman. Let go of my waist." ma awtoridad niyang utos at dahil sa kahihiyan, mabilis kong tinanggal yung braso ko sa bewang niya.



Ngayon pa talaga ko nahiya eh buong byahe akong nakayakap.



Kasunod nun ang pagbaba ko ng motor para di na siya mahirapang naka side stand gamit paa. Nakatulong din yung mataas niyang boots. Feeling ko di talaga neto abot yung lupa pag flat shoes suot niya.



"Salamat sa pag hatid." I sincerely thanked her while I'm removing the helmet and she just nodded her head in response



Speaking of helmet. Kanina pa siya naka helmet diyan. Hanggang ngayon di ko parin nakikita yung mukha niya. Paano kaya kung di pala si Thera 'to, kaboses lang tapos kaamay tapos kakatawan---



O sige Sky, bahala ka sa buhay mo.



Di ko pa iniabot sa kanya yung helmet nang mahubad ko iyon. Di ko naman kasi alam kung ano na bang dapat gawin. Yayain ko ba dapat siyang pumasok sa loob? Hihintayin ba ko nito tapos isasabay pauwi? Balak ko pa naman sanang mag quick bath kasi nahaggard ako sa pakikipag buno sa jeep.



"Uhmm, young lady. Kunin ko lang yung gamit ko tapos maghihilamos lang mabilis. Saan mo gusto maghintay?" ang kapal ng mukhang tanong ko. "Dito ka lang ba? O mas mabuti pumasok ka nalang muna sa loob." dagdag ko pa.



Kita mo, boss ko yan. Anak ng pinakamayamang tao sa bansa, tapos inuutusan ko lang maghintay. Feeling ko lahat ng guardian angel ko na nakabantay sakin sabay sabay napapahampas sa noo habang pinapanood ako sa mga pinag gagawa ko eh.



"Neither." madiing sagot niya at muling binuksan yung makina ng motor.



Kasabay nang pagbukas niya ng motor ay ang paghila niya sa pink na helmet na hawak ko. Wala kong nagawa kung hindi mapatitig sa kanya. "I won't wait for you, Parker. I don't wait for anybody. Who do you think you are?" matalas na salita na namang binitawan niya.



Parang may kung ano na namang kutsilyo ang tumarak sa puso ko dahil dun sa tanong niya. Pwede naman sanang pinutol nalang niya dun sa I won't wait for you. Bakit kailangang may who do you think you are pa? Kung hindi niya ipapamukha sakin na mukha akong aso, ipapamukha niya sakin na wala talaga kong lugar sa buhay niya.




Pakyu talaga 'tong taong 'to. Masyadong pasmado ang bibig. Napaka bipolar pa.



"Okay. Bye then." yun nalang ang sinabi ko at tinalikuran na siya. Ayoko na mag labas ng kung ano pang mga salita at baka mag away na naman kami.



Pagkaharap ko sa gate ay narinig ko ang pag andar ng motor niya papalayo. Bahagya akong napayuko at humigpit ang hawak ko sa strap ng suot kong shoulder bag, kasunod nun ay ang unti unting pag guhit ng mapait na ngiti sa mga labi ko.




Tanga mo, Sky.




Di ko na muna inatupag yung pag iinarte ko at gabi na. Mas importanteng makauwi na ko ng mansyon at may pasok na yung mga bata bukas. Lumapit ako sa doorbell at pinindot yun. Nakatulala ako sa kalsada habang naghihintay kay mama na pag buksan ako ng gate. Hindi mawala sa isip ko yung mga nangyare.



Mula dun sa date namin ni Mykel hanggang sa pag sulpot ni Thera sa kung saan. Ewan ko ba pero parang pinaglalaruan talaga ako ng tadhana. Weighing my feelings is starting to get really hard. I've never been in this kind of situation before. What's hard is that everything seems so right, like there's no problem at all, and I'm the only one putting chains on my own feet. Ako lang nagpapasakit sa sarili ko.



Okay naman dapat lahat kay Mykel. Bakit ba ko namomroblema? Anak ng! Ang hirap!



"Nak, uyy." natigil lang ako sa kakaisip nang biglang magsalita si mama. Nakabukas na pala yung gate, di ko namalayan. "Tulala ka namang bata ka." dagdag pa niya.



Hinawakan niya ko sa kamay at marahang hinila papasok sa loob. Humawak ako dun sa gilid ng nakabukas na gate para alalayan yung sarili ko. Medyo nahilo ako dun sa pagtulala ko.



"Ayos ka lang?"


"Opo. Pagod lang."


"Nako Sky ha, napapadalas yang paglipad ng utak mo kung saan. Pinag aalala mo ko." guhit ang pag aalala sa mukha ni mama nang sabihin niya yan. "Halika na, pumasok ka na." sabi pa niya sabay humawak sa gate at bahagyang isasara yun.



Naglakad na din ako papalayo sa gate at nilagpasan si mama, pero bago ko makalayo sa kanya, napansin kong natigilan siya sa pagsasara ng gate at parang napatulala. Di ko na sana papansinin yun at naglakad na ko palapit sa pinto namin. Kaya lang, napansin ko walang nakasunod sakin. Di sumunod si mama.



Dahil dun ay muli kong nilingon kung nasan siya, doon sa harap ng gate. Nakahawak parin siya dun at di parin niya yun sinasara. Mukha siyang may tinititigan.



"Ma? Bakit?" tanong ko at naglakad ako ulit papalapit sa kanya. Hindi normal sa nanay ko mapatulala. Kita mo yan, pinapayuhan akong wag laging lutang, tapos siya din.



"Ma anong mero---" halos makagat ko yung sarili kong dila nang makalapit ako kay mama at makita kung saan siya nakatitig. Dalawa na kaming nakatulala ngayon sa taong kakababa lang ng motor na nag tatanggal ng helmet.



Nang tuluyan niyang matanggal ang suot na helmet ay naglakad siya papalapit sa direksyon naming mag ina.



ANAK NG!



"Good evening, Madam." bati ni Thera sa nanay kong mukhang nawala na sa sariling nakatitig sa mukha ng kaharap niya. Yung pagkakabati niya...



Parang hindi si Thera! Sobrang lambing at sobrang gaan ng facial expression! Though, andun parin yung mata niyang mukhang walang kagana gana, hindi tulad ng nakasanayan kong usual treatment niya sa tao, iba yung awra niya ngayon. It's lighter than usual.



Bukod pa dun, hindi siya kulot! Straight na straight yung buhok niya, mukhang bagong plantsa. Wag mo sabihing pati si Thera may kakambal? Siya 'to diba? Bakit ang ganda niya sa buhok niya?! Bakit yung ganda niya laging may isinasagad pa?




Atsaka, bakit siya andito?! Akala ko umalis na siya? May naiwan ba siya?




"G-good evening din. Sino po sila?" mautal utal pang tanong ng nanay ko na mukhang kakabalik lang sa sarili niya.



Mabilis kong hinawakan si mama sa balikat at pumagitna sa kanilang dalawa. "Ma, pasok ka muna sa loob. Ako muna di---"



"I'm Cythera Arentsvelt. I'm your daughter's boss, madam." putol niya sa pagpapasok ko sa nanay ko.



Nilingon ko si Thera at binigyan siya ng nagtatakhang tingin. Kanina lang may pa who do you think you are pa siya, ngayon nagpapakilala siya sa nanay ko. Nang lingunin ko si mama ay halatang nagulat siya pero mabilis yung napalitan ng malaking ngiti at para bang nagliwanag yung mukha niya. Tinanggal niya yung kamay ko na naka hawak sa balikat niya at lumapit kay Thera.



"Ay jusko! Ikaw pala yung si young lady? Nako! Totoo pala 'tong kwento ng anak ko, mukha ka ngang dyosa, hija. Totoo ba yang kulay ng mga mata mo o naka contact lens ka?" gusto kong magtakip ng mukha bigla dahil sa mga pinagsasabi ni mama na humawak pa sa dalawang kamay ni Thera.




Bakit ba kasi siya bumalik?!



"Yes, that's my real eye color and I'm not wearing contact lenses." sagot ni Thera kay mama. "And that's very kind of you to compliment me. I really appreciate that. You look really lovely too, madam." she added while smiling. Si mama naman nag blush at bahagya pang tinapik yung braso ni Thera.



Yung dimples! Naka labas ulit yung dimples niya. Wait lang, bakit ang bait niya sa nanay ko?! Anong meron? Bakit parang di siya si Thera kumilos.



"Ay nako, tuloy ka. Sakto malapit na ko matapos magluto ng ulam. Kain ka dito, pasok ka sa loob." pag aalok ni mama kay Thera kaya mabilis akong lumapit sa kanilang dalawa sa takot na ma who do you think you are niya si mama.



"Ma!" saway ko kay mama



"Thank you for the offer. I'd love that." napatitig ako kay Thera dahil sa sagot niya.



Seryoso ba siya?! May sapi ba 'to?!



"Yun naman pala. Umalis ka nga diyan, Sky." sabi sakin ni mama sabay hawi niya sakin. "Hija, tita Sophie nalang tawag mo sakin. Wag mo na kong tawaging madam. Ang sosyal sosyal naman nun tapos yung accent mo pa, tunog napakayaman nung madam mo. Di ka marunong mag tagalog ano? Sabi sakin nitong anak ko, baliko yung tagalog mo." komento ni mama.



Napakagat nalang ako sa labi dahil sa kahihiyan. Hinihintay kong tignan ako ni Thera ng masama, pero maski kaunting tingin di niya ginawa. Dun lang siya naka focus kay mama. Hindi ba talaga alam ng nanay ko ipreno yung bibig niya? Gusto ko bigla mag evaporate sa kahihiyan.



"I'm sorry, but I'm not really good at speaking in Filipino, Tita Sophie. I can say some words, but some people say it isn't comprehensible, so I'd rather not. I can fully understand it though." at yun na nga naki tita Sophie na.



"Ay nako, ayos lang, basta nakakaintindi ka dahil pahirapan yun kapag hindi. Misan turuan kita magtagalog." sabi ni mama na nakahawak parin sa kamay ni Thera.


"Sure. That would be great." magalang na sagot niya kay mama.



Samantalang ako, nanatiling nakanganga ang bibig habang nakatitig sa kanilang dalawa. Pilit ko paring iniisip kung bakit bumalik si Thera. Kanina lang ang sakit niya magsalita sakin, ngayon babalik siya na akala mo kung sinong mabait kung makipag usap sa mama ko. Hindi sa gusto kong bastusin niya si mama, pero ang weird kasi. Hindi ako sanay!



Tapos yung dimples niya! Dalawa pa magkabilang pisnge. Ang lalim. Nako, itago niya yan! Bakit niya ba yan nilalabas ngayon?!



"Alam mo mag madali na tayo para makapag hapunan. Pero bago ka pumasok, hija, ipasok mo nga yang motor mo dito. Nako, pag iniwan mo yan diyan, sinabi ko talaga sayo, bakal nalang yan pag labas mo." utos ni mama kay Thera. Tapos lumapit siya dun sa gitna ng gate para buksan yun ng malaki.



Mabuti nalang at malaki yung gate namin. Tama nga naman si mama, pag iinitan talaga yang motor na yan kapag iniwan niya yan sa labas.



Sa normal na araw, kapag inutusan mo si Thera, makakadinig ka talaga ng masasakit na salita. Pero nung sabihin ni mama na ipasok niya yung motor, tumango lang siya tapos lumapit dun para ihandang ipasok sa loob.



Isa talagang napakalaking misteryo kung bakit ang bait niya sa nanay ko. Ganito ba talaga charm ni mama sa lahat?



Nang tuluyang mabuksan ni mama yung gate ay wala na kong nagawa kung hindi panoorin si Thera na ipasok yung motor niya. Nung una, ayaw pa mag sink in sakin, pero ngayon ramdam ko na talaga.



Ang nag iisang Hera Cythera Arentsvelt, nasa bahay namin. Nakiparking na, makikikain pa. Jusko, sana lang mapigilan ng nanay ko yung bibig niya sa kung ano mang mga pwede niyang sabihin.



------



Nakasunod lang ako kay mama at kay Thera habang papasok sila sa loob ng bahay. Sinadya ko silang paunahin kasi feeling ko close na sila tapos ayaw nila kong isali sa usapan. Naka angkla pa si mama kay Thera habang naglalakad sila. Nakakapagtakha talaga kasi walang sampal, tulak, o sakal na natanggap ang nanay ko.


Syempre di rin naman ako papayag na gawin niya yun. Ako nalang.



Nang tuluyan na silang makapasok sa loob ay saka lamang ako humabol ay pumantay sa kanila. Ginawa ko yun para tignan yung reaksyon ni Thera. Alam ko namang walang wala yung bahay namin kumpara sa mansyon, pero garantisadong malinis at presentable namang tignan kaya di naman ako nahihiyang papasukin siya.



Kaya lang syempre, sa palasyo nakatira 'tong isang 'to. Sinusubukan kong basahin yung ekspresyon sa mukha niya, pero di ko naman magawa kasi wala siyang pinakitang kahit anong reaksyon. inilibot niya lang yung paningin niya sa loob. Sana naman di niya nilalait yung bahay sa isip niya.



"Tuloy ka sa bahay namin, hija. Di kasing laki ng mansyon mo, pero wag kang mag alala, malinis naman dito. Di ka naman magkaka rashes pag naupo ka diyan sa sala." sabi ni mama na tinanguan ni Thera habang nakangiti.



Natatakot na ko sa ngiti na yan. Kanina pa siya ngumingiti. Baka ang kapalit nito, isang Linggong nanlilisik na tingin sakin kapag nakauwi na kami sa kanila.



"It's fine, tita. I don't really have a sensitive skin. In fact, I love playing in mud." sagot ni Thera na parang wala sa sarili kasi pinagmamasdan pa niya bawat sulok ng bahay. Napakunot naman yung noo ko dahil sa sinabi niya.



Bigla kong naimagine yung maliit na baboy pag piesta na hinuhuli sa putik. Napakagat nalang ako sa ilalim na labi ko para pigilan yung sarili ko matawa. Anong mud pinagsasabi nito? HAHAHA.



"Ay parang sinabi mo namang mukhang may putik dito." malokong tugon ni mama dun sa sinabi niya. Halatang nagulat si Thera sa sagot ni mama at tumitig ng diretso dito. Di pa siya sanay sa ugali ng nanay ko.



"I'm sorry, tita. That's not what I meant." pag papaliwanag niya. Bakit naman kasi putik yung bigla niyang sinagot dun sa sinabi ni mama.



HAHAHA ang laughtrip kasi mukhang gusto lang niya mag start ng normal conversation pero ang awkward niya tignan at kung ano ano pinag sasabi niya diyan.



"I really do love playing in mud though. I also don't know why I said that. That's so random." komento niya sa sarili. Ang defensive niya pakinggan.



"Ano ka ba, binibiro lang kita. Oo na sige na, isa ka ng batang putik."



Mabilis kong iniyuko yung ulo ko para di nila makita yung mahina kong pag tawa. HAHAHAHA! Si mama lang nakita kong gumanyan kay Thera. Di naman na sumagot si Thera dun sa sinabi ni mama. Siguro di rin niya gaanong naunawaan.



Nag angat ako ng ulo nang mapansin kong naglakad si mama papalapit sa sala kaya naman nakasunod si Thera. Wala din siya magawa kasi nakapulupot parin yung braso ni mama sa braso niya. Sumunod ako sa kanila sa pag aakalang didiretso sila sa upuan, pero natigilan ako nang dalhin ni mama si Thera malapit dun sa may stante na maraming picture frame.



"Halika dito, may papakita ko sayo." sabi ng nanay ko sabay dampot sa isang picture frame. "Kung ikaw batang putik, eto batang yagit, tignan mo."



Doon ko lang narealize na picture ko yung pinapakita niya kay Thera. Yung litrato ko nung bata ako na sobrang dungis ng itsura ko tapos nakangiting proud na proud habang may hawak na rabbit. Kuha ko yun sa probinsya matapos kong habulin yung alaga ng lola ko na rabbit kasi aksidente kong napakawalan sa cage. Yung rabbit kasi doon ko hinabol sa bahay nung mga baboy kaya puno ako ng putik sa damit at mukha.



"Ma!" saway ko kay mama. Madali akong lumapit sa kanila para sa hilain kay mama yung picture frame, pero kaagad inagaw yun ni Thera tapos seryoso niyang tinitigan yun.



Nakakahiya!



"Ma! Bakit mo naman kasi binibida yan? Young lady akin na yan." sabi ko sa kanya pero mas lalo niyang inilayo yung picture.



"This kid looks evil." komento niya habang nakatitig sa picture ko. Dinig ko pa yung biglang pag tawa ni mama sa gilid ko.



Sinong mukhang demonyo?!



"Ay sinabi mo pa. Napaka demonyita niyan nung bata. Oh eto pa tignan mo."



Mabilis kong nilingon si mama pero kung anong bilis ko siyang nilingon, ganon din kabilis kinuha ni Thera yung bagong picture frame na inaabot ng nanay ko.



"This one is a monster." komento niya naman dun sa bagong picture na hawak niya habang si mama tumatawa lang sa gilid. Di ko pa man nakikita yung picture, alam ko na kung ano yun dahil sa frame kaya wala na kong nagawa kung hindi mapahampas sa noo ko at tuluyang magtakip ng mukha.



"Mama naman kasi!" sigaw ko habang nakatakip ng mukha.



Si mama kasi, ang hilig mag display ng childhood photos ko na nakakahiya. Panigurado akong yung tinitignan niyang picture ay yung grade 2 Halloween party namin nila Luna at Riley. Tatlo kami sa picture na yun at pareparehas kami naka costume. Yakap yakap ko yung leeg ni Riley dun at mukhang gigil na gigil sa kanya, dagdag mo pa yung suot suot kong witch costume tapos kulay black pa yung lipstick ko. May hawak pa kong laruang kutsilyo sa kamay. Bukod pa dun eh puno ng make up na nakakatawang tignan yung mukha naming tatlo dahil napag tripan namin yung make up kit ni mama.



Bakit ba ko pinapahiya ng nanay ko?!



"Who are these two?" she asked curiously pertaining to Riley and Luna.



"Ay ayan! Mga bestfriend niya yan. Eto sila tignan mo." pagbibida ni mama sabay dampot dun sa picture frame na maayos ayos naman yung kuha ng litrato.



Kasabay nang pagtanggal ko ng kamay mula sa pagkakatakip sa mukha ko ay ang malakas na paghawi sakin ni mama para lang makalapit siya kay Thera at mabida yung hawak niyang picture.



"Oh diba. Ang gaganda. Di nga lang kasing ganda mo, pero maganda din naman sila." hirit pa ng nanay ko habang pinapakita kay Thera yung graduation photoshoot naming tatlo kung saan naka wacky kami.



Yung totoo! Sino bang anak niya saming dalawa?!



"Etong nasa kanan, ayan si Riley. Napaka maldita ng batang yan. Masyadong feeling entitled."



"Ma! Grabe ka." saway ko kay mama na grabe kung makapagsalita sa bestfriend niya. Oo, si Riley talaga bestfriend ng nanay ko at halos lahat shinishare nila sa isa't isa.



Di naman pinansin ni mama yung pagtawag ko sa kanya at nag patuloy lang sa pagpapakilala dun sa dalawa. "Pero malambing naman yan siya atsaka mapagkakatiwalaan. Eto namang nasa kaliwa, yan si Luna. O diba, siya pinaka makapal ang make up at bongga ang ayos pero bakla yan. Akala ko talaga dati, yan siya ang makakatuluyan netong anak ko---"




Anak ng!




"Mama! Ano ba pinagsasabi mo?!" mabilis kong putol dun sa pagkwekwento niya. Tumigil naman si mama na matawa tawa pa at halatang inaasar ako.



Napatingin ako kay Thera na dun parin nakatitig sa picture at bahagyang nakakunot ang noo. Malalamang, sinong di magtatakha dun sa sinabi ng nanay ko.



"Biro lang. Yang si Luna, mas mabait yan kesa dito sa Riley. Sobrang gentle girl, love na love si Sky. Madalas yang dalawang yan dito. Pag andito sila, si Riley yung taga kalat sa bahay, si Luna yung taga ligpit. Minsan balik ka dito para makilala mo silang dalawa." muling dagdag ng nanay ko.



Nakakainis kasi si Riley eh! Lahat kinikwento kay mama. Yan tuloy pati yung pag amin sakin ni Luna dati alam niya. Kaya tuwing nakakahanap si mama, maski si Riley ng pagkakataon, talagang ipang aasar nilang dalawa samin yung bagay na yun. Mga siraulo!



Napansin ko ang pag iwas ng tingin ni Thera dun sa picture na pinapakita ni mama tapos ay binaling niya ang tingin dun sa isa pang picture frame sa harap at kinuha yun.



It's me and Mykel during our last Christmas together. Hindi ko rin alam sa sarili ko pero bigla na namang nag wala yung tibok ng puso ko matapos niyang gawin yun. Yung simpleng pag dampot ng picture. Now, she's wearing her signature poker face again while staring at the picture.



Ang lala ko na.



Bakit ba kasi pinapatulan niya 'tong trip ni mama? Alam ko namang hindi siya interesado sa mga litrato ng buhay ko.



"Ay ayan." napatingin ako kay mama ng kunin niya kay Thera yung picture frame kung saan nandun yung litrato namin ni Mykel. "Eto naman si Mykel. Bestfriend din ni Sky." pagpapakilala ni mama kay Mykel na di ko inaasahan. Dagdag mo pa yung bahagyang pagkurot ng nanay ko sa hita ko na di ko alam ibig sabihin.



What the fuck! Anong bestfriend pinagsasabi niya?!



"Anong bestfriend?" tanong ko kay mama kaya sabay silang napatingin sakin ni Thera na para bang naghihintay ang sunod kong sasabihin.



I could simply tell her that the guy on the picture is my boyfriend. But she's giving me that I don't give a fuck look again. Yung parang tamad na tamad siya sa mga pinagsasabi ko. Sabi ng utak ko, ipakilala ko ng maayos si Mykel kasi hindi tamang hindi ko sabihing boyfriend ko siya. Samantalang yung tao, proud na proud akong pinapakilalang girlfriend niya sa lahat. Pero...



Parang may nakabara sa lalamunan ko. Hindi ko magawang magsalita habang nakatitig sakin si Thera.



And there is it again, that fucking guilt. Yung guilt na bigla kong nararamdaman kahit wala naman talaga kong ginagawang mali.



"So he's the detective boyfriend." Thera said that made me stop from overthinking.



She knows. Of course she knows, you said that during the interview. Pano niya nasabing boyfriend ko yan? Hindi naman kami mukhang clingy sa picture. Paano pala kung pinsan ko yan.



"Ay alam mo?" tanong ni mama kay Thera na tinanguan naman nito.



"Yes. When you said you have a detective boyfriend, I didn't expect him to be this good looking." she commented while looking at Mykel's face. "You look perfect for each other." she added...smiling.



"Oo din naman. Mabait na bata din yan si Mykel." my mom commented as she put the picture frame down.



"Tama na nga kakatingin ng picture. Hali na kayo dun sa kusina at kumain na tayo. Lalagay ko nalang yung kangkong, luto na yun. Sinigang na baboy niluto ko, kumakain ka ba nun?" sabi pa ng nanay ko tapos hinila na si Thera sa kusina.



"Yes, tita." I heard her answered my mom's question.



May kung ano pa silang pinag uusapan pero di ko na yun gaanong naintindihan. Hindi ako agad sumunod sa kanila at nanatiling nakatayo sa harap ng mga litrato, nakatitig dun sa picture namin ni Mykel.



You look perfect for each other.



Those are the most genuine words I've ever heard from her. The way she said it, you can tell that she meant it dearly.



Usually, pag may nagsabi nun, mapapa thank you ka biglang sagot. Pero tangina! Bakit kusang kumukuyom yung mga palad ko? Bakit masakit? Bakit para kong sinampal ng malakas sa mukha para matauhan sa napakalaki kong kahibangan. Para bang gusto kong lumuha pero wala kong karapatan.



She didn't just praised my relationship with Mykel, she even complimented his looks like a girl who saw a good looking man.



Gwapo naman talaga si Mykel. Normal lang naman mapuri niya yun kasi babae siya na may taste. Babae siya, Sky.




Ano ba kasing ini expect mo? Ikaw ang puriin eh mukha ka nga daw aso.




Gago, bakit ang sakit? Bakit ang tanga ko?



-------


CNC







Ga verder met lezen

Dit interesseert je vast

347M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
765K 28.4K 36
"I don't care who the fvck you are in front of the media. I just want you alone tonight. . .in my bed."
4.4M 138K 44
"Maybe our stars will realign again and we can pick up where we left off, but if that time does not come, I hope you find solace." Please be advised...