My Happy Crush

By AndreaMaxima

1.2K 94 58

Description: Para sa teenager na katulad ko, normal lang ang magka-crush at maging hopeless romanti... More

Dedication
My Happy Crush
Chapter 1: First Page
Chapter 2: Paningin
Chapter 3: School Year
Chapter 4: English Book
Chapter 5: Checked By
Chapter 6: Last Dance
Chapter 7: Ceejay & Maica
Chapter 8: Panyo
Chapter 9: Magaling Ka
Chapter 10: Proud
Chapter 11: Sunsets
Chapter 13: Group Chat Confession
Chapter 14: Private Message
Chapter 15: Lilipas
Chapter 16: Bukas na Libro
Chapter 17: Sunrise
Chapter 18: Comfort
Chapter 19: Red Letter
Chapter 20: Onion Rings
Chapter 21: Happy Birthday
Chapter 22: Bumalik
Chapter 23: Salamat
Chapter 24: Sikreto
Chapter 25: Happy New Year
Chapter 26: Tula
Chapter 27: Isang Taon
Chapter 28: Cedrick
Chapter 29: No Regrets
Chapter 30: AkosiCaptain

Chapter 12: Crush

30 2 0
By AndreaMaxima

CHAPTER 12

Crush

Simula bata pa, hobby ko lang ang pagkanta. Noong maging high school student ako, saka ko lang nalamang may talento pala ako. Sa tuwing sinasabi nilang magaling ako, tumaas ang kumpiyansa ko sa sarili. Sumali ako sa mga singing contest, nag-aral ako ng instruments ar naging kabilang ako dati sa banda. Noon iyon pero hindi na ngayon.

Matagal na... simula nang tumigil ako sa pagkanta. Simula nang mapahiya ako sa stage noon, hindi ako muling sumubok. Pumiyok ako at wala sa kondisyon ang boses ko noong singing contest sa school kaya hindi ako nakapag-perform nang maayos. Idagdag pa ang unti-unting pag-alis ng mga nanonood. Hindi ko napigilang umiyak nang araw na iyon kasi para lang akong nagkalat sa stage.

Kung umaawit man ako, para kay Lord na lang 'yon. Ayaw ko nang iparinig sana sa iba. Unti-unting nawala rin ang interes ko.

"Mga kantang compose ni Ryan Cayabyab ang napunta sa group natin," sabi ng isa kong kaklase.

Nasa court ang buong section para mag-practice within fifteen minutes. Kailangan kasi naming kantahin ang isa sa mga kantang ginawa ng composer na na-assign sa amin.

Napatingin kami sa kabilang grupo nang marinig namin ang kinakanta nila. Medyo magandang pakinggan ang sa kanila. Nang inilibot ko ang paningin ko sa kanila, nagtagpo ang mga paningin namin ni Ceejay. Tumaas ang mga kilay ko at umiwas ng tingin. 

"Hindi siya kumakanta. Lagot na naman 'yon," bulong ko sa sarili ko.

"Ito na lang "Kailan" ang kantahin natin."

Tumango ako kasabay ng pagtango ng bawat isa sa amin. Hindi naman din kami pamilyar sa ibang kanta kaya iyon na lang ang pinili namin. Kinanta na namin at kahit wala akong sabihin, alam naming pangit sa pandinig ang pagkanta namin.

"Sandali," sabi ni Ella. "Ang pangit!"

Natawa na lang kami. Tinanong niya kami isa-isa kung sinong marunong kumanta. Si Jana lang naman ang alam kong may magandang boses sa grupo namin kaya siya na ang ginawa naming main vocal.

"Si Bunsay, magaling din, Ella. Narinig ko kanina."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Angel. Hindi ko inasahang napansin niya pa 'yon kahit hininaan ko na nga ang boses ko. Sabagay, katabi ko naman siya... pero kahit pa! Ayaw kong mapukaw ang atensiyon ng mga kaklase ko.

"Kanta ka nga," utos sa akin ni Ella.

Mabilis akong umiling. "Hindi a-ako marunong."

Siniko ako ni Angel. "Aysus, huwag ka nang pa-humble. Para naman sa grades 'to! Maganda ang boses mo, promise."

Huminga nang malalim si Ella. "Sige, kayo ni Jana ang main vocal 'tapos second voice na tayong lahat."

Wala na akong nagawa nang pinagtabi niya kaming dalawa ni Jana. Bumuntong-hininga na lang ako bago kumanta. Sa totoo lang, hindi ako komportable. Kung kumanta man ako sa harap ng Grade 8 students, iyon ay dahil sila lang naman ang nakarinig at hindi naman nila ako sobrang kilala. Sa ngayon, ayaw kong marinig ng mga kaklase ko lalo pa at araw-araw ko naman silang nakasasama.

"Tapos na ang fifteen minutes, class. Go back to our room."

Humigpit ang hawak ko sa lyrics at naglakad na papunta sa room. Nakasabay ko pa si Ceejay kaya hindi ko naiwasang lumingon sa kaniya. Katulad ng ekspresiyong binibigay niya sa akin palagi, seryoso niya akong tiningnan bago takpan ng panyo ang bibig.

"Anong kakantahin ninyo, Bunsay?" tanong sa akin ni Lisa.

"Ano... "Kailan" ni Ryan Cayabyab."

Bumilog ang bibig ni Lisa sa pagkamangha. Sabagay, naintindihan ko naman siya dahil sa lahat ng kanta, mas pamilyar ang generation namin doon. Isa pa, ginamit ang kantang iyon sa isang sikat na romance movie.

"Good luck..." 

Tumunghay ako kay Ceejay nang nagsalita siya sa akin. "Salamat. Sa inyo rin."

Pumasok na kami sa room nang mahina siyang tumawa. "Tatayo lang ako sa isang gilid. Wala akong ambag doon. "The coconut-nut... is a giant nut..." ang kanta namin, feel ko, mas magandang sayawan."

Natawa ako sa paraan ng pagkanta niya. Nahawa ako sa tawa niya kaya bago umupo sa upuan ko. Pinagtinginan na kami ng mga katabi namin sa table dahil sa kalokohan niya. Tawa pa rin siya nang tawa kaya natatawa pa rin ako.

"Tama na 'yan. May sarili na naman kayong mundo," suway sa amin ni Angel kaya umayos na kami.

Malakas na tumikhim si Ceejay kaya muli akong napatingin sa kaniya. Nakatingin na siya kay ma'am pero halata namang nagpigil lang ng ngiti ang buwisit.

Para kaming mga abnormal. Kaya siguro palagi kaming inaasar. Hindi ko alam kung bakit napapatawa ako ni Ceejay sa mga simple niyang mga banat, biro at kalokohan. Ang alam ko lang, magaan ang loob ko sa kaniya. Hindi ko tinatago ang "ako" kapag kausap siya. 

Ang grupo nila ang unang nag-perform kaya muli na naman akong tumawa. Akala ko, hindi siya seryoso sa sinabi niyang mas gusto niya pang sayawin. Nabigla na lang ako nang bigla siyang sumayaw at mag-twerk habang kumakanta ang mga ka-group niya. Dahil doon, nakakuha sila ng one hundred points. Nang matapos sila at bumalik sa kaniya-kaniyang upuan, tawa pa rin kami nang tawa sa ginawa ni Ceejay. 

"Nakakahiya ka. Ayaw na kitang ka-group," reklamo ni Sonny.

Pinunasan ni Ceejay ang pawis sa noo pagkatapos umupo. "Ayaw mo pa? May one hundred points ka na dahil sa akin. Ako ang pinagpawisan sa ating lahat."

"Okay, let's move forward to Group 3," natatawang anunsiyo ni Ma'am.

Tumayo na ako at pumunta sa harap. Inayos ko ang uniform ko. Sinuklay ko gamit ng mga daliri ang mahaba kong buhok. Huminga ako nang malalim pero nabitin ako nang bigla na lang sumigaw si Ceejay.

"Go, JM. Bebe ko 'yan!"

Mabilis akong lumingon kay Ceejay. Sinamaan ko siya ng tingin lalo nang marinig ko ang sigawan ng mga kaklase ko. Halos lahat ng teacher, alam na 'yong love team naming puro naman kalokohan.

"Ceesa! Ceesa!" sigaw ng mga kaklase kong tawa pa nang tawa.

"Kantahan mo ng pangmalakasan, Bunsay!" sigaw ni Kenneth.

Inirapan ko na lang si Ceejay. Dahil malapit lang naman ang table namin sa harap, narinig ko ang nakalolokong tawa niya. Ang tagal bago huminahon ng buong klase. Bumilang si Ella ng tatlo bago kami nagsimula.

"Bakit kaya nangangamba? Sa tuwing ika'y nakikita..."

Natahimik ang lahat nang nagsimula na kami. Ako ang unang kumanta kaya halos may kung anong magrambulan sa tiyan ko dahil sa kaba. Sobrang nanlalamig ang mga kamay ko. Ramdam ko rin ang panginginig ng mga labi ko.

Muli akong napatingin sa table namin, sa puwestong malapit sa akin, nakita ko si Ceejay. Para bang iyon ang unang beses na narinig niya akong kumanta. Masyado siyang seryoso kaya mabilis din akong umiwas ng tingin.

"Ilang ulit nang nakabangga. Aklat kong dala'y pinulot mo pa. Hindi ka pa rin nagpakilala."

Sa sunod na lyrics na kinanta ko, para akong lumutang. Hindi ko alam kung bakit may naalala ako. Ang mga daplis na tinginan, ang pagkabungo sa hindi inaasahang pagkakataon, ang pagdaan niya sa gilid ko at ang pagramay niya sa akin kahit hindi niya alam—senyales pala sa mas higit pang damdaming hindi ko noon mapangalanan.

"Kailan... kailan mo ba mapapansin ang aking lihim..."

Dapat sabay kami sa chorus ni Jana. Sa halip na kumanta, pinaglapat ko ang mga labi ko at dahan-dahang lumingon kay Ceejay na nakapangalumbaba sa akin nang nga oras na iyon. Alam ko na. Kaya pala ganoon na ang epekto sa akin, kaya pala hindi ako mapakali, kaya pala lagi akong masaya—dahil higit na sa kaklase ang nararamdaman ko sa kaniya. 

Bahagya akong napangiti sa isang bagay. Kaya ko nang aminin sa pagkakataong iyon. Tanggap ko nang crush ko na nga talaga ang buwisit na Ceejay na 'yon.

Puppy love? Hindi ko alam. 

Admiration? Siguro nga ganoon 'yon. 

Infatuation? Baka iyon ang damdaming hindi ko malaman noon.

Basta ang alam ko lang, iba na ang tingin ko sa kaniya. Sa iba na pala ako dinala ng pagiging malapit ko sa kaniya. Sa laro at biruan naming dalawa, hindi ko alam na ako pala ang unang matatalo at... ko pala ang unang mahuhulog. 

"Kailan... kailan hahaplusin ang pusong bitin na bitin. Kahit anong aking gawin, 'di mo pa rin pansin."

••••••
Song used: Kailan
Composer: Ryan Cayabyab

Continue Reading

You'll Also Like

139K 7.7K 46
Porcia Era Hart x Chrisen
61.2K 152 15
SPG
22.3K 58 6
This is a work of fiction. Not suitable for young readers below 18. Read at your own risk and please do not report🔞
40.4K 169 8
Dalawang lalaki ang makikipag agawan sa dalagang kanilang inalagaan. Si Arthur, ay ang Ama ni Celia. Minahal at inaruga niya ang dalaga hanggang sa t...