Never Cry Murder

By Serialsleeper

3.4M 177K 120K

The Ripper Series #3 :: How far would you go to avenge and save the ones you love? More

Prologue
Chapter 1: Wretched Soul
Chapter 2 : On Duty
Chapter 3 : Love and other stuff
Chapter 4 : Seven days of nothing
Chapter 5 : Finding Serenity
Chapter 6: The price to pay
Chapter 7: The Haunt is on
Chapter 8: Samson
Chapter 9: Be Good
Chapter 10: Blasphemy
Chapter 11: She's a goner
Chapter 12: Pass the message
Chapter 13: Manifestations
Chapter 14: What really happened?
Chapter 15: Salvation
Chapter 16: Be rational not emotional
Chapter 17: A truce
Chapter 18: The Jemaima Program
Chapter 19: Breaking Point
Chapter 21: Truth or Perish
Chapter 22: Visitors
Chapter 23: Alarmed
Chapter 24: Time to let go
Chapter 25: Decipher
Chapter 26: Parting Time
Chapter 27: Epilogue
Chapter 28: Prologue
Chapter 29: A new chapter
Chapter 30: The thing about you and I
Chapter 31: The words he longed to utter
Chapter 32: Collateral Damage
Chapter 33: Jorino
Chapter 34: You reap what you sow
Chapter 35: The Verdict
Chapter 36: Here comes goodbye
Chapter 37: The Dead Girl
Chapter 38: Scribbled
Chapter 39: Silver Lining
Chapter 40: The Last Goodbye
Chapter 41: Listen to the expert
Chapter 42: Your beliefs, Your principles
Chapter 43: Just a warning
Chapter 44: In times of desperation
Chapter 45: Kin
Chapter 46: Let's play numb and dumb
Chapter 47: Connivance
Chapter 48: The Monster she became
Chapter 49: Havoc and Farewell
Chapter 50: When tables are turned
Epilogue (Part 1 of 2)
Epilogue (Part 2 of 2)
Dear Bruh...
Special Chapter #1: First Words
Special Chapter #2: Stay Strong Jorino

Chapter 20: They found me

54.8K 3K 1.1K
By Serialsleeper

20.

They found me

Third Person's POV

"Marami ang magbabantay kay Neo. Sisiguraduhin nilang walang mangyayaring masama sa kanya. Siguradong may natuklasan si Neo kaya siya pinagtangkaang patayin." Paniniguro ni Ponzi matapos makausap ang hepe sa kabilang linya upang masabi ang nasaksihan ni Dustin na tangkang pagpatay sa binatang si Neo.

"Sigurado ba talaga kayong sa post-office nagtatrabaho yung lalaking yon?" Muling tanong ni Ecleo na siyang nagmamaneho sa kotseng sinasakyan nila.

"Oo, base sa suot na uniporme nung delivery boy, siguradong-sigurado akong sa post office siya nagtatrabaho." Giit naman ni Ponzi.

"Teka bukas ba ang post office ngayon? Hatinggabi na ah?" Kunot-noong sambit ni Ecleo.

"Papasukin natin. Tayo mismo ang maghahanap ng employee record nila. Sa bawat minutong lumilipas, lalong nalalagay sa kapahamakan si Sisa, kailangan nating magmadali." Walang emosyong sambit ni Ponzi saka muling napatitig sa iba pang mga case files na dala.

Sa kanilang lahat, si Dustin lamang na nasa likurang bahagi ng sasakyan ang tahimik. Tila ba napakalalim ng iniisip nito habang pinagmamasdan ang kalsadang tinatahak. Hatinggabi na kaya iilan na lamang ang mga establismentong nakabukas at mangilan-ngilan na lamang ang mga nakakasalubong at nakakasabay nilang sasakyan sa kalsada.

Sa isang iglap, bigla na lamang nagsalita si Dustin na animo'y biglang may napansin sa kalsadang tinatahak.

"Teka, ihinto mo." Bigla nitong sambit na habang nakatanaw sa isang coffee shop na nasa gilid lamang nila.

"Ano?" Kunot-noong sambit ni Ecleo.

"Ihinto mo!" Biglang sigaw ni Dustin kaya inihinto na lamang ni Ecleo kahit pa nalagpasan na nila ito.

 "Ponzi tingnan mo yung lalakeng kalalabas lang mula sa coffee shop, ganung uniporme ba ang suot ng delivery boy na umambush kay Neo at sa ama niya?!" Aligagang sambit ni Dustin kaya agad ding napalingon sina Ecleo at Ponzi sa lalaking kalalabas lang mula sa coffee shop at patungo na sa nakaparada niyang motorsiklo.

Naningkit lalo ang mga mata ni Ponzi habang tinatanaw ito, naguguluhan man, tumango-tango si Ponzi, "Oo ganyang uniform ang suot nung lalake."

Tuluyang sumakay ang lalake sa kanyang motorsiklo baka na ikinataranta ni Dustin.

"Ecleo sundan mo siya bilis!" Giit ni Dustin kaya kahit naguguluhan ay dali-daling pinaandar ni Ecleo ang sasakyan upang sundan ito.

Mabilis ang pagpapatakbo ng lalake sa kanyang motorsiklo kaya naman mas binilisan din ni Ecleo ang pagmamaneho.

"Dustin sino siya?!" Tanong ni Ponzi saka lumingon kay Dustin.

"Ang nagtangkang pumatay kay Neo." Walang emosyon nitong sagot habang napakatalim ng tingin sa motorsiklong nasa unahan nila.

"Ecleo banggain mo siya!" Biglang giit ni Dustin bagay na labis na ikinagulat ng dalawa.

"Nasisiraan ka na ba talaga?! Tarantado, idadamay mo na naman ba kami sa krimen mo?!" Nanlilisik ang mga mata ni Ponzi sa galit pero binalewala na lamang ito ni Dustin.

"Dustin mapapahamak rin tayo pag ginawa ko yan!" Giit naman ni Ecleo na hindi makapaniwala sa naging suhestyon ng kaibigan.

Huminga na lamang ng malalim ang determinadong si Dustin saka isinuot ang hood ng kanyang jacket. Sa isang iglap, mistulang nawala ang inosenteng si Dustin at bumalik ang kademonyohang ginusto niyang kalimutan. Humawak siya ng mahigpit sa kanyang saklay saka unti-unting ibinaba ang bintana ng sasakyan.

"Ecleo pumunta tayo sa kabilang lane! Ipantay mo ako sa kanya!" Giit ni Dustin na tila ba nagngingitngit habang pinagmamasdan ang motorsiklo.

"Dustin wala kang papatayin! Naiintindihan mo ba?!" Galit na paalala ni Ponzi ngunit hindi na kumibo si Dustin na nakatuon lamang ang buong atensyon sa delivery boy na siyang sakay ng motorsiklo.

Napabuntong-hininga na lamang si Ecleo at sinunod ang gusto ni Dustin. Lumipat siya sa walang lamang bahagi ng kalsada at mas binilisan pa ang pagmamaneho hanggang sa tuluyan nilang makapantay ang delivery boy.

Unti-unting kumurba ang ngisi sa mukha ni Dustin nang napakalapit na niya sa delivery boy at makumpirma niyang ito nga ang nagtangkang pumapatay kay Neo.

Tila ba napansin ng delivery boy ang katabing sasakyan kaya bahagya niyang binagalan ang pagpapatakbo saka lumingon dito. Nanlaki ang mga mata niya nang makita si Dustin na nakatingin sa kanya habang nakangisi, lalo siyang nagulat nang maalalang ito ang pumigil sa kanya sa ospital nang akmang papatayin na niya si Neo.

Sa isang iglap, bigla na lamang hinagis ni Dustin ang saklay niya patungo sa delivery boy dahilan para sumemplang ang motorsiklo nito't tumilapon siya mula dito.

Dali-daling inihinto ni Ecleo ang sasakyan. Kapwa gulat na gulat sina Ecleo at Ponzi sa nangyari kaya sabay silang napalingon kay Dustin habang nanlalaki ang mga mata't hindi makapaniwala sa ginawa nito.

Ngumisi si Dustin sa dalawa saka napahawak ng mahigpit sa iisang natitira niyang saklay, "Pustahan, siya ang delivery boy binanggit ni Sisa sa mensahe niya." Sabi nito na para bang walang nangyari at sigurado sa kanyang kutob.

****

Dali-daling nagtatakbo sina Ecleo at Ponzi palabas ng sasakyan upang lapitan ang duguan at sugatang delivery boy na nasa gilid ng kalsada. Samantalang si Dustin naman ay pasimpleng nililibot ang tingin sa paligid na para bang sinisiguradong walang ibang nakakita sa kanila.

Mistulang nakahinga ng maluwag si Ponzi nang mapagtantong maayos lamang ang lagay ng delivery boy at maliban sa galos ay nawalan lamang ito ng malay. Samantalang dali-dali namang naghanap si Ecleo ng pagkakakilanlan mula sa backpack na dala nito.

"May alam akong isang abandonadong bahay na malayo sa ibang tao. Dalhin natin siya doon." Giit ni Dustin na hirap sa paglalakad gamit ang isang saklay.

"Tarantado ka talaga! Paano kung napatay mo siya?!" Nagngingitngit na sambit ni Ponzi saka marahas na kinwelyohan si Dustin.

"Wala akong balak na patayin siya." Giit ni Dustin na kalmado at tila ba naiintindihan ang galit ng dating kaibigan sa kanya.

"Siya nga si Rodney!" Biglang sigaw ni Ecleo habang pinagmamasdan ang ID na nakuha mula sa wallet na pagmamay-ari nito, "Teka, tingnan niyo to!" Dagdag pa niya kaya naman binitawan na lamang ni Ponzi si Dustin saka lumapit kay Ecleo.

Nagimbal si Ponzi nang makita ang iilang mga ID at wallet na hawak ni Ecleo sa kanyang kamay. Nanginginig ang kanyang kamay na pinulot ang isa sa mga ID—ID na pagmamay-ari ni Sisa.

Unti-unting dumako ang paningin ni Ponzi sa delivery boy na wala paring malay habang duguan sa gitna ng kalsada. Lalong tumindi ang galit na nararamdaman ni Ponzi at napahawak na lamang siya ng mahigpit sa ID ni Sisa.

****

"Anong ginagawa natin dito?!" Naguguluhang sambit ni Ponzi nang makitang imbes na huminto sa estasyon ng police, ay huminto sila sa sa isang abandonadong bahay na napapalibutan ng mga puno. Malayo ito sa kalsada o kabahayan.

Napabuntong-hininga na lamang si Ecleo saka lumingon sa delivery boy na wala paring malay, "Ponzi alam mo kung gaano kahalaga ang oras sa sitwasyon ngayon. Tanggapin na natin, kahit mali, kailangan nating gawin 'to kasi ito ang pinakabilis na paraan para mahanap si Sisa." Giit ni Ecleo.

"Ano?! Teka wag mong sabihing..." Naguguluhang sambit ni Ponzi na hindi na magawang tapusin pa ang sinasabi.

"Ponzi hanggang saan ang kaya mong gawin para mahanap at mailigtas si Sisa?" Makahulugang sambit ng kalmado lamang na si Dustin na tila ba pinapaalala kay Ponzi ang halaga ng dalaga.

"Lahat." Walang paligoy-ligoy na sambit ni Ponzi at siya na mismo ang kumadkad sa walang malay na si Rodney papalabas ng sasakyan.

****

"Dala ko na ang lahat ng sinabi niyo." Anunsyo ni Archie nang dumating saka inilapag sa sahig ang isang backpack at supot na puno ng mga kagamitang ipinadala sa kanya ng tatlo bago nagtungo sa abandonadong bahay.

Agad na inilabas ni Archie ang rolyo ng lubid na siyang agad namang ginamit nila Ponzi at Dustin upang maitali ang walang malay na delivery boy sa isang upuan.

Isang nailgun, Martilyo, Galon ng mga tubig, Alcohol, Kutsilyo at isang baseball bat—Lahat ito ay inilapag ni Archie sa sahig.

"Siya ba?" Namuo ang galit sa mukha ni Archie nang lapitan ang walang malay na delivery boy na si Rodney, "Kabilang ba siya programang sinasabi ninyo?" Dagdag pa nito.

Iniabot na lamang ni Dustin ang bag ng delivery boy at dito ay natagpuan ni Archie ang ID ng kasintahan at pati narin ang kwintas na ibinigay niya para sa kasintahan. 

"Simulan na natin to." Pigil ang luhang sambit ni Archie.

Bigla na lamang tumunog ang cellphone ni Ecleo kaya dali-dali siyang lumabas ng bahay upang sagutin ito.

"Sir Monterro?" Naguguluhang sambit ni Ecleo nang sagutin at mapagtantong ang gurong nagtatago pala ang tumatawag sa kanya.

"H-hijo natagpuan nila ako. Natagpuan ako ng programa...." Nauutal na sambit ng guro na para bang takot na takot dahilan para makunot ang noo ni Ecleo.

"Asan ka ngayon?" Tanong pa ni Ecleo.

END OF CHAPTER 20

Note: Sorry sa paasang title, I can't resist the call of trollness and Jerkiness! Hihihihi :")

By the way, Ponzi has reasons bakit ganun ang reaksyon niya sa mga ginagawa ni Dustin sa chapter na itu but let's just cross the bridge when we get there. As always, Kapit lang sa agimat ni Tatang—juk lungs. Hihihihihi XD

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3

Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 102K 33
Sampu silang umalis, sampu rin silang bumalik. Ang hindi nila alam, isa sa kanila ang naiwan. Sino ang nagbabalatkayo? Sino ang hunyango? (Watty Awar...
Never Cry Murder By bambi

Mystery / Thriller

3.4M 177K 56
The Ripper Series #3 :: How far would you go to avenge and save the ones you love?
4M 173K 33
"My name is Maddieson Paredes but everyone calls me Maddy. I'm an 18-year old college student. I go to school by day and I work at a convenience stor...
692K 47.2K 44
Crime and murder podcaster Wren Lozarte is desperate to earn money for her ailing uncle so she accepts a strange but high-paying offer from a mysteri...