Reincarnated as a Stupid Daug...

By DemLux_Pain

6.4M 327K 236K

Carnelia Manelli, isang anak ng Major General ng military at sikat na Fashion Designer na sina Jared at Kacey... More

RSDMB
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
CHARACTERS (So far)
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96

Chapter 93

33.6K 1.7K 277
By DemLux_Pain


Napatingin na lang ako sa paligid nang mag-umpisa na silang magbulungan. Hindi na ako magugulat kung nasa headline na naman ako ng balita dahil dito.


Tinignan ko si Lorraine at kita ko sa mukha niya na masaya siyang makita ako. Idagdag mo pa ang mga mata niyang nag-eexpect.


"Ge–geez! Kahit naka-nerd pa siya ngayon ay masasabi ko pa ring napakaganda ng babaeng 'to."


"Ahh... About that..." Awkward kong sabi dahil hindi ko alam kung paano siya tatanggihan.


Biglang lumungkot ang mukha niya na kinalunok ko. "You don't want to?"


"It's not like that." Mabilis kong sabi.


"You see, I realized that, as a friend, you haven't gone with me shopping and doing stuff outside. You're so busy..." Malungkot niyang sabi.


Hindi ko nga alam kung nangongosensya ba siya o kung ano man dahil sa tono ng boses niya.


"You're right. I'm busy these days. So, I can't go with you right now. " Diretso ko nang sabi na kinayuko niya. Tsk!


"O--okay. I understand."


Napahinga na lang ako nang malalim dahil sa nangyayari. Hindi ako sanay na may kaibigan kaya hindi ko alam kung paano ako kikilos sa harap niya. Damn! Bahala na nga!


"But let's do that some other day." Sabi ko na lang habang marahang hinawi ang buhok nitong tumatakip sa mukha niya.


Nagliwanag ang mga mata niya at mabilis na yumakap sa'kin. Ako naman na clueless ay nilagay ang kamay sa likod nito atsaka siya niyakap pabalik.


"Really?!" Dinig ko pang tanong niya na tinanguan ko na lang.


"Hmm..."


Humiwalay na ako sa kaniya nang makita ang mga matang nakatingin sa'min. Tsk! Bakit ba ang daming tsismoso't-tsismosa sa paligid? Ngayon lang ba sila nakakita na magkayakap na diyosa?


"P–pfft! Ehem! Ang kayabangan mo Carnelia ay umaandar na naman!"


"Okay! I'll wait for you until you ask me out." Masayang sabi niya na nginitian ko na lang, kahit pa parang may mali sa mga salitang ginamit niya.


Nagmukha pa tuloy akong lalaki na nagpapaantay na yayain siyang makipag-date. Yikes! Buti na lang wala sa paligid si Jav—


"Lorraine..."


O_O


Napatigil ako nang marinig ang boses ni Janice sa likod ko. Ramdam ko rin na may taong masama ang tingin sa'kin ngayon. Shit!


"Janice, you're here!" Masayang sabi ni Lorraine at tumakbo na papalapit kay Janice na tinanguan lang ako.


Tinanguan ko na lang siya pabalik habang pinipilit ang sarili na huwag mapalingon kay Javier na nasa tabi lang ng kapatid niya.


Hayys! Siguradong nadagdagan na naman ang ebidensya kuno niya na hindi ako straight at kung ano pa mang kalokohang naiisip niya.


"Sana okay ka pa, Javier no? Hindi lang ugali niya ang may sira ehh, pati na rin yung utak niya."


"I'll go now, Lorraine." Paalam ko bago tumalikod at hindi na hinintay ang sasabihin nila.


Tinatamad na akong magsalita kaya mabuti pang mauna na ako. Mahirap na ang mayaya sa kung saan pang lugar.


"Good bye, Heavenhell! Take care!" Sigaw ni Lorraine na kinawayan ko na lang.


Pumasok ako sa kotse ko at mabilis itong pinaandar. Hindi ko na rin ginawang tignan ang reaksyon nila dahil may gagawin pa pala ako.


"Hayys! So tiring!"



***



"Good morning AIANS!" Hype na hype na bati ng host para sa event ngayong araw.


(DN: Pronounced as [Ah-yans] or [Eh-yans], or [Ey-yans], kung saan kayo masaya edi doon kayo. Haha!)


"Are you all excited about what will happen at the event?" Tanong pa ng host na agad namang kinatili at kinasigaw ng mga estudyante.


"Aiya! Bilang introvert ay hindi ako sanay sa ganito kaingay na lugar. Alam naman ng lahat na shy type ako kaya dapat hindi na ako nagpunta pa sa opening ceremony ng event!"


"Whooo!!!"


"Yes!!!"


Napakamot na lang ako ng ulo sa sobrang ingay. Nandito kasi kami sa open arena ng AIA. Sa laki nga nito ay kakasya ang 70,000 na tao sa mga upuan. Dito kasi ginaganap ang mga sports competition sa loob ng AIA.


Ang lakas diba? Ganiyan talaga kapag napakayaman ng may-ari. Kahit sino ay mapapaluhod sa harap non kapag nagkataon. Hehe!


"Wow! I can feel all your energy right now! But before we start, I want to remind you that this annual event in AIA is being broadcast live on your TV screen, streaming sites, and other media platforms! So, the thing that will happen here inside the academy will also be known by your friends, family, and other people who are not related to you. Of course!" Mahabang litanya pa ng host na kinamangha naman ng mga estudyante.


Kapansin-pansin kasi ang mga cameras at mga staffs na galing sa mga broadcast station na nagkalat sa buong arena. Hindi rin naman nakakagulat ang bagay na 'yon dahil maraming mga bigating tao ang dadalo sa event ngayon. Normal lang na magsipuntahan ang mga reporter para sa scoop.


Tahimik akong nanonood ng mga intermission numbers at maging speeches mula sa Headmaster ng AIA. Nagbigay din ng speech ang mga head ng bawat department katulad na lamang ni Lieutenant General Yu, at ng head ng department namin na si Doctor Si.


Pero kapansin-pansin ang tinginan ni Lieutenant at ng head namin na bigla kong pinagtaka. Wa–wait? Anong meron at para silang teenager kung umasta sa harap ng stage.


Pinahilera kasi ang mga head ng 50 departments sa AIA at magkatabi pa ang dalawa kaya kitang-kita ko agad sila.


"Ge–geez! Anong kaganapan ito? At kung magiging love team sila anong name? YuSi?!"


Pero teka nga? Nasa mid-40's na si Lieutenant kaya imposible namang wala siyang asawa, diba? Wa–wait! Huwag mong sabihin na yung head ng department namin na palaging inuutusan si Heavenhell sa nobela ay ang asawa ni Lieutenant?!


Napatulala na lang ako sa na-realize. Kaya pala lagi rin akong sinasabak ni Lieutenant sa kung saan-saan dahil siguro kay Dr. Si.


Isa rin kasi si Dr. Si sa bilib na bilib sa talino ni Heavenhell, kaya hindi na ako magugulat na parehas silang may sapak ni Lieutenant!


Naparango ako sa bagong kaalaman atsaka nanood na lang sa last speech na magaganap ngayon sa opening ceremony. Pagkatapos kasi nito ay siyang simula na ng mga event kada department.


"Please give a round of applause to the top student from the business department, Lady Lorraine Maxwell!" Masaya ngunit bakas ang paggalang na pakilala ng host.


Agad namang umani nang samu't-saring reaksyon ang ginawang pagpapakilala ng host. Hindi kasi alam ng mga estudyante na ang number one socialite ng Atlante ay nag-aaral sa AIA.


Pero kung sino ang mas nagulat, 'yon ay ang mga estudyante na galing mismo sa Business Department. Wala silang ideya na yung top one na nilait-lait nila dahil sa pagiging nerd nito ay siyang magiging kalbaryo nila.


Sinong mag-aakala na magpapanggap na nerd ang anak ng nangunguna sa ranking ng Business Sector, diba? Tsk! Kaya dapat matuto sila sa kasabihang, "don't just the book by its cover".


"Is that Miss Lorraine? The Maxwells' princess, Lorraine Maxwell?"


"Y–yeah! She is that Lorraine!"


"Ms. Lorraine Maxwell... The elegant lady who ranks number one as the most influential young lady in the world."


"She's so powerful!"


"But I heard that the person who ranks first in the business department is a nerd."


"What? Really?"


"Yeah! I'm sure of it! I saw that nerd before. Now that I think of it, Ms. Lorraine's figure is similar to hers."


"No way!"


"How could a goddess pretend to be an ugly nerd?"


Hindi pa rin makapaniwalang tanong ng isa na parang ayaw pang tanggapin ang katotohanan. Pero agad ding natapos ang kahibangan niya nang sagutin na siya ni Lorraine sa speech niya.


"Yes, I am that nerd."


Gulat ang namutawi sa mga mata ng mga estudyante sa pag-aming ginawa ni Lorraine. Ang ilang professor naman ay tahimik lang.


Sa umpisa pa lang kasi ay alam na nila na kailangan nilang mag-ingat dahil ang nag-iisang Lorraine Maxwell ay nag-aaral sa paaralang pinagtatrabahuhan nila.


"I did that because I didn't want everyone to like me and pretend that they are my friends just because I am Lorraine Maxwell." Seryosong dagdag nito.


Sa aura at paraan pa lang nang pagsasalita ni Lorraine ay makikita mo na agad na pinalaki siyang sanay sa mga ganitong public speaking. Kita rin ang pagiging elegante at confidence nito na lalong nagpadagdag sa charisma niya.


"G–geez! Sa sobrang galing nitong si Lorraine ay kahit babae ay magkakagusto sa kaniya! Hindi na ako magugulat pa don."


Napangisi lang ako sa naisip bago nakinig ulit sa sinasabi niya.


"After all, those experiences, such as being bullied and mocked by others, are just fun memories to me. That's also the reason I was able to meet a good and true friend who will stay by me whoever I am." Nakangiti niya nang sabi na bigla kong kinalunok.


Pakiramdam ko kasi ay may hindi siya magandang sasabihin na lalong ikasasakit ng ulo ko ngayon.


"And oh! I will take this opportunity to send a message to my best friend, Janice. I want to say that I love you, even though you're so strict with me sometimes."


*Gulp*


Tahimik akong humiling na sana ay hindi niya maisipan na banggitin ang pangalan ko. Pero ano pa bang aasahan ko, diba? Aiya!


Ginala ni Lorraine ang paningin sa buong arena bago nagsalita na kinatigil ng tibok ng puso ko.


"And lastly, to my new best friend who accepts and protects me from bullies, my angel, Lady Heavenhell. I know you're there somewhere in the crowd. I want you to know that I'm grateful that I became your friend. Don't worry about those people who also spread bad rumors about you, since I am here and also Janice to protect you. I love you." Nakangiti nitong sabi na kinangiti ko na lang din.


"Geez! Kailangan niya pa bang sabihing mahal niya ako sa harap nang ganito karaming tao? This girl really... Nevermind!"


Napailing na lang ako bago tahimik na umalis ng arena. Pupunta muna akong cafeteria at doon tatambay dahil hindi ko na talaga matiis ang ingay sa paligid.


Atsaka may isang oras pa bago ang simple event sa Military Department. Actually, simpleng mga event lang talaga ang gaganapin kada department. Sadyang may mga importanteng bisita lang talaga ang pupunta para mag-obserba.


Umorder ako ng simpleng sandwich at apple juice. Magpapaubos muna ako ng oras bago lumarga. Manonood kasi ako kung talaga ngang may mabuting epekto ang hell week training sa mga trainees.


Makalipas ang isang oras ay tsaka ako naglakad papunta sa training ground. Base sa nabalitaan ko, ang mission play na gagawin ng mga trainees ay may kinalaman sa rescue operation.


Sa twenty six na trainee ay hahatiin sila sa apat na grupo para makabuo ng isang platoon. Ang mission nila ay mapasok ang base ng kalaban at maligtas ang mga hostage.


Sa mga damit nila ay may nakadikit doon na bilog na bagay na nakakonekta sa system ng department. Kailangan lang nilang tamaan ang bilog na 'yon para umilaw ng pula. At kapag umilaw na 'yon, ibig-sabihin patay ka na o ang kalaban nila.


So para maging sigurado ang tagumpay ng mga trainees ay kailangan lang nilang patumbahin lahat ng second year cadets. Ngunit ang tanong doon, kaya ba nilang makipagsabayan sa seniors nila?


Well, wala namang imposible. Kung tutuusin ay magiging madali lang yun kung may leader silang magaling sa strategy. Marami klase ng strategy sa military. May basic, common, at syempre meron ding advance na.


Kung matalino ang leader ng mga trainees ay kaya rin nila gumawa ng improvise na strategy depende sa sitwasyon na kahaharapin nila mamaya.


Mukhang madali pero hindi natin masasabi ang mangyayari, kaya dapat lagi silang may handang mga backup plans. Yes! "MGA" talaga ibig-sabihin maraming plano tungo sa siguradong pagkapanalo.

.

.

.

.

Nakarating ako sa training ground na mukhang haggard dahil sa sobrang dami ng tao.


Sa mga ganitong event kasi ay pinapayagan ang mga outsiders. Kaya maraming mga estudyante na galing sa iba't-ibang university para manood ng mga event na may kinalaman sa mga courses nila.


Ngayon ay nasa training ground lahat ng mga manonood. Ang mga bisita naman ay nasa mahabang lamesa kasama ang mga may matataas na posisyon sa military.


Nandoon din nakaupo si Lieutenant kasama si Javier na siyang pinagpasalamat ko. Ayoko rin kasing makipagplastikan sa animal dahil lalong sumasakit ang ulo ko kapag siya ang kaharap ko.


Tinuon ko na lang ang atensyon sa mga malalaking screen na nagkalat sa buong training ground. Ang mission play kasi ng mga trainees ay gaganapin sa ibang lugar.


Ayon kay Lieutenant ang setting ng event ay sa mismong gubat na nasa likod ng military department. Kaya naman masasabi kong exciting ang mga mangyayari. Hehe!


Tulad ng mga nangyari kanina ay nagsimula muna ang event sa mini-speech ng mga General na siyang bisita ngayon. Pero dahil sa napakabait ko ay syempre hindi ako nakinig sa mga pinagsasabi nila.


Hindi ko rin kasi talaga trip ang makinig sa mga speeches. Pakiramdam ko nga ay pampahaba lang yun ng mga events ehh.


"Hahaha! P–pfft! Ehem! Ang sama mo, Carnelia! Hindi ka talaga maka-appreciate ng mga mga inspirational speeches!"


Nakatulala akong nakatingin sa mga mukha ng mga bisita habang pinipilit ang sarili na makinig sa mga sinasabi nila. Pero kahit anong ritwal ang gawin ko ay wala talagang pumapasok sa utak ko. Kaya naman mas minabuti ko na lang na tumango at pumikit muna.


"Bakit ko pipilitin ang sarili kung ayaw talaga, diba? Hahaha!"


Nang maramdaman kong makaka-idlip na ako ay tsaka naman ako napabangon nang marinig ang pangalan ko.


"H–huh?! What happened?!"


"Ms. Caventry, if you're in the crowd, come here in front." Sabi ni Lieutenant habang naka-microphone pa. Arggh!


Ano na namang trip nitong si Lieutenant at balak pang ipakilala ako sa lahat ng tao dito sa training ground?!


Napalunok ako nang lumingon sa'kin yung mga taong malapit sa'kin ang upuan. May nakakakilala sa'kin malamang, lalo pa't sikat na sikat si Heavenhell online!


"What?" Tanong ko sa kanila na agad din namang inalis ang paningin sa'kin.


"There you are!" Natutuwang broadcast pa ni Lieutenant at talagang tinuro pa ako. Ang ending tuloy ay sa'kin lahat napunta ang atensyon ng mga bisita.


⊙⁠﹏⁠⊙


"M–my goodness! Si Lieutenant ang sarap ibaon sa lupa ehh! Pwede namang manahimik na lang siya para sumaya naman ako. Aish!"


"Come here, Lady Heavenhell." Tawag niya pa kaya wala naman akong nagawa kung hindi ang tumayo.


Diretso akong naglakad papunta sa harap habang hindi na pinapansin ang mga matang nakatingin sa'kin ngayon. Kung nakakamatay nga lang ang pagtingin nila ay malamang kanina pa ako nakabulagta sa sahig.


"A-ahh, hello everyone." Bati ko sa mga general at iba pang military higher officials nang makitang nakatingin sila sa'kin.


Hindi ko na hinintay pa na sumagot sila dahil dumiretso na ako kay Lieutenant. Bahagya ko siyang hinila sa gilid atsaka siya kinausap.


"Lieutenant, why are you calling me?" Mahina kong tanong sa kaniya para hindi marinig ng iba.


"Sit there beside the Colonel." Sagot nito na kinakunot ng noo ko.


"Why me? I'm not even part of the military department, lieutenant!" Reklamo ko na kinatawa niya lang. Tsk!


"It's okay, so don't worry. I just need someone who can sit with him. Look! Nobody wants to go there because of his death glare." Seryoso pang kwento niya kaya napalingon ako kay Javier.


Sa pinakadulong upuan ay wala siyang katabi sa magkabilang side. Nagmukha tuloy siyang outsider na naligaw lang ng upuan.


"So what's it got to do with me, Lieutenant? We're not even close." Sabi ko na lang dahil totoo naman na hindi kami close ni Javier.


"It's okay that you're not close. You can do it. saved this uncle of yours, okay? I will buy you some candy later." Parang bata niya pang sabi na kinanganga ko na lang sa utak ko.


"What am I? A kid?" Nakataas-kilay ko nang tanong sa kaniya. Ngumiti lang siya sa'kin bago nagsalita na kinasuko ko na.


"Geez! Kahit anong palusot ko dito kay Lieutenant ay wala pa rin akong laban dahil lagi siyang handa. Aish!"


"Pretty please? I will help you with Eli!" Nakangisi niyang sabi na kinatango ko na lang.


Tutal dinamay niya na si Vile ay wala na akong laban diyan. Daddy's first nga, sabi niya. P–pfft! Ehem!


"Tsk! Fine! Fine!"


"Hahahaha! I know it! Your weakness is my nephew! Very good!" Halakhak niya na parang nanalo siya ng lotto kung makatawa.


"Yeah, right! So, Lieutenant, remember that your nephew is mine. Okay? Agree with me!" Nakasimangot kong sabi na tinanguan niya agad.


"Okay! Okay! He's yours!"


Nag-thumbs up na lang ako sa kaniya bago naglakad papalapit kay Javier. Walang paalam akong umupo sa tabi niya, habang nasa kabilang side ko naman ang isa ring Colonel ng Military Sector.


"Good morning, Colonel." Bati ko dito na kinangiti niya.


"Good morning, Ms. Caventry."


Pagkatapos naming magbatian ay tsaka ako lumingon kay Javier na nakapangalumbaba habang masama ang tingin sa'kin. Oh? Problema niya?


"Ano na naman, young master?" Mahina kong tanong sa kaniya.


Hindi niya ako pinansin kaya hindi ko na siya nilingon pa. Tsk! Huwag niya akong paandaran ng ka-abnormalan niya dahil bad trip din ako.


Tinuon ko ang atensyon sa screen nang mag-umpisa na ang mission ng mga trainees. Sa itsura nga ng set up ngayon ay mukhang nanonoon ako ng simulation para sa war strategies ng giyera.


Tumingin ako sa lahat ng screen. Bawat screen ay may iba't-ibang pinapakitang Lugar. Bukod doon ay may camera din na nakakabit sa mga trainees at maging sa mga second years.


Sa base ng mga rebelde o yung mga second years ay nasa kabilang side na parte ng gubat. Ganoon din ang base ng mga trainees. Magkabilang side kaya mahihirapan sila na mapasok ang base.


Sa tingin ko ang kailangang gawin ng trainees ay mabuwag muna ang forefront defense line ng mga rebelde. Bago makaapak ang mga trainee sa teritoryo ng kalaban ay haharapin nila ang mga second year na naghihintay sa pag-atake nila.


"Aiya! Ambush na mauuwi sa massacre ang mangyayari, kapag nagkamali ng plano ang tumatayong leader ng platoon."


Napasandal na lang ako sa upuan at tinignan si Janice sa screen na siyang may hawak-hawak na map. May hawak din itong pen kung saan kino-cross out niya ang mga posibleng lugar na pangyayarihan ng ambush.


"W–wow! I'm amazed!"


So, leader pala si Janice ng Group 4 kung saan sila ang naka-assign sa pagsagip sa mga hostages. Yung group 1 ay ang bahalang mag-cover sa kanila sa unahan. Ibig sabihin sila ang makikipaglaban sa mga seniors nila sa harapan.


Yung Group 2 naman ay ang support team at ang bahalang mag-track sa mga sniper, traps, at mga rebelde na nag-aabang para sa ambush. At ang group 3 naman ang magbabantay sa base.


Bukod kasi sa infiltration ay kailangan din nilang protektahan ang base nila na siyang tumatayong safe zone ng platoon. Kung nalusob na ng kalaban nila ang base, sa tingin niyo may pag-asa pa silang manalo?


Kaya naman bawat grupo ay napaka importante. Maliit man ito o malaki dahil may kaniya-kaniya silang gagampanan na kailangan nilang magawa.


Tahimik kong pinanood ang mga trainees. Alam kong dahil sa training nila nitong nakaraang linggo ay mas magiging maingat na sila sa bawat kilos nila. Pati ang pag-track sa mga iilang signs sa lupa o sa kahit saan na madadaanan nila ay ginagawa nila. Kung kaya't mabilis din na natutunton ng Group 2 ang mga traps na nasa paligid.


Ang Group 1 naman ay nagsimula na ring sumugod sa kalaban habang nasa likod nito ang group 2. Dahil sa hindi inaasahan ng mga second year na diretsong susugod ang mga trainees ay wala silang nagawa nang unti-unti na silang nalalagas.


Kung kaya't napilitan ang leader nila na ipatawag ang natitira nilang kasamahan at ipadala sa unahan. Hehe! Checkmate!


Ewan ko kung natanga ba yung leader ng second year para ipokus ang atensyon sa unahan ng base nila. Hindi ba niya alam ang salitang smokescreen strategy?


Napailing na lang ako nang makita sila Janice na nakarating na sa likod na bahagi ng base. Dahil si Janice na isang Gideon ang pinag-uusapan dito ay mabilis niya lang napatumba ang mga second year na nakabantay sa likod.


Samantala, mabilis naman na kumilos ang mga miyembro ng Group 4 para iligtas ang mga hostages. Kaya ngayon ay sigurado na kung sino ang mananalo.


Ilang minuto pa ang tinagal nang labanan hanggang sa matapos na nga ito. May ilan na nabaril sa mga trainees pero sa huli ay sila pa rin ang nanalo.


Hindi na ako nagsalita nang magsimulang magpalakpakan ang mga bisita. Ang iba ay nagulat pa sa naging resulta at sa lakas at team work na pinakita ng mga first year trainees.


Hindi siguro nila akalain na mananalo sila dahil sa umpisa pa lang ay may advantage na ang mga second year. Pero ang maneuver warfare ay isa sa tactics na usong-uso sa Earth, kaya hindi na bago sa'kin 'to.


Pero bukod doon ay talagang magagaling ang mga trainees. Nadala yata ng torture kaya ganon. Hindi man naging perfect ang ginawa nilang plano kanina ay masasabi kong "good job" pa rin dahil sa effort. Hehe!


Mabilis na natapos ang recognition nila kaya hindi na ako naghintay na matapos ang speeches ng mga general. Naalala kong may event din pala kami sa department namin.


"Geez! Siguradong lagot ako sa department head!"


"Colonel, alis na 'ko. May proposal pa pala akong gagawin." Paalam ko kay Javier na tinanguan niya lang.


Hindi ko na siya pinansin at akmang lalakad na paalis nang marinig ang sinabi ni Lieutenant.


"I want to call on Lady Heavenhell for a short speech."


____________________________________________


Dem's note: May mga errors pa sa mga details na minsan ay nakakalimutan ko rin, kaya intindihin niyo muna kung meron man. The typos and grammatical errors are also there since the writer is not perfect! Thank you!

Continue Reading

You'll Also Like

263K 10K 66
For Sebastian Lerwick, being a good father, a loving husband, and a loyal member of the mafia are his top priorities. But when he's given a mission t...