Gandeloune: The Prophecy of T...

Von Thinker_Belle_Riz

353 62 0

Walang nakakaalam ng mangyayari sa kinabukasan ngunit bakit tila'y takot ang lahat? Ano nga bang nangyari? Si... Mehr

The Prophecy of The Tyrant Emperor
i
TABLE OF CONTENTS
Panimula
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
notice
Extra Chapter 1.0

Kabanata 1

27 2 0
Von Thinker_Belle_Riz

GANDELOUNE
The Prophecy of The Tyrant Emperor
ARC I : A Controversial Adoration

Chapter 1: Rishelle, the magic genius I
Gemsparks Empire, Main Palace
Autumn | Imperial Year 1610

"Kailangan ba silang imbitahin, Aaron?" tanong ng isang babaeng may mapulang buhok at matang kahel ang kulay. Nakatalikod siya mula sa pintuan at nakaharap sa nakaupong lalaki na hinihilot ang pagitan ng kanyang mga mata.

"Hindi natin pwedeng ipakita sa iba na mayroon tayong ayaw imbitahin, alam mo 'yan Veronica." sambit ni Aaron. Pinadausdos niya ang kanyang kamay papunta sa kanyang pilak na buhok at ang ginto niyang mata'y tiningnan ang babaeng nakatayo sa harap ng kanyang mesa.

"Pero..." Bahid sa mukha ni Veronica ang pagaalala at ikinuyom nito ang kanyang kamao. "...tayo ang sinisisi nila sa nawawala nilang anak.." mahinang sabi nito, lungkot ay maririnig sa kanyang tono.

"Hindi natin kasalanan ang nangyari." Tumayo ang lalaki sa kanyang upuan at nilapitan ang babae upang yakapin ito.

"Wala pa rin bang balita?" tanong ni Veronica kay Aaron.

"Hindi ko pa natatanggap ang bago nilang report, ngunit ayon sa isang pinadala ay may natunugan silang kakaibang nangyari kaya't paniguradong pinuntahan na nila iyon," bulong ni Aaron at kumalas sa kanyang yakap.

Tumingin si Veronica sa mesang puno ng papel na puro pangalan ng mga aristokrat, nobles, at mga namumuno sa iba't ibang lugar. "Wala na talagang ibang magagawa?" tanong niya

"Kung imbitahin natin ang mga namumuno at hayaan silang magdala ng gusto nilang isama?" sambit ni Aaron at tumingin sa papel na hawak ng kanyang asawa.

"Ngunit ilan?"

"Mas mabuti kung dalawa na lamang."

"Paano kung isama nila sila?"

"Alam nila ang nangyari kaya't paniguradong hindi nila isasama ang mga 'yon."

"Ah, oo nga pala, napagisipan mo na ba ang ireregalo sa ating anak?"

A child who's eavesdropping near the door turned around and slowly walks away from the emperor's office. She held the leather-covered book, with a golden dragon-print, tightly as she takes her steps.

"Nakausap na po ba ng Prinsesa ang Emperador at Emperatris?" nakangiting tanong ng isang bantay na kawal matapos nitong tumungo sa prinsesa. Nagbabantay ito na may kalayuan sa opisina ng Emperador.

"Mukhang nag-uusap pa po sila ni Ina kaya sa susunod na lang po," sambit ni Alina at ngumiti. "Ayaw ko po silang abalahin sa kanilang usapan. "

"Oh.. Ipapalam ko po ba na dumayo ang Prinsesa?" tanong ng kawal.

"Hindi na po. Maaabala pa po kayo! " alalang tanggi ng prinsesa rito at umiling.

"Nako, Prinsesa Alina, hindi po kayo nakakaabala ngunit kung iyan po ang kagustuhan ninyo ay susundin ko." nahihiyang sabi ng kawal.

Ngumiti ng malaki ang prinsesa, na nagngangalang Alina, sa kawal at tumakbo habang winawagayway ang kanyang kamay. "Paalam!"

Tumungo ang kawal sa direksyon ng natakbong prinsesa. Ang kulot na pilak na buhok nito'y kumikislap sa tuwing nasisinagan ito ng liwanag ng buwan.

Nang di na marinig ng kawal ang tapak ng prinsesa ay umayos siya ng tayo. Ilang segundo pa'y kumunot ang noo nito sa direksyon ng prinsesa bago iiling ang kanyang ulo, tila'y inaalis ang iniisip sa kanyang ulo.

"Natakas talaga ang mga bata kadalasan," sambit nito sa kanyang sarili nang mapagtanto nitong walang kasamang tagapag-lingkod ang prinsesa.

•••

Ripario City, Medaba District
Winter 1610 | early afternoon

Nakalipas na ang isang araw at tanghali na ngayon sa isang siyudad sa Imperyo. Maraming tao ang naglalakad sa paligid at tumatambay at magpaaraw habang ang iba ay naglalakad na para sa kanilang trabaho. Isa rito ay ang isang may kabataang lalaki na nasigaw at inaaya ang mga nadaan upang bumili.

"Dyaryo! Dyaryo! Bagong labas na dyaryo! Limang tansong barila lamang! " sigaw nito bago lumapit sa isang matandang lalaki. "Ginoo, gusto mo bang bumili?" tanong nito at bumili naman ang matandang lalaki ng isang dyaryo. (1)

Bumalik na sa gitna ng plaza ang lalaki at isinigaw muli ang binaggit nito kanina. Itinaas nito ang kanyang kamay na hawak ang binebentang dyaryo.

Ang unang pahina nito ay nagpapakita ng iba't ibang mga nagaadbertisa ng: mga bakanteng trabaho sa iba't ibang establisyimento; mga ipapalabas sa teatro sa susunod na mga araw; larawan ng isang nasunog na establisyimento; at ang napakalaking ginuhit na larawan ng palasyo ng Gemsparks.

「 Iba't ibang kinatawan ng mga namumuno ay inimbitahan sa ika-sampung kaarawan ng prinsesa! ——— 」

"Pabili nga ng isa," sambit ng isang lalaki, na naka-unipormeng kulay puti at may mga kulay gintong dekorasyon, mula sa likod ng nagbebenta.

Humarap sa likod ang nagbebenta ng dyaryo at kinuha sa kamay ng lalaki ang limang tansong barila bago iabot ang dyaryo.

"Salamat ginoo!" sambit ng nagtitinda. Tinaas nito ang nakayuko n'yang ulo at nanlaki ang mga mata ng makita ang mukha ng lalaking bumili sa kanya. "Kapitan Hidalgo?!" gulat na sabi nito habang tinitingnan ang lalaki.

Ang kapitan ng ikatlong knight company (2) ng Imperyo ng Gemsparks ay nagngangalang Hidalgo. His eyes and hair color are dark brown and has a tanned, big-toned body.

Naglakad na si Hidalgo papalayo nang madaming tao ang nagtinginan sa direksyon nila. Sino nga bang hindi mapapatingin? Sikat ang batalyong hawak at kontrolado ng Gemsparks Empire at minsan lang rin nila ito makita.

"Captain, handa na ang karwahe," sumaludo ang isa pang nakauniporme bago ito sabihin.

"Huwag na huwag ninyong aalisin sa paningin niyo ang mga yan." sambit ni Hidalgo at nagsimulang maglakad patungo sa isang kainan na nagbebenta ng lutong pagkain. (3)

Delauctor's Karinderya

Simple lamang ito dahil hindi naman aristokrat ang nagmamay-ari ng kainan. Nasa lugar sila kung saan naninirahan ang mga karaniwang mamamayan. Maraming tao sa loob na kumakain at bumibili dahil tanghaling tapat na. Pumasok sa loob si Hidalgo at pinagtinginan siya ng mga tao dahil sa unipormeng suot nito.

Most of the commoners do not know the appearance of the knights unless they are one or they are updated. Kahit ganoon ay mapapansin ng nga tao na hindi ordinaryong tao si Hidalgo dahil sa itsura at uniporme nito na kilalang kilala.

Tiningnan niya ang listahan ng mga tinitinda nitong pagkain. Nang makaabot na siya sa counter ay binati siya ng babaeng nagtitinda. "Ano po ang inyo, Ginoo? "

Hidalgo pointed out the savory food of minced vegetables and meat with sauce paired with a big loaf of bread for the ones in the carriage and a simple viand and rice for the other 3 knights. Umupo sya sa tabi ng counter, kung saan umuupo ang mga kakain sa labas, matapos magbayad. May lumapit sa kanyang batang babae na na may hawak na baso ng lemon water.

"Hello Sir. Knight, ito po ang tubig n'yo." The girl has dark navy-blue hair and dark blue eyes. Sa likod nito ay may lumulutang na maruming pinggan na nalutang patungo sa likod n'ya kung saan nakaayos ang ibang pinggan.

'Magaling siyang kumontrol ng kapangyarihan niya,' isip-isip nito sabay kinuha ang baso ng malamig na lemon water at uminom rito.

"Anong pangalan mo?"

"Po? Bakit n'yo po naitanong?" takang tanong ng batang babae nang bigla s'yang tawagin ng babae sa counter.

"Rishelle, 'nak, dalhin mo na yan sa kusina at huwag mong guluhin ang ginoo."

Naglakad na papalayo ang bata habang ang nanay nito na nagbebenta ay humingi ng pasensya kay Hidalgo. "Nako, pasensya na. Makulit talaga ang bunso namin. "

"Ayos lang ho. Sa inyo po ba ang karinderya? "

"Family business ito. S'ya pati ang pangalawa naming anak ang nagluluto habang itong panganay ko-" tinuro nito ang isang matangkad na babae na straight ang buhok. "-ang kasama ko magtinda. "

"Oh..." tumango si Hidalgo habang nakikipagkwentuhan sa matanda. "At ang bunso ninyo... Rishelle? Magaling s'yang kumontrol ng kanyang kapangyarihan. Ilang taon na s'ya?"

"Labing limang taon na s'ya. Diyang s'ya nagaaral sa pampublikong eskwelahan malapit rito sa district ng Medaba. " (4)

Tapos na magaral si Rishelle dahil tuwing Autumn nagtatapos ang klase at tuwing Winter at Spring ang bakasyon kaya't natulong ito sa karinderya. (5)

Tumahimik na si Hidalgo ng mayroong bagong dating na bumibili sa karinderya at kausap ang ina ni Rishelle. Lumabas na ang bata mula sa kusina at hawak nito ang pagkain na inorder ni Hidalgo. Nilagay n'ya ito sa isang bag na gawa sa tela ng katya at inabot ito kay Hidalgo.

"Ito na po ang pagkain n'yo," sabi ni Rishelle at ginamit ang kapangyarihan n'ya upang iabot ito dahil ito'y mabigat.

"Salamat, mauuna na ho ako," sambit ni Hidalgo sa ina ni Rishelle at tumungo upang tingnan ang batang babae. "Salamat sa tubig kanina, Rishelle."

"Walang anuman po!" Nahihiya ngunit malakas na sabi nito.

Hidalgo removed one of the small pin-back silver button from his uniform with the Gemspark Empire's insignia. (6) "Ano po ito? Pilak na baliya?" takang tanong ni Rishelle habang tinitingnan ang pilak na butones. Ini-pin ito ni Hidalgo sa iloob na parte ng cuff ni Rishelle para madali n'ya itong makita.

"Hindi, mas mahalaga pa yan sa pilak na barila. 'Wag mo yang iwawala at ipapamigay sa iba. Pwede kang makapasok sa palasyo gamit yan at hanapin si Kapitan Hidalgo," bulong nito.

"Ah.... Salamat po. " pasasalamat ni Rishelle at ngumiti. Halatang hindi alam ang halaga ng kanyang hawak. Ginulo ni Hidalgo ang buhok ng bata at tumayo ng ayos. "Babye!" sabi nito at iwinagayway ang kamay nito kung nasaan ang pin.

Naglakad na papunta sa resting place si Hidalgo. Ang resting place o pahingahan ay nasa town square lamang. Doon ay nakatayo ang tatlong kawal at binabantayan ang karwahe kung nasaan ang binabantayan nilang pamilya sa loob.

Ang resting place na ito'y may sari-sariling pahingahan para sa kabayo't karwahe. Sa gilid naman nito ay may mesa at mga upuan. Umupa sila ng isang pwesto dahil hindi pa sila kumakain simula ng umaga.

"Ang mga pagkain n'yo." nilabas ni Hidalgo ang mga pagkain ng kasama n'ya sa mesa at hiniwalay ang tatlong lalagyanan para sa kanilang binabantayan.

"Salamat Captain!"
"Sa wakas, makakakain rin."
"Namiss ko nang kumain ng mainit na pagkain."

Hindi pinansin ni Hidalgo ang mga ito at naglakad papunta sa karwahe, doon ay kinatok n'ya ang pinto ng karwahe bago ito buksan.

"Ito na ang pagkain nyo." Sambit nito, hawak ang bag na katya kung nasaan ang pagkain.

May isang babae na unti-unting inabot ang hawak ni Hidalgo.

"...Salamat" sambit nito at dali-daling sinara ang pinto na hawak kanina ni Hidalgo. Tumayo s'ya sa gilid habang ang tatlong kawal na kanyang kasama'y kumakain sa mesa sa tabi.


•••
read the notes for a better understanding of their world.

CHARACTER PROFILE

Name: Aaron Hale vier Gemsparks
Appearance: Silver white hair, golden eyes
Age and Birthdate: 38 years old, Summer
Info: Emperor of Gemsparks Empire
Likes: not stated

Name: Veronica tiu Carmine vier Gemsparks
Appearance: fiery-red hair, orange eyes, tan skin
Age and Birthdate: 39 years old, Summer
Info: Empress of Gemsparks Empire
Likes: not stated

***tiu is used for nobles who's surname at birth is replaced by a new family name

***vier means "of" in the ancient language and is used only by the monarchs

***Royalties and Imperial Families use the land they rule as their official surnames (a lot of nobles too) while their real surnames have not been used since the start of the imperial year.

GANDELOUNE
NOTES

1. Barila
- Barila is a kind of coin used within the Empire of Gemsparks. There are 3 types of barila: Tanso, ito ang pinakamababang halaga ng barila; Pilak, ang pinakamataas na halaga ng barila at; Ang pinagsamang metal na tinatawag na "moitre" na kalahati ng halaga ng pilak na barila.

2. Imperial Knight's Batallion
- Composed of knights that were trained by the Gemsparks's Knights themselves.

There are a total of Three Imperial Knights Companies and they are called the Imperial Batallion.
First Company - In charge of guarding the Imperial family everywhere they go and they also guard every part of the castle. They also observe the other knights from different parts of the Empire. They're also called "Imperial Guards".
Second Company - The largest company amongst the three. They are in charge of protecting the Empire from outsiders. They are mostly in the Empire's outskirts where monsters are everywhere.
Third Company - They are the smallest company. They are in charge of doing the hard personal orders of the Imperial Family with the Reigning Monarch's permission (In this case, the emperor).

3. Delauctor's Karinderya/Carinderia
is an eatery that serves savory foods. Ito ay pagmamayari ng isang pamilya ng commoner. Pinapatakbo lang ito ng sarili nilang pamilya. Ang nanay ang nagtitinda kasama ang nakatatanda nitong anak at ang ama at pangalawa nilang anak ang nasa kusina at ang bunso nilang anak ay tumutulong maglinis ng mesa.

4. Medaba district is located near the capital. Ang Medaba District ay ang dulong distrikto ng Repario City. Dito dumadaan kadalasan ang mga gustong pumunta sa kapitolyo mula sa Timog (South).

5. Primary and Secondary schools in Gandeloune only have 6 months per academic year (Summer and Autumn).

These are the subjects they typically learn:
• History subjects
• Language - There are three languages used in Gemsparks Empire. International (english in the story), Ancient (language used in magic) and a language that only the Gemsparks Empire uses (tagalog in the story).
• Fundamentals of magic
• Scouting - they teach the students how to survive in any situation, especially because a lot of people want to be an adventurer. They also teach what to forage and how to defeat common monsters.
• Basic Math
• Magic and Science

6. A silver pinback button is given to the imperial knights' battalion of Gemsparks. They can also serve as a way to tell that a captain has acknowledged an individual. They cannot give it to a lot of people, or they will be punished. A person with a silver pinback button can enter the palace easily.

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

1.9M 182K 206
Online Game# 2: MILAN X DION
20.9M 766K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...
25.2K 1.1K 37
| COMPLETED | | UNEDITED | Ally Cole, an ordinary person, was engrossed in reading an online novel while walking down the street when she was suddenl...
4.5M 112K 46
Wild, untamed and fierce- that's Tatiana Faith Follosco. Para sa kanya, chill lang ang buhay. She loves to party with her friends and make crazy dare...