Hunstman Series #:7- The Mafi...

By MayAmbay

446K 14.2K 595

Colosas Hunstman HUNSTMAN 3rd GEN SERIES "Kasalan itong ginagawa mo sa'kin maghunos dili ka, Ginoo..." Lumuw... More

THE MAFIA BODYGUARD
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 40
EPILOGUE
Special Chapter (Henry and Clarit)
Special Chapter (Henry and Clarit)

Chapter 39

8.4K 261 2
By MayAmbay

COLOSAS
#Kinidnap

"Oh! Shit! You smell good, babe!"

"A-aray! Dahan-dahan naman sa pagkagat! Lulumpuhin mo talaga ako, ha?!"

"Nakakagigil ka kase sobra, babe!"

"Kainis ka! Bilisan mo na ng makarami!"

Napailing ako sa malakas na halakhak ng gagong si Henry. Nagsisi ako kung bakit pumarito pa ako kung kaya't narinig ko ang kagaguhan nito dito pa talaga sa loob ng bahay niya.

Tinawagan niya ako kanina dahil may mahalaga daw itong sasabihin at dapat na makausap ako kaya nagmadali naman akong umalis. Ayoko sanang umalis sa tabi ni Raquel. Napangisi ako nang maalala kanina kung paano ko siya inangkin.

Fucking shit. I'm now starting to get horny, imagining her nude body against my body. Her smooth and natural scent still lingered in me.

"H-henry! Ah! Time out! I want to pee!"

"Let it go, babe! Ganyan daw ang mga first timer!"

"A-ano?! Saan mo nakuha iyan?"

"Ewan ko. Sinabi lang naman sa 'kin ng gagong si Colosas!"

Aba't! Dinamay pa ako ng walanghiya! Kung bakit naman kase nagpauto naman ako sa kagaguhan nito. Tsk!

Napangisi ako dito sa harap ng pinto at walang salitang sinipa ng malakas ang pinto, dahilan para masira ang pinto at bumagsak sa sahig.

"Aaaahhhh!!" Hiyaw ng babae. Hindi pa man ako nakakapasok ay nakita ko na ang likod ni Henry na agad tinago sa katawan nito ang babae niya.

"Gago ka, pre! Bakit ka pumasok at naninira pa ng pinto ng iba, ha!"

Ngumisi lang ako sa pagputok ng botse nito. Hindi ko alam kung bakit naging kaibigan ko na ang isang ito. Nung nandito pa si Raquel ay sarap nitong bitayin dahil sa paglapit nito sa kaniya. Pero nung tinulungan niya ako laban kay Aragon na mabawi ang Kombento ay nakipagmabutihan na ito sa 'kin. Alam ko naman kung bakit.

"Hindi mo naman sinabi na may porn show dito. Tsk." Asik ko at ngumisi lang. Sumama ang timpla ng mukha nito at kinuha pa ang isang unan sa sofa at binato sa 'kin.

"Lumabas ka muna, gago!" Napailing na tumalikod naman ako. Pero napahinto muna at saglit na lumingon sa likod nito.

"Nag-aaral pa 'yang pinsan ko."

"Huwag kang mag-alala pananagutan ko naman siya at ako pa magpapaaral sa kaniya—"

"Siguraduhin mo lang kundi lagot ka sa 'kin!" Tuluyan na akong lumabas at saka napailing pa.

Napasandal ako sa kotse at naglabas ng isang yosi. Hindi ko alam pero parang natetense ako na hindi ko maintindihan. Bigla na lang din ang pagbalandra ng kaba sa puso ko.

Kinuha ko ang lighter at nagsindi. Ilang sandali lang ay lumabas sa sirang pinto si Henry. Masama ang timpla ng mukha na kinangisi ko.

"Next time kase magsabi ka para walang disturbo sa session niyo." Pagngisi ko bago nagpakawala ng usok. Kumuha din ito ng isang stick ng yosi nito at nagsindi bago sumeryoso ang mukha nito.

"Sinong kasama ni Raquel ngayon?" Natigilan ako sa tanong nito. Tumaas pa ang sulok ng kilay ko.

"Si Nay Cathy. Bakit mo naitanong? Hanggang ngayon ba may pagti—"

"Huwag mong lagyan ng malisya ang tanong ko. Alam ko naman na malakas ang tama mo dun at wala akong panama. Ngayon ay may Clarit na ako na binaliw ako, pre!"

Humalakhak pa ito na kinailing ko. Malakas din ang tama ng lalaking ito sa pinsan ko. Ang pag-ibig nga naman kung dumarating sa oras ay wagas.

"Sabihin mo na ang gusto mong sabihin para makabalik na ako." Pagseryoso ko. Tumikhim ito at sumeryoso din ang awra bago nito tinapon ang yosi sa lupa.

"Narinig ko kagabi ang usapan nila Aragon at Kelly tungkol sa planong pagkidnap kay Raquel—"

"Pota! Bakit ngayon mo lang 'yan sinabi?!" Sa isang galaw ko ay marahas ko ng nakwelyuhan ang damit nito. Dumilim ang mukha ko at sa pagkuyom ng palad ko ay napino doon ang stick ng yosi ko.

"Panatag naman kase ako na nasa tabi mo si Raquel at—"

Hindi ko na siya pinatapos at tinulak bago mabilis na pumasok sa kotse ko. Hindi ko mawari ay domoble ang kabang nararamdaman ko. Fuck!

_*_*_*_*_

"Nay Cathy! Si Raquel?" Agad na salubong ko pagkarating ng bahay. Napatigil siya sa ginagawa at saka hinarap ako, nagtataka ang mukha.

"Ang aga mong nakabalik, Hijo. Si Raquel ay isinama ni James—"

"Saan sila nagpunta?" Fucking shit! Hindi na ako mapakali dito sa kinatatayuan ko nang marinig na wala si Raquel dito sa bahay.

"Sa sementeryo— teka Hijo—"

"I lock niyo po ang bahay!" Iyon lang ang tugon ko bago nagmadaling lumabas ng bahay. Napapamura ako habang mabilis na minimaubra ang kotse ko. Sa bilis ng takbo ay parang lilipad na ito. Damn it!

Pagkarating ng sementeryo ay lahat ng sulok ng lugar ay pinuntahan ko pero wala dito ang presensya ni Raquel. Damn it!  Sa galit ko ay nasipa ko ang isang puntod bago napasabunot sa buhok ko. Gigil na gigil ako kung saan hahagilapin si Raquel. Gago ka James! Saan mo dinala si Raquel! Mapapatay kita—

Napatigil ako nang maramdaman ang pagvibrate ng cp ko sa bulsa ko. Mabilis ko 'yon dinukot at nakita na unregistered number ang tumatawag.

"Hi, babe! Miss me?" Bungad ng boses pagkatapat ng phone sa 'kin tenga. Dumilim ang mukha ko at naikuyom ang mga palad sa boses nito. Kilalang-kilala ko ito.

"Nasaan si Raquel? Papatayin kita oras na sinaktan niyo siya!" Nakakatakot kong banta dahil sa tono ng pananalita nito ay alam ko agad na nasa kanila si Raquel. Malakas ang itim na usok sa mag-amang 'yon!

I heard the bitch laughter that fuels my anger.

"Matalino ka talaga, babe! Kaya mahal na mahal kita e! Pero nang dahil sa gagang babae na 'to nasira ang mga plano ko sa ating dalawa!" Bulyaw nito sa kabilang linya. Puno ng galit at talim sa boses nito.

Dumiin ang pagkakahawak ko sa phone at parang mapipiga na 'to sa mariin kong pagkakahawak. Kinalma ko ang sarili at marahas na huminga.

"Anong kailangan mo?" Seryoso kong saad. Alam kong tuso ang mga walanghiyang ito at dapat na laruin.

"Ang code mo para sa drugs laboratory niyo!" Natigilan ako sa gusto nitong mangyari.

Ang code ay access sa mga drugs laboratory na tanging ang pamilya lang ang may karapatan na magkaroon. Bawat isa sa aming mga kalalakihan ay may kaniya-kaniyang code na nagpapahiwatig na may karapatan kang pamahalaan iyon. And the security inside the Hunstman Laboratory are very strict, also under the surveillance of high technology.

Kung sino man ang taga-labas na may hawak nun ay tiyak babagsak ang Hunstman Laboratory. Kaya secured ang mga code na hawak na'min at isa pa ay nakatatak iyon dito sa loob ng aming katawan.

The code's our plant inside our body. My code was inside my body.

Pribado dahil sa hindi isang pipitsugin na mga droga ang hawak ng pamilya Hunstman. Our drugs have special ingredients for us only.

Maraming taga Black Market ang nakakaalam sa mga code's na iyon. At isa si Aragon na gustong makuha iyon sa pamilya na'min.

"Dalhin mo si Raquel sa 'kin bago ko ibigay ang gusto mo." Madiin kong saad habang ginagalaw ang ulo ko. Mapapalaban na naman ako nito.

Alang-alang sa babaeng mahal ko ay kaya kong gawin ang lahat makuha lang siya ng ligtas. Kahit isakripisyo ko pa ang buhay ko ay wala akong pakialam, basta ligtas si Raquel.

"Aahh! T-tama na!.."

"Fuck you! Anong ginawa niyo kay Raquel? Mapapatay ko kayo!" Dumagundong ang boses ko at umigting pa ang panga ko sa galit.

Dinig na dinig ko ang nahihirapang boses ni Raquel sa kabilang linya. Pagkarinig sa boses niya ay gusto kong magwala at nais ng makapatay ng tao dahil sa ginawa nila sa kaniya.

Narinig ko sa kabila ang malakas na tawa ng walanghiyang babae. Mas umigting pa ng husto ang panga ko pagkarinig sa sunod nitong sinabi.

"Alam kong tuso ka, Colosas! Kaya Ibigay mo na ang code kung ayaw mo na patayin ko ang babae mo! Buntis pa naman ito!" Narinig ko muli ang demonya nitong tawa.

Napipikit ako at muling kinalma ang sarili. Sa buong buhay ko ay ngayon lamang ako nakaramdam ng takot. Kakaibang takot na parang nais umiyak. Pero hindi ako magpapadala sa emosyon ko dahil kailangan ako ng mag-ina ko. May bahid din ng saya dito sa puso ko sa kaalaman na nagbunga ang pagmamahal ko kay Raquel. Parang nais ko din humiyaw sa sobrang tuwa at proud sa sarili ko.

"Kaligtasan ni Raquel at ibibigay ko ang code ko." Seryoso kong saad.

Matapos maibigay ang address ay nawala na ito sa kabilang linya. Naikuyom ko ang mga palad bago pumasok sa kotse ko. Madilim ang mukha ko nang binuhay ang makina at pinausad iyon sa address na binigay sa 'kin.

Please wait for me, sweetie!

***
© 2022 MAYAMBAY

Continue Reading

You'll Also Like

374K 9.5K 23
Empire Club 6: Christopher Carter SPG | R-18 Cover Designer: Krai @rindouuuu Started: June 10, 2020 Ended: September 23, 2020 (1:37 pm)
364K 8.6K 48
On her first day of school, Filamrie got bullied by her male student named, Yvan Wayne Suarez. But what if he do that just to get her attention, whet...
Hidden Secret By 🍑

General Fiction

103K 2.1K 24
STATUS: COMPLETED (UNDER REVISION AND EDITING) "I love you Clara"