Dugtungan Natin Ang Kahapon

By LoveMishap

55K 1.1K 106

"Mia, give me a chance to make it up sa lahat ng pagkukulang ko. Itama ko ang aking pagkakamali at pawiin ang... More

Copyright
Lynne Rose
Prologo
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Epilogo

Chapter 2

1.7K 33 1
By LoveMishap

"Kuya! Asan kana?!" malakas niyang tawag ng makarinig siya ng mga tawanan ng mga kalalakihan sa direksyon ng ilogw. Malapit sa sirang tulay.

Dose anyos na siya nuon. Nasa huling taon ng elementarya.

Parang may sariling utak ang kanyang mga paa, at dala narin marahil ng kyuryosidad, dinala siya ng kanyang mga paa sa direksyon ng ilog.

Hindi iyon kalaliman para sa kapatid niyang matangkad, ngunit para sa kanya, lulubog ang ulo niya pag siya'y tumayo mula sa kalalimang parte.

Sa pinakadulo ng manggahan, malapit na sa gubat ay mas may malaking parte ng ilog. At nasa teritoryo ng mga Montenegro ito. Malapit sa tubuhan ng hacienda. Ito ang may pinakalalim na tubig.

Ilang tao narin daw ang mga nalunod sa parteng iyon. Ngunit marami parin ang nagpupunta duon para maligo dahil sa may mataas na bato na ginagamit nila kung gusto nilang tumalon sa tubig.

Malakas na kantyawan ang narinig ni Mia habang papalapit siya sa kinaroroonan ng mga boses.

Nagtago siya sa matataas at masukal na damo, at hinawi ng bahagya at sinilip ang mga naroroon. Maingat na naupo siya at kahit may tumutusok sa puwitan, inignora niya ito.

Ang lakas ng kabog ng kanyang dibdib, kinakabahan siya sa ginagawa pero mas malakas ang udyok ng kyuryosidad.

Nasa dalawang metro ang layo ng pinagtataguan niya mula kung saan naghahabulan ang apat na kabinataan na mga kaibigan ni Eli. Halos pigil ang hiningang pinanood niya sila, palakas na palakas din ang tambol ng kanyang puso, kinakabahang baka makita siya.

Alam din niyang bawal na lumagpas siya sa ilog dahil nga magkaaway ang pamilya nila at ang Montenegro.

At iyon ang unang nakita niya ng malapitan si Elijah Benjamin Montenegro. Ang tagapagmana ni Don Eliseo.

Malaking bulas si Eli. At dahil sa ilang babae na ang pinaiyak nito, kilalang-kilala ito sa buong bayan nila. Kahit na nasa haiskul palang ito, kung sino-sino na raw ang naging nobya at hindi nagtatagal ng isang linggo.

Nakikita niya si Eli kapag sabado o linggo tuwing dumadaan ang kanilang sasakyan sa covered basketball court sa sentro na laging pinagtatambayan nila.

Ngunit hindi sa ganitong kalapit.

At tunay nga namang may rason na maraming nagkakadarapa kay Elijah. Di lang matangkad ito sa pangkaraniwang Pilipino, malakas ang hatak ng kaguwapuhan nito. Daig nito ang mga modelong nakikita lang niya sa TV o magazines.

Alam din niyang namumutok ang mga muscles sa dibdib at braso na itinago ng pang-itaas nito. Isa sa mga katangian ni Eli ay marunong itong tumulong sa mga trabahador. Hindi ito pumapalyang tumutulong tuwing anihan, kahit maging kargador, kahit na may mga tao silang binabayaran para sa trabahong iyon. Iyan ang mga naririnig niya sa mga kapitbahay nilang nagtatrabaho sa mga Montenegro.

Nakaitim ito ng pangligo at nakat-shirt parin ng pula, at ang mga kasama niya na hindi niya kilala ang mga pangalan, ay gayunding nakapangligong shorts at naghahabulan habang nagtatawanan.

"Ikaw na naman ang paboritong topic ng mga first year highschool," natatawang kantyaw ng lalakeng may kaitiman ngunit hindi rin nalalayo ang tangkad kay Eli. Kulot ang buhok, at nakaupo ito sa batuhan di kalayuan kay Eli.

May mga nagkalat ding puno ng bayabas at mangga sa paligid sa banda nila, samantalang sa bandang lupain ng mga magulang ni Mia, puro ito damuhan, talahib, at mga nagtataasang puno ng niyog at mangga.

May kataasan ang lupa, at paibaba ang malaking ilog.

Hindi maalis-alis ni Mia ang tingin kay Eli. Lalo na kapag ngumisi ito. Lumalabas ang isang maliit na dimple malapit sa kanang dulo ng may di kakapalang labi nito.

Nangingitim ng konti ang manipis na balbas na hindi niya naahit siguro ng ilang araw, tulad na tulad ng kuya niya.

"Wala tayong magagawa, pare. Iba na ang lapitin ng tsiks!" ngisi ni Eli at nagtawanan ang magkakaibigan. Anim sila. Ang kilala lang niya sa lahat ng anduon ay si Lando.

Nanliligaw kasi ito sa kanyang kaibigang si Bimby.

"Magtira ka naman para sa amin!" tudyo ng nakaasul na short, may kapayatan ng konti at ang pinakamaliit sa kanila.

Tawanan ang grupo, at hindi pa napapansing may matang nanonood sa kanila.

"Kailangan mo pang magsanay sa pagtira ng bola para makabingwit kana rin ng tsiks," kantyaw ni Lando sa nakaasul na short. Binato siya ng naaka-asul na short na nailagan naman ni Lando na tawa ng tawa.

"MIA!" napakislot si Mia sa kinauupuan at biglang tumigil ang pagtibok ng puso niya ng marinig ang sigaw ng kanyang kuya sa di kalayuan.

Tumigil din sa pagtatawanan ang grupo nina Eli.

Agad na inalis ni Mia ang kamay sa pagkakahawi sa damo at walang kilos, kasabay ng pagpigil ng paghinga. Parang nararamdaman niyang may nakatitig sa direksyon niya kaya't nagpalipas muna siya ng ilang minuto.

Nang narinig niya ang tawanan muli sa ilog, nanubok muli siya at biglang nagrigodon ang dibdib niya at agad na inalis ang mga kamay sa paghawi sa makapal na damong tumatabing sa kanya ng pakiramdam niya, nagtama ang mga mata nila ni Eli.

Nakatayo na ito.

"Buti naman at maliligo kana. Ikaw ang nagyaya, tapos uupo-upo kalang pala," kantiyaw ng kaibigan nito at muling hinawi ni Mia ang damo at napasinghap siya ng naghubad si Eli at nakaharap sa direksyon niya.

Panay ang lunok niya ng tumambad sa kanya ang mamaskuladong dibdib nito na parang hindi naaayon sa edad nitong disi-sais or mas bata pa. Nasa third year highschool na raw ito.

May mga pinong buhok na din ito sa dibdib, at sa panga, pababa sa baba nito, tila napaulanan ng pinong balahibo na bahagyang maitim.

"Nainitan na ako eh," tumatawang sagot ni Eli. Saka nag stretch pa ito, at nagflex, at lalong naging prominente ang magandang hugis ng katawan nito, lalo na sa tiyan nito na tila mga pandesal ang mga ilang namumukol sa patag na tiyan.

Panay ang lunok niya at nag-iinit ang kanyang pisngi. Animo nagpapakitang gilas ito. Pakiramdam ni Mia, sinasadya nito, pero agad din niyang pinalis ang isiping iyon.

"MIA! MIA!" narinig niyang tawag muli ng kuya at nasa tono na ang pagkaalarma. At saka siya parang nabuhusan ng malamig na tubig.

"Diba yung kapatid ni Miguel iyon?" narinig niyang tanong ng isa sa mga kaibigan ni Eli at napasinghap siya ng magtama ang mga mata nila ni Eli at ang mabilis niyang pagbitaw ng damo na parang napapaso. Nahagip din niya ang pagngisi nito.

Sabi nila, masungit daw si Eli. Kaya't maraming nahuhumaling na kadalagahan dahil daw sa pamisteryosong anyo nito. Tipid ngumiti at laging nakakunot ang noo.

Namula ng husto ang mukha ni Mia at tila kumalat hanggang kasingit-singitan niya.

Nagmamadaling umalis siya duon at napagtanto niyang nanginginig pa pala siya.

Mabilis na hinamig niya ang kanyang sarili.

Saka umikot at dumaan sa mga makakapal na ligaw na mga palumpong halaman upang hindi maghinala ang kuya niya na nanunubok siya sa mga binatang naliligo sa ilog.

Kumakabog parin ang dibdib niya at halos nabibingi na siya sa lakas nito.

"Nakita niya kaya ako?" mahinang kausap niya sa sarili at saka napakagat siya sa labi.

"MIA! Bumalik na tayo!" rinig niyang sigaw muli ng kanyang kuya, at may iritasyon siyang nababanaag sa buo nitong boses.

At para naman siyang natauhan. Ang kanyang isip nasa pagkakahuli ni Eli sa kanya na nanunubok.

Nagmamadaling sinundan ang direksyon ng tinig ng kanyang kapatid.

Sumama siya sa kuya niya at ang girlfriend nitong si Irene, ngunit iniwan siya ng mga ito.

Pakiramdam niya, pinagtataguan siya ng dalawa. Hindi naman siya tanga para hindi alam na ginagamit siya ng dalawa na kunyaring maglalakad-lakad upang ipasyal si Irene para sumang-ayon ang lola nila na mawala sa paningin nila ang dalawa.

Kaya't inis na naglakad-lakad nalang siya hanggang sa dulo, malapit sa ilog. Lagi niyang ginagawa iyon, at ilang beses niyang natsatsambahang naliligo ang magkakaibigan.

Ngunit hindi pa siya nahuhuli. Kung sana di siya pumuwesto malapit masyado, sana di siya nahuli. Ngunit naisip niya, baka nag-iisip lang siya masyado.

Impossibleng nakita siya sa kapal ng mga nagsisitaasang ligaw na damo.

"Saan kaba nagpunta? Nasaan na si Irene?" sunud-sunod na tanong niya sa kuya niya na nakasimangot at pinagkrus pa ang mga kamay sa dibdib.

Hanggang balikat lang siya ng kuya niya. Matangkad narin ito sa gulang na labing-anim.

Umilap ang mga mata ng kuya niya. "Akala namin umuwi kana kaya bumalik narin kami. Napagtanto kong hindi kapa bumabalik kaya't bumalik ako. Nasa bahay na si Irene," paliwanag ng kuya niya.

Magkasabay silang bumalik sa bahay nila. Mga sampung minuto din yata ang nilakad nila. Nasa silangang bahagi sila ng kanilang lupain.

Nang trese-anyos na si Mia, sa San Vicente High school siya nagpa-enroll. Gusto sana ng mga magulang niya sa Immaculate conception parin siya maghighschool, ngunit iginiit niyang gusto niya ng bagong paligid. At mas medyo malapit ito, at saka mas malaki at moderno.

Dahil sa pagpupumilit niyang duon mag-aral, walang nagawa ang mga magulang niya at pinahintulutan siya ngunit sa isang kondisyon. Wala munang boyfriend at makatapos siya ng highschool saka magkolehiyo.

Masayang -masaya siya kasi kasama niya si Bimby sa parehong eskwelahan din, at nakilala niya si Rosie.

Nakikita narin niya si Eli at ang mga kaibigan nito sa tambayan nila, malapit sa baseball field. Sa ilalim ng malaking puno ng balete. Dalawa iyong matandang puno na tila magkahawak ng kamay dahil ang isang malaking sanga ng bawat isa at magkadikit. Kaya't tila arko ito at may malaking lilim para sa mga estudyante ayaw maarawan. Animo'y payong iyon.

May ilang mga mahahabang upuan at mesang gawa sa bato na nasa lilim nito.

Kaya't paboritong tambayan ng mga estudyante.

Septyembre nuon, at hindi na nakaiwas si Mia ng masalubong nila ang grupo nina Lando isang hapon.

Palapit na kasi ang foundation ng San Vicente High, kaya't halos walang mga pasok. Pumapasok lang ang mga estudyante dahil sa attendance, at praktis din para sa mga sasalihang palaro.

"Bimby!" tawag ni Lando, at ang luwang ng ngiti ng bestfriend niya.

Maganda si Bimby kaya't hindi siya nagtatakang hindi tumigil sa panliligaw si Lando. Maputi ang makinis nitong balat at singkit.

"Hi!" kiming bati nito, at kunot ang noong nakatitig lang si Mia kay Lando. Ramdam niya ang mga titig nga mga kasamahan nito, ngunit pinigilan ang sariling lumagpas ang tingin sa balikat ni Lando kung nasaan si Eli at ang mga kaibigan nila.

Mula sa gilid ng kanyang mga mata, kita niyang nakatitig ito sa kanya na may parang aliw na aliw. At nagtataka siya dahil sa naririnig niyang suplado ito at laging tila may kalaban sa dilim lagi ng anyo.

"Lando, meet my bestfriend, si Mia," pakilala ni Bimby sa manliligaw. Hindi pa talaga sila nagkakilala ng malapitan, kasi lagi siyang naghahanap ng rason tuwing alam niyang nagyayaya si Bimby sa canteen upang magkita sila ni Lando.

Lagi naman kasing nakabuntot ang mga magkakaibigan.

"Mia?" malakas na tanong ni Eli at siyang pagtingin niya rito.

Nagtama ang mga mata nila at pakiramdam niya, mawawalay ang kanyang puso mula sa ribcage niya dahil sa malakas nitong pagkabog. Pakiramdam niya, naririnig din ng mga kaibigan nitong malapit sa kanya.

Nag-init ang kanyang pisngi ng kinindatan siya nito na parang may laman ang titig nito.

Nainis siya dahil pakiramdam niya, napakapresko nito, kaya't inirapan niya ito. Pero ang lakas ng pintig ng kanyang puso ngayong nasa malapitan na ang lalakeng hindi na naalis sa kanyang isip gabi-gabi simula ng makita niya ito sa ilog na naghubad.

Napagkit na sa kanyang isip ang mukha nito, ang ngisi, ang biloy nito malapit sa labi, lalong-lalo na ang mamaskuladong katawan nito.

"Hi, I'm Elijah. Call me Eli, Mia," at tumayo ito sa kanyang harapan at nakalahad ang malaking palad.

Nawala na ang atensyon niya sa mga taong nakapaligid sa kanila, kahit na ang mga taas kilay at nakakunot-noong mga estudyanteng nanonood sa pakikipagkilala ni Eli.

Pinaglipat-lipat niya ang kanyang paningin mula sa palad nito at sa kanyang mukhang nakangisi at titig na titig ng malagkit.

Medyo naalibadbaran siya, ngunit pinigilan niya ang sariling tarayan ito.

Walang kangiti-ngiting tinanggap niya ang palad nitong nasa ere. Nang dumapo ang maliit niyang palad sa malaking palad nito, agad din niyang binawi ng biglang tila may kuryenteng dumaan mula sa palad ni Eli at naglakbay sa kanyang balat.

Naguguluhang tumingin siya kay Eli at ganuon ding parang nagtatanong ang titig nito. Agad siyang umiwas ng tingin.

"Hi, Mia. I'm Tomas," at ibinaling niya ang tingin sa lalakeng umabot sa tainga lang ni Eli at ngayo'y nakatayo sa tabi ni Eli. Wala yatang balak na magbigay ng daan sa mga kasama nitong nasa likod niya.

Siya na ang nag-adjust. Nakakahiya naman sa binata.

Kaya't hinarap niya ang mga kasama pa nitong nakipagkilala. Inignora niya ang paminsan-minsang pag-ungol nito malapit sa kanya, mukhang gustong kunin ang kanyang atensyon.

"Rico," anang pinakamaliit sa kanila. Hindi naman na kaliitan, umabot lang kasi ito lampas balikat ni Eli.

Si Lando at Tomas, halos magkasing-taas. Ang ibang mga kasama nila, dumaan nalang sa kanyang pandinig ang mga pangalan nila at ang dalawang babaeng girlfriend daw ng mga kasama ng mga ito.

"Allan," sabi ng isa. Isa-isang nginitian niya ang mga ito. At ito nga yung kinantyawan na magpraktis magbasketball para magkaroon ng tsiks, naalala niya.

"Saan na kayo pupunta?" tanong ni Bimby kay Lando at awkward na sumunod lang si Mia kay Bimby. Kipkip ang kanyang backpack, iniwas niyang mapatingin sa gilid niya kung saan sumasabay si Eli.

"Sa canteen. Gutom kami, at katatapos ng praktis," sagot ni Rico.

Kinausap siya ni Tomas, at napansin niyang mabulaklak ang mga salita nito. Ngunit magaan ang pakiramdam niya kay Tomas. Nang may tinanong sa kanya si Rico, nabaling ang atensyon nito sa pinag-uusapan nila.

"So my mortal enemy, Mia," narinig niyang bulong ni Eli at napatigil siya at napatingin dito. Kailangan pa niyang tumingala at nakayuko naman si Eli. Nalanghap niya ang bango ng hininga nito at napaatras siya ng konti. Ang lapit kasi ng mukha nito sa kanya.

Napakabango naman nito, napakaswabe sa ilong. Hindi matapang, at lalakeng-lalake.

Ngising-ngisi si Eli at lalong gumuwapo ito sa kanyang paningin. Parang may anghel na nagsipag-awitan sa kanyang paligid.

Parang may kumikiliti din sa tiyan ni Mia, ngunit hindi niya mawari kung ano iyon. Upang pagtakpan ang tunay niyang nararamdaman, ang epekto sa kanya ng binata, tinarayan niya ito.

"Alam mo naman palang magkaaway ang pamilya natin eh, kaya iwasan mo ako," angil niya rito saka inirapan at sumunod muli kina Bimby.

Lakas ng tawanan at kwentuhan, kantyawan ng magbabakarkada, hindi na pansin ang pang-aasar ni Eli sa kanya.

Dinunggol ni Eli ang kanyang braso gamit ng siko nito, at tinaliman niya ito ng mga mata. Ngising nakakaloko naman ang binigay nito sa kanya.

Papansin talaga!

Ngunit naghuhumiyaw sa saya naman ang kanyang puso. Pero hindi rin niya mapigilang mainis sa ginagawa ng binata. At siguro dahil narin medyo naiilang pa siya.

"Anong ginagawa mo sa talahiban ng minsang hapon, Mia?" narinig niyang tanong nito sa tonong siya lang ang nakakarinig dahil nakayuko ito malapit sa kanyang ulo.

Biglang dumoble ang bilis ng kanyang puso. At nag-init lalo ang kanyang pisngi dahil sa hiyang biglang rumagasa sa kanyang buong pagkatao.

Nakita nga siya.

"Anong i-ibig mong sabihin?" pakunwari at nautal na tanong niya kay Eli, ngunit hindi niya masalubong ang mga mata nito.

"I know you were hiding that aftenoon habang naliligo kami sa ilog ng mga kaibigan ko," ngisi nito at dahil wala siyang maisagot, mabibilis ang bawat hakbang niya hanggang sa maabutan niya si Bimby para makaiwas.

"Mauuna na ako sa inyo, nakalimutan ko pala na may hihiramin akong libro sa library," aniya upang takasan lang ang nakakairitang ngisi ni Elijah Benjamin.

At bago makasagot si Bimby, umikot siya pabalik sa gusali kung nasaan ang librarya.

Kung akala niya maiiwasan niya si Eli, nagulat siya ng pinuntahan siya duon, minsang break nila.

Nagulat nalang siya ng may nagsalita sa kanyang likuran habang naghahanap ng pwede niyang basahing libro na interesado siya at maaliw ang sarili hanggang sa pagtatapos ng break time.

"You shouldn't be hiding here. Sayang ang kagandahan mo kung itatago mo lang," bulong nito malapit sa kanyang tainga.

Bigla namang nanigas ang kanyang katawan. At nagsitayuan ang lahat ng kanyang balahibong pusa.

Kahit hindi siya lumingon, kilalang-kilala niya ang malalim na boses ni Eli. Siya lang ang tanging lalake na nakilala niya na may ganuong boses. At sa edad palang nitong disi-sais.

Buo, malalim at parang kagigising lang nito.

Ramdam din ni Mia ang init ng katawan nitong malapit na malapit sa kanya. Medyo nailang siya.

"Anong ginagawa mo rito?" inis niyang tanong sa mababang tono upang hindi sila masaway sa mga naroroong estudyante.

"Hinahanap ka," kibit-balikat nitong sagot, saka tumayo sa gilid niya, paharap sa kanya ng nakapamulsa.

Sinalubong niya ang titig ni Eli. Napansin niyang deep set ang mga mata nito na hugis almendras. Mapusyaw ang kulay ng mga mata nito, nag-aagaw tsokolate at kulay araw na napapalibutan ng makakapal at mahahabang pilik mata. Senswal ang pagkakahugis ng mga labi nitong hindi kakapalan ngunit medyo namumula. May bahid kulay brown ito dahil alam niyang naninigarilyo ito pa minsan-minsan kasama ng mga barkada. Parang laging nakatawa rin ang mga mata nito. Tila laging may nakatagong kalokohan sa mga mata nito.

Ang tangos ng aristokrato nitong ilong, may konting hiwa sa may pagkasutil nitong baba, pangahan din ang mukha.

Kaguwapuhang sa panaginip lang niya makikita, sa libro lang na nababasa niya, at mga magazines ng mga modelong pang international lang nakikita.

"Kung naririto ka para bwisitin ako, pwes, nagtagumpay ka. Now go!" inis niyang asik rito sa mababang tono at naniningkit na mga mata. Inignora niya ang paglukso ng kanyang puso na tila naghahop scotch. Kahit ang kilig na nararamdaman niya, hindi rin niya pinansin.

Natawa si Eli and he didn't care kung nakakaistorbo ito. Nakarinig sila ng 'ssshhh,' tandang sinasaway sila.

"Sa tingin mo, magsasayang ako ng oras na parang asong sinusundan ka, para lang inisin ka?" nakangiti ngunit nakataas ang kilay na sabi nito.

Nagpakawala ng isang matalim na paghinga si Mia at saka malumanay na nagsalita. Baka madaan sa pagiging mahinahon si Eli.

Kahit na kinikilig siya, kahit na crush narin rin ito, hindi siya bibigay sa pagpapalipad hangin nito. Alam ni Mia na magkalaban ang pamilya nila. Malay niya, baka gusto lang siyang paglaruan. Dahil imposibleng magkaroon ng kaganapan ang maging relasyon nila kung sakali man. Maraming tututol kung sakali.

"Eli, abala ako ngayon," aniya at saka ibinalik ang atensyon sa likod ng mga libro.

"You mean nag-aabala-abalahan para makaiwas sa akin?" tudyo nito at iniwas niya ang kayang mukha dahil sa namumula ito sa pagkakahuli sa kanyang pagsisinungaling.

"Sa lahat ng mga babae, ikaw palang ang nag-exert ng effort para iwasan ako, sweetheart. Ako ang laging nagtatago sa pagkakaalam ko. What happened to my charms?" pagbibiro nito at tumalim ang tingin ni Mia sa librong nasa harapan niya, ngunit wala duon ang kanyang isip.

"Hindi mo man lang ba i-acknowledge ang effort ko?" anito at matabang siyang sumagot.

"Kapag nagpasalamat ako, lulubayan mo na ako?" paghahamon niya saka tinaasan din niya ito ng kilay. Pinigilan niyang kiligin dahil sa nakakatunaw nga naman ang titig nito sa kanya.

Natawa muli si Eli at inis na tinaliman niya ito ng mga mata, nagbabalang huwag gumawa ng ingay.

"E di sayang ang mga effort kong pagpapansin sayo kung lulubayan lang din kita?" pabirong tudyo nito.

"Ano bang ayaw mo sa akin? Wala pa akong hinahabol-habol na babae. Ikaw palang ang nakasira sa record kong iyon," saad ni Eli, at nakaringgan niya iyon ng kaseryosohan ngunit ayaw niyang intindihin iyon.

Isinaisip niyang pinagloloko lang siya ni Eli. Baka pa nga pinagpustahan lang siya.

"Arogante," mahinang usal ni Mia at saka umusog palayo sa kanya at kunwaring tumitingin muli sa mga libro.

"I'm stating a fact, Mia. I'm desperate," anito. "Im offering you a once in a lifetime position na lahat ng mga babaeng nakilala ko would trade anything just to get that position," tudyo ni Eli ngunit may kalakip na kaseryosohan sa tono nito.

Tinitigan niya si Eli at tama nga naman ito. Kahit sinong anak ni Eba magkakagusto rito. Nasa kanya na lahat ang hinahanap ng mga babae, at kung magiging honest siya, isa siya sa mga nagpapantasya kay Eli. Simula ng makita niya ito sa ilog, hindi na ito nawalay sa kanyang isip.

Nabibingi na siya sa lakas ng kabog ng kanyang puso. Nagtatalo ang kanyang isip at puso. She wanted to be with him, ngunit, umiiral ang katotohanang walang patutunguhan ang anumang nararamdaman niya rito.

Maraming dahilan kung bakit takot siya.

Una, kaaway ito ng pamilya nila.

Pangalawa, alam niyang babaero ito. Baka hindi lang matanggap ng ego nitong nasira ko ang record nito sa mga babae. At baka rin bet lang siya, at ginagawa siyang laruan.

Pangatlo, ang layo ng agwat nila, sa buhay at sa itsura.

Paano kung may dumating na mas nakakalamang sa ganda sa kanya. Oo nga't sinasabihan siyang maganda, ngunit alam niyang hindi siya panghollywood na ganda. Samantalang lampas hollywood ang kaguwapuhan ni Eli.

"See, napapatulala ka sa gandang lalake ko," biro nito at namula ang kanyang pisngi sa pagkakahuli nitong pagsuri sa kanyang mukha. Lalo itong ngumisi.

Kunwari'y inirapan niya ito. Halos ipagkanulo na niya ang tunay na nararamdaman.

"Hindi ikaw ang tipo ko," aniya saka tinalikuran niya ito at lumipat ng pwesto.

Nakasunod parin si Eli.

"Sino ang tipo mo?" tanong nito sa seryosong tinig. Nakaramdam naman siya ng kaba. May talim ang malalim nitong tinig, tila nagbabanta.

Hindi niya ito pinansin at kunwa'y ipinagpatuloy ang pagtingin-tingin sa libro. Pinaparaanan din niya ng daliri ang gulugod ng bawat librong pinaparaanan ng kanyang mga mata. Binabasa ang titulo, ngunit hindi naman tumino sa isipan ang binabasa.

"Si Ramil ba ang type mo?" pangungulit ni Eli ng hindi siya sumagot, at inis na hinarap na niya ito dahil hindi naman siya tatantanan. Alam na ni Mia iyon. Hindi tipo ni Eli ang tumatanggap ng no.

Kahit dumadagundong ang kanyang puso, pinigilan niyang maipagkanulo ang tunay niyang nararamdaman sa presenya ni Eli.

Nakatitig lang si Eli sa kanya, tagos at sobrang lagkit. At naramdaman na naman niya ang tila pagpaparty ng mga paru-paro sa kanyang tiyan. His deep set eyes intensely fixed on her. Pinned her, and she almost forgot to breath. Tila sinasakal siya ng titig nito.

Nawala sa isip ni Mia ang dapat panenermon kay Eli ng magtagpo ang mga mata nila. Hindi niya maintindihan kung bakit parang nahihirapan siyang bawiin ang mga mata. Natuod iyon sa mga mata ni Eli na tumatagos, parang nababasa ang lahat ng nasa kalooban niya.

"Do you know na ang katulad mong parang anghel should be only belong to me?" may pagka-aroganteng pahayag nito, at ng sa wakas pumasok sa mahinang isip niya ang sinabi, nag-init ang ulo niya.

Oo nga't hindi kaguwapuhan si Ramil, ngunit mabait naman ito at marespeto. At lalong-lalo na't hindi mayabang.

"Ang yabang mo!" inis niyang asik rito.

"SShhhh!!" narinig niyang pagsaway ng mga estudyanteng naroroon, nakaupo sa mga mesa sa kabila ng nagtataasang mga divider ng librarya, sa pagtaas ng boses niya at namula lalo ang kanyang pisngi dahil sa kahihiyan. Hindi niya pansin ang pagtaas ng tono niya dahil sa pagkulo ng kanyang dugo. Buti nalang, hindi sila nakikita ng mga ibang estudyanteng naroroon.

Natatakpan kasi sila ng mga hilera ng bookshelves na puno ng mga libro, at tila haligi ito sa maluwang na librarya. Nasa pang-anim yata silang pagitan.

Agad niyang inirapan ng matalim ang binata saka nilayuan ito.

"Come with me," bulong ni Eli at bago pa siya makapagtanong, hawak na siya sa palapulsuhan at kinaladkad siya nito patungo sa pasilyo, papuntang CR ng mga lalake at babae na nasa loob din ng library.

Kinakabahan siya at nagtangkang nagpumiglas at pilit na binabawi ang braso ngunit mas malakas si Eli.

Hinila siya nito sa loob ng banyo ng mga babae saka isinara ang pintuan pagkabitaw sa kanya. Narinig pa niya ang pag-click ng pintuan ng isinarado niya iyon.

Matatalim ang mga matang tinitigan nito ang binata. "Anong gusto mong palabasin at dinala mo ako rito?" galit niyang angil sa binata, kontrolado din ang tinig bago may makarinig sa kanila.

Nakatitig lang si Eli sa kanya. Tumatagos hanggang buto.

Buti nalang walang cubicles ang cr sa library.

Pang-isahan ito.

"Mas maganda ka pala sa malapitan, Maria Angela Prieto," wala sa sariling sambit ni Eli na nagpatigagal sa kanya. Uminit lalo ang kanyang ulo. Inignora niya ang unti-unting paglambot ng kanyang mga binti. Disimuladong isinandig niya ang kanyang likod sa dingding.

"Ngayong nasa maliwanag na tayo, mas nakikita ko na ang angkin mong kariktan," anito at naningkit ang kanyang mga mata.

Pinaparaanan ng mga nanunuring mga mata ni Eli ang kanyang mukha at nanayo naman ang lahat ng balahibong pusa niya sa batok at kamay.

Hinamig niya ang sarili at pinagalitan ang sarili din dahil sa dapat magalit siya sa pagkabrusko nito sa kanya. Imbes na magalit, kung bakit kinikilig siya ng di niya mawari. Saka kay bata-bata pa niya. At isa pa, kaaway ng pamilya nila ang Montenegro.

Mabilis niyang hinamig ang sarili at pinatatag ang kanyang mga binti, saka tumayo ng tuwid at humakbang patungo sa pintuan.

"Palabasin mo ako rito, Eli," medyo nanginig ang kanyang boses.

"Not until you tell me what are you doing behind those wild grass?" nakangising tanong nito.

Napatigil siya sa paghakbang at tila bulkan iyon sumabog sa kanyang pandinig.

So nakita nga siya.

Medyo natulala siya dahil ang inaasam niyang pagtatanong muli nito sa offer niya kanina kung anuman iyon, at sa pag-iiba nito ng paksa, nakaramdaman siya ng pagkadismaya ngunit agad din niyang ipinilig ang ulo. At nahalinhan ng hiya ang naramdaman.

Umasim ang kanyang mukha, pigil ang biglang pagbalot ng hiya sa buong pagkatao niya.

"Si k-kuya ang pinagtataguan ko," pagsisinungaling niya at medyo nautal pa siya. Hindi siya makatingin ng diretso kay Eli.

Ngumisi si Eli. "I don't buy it, sweetheart," may suyo ang pagkakasambit nito, saka siya nilapitan at napaatras siya.

Nakapamulsa parin ito habang titig na titig sa kanya, at unti-unting lumalapit.

"Alam kong nag-iispy ka," nanunudyo na ang mga mata nito at natitigil lang siya ng dumikit ang kanyang likod sa dingding ng banyo.

"N-No, I did not," tanggi niya na medyo nautal muli.

Tumigil si Eli sa harap niya ng halos magkadikit na ang mga katawan nila. Napasinghap siya sa lapit nito.

Amoy na amoy niya ang natural nitong bango na humalo sa mamahaling pabango nito. His scent assailed her senses, and her mind were in chaos.

Nakayuko si Eli at nakapinid ang mga mata nila, kapwa pigil ang paghinga. At ang lapit na ng mga mukha nila. She can now see that tiny mole sa gilid ng kaliwang kilay nito, natatakpan ng makapal at itim na itim na kilay.

"Tell me, sweetheart. You're spying on me?" mahinang tanong ni Eli. His hot breath fanning her cheeks, and she silently groaned. Pakiramdam niya, nanlalambot na ang kanyang mga tuhod.

"Sabi ng hinde eh!" matigas niyang pagtanggi ngunit mabuway iyon. Saka itinukod ang palad sa matigas nitong dibdib at akmang itinulak palayo sa kanya, ngunit hinawakan ni Eli ang dalawa niyang kamay at saka ipininid iyon sa dingding, paitaas sa kanyang magkabilang gilid ng ulo.

Nabibingi na tuloy siya sa sobrang lakas ng tambol ng kanyang dibdib. Halos pigil din niya ang paghinga.

"Bitiwan mo ako, Eli," halos paos na sabi niya, ngunit parang hindi siya naririnig ni Eli. Nakatitig lang ito sa mga labi ni Mia.

Alam niyang isa sa mga napapansin sa kanya ay ang kanyang labi na laging tinutudyo siya ng kapatid na para daw siyang laging gustong magpahalik. Her lips were naturally pouty, and almost like a perfect bow shape. At natural ding mapula.

Unti-unti lumapit ang labi ni Eli sa kanyang labi at nagpapanic naman siya kasabay ng pagpigil ng kanyang hininga dahil rin sa antisipasyon.

Nagtatalo ang isip at puso.

At bago dumampi ang labi ni Eli sa kanyang labi, pinakawalan nito ang kanyang mga kamay, at saka ang noo nito isinandal sa kanyang noo.

"Go before I cannot control myself," sabi nito sa namamaos na tinig, at naguguluhan man sa sinabi, para siyang dagang nakatakas mula sa kamay ng pusa.

Nakahinga lang siya ng maluwag ng walang mga estudyante sa paligid ng lumabas siya ng banyo.

Hindi na niya nakita si Eli hanggang sa dumating ang foundation. Abala na yata ito sa pagpapraktis ng basketball.

Nagkaroon ng battle of the band at sa gabing iyon naganap, pagkatapos ng pageant for Miss San Vicente.

Si Mia sana ang ilalaban ng highschool department, ngunit tumanggi siya. Binalaan siya ng adviser niyang si Mr. Malodrigo na ibaba ang grado niya kung hindi siya papayag kaya't wala siyang magawa kundi sumang-ayon. Nagulat lang siya ng biglang nagbago ang desisyon ng guro nila bago dumating ang praktis ng mga kasali sa pageant.

Maraming nanghinayang na mga kakilala niya na hindi siya ang sumali, ngunit masayang -masaya siya.

Hindi niya kasi kayang magbathing suit.

Masyado siyang mahiyain para duon.

Sumama siya sa gabi ng battle of the bands. Masaya kasi iyon ayon sa kuya niya. Pinayagan naman siya kasi kasama niya ang mga kaibigan niya at kilala ng mga magulang niya sina Rosie at Bimby.

Halos puno ang malaking gymnasium ng San Vicente College dahil maraming nanonood. Ang ingay na ng gym ng makapasok sila ng kaibigan niya. Halos napuno ang basketball court, at nakaharap ang lahat sa malaking stage at natatakpan ang backstage ng makapal na kulay asul na kurtina.

Napuno ang bawat sulok ng gym ang ingay ng electric guitar at banda. At may mga usok pang sumasabay sa mga nasa itaas ng stage, at ang boses ng dalawang lalakeng kumakanta ng 'anak.'

At sumasabay ang mga ibang estudyante sa pagkanta at sumasayaw pa sila.

Nawala na ang atensyon niya sa mga kaibigan niya ng sumunod na kinanta nila ang awiting bohemian rhapsody, ngunit medyo non-stop ang rhythm. Lalong tila nagwawala ang mga estudyante sa sobrang saya, nakikisabay sa ritmo ng gitara at banda.

Siyang-siya naman siya.

Hindi na niya napansin ang pakikisiksik ni Eli sa tabi niya, at madilim ang anyong pinaalis ang isang lalakeng kapwa nila estudyante na nasa tabi niya. Hindi naman niya alintana iyon.

Sa dami ng mga estudyante, halos magkakayakapan na lahat. Nadudunggol ang bawat katabi tuwing sinasabayan ng sayaw ang non-stop music.

"Hey, sweetheart," narinig niyang bati ni Eli at napatingala siya upang tingnan ito.

Dahil sa masayang enerhiya sa loob ng gym, limot niya sandali ang inis niya rito.

Ngumiti lang siya kay Eli na ikinataas ng kilay nito dahil sa biglang bumait siya.

Gustuhin man niyang makita ang mga nasa stage, kasi kilala niya ang isa, ngunit hirap siyang makagalaw ng maigi dahil sa mga nasa harapan niyang sayaw ng sayaw.

Nanliligaw sa kanya si Lito, ang guitarist.

May itsura naman ito, at dahil sa ang galing-galing nitong maggitara, tila naglevel up ang kaguwapuhan nito.

Nasa gitnang bahagi sila ng gym, at halos nahihirapan siyang makita ito dahil sa medyo may katangkaran ang mga nasa harapan niya.

Nang mapalitan ang kanta ng 'we were rock you,' lalong lumakas ang ingay ng mga estudyante at dumoble ang enerhiya sa loob ng gym.

"We were, we were rock you!" malakas niyang pakikisabay sa pagkanta.

"Ang galing galing pala ni Lito!" lumapit si Rosie sa kanya at malakas nitong sabi ng nagpalit ng kanta ang banda nila Lito.

"Oo nga!" malakas niyang pagsang-ayon. Masakit narin ang ngala-ngala niya dahil kailangan niyang sumigaw para lang marinig nila ang isa't-isa. "Mas lalo siyang gumwapo!" natatawang sabi niya kay Rosie. Nagtawanan sila pagkatapos.

"So sasagutin mo na siya?!" tanong ni Rosie.

Naramdaman niya ang isang kamay na humapit sa kanyang beywang ng sinagot niya si Rosie bago tiningnan kung sino ang naglakas loob na hapitin siya.

"Who knows?!" pabirong sagot niya.

"Don't dare!" pagalit na sabi ni Eli at tumigas pa ang panga niya. Hindi niya alam kung nakaringgan niya ito.

Inis na nagpumiglas siya mula sa kamay nitong nakahapit sa beywang niya.

Nawala lang ang kanyang atensyon kay Eli ng marinig niya ang nagsalita mula sa mikropono.

"This song is dedicated to the girl who caught my attention, Maria Angela Prieto," at tila isang ulo ang lahat na lumingon sa mga katabi, hinahanap siya. "Mia this is for you," at saka pumailanlang ang tunog ng kantang 'bed of roses' at lalong naghiyawan ang mga estudyante.

Namula naman sa hiya si Mia ng makaramdaman ng mga tingin sa direksyon niya ng mga nasa kalapit niyang mga estudyante.

Nang tingnan niya si Eli, madilim ang anyo nito.

At nagulat siya ng umalis ito, na tila bagyo, tuwid na tuwid ang likod na nakipagsiksikan sa mga estudyante palayo. Dahil kilala siya, tila naman prinsipeng binigyan ng daan para makadaan.

Ang banda nina Lito ang nagrepresenta sa highschool. May tatlong banda mula sa highschool department. At lima yata sa kolehiyo dahil mas maraming populasyon ang kolehiyo.

Bumigat naman ang pakiramdam niya.

Ang huling banda na ay sa fourth year highschool ayon sa mga naririnig niyang bulungan.

"Ladies and gentlemen, we have the FIRE BAND!!!" malakas na pag-papakilala ng Emcee sa sumunod na grupo.

Malakas na hiyawan at dumoble yata ang lakas at tila nabibingi siya ng makita nila ang huling lumabas na lalake mula sa backstage.

"ELI!!!" hiyawan ng mga kadalagahan.

Halos lumuwa ang kanyang mga mata.

.........

Continue Reading

You'll Also Like

193 0 19
Sabi nila swerte daw ang mga taong nakita na ang soulmate nila. Ang tanong kaya ba nating malaman kung soulmate mo na ang nasa harapan mo. Baka naman...
181K 6.6K 52
Nang malaman ni Erahlyn Rodriguez ang kanyang tunay na pagkatao, unti-unti niyang naramdaman na siya'y nakukumpleto na. Naramdaman niya na ang tunay...
1.4K 7 36
Nagpapaulit-ulit sa utak ko ang mga nangyari at sa tuwing maaalala ko 'yon, nabubuhay ang galit sa dibdib ko, galit na gusto kong iparamdam sa kaniya...
331 9 12
How can you define love? When you feel pain and happiness for that person? It is love when you don't know the answer to why you love that person, asi...
Wattpad App - Unlock exclusive features