hey!! ONE SHOT LANG!! itey kaya kung bitin wala nang kasunod mehehe..
please read my other short/one shot story, tignan nyo na lang po sa Mb ko salamat..
________________
Jail Booth
"Uwaaaah! wala bang magpapiyansa sa akin dito?!" halos mawasak ko na yung kunwaring rehab na bakal, takte isang oras na ata ako dito.
ang panget ng rules ng booth na to, pag walang nagbayad sayo upang makalabas ka mananatili lang dito sa loob hanggang sa may magpiyansa sayo, masama bang mag red ng tshirt? eh birthday ko ngayon!!. .nagkataon naman na may events sa school, bwesit lang!!
kanina labing dalawa kami ngayon ako na lang mag-isa, yung ibang pinapasok nakapagpiyansa na! ang hirap pag loner ka wala kang kaibigan na magpapiyansa sayo.
"Hoy Kuya, ako na lang magpapapiyansa ng sarili ko kahit magkano pa yan!"
di naman ako pinansin nung nagbabantay, anak ka ng nanay mo Kuya!! mainam yan!! ang init init kaya dito parang kulungan talaga eh.
nagmukmuk ako sa isang sulok, langhiya paano ko maEenjoy yung ibang booth kung andito ako. .
Kung alam ko lang na kasalanan ang magpula tuwing birthday ko, hinding hindi na ako mag pupula!
mga ilang minuto din ata akong nasa gilid ng marinig ko yung kalansin ng kadena kaya napatayo ako. .baka LAYA na ako.
"ayan miss may kakosa ka na" tawa tawang sabi ni Kuya.
napaatras naman ako nung makita ko kung sino yung bagong pasok.
Si Tyrone. . .My Ex boyfriend.
my god! of all people bakit ito pa?!!! Bakit itong manluluko na ito pa?!!
bumalik ako sa sulok, may sasama pa ba sa araw na to? dapat di na lang ako pumasok! ito na ang pinakaworst birthday ko!!!
naupo naman siya sa kabilang sulok. .asan na yung malanding linta na kahalikan niya? bakit hindi pa to pinapiyansahan? Mas okay pa magdamag na lang ako mag-isa dito wag lang to ang makasama ko.
Ang bitter!!
"Sereni-" hindi ko na pinatapos pa yung sasabihin niya.
"Maglaro tayo, QUIET GAME. .and start na ngayon" Sabi ko, ewan ko na lang kung makapalag pa sya. .
Maya maya, may kinuha siya sa bag niya at mukha may isusulat. .
Nacurious naman ako. .hindi ko inalis yung tingin ko sa kanya. .sayang tong hukluban na to, gwapo sana kaso manluluko. .
Itinaas nya yung papel na hawak niya at pinakita sa akin.
"'Serenity, Sorry na please let me explain" Awoo ang talino ng tarantadong to huh!!
Di ko naman mareplyan yung sinulat niya dahil matino akong student at wala akong dala kahit panulat man lang.
Di ko na lang siya pinansin. .
Aist kelan ba ako makakalaya dito? At tsaka bakit wala atang nahuhuli ngayon? Aba aba mga tamad na ata yung mga member ng booth na to at hindi na kami nadadagdagan. .sawang sawa na ako sa pag mumukha ng lalaking to.
Napansin ko na may sinusulat na naman siya.
"Labs, please sorry na yung nakita mo wala yun. .hindi ko nga kilala yung babaeng yun eh"
Ang kapal nito, tinawag nga syang babe hindi nya pa kilala. .
Wag mo syang pansinin Serenity. .birthday mo wag mo nang palalain pa ang pagkabadtrip mo.
May isinulat pa din siya.
"Please forgive me, hindi ko kayang mawala ka sa akin"
Utot nya blue! Dapat inisip nya yan bago sya makipaghalikan sa iba.
Napansin kong tumayo siya, at lumuhod sa harap ko. .WTF!!
Tinaasan ko sya ng kilay. .
Subukan nya lang magsalita, uupakan ko sya!
"Happy birthday!" nagulat na lang ako nung may ipinakita siyang isang maliit na kulay pulang box.
"Ano yan suhol? Kung inaakala mo mapapatawad kita sa ginawa mo pwes jan ka nagkakamali, lamunin mo yan!"
"Labs, di ko nga kilala yung babae di ko na nga nakita pa yun eh please naman patawarin muna ko"
" Utang na loob, wag ka nang magsalita pa kung ayaw mong dumanak ng dugo dito" mukhang natakot naman siya.
Umayos siya ng upo, nakaindian sit na siya sa harap ko.
Letche to ang kapal talaga ng mukha! Sa harap ko pa talaga naupo.
"umalis ka nga sa harap ko! Naaalibadbaran ako sayo eh!"
"hindi ako aalis hanggat hindi mo ako na papatawad. .please naman oh paniwalaan mo naman ako"
Tumayo naman ako para puntahan si Kuya tagabantay. .pero mukhang nagmeryenda ata at wala manlang tao sa paligid. .letche good timing!! Talagang iniwan kami dito huh.
"Hindi nila tayo papalabasin dito sa Jail booth hanggang hindi tayo nagkakabati, hanggat hindi mo ako napapatawad' napatingin naman ako kay Tyrone. .ano pinasasabi nito?
"Hindi mo ba na papansin, tayo lang ang nandito at wala na ibang pinapasok. Binayaran ko na tong Jail booth" nanlaki naman yung mata ko sa sinabi niya.
"ANO?!!!!" sa sobrang lakas ng sigaw ko kahit ako nabingi na ata. .the fudge!!
"Labs, sorry na kasi. .alam mo kung gaano kita kamahal, alam mo kung gaano ako naghirap mapasagot lang kita, alam mo kung gaano yung nerbyos ko mailegal lang tayo sa mga parents natin" nakita ko naman na nagpunas siya, umiiyak ba sya?
"Mahal kita Serenity, at hindi tayo lalabas dito sa Jail booth hanggang hindi mo ako na papatawad"
"plinano mo ba to?!"
Hindi siya sumagot. .SHT!
"Lahat gagawin ko mapatawad mo lang, dahil hindi ko hahayaan mabaliwala ang lahat, mahal kita, mahal na mahal"seryoso niyang sabi.
Napabuntong hininga naman ako, at napasandal sa rehab na bakal.
Naiinis ako dahil wala akong magawa, naiinis ako dahil kahit ano yung sakit na naramdaman ko nung araw na makita ko siyang may kahalikan sa huli siya pa din, Naiinis ako dahil kahit anong pagmamatigas ko MAHAL KO PA DIN SYA. . .
"Alam mo ba nung araw na makita kitang may kahalikan, sobra yung galit ko sayo kulang na lang sunugin ko kayong dalawa. .tinatak ko sa isip ko na hinding hindi kita mapapatawad pero nagkamali ako, bakit kasi sa isip ko lang tinatak? Bakit hindi dito?" sabay turo ko sa puso ko. .nag-umpisa nang bumagsak yung mga luha ko, napaupo na rin ako dahil nanlalambot na yung tuhod ko.
"nakakainis ka alam mo ba yun?! Pero mas nakakainis ako! Dahil kahit anong pilit ko sa sarili ko na magalit at kasuklaman ka habang buhay hindi ko magawa! Dahil sa tuwing nakikita kita mas nangingibabaw yung pagmamahal ko sayong gago ka!!"
Napayuko na lang ako, at hinayaan ang pagbagsak ng mga luha ko. .wala rin naman akong magagawa kung pipigilan ko pa yung sarili kung wag umiyak mas bibigat lang yung dinadala ko.
"Ano uupo ka na lang ba jan at papanuorin ako umiyak dito?!! Ikaw ang dahil nito tanga ka ba?!!!" medyo natawa pa ako kasi para syang nagulat at halos madapa na siya pa punta sa akin.
Nung nasa harap ko na siya at ready na yumakap pinigilan ko.
" pwede bang pasampal muna? Nangangati yung palad ko. .kating kati para sampalin ka!" hindi ko na hinintay magsalita sya, agad ko syang sinampal. .
"aww. .sampal agad di pa ako pumapayag eh" Nakita ko yung pamumula nung sampal ko sa kanya, kaya medyo na guilty ako.
"ang dami mo pang satsat, ayaw mo atang magkabati tayo eh. .ano ako pa ba yung yayakap? O gusto mo ulit ng isa pang sampal?"
Dali dali naman nya akong niyakap. .
"Sorry Labs"
"Sorry din. . .masakit ba?"
"Mas masakit kung hindi mo pa ako mapapatawad hanggang ngayon" sabi niya.
"Wag mo na uulitin yun huh, dahil quadruplet na sampal ang aabutin mo sa akin!"
Tumabi naman siya at inakbayan ako.
"Hindi na po, takot ko lang sayo. . .so paano labas na tayo sa Jail Booth?" tanong niya at ipinakita yung susi.
"paanong-" hindi na nya pinatapos yung sasabihin ko.
"Isa kaya ako sa mga nanghuhuli" binatukan ko naman siya.
"talagang planado mo huh!"
"hindi naman, hahaha so paano labas na tayo? Nang maexperience naman ng iba yung Jail booth, meron din marriage booth, sakto tong ibibigay ko sayoo papakasal na tayo" kinuha nya yung singsing doon sa box, simple lang pero ang ganda..isinuot nya yun sa kamay ko..
"I love you Labs, always and forever" hinalikan nya ako sa noo..
"ang cheesy mo! pero I love you too labs"
"hahaha ganun talaga, tara labas na nga tayo" tatayo na sana siya per hinila ko ulit paupo
"wag muna ngayon ko pa lang iniEnjoy yung makulong kasama ka"
The End....
_____________________________
yaaaah pinost ko lang to, kasi napupuno na yung notepad ng phone ko kailangan mag bawas ng story haha an dami ko pang short/one shot naka hilira lang mehehe.
sana nagustuhan ninyo..please paki read din yung iba ko pang story.. my link sa side paki click na lang..and comment, vote and be a fan.. :))