Never Cry Murder

By Serialsleeper

3.4M 177K 120K

The Ripper Series #3 :: How far would you go to avenge and save the ones you love? More

Prologue
Chapter 1: Wretched Soul
Chapter 2 : On Duty
Chapter 3 : Love and other stuff
Chapter 4 : Seven days of nothing
Chapter 5 : Finding Serenity
Chapter 6: The price to pay
Chapter 7: The Haunt is on
Chapter 8: Samson
Chapter 9: Be Good
Chapter 10: Blasphemy
Chapter 11: She's a goner
Chapter 12: Pass the message
Chapter 13: Manifestations
Chapter 14: What really happened?
Chapter 15: Salvation
Chapter 16: Be rational not emotional
Chapter 17: A truce
Chapter 18: The Jemaima Program
Chapter 20: They found me
Chapter 21: Truth or Perish
Chapter 22: Visitors
Chapter 23: Alarmed
Chapter 24: Time to let go
Chapter 25: Decipher
Chapter 26: Parting Time
Chapter 27: Epilogue
Chapter 28: Prologue
Chapter 29: A new chapter
Chapter 30: The thing about you and I
Chapter 31: The words he longed to utter
Chapter 32: Collateral Damage
Chapter 33: Jorino
Chapter 34: You reap what you sow
Chapter 35: The Verdict
Chapter 36: Here comes goodbye
Chapter 37: The Dead Girl
Chapter 38: Scribbled
Chapter 39: Silver Lining
Chapter 40: The Last Goodbye
Chapter 41: Listen to the expert
Chapter 42: Your beliefs, Your principles
Chapter 43: Just a warning
Chapter 44: In times of desperation
Chapter 45: Kin
Chapter 46: Let's play numb and dumb
Chapter 47: Connivance
Chapter 48: The Monster she became
Chapter 49: Havoc and Farewell
Chapter 50: When tables are turned
Epilogue (Part 1 of 2)
Epilogue (Part 2 of 2)
Dear Bruh...
Special Chapter #1: First Words
Special Chapter #2: Stay Strong Jorino

Chapter 19: Breaking Point

57.9K 3.2K 2.5K
By Serialsleeper

19.

Breaking Point

Sisa

"Smile!" Masiglang sambit ni Tatang habang nakatayo siya likuran naming lima pero wala sa amin ang ngumiti.

Sa pag-flash ng camera ay napapikit na lamang ako, masyadong nakakasilaw.

Nakakapanlumo, wala kaming family picture nila Mommy at Daddy pero heto't nauna pa akong nagkaroon ng family picture kasama ang isang may sapak ng demonyo sa kanyang ulo.

Isa-isa kaming binalik ni Tatang sa kanya-kanya naming selda, ako ang pinakahuli pero nagtaka ako kasi bigla siyang ngumiti sa akin sabay sabing, "Magkakaroon ka ng unang pagsusulit ngayon, pagbutihan mo anak ha?" Aniya na para bang may pinapahiwatig kaya napatingin ako sa mga kasamahan kong gaya ko'y tadtad rin ng mga benda at bugbog sa buong katawan. May lungkot sa mga mukha nila pero nakikita ko sa mga reaksyon nilang para bang ine-encourage nila ako, para bang sinasabi nila sakin na kaya ko 'to.

"Think of happy thoughts." Rose mouthed those words to me as she smiled. Namumugto parin ang mga mata niya at namamaga pa ang mukha niya mula sa bugbog. Awang-awa ako sa lagay niya kasi may benda pang nakapalibot sa noo niya, hindi siya makakilos at hindi rin siya makapagsalita kaya hindi namin alam anong ginawa sa kanya.

****

Pilit kong pinapakalma ang sarili ko sa pamamagitan ng paulit-ulit na pag-inhale-exhale. Nakaupo ako sa isang bakal na upuan na gaya ng sa dental clinic. Nakatali ang mga kamay, paa at pati narin ang leeg ko sa upuan sa pamamagitan ng isang itim na garter kaya hindi ko magawang kumilos.

Wala man akong nakikitang mga matatalim na bagay sa paligid ay natatakot parin ako. Tatang is a crazy dude in a barbaric and not so osum way, sino ang shungang hindi matatakot?

Gaya ng dati, may video camera na naman na nakalagay sa harap ko. Ewan ko para saan 'to pero nakakainis, sana naman kung papahirapan niya na ako, wag na niya akong videohan. Natatakot ako kasi baka padalhan ni Tatang ng video si Mommy o di kaya si Daddy... alam niyo na, yung video habang pinapahirapan ako. Baka hindi nila kayanin.

Natatakot ako sa mangyayari sakin, natatakot akong baka dito na ako mamatay, natatakot akong hindi ko na ulit makikita ang mga magulang ko pero panghahawakan ko ang pangako ni Ponzilita... He'll find me and we'll sort things out. Mali ako nang pagdudahan ko siya kaya kailanman hindi ko na uulitin 'yon. Naniniwala ako sa kanya. Buo ang tiwala ko sa kanya.

Happy thoughts? Okay Rose, this is my happy thought...  Ponzi.

Nakakatuwang isipin na pagkatapos ng lahat, may tao parin palang hindi ako sinusukuan. I'm not alone, I never was thanks to that dude with a gummy smile whose specialty is illegally downloading movies from the internet. Yeah, he also has this specialty of giving me these weird feelings that I really hate feeling... butterflies in my stomach? I guess that's the word. Ughh! See, this is why half of my osumness existence hates Ponzilita, he's making me feel crazier than I ever was. I didn't even know this is possible—me becoming crazier.

I hope he's not just a phase like Dustin and Archie was to me.

"Ba't ka ngumingiti?" Biglang tanong ni Tatang na kanina pa pala nakatayo sa harap ko. Hindi ko makita kung nakangiwi ba siya o ano dahil sa face mask na parati niyang suot.

Kung makatanong 'tong hayop nato para bang nababaliw ako, dude newsflash, higit kang mas baliw kesa sakin and in a super not awesome way. U aint like me, I'm crazy in a super sisa-osum kinda way.

Biglang bumuntong-hininga si Tatang at biglang inilapag ang isang chocolate bar sa table na nasa harapan ko.

Ugh, I'm not in the mood for chocolate. Not really craving for it. Besides, it's not like ibibigay niya talaga sakin ang chocolate kung ito ang pipiliin ko.

Matapos nito ay inilapag naman ni Tatang ang isang Science book sa harapan ko.

Ohkayy, I think I get it... What a lame test tatang, u so lame and cliché. Kill yoself fool.

"Chocolate bar or Science book?" Aniya kaya ngumiti ako ng tipid sa kanya, tipong nagpapaka-inosente. Yuck. Buti nalang walang salamin dito kundi nasapak ko na ang sarili kong mukha.

"Tatang naman, siyempre po ang Science Book. Mas nabubusog po ako sa kaalaman." Mahinhin kong sambit sabay ngiti na para bang wala akong kasalanang magagawa sa buhay ko.

"O sige, sayo nato. Mamaya pagpatuloy mo ang pagbabasa bago matulog." Aniya kaya bigla akong nanghinayang. Come to think of it, pwede bang chocolate nalang? Akala ko kasi di niya bibigay sakin, bibigay naman pala.

"Laptop o Rosary?" Tanong niya sabay lapag ng mga ito sa harapan ko.

Kahipokritohan aside, siyempre laptop kasi kahit naman walang rosaryo makakapagdasal parin ako. As long as sincere talaga ang dasal at malakas ang paniniwala mo, okay na yun para sa akin.

But then again, ano namang saysay kung laptop? May files ba diyan? May movies ba diyan? May outlet ban g kuryente doon sa selda namin? May charger ba at ang pinakamahala sa lahat, may wifi ba?

"Rosary po." Sabi ko. Siyempre Rosary pipiliin ko, mabigat kaya ang laptop, baka mamaya yan pa ihampas sa mukha kong maganda. Amarite?

Mistulang natuwa si Tatang sa sinagot ko. Nagtungo siya sa mula sa likod ko at may kinuha, siguro ang third set na ng bagay. Ilang sandali pa ay inipag ni Tatang ang bible sa mesa kaya napangiti na lamang ako—this one is too easy. Kahit di ko pa makita ang choices, alam ko na ang sagot.

"Siyempre po ang bib—" Natigil ako sa pagsasalita nang bigla niyang inilapag ang isang kahong parisukat sa mesa. Sa isang iglap biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Oh my God, I missed you so much my dearest baby soulmate of my osum life. Antagal na nating di nagkita, miss na miss na miss na kita!

"Serenity anak... Bible o ang—" Hindi ko na siya pinatapos pa sa pagsasalita.

"PIZZA!" Sigaw ko habang nakatuon parin ang paningin sa kahon. Hindi lang ito isang basta-bastang Pizza kasi mula ito sa shop ng pamilya ni Julia. This gives me comfort.... It's not just about the taste of Pizza, it's about the memories. Julia's memories, our memories....

Sinapo ni Tatang ang batok niya, he looked frustrated, "Anak, inuulit ko Pizza o Bible?" Pag-uulit niya kaya naman napatingin ako sa mga mata niya at ngumisi.

"Pizza. Final and irrevocable answer. Yup, its Pizza!" Giit ko saka tumango-tango.

"Serenity sigurado ka ba? Mas pipiliin mo ang Pizza kesa sa bibliya?" Tanong niya na para bang nagagalit na.

"Yup! 100% Pizza! Give me Pizza po please! I choose Pizza!" Tumingala na lamang ako, "No offense holy bruh, forgive me babawi ako. Hihihi."

Napapitlag ako nang bigla na lamang hinampas ni Tatang ang dalawang kamay niya sa mesa. Wow, he's so damn pissed pero wala na akong pake. Magkamatayan na basta akin na ang Pizza ko. Mababaw na kung mababaw pero Pizza talaga eh...

Kinuha ni Tatang ang Pizza at lumapit siya sakin. Hindi ko mapigilang mapangiti nang unti-unti niya itong binuksan... Ngunit parang gumuho ang mundo ko nang makitang wala itong laman.

"Oh hell no..." Napasinghap ako.

"You're going to hell if you keep choosing the wrong things." Aniya kaya naikuyom ko na lamang ang kamao ko't sinamaan siya ng tingin.

Pilit kong pinapakalma ang sarili ko sa pamamagitan ng malalimang paghinga pero hindi ko na talaga kaya. Nagngingitngit na talaga ang utak ko at buong pagkatao ko. May hangganan din ang lahat... umabot na rito si Tatang.

"You killed Julia... You made us suffer... You cut my hair... You turned my hair black and now... now, you took away my Pizza?!!!! Putangina mo talagang matandang bakulaw ka! Tama na! Sumusobra ka na! Punong-punong-punong-puno na ako sa sa'yo! May hangganan din ang pagtitimpi ko sayong hayop ka! Papatayin kita! Pagsisisihan mo ang ginawa mo sa aming lahat lalong-lalo na kay Julia!" Sa sobrang pagwawala ko ay naputol ang tali sa kaliwa kong kamay. Nagdurugo na pala ito sa sobra kong paggalaw pero imbes na damhin ang sakit ay iwinasiwas ko na lamang ang kamay ko sa pag-asang maabot ko ang mukha ni Tatang at mahahampas ko siya ng paulit-ulit. "Akin na yang mukha mong hayop ka! Wawasakin ko yang mukha mo at gagamitin ko ang dugo mo para magkulay pula ulit ang buhok ko!" Pagwawala ko lalo pero bigla na lamang lumanding ng napakalakas sa mukha ko ang bibliya... Paulit-ulit, walang tigil, napakasakit, halos hindi na ako makahinga.

Sa sobrang lakas ng pagkakahampas niya sakin ay naramdaman ko agad ang dugong umagos mula sa ilong ko. Ngumisi na lamang ako at muling winasiwas ang kamay ko, "Nanghahampas ka na naman ng bibliya?! Ikaw ang walang respeto sa diyos, Shunga! Sa tingin mo ba talaga nasasaktan pa ako sa ginagawa mo?! Sanay na ang mukha ko! Nag-eenjoy na ako sa panghahampas mo! Sige pa! Hampasin mo pa ako! Lumapit ka!! Hampas pa more! Nag-eenjoy na ang mukha ko! Sige pa more! Diyan ka naman magaling eh kasi ang totoo duwag ka!" Hindi ko na alam kung bakit ko ito sinasabi, parang wala ng preno ang bibig ko dahil sa matinding galit.

Pinilit ko ulit siyang abutin pero bigla na lamang niyang hinila ang braso ko at umikot patungo sa likuran ko. Napakasakit. Narinig ko ang tunog ng animo'y pag-crack ng buto sa braso ko kaya hiyaw ako ng hiyaw sa sobrang sakit.

"Mabuti kang bata, alam kong may pag-asa ka. Kasalanan to ni Julia.. Kasalanan to ni Julia." Paulit-ulit niyang sambit at muling itinali ang mga kamay ko. Gustuhin ko mang magpumiglas ulit ay wala na akong magawa pa, sa sobrang sakit ng braso ko ay hiyaw na lamang ako ng hiyaw.

"Hayop ka! Pagbabayaran mo ang ginawa mo kay Julia!" Napahagulgol na lamang ako, "Pagbabayaran mo ang lahat ng 'to! You'll never get away with this!"

Paulit-ulit akong humiyaw at humagulgol. Pakiramdam ko masisiraan na ako ng mabait sa sobrang sakit at galit.

Nagulat ako nang mapansin kong pinaandar pala ni Tatang ang laptop at para siyang may ip-play na file. Ilang sandali pa ay nagulat ako nang mapagtanto ko kung sino ang babaeng nasa video—Si Julia.

"Kailangan mong mapanood 'to. Dapat kang magising sa kahibangan mo." Aniya pa at mas inilapit sa akin ang laptop.

Hindi ako makapagsalita. Kasabay ng pag-agos ng dugo mula sa mukha at ulo ko ay ang pag-agos ng luha ko. Nahihirapan akong huminga habang pinagmamasdan si Julia na nasa video.

Napakaikli na ng itim niyang buhok, pareho kami. Andami niyang pasa at peklat, may dugong umaagos mula sa noo niya at napakarami niyang sugat lalo na sa sentido. Pero mas higit na kapansin-pansin ang malaki niyang tiyan... Ang videong ito, kuha ito noong buhay pa siya... noong buntis pa siya.

****

Third Person's POV

 

"Sino nga ulit si Sisa?" Sarkastikong sambit ng nakangising si Julia. Nakatali ito sa isang upuan at hindi makagalaw samantalang nasa harapan niya naman si Tatang na siyang nasa likuran ng video camera.

"Siya yung bestfriend mo diba? Yung may pulang buhok?" Paalala ni Tatang.

"Ah, yung may sira sa utak! Naalala ko na.." Tumawa si Julia, "Tatang sa totoo lang hindi ko siya bestfriend, sunod lang yan ng sunod sa akin." Umagos ang luha mula sa mga mata ni Julia, "Ang sama ko talaga sa kanya kaya ngayon nakokonsensya na ako. Andali niya maniwala kaya parati ko siyang inuuto. Sa totoo lang, pinakiusapan lang naman ako ng mommy niya na kaibiganin siya eh, wala talaga akong pakealam sa kanya. Sabi ng mommy niya, magi-invest siya sa business ni Daddy oras na kaibiganin ko yung baliw na anak niya kaya yun ang ginawa ko."

 

Nanlaki ang mga mata ni Sisa sa napanood at narinig.

"Hindi... Hindi yan totoo... Julia hindi..." Paulit-ulit na sambit ni Sisa habang umiiling-iling. "Nagsisinungaling ka lang!" Tuluyang napatili si Serenity at humagulgol ng gumagol.

"Serenity anak, yan ang totoo... Inamin niya ang lahat ng kasalanan niya habang nandito siya. Isa ka sa mga nagawan niya ng kasalanan." Sabi pa ni Tatang dahilan para paulit-ulit na mapatili si Sisa na labis ng nasasaktan dahil sa mga naririnig.

"Ano pang kasalanan mo sa kanya?" Tanong ni Tatang kay Julia.

"I was a bad influence to her. I taught her to cuss and even dye her hair. She's not mean, she's just weak and I took advantage of that. She's not a bad girl... Uto-uto lang talaga siya. She's too weak so I played with her like she's my own living doll." Ngumiti si Julia, "When you release me, aaminin ko na sa kanya ang lahat. Hihingi ako ng tawad at itatama ko ang lahat. Lalayo ako sa kanya para tuluyan siyang bumalik sa sarili niyang ugali. Babawiin ko ang lahat ng mga itinuro ko sa kanya kasi napakabuti niyang tao to begin with... Minalas lang talaga siyang magkaroon ng kaibigang gaya ko. Her world revolved around me and I took advantage of her."

"Make it stop! Tama na! Ayoko na!" Tili ng tili si Serenity habang humahagulgol. Hindi na ito halos makahinga sa labis na lungkot at sama ng loob. Nagwawala ito. Ayaw na niyang marinig pa ang mga sinasabi ni Julia ngunit wala siyang magawa dahil hindi niya magawang takpan ang mga tenga niya. Tili na lamang siya tili, nagmamakaawang wag na niyang marinig pa ang mga salitang tila ba pumapatay sa kanya.

"Serenity ito ang Mommy at Daddy mo," Ipinakita ni Tatang ang litrato ng mga magulang sa naghihinagpis na dalaga. "Napakasaya nila habang namamasyal. Tingnan mo! Napakasaya nila kasi wala ka, kasi para sa kanila isa ka lang pabigat dahil sa ugali mo. Diba gusto mong mahalin ka ng mga magulang mo? Serenity, mamahalin ka lang nila kapag naging mabait at masunurin kang anak, tutulungan kitang mabalik ka sa dati... Dahil sa programa ko, mamahalin ka ulit ng mga magulang mo." Sabi pa nito.

"Tama na! Parang-awa mo na, tama na!" Paulit-ulit na lamang na napahagulgol si Sisa.

****

Nag-aalalang pinagmasdan ni Ada ang walang kabuhay-buhay na si Sisa sa loob ng kanyang selda. Magmula kasi nang maibalik ito ni Tatang sa loob ay wala itong ibang ginawa kundi umiyak habang nakatingin sa kawalan.

"Psst.. Sisa..." Tawag ni Ada rito ngunit hindi lumilingon ang dalagng nakatitig lamang sa kawalan.

"Sisa okay ka lang?" Tanong naman ni Rose dito ngunit muli, hindi kumibo si Sisa.

"Teka kanina ka pa tahimik diyan ah? Sisa, sisa magsalita ka nga!" Giit naman ni Paris.

Tumayo si Kerry mula sa kama niya at tiningnan ng maigi si Sisa. Ilang sandali pa ay napabuntong-hininga ito na para bang nanlulumo.

"Tatang got her." Anunsyo nito dahilan para makunot ang noo ni Paris.

"What do you mean by that?" Tanong ni Paris na labis nang nag-aalala.

"She's a goner now. She reached her breaking point.... She's gonna end up like the others." Mangiyak-ngiyak namang sambit ni Ada.

*****

Bigla na lamang tumunog ang cellphone ni Ponzi kaya naman dali-dali niya itong sinagot nang makitang si Chief Hidalgo at ini-loudspeaker para marinig rin nila Dustin at Ecleo.

"S-sino po ang bangkay?" Nauutal na sambit ni Ponzi na hindi na halos makapag-isip ng maayos dahil sa takot at pag-aalala.

"Hijo buhay si Sisa at may-iniwan siyang mensahe!" Aligagang sambit ng hepe mula sa kabilang linya kaya kapwa nakahinga ng maluwag sina Dustin at Ponzi.

"Mensahe? Paano?" Kunot-noong sambit ni Ecleo.

"Matalinong bata, may inukit siya sa bangkay ng babaeng natagpuan—nasa state of decomposition na ang bangkay kaya napakahirap na nitong basahin at intindihin, humiwalay narin ang ibang balat pero ito ang mga katagang nabuo o nababasa ko, DELIVERY BOY RODNEY, DEXR?, PONZI, HAYOP, LAIM? May mga letra pa rito pero hindi ko na maintindihan pa" Paliwanag nito kaya agad na napaisip sina Dustin at Ponzi na kapwa labis na naguguluhan.

"Paano niyo nasisigurong si Sisa nga yan?" Biglang tanong ni Dustin.

"Nakaukit sa bangkay ang 'LOTUS PIG' at iisang tao lang ang tumatawag sa akin ng ganyan." Sabi pa nito.

END OF CHAPTER 19.

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3

 

Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 102K 33
Sampu silang umalis, sampu rin silang bumalik. Ang hindi nila alam, isa sa kanila ang naiwan. Sino ang nagbabalatkayo? Sino ang hunyango? (Watty Awar...
Never Cry Murder By bambi

Mystery / Thriller

3.4M 177K 56
The Ripper Series #3 :: How far would you go to avenge and save the ones you love?
4M 173K 33
"My name is Maddieson Paredes but everyone calls me Maddy. I'm an 18-year old college student. I go to school by day and I work at a convenience stor...
963K 45.7K 35
Sixteen-year-old Agatha, a famous author and high achiever in school, had everything to live for. That's why when she jumps to her death, her best fr...