Raiziana Cyren Landicho
•Active Now
June 16 at 7:25 pm
Raiziana:
Bff.
Kamusta, nabusog ka naman?
Ang tahimik mo kanina, ah.
Galit ka ba?
Seen
Raiziana:
Seen lang?
Galit nga siguro ‘to.
Woy, sorry.
Ryu:
Nabusog naman ako.
Tsaka hindi ako galit.
Sadyang hindi lang ako
maka-singit sa bilis mong mag-type.
Raiziana:
Sorry naman.
HAHAHAH
Ryu:
Invited ka ba sa reunion
this Friday?
Raiziana:
Oo.
Siguro after work na lang
ako pupunta.
May shooting pa kasi
kami sa araw na ‘yon.
Try ko na lang humabol.
Ryu:
Okay.
Susunduin na lang kita para
sabay na tayo pumunta.
Raiziana:
Okay²
Ikaw ba? Wala kang work?
Ryu:
Wala.
Pinasadya ko talaga na wala
akong pasok that time para
masulit ko.
Raiziana:
Nice.
Iba rin talaga kapag CEO na.
HAHAHAH kamusta kaya sina
Tito America, ano?
Ryu:
Okay naman siguro sila.
HAHAHAH
Raiziana:
Simula no'ng ikaw nag-manage
ng Reyes Food, mas lalong sumikat
ang kumpanya ninyo.
Iba ka rin talaga.
Balita ko nga ang daming may gusto
sa'yo doon.
Ryu:
Psh.
Why? Are you jealous?
Raiziana:
Hindi.
Hindi ka naman nila nakakasama
gaya ko, e. Bat ako magse-selos don?
Tsaka, sino ka ba? Chos.
HAHAHAH
Ryu:
Talaga lang?
What if pumayag ako na
sa coffee date?
Raiziana:
Edi pumayag ka.
Tsk.
Ryu:
Hindi na.
Sasabunin mo lang ako ng
tanong kapag ginawa ko ‘yon.
Raiziana:
Tse.
***