South Boys #4: Troublemaker

By JFstories

5M 323K 207K

He is trouble incarnate. While she's a studious, well-mannered student, he's a delinquent who gets tangled up... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
The Final Chapter
Epilogue

Chapter 32

47.3K 3.6K 3.5K
By JFstories

"ANG GUWAPO TALAGA NG ANAK MO. HINTAYIN KO ITO."


Nginingitian ko lang ang mga ganoong biro ni Dessy. Nasanay na ako sa kanya kasi baby pa lang si Hyde, ganyan na siya. Aliw na aliw talaga siya sa anak ko.


Nasa backseat ako ng vios niya habang si Hyde ay katabi niya sa harapan. Nasa passenger's seat ang walong taong gulang na batang lalaki.


Off ko at wala akong rest day overtime. I wanted to spend time with Hyde today. Sakto na nagyaya si Dessy na mag-mall daw kami. Malaki ang kinita niya ngayong buwan sa YouTube, kaya ililibre niya raw ang inaanak niya. Sumabay na kami sa kanya papunta sa mall dahil doon din talaga gustong pumunta ni Hyde.


Ibibili ko rin ng bagong sneakers si Hyde ngayon dahil masikip na rito ang binili kong sapatos last year. Kung gaano kabilis itong tumangkad ay ganoon din kabilis humaba ang paa.


Isasabay ko na rin sa pagpunta sa mall ngayon ang pagbili ng regalong damit sa pamangkin ko na si Mara. Aabot pa naman ang budget dahil nagbigay ng tip ang dalawang clients na ginawan ko ng commisioned work.


"Ninang Des, why do you like guwapong guys so much?" Hyde asked his Ninang Dessy.


Maligayang sumagot naman ang babae, "Because handsome guys are edible!"


Pasimpleng tinadyakan ko ang likuran ng driver's seat kung saan nakaupo si Dessy. Humalakhak lang naman ang babae habang nagmamaneho.


"Edible?!" Mararamdaman ang gulat sa inosenteng tono ng anak ko. "You mean, you eat handsome men like they are food, Ninang? Are you a cannibal?!"


"Of course not." Napahagikhik si Dessy. "I am not into swallowing, okay? I spit them after I got a taste of them."


"Oh, Ninang Des, that's gross!"


Inirapan ni Dessy ang katabing bata. "Bakit naman gross? Hindi mo pa kasi naiintindihan dahil baby ka pa."


"Ninang Des, how many times should I tell you that I'm no longer a baby? I am now an eight-year-old boy."


"Really? Pero supot ka pa rin."


"Dessy," mahina pero may diin ang boses ko.


"Ang KJ talaga nitong mag-inang ito," bubulong-bulong na lang si Dessy.


Nilingon ako ni Hyde. Nagniningning ang kulay tansong mga mata. "Mommy, Daddy Harry called me last night. He said he'll join us today and we'll watch a movie. On the way na po ba siya?"


I looked at the phone in my hand. Wala pang reply si Harry sa huling text ko ten minutes ago. Nagda-drive pa siguro. Galing pa kasi ito ng Manila. Doon ito nagtatrabaho sa firm ng tito namin, kung saan kasama rin nito si Kuya Jordan. Parehong architect ang mga ito.


Sinagot ko ang tanong ni Hyde, "Susunod na lang siya, baby."


"See? Baby ka pa rin ng mommy mo," tukso ni Dessy kay Hyde.


Hindi naman kumibo ang batang lalaki. Humalukipkip lang. Napabuntong-hininga ako at muling nag-type ng text kay Harry.


Me:

Can you really make it today? Nagsabi ka pala kay Hyde. Excited na siya kasi manonood ng sine.


Nag-reply si Harry nang akmang ibabalik ko na ang phone sa aking dalang shoulder bag.


Harry:

Yes, honey. I promised him. I'm on my way there. See you in a bit. I miss you two.


I smiled and answered Harry's text that we would wait for him at SM Dasma. When I looked at the front, Dessy was looking at me from the rearview mirror. Nakangisi at nanunukso ang mga mata sa akin.


"Oh, speaking of guwapong lalaki na edible, I think I'm going to see one today."


"This one is already reserved," sabi ko at pabirong inirapan si Dessy.


Nagusot ang mukha nito. "Ahg! Damot!"


After arriving at SM Dasma, the three of us ate first while waiting for Harry. The man was already on the road, so he would be here later. After eating, I bought Hyde a pair of sneakers at Toby's. Luckily for me, the Nike brand was on sale today, so the price didn't hurt my pocket too much.


Ibinili rin ni Dessy ng mga gamit sa school at mga libro ang inaanak bilang panlilibre dito. Pinapili rin ni Dessy ng T-shirt ang bata. Dalawang Adidas na t-shirt ang kinuha ni Hyde. Dessy also asked me to choose clothes but I declined. Libre niya na kasi ang lunch namin kanina sa Kenny Rogers.


2:00 PM na ay wala pa rin si Harry. Bakit ang tagal nito kung kanino pa on the way? Tini-text ko pero hindi na nag-re-reply.


Malungkot na tumingin si Hyde sa movie poster na nadaanan namin sa sinehan. "Daddy Harry promised me that he'll be here by lunch. Anong oras na at simula na ang next showing, pero wala pa siya..."


Inakbayan ni Dessy si Hyde. "Tayo na lang ang manood, baby boy."


"Sandali, parating na si Harry..." pigil ko sa kanila.


Inirapan ako ni Dessy. "Eh, di ikaw na lang ang maghintay. Kami na lang ni Hyde ang papasok sa sinehan!"


"Ha?" I looked at Hyde. The boy was just waiting for my answer.


"Okay lang kami ng anak mo, Jill. Manonood na lang kami ng sine dahil ang boring kung makikihintay lang kami rito sa 'yo. At least, sa loob ng sinehan ay sure na mag-e-enjoy kami ni Hyde. 'Di ba, baby boy?" Niyakap pa nito ang bata.


"Hyde, gusto mo ba talagang magsine?" tanong ko sa bata.


Si Dessy ang sumagot sa akin, "Of course, gusto niya. Ang ganda ng showing na palabas ngayon. Don't worry, safe naman ang anak mo sa akin."


Nang magpaalam na si Dessy habang hila-hila si Hyde ay napabuntong-hininga na lang ako at napatingin sa hawak na phone. Nasaan na ba kasi si Harry?


Sa foodcourt ako naupo habang naghihintay. Patapos na ang pinapanood nina Dessy at Hyde na movie pero wala pa rin si Harry. Ang last text ng lalaki ay nagkaroon daw ng emergency. Wala nang kasunod na text kaya naman hindi ko maiwasang mag-alala kung ano ang nangyari sa kanya. Nasa biyahe na siya kaya ano ang naging emergency? Oh, God! Wag naman sana siyang naaksidente.


Pagkalabas ng dalawa sa sinehan ay ngiting-ngiti si Dessy sa akin habang si Hyde ay tahimik at nakayuko lang.


Sinalubong ko ito ng yakap. "Why, baby?"


"'Wag kang mag-alala, Jill," sabat ni Dessy. "Hindi niya lang bet ni Hyde iyong pinanood namin."


"Ha? Akala ko, gusto niya..." Tiningnan ko si Hyde. Malayo ang tingin nito. "Baby, hindi mo nagustuhan? Gusto mo bang manood ng iba pa?"


Umiling ito. "It's fine, Mommy. Sa susunod na lang po."


"Okay..." sabi ko na lang.


Nagtanong si Hyde kung bakit hanggang ngayon ay wala pa rin ang Daddy Harry niya, pero wala akong maisagot sa bata.


Nagyaya si Dessy na kumain ulit. 5:00 PM na rin naman at puwede ng dinner. Pumunta kami sa Max's Restaurant. Patapos kaming kumain nang mag-ring ang phone ko. Tumatawag si Harry. Nasa labas na siya ng mall at papasok na sa parking.


"Salubungin mo na. Sabunin mo," sulsol ni Dessy sa akin. "Ako nang bahala rito sa anak mo."


"Is it okay if I leave you here with your ninang?" tanong ko kay Hyde na busy sa pagkain ng ice cream.


Tumango lang ang batang lalaki. Kanina pa ito tahimik na tila may malalim na iniisip. Hindi naman bago ang ganito dahil malalim na bata talaga ang anak ko. Mas matured kaysa sa ibang kaedaran nito.


Tumayo na ako at tinawagan si Harry kung saang parking siya papasok. Sasalubungin ko siya. Ayaw ko na makita pa ni Hyde na meron kaming hindi pagkakaunawaang dalawa. Gusto ko na pag humarap kami sa bata ay naayos na ang kung anong tampuhan namin.


Paglabas ko ng elevator ay saktong naka-park na si Harry. Nang matanaw ko ang kotse niya ay lumapit agad ako. Kaswal lang ang aking ekspresyon.


Bumukas ang pinto sa driver's seat at iniluwa niyon ang isang matangkad at guwapong lalaki. Puting button down long sleeves polo sa pang-itaas, grey pants sa pang-ibaba at white loafers sa ibaba ang suot niya. He was wearing a pair of clear glasses with white silver rim. Although his hair was a little messy, he was still neat to look at. And he smelled nice.


Ang mapulang mga labi niya ay nakangiwi dahil sa kaba. Alam niya kasi na napaghintay niya talaga ako. "Honey, I'm sorry."


"You suddenly said that there was an emergency. Hindi mo ipinaliwanag agad kung ano. Ang alam ko lang ay nasa biyahe ka na. Ang tagal na ulit ng sumunod na reply mo."


Napahaplos siya sa kanyang batok. "Yeah, my bad. I'm so sorry if made you worry. Nag-pa-panic na kasi ako kanina. Gusto ko na talagang umalis para maabutan kayo. I'm really sorry."


Tumango ako pero hindi na nakatingin sa kanya. Kinuha niya ang kamay ko kaya ako napatingala sa kanya. Malamlam ang mga mata niya na nakatingin sa akin.


"You're mad. Usap muna tayo." Pagkasabi'y hinila niya ako papunta sa kotse.


Pumasok naman ako sa loob at naupo sa upuan. Pinanood ko siya na umikot sa kabila hanggang sa katabi ko na siya sa loob.


"I will explain to Hyde," aniya. Alam niya na iyon ang pinaka dahilan kaya ako nagtatampo. Ayaw ko kasi na nakikita ni Hyde ang mga ganoong senaryo. Hangga't maaari, ayaw ko na makakakita ang bata ng mga pangako na hindi natutupad. Ang daddy at ang Kuya Jordan ko ay maingat sa mga ganoong bagay. They wanted to set examples for the kid.


Gumaan na ang loob ko dahil sa sinabi ni Harry. Admitting your mistake, no matter how big or small it was, was a good habit that should be shown to children. Kapag nagkamali, dapat marunong humingi ng kapatawaran at walang edad iyon na pinipili.


"But before I'll explain to Hyde, I will explain to you first. Here's what happened, Jill. On the way na talaga ako kaya lang tumawag iyong secretary sa firm. Nagkaroon ng di pagkakaunawaan with one of our firm's big client. Napabalik ako. Nagpa-panic na ako kasi baka hindi ko na kayo maabutan. Pag-alis ko roon, drive na agad ako papunta rito. Hindi na ako naka-check ng phone sa sobrang pagmamadali."


So, that was what happened.



"I LOVE YOU."


Mula sa manibela ay umusod palapit si Harry sa akin. Nanunukso na ang magandang uri ng mga mata niya.


"I love you, Mommy..."


"I hate you," mahinang sabi ko na nakayuko. Pero hindi naman ako galit talaga. Wala namang dapat ikagalit dahil hindi naman sinadya ni Harry ang nangyari. He would never do anything to hurt me and Hyde.


"And I love you." He gently placed a soft kiss on my forehead. "I will make it up to you."


Pinanood ko siyang bumaba ng kotse at umikot sa aking gilid. Habang nakatingin sa kanya ay hindi ko maiwasang makaramdam ng init sa dibdib.


Harry was really a good man. Until now, I still couldn't believe that he was with me. With us. He was too perfect and I was so lucky to have him. I had no plans of letting him go.


Huminto siya sa gilid ko para pagbuksan ako ng pinto sa passenger seat. Inalalayan niya akong bumaba. Yumakap naman ako sa bewang niya.


Hawak niya ang kamay ko nang pumasok na kami sa loob ng mall. "Where is Hyde?" he asked.


"Iniwan ko sa resto."


Malayo pa lang kami sa Max's Restaurant ay natanaw ko na si Dessy. Palakad-lakad ang babae at hindi magkandaugaga. Nang makita ako napasigaw siya. "Jillian!"


Madali ko naman siyang nilapitan dahil bigla na akong kinabahan. "Where's Hyde?"


"Magsi-CR daw siya. May tao sa loob ng restroom ng Max's kaya nanakbo palabas."


"What? Hinayaan mo siyang mag-isa?" Nag-init ang ulo ko. Hyde was only eight for Pete's sake! Kahit matured mag-isip at malaking bulas ay bata pa rin. Paano kung mapaano iyon?


"Sorry. Alam mo namang mahirap makipag-debate sa anak mo. Nagsisimula pa lang mangatwiran ay dinudugo na agad ako."


"God, Dessy!" Iniwan ko na siya para puntahan si Hyde.


"Jill, I'll look for him," nakangiting sabi ni Harry sa akin, alam ko na pinapakalma niya lang ako. Kapag kasi tungkol sa anak ko ay mabilis akong mag-alala.


"No. I'll go with you." Kapag si Hyde ang pinag-uusapan, hindi puwede na maghihintay lang ako.


Iniwan namin ni Harry si Dessy sa tapat ng Max's. Magkasama kami na tinungo ang kinaroroonan ng restroom. Walang katao-tao sa hallway kaya kitang-kita ang paligid. Sa tapat ng banyo ng mga lalaki ay kandahaba ang leeg ko, walang tao na matatanaw sa loob.


"Stay here, Jill. Ako na ang mag-ch-check sa loob."


Papasok pa lang si Harry nang makita naman naming palabas ang isang batang lalaki. Naka-white polo, jeans, at boots. Natatakpan ng black rimmed glasses ang mga mata na kakulay ng sa akin—kulay malinaw na tanso.


"Baby!" Sinalubong ko ito ng yakap.


Nakasimangot ang walong taong gulang na batang lalaki. Salubong ang mga itim na itim at makakapal na kilay at nakaismid ang mapulang mga labi.


"What happened, baby?" nag-alalang tanong ko.


"Mommy, there's a guy inside," sumbong niya na malikot ang mga mata.


Nagkatinginan kami ni Harry.


"That guy said that I have a small dick!"


Napanganga ako. "What?!"


Namumula ang mukha ng bata nang muling magsalita. "I just happened to glance at his dick while peeing. I was amazed because he got a massive one. He looked at mine too and then he laughed."


Kumulo ang dugo ko sa galit. "Who the hell is that guy and how dare him insult my son?!"


Was he crazy to say something like that to a child?


Hinahagod ni Harry ang aking likod para pakalmahin ako, pero sa mga mata niya ay makikitang hindi rin siya natutuwa. Harry loved Hyde as much as he loved me. Kung hindi siya likas na pasensiyosong tao ay baka sumugod na siya para banatan ang kung sino mang nang-insulto sa bata.


Mula sa men's restroom ay sumunod na lumabas ang isang matangkad na lalaki. Nakahanda na ang matalim na mga titig ko nang bigla akong matigilan.


The man was very handsome and kind of familiar. Hindi ko matandaan kung saan ko siya nakita. O baka dahil sa sobrang guwapo niya kaya akala ko lang ay kilala ko siya?


Sandali kong nakalimutan ang pang-aalipusta niya sa weenie ng aking baby.


The man was perfect. Wala kang maipipintas mula sa makakapal at itim na itim na mga kilay ng lalaki, sa malamlam at kulay itim ding mga mata, mataas na bridge ng matangos na ilong at manipis na mapulang mga labi.


Even his height, physique, shoulder width, and posture were a work of art that he could pass as a model. He was wearing a black long sleeves polo, dark-fitted jeans, and a pair of loafers. Aside from his Rolex watch, he also had silver earrings on both sides of his ears. Even so, he was still respectable and clean-looking.


I blinked when I realized that he was also examining me.


Sa gulat ko ay biglang ngumisi ang manipis at mapula niyang mga labi, "Herrera."


My lips parted when I heard his voice. I recognized it in an instant. Hinding-hindi ko makakalimutan ang boses na iyon na kahit yata pumikit ako ay makikilala ko pa rin kung kanino.


Pinanlamigan ako ng katawan.


I couldn't be wrong...


This man who had a naughty grin on his sensual red lips. He was none other than the notorious Hugo Emmanuel Aguilar!


"Do you know him?" Narinig ko ang salat sa anumang emosyon na tanong ni Harry sa aking tabi.


Only then did I realize that I was with him and Hyde.


Kinalabit ako ng anak ko. "Mommy, he's the crazy guy with a massive dick!"


Napaatras ako sa biglang pagapang sa akin ng takot.


Ang ngisi sa mga labi ni Hugo ay marahang nabura nang marinig ang sinabi ng bata. "He's your kid?"


"Our kid." Si Harry ang malamig na sumagot dahil hindi ko na mahagilap ang aking sariling boses.


"Mommy, he really got a massive dick. It was thick, long and the tip was a bit swollen! Is my dick will be like that too—" Hindi na natapos ng bata ang sinasabi dahil piningot ko na ito.


Nanguna na itong manakbo paalis. Pero bago makalayo ay nilingon pa nito si Hugo.


"My dick will get thicker and longer too because I got it from my dad!"


Hinawakan ako ni Harry sa kamay para sumunod kay Hyde. Marahang hinila niya na ako paalis sa lugar kung saan naiwan ang nakahabol ng tingin sa amin na si Hugo.


Hanggang sa makalayo kami ay hindi ko pa ring makuhang magsalita. Nang lingunin ko si Harry ay seryoso ang kanyang mukha. Ang palaging kalmante, mahinahon at maamo niyang ekspresyon ay hindi makikita ngayon. Salubong ang mga kilay niya at panaka-nakang nagtatagis ang kanyang mga ngipin.


Dahil bakit hindi? Kahit sa maiksing panahon at sandaling pagkakataon lang ay nagkaharap na sila noon. Hindi lang iisang beses, dalawa o higit pa.


Imposibleng makalimot sila kung paano sila nagkakilala ng dahil sa akin, kung paano nila isinumpa ang isa't isa, at paanong dahil din sa akin kaya sila nakarating ng presinto kasama ang kuya ko.


Magsisi man si Harry ay huli na. Simply because the truth could never be changed...


'Whether we like it or not, Hugo Emmanuel Fucking Aguilar...


...is the real father of my child.'


JF


#JFstoriesTroublemaker32

Continue Reading

You'll Also Like

246K 10K 36
Mula sa angkan ng mayayaman, tumakas siya at tinalikuran ang pagiging chief executive officer/CEO ng sariling kompanya para takasan ang manyak na in...
21.7M 705K 46
Ingrid is being stalked by a mysterious stranger. She thinks he's a psycho and is deeply afraid of him. However, her curiosity got the better of her...
9.9M 387K 36
X, the green-eyed handsome boy who hangs around Quiapo, Manila, is the suitor of Rita. She believes her future is uncertain if she ends up with him a...
6.9M 166K 56
X10 Series: Alexander De Silva Kilala bilang 'nice guy' ng gang na tinatawag na X10. Mabait pero masama kung magalit. Isang gentleman kung maituturin...