I'm a Ghost in Another World

De PeeMad

126K 4.5K 205

Elaine Hidalgos is stuck of being the richest person without her parents guide, but after dying at the car cr... Mai multe

PSAMM
Guide Map
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Epilogue
Author's Note
Author's Note 0.2

Chapter 55

833 34 2
De PeeMad

Chapter 55: Dark Master

"KAASAR!" singhal ni Antonette habang naglalakad sa hallway, kasama ang kanyang mga kagrupo.

Nakaalalay naman si Baron at Emmanuel kay Antonelle na wala pang malay kahit binigyan na sila ng healing potion. Malaki ang natamo ng dalaga kaya kailangan niya munang magpahinga. 

Nakarating sila sa kanilang silid, pinahiga ito, at doon nagsimula ang samu't sari nilang opinyon sa pagkatalo. Walang sisihang nangyari ngunit makikita sa kanilang mukha ang pait sa pagkalaglag sa tournament.

Mahinang natawa si Captain Yong na ikinatingin ng iba sa kanya.

"Dito ko lang pala siya makikitang muli," bulong nito.

"Sino?" tanong ni Baron ngunit hindi siya sinagot ng kapitan. Napakamot na lang siya sa ulo at bumaling kay Emmanuel. Ngunit mas lalong umigting ang gusto niyang kasagutan nang makitang nakayuko't seryoso ang kaibigan niya.  "Hoy! Pre! Okay ka lang?"

"Oo," sagot ni Emmanuel at lumabas ng silid.

Kunot noong pinagmasdan ni Baron na umalis ang kaibigan. "Oo raw pero parang pinagsakluban ng langit at lupa ang mukha niya."

Samantala, bago pa makalayo si Emmanuel, napatigil ito at nakita ang kanyang kapatid na tumatakbo papunta sa kanya. Huminto ito sa tapat niya na hinahabol ang paghinga.

"Anong ginagawa mo rito, Erisse?" takang tanong niya sa babaeng kapatid.

"Nanood!" hinihingal na sagot ngunit mayamaya'y kumalma rin.

"Saka may masama akong balita! Aayain ko sana si Esang na manood din kaso walang tao sa bahay nila. Kaya ang alam ko'y narito sila kasi hindi ba't usap-usapang kasama nila ang Emperor? Ngunit bakit wala rin sila rito? Nasaan sila?" dagdag pa nito.

"Kumalma ka lang. Narito sila. Hindi mo lang nakikita," pagsisiningaling ni Emmanuel dahil ayaw niyang mag-alala ang kanyang kapatid.

"Buti naman." Ngumiti si Erisse at mahinang sinuntok ang dibdib ng kanyang kuya, "Okay lang 'yan na matalo."

Mahinang natawa si Emmanuel at mahinang tinapik ang kamay ng kapatid. "Alam ko."

"Oh siya. Babalik na ako ulit sa panono—"

"Umuwi ka na," pagpapatigil na sambit ni Emmanuel. Seryoso niyang tiningnan ang kapatid na takang nakatingin sa kanya. "Umuwi ka na, Erisse. May mangyayaring hindi maganda rito."

Magtatanong pa sana si Erisse subalit mas nanaig ang seryosong tingin sa kanya ni Emmanuel. Bumuntong-hininga na lamang siya bago tumugon, "Aalis din naman ako. Ikaw lang naman ang pinunta ko rito." Tumalikod na ito at sumulyap, "Mag-iingat ka."

Tuluyan na nga itong naglakad paalis at pinagmasdan ni Emmanuel ang kapatid. Naglakad din ito sa kabilang direksyon at yumukong pumamulsa. Sa isip-isip niya, anong magagawa kong tulong para maligtas ang pamilyang Suarez?

Bago pa siya makarating sa dulo ng hallway, napahinto siya nang makita ang grupo ng Emperor's Team. Pinagmasdan niya ito at napatitig sa isang dalagang nakatangin din sa kanya, walang iba na si Ruby na nagulat kay Emmanuel. Hindi kasi nito inaasahan na makikita niya ang binata pagkatapos ng dalawang buwan sa Anastasia Kingdom.

Hinusgahan ni Emmanuel ang dalaga gamit ang pagtingin at lumihis na rin ng direksyon sa paglalakad. Ngunit napahinto nang marinig ang pagtawag ni Ruby sa kanya.

"Emmanuel?!"

Nauna na ang ibang grupo ni Ruby. Pinayagan nila ito dahil hindi naman taga Olga Kingdom ang binata at alam nilang hindi ito tatakas dahil sa ama niya.

Wala sanang balak na harapin ni Emmanuel si Ruby ngunit hinawakan siya nito sa balikat na siyang kinahinto niya sa paglakad.

"Bakit?" malamig na tanong ni Emmanuel. Tumatak pa sa kanyang isipan ang pagtaksil nito kanila Elaine.

Natahimik si Ruby at napatingin sa kanilang paligid. Nang walang taong nakatingin, humarap siyang muli sa binata.

"Alam mo na ba kung nasaan sila Elaine?" tanong niya kay Emmanuel.

"Hindi ko alam," tugon ni Emmanuel at akmang aalis na ngunit hinarangan siya ni Ruby. "Anong problema mo?"

"Gusto kitang makausap. . ."

"Tungkol saan?"

"Tungkol sa akin."

Ngumisi si Emmanuel. "Anong mapapala ko sa nangyari sa 'yo?"

Yumuko si Ruby at nahihiyang nagsalita, "Wala na akong matakbuhan kung hindi'y ikaw lang." Tumingala siya at awa ang pinakita niya sa binata, "Kailangan ko ng tulong mo."

𔓎𔓎𔓎𔓎

NAGHIYAWAN ang mga tao nang pumasok sa entablado ang dalawang kupunan. Sa kaliwang banda ang Emperor's Team at sa kaliwa naman ang Haakun Kingdom. Kanya-kanya ang suportang maririnig sa mga manonood at napapasigaw pa sa tuwing lilingon sa kanila si Twilight.

Si Twilight ang isa sa pambato ng Haakun Kingdom, pagdating sa larangan ng pakikipaglaban. Isa rin ito sa pinakalamalakas na mage sa buong South-West Land. May aking kagandahang lalake rin ito na mapagmamayabang kaya ang mga kababaihan ay nahuhumaling sa kanya. Sa likod ng papuring natatanggap niya, ang binata ay may isang pinagmamalaki sa lahat, ang kanyang loyalty sa kanyang bayang sinilangan.

Dahil lumaki ito sa pamilyang assassin. Kasama niya sa lahat ang dalawa niyang katana na nakalagay sa likuran niya. Lagi niya itong ginagamit at pinapatunayan na hindi lamang sa larangan ng mahika siya malakas, kung hindi sa larangan ng swordsmanship. Kaya ang tawag ng karimahan sa kanya ay Master of Swords o hindi kaya'y Lord of Darkness.

Sa kabilang banda naman, ang pinagmamalaki ng Emperor's Team, na makukumpara kay Twilight ay si Equinox Hidalgos. Gaya ni Twilight, bihasa rin ito sa paggamit ng dark magic. May titulo itong Prince of Darkness at nakitaan ng potensyal na mamuno gaya ni Lunar. Maraming nagsasabing kaya niyang lagpasan ang kanyang kapatid ngunit pinanatili ni Equinox ang pagiging loyal sa bayang sinilangan.

Napatigil sa paglakad ang dalawang kupunan at napatitig sa isa't isa. Mas lalong nag-init ang presensya nang magkatitigan sila sa mata sa mata. Walang dudang sila ang maghaharap kapag nagsimula ang tunggalian.

Samantala, habang ang dalawang pinakamalakas na grupo ay naglalaban, nanonood sa pribadong silid si Elaine. Kailangan niyang matutukan ang dalawang bihasa sa dark magic dahil ang nakaposas sa kanyang pamilya ay gawa ni Lunar na isang dark mage.

Ang Dark magic ay kabaligtaran ng Light magic. Kung ang light ay mas mabilis pa sa hangin, ang dark ay kasing bagal nang pagtubo ng isang halaman. Para malutas ang mabigat at mabagal nitong katangian, hinahalo nila ito sa mga armas, iba pang magic attributes, at kagamitan na kapag umatake, mabibigyan nila ng bilis ang dark magic. Karamihan sa mga dark mage ay mga Legend Mage. Katulad na lamang ni Lunar na hinalo niya ang dark magic sa fire magic.

Kapag pagbabasihan naman sa lakas, mas lamang ng singkwentang pusyento ang dark magic kaysa sa iba pang magic attributes. Mas mahirap pa itong pag-aralan dahil sa pagiging singularity at naiiba sa ibang attributes. Kaya gano'n na lamang nirerespeto ang mga dark mage. Iilan lamang ang kaya itong magamit dahil kapag hindi mo ito napag-aralan, ikaw mismo ang kakainin nito papunta sa kadiliman.

"Ang hirap!" reklamo ni Elaine habang nakatutok sa hologram. Kanina pa nagsimula ang labanan ngunit hindi nagpoproseso sa kanyang utak ang paggamit ng dark magic.

"Bakit hindi ka kaya manood sa mismong colosseum?" mungkahi ni Captain Alaric. Abala pa ito sa pag-isip ng plano ngunit ang mga tenga niya ay nakapokus kay Elaine. "Mas mabisa kung aktuwal mo itong makikita."

Napahawak si Elaine sa kanyang ulo at tumayo. "Mabuti pa nga. Sasakit ulo ko rito eh!"

"Sama!" masiglang sabi ni Cielle na may kasama pang pagtaas ng kamay.

"Sasama rin ako," aya ni Princess Haruna. "Magandang pag-aralan ang galaw nila."

"Kayo, hindi kayo sasama?" aya ni Cielle kanila Rai.

Nakahiga si Rai sofa at ang unan niya ang ang mga palad. Nakapikit ito at ang sagot kay Cielle ay iling. Pinapahinga niya kasi ang sarili dahil may posibilidad na magkaharap silang muli ni Ruby at ayaw niya pa itong makitang muli.

Si Ivy naman ay abala sa paggawa ng healing potion. Ito'y utos sa kanya ng prinsesa.

"Kailangan kong sumama. Mahirap na, baka may makasalubong na naman si Elaine. Lapitin masyado ng mga malalakas na mage," nakangising sabi ni Captain Alaric.

Napakamot na lang sa batok si Elaine at mahinang natawa. "Hindi naman 'yon sinasadya."

Bago umalis, sinuot nila ang mga maskara. Gano'n din si Haruna na ang mata lamang niya ang natatakpan.

Pagdating nila sa colosseum, ang malapit sa kanilang mga manonood ay nakamata sa kanila. Ang isa sa kanila ay bumulong pa sa kanyang katabi,

"Ang mga kalahok sa Olga kingdom ay narito."

"Mukhang pag-aaralan nila ang labanan ng dalawa. Makakaharap kasi nila ito mamaya," bulong naman ng katabi niya.

"Grabe ang aura nila. Napakabigat!"

"Sinabi mo pa."

Natigil lang ang kanilang usapan nang masama silang tiningnan ni Alaric— na may maskarang spade.

Nasa pinakataas sila pumuwesto. Wala ritong upuan at mga taong nakakalat. Ito'y para lamang sa mga kalahok na gustong manood. Una nilang napansin ang pagitan sa dalawang dark mage na sila Equinox at Twilight. Gumagamit ng katana si Twilight para ilagay ang lakas ng dark magic dito. Si Equinox naman ay kakaiba. Mabilis ang kanyang paggamit ng dark magic tulad sa wind magic. Ngunit wala kang mararamdamang malakas na hangin sa arena. Paano niya ito nagagawa? Isa pa ring misteryo iyon para sa mga eksperto.

Nakayukong pumahalumbaba si Alaric sa railings na humihiwalay sa mga manonood at sa mga kalahok. Tinitigan niyang mabuti sila Twilight at nakitang gumagamit din ito ng shadow magic. Mabilis itong lumilipat sa ibang direksyon gamit ang paglubog sa sariling anino at lilitaw kapag aatake.

"Nakakahanga ang shadow magic." Lumingon siya kay Elaine at nakita itong nakatutok ng mabuti. Hindi siya nito tiningnan at hindi pa narinig ang sinabi niya.

Samantala, lumubog muli si Twilight sa kanyang anino at lumitaw sa anino ni Equinox. Hinanda niya ang dalawang bitbit na katana at hiniwa ito, ngunit agad na tumalikod si Equniox at sinalag ito.

Patalong umatras si Twilight at bumwelo para sumugod. Tipatan ni Equinox ang binibitawang hiwa ng kalaban hanggang sa sila na mismo ang napagod. Humiwalay sila na may layong limang tatlong metro. Hinahabol nila ang kanilang paghinga at hinanda muli ang kanilang espada. 

Susugod sana si Twilight ngunit napahinto ito nang makitang nakatayo lamang si Equinox. Tumitig siya sa mga mata nitong gumilid at sinundan kung saan ito nakatingin. Nakita niya si Elaine na nakamasid sa kanila. Pinanliitan niya ito ng tingin bago muling bumaling kay Equinox.

Nagkatitigan ang dalawa at mayamaya'y ngumisi si Twilight at mahinang tumango. Pagkatapos, muli silang nagtuos.

Napansin naman ni Elaine na gumawi sila sa kanya at ngumisi. Mukhang parehas silang may developed magic sense. Naramdaman nila ang pinalabas kong mana, pagkakausap niya sa kanyang isipan.

Bumaling naman siya kay Ruby na kalaban ang isang shadow mage. Pinagmasdan niya lang itong nahihirapan makipaglaban. Bumaling ito sa kanila ngunit sumulyap lamang kay Cielle. Hanggang ngayon, iniisip pa rin nitong si Cielle ay si Elaine dahil sa suot nitong Ace na maskara.

Effective ang planong magbalat-kayo, muli niyang pagkakausap sa kaniyang isipan.

Naghiyawan pa lalo ang mga manonood nang mas lumalim pa ang pagtutuos ng dalawa.

"Woah," reaksyon ni Alaric nang sumugod si Equinox. Kanina pa kasi ito kalmado at hinahayaang umatake si Twilight.

Laking gulat ng lahat nang hindi na nakaiwas si Twilight sa malakas na pagsuntok ni Equinox. Tumalsik ito papunta sa pader ng arena. Agad na nagtakbuhan papalayo ang mga manonood sa pader bago sumalpok si Twilight. Nagkaroon pa ito ng bitak at debris. Tumambad na lang sa kanila ang pagdikit nito sa pader.

"Natalo agad siya?" takang tanong ni Elaine dahil hanggang ngayon, wala pa siyang natututunan sa pagitan ng dalawa. "Paano na ako matututong mag dark magic?!"

Napasinghap ang mga manonood na agad tiningnan ni Elaine. Nasaksihan niya ang pagtalon ni Twilight sa pagkakadikit sa pader at tumayo na parang walang nangyari. Pinagpagan pa nito ang kanyang damit bago umalis ng arena.

Ang lahat ay nagulat at ang mga kababaihan ay mas lalo pang nahulog sa binata.

"Napakaastig niya kahit matalo," kumento nila.

"Tara na," aya ni Alaric at siya'y naunang umalis.

"Ano ba 'yan!" reklamo naman ni Elaine bago sila sumunod sa kapitan.

Wala pang minutong naglalakad sila Elaine paalis sa Colosseum nang marinig nila ang pagkapanalo ng Emperor's Team.

"Walang dudang sila ang makakaharap natin sa Finals," sambit ni Princess Haruna.

"Kung makakaakyat pa kayo sa Finals," kumento ng boses lalake mula sa likod nila. Paglingon nila Elaine, nakita nila si Twilight kasama ang apat pa nitong kalahok.

Tinaasan ni Cielle ng kilay si Twilight at humalukipkip.

"Talaga?" pag-aangas niya.

"Heart," suway ng prinsesa.

"Sorry. He he he."

Gumawi si Twilight kay Elaine at agad naman itong napansin ng dalaga.

Taas noong nakipagpalitan ng seryosong tingin si Elaine.

"Mukhang kilala mo na ako sa likod ng maskarang suot ko," sambit niya.

"Wala akong pakialam kung sino ka pa," tugon ni Twilight at tumalikod. Naglakad ito paalis at nagbigay ng huling sambit, "Paalam, Supreme Spirit."

Hindi na nagulat sila Elaine dahil alam nilang kaya nitong gumamit ng developed magic sense. Sinundan lang nila ito ng tingin habang ito'y paalis.

Agad na bumalik sila Elaine sa pribadong silid at doon sinimulan ang brainstorming sa pinakahuling plano nila.

Kasalukuyang nakaupo ang mga babae sa grupo habang sila Rai at Alaric ay nakatayo.

"Kung nakikita niyo, nagpagawa ako kay Ivy ng maraming potion," pauna ng prinsesa at nilahad ang mga gawang potion. "Dahil si Ivy ay binigyan ko ng misyon. Siya'y nakatoka sa mga mahihinang tauhan ni Lunar. Mahihina ito ngunit dahil sa dami nila, baka mahirapan tayo."

Tumango ang ilan bilang pangsang-ayon.

"Ang kailangan na lang natin pag-isipan ngayon ay kung paano natin ito matatapos. Dahas ba ang kailangan? O sa tahimik na paraan natin ito gagawin?" dagdag pa ng prinsesa.

Tumayo si Elaine at ang lahat ay tumingin sa kanya. "Dahil nakataya sa misyong ito ang pamilya ko, sila ang uunahin ko. Nasa sa inyo na kung papayag kayo sa akin."

Biglang lumitaw si Karlo sa gilid nila kasama si Pinunong Sol. Agad na yumuko ang matanda bago tumayo ng maayos.

"Hindi natin makukuha ang trono na may nagpapagabag kay Supreme Elaine. Hindi rin tayo pwedeng magpokus sa pamilya Suarez habang binibigyan natin ng oras si Lunar maprotektahan ang kanyang trono," paliwanag ni Pinunong Sol at pumunta sa gitna. Sa pagpilantik ng kanyang daliri, may lumabas ditong papel at ito'y nilapag niya. Nakita nila na ito'y isang mapa ng palasyo at damay din dito ang labasan na napapalibutan ng mga puno't halaman.

"Sa aking obserbasyon sa buong Mouth Olimpus, ito ang kabuuan nito," dagdag pa nito.

Tinuro ni Princess haruna ang ilang fortress na naglalaman ng napakaraming tauhan ni Lunar at mga kagamitang pandigmaan.

"Napakarami pala ng fortress. Hindi ito kaya ni Ivy mag-isa," sambit ni Princess Haruna.

Humarap si Elaine kay Rai. "Kaya mo bang mapabagsak ang fortress sa salingang bahagi?"

"Oo naman!" masiglang tugon ni Rai at sinuntok pa nito ang kanang palad. "Ako na ang bahala ro'n."

"Sila Ivy at Rai ang mag-aasikaso niyan. Ang poproblemahin na lang natin ay ang pamilya ko at ang trono." - Elaine.

"Ako na po ang bahala sa inyong pamilya, Supreme Elaine," sambit ni Pinunong Sol.

"Kung gano'n, kasama mo ako—"

"Hindi maaari, Elaine," sambit ni Alaric na nagpatigil kay Elaine. "Ang pangunahin mong misyon ay ang makuha ang trono."

"Pero—"

"Magtiwala ka lang sa mangkukulam. Magtiwala ka sa amin."

Napatigil si Elaine at napatingin sa kanyang kasamahan. Nakita niya na ang desidido sa kanilang mga mukha. Sa tagal niyang kasama ito, ngayon lang niya nakita ang seryosong pakikinig nila sa kanya.

"Narito kami para sa 'yo. Kung ano man ang gusto mo, susundin namin 'yon. Ikaw ang Supreme Spirit. Dapat sa 'yo pa lang nanggagaling na ang pagtiwala sa mga nasasakupan mo," dagdag pa ng kapitan.

Marahang napayuko si Elaine at kinausap ang sarili sa isipan.

Bakit ba ako nangangamba ngayon? Ibang mundo na ito Elaine. Iba na ang mga taong nakapaligid sa 'yo. May mga taong nagtitiwala sa 'yo at nagmamahal ng husto.

Sa nakaraan niyang buhay, isa siyang c.e.o na kinakatakutan ngunit naging mabuti naman siya sa kanyang mga tauhan. Hindi lang siya nagtitiwala dahil sa mga kamag-anak niya pa lang, hindi na niya iyon natamasa. Sarili niya lang ang iniisip sa kanyang pag-unlad.

Hindi ka na c.e.o rito, isa ka ngang multo na pinakamakapangyarihan sa iba. Isa kang multo na may pamilya at magiging Emperor. Ibahin mo na ngayon. Bago ka lang rito, kailangan mong magtiwala sa mga taong nagtiwala sa 'yo, kahit hindi mo ito sinabi sa kanila.

Napabuntong hininga muna si Elaine bago tumugon, "Pasensya na kung gano'n ang dating ng sinabi ko sa inyo. Hindi sa gano'n ang pinaparating ko. Gusto ko rin sila iligtas para masabi kung sino ako."

Sa paglabas pa lang niya sa Nayon ng Liryong Lampara, tinatak niya na ang sarili na sabihin na sa pamilya Suarez kung sino siya.

"Handa ka na ba?" tanong ni Pinunong Sol.

Ngumiti si Elaine. "Handa na ako."

"Kung gano'n, isipin mo ang magiging plano natin."

Tumango si Elaine at muling humarap sa mapa.

"Ang grupo natin ay mahahati sa tatlo; sila Rai at Ivy sa mga fortress, ako at si Pinunong Sol ay ililigtas ang pamilya ko, at sila Captain Alaric at Cielle ang haharap muna kay Lunar."

"Talaga ba? Yehey! May gagawin na ako!" masiglang sabi ni Cielle.

"Dahil marami pa ring inaakala na si Cielle ay ako, siya muna ang hahamon kay Lunar at aalalay si Captain Alaric." Lumingon si Elaine sa kapitang nakahalukipkip, "Mahirap ang magiging role mo rito dahil baka may mga malalakas na tumulong kay Lunar, isa na rito ang mga kapatid niya. Hindi sa mababa ang tingin ko sa kakayahan mo pero kaya mo ba iyon?"

"Walang imposible sa akin, Elaine," nakangising tugon nito.

Ngumiti si Elaine at humarap kay Princess Haruna. "Ibibigay ko sa 'yo ang misyong tulungan si Ruby na mabawi ang ama niya, okay lang ba iyon sa 'yo?"

Bahagyang nagulat si Princess Haruna, lalong-lalo na si Rai.

"Akala ko'y nakalimutan mo na siya, Elaine," naiiyak na sambit ni Rai.

"Hinding-hindi ko siya makakalimutan Rai. Kapag natapos mo na ang misyon sa fortress, maaari mong tulungan si Princess Haruna."

"Walang problema!"

Ngumiti si Elaine at pumewang. "Gagawin natin ang plano kapag naglabas ng maraming golem si Princess Haruna sa Arena. Ito ang pagsisimulan ng gulo at paghihiwalay natin. Maliwanag ba?"

"Hindi natin susundin ang plano na makaharap mo si Lunar ng aktuwal at matalo ito para mawala ang bracelette sa pamilyang Suarez?" tanong ni Captain Alaric.

"Just trust me too. Matututunan ko ang dark magic."

Napangisi ang kapitan. "As you wish. Unlocked the bracelet and please defeat Lunar's ass."

"Bakit ayaw mong gawin?"

"I can but it is not appropriate that 'the victorious me' should go to the throne. You must be, so you can prove to everyone that you are worthy."

𔓎𔓎𔓎𔓎

NAPUNO ng hiyawan at sigawan nang makatungtong sa arena ang dalawang grupong mula sa Olga Kingdom at Haakun Kingdom. Mas nanaig ang suporta sa Haakun na karamihan ay babae kaysa sa Olga Kingdom. Sinisigaw nila ang pangalan ng binata kahit natalo ito kanina.

"Napakaingay nila!" reklamo ni Rai at tinakpan ang tenga nito.

Natahimik sila nang magsalita ang taga-anunsyo. Nilathala lang nito ang katayuan ng dalawa at wala pang minutong naghudyat ito ng simula ng labanan.

Unang sumugod si Elaine at tumakbo ang apat niya pang kasamahan papunta sa apat na kasamahan ni Twilight.


Flashback

Bago magsimula ang lahat, nagplano muna si Alaric sa gagawin nila kanila Twilight.

"Bibigyan natin ng oras si Elaine na makalaban niya ng one-on-one si Twilight. Walang makikialam sa laban nila para mahasa niya ang dark magic," sambit niya kanila Rai, Ivy, at Cielle. Pagkatapos, lumingon siya kay Elaine. "At ikaw naman, huwag kang gagamit ng dark magic. Obserbahan mo lang si Twilight at talunin. Kapa. natapos ang kalahating oras na hindi ka nagtagumpay, saka kami tutulong sa 'yo. Maliwanag ba?"

Tumango si Elaine bilang pangsang-ayon.

End of Flashback


Sumugod si Twilight at hinayaan niyang makalaban ng apat niya pang kasamahan sila Alaric. Hinarap niya si Elaine na nakahanda sa paglusob niya. Nilabas niya ang dalawang katana mula sa kanyang likuran.

"Dark Skill, Dark enhancement," pag-cast nito ng spell at pumalibot sa katana nito ang itim na mahika.

"Uriel's Flamming Sword," sambit ni Elaine at lumitaw sa kanan niyang kanay ang espadang apoy. Pinuwesto niya ang sarili at inabangan ang pasugod na si Twilight.

Nang malapit na ang binata kay Elaine, bigla itong lumubog sa anino. Mabuti't nakaaksyon siya nang lumitaw sa likod niya si Twilight. Agad niyang nasalaga ang espada nito na kinangiti ng binata.

"Not bad, Supreme Spirit," nakangising asar ni Twilight at muling lumusot sa kanyang anino.

A shadow magic, pagkakausap ni Elaine sa kanyang isipan at pinalakas ang magic sense. Pumikit pa ito para magpokus at mayamaya'y naramdaman niya ang paglitaw ng mana ni Twilight sa gilid niya. Agad siyang lumikha ng bolang apoy sa kanan at ito ang pinansalag niya sa espada ng binata.

Hindi na muling gumamit si Twilight ng shadow magic at hinarap niya si Elaine sa espadahan. Mas lamang lang ito dahil sa paglakas ng espada niya gamit ang dark magic.

Naghiwalay lamang sila nang nagliyab pa lalo ang espada ni Elaine. Napangisi si Twilight at muling bumalik ang mukha sa hindi pwedeng biruin estado.

"Flame is the reflection of your emotions. Dark is the reflection of your true self. Soul is the main force of dark magic, remember that," paliwanag ni Twilight sabay biglang sugod kay Elaine.

Agad namang nasalag ng dalaga ang atake. Umikot pa siya para sana masipa si Twilight sa sikmura. Nagawa niya ito ngunit tumagos lang ito sa katawan nitong naging itim.

Mimicry skill? Sa isip-isip ni Elaine. Tumagos ang paa niya at hinawakan ito ni Twilight.

"If you can control your fear, convert it into a dark magic!"

Malakas na hinagis ni Twilight si Elaine. Buti na lamang, nakontrol agad ng dalaga ang hangin kaya siya'y hindi tumilapon. Tumayo siya ng maayos at sinamaan ng tingin ang katunggali.

Anong ginagawa niya? Tinuturuan niya ba ako? Paano niya nalamang kailangan kong matuto ng dark magic? Pagkakausap niyang muli sa isipan niya.

"Don't look at me like that, Supreme Spirit. Ang hula ko lang ay hindi mo pa kayang gumamit ng dark magic. Dahil hindi mo nababasa ang galaw ko. Hindi ba dapat ay matuwa ka?"

"I can manage myself," tugon ni Elaine at tinaas ang mga kamay. "Chaos Tornado!"

Nagkaroon ng malakas na hangin sa paligid ni Twilight na halos hindi na ito makita sa gitna.

Napangisi si Elaine ngunit napalitan ito ng gulat nang tumagos si Twilight sa tornado.

"P-paano?" takang tanong niya at napansin ang paanan ni Twilight na may dark magic.

"Dark magic is the strength itself. They're unbreakable," pagturong muli ni Twilight at hinanda ang katana niya. "Dark skill, Death Slash."

Naglabas ng itim na slash si Twilight galing sa kanyang katana at mabilis itong tumungo kay Elaine.

Nagulat ang dalaga at agad na na-bend ang katawan palikod. Kaya ang slash ay dumaan lamang malapit sa tiyan niya. Pagkatayo niya, nakaabang na ang paa ni Twilight sa kanya at siya'y sinipa nito ng napakalakas sa tiyan.

Napaduwal si Elaine at nanghina ngunit napahawak siya sa lupa kaya hindi niya natamasa ang paghilata.

"Sakit!" reklamo niya habang nahihirapang makatayo. Hindi pa nga siya nakakabawi, muling sumugod si Twilight. Buti na lang, umeksena na si Alaric. Nilagyan niya ng yelong pader ang pagitan nila Twilight.

Umatras ng kaunti si Twilight at sinamaan ng tingin si Alaric na nasa gilid na ni Elaine.

"Times up," nakangising sambit ng kapitan at tinuro si Twilight. "Ako na ang haharap sa 'yo, Lord of Darkness."

Mahinang natawa si Twilight. "Nice meeting you again, Alaric, Lord of Ice."


~(へ^^)へ• • •

Update:

Continuă lectura

O să-ți placă și

6.2K 167 26
Fantasy Collaboration: Lost and Found, Tales and Tells Solus Isabela "Sola" Mandirigma, a famous writer of tragic stories. Kilala bilang mapanakit n...
20.8M 763K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...
4.5K 548 34
I am a normal girl living a normal life with my beloved family. Sabi nila, nasa akin na ang lahat. But, can I really be considered as normal? I feel...
6.8K 416 41
What happens when you were given a chance to go back from any timeline, are you willing to save the world? Even if You're a villain Who's supposed to...