How to uncrush your crush
-iLavenny
-Dedicated to: You
Sawang-sawa ka na ba sa pagbilis ng tibok ng puso mo tuwing nadyan siya? Pagod ka na ba sa kaseselos sa tuwing may kasama siyang iba? Ayaw mo na bang tumitig sa kanya habang hindi siya nakatingin at iiwas pag lumingon siya? Pwes para sa inyo ang storyang ito.
*Warning: this is not applicable for everyone.
I've decided to end this once and for all. Promise ayoko na. Yung ups and downs na emosyon sa tuwing nandyan siya at wala siya. Tapos yung pagbibigay niya sakin ng sleepless nights and endless thoughts. Tama na! It always ends, me, being frustrated.
May crush ako since high school. Sikat siya, gwapo, and charming kaya alam kong isa lang ako sa mga babaeng nahuhumaling sa kanya. Before, okay naman ako around him pero nung narealize kong nag-iiba na yung kilos ko tuwing nandyan siya, natakot ako kaya iniwasan ko. Well, hindi na sakin bago yun kasi dakilang playing safe ako.
I always tend to say and do foolish things when I'm tense. And he always giving me that feeling. Eveytime I'm around him I stutter and blabber. Not to mention kung anong itsura ko tuwing kaharap siya. Baka kasi nagmumukha na akong lovestruck puppy sa harap niya.
Kaya tuwing magkakasalubong kami, agad akong lilihis ng daan. Pag hindi ko na maiwasan, ililihis ko na lang ang tingin ko at magpanggap na hindi ko siya nakita o kilala. Ang rude ko no? Okay lang naman yun since hindi naman kami close.
Dumating ako sa point na napagod na ako. I don't know what to do. I acknowledged my feelings for him, hindi nawala. I avoided him, hindi nawala. Ano bang dapat kong gawin?
My friend is talking how she fell in love with her guy best friend. Doon ko naisip na ang weird ko. How did I fell to someone na hindi ko naman ganun kakilala? Maybe I'm feeding my affections for him through his external features.
And that's when an idea struck me. What if I get to know my crush? Pag hindi mo kasi kilala ang isang tao at gusto mo siya, you often end up putting him in pedestal. Pero pag nakilala ko siya, I will see him within at makikita ko yung flaws niya at syempre matuturn off ako. I'm so genius! Haha.
So I created this five steps "How to uncrush your crush"
1. Stop avoiding him. (Wag mag-iiwas tingin! Hmm)
2. Smile at him. (Yung ngiting hindi awkward or pilit)
3. Acknowledge him. (Wag nang isiping FC kasi I know him and he knows me so it wouldn't hurt to atleast say hi to him)
4. Open small talks. (Syempre kailangan naming mag-usap para mas makilala ko siya and iyon naman ang goal ko)
5. Befriend him. (I can't picture myself falling for my guy friend so sa tingin ko eto yung most effective way)
Little by little ay naaccomplish ko itong steps. Mahirap pero nalagpasan ko na yung 'ilang' stage ko with him.
Madalas akong nagsasucceed kapag unexpected yung situation. Yung tipong hindi ko na kailangang sabihan ang sarili ko na "OMG! Nandyan na siya kailangan kong ipractice ang ngiti ko."
There was this time na nakita ko siya sa isang hallway while talking to my friend. I felt like I'm in a boxing match at bigla akong nacorner. Pero that time walang ibang nagregister sa utak ko but the fact na nakaharap siya sakin nun, nakatingin, at NAKANGITI. Good thing mabilis ang neurons ko at nakarespond agad kaya nakangiti ako sa kanya pagbalik. Nang makapasok ako sa cr ay pigil na pigil ako sa kilig. It was a first time after so many months before ko siyang iniwasan. At ang galing dahil nagawa ko ang step 1 at 2.
That scenerio was a huge step for me. Simula nun, tuwing nakakasalubong ko siya ay nagngingitian na kami at nagbabatian. Hindi na rin mahirap saking mag-initiate ng conversation with him. I got to know his favorites, likes, and dislikes. And I can say na whenever he's around, lagi akong masaya.
Nataken off guard lang ako nung may bigla siyang tinanong sakin.
"Bakit noon hindi mo ako pinapansin? Nahihiya tuloy akong kausapin ka kasi baka isnabin mo lang ako."
I was speechless for a minute. Nakatitig lang ako sa kanya while his question is sinking in.
Ano na bang nangyayari? Parang kailan lang ay hirap na hirap akong ngitian siya nang hindi nanginginig pero ngayon siya na lang ang kayang magpangiti sakin. Noon, automatic akong iiwas pag nandyan siya pero ngayon tuwing makikita siya ay agad ko siyang lalapitan.
Effective ba ang How to uncrush your crush sakin? Hindi ko na nga ba siya crush?
I love him..
I guess I'm one of the people that's included in the warning.