Bea's POV
Habang naglalakad kami nila Jema sa hallway bigla syang tumigil.
"Wait, si Deanna yun ha.." sabi nya kaya napatingin ako kung saan sya nakatingin
"Deanna!" tawag ni Jema kay Deanna
Lumingon si Deanna sa amin, lalapitan na sana ni Jema si Deanna kaso biglang nagmadali si Deanna na kunin yung mga gamit nya at mabilis na naglakad palayo, nakaramdam ako ng saya dahil mukhang tutuparin naman ni Deanna yung pakiusap ko sa kanya, kaso nang tumingin ako sa mukha ni Jema nakita ko yung lungkot sa mukha nya, bigla akong napalunok.
Bakit parang ako yung nasaktan?
Dahan dahan akong lumapit kay Jema at inakbayan ko sya.
"L-Let's go na Jema" sabi ko sa kanya, tumingin muna sya kay Deanna na naglalakad palayo bago tumingin sakin at pilit na ngumiti at tumango.
"Anong nangyare sa kanya?" tanong ni Kyla kay Jema
"H-Hindi ko alam" sagot ni Jema, "H-Hayaan nyo na, tara na" aya nya samin pero bago sya maglakad tiningnan nya uli si Deanna.
Nang makarating kami kung saan naka park yung sasakyan namin hinintay ko munang makaalis sila Jema. Nang makaalis sila sumakay na din ako sa sasakyan ko at nag drive pauwi. Habang nagdadrive ako pauwi nakikita ko sa isip ko kanina yung mukha ni Jema.
Bakit ganon yung reaction nya? Halata na nasaktan sya dahil sa ginawa ni Deanna...
Maya maya lang nakauwi na ako.
Dahil hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko ngayon nagpalit ako ng 2 piece pagkatapos pumunta ako ng swimming pool at lumangoy ako ng lumangoy para maalis yung bumabagabag sa isip ko.
Nang mapagod ako umupo ako sa gilid ng pool.
Mali ba yung ginawa ko?
Ayaw ko kasing mapunta sa iba si Jema, matagal ko na syang gusto, nag iipon lang ako ng lakas ng loob para sabihin sa kanya yung nararamdaman ko.
Dahil sobrang lalim ng iniisip ko nagulat ako nang may mag abot sakin ng wine.
Napalingon ako sa kanya.
Kuya Loel...
Kinuha ko yung wine na inaabot nya pagkatapos umupo sya sa tabi ko
"I know there's bothering in your mind, share mo naman" sabi nya sakin habang nakangiti, tipid akong ngumiti
"Hmm si J--"
"Si Jema?" putol nya sa sasabihin ko, tumango ako
"How did you know?" tanong ko sa kanya, tumawa sya ng mahina kaya naningkit yung mga mata nya
"C'mon sis! I'm your brother... alam kong may gusto ka kay Jema.. alam ko din kung ano yang pagkatao mo" sabi nya sakin, isinandal ko yung ulo ko sa balikat nya
"Pero mukhang hindi nya naman ako gusto" sabi ko
"Nasubukan mo na ba?" tanong nya sakin, umiling naman ako, "Hindi pa pala, eh bakit hindi mo subukan?" tanong nya uli
"Nag iipon pa ako ng lakas ng loob kuya" sagot ko sa kanya
"Kailan mo pa gagawin? kapag huli na ang lahat?" tanong nya sakin kaya napatingin ako sa kanya
"What if ma-reject ako? What if... masira yung friendship namin?" tanong ko sa kanya
"Paano mo malalaman kung hindi mo sinusubukan? Matagal na kayong magkaibigan ni Jema, alam kong maiintindihan ka nya kung sakaling mareject ka" sabi ni Kuya sakin, ginulo nya yung buhok ko, "Go sis! Kaya mo yan... magtatapat ka lang naman sa kanya, malay mo parehas lang kayo ng nararamdaman..." dagdag pa ni Kuya, huminga ako ng malalim at tumingin sa kanya, nginitian ko din sya
"Okay, susubukan ko.." sabi ko, ngumiti sya at inakbayan ako
Nagkwentuhan pa kaming dalawa ni Kuya sa tabi ng pool, nakwento ko din sa kanya yung ginawa kong pakikipag usap kay Deanna, at syempre medyo nainis sya sakin, sinabi nya sakin na pwedeng nagalit si Jema sa akin kapag nalaman iyon..
Maya maya inaya na nya akong pumasok sa loob dahil malamig na sa labas.
-----------------
Jema's POV
Nang makauwi ako sa bahay agad akong dumeretso sa kwarto ko.
Aaminin kong nasaktan ako dahil sa inasal kanina ni Deanna.
Umiiwas ba sya sakin? pagkatapos ng nangyare? Ano yun??
Okay pa kaming dalawa kaninang umaga eh, tapos ngayon kung umasta sya parang walang nangyare kagabi??
Pumasok ako sa CR para magbabad sa baththub.
Halos 30 mins na akong nakababad sa bathtub kaya umahon na din ako.
Dibale, kakausapin ko uli sya bukas, baka naman pinagbawalan syang makipag usap habang nagtatrabaho..
Kinabukasan...
Maaga akong pumasok, habang naglalakad ako papunta sa room namin nagpapalinga linga ako dahil hinahanap ko si Deanna, kaso nakarating na ako ng room namin hindi ko pa sya nakikita.
Wala pa sila Kyla at Bea.
Napatingin ako sa pinto dahil biglang pumasok si Jho.
"Ow, ang aga mo naman, nasaan na yung mga buntot mo? hindi mo kasama?" mataray na tanong nya sakin, yumuko ako dahil ayaw kong makipagtalo sa kanya
"hahaha ang bastos naman, kinakausap eh" sabi nya, tumingin ako sa kanya at tumayo
"Ano ba Jho? pwede ba wag ngayon?!" inis na sabi ko sa kanya
"Aba! Lumalaban kana ha... matapang kana??" tanong nya sakin, akmang sasabunutan nya sana ako kaso...
"Jho!" parehas kaming napatingin sa pinto at nakita namin si Bea na nakatayo doon, mabilis syang lumapit sakin at inilayo nya ako kay Jho, "Sasaktan mo si Jema? Bakit ba ang init init ng dugo mo sa kanya? ha? Sa pagkakatanda ko wala naman syang ginawang masama sayo!" galit na sabi ni Bea, nakita kong parang lumungkot yung mukha ni Jho kaya tumingin ako kay Bea.
"Bei, tama na... h-hindi nya naman ako nasaktan" sabi ko, inis na tumingin sakin si Bea
"Kasi dumating ako Jema! Kung hindi edi sana nasabunutan ka na ng babaeng yan!" sabi nya sakin, lumapit sya ng konte kay Jho kaya napaatras si Jho
"Ayaw na ayaw kong makita na sinasaktan o sinisigawan si Jema, kaya please lang Jho, hangga't may pasensya pa ako sayo iwasan mo na si Jema... Kasi kapag sinagad mo yung pasensya ko, ako mismo yung makakalaban mo!" sabi ni Bea kay Jho, hinawakan ko sa braso si Bea
"Bei, ano ba! tama na yan!" awat ko sa kanya habang nakatingin kay Jho
Nakita kong namula yung mata ni Jho kaya nakaramdam ako ng awa sa kanya.
Tiningnan muna ni Jho ng masama si Bei, pagkatapos naglakad sya palabas.
Humarap sakin si Bea.
"Bea ano yun? Hindi mo naman kailangan na takutin si Jho! mas lalo lang syang magagalit sakin!" inis na sabi ko sa kanya
"Jema ilang beses ko na syang pinagpasensyahan, ayaw na ayaw ko yung ginagawa nya sayo!" sabi nya sakin, sobrang seryoso ng mukha nya
"B-Bakit? Kasi kay Kyla hindi ka naman ganyan kapag inaaway sya ni Jho ehh, pero bakit sakin sobrang big deal sayo non?" tanong ko sa kanya
Napayuko sya dahil sa tanong ko.
"Bei..." tawag ko sa kanya, tumingin sya sa mga mata ko.
"Kasi..."
"Kasi??" tanong ko sa kanya
"K-Kasi mahal kita Jema... h-higit pa sa kaibigan, mahal kita..." sabi nya, biglang kumunot yung noo ko dahil hindi ako makapaniwala sa sinabi nya
"A-Ano?" tanong ko sa kanya, hinawakan nya ako sa kamay
"Jema, mahal kita... matagal na" sabi nya sakin
"P-Pero Bei magkaibigan tayo diba?" tanong ko sa kanya
"Para sayo... yun yung tingin mo sakin, pero ako iba yung tingin ko sayo Jema.." sabi nya, "N-Ngayon, lalakasan ko na yung loob ko" huminga sya ng malalim, "P-Pwede ba kitang ligawan?" tanong nya sakin
Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala dahil sa mga sinabi nya.
"B-Bei, s-sorry... kasi h-hindi ko kaya... hanggang kaibigan o bestfriend lang yung tingin ko sayo, parang kapatid na din yung turing ko sayo... s-sorry.." sabi ko pagkatapos mabilis akong naglakad palabas, pero bago ako makapabas nakasalubong ko si Kyla
"Oh! San ka punta bes?" tanong nya sakin pero hindi ko sya pinansin, "Anyare?" rinig kong tanong nya kay Bei
Habang naglalakad ako hindi ko alam kung saan ako pupunta...
Gusto kong makita si Deanna, gusto kong magkwento sa kanya. Kung alam ko lang kung saan yung classroom nya sana pinuntahan ko na sya..
Sa paglalakad ko nakita ko si Deanna, kasama nya yung babaeng humalik sa pisngi nya noong nakaraang araw, nagtatawanan silang dalawa.
"Deanna..." tawag ko sa kanya, tumingin sya sakin, pero imbis na lapitan nya ako hinawakan nya yung kamay ng babae at hinila nya iyon palayo
"Aray! Deanna bat ka ba nanghihila?" rinig kong sabi ng babae
Mas lalong kumunot yung noo ko..
A-Anong nangyare?? May nagawa ba ako??
Biglang kumirot yung puso ko..
---------
Update uli... Grabe ka naman Bea kay Jho, na friendzone ka tuloy... 👉👈