ZINNIA XIAO MILLER
Hindi ko na alam ang pwede ko pang maramdaman. Sumasakit ang ulo ko. Hindi ko kakayanin ang katotohanang nakahawak siya ng baril.
Patuloy lang ako sa paghugot ng malalim na hininga. Hindi ko na nga alam kung saan ko kukunin ang susunod na hanging papasok sa bibig ko.
Hindi rin ako makakatitiis ng ilan pang minuto dito hangga't hindi ako nakakakuha ng sagot sa...
Paano siya nagkaroon ng ganoong bagay?
Kahit ako ay lisensyado na ay madalang akong gumamit no'n, dahil alam ko kung gaano ako ka-brutal na tao kapag galit. Iniiwasan ko iyong mangyari.
"Ms. Xiao?" Pumasok ang hinihintay kong bisita sa loob ng aking opisina.
Agad akong tumayo at lumapit sa kaniya. "Since when, Aiah?" Pinapanatali ang kakalmahan.
"H-hindi niyo po alam?"
My brows furrowed. I never. Lalong umigting ang galit na namumuo sa loob ko.
"I will never asked you if I ever knew!" Napahilamos na lang ako sa sariling mukha. Ayokong magalit sa nakakaawang babae na ito. Iiyak ba ako para mawala ang galit? Sana nga! Sana may simpleng paraan para kumalma ang aking sarili.
Nakatakip ang mga kamay sa kaniyang bibig tila hindi makapaniwala.
"Kelan pa? Aiah? Hindi ko alam– wala akong ideya! Fuck! Aiah! Bakit hindi mo sakin sinabi! Ahhh!" Magwawala na lang ako.
Hindi ko mapigilan ang sariling kamay na dumampot ng isang mamahaling bagay na nakapatong sa aking lamesa. Wala sa sariling naihagis ko iyon sa direksyon ng aking kasama.
Nagulat din ako sa sariling nagawa pero hindi nawala don ang galit na nararamdaman ko.
"H-hindi ko po alam... na hindi niya iyon nasasabi sa inyo noong bata pa kami..."
Lalo yatang nagpanting ang aking tainga ng marinig ang kaniyang huling linya. Hindi makapaniwala. Sa kaniya lang ako nakatingin. Pinagmamasdan ang sinsero niyang mukha. Ilan beses pa akong napalunok.
"Bata? Noong bata pa kayo?" Tumango siya na lalong nagpasakit sa aking ulo. "Bata?" Paulit-ulit na umalingawngaw iyon sa aking pandinig.
"Lagi niya pong itinatakas yung mga naiiwan ni Ms. Zhiruo na..." tumigil siya at nahuli ko ang kaniyang paglunok. "...bakal noon sa kaniyang kwarto."
Napalunok ulit ako.
"Mag-isa lang po siya sa shooting range noon tuwing... sasapit ang madaling araw." Pagpapatuloy niya na naging isang malaking rebelasyon sa akin.
"Saan nangyayari yon?"
"Sa... u-underwater training gym po." Nagbaba siya ng tingin. Tuluyang hindi na niya ako makita pa.
Huminga ako ng malalim.
Is that why... mom always told me.
"Your sister is different. You know what I mean."
Kahit hindi ko alam. Hindi ko talaga alam mommy.
Bakit mo naman hindi sinabi sa akin ang mga bagay na ito. Kung kelan naman!
Napapikit ulit ako. Kinapos ako ng hininga nang magmulat ako ng tingin. Kinulang ako ng oxygen sa paligid. Napansin iyon ni Aiah at inalalayan akong makalabas ng opisina.
Kahit nasa labas na ako ng aking silid ay hindi ko pa rin mabawi ang aking hininga.
Hanggang sa mawalan ako ng malay. Nagdilim ang aking paningin.
.
.
.
Galit na galit.
Sinampal ako ng dalawang beses.
Natatakot akong aminin. Pero OO may kasalanan ako. Sana ay sinabi ko na lang para hindi na siya masaktan.
Kapakanan pa rin ba niya ang inisip ko? O ako na lang sa sarili ang naniniwalang para sa kaniya iyon?
Nagising ako nang marinig ang ilang taong nag-uusap sa paligid.
Nahimigan ko ang boses ng tatlong lalaki sa gilid ng hinihigaan ko.
"That's impossible, Darell... you're always with her when you were both young." Boses iyon ni Domingo.
"Aiah explains... she knew but I never. They are best friends, hindi ako." Tugon naman ni Salas.
"She's pretty dangerous now then." Komento iyon ni Ramirez.
Nasa loob ng kwarto ko ang mga ito at mukhang alam ko na ngayon kung sino ang pinag-uusapan nila.
Umupo ako na agad din naman nilang napansin. Lumapit sakin si Ramirez at inabutan ako ng sigarilyo.
"Kelan ka pa nawalan sa bulsa?" Sinindihan niya iyon ay pinabaga ng sariling bibig. "Mm."
Tinanggap ko naman at diretsong sinaksak sa bibig. Nakahinga lang ako ng maluwag matapos bumuga ng malamig na usok.
"Diskarte ni Ramirez, 101." Sumandal si Darell sa sofa'ng inuupuan at diretsyong nakatingin sa lalaking nasa aking tabi.
"Shut up." Tumayo nga si Ramirez sa pagkailang at lumabas ng kwarto.
"Ms. Xiao... how do you feel?" Umiinom sa bote si Domingo nang ako ay lingunin.
"I'm fine." I answered. "Where's Aiah?" I asked.
Nagkatinginan pa ang dalawa bago ituro ang pinto. Bumukas iyon. Pero hindi si Aiah ang pumasok.
Agad na tumayo ang dalawang lalaki at nagpaalam sa akin.
"Mauuna na po kami, Sir." Sabay pa silang lumabas nang tuluyan nang makapasok ang aking ama.
Natahimik ang paligid matapos maisarado ang pinto.
Hindi siya umimik habang inililibot ang paningin sa aking kwarto.
"Babae ka, Zinnia... ilang lalaki ang nasa kwarto mo." Nagsimula siyang lumapit sa nakakalat na upos ng sigarilyo sa maliit kong lamesita na pinag-iwanan ng mga hayop na lalaking iyon.
Diniliman ko ang aking paningin at muling humithit buga sa hawak na bagay. I'm calm.
"Wala kaming ginagawa."
"Wala pa?"
"Wala." Mariin akong napapikit.
"For now..." umupo siya sa iniwang sofa ng mga buwiset na iyon. "But, when the time comes I get in here again... nagdo-droga kana? May ipatatayo ka ng iligal na pasugalan? Iligal na patayan?" Matalim niya akong pinakatitigan.
Lumunok ako sa sandaling maalala si Madison. Kung paano siyang nagalit sa akin sa isang iglap.
"I have done a lot, dad. You should be proud of yourself that I was your daughter." Tiningala ko ang kisame kasabay ng pagbuga ng usok.
"Proud?" Sarkastiko nyang tanong. "Ipinapahamak mo ang sarili mong kapatid."
Napamaang akong tumingin sa kaniya.
"What? Ipinapahamak? Have you forgotten that I was the one who took responsibility to her since she was a child?" I stood out my bed. "Diba nga dahil sa kung sino-sino ang inuuna mo."
"How was it now? You put her in there."
"Who knows! Na may ganoon pa lang background ang paaralan na iyon... did you ever ask to hear me out about that? Hindi nga diba? Hindi naman ako magde-decide kung may pake ka pa." Hinablot ko ang blazer sa single sofa sa tabi niya. "Kasi nga, bata pa lang kami ay wala ka ng pake sa amin... Nagdala ka pa ng ibang babaeng may dalawang anak. Hindi mo nga manlang itinaas ang standard mo, kahit alam mong hindi ganoon ang babaeng minahal mo!" Sana kaya ko pang taasan ang boses ko. "Mom died because of you! Kung hindi mo dinala ang mga Tan sa bahay na ito, sana naibalik ko pa si mommy kay Madison! Hindi sana siya tumigil! At wala ka sanang anak-anakan'g namatay! Kasalanan mo lahat iyon!"
Nabigla ako sa pagtayo niya at galit na sa aking nakatingin.
"How can you shout at me like that?" Pinipigilan ang galit pero iniangat ang kaniyang palad.
"Go! Sasaktan mo ako!? Sasampalin mo rin ako!? Sure! Dahil siguradong walang-wala ang bigat ng kamay mo, sa sakit na naranasan ni Madison! I'll accept that!" Taas noo ko siyang pinantayan kahit hanggang leeg niya lang ako. "Mga naranasan niya na hindi mo pinansin..." mas kumalma ako pero hindi ko pa rin inaalis sa kaniya ang paningin.
"Hindi pinansin..." nawala lahat ng galit sa puso ko nang bumulong at tumalikod siya. Hinarap niya ang Family Picture namin na naka-display sa pader ng aking kwarto.
Kung sana madali lang bawien ang mga salitang masakit na nasasabi. Sana mabawi ko ito.
Hindi nga ba talaga niya pinansin si Madison? Wala nga ba siyang ginawa?
Hindi nga ba Zinnia?
Alam ko rin naman sa sarili na wala din akong magawa.
"You know how much I love you..." muli siyang nagsalita.
I don't prefer to be emotional. "I'm going." Pipihitin ko na sana ang siradura ng pinto. Nag-aalinlangan ako. Mayroong parte sa loob ko na gusto kong bawien ang lahat ng sinabi ko at magdamayan na lang kami tulad ng dati.
"If I only have a choice..." nabasag ang kaniyang boses na siyang nagpahina sa kamay ko para hindi mabuksan ang pinto. "I will repeatedly choose to be your mom's king." Mahina siyang humikbi.
Maayos lang ang kaniyang pagkakatayo nang siya ay lingunin ko. Naroon pa rin ang kaniyang paningin sa aming larawan.
"If she only let me... I would've never let anyone harm her." Kumilos ang kaniyang kamay.
Doon ko na rin naramdamang umunit ang aking mata. Namasa at tila gusto na ngang pumatak ng aking luha.
I really don't want to get emotional. But I can't help it when my tears flow down through my cheeks. Kitang-kita ko ang pagmamahalan nila ni mommy when she still alive. This family that had once such perfect.
Now...
I'm better of being a fucking fighter, a freak shooter, a crazy racer... just not this fucking feeling. Not this fucking crying thing.
"Is that so?"
Kasisimula pa lang ng drama ay may pumutol na agad non.
Hindi ko napansin na nabuksan niya ng ganong kadali ang pinto sa likuran ko. Pinunasan ko ang sariling mukha bago mahinang humikbi. Si daddy ang unang humarap sa kaniya habang ako ay pinapanood ang pagbabagong reaksyon ng aking ama.
"Madison... we can just talk." Napalunok ako nang makita ang reaksyon ng aking ama. Para bang may kinababahala.
Nang lingunin ko na rin ang bagong dating ay tila malalagutan ako ng hininga sa nakikitang hawak niya. Maliit na bagay lang iyon pero totoong kinabahan ako na para bang huling beses ko ng makakakita non.
Nang makipagtitigan ako ay matalim naman siyang gumanti. Pinaglalaruan sa kaniyang kamay ang patalim habang ang likod ay nakasandal sa nakasaradong pinto.
"I can't just talk." Hindi niya inalis ang paningin sa akin. "If I were my mom, I will do the same." Nakangisi na siya ngayon.
Ang sumunod na nangyari ay pinakawalan niya sa ere ang hawak na patilim. Ditektang sa akin inihagis ito. I was indeed lucky! Naiwasan ko ang patalim na sobrang bilis kung lumipad palapit sa akin.
Nanlalaki ang mga mata kong sinundan kung saan tumama ang patalim.
"Madison! That's not a good joke!" Daddy shouted in shock. Hawak niya sa isang kamay ang patalim na saktong nakatapat sa kaniyang dibdib.
Bumuntong hininga ako. Saka muling hinarap ito.
"I'm not joking anyway..." seryoso siya don! "I'm dead serious." Matalim niya akong huling pinakatitigan bago siya lumabas ng aking kwarto. And she really mean it.
Gusto niya akong gantihan sa pagpatay ko kay mommy.
Second life ko na pala ang instinct ko. Fuck!
Si daddy. I walked to his direction when I saw a blood running down his arm.
"Will you just drop that!" Kinabig ko ang kaniyang kamay na hawak ang kutsilyo. "Come on, I'll call Ms. Lin."
Lumabas kami ng kwarto at bumaba sa sala. Sinalubong kami ni Ms. Lin na dala ang first aid kit.
Ms. Lin was his secretary and an assistant for 24 years. Dad told me, noong ipinanganak ako saka siya kumuha ng kauna-unahang sekretarya. At hindi na nagbago iyon.
"Ano po ba ang nangyari?" Nagtatanong si Ms. Lin habang patuloy na pagpapahid ng betadine.
"Someone play dangerously." I just said pertaining to Madison's earlier show.
Mukha namang nakuha niya iyon at ipinagpatuloy ang paggagamot. Ang haba pala ng nagawang sugat non.
"Young Lady Zin..." may inabot naman sakin ang isa sa mga kasambahay. Puting sobre.
Binuksan at binasa ko iyon. Si Dexter? Gustong makipagkita.
Dexter Tan. He was Tita Xantina's bastard younger brother. Makaluma pa rin para magpadala ng sulat imbis na tumawag.
"What's that?" Dad asked
"Nothing." I just remembered na sisimulan ko ang investigation about how this Dexter got in jail 9 years ago.
Humingi pa sakin ng tulong para makalabas. Well as leader. As a present successor I do responsible to them. Dexter clearly one of my general that's why I did that.
Pero hindi ako kontento sa rason niyang Robbery, ang kaso niya kaya sila nakulong. Kaya maghahanap ako ng tunay na sagot.
9 years ago.
I don't think so, my mom incident had nothing to do with him.
How coincidental, doesn't it?
"Xantina will be back really soon." Dad caught my attention. "With his son."
Xander... the most annoying kid. Bata pa lang ay hindi na niya tinatantanan si Madison.
But she's in a different mood. Baka hindi siya makakuha ng tiyansang kulitin ang ate nang hindi sumasalo ng patalim.
Wala sa sarili kong naiangat ang paningin sa ikatlong palapag kung saan matatagpuan ang kwarto ni Madison.
Saktong naroon siya nakasandal sa pasimano at mukhang pinapanood kami na narito sa baba. Umalis din bigla.
Nakakalula. Masyadong mataas.
Minsan pala nakakatakot na tatahi-tahimik lang siya. Hindi ko alam kung kelan siya kikilos.
That's her way to express her pleasure.
What a brutal!
.
.
.
Of all places.
Really in this place. Mga nakahubad na babae, lantaran nang naipapakita ang katawan at wala silang pakielam. Mabisyo rin ang lugar na ito. Bukod sa sigarilyong pinauusok, may drogang nakakalat, at mga tuyong dahon na sinusunog.
"Ms. Xiao!" He greeted me with shock after seeing him making out with a highschool student girl.
Naka-uniform pa ang dalaga. Bigla siyang humiwalay sa lalaki at nagbihis ng kulang na kasuotan. Nakayukong umalis ng kwarto.
"Where did you get that kid?" I asked as I sat down on the couch.
"Sila ang lumapit sakin, Ms. Xiao... hindi pa ako napapabilang sa mga kidnapper." Inayos din niya ang kaniyang damit bago tumayo sa harap ko.
Matikas pa rin naman ang pangangatawan kahit mukhang pagod sa pakikipag-bastusan sa mga babae dito. Palibhasa'y trenta'y-kwatro anyos pa lang.
"Hindi pa?"
"Ahh... ehh... malay natin. In the future." Ilang na tumawa ito at nag-iwas ng tingin.
"Why did I have to be here? Ikaw ang dapat na lumalapit sakin."
"Yun na nga e... you should have know this..." nagbaba siya isa niyang tuhod para magpantay kami sa aking pagkakaupo. "I sent that Serial Killer."
Marinig ko pa lang ang salitang huli niyang binitawan ay alam ko na agad ang tinutukoy niya. Kunot-noo ko siyang tinignan hanggang sa hindi na niya ako matingnan ng diretso.
"And why? You fucking asshole! Don't you know my sister was there!" I pertaining to the University, Madison had studying.
"Yun na nga po... sinabi sakin ni Lucas, na nakita niya si Ms. Zhimei. At nangingielam—"
"Whose Lucas?"
Natigilan siyang tuluyan sa tanong kong iyon. Hindi alintanang nabanggit ang pangalan ng Serial Killer na hinahanap namin.
Alam ko nang nangingielam ang isang yon. Sino pa nga ba ang dahilan. Si Aiah lang naman.
"P-pero... Ms. Xiao, wala akong intensyon sa inyo. Kahit kay Ms. Zhimei. Ang sinadya ko dun ay, yung university owner na siyang sikat na Prosecutor dito... wala rin po akong ideyang maaari kayong tumanggap ng ganitong kaso na alam ko namang hindi niyo pag-aaksayahan ng oras."
Hindi ako mapakaling malaman ang dahilan nang sandali siyang huminto para magpahinga sa dami ng sinabi.
"I do fucking care, because it's my sister's last year in highschool... you probably know that, Domingo knows it!"
"D-Domingo?" Taka siya saking tumingin. Naglalaro ang mga mata sa pagtataka.
Domingo is my 3rd highest ranking general. My most trusted men.
"What? Why?"
"How could that be possible..."
.
.
.
.
NAZZER
"You enjoy?"
"Saan?"
"Me bringing you home."
"I'm not. You are a scary driver."
"Well, I do..."
"At delikado yon..."
"I do enjoyed."
Ang sakit ng ulo ko kakaisip kung kailan ba ako isasabay ni mommy pauwi kaysa ipasabay ako sa Madison na iyon!
Paano ay naalala ko na naman ang mga sinabi ng magandang nilalang na iyon bago niya ako iwan sa gate kanina.
"You looked enjoying her accompany anyway." Hindi ko inaasahan ang sasabihing iyon ni kuya.
Tahimik lang kaming nasa hapag para tapusin ang dinner. Bigla na lang magsasalita. Akala mo pa'y nang-aasar.
"Mom... magko-commute na lang ako tomorrow." Tapos na ako kumain at si mommy na nga ang kausap ko.
"Hindi naman nagrereklamo si Madison... at magkaibigan naman kayo kaya mukhang wala iyong malisya sa kaniya." Tugon naman ni mommy habang pinupunasan ang labi.
"He look does." Nakisalita na naman si kuya. Halata sa salita ang pang-aasar.
"I have friends... I can came up to Ian."
"But he already taking Brent and Harmony, at pati yung isa... sino ba yon?" Si mommy na naman.
"Si Aiah? No. She had a brother."
"But I saw her earlier... inside of Ian's car with them."
"Bakit hindi na lang si Aiah ang sumakay kay Madison? They are friends."
"Don't ask me, Darlin'. It's Madison's choice."
"Hah?"
"Yeah."
Matapos ng pag-uusap naming iyon ay pumasok na ako sa kwarto. Naligo at tinuyo ang buhok bago kinuha ang cellphone ko na tumunog.
BRENT
Bro, enjoy ka na ba?
Inaraw-araw niyo na ah. HAHAHAHA!
Ewan ko sayo!
Mas naalala ko ang mga nangyari kanina. Ano bang nangyari kanina?
Grabe yon.
Nakatakas yung Serial Killer.
Duguan na ang kaniyang dibdib at halatang hindi na makakagalaw. Lalapit pa sana ako para pigilan siyang makatayo ngunit hindi iyon natuloy nang may magpakitang imahe na naman.
Mula ulo hanggang paa ay nakasarado ng itim na kasuotan ang kaniyang katawan. Nanliliit ang aking mata habang tinitigan ang kaniyang pamilyar na mata, pero hindi ko mahinuha kung sino. Lumapit siya sa direksyon ng Serial Killer dala ang isang patalim. Kung sisipatin sa kanyang pagkilos ay halatang wala siyang kakayahang gamitin ang bagay na iyon.
"Naze!! Lumayo ka na!" Sigaw nila Brent na sinunod ko naman.
Tinulungan ng taong iyon na tumayo ang Serial Killer.
Ang intense kaya no'n.
May kasamahan sa loob ng Unibersidad ang taong iyon. Ilan kaya sila? At bakit parang pamilyar ang mata nung taong iyon.
Isa pa nga sa ipinagtataka ko ay bakit parang nagulat ang Serial Killer nang tinulungan siya no'n.
Malalim akong nagpakawala ng buntong hininga at inalala naman ang oras na nakita ko si Madison.
"Madison? Anong ginagawa mo d'yan?" Agad akong lumapit sa kaniya.
Naroon lamang siya sa sulok na malapit sa hagdan. Nakaupo, tahimik, blangko ang ekspresyon habang sa akin nakatingin.
Inilahad ko ang aking kamay sa kaniyang harapan. Hindi ko na iyon hinantay na tanggapin niya bagkus ay kinuha ko ang kaniyang braso at itinayo. Pinagpagan niya din ang kaniyang sarili. Napapalibutan ng alikabok ang kaniyang uniporme at palda.
Bahagya ko'ng iniwas ang paningin nang liparin ang laylayan ng kaniyang palda at halos maipakita ang kahabaan ng kaniyang hita. Inayos rin niya ang kaniyang buhok na nakalugay sa kaniyang likuran.
Ganoon na lang siya kalinis tignan matapos mawala ang puti-puting alikabok na kumapit sa damit niya.
"Bakit hindi ka pumasok sa loob kanina? Pinag-alala mo kami. Lalo na ako, kasalanan ko na hindi kita inihatid sa loob pero dinagdagan mo pa ng hindi ka namin makita." Sunod-sunod ko siyang pinagsabihan. Tahimik lang naman siya na sa aking labi nakatingin.
"You left me outside."
"Kaya nga dapat pumasok ka kasi delikado."
"Your problem is now done, doesn't it? Why do you have to scold me."
"Just to make sure na hindi mo uulitin ito."
"Whatever."
Nakakainis ang babaeng iyon! Kung wala lang akong kasalanan sayo. Hindi siguro ako nag-aksaya ng oras para kausapin ka.
Isa pa mom was right. Magkaibigan nga pala tayo. At iyon ang kasalanan ko sayo, for misinterpreted that in the other way.
Sunod na pumasok na scene sa utak ko ay ang ate niya kaharap si Aiah. At yung mga bodyguards nga nila ay nakahilerang pantay-pantay doon sa hallway kanina.
"Aiah, sino ang mga iyan?"
"Mga bodyguards ng school owner."
Tanda ko pa ang pagsisinungaling ni Aiah kanina sa tanong na iyon ni Harmony. Alam ko'ng kilala niya ang mga iyon.
Ang weird din ng ikinilos ni Ms. Miller, Ms. Xiao o ate Zinnia man ang itawag ko sa kaniya... nang makita niya si Madison ng ganoong kalapit.
Hindi na rin nakayanan ng aking mata ang mahabang pagkabukas nito at napagod ng tuluyang maipikit.
.
.
.
KINABUKASAN.
Si mommy ang nakasabay ko papasok. Naghiwalay din agad kami nang marating namin ang gate. Sa kaliwa ang building niya at unahan lang iyon kaysa sakin na sa tabi pa ng Bloomington garden ang aming building.
Hindi na tulad ng nakaraang araw ang campus namin. Hindi katulad ng unang araw ng pasukan.
Walang estudyante sa labas maliban sa mga nagwawalis ng kanilang harapan na hallway, at mga kararating palang din katulad ko. Tahimik ang bawat silid na madaanan ko.
"Parang ayoko muna pumasok next week." Anang isang estudyanteng babae na nadaanan ko. Malungkot ang kaniyang boses.
"Ako nga din, magpapa-transfer na lang ako sa Horizon University... maganda rin do'n, hindi nga lang kasing taas ng standard dito." Tugon naman ng kaniyang kausap.
Nalulungkot ako ngunit hindi dahil sa aalis sila ay baka dumami din ang makaisip ng ganon, kundi dahil alam ko kung gaano nilang minamahal itong paaralan na ito.
Mula sa simula ay talagang disiplinado ang mga mag-aaral dito. Kung may mang-bully o gumawa ng gulo ay hindi naman ganoong kalala ang epekto sa tao.
Bakit kaya hindi na lang, ipahinto ni mommy ang pagpasok ng mga estudyante at guro for the safety of everyone? Kasisimula pa lang din naman ng klase kaya kahit mahuli kami sa ibang paaralan na mag-take ng mga exams ay makakahabol pa rin kami kung sakali mang magtagal ng ganitong sitwasyon.
Bakit nga ba hindi!
What a great idea.
5:48 pa lang. Pupunta muna ako sa opisina niya.
Masaya akong lumingon sa dalawang estudyante na nag-uusap kanina lang. Nginitian ko sila at ganoon na lang ang biglang pamulahan ng pisngi ang dalawa.
Hindi ko intention 'yon.
"Hindi na pala ako lilipat... kahit araw-araw pa na ganito ay di ako magsasawang pumasok..." bumulong ng isa pero narinig ko naman.
Bakit parang na-guilty ako kahit wala naman akong sinasabi na makakapigil sa kanila. Kung tutuusin ay mas gusto ko ang ideyang lumipat sila kaysa madamay.
Buntong hininga na naman ang nagawa ko bago nag-iwas ng tingin sa kanila. Narinig ko pa ang mahinang pagtili ng isa.
Nalukot na ng husto ang mukha ko.
So I decided to go to my mom's office, pero bago pa man ako makahakbang palayo ay mabagal na napansin ko si Aiah na tumatakbo sa Bloomington Garden.
Ano naman ang gagawin niya do'n ngayon? Marami siyang itinatago sa amin simula pa kahapon. Ngayon naku-curious na naman ako.
May kikitain kaya siya? Yung sugat niya kahapon? Saan galing iyon? Imposibleng hindi niya makita si Madison kahapon na malapit sa hagdanan gayong doon sila dumaan.
Ang dami niyang iniwang tanong sakin. Hindi ko naman kailangan malaman lahat.
Pero ngayon ako na-curious.
Sumunod ako sa kaniyang pagtakbo.
Awtomatiko di'ng bumagal ang aking paghakbang nang bumagal ang kilos niya. Huminto din ako nang huminto siya at magtago sa pader bago pumasok ng Bloomington Garden. May tinataguan siya mula sa loob kaya dito sa malayuan ay sinilip ko kung ano iyon.
Nanlaki ang aking mga mata nang makita ang Itim na imahe sa kaniyang tindig, hawak ang pamatay na sandata, habang tila may kinakausap sa kaniyang cellphone.
Sinundan iyan ni Aiah?
Hindi ako nag-atubiling lumapit sa babae na nagtatangkang pumasok at pinigilan ko iyon. Nagulat pa siya ng makita ako at sinilip pa ang likuran ko.
"Shh... anong ginagawa mo?" Halos hangin ang lumabas sa aking bibig dahil sa takot na baka marinig kami ng pinagtataguan namin.
"Nakita ko lang—"
Kinakabahan akong tinakpan ko ang kaniyang bibig dahil napakalakas no'n at maririnig kami.
"Baliw ka ba? Bakit hindi mo na lang hayaan?" Ganoon pa rin ang boses ko habang sinisilip ang tao sa loob. Sa totoo ay nakakatakot ako na baka bigla iyong humarap na hindi ko mamalayan.
"Eh ikaw bakit ka sumunod?"
"I doubt that, Yesterday... as I saw she's always at the back of that Superintendent's son... she's after the young Morris..."
Kapwa kaming natahimik nang marinig ang boses ng Serial Killer. Hindi ako maaaring magkamali na nadinig ko ang aking apilyido sa malinaw niyang pagkakabigkas.
Nakatinginan kami ni Aiah. Parehas ang tanong sa isa't-isa kahit wala namang inilalabas na salita.
"Tara na." Mariin ko iyong sinabi ng walang salita at maingat ko siyang hinigit sa braso para sana makatakbo na palayo roon.
...ngunit hindi iyon nangyari nang marinig ang papalapit na hakbang palabas na nagmumula sa loob ng hardin.
Kinakabahan.
Nakikita ko din ang kaba sa mata ng aking kasama. Hindi kami kapwa makagalaw. Mukhang konting galaw na lang namin ay makukuha na namin ang atensyon ng naglalakad na iyon.
Mariin akong napapikit.
Grabe ang kabang bumalot sa akin nang maaninag ang anino sa likod ni Aiah. Nanlaki ang mga mata ng babae sa harap ko at kita ang maluha-luha iyon.
Mukhang alam na niya na may tao sa kaniyang likod.
"Galaw."
Shit!
Agad kong hinigit si Aiah palayo ngunit hindi kami nagkaroon ng pagkakataon ng bigla siyang masipa ng Killer sa tiyan at tuluyang tumalsik sa kabilang dako ng espasyo. Tumatawa pa ang lalaking ito habang tinititigan si Aiah sa pag bagsak.
"Morris..." mabagal at malinaw, ganoon niya paulit-ulit na binanggit ang apilyido ko habang naglalakad sa direksyon ni Aiah.
Hindi ako nakagalaw. Tuluyang na-estatwa. Marahil nasa akin ang kaniyang atensyon pero na kay Aiah naman ang kaniyang intensyon na lumapit.
Walang minuto ang itinagal ang kaniyang paglalakad at walang pag-aatubiling inihamba ang kaniyang sandata sa harap ng dalaga.
"Ikaw nga ba talaga?" Narinig kong tanong ng Killer kay Aiah na napako na sa kinauupuan habang sumasakit ang tiyan. "...O may isa pa?" Ngayon ay humarap siya sa direksyon ko.
Halata na nakangisi ito dahil sa pagsingkit ng kaniyang mata. Diretso sakin ang paningin.
Nahugot ko ang aking hininga ng ihampas niya kay Aiah ang nakamamatay niyang sandata!
"Aiah!" Walang ibang lumabas sa bibig ko kundi ang sigaw na iyon.
Dugo na ang sunod ko'ng nakita.
Itutuloy...