Sweet Vittoria Reigns

By solaceinstellar

252 65 0

The day I fell in love with him was also the moment I took the first step in dancing with the devil. More

PANIMULA
KABANATA - 1
KABANATA - 2
KABANATA - 3
KABANATA - 4
KABANATA - 5
KABANATA - 6
KABANATA - 7
KABANATA - 8
KABANATA - 9
KABANATA - 10
KABANATA - 11
KABANATA - 12
KABANATA - 13
KABANATA - 14
KABANATA - 15
KABANATA - 16
KABANATA - 17
KABANATA - 18
KABANATA - 19
KABANATA - 20
KABANATA - 21
KABANATA - 22
KABANATA - 23
KABANATA - 24
KABANATA - 25
KABANATA - 26
KABANATA - 27
KABANATA - 28
KABANATA - 29
KABANATA - 30
KABANATA - 31
KABANATA - 32
KABANATA - 33
KABANATA - 34
KABANATA - 35
KABANATA - 36
KABANATA - 37
KABANATA - 38

KABANATA - 39

3 1 0
By solaceinstellar

Nakahilig si Lucas sa itim niyang sasakyan. Tumuwid ng tayo at binuksan ang passenger seat habang diretsong nakatingin sa akin.

Nagpasalin-salin ang titig ko sa sasakyan at sa kanya. Nilibot ko ang paningin sa paligid at walang choice na bagsak ang balikat na lumapit. Wala na akong pwersa na makipag-talo.

Pagod na nga sa kakaiisip sa kung anong dapat itulong para mapakulong ang hayop na 'yun, napag-initan pa ako sa trabaho. Hindi din nakatulong na paranoid ako palagi, pakiramdam ko may nakabantay sa mga galaw ko.

"Pinapasundan mo ba ako?" agad kong tanong ng nasukbit ang seatbelt.

Humigpit ang kapit niya sa manibela habang ang isang kamay ay kinabig ang gear stick. His big as trunk of veiny arms distracted me for a minute.

Agad akong nag-iwas ng tingin. Nakasuot siya ng itim na T-shirt at pantalon. Ang casual niya tignan pero di man lang nabawasan ang intimidating aura niya. It was so unfair. Na kahit ang suot niya o trapo, he still exudes the authority and superiority.

"I did," amin niya. "At hindi mo ako mapipilit na tanggalin iyon." Umandar ang sasakyan at niliko niya sa highway.

Napasuklay ako ng buhok, nabunutan ng tinik kahit papano. Siguro baka ang mga tauhan lang ni Lucas iyon. O dala ng mga nasaksihan ko sa nagdaang araw kaya ganito ako at hindi mapakali.

Nanliit ang mga mata kong bumaling sa kanya. "Sa boarding house mo ako ibaba ah," banta ko.

Kinagat niya ang ibabang labi at maliwanag ang mga matang tumingin sa akin. Imbes sumagot ay pinaglingkis niya ang daliri namin at pinatong ang magkahawak na kamay sa hita.

My heart skips a beat.

Ilang minuto lang ay bumaba na ako sa harap ng gate. Nangunot ang noo ko ng bumaba din siya. May kinuha siya sa backseat na mga paper bag.

"Ano 'yan?"

"Dinner,"

Tumaas ang kilay ko. Ganitong oras? Nakapag-dinner naman ako pero hindi ko na-feel dahil lumilipad ang isipan ko. Ngayong may dala siya na siguradong masarap ay natakam ako bigla.

Binuksan ko ang gate at tumuwid ng tayo bago inabot ang mga paper bag na hawak ni Lucas. Agad niyang inilayo ito. Sumimangot ako habang para itago ang nag-iinit na leeg sa kahihiyan.

"Lucas,"

"Vittoria,"

Umikot ang mga mata ko. "Para kanino 'yan?" naiinis kong tanong. Hindi naman pala para sa akin tapos ilalabas-labas!

"Para sayo,"

"Eh 'yun naman pala, akin na nga!"

"Para sayo at para sa akin," sabi niya.
"Open the gate for me, please."

Ang tuwa ay hindi mapagkakailala sa mga mata niya. Parang baliktad yata. Sa lahat ng mabibigat na nangyari, eto pa rin kami ni Lucas at lalo lang lumalakas ang kung may ano kaming dalawa.

Mas lalo ko lang gustong mapalapit sa kanya.

Mas lalong gustong kong kumapit ng mahigpit.

I'm into deep in this. Again. Always. Pakiramdam ko nga hindi naman na ako makakaahon. Pinanatili ko lang na busy ang sarili para wala ng panahon at pwersang mag-isip ng tungkol sa kanya.

Nakaharang ako sa pinto. "Masikip sa inuupahan ko,"

"Good. Mas gusto kong mas malapit ka sa akin,"

Napatiim ang labi ko. "Mainit sa loob. Wala akong electric fun,"

"I'll take off my shirt then,"

I groaned and laughed huskily. That sounds tempting. Tinatagan ko ang loob na wag bumigay sa temtasyon.

"Magulo at mabaho din doon," desperada kong sabi.

Tumaas ang kilay niya. Alam niyang nagsisinungaling ako. "Let me see for myself,"

Nagpakawala ako ng eksaheradang buntong-hininga bago padabog na pinagbuksan siya ng gate. Nakasalubong namin si Ante Sally noong aakyat na sana kami sa taas. Nagulat ako na ganitong oras gising pa siya.

"Ante Sally," bulong ko, nagtataka ang tono. "Maganda gabi po,"

"Maganding gabi po." Ang mababang boses ni Lucas ay bumagay sa madilim at malalim na gabi.

Naawang ang labi ni Ante Sally kay Lucas at napatikhim. "M-Magandang gabi din sa inyo. Ni-lock mo ba ang gate Vittoria?" tanong niya.

"Opo,"

"Mabuti naman," tango niya. "Oh siya, pasok na ako. Matutulog na sana ako ng may marinig na nag-uusap sa gate. Akala ko kung sino, kayo lang pala."

Nahihiya akong ngumiti. Tumagal ang titig niya kay Lucas. Napatingin ako kay Lucas na nakatingin sa akin. Bumalik ang tingin ko kay Ante Sally na dahan-dahan ding bumaling ang tingin sa akin.

Muli siyang tumikhim at mabilis na tumalikod.

Tahimik akong umakyat habang nasa likod ko lang si Lucas. Pinagbuksan ko siya ng pinto bago in-on ang ilaw. He held my gaze as he entered my humble but small abode.

Sa taas at laki ng katawan niya, mas lalo lang lumiit ang kwarto ko. He looks out of place in my home. Napalunok ako at dahan-dahang sinara ang pinto.

Nakatalikod siya sa akin dahil nasa gitna na siya ng silid. Bawat kurba ng muscles niya sa likod at braso ay bakat sa hantad sa suot na damit.

Nilingon niya ako at ng nagtama ang paningin namin ay parehong umawang ang aming mga labi. Lumapot ang kislap ng kanyang mga mata at bumigat ang tensyon sa loob ng kwarto.

Ano bang iniisip ko? Hindi ko dapat siya pinaakyat at pinauwi nalang! Malabong ma-kayanan naming hindi hawakan ang isa't-isa.

Nilapag ko ang bag sa kama at hinubad ang sapatos. Sumunod siya sa akin at umupo sa paanan ng water bed ko. Agad akong lumayo sa kanya.

Binuksan ko ang paper bag at sinamaan siya ng tingin. Hindi naman dinner. Mas bagay tawagin na midnight snack dahil may tatlong malaking burgers, fries at drinks.

Tinanggal niya ang magarang sapatos na suot at umusog sa gili ng kama hanggang sumandig na ang likod nito sa pader. Inaabot ko sa kanya ang burger. Sinigurado kong hindi nagdikit ang mga balat namin at umupo sa nag-iisa kong upuan sa sulok.

The sexual struggle was already damn hard. I don't want to trigger it with hot touches and thirsty glances.

Tahimik akong kumain habang alam kong tinititigan niya ako. Para akong tuod na iniiwas ang paningin sa kanya.

Dala na ng pagod, tinanggap ko nalang presensya niya. Hindi ko inaasahang gagaan at giginhawa ang pakiramdam ko pag nandyaan siya.

I didn't know I need him until now.

Or I did know. I was just denial all the time.

He hummed. Napalingon ako sa kanya habang sumisimsim sa drinks. Pinunasan ko ang bibig ng tissue.

"Ano?"

"I can look at you like this forever,"

Inignora ko ang sabi niya at pinunasan ang konting sauce sa baba niya gamit ang hintuturo. "Gusto mo drinks?"

Natigilan siya pero sa huli ay tumango. Nilapag ko sa gilid niya ang drinks pagkatapos ay nadinig ko ang mababa niyang tawa ng bumalik ako sa inuupuan.

"Scared to touch me Vittoria?" panunuya niya.

Hindi ko siya ulit pinansin. Kumuha ako ng damit pantulog at pumasok sa banyo para mag-toothbrush at maligo.

Paglabas ay tapos na siya kumain at nakaligpit na din ang kalat. Ang natirang dala niya ay nasa mesa na at natatakpan ng malaki kong tupperware. Hindi naman siguro mapapanis 'yan bukas. Pwede ko pang i-breakfast.

Nagsusuot na siya ng sapatos ng umangat ang tingin niya sa akin. Tumayo siya at tinungo ang pinto. Humigpit ang kapit ko sa laylayan ng oversized T-shirt na suot.

Kilalang-kilala niya na siguro ako na nabasa niya ang kahulugan ng ekspresyon ko sa mukha.

"Fuck Vittoria," mura niya. "Just say the words and I'll stay with you here,"

Lumapit ako at pinagbuksan siya ng pinto. Ang dami ko pang dapat na unahin. At kung magsasama kami, siguradong may makakakita sa aming dalawa, lalo lang gugulo.

May bago na namang espekulasyon ang mabubuo. Ako, ang huling babae na kasama ni Macey at Ronald sa gabing nagkabugbogan ang mga tauhan ni Lucas at sila Ronald. And how will they explain the stab in Andy's side?

Kailangan ko munang dumistansya para maliwanagan sa mga susunod na gagawin. I will only be distracted if Lucas is around. And I can't keep dragging him to my mess. Nasangkot siya sa gulong ito ng dahil sa akin. Ayaw ko ng dagdagan pa.

Pinanatili ko ang tingin sa sahig. Natatabunan ng mahaba kong pajama ang mga paa ko. "Mag-ingat ka sa pagmamaneho," bulong ko. "Mag-ingat ka pauwi."

Hindi ko na siya hinintay umalis bago sinirado ang pinto. Nahirapan akong makatulog sa gabing iyon. Madaling-araw na ako nakatulog kaya lutang akong pumasok sa klase.

Inabala ko ang sarili sa pakikinig sa mga klase. Madalas na napapasulyap ako sa mga bakanteng upuan. Pag nililibot ang paningin ay maraming nahuhuling nakatitig sa akin.

Payapa akong umuwi kinagabihan dahil walang trabaho. Weekends, lunes, huwebes at biyernes lang ang may part-time job ako kaya sa wakas ay mapag-iisa na rin.

Sa daan pauwi ay parati akong napapatingin sa likod dahil pakiramdam ko talaga may kung sinong nagmamasid. Sinabi naman ni Lucas na pinapasundan niya ako pero parang may kakaibang hindi ako maipunto.

Sa linggong iyon sumabog na tuluyan ang balitang comatose si Ronald at dalawa sa kaibigan nito. Si Sandro hindi pa natutunton. Ayon sa balita ay tinago daw ng mga magulang nito dahil lumabas na ang mga kaso ng rape at ang mga biktima nila. Pati na ibang mga ilegal na gawain na kinasangkutan nila.

I was holding my breathe all the time. Wala doon ang pangalan ko, ni Macey pero ang kay Lucas ay lalo lang nadidikit. Lumabas na din kasi ang official statement ng kampo ni Lucas na si Lucas at ang mga tauhan nga nito ang nanggulpi.

They admit to the crime of physically hurting Ronald and his friends.

Wala man ang pangalan ko sa mga report, alam ng mga kaklase kong pumayag kami ni Macey na sumama sa party.

Tuloy ay may mga bulong-bulongan tuwing dumadaan ako.

Sigurado ko din na wala pang kahit na sinong police o imbestigador ang nag-i-interview sa akin dahil kay Lucas.

Hindi na siya sa akin nagpakita simula noong isang linggo. My feelings thread in a line between gladness and longing.

Ang dami niya ng nagawa sa akin at ayaw ko pang hilahin siya lalo pababa sa kamalasan ng buhay ko.

Ayaw kong idepende sa kanya ang pag-resolba ng mga problema ko.

Kaso mahal ko naman 'yung tao. Hindi ko maiwasang hanap-hanapin ang presensya niya.

"Torry..."

Nagulat ako ng tinawag ako ng kung sino. Pauwi na ako at dumadaan sa corridor ng building namin. Nilingon ko si Ivan na nagkakamot ng batok.

Nagtatanong ang mga mata ko. Tumagos ito sa likuran niya kung saan nagkukumpulan ang mga barkada niya at pinapanood kami.

Umiling ako. The last thing I want is to gain more attention. Ewan ko ano ng nangyari sa pagiging lowkey ko lang dapat dito. Saan yata ako lumingon palaging may nakatingin sa akin.

Tumalikod agad ako at naglakad palayo. Nasa gilid na ako ng daan ng humabol si Ivan sa gilid ko. Napairap ako. Hindi ko siya tinapunan ng tingin at nagpatuloy sa paglalakad.

"I never thought you're a snob." Walang halong pang-iinsulto ang tono niya. Pangmamangha lang at medyo pagkatuwa.

Nagsampok ang kilay ko. "Baka hindi ka lang sanay na iniignora?" tanong ko ng hindi pa rin siya tinitignan at patuloy sa paglakad.

Natawa siya. "Iyon din." Saglit siyang natahimik habang sumasabay pa sa akin.

"Okay ka lang?"

I sighed heavily. "Hindi." Who wouldn't? Impyerno ba naman ang naranasan ko sa nakaraang linggo.

Natigil siya kaya napalingon ako sa kanya. Kumurap-kurap si Ivan. "Ang honest mo naman pala,"

Natawa ako at nagpatuloy sa paglalakad. Humabol siya ulit sa gilid ko.

"Paano mo nasabing nagsasabi ako ng totoo?"

"Palagi ka kasing..." Tumikhim siya. "Palagi kang pinag-uusapan ng mga kaklase ko. Pati na din ng team mates tuwing pratice,"

Hindi na kataka-taka pero nagulat pa rin ako ng bahagya sa direktang pag-amin niya. Nalungkot din. Alam kong masasakit na salita ang sinasabi nila sa akin.

"Anong sinasabi nila tungkol sa akin?"

Tahimik lang siya. And from his silence I know it's degrading and insulting. Susuwayin ko na sana na wag sumunod dahil malapit na ako sa boarding house ng sumagot ito.

"Na gumagamit ka din ng droga,"

Nabigla ako pero hindi naniniwalang nag-do-droga lang 'kuno' ako. Na isang issue lang ang binibintang sa akin. "Iyon lang?"

Tumango siya kaya tuluyang nanliit ang mga mata ko.

Nagpakawala nalang ulit ako malalim na paghinga dahil una, wala naman akong pakialam kahit anong sasabihin nila sa akin. I mean, nasasaktan pa din naman ako kahit papaano pero sa sitwasyon ko ngayon? Wala na akong lakas at panahon para dibdibin ang panghuhusga nila.

Pangalawa, ayaw kong makita kaming magkasama. Rinig ko na may nobya 'to si Ivan, eh. Mga tao pa naman ngayon, porket magkasama ang lalaki at babae ay may something na.

Tuluyan na akong tumigil at tuluyan siyang nilingon. "Ivan ano ba kasing kailangan mo?"

Tumikhim siya. "I'm going to court you," ngisi niya, sobrang confident sa sinabi.

Napaatras ako. Nahihibang na ba 'to?

Kinalot ko ang noo. "Ivan siguradong marami ka ng narinig na masama tungkol sa akin. Hindi ka ba naniniwala sa mga iyon?"

"Hindi naman siguro totoo ang mga iyon," ani niya.

"Paano mo nasabing hindi totoo?"

He groaned. "I don't know, I don't care. I want to court you. Umpisa pa lang ng klase gusto na kitang pormahan, hindi talaga nagbago kahit may mga issue tungkol sayo." Hinawakan niya ang strap ng bag.

"Wala akong panahon sa mga ganyan—"

"Oh bakit? Ako naman bubuhat ng relasyon na 'ting dalawa," mayabang niyang saad.

Natawa ako ulit. Grabe. Ang hangin niya pala. Pinilig-pilig ko ang ulo.

"Ivan wala tayong patutungohan,"

"Ba't di muna natin subukan?" hamon niya.

"May mahal na akong iba," diretsa kong amin. I hope he ready the sincerity in my eyes. I looked away and admit the bitter truth. "Wala ng makakapantay sa kanya."

Mahabang katahimikan ang nanatili bago siya humugot ng malalim na hininga. "Well... damn," bulong niya habang tinititigan ako ng mariin. "Who's the lucky guy?"

Nanliliit ang mga mata ko. Close ba kami nito? Na ganito na ang mga tanungan?

"Ivan—"

"Sure ka ba o gawa-gawa mo lang 'yan?" putol niya.

"Hindi kita pinipilit na maniwala. Kung gusto mo manligaw ngayon, basted ka na at uulit-ulitin ko ito dahil ang dami na ng problema ko sa buhay." Dagdag sakit ka lang ng ulo.

Gwapo si Ivan. At dahil basketball player, mataas din at matipuno ang katawan. Mestiso at naka-buzz cut. Daming nagkaka-crush na classmate ko dito.

At ngayong nakakausap ko, tingin ko desinte naman siyang lalaki. Malakas na ang radar ko sa mga taong may masamang intensyon.

Buong buhay ko mga mapanlamang ang mga taong nakakasalamuha ko kaya malakas na ang pakiramdam ko sa pagpili ng taong kinakaibigan ko.

Malakas siyang bumuntong-hininga at mataman akong tinitigan. Inilahad niya ang kamay. "Friends, then?"

Tinignan ko ang kamay niya ng may pagsu-suspetsa. Alam kong sinabi ko na desinte siyang lalaki. Pero sa huli, mas umiral pa din ang trust issues ko.

Sa panahon ngayon, ang hirap ng magtiwala kahit kanino.

"No, thanks," tanggi ko at umatras. Naglakad ako palayo at dinig ko ang halakhak niya.

Napangiti din ako. His laugh sounds genuine. Atleast he wasn't the egoistic type of mean. Nagagalit dahil tinanggihan o hindi marunong tumanggap ng 'hindi' mula sa babae.

Nabura ang ngiti ko ng naalala sila Ronald. Because they are the type who forced themselves on women without their consent.

Hindi na siya sumunod sa akin. Nakauwi ako sa bahay at nagluto agad, pagkatapos ay nag-review lang buong gabi dahil exam na namin bukas.

Worth it naman dahil mataas ang scores ko sa mga naunang subjects. Hapon na ng lumabas ako ng classroom. Bago pa man makaalis ay may nagtawag sa akin sa classmates ko. Nag-aalangan akong lumingon sa kanila.

Hindi naman ganoon kasama ang pagtrato nila sa akin. Malamig at distant lang na sapat na para sa akin para maging maingat sa kanila.

"Uhm..." si Sherlyn, isa sa mga tahimik na classmate ko. "Uuwi ka na ba agad? Mag-rereview sana kami sa major sa exam bukas. G-gusto mong sumama sa park?"

Nasa likod ni Sherlyn si Tia at Remy, naghihintay din sa magiging sagot ko.

Maigi ko silang tinitigan. Naglalaban ang kagustohang maging ligtas sa panghahamak at ang maging malapit sa mga classmates ko. Halos dalawang buwan palang akong nag-aaral, maraming buwan pa ang lilipas kaya dapat ay magsikap akong maging maayos ang relasyon sa mga kaklase.

I want my year to be at peace and less chaotic than how it already is.

"Sige," ngiti ko sabay tango.

Lumiwanag ang mga mukha nila na nagpagaan din sa loob ko. Pumunta kami sa mga benches na may table sa park ng university at doon kami nagsilabasan ng notes.

Alas-dos palang naman ng hapon kaya kahit hanggang mag-alas-tres ako dito, ayos lang. Babalik din mag-3:30 para sa 3rd period dahil last major exam namin iyon ngayong araw.

Nagulat ako sa kalakaran ng group review nila. Nag-sipalitan kami ng notes at isa-isa naming tahimik binasa iyon. Ultimo mga handwritings nila ay malinis tignan at naiintindihan ko talag.

Matapos ang pagsasaulo at pag-tatanong sa isa't-isa sa mga lessons na hindi namin maintindihan, doon na namin tinest kung hanggang saan ang nalalaman namin. May isang magtatanong sa amin at mag-uunahan kaming tatlo na sasagot.

Malapad ang ngiti ko noong natapos kami dahil sa lahat ng tanong, alam namin ang isasagot. Mas lalo lang akong nabuhayan ng loob dahil hindi na ako mag-re-review mamayang gabi. Ipagpapahinga ko nalang iyon.

Natapos ang checking namin sa major exam na hindi mabura ang ngiti ko. Bukod sa mataas ulit ang grado ko, mataas din ang nakuha nila Sherlyn, Tia at Remy.

Masigla silang lumapit sa akin tatlo noong uwian. Pabirong binunggo ni Tia ang balikat ko. "Uy! Salamat talaga Torry ah!" tili niya. "Siguradong matutuwa si Nanay. Kailangan ko ng mataas na grado para may discount and tuition ko, dagdag bawas na din iyon sa gastusin!"

"Ako din," nahihiyang sabi ni Sherlyn.

"T-Torry... gusto mo maghapunan sa bahay? Birthday ni Ate... baka ano..." Hindi maituloy ni Remy sa hiya.

Hindi ko pa namamalayan ay umiling na ako na may hilaw na ngiti sa labi. Sa lahat ng masasamang nangyari, parang na-program na ako na maging mapaghinala sa lahat ng nagiging mabait sa akin.

Nanguso si Remy.

Nahihiya ulit akong ngumiti. "Pass muna ako sa ngayon. Alam niyo naman kagagaling ko lang sa..." Hindi ko din naituloy.

Lumambot ang titig nila at isa-isang tumango tanda ng pag-intindi.

"Tsaka may trabaho ako ngayon sa library eh," dagdag ko. Totoo naman. Duty ko ngyon sa library.

Unti-unting ngumiti si Remy. "Dadalhan nalang kita bukas ng tira naming handa?"

I blinked. "T-talaga?"

"Oo naman!"

Nag-init ang puso ko doon. Ganito na ba talaga ako uhaw sa kaibigan? That small gestures like this seems like a big deal to me.

Mas lalo ko lang nami-miss si Mara.

"Mag-ingat ka pauwi," paalala ni Tia ng sinukbit ko na ang bag sa balikat.

"Kayo din," sabi ko at dumiretso na ng library.

May iilan pang mga estudyante doong nagbabasa at nag-re-review. Nilapag ko ang gamit sa isang upuan at ang gamit na dala sa mesa. Nag-umpisa akong mag-ayos ng mga libro. Chineck ko din ang mga logs sa may entrance.

Ang trabaho ko bilang isang pages ay ibalik ang mga libro sa tama at naayon nilang pwesto. Marami na namang nag-sasauli dito na hindi nila binabalik sa dating kinalalagyan.

I am responsible for putting books and other reference materials in their right order and rightful place. Minsan ay ako din ang inuutusan na kumuha ng mga librong hihiramin sa restricted places ng library kung saan bawal puntahan ng mga studyante.

Kadalasan ay ako ang naglilista kung sino ang hindi pa rin nakakapag-suli ng libro kahit lagpas sa due para maipaskil sa labas ng library. Pati na 'yung mga nakasira ng librong hiniram para maipasa sa accountancy office at maidagdag sa expenses nila.

Mula ako sa isang tagong bookshelf ng lumabas sa sentrong espasyo ng library. Napapalibutan ng mga nagtataasan at maraming hanay ng bookshelves ang malawak na gitnang espasyo ng library kung saan nakalagay ang mga upuan at mesa.

Halos mailuwa ko ang puso sa biglang pagdagundong nito ng nakita si Lucas na nakaupo sa isang silya. Iilan nalang ang tao. Ako kasi ang naatasang huling magsara dito pagsapit ng 7 PM.

Naugat ako sa kinatatayuan habang bitbit ang madaming libro. Nanghihina ang tuhod ko. Parang hinahalungkat ang tiyan ko sa kaba. Mula sa prenteng pag-upo ay tumayo siya, nag-angat siya ng tinign at dahan-dahang lumapit sa akin.

Napaatras ako at agad lumiko para ibalik ang bitbit na libro sa tama nilang lalagyan. Ito na ang huling librong aayusin ko, pagkatapos pwede na akong makauwi. Isinalampak ko ang dictionary sa bakanteng space ng bookshelf.

What is he doing here?

Natatabunan na kami ng mga bookshelves ng hinawakan ni Lucas ang braso ko. The touch took my breath away.

Natigil ako lalo na ng tumayo siya sa harap ko. Muli kong napaatras. Ang taas niya. Mas mataas pa siya kay Ivan ng ilang dangkal. Hindi ko siya tinignan at direto ang mata sa dibdib nito.

Marahan niyang kinuha ang libro sa kamay ko kaya naiiritang umakayat ang tingin ko sa mukha niya.

"Ako na. Kaya ko naman," pilit ko. Hinigpitan ko ang hawak sa mga libro.

"I want to help. Your arms look like about to snap from the heaviness,"

I glared at him. Even though deep inside, gusto ko nalang matunaw sa lambot ng titig niya sa akin ngayon. Did he miss me like I miss him? I wonder.

The control I have just to stop myself from throwing myself at him right in this moment is phenomenal.

Lalo na at nakatago kami at nakasuot siya ng slacks at puting button-down shirt. Bagong gupit pa. He'e like... fucking testing my patience today.

Ito palagi ang issue ko, eh. Ang hirap na hindi bumigay sa tukso.

Nilampasan ko lang siya at huminto sa pinakalikod. "Bakit ka nandito?" Isa-isa kong nilagay ang ang mga libro sa tamang lagayan. Tumingkayad pa ako dahil hindi abot ang ibabaw na shelf.

Hinablot ni Lucas sa akin iyon at siya na mismo ang naglagay. Ng walang kahirap-hirap.

"I want to see you."

Bumuntong-hininga ako. "Diba napag-usapan na na 'tin to?" Inusog ko ang isang libro at binaliktad dahil tabingi ang pagkakalagay sa shelf bago pinasok ang iilan sa bitbit na libro.

"We did and I didn't agree on leaving you alone. Not unless I give it a try and fight for you," bulong niya.

Napakurap-kurap ako. Napatiim ang labi ko at nagpatuloy sa ginagawa.

Higit isang linggo ko din siyang hindi nakita. Akala ko lulubayan niya na ako. I thought he left me for good.

Hindi ko man aminin pero may parte sa aking natakot. Alam kong kung siya na mismo ang bibitiw, iyon na ang pagtatapos naming dalawa.

"Hindi ka nagpakita ng ilang araw. Akala ko hindi ka na babalik," I whispered.

He laughed humorlessly. "Yeah? You sound sad. Hindi ba kayang pagaanin 'nung basketball player ang loob mo?"

Mabilis akong napalingon sa kanya. Kung kanina ay irita palang, ngayon ay nanlilisik na ang mata sa galit. "Pwede bang tigilan mo na sa akin ang pagsunod! At wag mo na din akong papasundan! Ano-ano pa ba ang ni-re-report sayo ng mga tauhan mo huh? Gusto ko naman ng privacy Lucas." Padabog kong ibinalik ang nahuhuling libro at hinarap siya.

Umigiting ang panga niya. "I can't do that while Sandro is still on the loose," mariin niyang sabi habang nagtatagis ang mga ngipin. Bumunot siyang ng malalim na hininga. "Bibisitahin sana kita kahapon... hindi natuloy dahil magkasama kayo 'nung Ivan. I'm glad na hinatid ka niya." He's seriously looking at the books he's arranging while he says those.

Gusto ko pang makipagtalo kaso alam kong mabuti naman ang intensyon niya. Iniisip niya lang ang kaligtasan ko. Lalo na sa lahat ng nangyayari.

"Hahayaan ko ito ngayon pero ipangako mo, Lucas..." sabi ko sa seryosong tono. "Na ititigil mo na ang pagpapasunod o pagsunod sa akin kung nahuli na si Sandro."

Dinungaw niya lang ako sa seryosong mga tingin bago dahan-dahang tumango.

"Ipangako mo. Sabihin mo. Gusto kong marinig mula sayo," pilit ko dahil hindi kuntento sa tango niya lang.

Umapoy ang mga mata niya. "I fucking promise, Vittoria," he whispered in a mocking tone.

Nakahinga ako ng maluwag kahit napilitan lang siya. "Salamat," bulong ko. "Maraming salamat."

Tapos na ang ginagawa ko pero nanatili pa rin kami doon. Sumandig ako sa bookshelf, ginaya siya at tinitigan siyang supladong nakatingin sa unahan.

Ang maamo niyang mukha ay mas lalo lang nagpapahalina sa kanya. Pero pag galit? He's lit. Ewan ko bakit mas lalo ako naattract sa kanya pag galit. Maybe because his emotions are raw, more real and less detached.

"Lucas may gusto akong itanong..."

Hindi siya umimik. Nagpatuloy pa rin ako.

"Paano mo nalaman saan ako nakatira? At saan mag-aaral? Wala akong pinagsabihan. Sinabi ba ni Don Lucciano?" Siya lang naman ang nakakaalam kung nasaan ako.

"I asked him," pauna niya. "But he didn't tell me. Kahit anong pilit ko. At first, I thought he sent you to another country to study abroad."

"So paano?"

Humugot siya ng malalim na hininga, hindi pa rin ako tinitignan. "Mara,"

Kumunot ang noo ko. "Imposible. Hindi ko siya pinagsabihan," sigurado kong sabi.

Biglaan ang pag-alis ko sa resort at kahit ng tinawagan ko siya para mangamusta ay hindi ko sinabi sa kanya. Kahit sa mga pagtatanong ni Mara ay hindi diretso ang mga sagot ko. Palaging 'hindi pa ako sigurado' o 'pumipili pa ako'. May mga suggestion si Mara pero hindi ako nagbigay ng intensyon na iyon ang pipiliin ko.

Umiling siya. "Hindi niya sa akin sinabi. Nasabi niya lang na nanghiram ka ng laptop sa kanya. So I borrowed the laptop you used from her. Tiningnan ko ang search history and here you are,"

Umawang ang labi ko ng ilang sandali bago umirap. Hindi ko alam kong maiinis ba ako o ma-i-impress sa abilidad niya.

Marahas akong lumunok. "May alam na ba si D-Don Lucciano sa ating dalawa?" kinakabahan kong tanong.

"Alam niya na na may namamagitan sa atin. I made sure of it,"

Sinipat ko siya ng masamang tingin. "Bakit ba pinapakomplikado mo pa ang sitwasyon Lucas?"

Mula sa pagiging kalmado, ramdam ko ulit ang pagiging galit at agresibo ng kanyang tindig. Tuluyan niya akong hinarap sa galit na mga mata at nakasampok na kilay. Mabilis siyang humakbang sa harap ko at itinukod ang mga kamay sa magkabilang gilid ko.

"Complicated how, Vittoria? Hmm?" nanunuya niyang bulong. "The lesser people know about us, the better? Para madaling makalimot dahil walang taong magpapaalala sayo dahil wala namang nakakaalam? Is that what you want?"

Napasinghap ako ng gumapang ang kamay niya sa loob ng blouse ko. Shit. Shit. Shit.

Ang mainit niyang palad ay pilit pumasok sa bra ko. I tightly grabbed his arm. His big, caloused hand cupped my breast. Halos mapaungol ako. Nakaawang na ang labi at bumabagsak na ang talukap ng mata.

Binaon ni Lucas ang mukha niya sa leeg ko. Gumapang ang kamay ko sa batok niya, sa anit at napasabunot sa buhok nito. He pressed his body against mine and I'm losing the self-control, or turning to ashes from the burning desire. Tumusok ang pagkalalaki niya sa akin.

"Vittoria sumagot ka," bulong niya sa tenga ko habang patuloy na hinihimas ang globo ko.

"Lucas..." bulong ko.

Dahan-dahan siyang huminto at lumayo sa akin. Kumapit ako sa edge ng bookshelf sa magkabilang gilid ng balakang ko para hindi mapaupo sa sahig. Parehong namumungay ang mga mata naming nakatitig sa isa't-isa.

He was the first one to look away. Kinalas niya ang dalawang butones ng button-down shirt sa frustration.

Nanatali kami doon para pakalmahin ang mga sarili. Kahit gusto ko nalang na wag siyang magpigil, kahit nasa library kami, hindi sex ang magiging sagot sa lahat ng problema.

"Kumain ka na?" malumanay kong tanong ng makabawi.

Nilingon niya ako at dahang-dahang lumambot ang ekpresyon ni Lucas. He tucked a strand of my hair behind my ear. "Hindi pa. Hinihintay kita,"

Tumango ako at tumuwid na ng upo. "Isarado ko lang 'tong library tapos pwede na tayong umalis," paalam ko bago siya iniwan doon.

Wala ng tao kaya madali nalang sa akin ang pag-ayos ng mga upuan at mesa habang hinintay niya ako sa labas.

Ni-lock ko ang pinto at hinarap siya. Kinuha niya ang tote bag sa akin kahit magaan lang naman iyon. Hinayaan ko na dahil ayaw ng makipagtalo.

Pinagsiklop niya ang kamay namin habang enjoy kong tinitigan siyang nakasukbit sa balikat ang puting tote bag ko. Kinagat ko ang ibabang labi para hindi mangiti.

"Where do want to eat?" tanong niyang naglalakad na kami sa labas ng university.

Nagtataka akong nilibot ang tingin sa paligid. "Wala kang dalang sasakyan?"

"Meron. Pina-drive ko na sa compound ng inuupahan mo,"

Nagtataka ko siyang tinititigan. Pinagpalit niya muna ang pwesto namin dahil ako ang malapit sa highway na may mangilan-ngilang dumadaan na sasakyan bago sumagot.

"Time with you is limited and quite precious. Kung sasakay ako sa kotse, madali lang tayong magkakasama." Hinaplos ng hinlalaki ang palapulsohan ko bago dinungaw.

"Okay." How am I supposed to respond to that kind of... confession?

"Where do you want to eat?"

"Ikaw?" balik kong tanong.

"Sa boarding house mo?"

Umiling ako. "Hindi pwede. Hindi kita maipagluluto dahil wala akong mga ingredients."

Suplado siyang napabaling sa akin. "Anong kinakain mo kung ganoon tuwing dinner at breakfast?"

"Tuwing shift ko sa hotel at dishwasher sa resto ay kumakain ako sa labas. Mapapagod pa ako kung magluluto at matipid din sa pera at oras ang pagkain ko sa karinderya," sabi ko. "Tuwing breakfast at kung walang trabaho, sa gabi lang ako nagluluto. Minsan bumibili sa karenderya ng lutong ulam. At kung magluluto man, doon lang ako mismo bumibili ng mga ingredients at rekados. Wala kasi akong ref, baka masira," diretso kong saad.

Madalas na ang tira kong ulam sa gabi ay iniinit ko nalang sa rice cooker para iyon na ang maging agahan ko.

Mas lalong dumiin ang titig niya bago tumingin sa harap. "Kaya ka nangangayat," bulong niya.

"Hindi naman," nguso ko. "Tuwing nagluluto ako ay puro gulay iyon at masusustansyang pagkain. Ganoon din kung bumibili ako ng ulam sa karinderya."

Tahimik lang kaming naglakad. May mga nadaanan pa kaming karinderya at mga restaurants.

Kung gaano ako katakot at kaayaw sa mga kalye na wala masyadong tao at medyo madilim, ganoon ako napapanatag sa mga gusaling magkakadikit na puno ng mga tawanam, hiyawan at pag-uusap ng mga taong kumakain o umiinom.

It was a busy street. Ang mga yellow at iba't-ibang ilaw ay pinuno ang paligid dahil sa buhay na night life dito sa sentro ng Palawan. May mangilan-ngilan pa nga akong nakikitang mga foreigners na malamang ay mga turista.

May mga ka-department akong nakita na napalingon sa akin. Hindi naman buong university ang talagang pinag-uusapan ko. Talagang sa college department lang ako ganoon ka-grabe na-i-issue.

"Diba may mga cupboard ka sa ibabaw ng sink mo?"

Na-we-weirdohan ko siyang tiningan. "Oo, bakit?"

Tumango siya. "May supermarket ba rito? O mall?"

I pressed my lips in a thin line. "Sirado na ang mall," ani ko. "Pero may 24/7 na bukas na grocery store dito. Bakit?"

"Mag-grocery tayo,"

Napahinto ako sa paglalakad. "Lucas—"

"Alam ko na ang sasabihin mo. Na ayaw mong gumasto ako sayo. Na kaya mo naman mag-isa. Ayaw mong gamitin ang pera ko para sa mga pangangailangan mo." Tuluyan niya na akong hinarap. "Well, fuck it, Vittoria. I'm not going to starve my woman. Mag-aaway tayo dito hanggang gusto mo." Tumingin siya sa paligid. "Sa harap pa ng maraming tao basta ang importante malagyan ko lang ng makakain ang tinutuluyan mo."

Binuka ko ang bibig para magsalita pero walang lumabas. Mariin niya lang akong tinitigan. Sa huli, bumuntong-hininga nalang ako. I was dazzled by how his contagious smile flashed suddenly.

Tanginang 'yan talaga. Ang gwapo niya naman para sa isang tulad ko lang.

"And I will buy you a ref."

Nanlaki ang mata ko. "Lucas!"

"Vittoria," he said softly. Natutuwa siya sa nagiging reaksiyon ko.

Wala na akong ginawa kung hindi ang umirap. First, my security. Now, this, my foods. Seguridad ko at kung maayos ba akong nakakakain ang hindi niya palalampasin.

Magreklamo man ako sa kanya at manlaban, hindi ko mauuto ang sarili ko.

It felt so damn good now that someone is taking care of me. Someone who also take cares of feeding my deepest, darkest desires. 

Continue Reading

You'll Also Like

792K 79.9K 55
3 lives got entangled due to the twisted Destiny...... Vidyut Rajvanshi married his college sweetheart Sanjana and was leading a happy life ......bot...
233K 14.1K 64
๐“๐จ ๐ž๐ฏ๐ž๐ซ๐ฒ๐จ๐ง๐ž ๐ฐ๐ก๐จ ๐ญ๐ก๐ข๐ง๐ค๐ฌ ๐ญ๐ก๐ž๐ฒ ๐š๐ง๐ ๐ญ๐ก๐ž๐ข๐ซ ๐œ๐ซ๐ฎ๐ฌ๐ก ๐š๐ซ๐ž ๐ง๐จ๐ญ ๐ฆ๐ž๐š๐ง ๐ญ๐จ ๐›๐ž ๐ญ๐จ๐ ๐ž๐ญ๐ก๐ž๐ซ. ...
298K 596 23
Enjoy the smuts...and if you get horny๐Ÿ˜...help yourself๐Ÿ’€๐Ÿ’ฆ