Kahit 'Di Mo Alam [COMPLETED]

By nancycarroline

13K 312 2

A continued story of "Kung 'Di Rin Lang Ikaw" Sa bawat saglit, handang masaktan kahit 'di mo alam Year 2028 S... More

STORY COVER
FOREWORD
Disclaimer
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25 - EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER

CHAPTER 10

158 8 0
By nancycarroline

Louise Bautista

Nandito kami Ngayon ni Tyler sa Isang cafe. Magkaharap kaming nakaupo. Bakas sa kanya Ang pagkahiya sa nangyari kagabi. Ang totoo niyan, Wala Naman siya dapat ikahiya don Kasi yun lang Naman Ang gusto niyang itanong sa'kin naiintindihan ko kung bakit Niya nagawa yon. Kung tutuusin nga dapat Ako pa Ang mahiya dahil sa ginawa ko noon. Di manlang Ako nag paalam at nag pakita sa kanila. Kaya kung ano man yung saloobin na nailabas ni Tyler kagabi normal lang yon. Deserve Niya Naman talagang Malaman.

At kung mag tatanong kayo kung bakit Ako pumayag na mag coffee kasama siya Kasi gusto ko rin makabawi sa kanya. Kahit Dito manlang mapagaan ko Ang loob Niya Kasi ilang years niyang dinamdam yung ginawa ko. Sinaktan ko siya Ng ilang years. Napaka heartless Naman kung mawawalan lang Ako Ng pake. Naging kaibigan ko Naman siya dati, may pinagsamahan din kami, bakit Hindi ko maisipan Hindi siya gawan Ng mabuti at maging mabait uli sa kanya? I mean. Bakit pa nga ba Ako magagalit? Ano pa nga ba Ang dahilan para iwasan ko siya?

Matagal na yon, bakit ko pa babalikan? Hindi ba? Bigla ko lang naisip. Ano pa nga bang sense kung iiwasan ko siya at mag iinarte Akong Makita siya? Bakit Hindi Ako mag focus Ngayon? Sa present? Ngayon na malalaki na kami. Siguro Naman iba ang Tyler Ngayon sa Tyler noon.
Bakit Hindi ko siya pag bigyan Ngayon na makabawi sa nagawa nya rin sa'kin before?

Baka siguro ito na yung chance. Siguro tinadhana talaga 'to para maayos na, para maging okay na uli kami, at para magkalinawan na rin. Baka ito na yung chance para masabi namin yung saloobin Ng isa't Isa. Baka pinagmeet uli kami Hindi para guluhin Ang mga buhay namin, kundi para pag ayusin kami uli.

"Kamusta ka na Louie?" Tanong Niya.

Napangiti Ako Ng Malaki. "I think, it's been two to three weeks na simula nang magkita ulit tayo, Ngayon mo lang Ako kinamusta." Natatawa Kong Sabi. Natawa rin siya.

Tinawanan namin ang isa't Isa.

Lumanghap Ako Ng malalim. "I'm okay. I'm happy, Lalo na sa trabaho ko tsaka Masaya Ako Kay Kevin, Masaya kami." Sabi ko. Ngumiti siya at tumango-tango

Sumeryoso Ako. "Ikaw, Ang tagal din natin Hindi nag kita, kamusta ka?" Siya Naman Ang tinanong ko.

"I'm doing good. Nag stay Ako Dito dahil sa work ko, Sila mama naman nasa province na." Pag babahagi Niya.

"So, mag isa ka lang talaga Dito?" Paniniguro Kong tanong

"Yes." Sagot Niya.

Mag Isa lang pala siya Dito, Buti at kinaibigan Pala siya ni Kevin. Mabuti at may nakakausap na rin siya. Ang lungkot naman kung ganong Wala siyang kaibigan Dito sa syudad.

"About Doon sa nangyari kagabi, huwag mo nang isipin yon Tyler. Ayos lang sa'kin yon, actually kahit Hindi mo Naman Ako ayain mag coffee Ngayon, Hindi Naman magiging Kaso sa'kin yung pag hatid sayo sa unit mo." Sabi ko sa kanya. Alam ko kasing Hindi pa rin siya napapanatag.

Bahagya lang siyang tumango at natahimik kami. Maya-maya nag salita uli siya.

"Pero kung itatanong ko ba uli sayo yung tinanong ko kagabi, masasagot mo na ba ko?"

Biglang kumirot Ang puso ko. Heto na, mararamdaman ko na Naman yung sakit. Napayuko Ako Ng bahagya. Hindi agad Ako nakakibo.

"So, bakit Louie? Bakit Hindi mo sinabi sa'min? O sa akin man lang?" Pagpapatuloy Niya sa Tanong

Lumanghap Ako Ng malalim at ibunuga rin iyon Ng mabigat. Tumingin Ako sa gilid Kasi Doon kami nakapwesto sa may transparent window. "Mahirap Tyler, mahirap para sa'kin na sabihin pa sa inyo Ang pag Alis ko." Hinarap ko na siya. "Hindi ko kayang Sabihin sa inyo. Pakiramdam ko, mas mahihirapan Akong makaalis kung gugustuhin ko pang Makita ko kayo Kasi alam ko, pag Nakita ko kayo, iiyak lang Ako. Pagod na Kong umiyak non." Gumaralgal nag boses ko dahil humapdi na Ang mata ko. "Kung nasaktan kayo, nasaktan din Ako. Mas nasaktan Ako Kasi Ako yung lalayo sa inyo." Tumulo na Ang luha ko. Agad ko iyon pinahid.

"Pero alam ko, naging selfish din Ako, Kasi Hindi ko inisip yung .araramdaman niyo kung umalis lang Ako Ng Basta-basta. pero Yun lang Kasi Ang naisip Kong paraan." Paliwanag ko.

Nakita Kong may namuo ring luha sa mata ni Tyler pero pinipigilan Niya iyon pumatak.

"At least Ngayon alam ko na. Pero Hindi rin kita masisisi Louie, I know you're in pain. It's my fault." Sabi Niya at tumulo rin ang luha Niya.

Balak ko sana kontrahin ang sinabi Niya pero biglang tumunog Ang cellphone ko. Si Kevin, tumatawag sa'kin.

Bumalik kami ni Tyler sa condo dahil may emergency na sinabi sa'kin si Kevin. Sinalubong namin siya sa unit na papalabas.

"Kevin, ano na nangyari? Si tita?" Agad Kong tanong. Ang sinasabi Kong tita ay yung mama Niya.

"Tumawag sa'kin si papa, may sakit daw si mama, kailangan ko silang puntahan sa ospital." Sabi Niya.

Napatakip nalang Ako sa bibig ko. Ayun Pala yon, kaya Naman Pala Hindi naka-attend si tita sa birthday ni Kevin. Baka dahil yon don.

"A-ano daw sakit ni tita?" Tanong ko.

"Hindi ko pa alam Louie, kaya kailangan ko makapunta agad don para mabantayan ko yung kalagayan ni mama."

"O-osige." Tanging nasabi ko. Nabigla rin Ako sa ibinalita Niya.

Hinawakan Niya ko sa Mukha.

"Louie Ikaw Muna Dito ahh? Babalik Ako. Kailangan lang talaga ko nila mama at papa Ngayon." Sabi Niya sa'kin at hinalikan Ako Ng Madiin sa noo. Tapos ay nag mamadaling naglakad palayo.

"K-kevin mag iingat ka, balitaan mo ko." Pahabol kong Sabi.

Naalala ko kasama ko pa si Tyler.

"Louie." Hinagod Niya Ang likod ko.

Nilingon ko siya. Tumutulo pa rin Kasi Ang luha ko.

Bakit Naman Kasi Ngayon pa? Kakatapos lang Ng birthday ni Kevin.

***

Nandito kami ngayon ni Tyler sa Roof Deck ng condo. Nakaupo kami sa siment bench na walang sandalan.

Walang nagsasalita sa amin dalawa. Iniisip ko pa rin yung emergency na nangyari sa mama ni kevin. sana okay lang ang mama niya. Bukod pa don, naalala ko yung usapan namin ni Tyler kanina sa cafe, gumaan ang pakiramdam ko kahit papaano nang masabi ko na sa kanya kung bakit hindi ko nagawang mag paalam sa kanila noon. Hindi naging madali para sa akin yon. at alam ko, maiintindihan na ko ni Tyler ngayon na nasabi ko na sa kanya kung bakit.

"Ayos ka na ba Louie?" Tanong niya. kanina kasi ay walang tigil ang pag iyak ko. inalok niya ko na umakyat muna dito sa rooftop para makapag refresh. natuwa naman ako na sinamahan niya ko.

Marahan akong tumango. "Okay na ko." nginitian ko siya. "Salamat. sinamahan mo ko."

Ngumiti siya pabalik. "Basta pag may kailangan ka, nandito lang ako ahh.." sabi niya.

na touch naman ako dun. Gusto kong isipin na bumabawi siya sa'kin. na parang dati lang ako yung nandyan parati para sa kanya, ngayon naman siya yung nandito para sa'kin.

"Salamat uli." pagpapasalamat ko uli

nanaig muli ang katahimikan sa aminng dalawa. Habang nakatingin ako sa madilim na kalangitan kasama ng mga nag kikislapang nga bituin at ang puting buwan, Nagulat nalang ako ng kunin niya ang kamay ko at ipatong iyon sa palad niya. Pinagdikit niya ang kamay namin at hinawakan iyon ng mahigpit.

"Ty?" Tawag ko sa palayaw niya. actually nagulat nga ako sa sarili ko nang matawag ko siya uli sa ganoong way.

Di siya sumagot at para lang siyang walang narinig nakatingin pa rin siya sa kawalan habang ako nakatingin sa kanya.

Binawi ko ang kamay ko. "Ma— a-aalis na ko ty." Utal kong sabi na parang hindi ko pa alam kung anong term ba ng pagpapaalam ang gagamitin ko.

Tumayo na ako at nilagpasan ang bench na inuupuan namin.

"Hanggang ngayon pa rin ba mag-iiwasan tayo Louie?" Bigla siyang nagsalita. Napahinto ako. Nilingon ko siya. Pero siya, nakatungkod ang kanan niyang kamay sa bench at nakaside-view sa akin. Hindi niya ako nililingon.

"Hanggang ngayon ba galit ka pa rin sa'kin dahil sa ginawa kong pag-iwas sayo?"

huh? sandali, Parang sobrang bilis naman yata niya i-bring up ang nakaraan. Hindi pa ako handang pag-usapan 'to. Hindi ako nakasagot sa kanya.

"Louie, hindi ibig-sabihin na iniwasan kita, ay hindi na kita gusto."

Nag-laktawan ang pag tibok ng puso ko at nagtaasan ang balahibo ko.

"Kaya ko ginawa yon, ay dahil hindi ako naging handa. Hindi ako prepared sa ginawa mong pag-amin sa'kin. Mismong ako ay nagulat. Hindi ko expect na magkakaroon ka ng feelings sakin. Kaya nang malaman ko yon, hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung paano ko ba ihahandle ang sitwasyon. Hindi ko alam kung paano ba ko aakto ng normal kahit alam ko na May gusto ka sa'kin."

Ngayon ko lang narinig 'to Parang gusto kong lumubog sa kinatatayuan ko.

"Oo Louie naging mayabang ako dahil alam kong May gusto ka sa'kin, pero yon, nagawa ko yon para lang maitago ko yung pagiging mahina ko, para lang mas patatagin ang sarili ko na hindi ako naapektuhan sa ginawa mong pag-amin."

hindi ko siya pinagpapaliwanag pero siya ang nag kusa. hindi ko alam kung bakit niya ginagawa to, at bakit niya sinasabi sakin ang mga to

"Pero ang totoo no'n Louie, sa likod ng lahat ng masamang pagtingin na pinakita ko sayo, sa likod ng lahat ng yon, sa loob-loob ko, mahina ako. Duwag ako. Kasi hindi ko nagawang aminin sayo yung totoo kong nararamdaman."

Lumalalim ang boses niya at lumabas din ang luha niya. Parang gusto ko siyang yakapin sa mga oras na ito. Pero kailangan kong mag pigil. Hindi na ako ang dating Louie na marupok o mahina. Hindi na ako easy to get.

"Kasi ang totoo niyan, Louie, nagustuhan din kita. Pero yung mga panahong gusto ko nang aminin sayo ang totoo, ikaw naman ang umiwas sa'kin, hinanap kita Louie, pero tinataguan mo ko. Hanggang sa nalaman ko nalang na lumipat na kayo ng bahay. Louie kung alam mo lang kung paano ako nadurog, kung alam mo lang kung ilang beses kong pinagsisihan na hindi ko agad sinabi sayo ang totoo, nagsisisi ako kung bakit pa kita iniwasan. Nagsisisi ako na naging masama pa ko sayo, Pero huli na ang lahat, kasi umalis ka na. Hinintay kita. Hinintay kita Louie kahit napaka imposible nang magkita tayo uli dahil ang layo na natin sa isa't isa. Sinubukan kong magmahal muli. Pero ako rin ang nakipaghiwalay. Kasi Louie hindi ko mahanap sa kanila yung love na tanging ikaw lang nagparanas sa'kin."

Ang ibig niya bang sabihin, siya ang nakipaghiwalay sa naging Gf niya nung shs? siya ba ang nakipaghiwalay sa kaklase ko nung grade 7? kaya ba ilang years siyang single? kaya ba siya walang love life ngayon ay dahil hinihintay niya ko? Grabe. hindi ko kinakaya ang mga naririnig ko

"Louie, Minahal kita. At mahal pa rin kita hanggang ngayon. Gustong-gusto pa rin kitang makasama."

Hindi ako makapagsalita. wala akong kahit anong reaksyong maipakita. totoo pa ba itong nangyayari? o nanaanginip lang ako? totoo bang nag papaaliwanag sa akin si tyler ngayon? totoo bang inaamin niya na ang nararamdaman niya para sa akin?

Nilapitan niya na ako. "Louie, pwede mo ba akong pag bigyan? Pwede pa ba natin ibalik sa dati ang lahat? Papayagan mo ba ako na bawiin lahat ng nagawa ko noon?"

Lumunok ako bago magsalita dahil nanunuyo ang lalamunan ko. hindi ko alam ang gagawin ko, hindi ko alam kung ano ba ang una kong sasabihin sa kanya. masyadong mabilis ang pangyayari, hindi inaasahan na mag coconfess siya sakin ngayon. akala ko...akala ko tapos na. akala ko wala na. akala ko okay na.

"Ty, hindi naman ako galit sayo. Matagal na kitang napatawad sa nagawa mo noon." Panimula ko. matagal ko na siyang napatawad. "At kung iniisip mo na, ganoon pa rin ako tulad ng dati, hindi na Tyler. Iba na." simabi ko ito ay dahil ayoko siyang mag expect. Alam naman niyang may kevin ako.

"Pero hindi na ko nabigla na inamin mo rin sakin na gusto mo rin ako, dahil alam ko ty." Totoo. Dati ko pa napapansin na gusto niya rin ako, pero hindi niya magawang maamin sa'kin. at ngayon na inamin niya na, mas lalo ko lang napatunayan na hindi ako nagkamali ng kutob. "Alam kong pareho tayo pero ayaw mo lang aminin." mariin kong sinabi.

"Bakit ba kasi napakatigas mo ty? Bakit kailangan mo pa ko saktan? Bakit kailangan pa humantong sa sakitan ng damdamin, bago mo aminin sakin? Hindi naman ako nag-e-expect ng kahit ano, pero yung irespeto mo ko, kahit yun nalang, hindi mo ginawa. Alam mo, hindi din naman kita masisisi kung ako itong nasaktan, dahil choice ko yon, ako yung may gustong mahalin ka, pero Kasi ano? Inuna mo yung sarili mo. Selfish ka ty, inisip mo lang yung kapakanan mo ng mga panahong yon." sabi ko. nanghahapdi ang mga mata ko at nag babadya na namang bumagyo

"Louie hindi, ako rin, nasaktan ako. Pero sana maintindihan mo rin, na hindi pa ko mature non para malaman kung ano ba ang tama at mali na gawin para walang masaktan satin dalawa, kasi alam mo Louie, kung ano ang sinaalang-alang ko non? Yung friendship natin. Ayokong masira ang friendship natin."

"Ayaw mong masira friendship natin pero bakit mo ko iniwasan? Sa tingin mo, sa ginawa mong yon masasalba mo yung friendship natin? Tignan mo nga tayo ngayon. Okay ba tayo hah?"

"Oo Louie, alam ko, kasalanan ko, hindi ko rin ginusto ang mag iwasan tayo, siguro, ganun lang talaga noon, kasi masyado pa tayong mga bata noon, and we still can't figure out if this love really matters and true." Tumulo ang luha niya. Ganoon na rin ako.

"Pero kung manghihingi ako sayo ng second chance para makabawi, pagbibigyan mo ba ko ng pagkakataon Louie? Louise ikaw pa rin ang gusto ko. Ikaw pa rin ang mahal ko, Mahal pa rin kita."

Pinahid ko ang luha ko. "You're too late for that." seryoso kong sabi.

Umabante siya at sinubukang hawakan ang mga kamay ko. umatras ako at iniwasan ang kamay niya.

"Louise." Tawag niya sa pangalan ko at ang itaura ay animo'y nag mamakaawa

Finorm ko ang palad ko ng 'stop sign' Para tigilan niya ang pag lapit sa'kin

"Kung hinihingi mo ang second chance para makabawi sa ginawa mo, Oo, sige, pag bibigyan kita. Pero hanggang dun nalang yon." 

Napalunok siya. "Louise."

"Tyler, May boyfriend ako." May diin kong sinabi

Napayuko siya. Sa ginawa niyang iyon, kitang-kita ko sa kanya ang pagkasawi, ang pagkabigo, nakita kong tumulo muli ang luha niya

Inangat niya muli ang tingin sa'kin.

"P-pero pwede pa naman tayo maging mag kaibigan, 'Di'ba?" Tanong niya at ang mata ay nangungusap

"O-oo naman, Pero hanggang dun lang tyler, there's nothing else you could ask for. Friends. Hanggang friendship lang ang kaya kong ibigay sa'yo." malinaw kong sinabi

Hindi na siya kumibo at marahan na lamang tumango.

Continue Reading

You'll Also Like

3.5K 200 165
This is basically the same as my other gacha books! Warning there's some dark stuff in here so be careful!
4M 254K 100
What will happen when an innocent girl gets trapped in the clutches of a devil mafia? This is the story of Rishabh and Anokhi. Anokhi's life is as...
706 57 19
"She's my Karma, my Beautiful Karma," Jiyu, living his life to the fullest as he stumbles upon a girl under the umbrella, as he knows that she was h...
2.3M 134K 45
"You all must have heard that a ray of light is definitely visible in the darkness which takes us towards light. But what if instead of light the dev...