Slept with a Stranger #Wattys...

By Whroxie

31.5M 535K 37K

Have you ever had sex with a complete stranger? What if you did? What are you going to do if you had sex with... More

Slept with a Stranger
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
Chapter 20
CHAPTER 21
Chapter 22
Chapter 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
Chapter 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40(Restricted)
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43(restricted)
Chapter 45
CHAPTER 46
CHAPTER 4 7
To my beloved readers
Chapter 48
CHAPTER 49
Chapter 50
The Finale
Author's note
#MyWattysChoice

CHAPTER 44

520K 8.5K 388
By Whroxie

_missJess13_ is a new writer. Pa support naman siya guys, alam ko kung gaano kahirap makakuha ng readers at supporter kaya dama ko siya. Hehe! . Visit niyo naman ang profile niya at baka magustuhan niyo ang story niya. Thanks

_______________________________________

"Happy birthday to you! Happy birthday! Happy birthday! Happy birthday to you!" Nagising si Iñigo sa pagkanta ng kanyang mag-ina.

Pagmulat na pagmulat ng kanyang mata, si Andra at Gelo ang nabungaran niya. Hawak ni Andra ang isang cake na may isang kandilang nakatusok.

"Wow!" Agad siyang bumangon at sumandal sa headboard.

"What a great morning." He said as he extended his arms for them to come to him. Gelo quickly went to the bed and hugged his father. Agad naman itong pinupog ng halik ni Iñigo.

"Happy birthday daddy!" Magiliw na bati ni Gelo at hinalik-halikan siya nito sa pisngi.

"Thank you son!" Umupo naman si Andra sa tabi niya at agad niyang kinawit ang isang braso sa baywang nito.

"Happy birthday" Isang damping halik ang binigay ni Andra dito.

"Thank you, this is the best birthday that I have."

"Blow the candle, but make a wish first."

"Wish, mmm! Parang wala na akong mahihiling pa eh. I have you and I have Gelo. I'm contented." Dinikit ni Andra ang pisngi sa mukha ni Iñigo.

"Sige na, wish na. Marami ka pang pwedeng hilingin." Wika ni Andra.

"Okay" Nilapit ni Andra ang cake na hawak sa kanya. Bahagya siyang nagisip bago inihip ang kandila.

"So, anong wish mo?" Tanong ni Andra at pinatong ang cake sa ibabaw ng side table.

"I wish na...." Bitin nito sa sinasabi at tumingin sa tiyan ni Andra. Napangiti naman si Andra ng makuha niya ang ibig sabihin ng pagtitig nito sa tiyan niya. Niyakap niya si Iñigo.

"Gusto mo ba?" Bulong ni Andra.

"Hmm. Kung papayag ka na." Sagot naman nito.

"Date muna tayo mamaya."

"date" Ulit nito. Kumalas ng yakap si Andra at tumingin dito.

"Yeah, date. Ikaw at ako, celebrate natin ang birthday mo."

"Ayaw mo bang dito na lang tayo. Parang mas gusto kong dito lang tayo. Ikaw, ako and Gelo. Mag-luluto na lang ako."

"Aaa! sige na, date na tayo please." Paglalambing ni Andra dito. Kailangan niya itong mapapayag dahil kong hindi masisira ang birthday party na inihanda nila para dito.

"Actually, nag pa-reserve na talaga ako ng isang candlelight dinner for two." Nakanguso nitong sabi at itinaas pa ang dalawang daliri.

"Talaga!?" Tumango-tango si Andra.

"Okay" Pagpayag nito.

"By the way. I have something for you." May kinuha si Andra sa drawer na isang brown envelope at binigay kay Iñigo.

"C'mon, open it." Kinuha ni Iñigo ang laman nito. Mga papeles ito. Binasa ito ni Iñigo at tumingin kay Andra pagkatapos itong basahin.

"Gelo is a Galvez now." Wika ni Andra.

"Wow! Wow! Galvez na si Gelo?" Kitang-kita ang saya sa mukha ni Iñigo. Tumango-tango si Andra.

"This is the best gift ever Andra. Thanks! Thanks!"
Niyakap ni Iñigo ang mag-ina niya.

Ito ang pinakamasayang kaarawan para sakanya. Halos taon-taon may birthday party siya o kaya naman ay lalabas sila ng mga barkada niya. Iba-ibang mamahaling regalo ang natatanggap niya pero walang nakakapag-pasaya ng lubos sakanya sa mga 'yon.

☆☆☆☆☆

"Hey beautiful" niyakap ni Iñigo si Andra mula sa likuran habang nasa harap ito ng salamin at nagkakabit ng hikaw. Ngayon ang date na inaakala ni Iñigo. Pinatong nito ang baba sa balikat niya.

"Siguradong kaiinggitan na naman ako ng marami dahil napakaganda ng ka-date ko."

"Mukha ngang ako ang may birthday eh." Natatawa niyang sabi. Dahil isang pulang eleganteng mini dress ang suot niya.

Si Iñigo naman ay casual lang ang suot nito. Isang denim jeans, fitted white shirt na napapatungan ng navy blue casual coat. Hindi na niya ito pinagsuot pa ng formal attire dahil baka makahalata pa.

Pinihit siya ni Iñigo paharap at pinulupot nito ang bisig sa baywang niya at siya batok nito.

"You're so beautiful. I'm very lucky to have you."

"Napakaswerte ko rin dahil boyfriend ko ang pinakagwapong nilalang." Sumeryoso ang mukha ni Iñigo at marahang hinaplos ang pisngi niya.

"Hay Andra, hindi ko alam ang gagawin ko pag nawala ka sa 'kin." Dinampian niya ng halik si Iñigo sa labi.

"It's never gonna happen. Halika na." Tumango si Iñigo at sabay na nga silang lumabas ng silid.

NARATING nila ang isang five star hotel sa kung saan idaraos ang birth party. Agad silang sinalubong ng isang staff at giniya sa table na pina-reserve niya kunyari. Very romantic ang ambiance ng lugar. Nang makaupo na sila ay umalis muna ang staff at nagpalinga-linga naman si Andra sa paligid. Napansin iyon ni Iñigo.

"Problem?" Umiling si Andra.

"Nothing" Muling bumalik ang staff.

"Ma'am, Ise-serve na po namin ang food?" Tanong nito.

"Yes please." Sagot ni Andra at muling umalis ang staff.

"Um. Iñigo, powder room lang ako." Tumango naman si Iñigo.

Tumayo nga si Andra at nagpunta sa kung saan. Hindi naman talaga siya sa powder room pupunta. Agad siyang sinalubong ng staff ng hotel na nag assist sakanila. Wala naman talagang pagkaing Ise-serve.

"This way, ma'am." Agad siyang giniya nito sa kung saan at nagpatianod naman siya. Nakita niya agad si Madam Sonia at agad siyang lumapit dito. Nagbeso sila.

"Everything is perfect Andra. Nandiyan na rin ang mga bisita." Sabi ni Madam Sonia.

"Okay, that's good." Excited niyang sabi. Ang gagawin na lang nila ay pupunta sa garden kung saan idaraos ang party. Kay Iñigo naman ay staff na ang bahala para magpunta sa lugar na pagdaraosan ng party.

"So let's go." Nagpunta nga ang dalawa sa garden.

Paglabas nila ng garden, nakita nga niyang mukhang nandoon na ang lahat na imbitado. Nandoon din ang mga magulang niya at si Gelo na inakala ni iñigo na nasa magulang niya. Nakita niyang nandoon na rin mga kaibigan niya at maging si David. Agad niya itong nilapitan.

"Dave, pumunta ka."

"Of course, matatanggihan ko ba ang imbitasyon mo. Tska isa pa 4 years na rin akong hindi naka-dalo sa kaarawan ni Iñigo." Wika nito at nagyakap sila nito.

"Thank you." Aniya at nagkalas ng yakap.

"Hi Cassy" Napangiti siya ng marinig ang pagtawag na iyon sakanya. Alam na alam niya na kung sino iyon dahil isa lang naman ang tumatawag sakanya ng ganoon. Agad siyang lumingon.

"Miguel, you came." Humalik ito sa pisngi niya. Inimbitahan niya rin kasi ito.

"Para sa 'yo Cassy."

"Andra hija, baka papunta na si Iñigo." Wika ni Madam Sonia.

"Oo nga pala, okay na naman po ang lahat."

"Doon na tayo." Nagpaalam lang muna siya kila Miguel at nagpunta nga sila sa may bandang unahan para doon sila pumwesto sa pagabang sa pagdating ni Iñigo.

Pero bahagya siyang natigilan ng mukhang nag iba ang ayos ng set. May Aisle dito bigla at ayon sa napagplanuhan wala namang ganito. May red carpet pa ito. Lumingon siya kay Madam Sonia, nilahad lang nito ang kamay na ngiting-ngiti.

"Walk in the aisle hija." Madam Sonia commanded. Confusion written all over her face.

"Just do it Andra." Wika naman ni Reghie. Tumingin siya sa magulang niya na nakangiti rin. Muli siyang humarap sa aisle at kahit naguguluhan man ay naglakad na lang din siya.

Nagsimula din ang pagtugtog ng apat na violinists. Naisalikop na lang ni Andra ang mga kamay niya habang naglalakad. Nasa kalagitnaan na siya ng pasilyo ng biglang lumabas si Iñigo sa dulo nito. Lalo siyang naguluhan sa mga nangyayari. Ang kaninang kaswal na suot nito ay ngayon ay pormal na pormal na.

He's now wearing black tuxedo. Mas lalo itong naging gwapo sa paningin niya. Ang mga ngiti nitong nakakatunaw ng puso at nakakapanghina ng tuhod. No doubt! He's the definition of perfect.

Nang makalampit siya dito. "What is this all about?" Tanong niya dito na hindi parin makuha ang mga nangyayari. Lumapit si Iñigo kay Andra at marahang kinuha ang kamay niya.

Pinakatitigan siya nito at mga ilang sandaling nakatingin lang sakanya na hindi nagsasalita. Animo'y pinagaaralan nito ang bawat angulo ng mukha niya. Huminga muna ito ng malalim bago nagsalita.

"The first time I saw you, my heart whispered. Iñigo, she will be your wife." Napapikit si Andra sa sinabi nito. Lalo na ng marinig niya ang tawanan sa pligid nila.

"I know that was corny, but that was true and I want to thank you for your stupidity to enter into a wrong room." Pinangdilatan niya ito ng mata at nagtawanan uli ang lahat.

"They already knew about that, don't worry." Sabay kindat pa nito sakanya.

"Seriously Andra, I'm very happy at hindi ko pinag sisihan ang nangyari noon. I tried to find you before, pero bigo ako. But god is really really good for bringing you back to me. Ikaw at si Gelo ang taong nagpapasaya sa 'kin Andra, ang pinakamahalaga sa buhay ko. Ikaw ang gusto kong makita sa tuwing gigising ako sa umaga. Gusto kong naririnig lagi ang pagkanta mo sa tuwing naliligo ka." Natawa ng mahina si Andra sa huling sinabi nito.

"Gusto ko rin ang scramble egg na niluluto mo sa umaga. 'Yon ang scramble egg na pinakamasarap na natikman ko." Napangiti si Andra. Siguro kung sila lang dalawa nakurot na naman niya ito.

"I want to be with you until we grow old." Tumingin si Iñigo sa deriksyon kung saan ang mga magulang at kaibigan niya.

Doon naman nagsimulang maglakad ang anak nila sa aisle papunta sa kanila. Cute na cute ito sa suot na tuxedo na parehas ng sa ama. May dala itong white heart shape foam. Napaawang ang labi ni Andra sa nakita, lalo ng makita niya ang dala ni Gelo na may nakapatong na isang singsing. Agad na naginit ang sulok ng mata niya. Ngayon alam na niya kung ano ang ibig sabihin nito. Ang bilis-bilis ng tibok ng puso niya bigla. Nangmakalapit ang anak nila.

"Mommy, the answer is only yes." Gelo said. Iñigo sat on a squat position to reach his son. He took the ring and patted his son's head.

"Don't worry son, mommy, had no choice but to say yes." He assured his son. Muling tumakbo si Gelo pabalik sa mga lola niya at hinarap naman ni Iñigo si Andra na parang naiiyak na ang itsura.

"I will not ask you if you want to marry me Andra." He gently grabbed her left hand.

"Because whether you like it or not, you will marry me and, you will be my wife." He said as he slowly slipped the ring onto her finger. Andra was struck dumb with astonishment and surprise. She was never expecting this.

Ang buong akala niya si Iñigo ang sosorpresahin nila. Nangilid ang luha ni Andra dahil sa mga nangyayari. Ang isang bagay na pinakaaasam-asam niya ay nangyari din sa wakas.

Hinawakan ni Iñigo ang kabila niyang pisngi.
"Hindi ka naman siguro tatanggi diba?" Tumulo na ng tuluyan ang luha ni Andra. Agad namang hinawakan ni Iñigo ang magkabila niyang pisngi at marahang pinahid ang mga luha niya.

"Why?" He asked

"A-akala ko kasi... hindi mo ako gustong pakasalan eh." Ngumiti si Iñigo.

"Kung alam mo lang na matagal ko na 'tong gustong gawin. Pero gusto ko kasi perfect ang lahat eh. Isn't it perfect? Papakasalan mo naman ako diba? Kung sakali mang hindi perfect ang proposal."

"This is more than perfect Iñigo. And yes, I will marry you." Lumapad ang pag kakangiti ni Iñigo. Nagyakap ang dalawa at napuno ng masigabong palakpakan ang buong lugar.

Nag uumapaw ang kaligayahan sa puso ni Andra. Ngayon, masasabi na talaga niyang wala na siyang mahihiling pa.

"I love you Andra."

"I love you too Iñigo. I love you so much." Mahigpit ang pagkakayakap niya kay Iñigo. Kumalas sila ng yakap sa biglang pagyakap ng anak nila sakanila.

"I will be a ring bearer again ah!" Natawa na lang sila sa sinabi nito. Binuhat 'to ni Iñigo at hinalikan si Andra sa pisngi.

Marami ang bumati sakanila. Alam pala ng lahat ang nangyari. Si Andra pa mismo ang nag asikaso ng lahat lahat dito. Iyon pala ay suprise ito para sakanya. Kahit sila Preyh at Reghie ay alam na rin ang tungkol dito. Pero a week ago lang nang malaman nila ang tungkol dito.

"Paano ba yan? Inunahan mo na ako, magpapakasal ka na." Wika ni Aiken.

"Pihikan ka kasi eh. Wag kang mag alala, makakahanap ka rin." Niyakap siya ng kaibigan. Lumapit naman si Miguel kay Andra.

"Cassy, congrats." Bati nito sa kanya.

"Thanks Miguel." Nailing si Miguel.

"I didn't expect this, perfect proposal. Aaah! Parang nadurog ang puso ko." Humawak pa ito sa sariling dibdib.

"Miguel naman eh. I'm sorry, hindi ko talaga 'to alam."

"It's okay. As long na masaya ka, masaya na rin ako para sa 'yo."

"Thanks" Niyakap niya ito. Alam niyang hanggang ngayon may gusto parin sa kanya si Miguel. Vocal ito sa nararamdaman nito para sakanya. Ilang buwan na ang lumipas pero hanggang ngayon sinasabi parin nitong gusto parin siya nito.

Nagbitaw sila ng yakap. "Bakit ang hirap mong kalimutan Cassy? Tsk. Hindi naman naging tayo pero pakiramdam ko nadurog ang puso ko talaga."

"Ibang klase ka talaga Montecillo." Bigla ang pagsulpot ni Iñigo.

"Kailangan mo ba ng instant glue? Bibigyan kita, pang buo ng durog mong puso." Ngumisi si Miguel.

"Durog nga eh! Kaya bang buuin ng glue 'yon?"

"Hey, hey! Ayan naman kayong dalawa eh. Bakit ba pag kayong dalawa ang nag-uusap hindi ko makitang CEO at COO kayo. Parang kayong mga bata." Saway ni Andra sa dalawa.

"I look younger than my age. But Galvez.... Isip bata." Mapanuyang sabi ni Miguel.

"Whatever Montecillo! Hiramin ko muna ang asawa ko ah." Nakangising sabi ni Iñigo. Inakbayan ni Iñigo si Andra at giniya palayo. Pero huminto uli ito at nilingon si Miguel.

"Move on dude." Pinalo ni Andra sa t'yan si Iñigo.

"Iñigo, ikaw ah." Ngumiti si Iñigo at hinalikan siya sa pisngi.

"Biro lang, mukhang natuwa naman siya sa joke ko oh!.... Ahaha! Halika ka nga, sayaw tayo." Ani nito dahil pinangdilatan siya ni Andra. Nagpunta sila sa gitna at sumayaw ang dalawa habang pumapailanlan ang romantic music sa paligid.

"Ikaw Mr. Galvez, tigilan mo naman si Miguel." Hinapit ni Iñigo sa baywang si Andra.

"Biro lang 'yon." Dinikit ni Iñigo ang noo sa noo niya at pinulupot naman niya ang mga braso niya batok nito.

"Masayang-masaya ako Andra." Wika ni Iñigo.

"Mas masaya ako Iñigo. Akala ko wala kang planong alokin ako ng kasal."

"Pwede ba 'yon? Matagal ng plano 'yon. Noong naging tayo palang, sinabi ko na sa sarili kong pakakasalan kita." Bahagyang naglayo ang mga noo nila.

"Grabe! Ang galing niyo ni mommy Sonia, wala akong ka-id-idea dito. Excited pa naman akong e-surprise ka. 'Yon pala, ako ang masosorpresa ng husto." Natawa ng mahina si Iñigo.

"Salamat Iñigo"

"No Andra, thank you dahil dumating ka sa buhay ko. Mahal na mahal kita. Wag mag babago ang isip mo ah." Natawa ng mahina si Andra sa sinabi nito. Niyakap niya si Iñigo.

"If it will happen, siguro kung may isang mabigat na dahilan lang. Pero hinding-hindi mangyayari 'yon, at walang bagay na pu-pwedeng makapag pabago sa isip ko. Ikaw ang buhay ko Iñigo, ikaw at si Gelo. Ikamamatay ko kapag nawala ang kahit na isa man sainyo." Niyakap siya ng mahigpit ni Iñigo.

"Ako din Andra." She closed her eyes to savor the moment.

_______
I know this chapter is lame... pero masaya naman nag propose na si Gelvez... alam kung umuusok na ang mga ilong niyo dahil parang walang balak pakasalan ni Iñigo si Andra. Kaya ayan na!

Continue Reading

You'll Also Like

2M 24.8K 48
Soon to be Published Solana's mother works as a maid for Yleo's family, but in an unexpected event her mother passes away. Before it disappeared fro...
4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
248K 2.6K 64
Elmo Magalona (22 years old) a famous actor is in love with his long time bestfriend also his co-star Actress Lauren Young (23 years old) but she lik...
10.5M 10.3K 3
Mysterious. That's the most appropriate word that would describe the eldest among the Filan brothers.