𝙵𝚘𝚘𝚕𝚒𝚜𝚑 𝙷𝚎𝚊𝚛𝚝 | �...

By Keitesbrute_

15.5K 1.1K 50

UNDER REVISION [ᴄʜᴀꜱᴇ ᴍᴇ ꜱᴇʀɪᴇꜱ #2] There was an almost perfect friendship between Maria Alexis Penelope and... More

ᴅ ɪ ꜱ ᴄ ʟ ᴀ ɪ ᴍ ᴇ ʀ
PROLOGUE
𝑪𝑯𝑨𝑹𝑨𝑪𝑻𝑬𝑹𝑺
FOOLISH HEART 01
FOOLISH HEART 02
FOOLISH HEART 03
FOOLISH HEART 04
FOOLISH HEART 05
FOOLISH HEART 06
FOOLISH HEART 07
FOOLISH HEART 08
SHARE KO LUNGS
FOOLISH HEART 09
FOOLISH HEART 10
FOOLISH HEART 11
FOOLISH HEART 13
FOOLISH HEART 14
FOOLISH HEART 15
FOOLISH HEART 16
FOOLISH HEART 17
FOOLISH HEART 18
FOOLISH HEART 19
FOOLISH HEART 20
FOOLISH HEART 21
FOOLISH HEART 22
FOOLISH HEART 23
FOOLISH HEART 24
FOOLISH HEART 25
FOOLISH HEART 26
FOOLISH HEART 27
FOOLISH HEART 28
FOOLISH HEART 29
FOOLISH HEART 30
FOOLISH HEART 31
FOOLISH HEART 32
FOOLISH HEART 33
FOOLISH HEART 34
FOOLISH HEART 35
FOOLISH HEART 36
FOOLISH HEART 37
FOOLISH HEART 38
EPILOGUE
New Story Alert!

FOOLISH HEART 12

256 30 1
By Keitesbrute_

MA. ALEXIS PENELOPE


Pumasok na ako sa banyo at agad na naligo, pakanta-kanta pa ako habang nagsa-shower.



Kulang na nga lang ay kumaldag na ako rito dahil sa kinakanta ko.



Sumayaw sumunod sa sexbomb
ibomba mo, ibomba mo!



Kinuha ko ang sabon at kiniskis ito sa aking katawan. Kailangan malinis tayo kapag kasama si mahal.



Pagkatapos kong nagsabon ay nagbanlaw muna ako at nag shampoo.



Sumayaw sumunod sa sexbomb
Ibomba mo, ibomba mo!

(Woah) Sumayaw, sumunod
Sumayaw, sumunod
Sumayaw, sumunod
Here we go!



Binuksan ko ang shower, at hinayaan ang tubig na bumagsak sa kawatan ko.




Ang kasiyahan ng tunay na pagmamahalan
Ay mararamdaman lalo na't kung nagsasayawan




Pagkatapos ko maalis ang bula sa aking buhok, nag conditioner na ako.Binabad ko muna ang conditioner sa aking buhok at nagsipilyo muna. Ilang minuto lang ay natapos na ako sa pag-ligo.





Kaya nagtapis na ako at lumabas sa banyo




Pagkatapos kong magpunas, nagbihis na ako. Nagsuot ako ng slacks at polo. Mas comfortable. Humarap ako sa malaking salamin dito sa kwarto ko at tinignan ang aking sarili.




Kinuha ko ang aking phone upang icheck kung anong oras na, 5:45PM na, nagpasya akong itext si Astrid.



Me:

Mahal, ingat ka sa byahe ah? Uuna na ako doon, hintayin nalang kita.




Hindi ito nag reply, baka naliligo or nag-aayos palang kaya lumabas na ako ng bahay dala-dala ang bigay na gitara ni Keizel.




Haharanahin ko siya mamaya. Iniisip ko palang kinikilig na ako kaagad!



Dadalhin ko muna itong kotse ni papa, para fresh parin ako pagdating sa tagpuan namin.


Baka mamaya pag dating ko ron pawisan na ako sa sobrang haggard, eh.



Hindi ko madadaanan si Astrid sakanila, dahil wala ito sa bahay nila.




Nagdrive na ako papuntang park. Ilang minuto lang ang tinagal ko sa byahe, dahil malapit lang naman ito. Pinark ko muna ang kotse  at nagpunta sa bench at umupo roon.



May nakita akong nagtitinda ng bulaklak kaya tumayo ako at tinungo ang tindero.




"Magkano po itong Red rose manong?"




"25 isang piraso neng, bili ka na." Nakangiting wika nito



"Sige po manong, bigyan mo ako ng lima." Ngiti ko rito, inabot nito ang limang Rosas, binayaran ko ito agad at bumalik na sa bench.



Lima binili ko, para I LOVE YOU SO MUCH hehe. Palubog na ang araw, marami na ang nagsisi-uwian dahil padilim na nga.



Kinuha ko ang aking phone, 6:35 P.M. na pala pero wala pa ito.


Ang bagal talaga mag ayos ng isang iyon, eh.

Me:

Mahal andito na ako sa Park, andito ako sa bench ah. Iloveyou. Mag iingat ka:) see you!



Nakangiti akong nakatitig sa rosas na hawak ko, sure naman ako na magugustuhan niya ito.




Tinatry ko muna tumugtog sa gitara. Kinakabahan ako dahil ito ang unang beses na gagamit ako ng gitara sa harapan niya.



Paonti na nang paonti ang tao, pati ang mga ibang tindera/tindero ay umaalis na. Pero hinayaan ko lang ito, baka na traffic na naman ang babaeng yon.




8:45 P.M. na pala, ang bilis ng oras hindi ko man lang napapansin.




Wala parin siya, ang bilis naman ng oras, pero nasaan na kaya yon? Bakit ang tagal niya? Active naman ito pero hindi nagrireply.




Palipat-lipat na ako ng upuan para lang hindi ako antukin.



Me:

Na traffic ka ba? Ingat ka, hintayin kita rito sa may swing. Mag ingat ka dahil at gabi na.




Pagsend ko nang message ay luminga ako, ako nalang ang natira mag-isa rito.



Your name is a triangle
Your heart is a square
I love to see you
Way over there
Once I was happy



Narinig ko ang pagtugtog nito. Luminga ako kung saan nanggagaling ang tugtog, nasa kabilang bench lang pala nagsa soundtrip.



Buti kahit papaano ay may kasama pa ako rito.



You found it intriguing
Then you got to me
And left me waiting



Pero kahit ganon pa man ay natatakot ako, pero hindi ako pwede umalis dito. Baka pag dumating siya hindi nya ako makita.




9:15 P.M.  Bakit sobrang bilis ng oras?



Wala parin itong reply sa mga chats ko, at wala pa akong nakikita na Astrid ngayon.




You make me feel like a fool waiting for you
You make me feel like a fool waiting for you




Agad akong natigilan sa pag titig sa bulaklak na hawak ko dahil sa lyrics ng kanta.




I thought we could eat bread
I thought we could talk
On darker days


Hindi ko na lamang iyon pinansin at naghintay nalang. Baka mamaya meron na siya.




Ang tagal naman, sobrang dilim na rin kasi ng langit, nasaan ka na ba?



9:35 P.M. na ng may natanggap akong tawag galing jay Zyreign. Agad ko naman itong sinagot.


*On call*

"Lexi, asaan ka? Punta ka nga—"



Pinutol ko kaagad ang sasabihin nito.


"Andito ako sa Park beh, hinihintay ko si Astrid dahil magdidate kami." Nakangiti kong sagot.




"Ha? Nakita ko sa Mall si Astrid, kasama si Bryce at mga barkada niya. Paanong magdidate kayo?" Kahit hindi ko siya nakikita ay alam kong naka kunot na ang noo nito.


Ngunit natigilan ako sa sinabi nito. Paanong nandoon siya?




"H-ha? Sira, baka namalik-mata ka lang. Magpa EO ka na, beh."




"Sure ako, 100% Alexis. Umuwi ka na gabi na Alexis baka mapano ka pa dyan. Uutosan kasi sana kita pumunta kay Chloe, pero sige na umuwi ka na."




Hindi ko na sinagot ito at binabaan na ito ng tawag, akala ko ba ako ang ididate? Tangina, umasa na naman ako.




Ang tanga-tanga mo talaga kahit kailan, Alexis! Lahat ng katangahan sa mundo nasalo ko na yata.



Sobrang late na pero mas pinili ko parin manatili rito para hintayin siya. Pero ganito ang kinalabasan?



Ganun ba niya ako hindi ka-gusto?




Ganon ba ako ka walang kwenta para sakaniya?



With our boots kicked off
You look to me
And I look away
Though I had been looking


Bakit niya kilangang gawin ito sa akin? Astrid, ano ba ang ginawa ko sayo'ng masama?




Hindi ko na mapigilan pang maiyak dahil sa sobrang sakit, nakayuko lang ako at tahimik na umiiyak.


Hindi ko kinakaya itong nararamdaman ko ngayon. Sobrang tanga ko talaga, ang tanga tanga ko!



Iyak lang ako nang iyak nang biglang may nakita akong may nagaabot ng handkerchief sa harap ko, nag angat ako ng tingin upang makilala ang taong ito.




Mas lalo akong napaiyak dahil sa taong nakatayo ngayon sa harap ko, hindi ko na mapigilan pang yakapin ito.




"M--maddie..." Hagulgol ko sa balikat nito.



Sobrang bigat ng nararamdaman ko ngayon.




"Ssshh.. iiyak mo lang, andito lang ako sshh." Saad nito at hinahaplos ang likod ko.




Ang bigat ng nararamdaman ko, umasa na naman ako.




Bakit kapag iyong time na nadudurog ang puso ko, saktong nandiyan kaagad si Mads?




Kapag kailangan ko ng karamay, nandiyan siya kaagad at handa akong damayan.





Kapag may gusto akong puntahan, oo kaagad si Mads.





Pero bakit itong bagay na ito, bagay na siya naman ang nag aya hindi kayang panindigan ni Astrid?




Ganon ba ako kawalang kwenta sakaniya?




Ganon ba kadali sakaniyang kalimutan na nandito ako't nag hihintay?



You make me feel like a fool waiting for you
You make me feel like a fool waiting for you


Naghintay na naman ako sa wala.


•••••

"Sige nga itry mo nga ako tugtogan niyang  gitarang iyan at ako ang kakanta." Wika ni Mads saakin kaya napangiti ako.



Narito parin kami sa park at nakaupo kami ngayon sa Bermuda grass at may kaharap kaming mga pagkain.



Sabi kasi saakin ni Mads kami nalang magtuloy sa naudlot na date namin ni Astrid.



"Kung sad ka try mo ilabas yang sama ng loob mo sa pag kanta o pag tugtog." Saad nito at kumuha sa pizza saka ito kinain.




Bigla kong naalala si Keizel, ayan din kasi ang sinasabi niya saakin kapag nalulungkot. Ganon din kaya gawain niya?




Tumango ako sakaniya bilang pag sang ayon at kinuha ang gitara. Salamat talaga kay Keizel sa pagtuturo saakin sa instrumentong ito.



Huminga ako ng malalim bago sinimulang tumugtog sa hawak kong gitara. Napapikit pa ako upang damhin ang pag tugtog nito.



"Wews, bagay na bagay saating dalawa ang kantang iyan." Sabi ng kasama ko kaya napadilat ako.



Ngumiti ito saakin at sinimulan niyang kumanta.


Why don't u try
To open up your heart
I won't take so much of your time…



Magkatitig lamang kaming dalawa. Ang lagkit ng titig niya saakin, anong meron?




Maybe it's wrong to say please love me too
Coz I know u never do
Somebody else is waitin' there inside for you



Patuloy lamang ako sa pag gigitara habang nakatitig sakaniya. Kung titignan mo siya ay parang damang-dama niya ang kanta.



May pinagdadaanan din yata ang isang ito, kaso hindi naman siya naguopen up saakin, baka hindi pa siya ready.



Maybe it's wrong to love you more each day
Coz I know she's here to stay...
But I know to whom you should belong




Pumikit pa ito at sinapo ang kanyang dibdib kaya natawa ako. Ang oa talaga nito minsan.



Tumingin ito saakin at natawa rin dahil sa kagagohan niya.



"Dapat ganon kapag kakanta ka dapat with action para ramdam." Sambit nito kaya natawa kami lalo.



Kahit papaano ay naging magaan na ang nararamdaman ko dahil sa babaeng kasama ko ngayon.



"Bakit anong ginagawa mo rito sa Park?" Tanong ko sakaniya at uminom ng beer na nasa can.




Hindi naman kami maglalasing, tig isa lang naman kami.



"Galing kasi ako sa 7/11 tapos ayon napadaan ako rito. Tatambay din ako rito ng panandalian lang sana, tapos ayon nakita kita rito." Pag kwento niya at ngumiti saakin.



Namula naman ako dahil sa sinabi niya. Parang naabala ko pa ang me time niya.



"Th–thank you, Mads." Nahihiyang sabi ko kaya ngumiti ito saakin at tumango lamang.



"Walang problema roon. Basta kapag may problema ka magsabi ka lang saakin."



"Ikaw nga yata ang may problema riyan, kung maka kanta ka kanina para kang broken hearted." Naiiling na sabi ko kaya natawa siya. Siraulo talaga ito


"Baliw, wala akong problema. Ganon lang talaga ako kumanta napaka oa, diba?"



"Sobra!" Pag sang ayon ko kaya natawa ito at pinisil ang aking pisngi.



Ang sakit, ha! Kanina pa tawa nang tawa ang isang ito, lasing na yata ang babaeng ito.

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 52K 98
Maddison Sloan starts her residency at Seattle Grace Hospital and runs into old faces and new friends. "Ugh, men are idiots." OC x OC
174K 9.4K 44
╰┈➤ *⋆❝ 𝐲𝐨𝐮 𝐭𝐡𝐢𝐧𝐤 𝐢'𝐝 𝐩𝐚𝐬𝐬 𝐮𝐩 𝐚 𝐟𝐫𝐞𝐞 𝐭𝐫𝐢𝐩 𝐭𝐨 𝐢𝐭𝐚𝐥𝐲? 𝐢 𝐥𝐢𝐭𝐞𝐫𝐚𝐥𝐥𝐲 𝐤𝐞𝐞𝐩 𝐦𝐲 𝐩𝐚𝐬𝐬𝐩𝐨𝐫𝐭 𝐢𝐧 𝐦𝐲 �...
356K 15.3K 39
જ⁀➴ᡣ𐭩 hidden, various hazbin hotel characters x female reader જ⁀➴ᡣ𐭩 𝑰𝒏 𝒘𝒉𝒊𝒄𝒉 we follow an angel named y/n, who had her bes...
967K 24.2K 23
Yn a strong girl but gets nervous in-front of his arranged husband. Jungkook feared and arrogant mafia but is stuck with a girl. Will they make it t...