Twisted Fate

By BrayowYow

4.6K 378 175

Noong una, simple at masaya lamang ang buhay ni Kaye de Vera, isang simpleng babae na mayro’ng ‘di kaaya-ayan... More

Note
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10

Chapter 3

395 38 25
By BrayowYow

Chapter 3

Bestfriend

*****

Kaye's POV

Pagkamulat ng mata ko, tumingin ako sa may Alarm Clock ko.

5:56

Nagulat ako sa nakita ko. Nalate nanaman ako ng gising. Hindi ako nagmamadali kasi late ako, nagmamadali ako kasi sila James ang mag l-lead ng flag ceremony sa school. Mayroon kasi kaming flag ceremony sa school every Monday and Wednesday.

Bakit ako nagmamadali eh kung si James naman ang mag l-lead? Dahil order yun ng Principal. Kailangang pumasok ng mga estudyante bago magsimula yung ceremony. 

Mag-eexercise din kasi kami pagkatapos. At sila James pa rin ang nagl-lead. Tuwang tuwa kasi ako, na makikita ko si James na nag-eexercise at pinagpapawisan. Grabe! Lalo siyang nagiging gwapo kapag ganoon! Kaya imbis na mag-exercise yung mga babae, ay nakatingin at nag lalaway na lang sa kanya.

OMG! Bilisan mo Kaye! Baka hindi ka umabot!! Pinagsasarhan kasi ng Gate yung mga mabubuting estudyante na na-late at hindi na pinapapasok.

Kaya ako aligang aligaga ngayon...

Hay salamat! Naabutan ko kasing nag-preprepared pa lang sila. Sulit naman yung pagmamadali ko. Dumaretso naman agad ako sa may room namin, kasi hindi pa naman mag-uumpisa yung flag ceremony.

Naabutan ko si Boy na nakatingin sa blackboard. Walang naririnig. Walang pakialam sa paligid. Para bang may iniisip na malalim. Kaya ako si loka loka, ay may naisip na kalokohan.

Dumaan ako sa may gilid niya. At sa inaasahan, hindi niya ako napansin. Hindi man lang niya binati ako. Halata talagang may pinagdadaanan sa buhay.

Ibinababa ko muna yung bag ko sa may upuan. Ikinuha ko yung laruan kong ipis at ibinato sa may harapan niya. Hindi niya to pinansin kaya sumigaw ako...

" May ipis! " tili ko na kala mong gulat na gulat.. Kuno. Nabuhayan ulit si Boy at tumingin tingin sa paligid hinahanap kung nasaan yung ipis.

Nung nakita niya yung ipis sa may harapan niya, nanlaki ang mga mata niya at siya ay nanginginig sa takot. Agad niya akong niyakap na parang poste.

" Tanggalin mo 'yan please! " Mangingiyak na utos niya sa akin. Naalala ko, takot na takot nga pala siya sa ipis. Siya lang ang lalaking kilala kong takot sa ipis. Nang makita ko siyang umiiyak, nakaramdam tuloy ako ng awa. Nahabag tuloy ako sa nagawa kong panloloko ko sa kanya.

Hinigpitan niya pa yung yakap sa akin, nung hindi ko pa rin tinatanggal yung ipis. Eh paano ko naman gagawin yun, nakayakap ka kaya sa akin.. Hello??

" W-wag kang matakot Boy, l-laruan lang yan. " Grabe! Hindi na ako makahinga sa sobrang higpit.

" B-basta! T-tanggalin mo yan! " sabay turo niya doon sa may ipis

" O-oo! B-basta bitawan mo muna ako! H-hindi na ako makahinga! " Tinanggal niya naman agad yung pagkakayakap sa akin at lumayo doon sa may upuan.

Tinapon ko na agad yung ipis, kaya bumalik agad siya doon sa upuan niya na parang walang nangyari.

" Takot ka pa rin pala sa ipis? " biro ko. Tinignan niya lang ako ng masama at...

" Ewan! " sabay tingin niya ulit doon sa may blackboard.

Si Boy kasi yung tipo ng lalaki na matapang sa lahat ng bagay maliban sa ipis. Sabi niya sa akin, patalunin mo na daw siya sa sobrang taas na building, iligay mo na daw siya ng cage ng ahas at tigre, basta iligay mo daw siya sa katakut takot na bagay... Wag lang daw sa ipis.

Tanda ko pa noong una kami nagkakilala at naging mag bestfriend...

" A-ako nga pala si Brian. Brian Fuentes " Pagpapakilala niya sabay upo niya ulit. Si Brian... Isang supladong lalaki para sa ibang hindi nakakakilala sa kanya. Lalaking may kaputian na kutis, may masungit na mukha, may brown na mga mata at may hindi gaanong katangos na ilong. Simpleng lalaki kumbaga.

Ngayon kasi, nagpapakilala kami isa isa. First day of school bilang first year.

" A-ako naman si Kaye. K-kaye de Vera.. " nauutal kong pagsasalita sabay upo ko. Nahihiya at kinakabahan kasi ako sa mga ganitong bagay. Lalo na ng napansin kong nagbubulung bulungan yung mga babae na nasa tabi ko at nagtatawanan..

" Grabe! Ang panget niya no? "

" Oo nga! "

" Babae ba talaga yan? "

Pinipilit kong wag maluha kasi baka sabihan akong iyakin. First day pa naman ng klase. Kaya, nag kunyari na lang akong natutulog. Habang nagkukunwari, naririnig ko pa rin yung mga panlalait nila sa akin. Pero may isang lalak.. Kahit paano ang nagpatigil sa kanila..

Brian's POV

Hindi ko na to kaya! Ayaw na ayaw ko sa lahat ay yung nakakita ako ng babaeng umiiyak. Kahit mayaman o mahirap man yan.. Maganda o pangit man yan. Kaya kailangan ko silang patigilin.

Bigla kong hinampas yung mesa ng armchair ko at tumayo. Natigil na rin sa wakas yung pagbulong nung mga babae at nakuha ko yung mga atensyon nila.

" O bakit, Mr. Fuentes!? May problema ka ba!? " gulat na gulat na tanong ni Mam. Ikaw ba naman ang hindi magulat kung bigla biglang may nagwala sa klase mo.

" M-mam! " sabay hawak ko sa aking kalamnan " Pwede pong mag-CR "

" O-o S-sige! "

Bago ako umalis, nakita kong nagtawanan yung iba. At yung mga maaarteng babae ay mga nakahawak sa ilong. Eh hindi naman ako umutot. Halata namang palusot lang yun eh.

Alam kong mabu-bully na ako sa mga susunod na araw. Aasarin na.. unang pagpasok ko pa lang na First year ay hindi na ako nakapagpigil magbawas. Pero para sa akin, okay na rin yun. Kahit na panandalian, ay nakita kong ngumiti ang isang katulad niya.

Pumunta lang ako kunyari sa CR at naghintay ng ilang minuto. Pagkatapos nun, ay bumalik naman agad ako sa room. Wala si Mam.. Oo nga pala, recess na.

Habang papunta sa may upuan ko, para kunin yung wallet ko. Napansin kong diring diri sila sa akin at mga nagsilayuan. Mga maarte. Kala mong mga hindi nadumi.

Nakuha ko na yung wallet ko. Paalis na sana ako nang..

" Eto oh.. " sabay abot ng isang babaeng may mahabang itim na buhok, madaming tigyawat, pero sabihin na nating maganda siya in exotic way. May inaalok siyang sandwich at isang chocolate drink.

Tinitigan ko lang yung ibinibigay niya sa akin.. Nang marealize ko. Siya nga pala yung babaeng dahilan kaya ako nag CR ng wala sa oras.

Mahirap tumanggi sa blessing.. Kaya kinuha ko rin to at inilagay sa may upuan ko.

" Salamat kanina ha! " nakangiti niyang pahayag habang nakahanda yung kamay sa pag-shshake hands. Sabihin na nating hindi nga ako nag CR, pero hindi siya nandidiri man lang sa kamay ko? Sabagay..

Nakipag kamay naman ako sa kanya at nginitan ko siya. Minsan ko lang yun gawin. Hindi kasi ako yung tipo ng taong kayang mameke ng ngiti. Kung masaya ako, kaya kong ngumiti. Pero pag hindi naman, hindi ko talaga kaya.

" Ako nga pala si Kaye. " pagpapakilala niya sa akin. Kahit paano pala, kapag tinignan mo siya ng mabuti...

Isa talaga siyang pangit na tao. Hahahaha joke! Pero sa tingin ko, mabait siyang tao. Alangan! Ang pangit naman tignan di ba kapag pangit ka na nga.. pangit pa ugali mo. O diba special package? Hahaha.. Pero hindi siya ganoong tao. Iba siya.

" Ako naman si Brian. " sabay tanggal ko doon sa pagkakahawak niya sa akin. " Wag mo ng alalahanin yun. Wala yun sa akin "

Napansin kong pinagtitinginan kami nung mga kaklase ko, kaya nag pasya na lang akong umalis..

*****

Pagkatapos mag turo ni Mam, ay agad naman siyang umalis. Pero ang ipinag tataka ko.. Imbis na linisin nila yung blackboard.. Nagdradrawing pa sila ng kung ano.. Isang baboy, isang puso at isang babae.

At may nakalagay na... Baboy love Girly.. Pagkatapos nilang magdrawing, ay agad agad silang tumakbo. Natira na lang kaming 3.. Si Kaye, si Alex ( Babae si Alex. Babaeng itim rin ang buhok at mahaba. May mapungay na mga mata at matangos na ilong ) at siyempte ako...

Nakita kong naluluha si Kaye sa nakita, kaya agad agad ko tong binura. Ito nanaman kasi siya. Iiyak nanaman! Napaka iyakin ng babaeng to!

" Bye bye! " sabay na nagpa-alam sila Alex. So ang ibig sabihin nun, kami na lang ni Kaye ang nandito sa may room.

Pinunasan ni Kaye yung luha niya sa may mata at ngumiti sa akin.

" Sa-salamat Girly! " What!? G-girly!?

" Bakit naman Girly!? S-saan naman yan nanggaling!? "

Tinawanan niya lang ako at itinuro yung blackboard. Ahh.. Oo nga pala Baboy love Girly yun. Pero bakit girly, ang tawag niya sa akin! Porket hindi ako ganoong katigas katulad ng ibang lalaki!?

" So ikaw pala si Baboy? Hmm.. " sabay inikot ikutan ko siya " Sabagay.. Bagay naman sayo " sabay tawa ko ng malakas. Mas malakas pa sa kanya. Kala mo ikaw lang ang marunong mang asar!? Pwes ako rin! Hahaha

Nag-pout siya sa sobrang asar.

" Sana.. Katulad mo lahat ng ibang lalaki. Mabait at maginoo " nakangiting pahayag niya sa akin. Hindi ko alam.. Pero.. Dahil sa sinabi niya, nakaramdam ako ng saya. Hinding simpleng saya kundi kakaibang saya. Saya na hindi mo makukuha sa iba..

Hinaplos haplos ko yung kanyang ulo dahil na rin sa tuwa.

" Wag ka ng magbiro ng ganyan.. Baboy. Kung nagkataon na nagkatoto yang sinabi mo, siguradong magugunaw na ang mundo sa sobrang gulo " biro ko. Parang nainis ata siya sa narinig. Nag pout na naman eh.

" Oh bakit? " tanong ko. Kasi hindi niya pa rin tinatanggal yung pagkakapout at yung inis niya sa mukha niya.

" Nakakainis lang kasi... Baboy!? Mukha ba akong baboy? " Natawa ako sa sinabi niya. Iniisip ko kasing baboy nga siya na tanging sinasabi ay oink oink in different emotions.

" Oh bakit ka naman tumatawa? " nakanguso niyang tanong.

" Eh kung gusto mo.. Palit na lang tayo at paikliin na rin natin.. Ikaw si Girl. At ako naman si Boy " sabay abot ko ng kamay ko sa kanya. " Deal? "

" Deal! " sabay tanggap niya ng kamay ko..

*****

Simula nun, hindi namin namamalayan na naging close na kami sa isat isa. Halos kasi ng mga kaklase namin, ay nilalayuan kami. Weird daw kasi kaming parehas. Hindi na lang namin sila pinansin at nagpatuloy kami sa mga ginagawa naming dalawa..

Lagi kaming nasa library.. Nagbabasa ng ibat ibang paborito naming libro. Parehas kasi kaming mahilig magbasa. Siguro.. Dahil na rin sa hindi kaya ng katawan naming makipagsabayan sa iba.

Sabay lagi kaming umuwi. At lagi ko rin siya sinuaundo kapag papasok ng school..

" Halika nga kayong dalawa. " sabi ni mam habang nakaway sa amin ni Girl na nasa pintuan. Ipinatawag kasi kami ni Mam sa may office.

" Napansin kong lagi kayong laman ng library at napansin ko ring kayo lang lagi ang magkasama. Alam kong nilalayuan kayo ng mga kaklase nyo. Pagpasensyahan niyo nalang sila ah? " sabay abot niya sa amin ng isang susi.

" Opo... Pero para saan po yan? " tanong ko. Mukha kasing may ipapagawa sa amin si Mam.

" Oo nga po Mam. Mukhang mahalaga naman po yan.. Bakit nyo naman po ibibigay sa amin yan? " tanong ni Kaye.

Nginitian kami ni Mam.

" Kayo talaga! Masyado kayong matanong. Basta! Madumi kasi yung room na yan- "

" Eh kung ganoon naman Mam, bakit nyo po binibigay sa amin yan " sabat ni Girl

" Patapusin mo na muna kasi ako Miss Kaye. Ganito kasi yun.. Madumi yang room-- "

" Eh bakit nyo naman po ibibigay sa amin yan? " sabat nanaman ni Girl. Napansin kong gumagalaw galaw yung kilay ni Mam na parang naiinis na sa kabastusan nito ni Girl. Kaya tinakpan ko na agad yung bibig ng madaldal kong kaibigan.

" S-sige po at magpatuloy na po kayo " sabi ko.

" Salamat, Mr Fuentes. Madumi yang room na yan. Kaya kapag nalinis nyo yan, sa inyong sa inyo na yang room na yan. Pwede nyong gawin lahat ng anong bagay pwera sa .. Alam mo na.. Yung uhmm... " Hay nako Mam! Wag nyo na pong sabihin. Alam ko naman po yun at hinding hindi ko po yun gagawin.

" A-ano pong u-uuhmm!?? " namumilang tanong ni Girl na nakawala sa pagkakatakip ko. Hay nako Girl.. Napaka inosente mo.

" Basta.. Alam nyo na yun. Pero babawiin ko yang room na yan kapag nakita kong madumi yan. Naiintindihan nyo ba? "

" OPO! "

****

Nilinis namin yung room at ginamit. Doon kami laging kumakain ng sabay. Nagtuturuan ng sabay at nagkakatuwaan ng sabay.

Hanggang ngayon.. Ginagamit pa rin namin itong room...

PRINCIPAL : To all students.. Please proceed to the school field for the flag ceremony. Thank you.

" Tara na nga! " sabay hablot ko sa kanya papalabas. Baka asarin niya at takutin nya pa ulit ako.

Pero kahit ganyan lagi ang ginagawa niya sa akin...

Mahal na mahal ko yang tao na yan.

*END*

Magbunyi ang mga TeamBoy! Kung mayroon man. I hope you enjoy this chapter. Thanks again sa pagbabasa ♥

Si Brian po yung nasa taas.

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 53.5K 69
(COMPLETED) After enrolling on her new school, Rue thought that her life would be peaceful unlike with her old school. She loves figthing back then b...
35.1M 1.2M 37
Agatha suffers from a rare disorder that makes her sleep in a long period of time. But what happens when the modern-day sleeping beauty meets an idio...
267K 18.3K 86
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
10K 119 20
Zariyah Krystelle Mariano, Is In love with his dad's personal driver. She confess her feelings to him but, Giovanni Salazar's rejected her. Date Star...