show me my secret crush | fre...

Oleh hsjungjj

3.2K 67 14

freenbecky x englot crossover au | fan fiction | taglish Lebih Banyak

Main Characters
other characters :
SMMSC : [ DISCLAMER ]
SMMSC: F | II
SMMSC | FA I
SMMSC: FA II
• Show Me Your Secret Crush • I
• Show Me My Secret Crush • II
SMMSC | C I
SMMSC: EX---TRA

SMMSC: F | I

562 10 3
Oleh hsjungjj


FRANCESCA's

Good morning beautiful people! Monday nanaman at kailangan ko ng motivation to start my day right. Hirap talaga bumangon kapag walang nagtetext sayo ng goodmorning messag-----*phone beeps*

bb 🐨 💗

good morning babe :*
see you later!
i love you <3

-----

Sabi ko nga babangon na ko pero syempre bago bumangon ay nagreply muna ako. Mabilis kong inayos ang aking kama at naligo na para makapag handa sa pagpasok. 7:15am pa lang naman at 10:00am pa yung pasok ko. Pagtapos kong mag ayos ay bumaba na ko sa kwarto at naabutan ko si ate na busy sa ipad nya.

"Good morning." Bati ko dito ngumiti ito at she mouthed "zoom meeting" while pointing sa ipad nya tumango ako at inayos ang breakfast kong cereal with milk at orange juice. After kong nag breakfast ay nasaktong tapos na din sya sa meeting nila.

"Good morning baby sis---" Niyakap ako nito at pinanggigilan ang cheeks ko kaya marahan ko syang tinulak papalayo.

"Ate yung pawis mo." Maarte kong sabi habang pilit umiiwas sa yakap nya. "Ano ba ate!" Pagkukunware kong naiinis. Ngumuso ito at dahan dahang lumayo sakin. I felt bad tuloy pero bigla ulit itong yumakap at pinanggilan nanaman ako.

"Katatapos ko lang mag work out? Tsaka bakit hindi ko na ba pwedeg i hug ang baby ko?" Sabi nito pagkatapos nya kong yakapin.

"Ate? Hindi na ako baby tsaka---" Pinutol nya ang sasabihin ko at pumamewang pa ito.

"Whatever you say ikaw pa din ang baby ko." Sabi nito sabay takip sa tenga nya kung sakaling mag cocomplain pa ko.

"Tsaka bakit ka nakaganyan kung may zoom meeting kayo?" Napatingin kase ako sa kabuuan ng suot nya. It's a sports bra and a cycling shorts. Obvious na katatapos nya lang mag work out because that is her work out clothes.

"Anong ganyan?" Confused na tanong nito habang nakatingin sa katawan nya.

"Yang suot mo?" Turo ko naman sa suot nya. Napakunot naman ang noo nya habang tinitingnan maigi ang suot nya.

"Anong masama sa suot ko?" Tanong nya naman sakin. I mean there's nothing wrong but isn't it too revealing? Too much skin. I know ate's body is that beautiful pero she's always wearing thin clothes or damit na konti lang yung tela. Napapaisip tuloy ako kung naghihirap na ba kame at nagkukulang sa tela ang mga damit na sinusuot nya. I didn't answer na lang at tumayo na habang nililigpit yung pinagkainan ko. "Katatapos ko lang mag work out and nasakto na may zoom din pala ako ngayon so alangan magpalit pa ako ng damit? Kung maliligo naman ako malelate ako." Pagpapaliwanag nya. Tumingin lang ako dito at tumango. "Don't worry baby, puro naman kame babae dun." Pag aassure nya pa.

"Kahit na ate." Sagot ko lang. Napabuntong hininga ako. I don't know i'm so protective at her that i get mad at times like this.

"Ang protective nanaman masyado alam mo....normal na lang sa paningin ng tao yung pagsusuot ng ganto. And look at me ang sexy kaya." Nag pose pa ito na pang model. May inabot naman ako malapit sa sofa at lumapit kay ate.

"Nope. For me kahit hindi ka magsuot ng ganyan, kahit mag hoodie ka or balutin mo sarili mo sa kumot sexy ka pa din." Ibinalot ko sa kanya yung towel nya na nakalagay lang sa sofa kanina pa. Ano ba naman yung mag towel sya habang may zoom meeting or something that will do to cover her up.

"For real?" Tumango ako ng mabilis at nag thumbs up pa sa kanya.

"Yeah. You're sexy kahit ano pang suotin mo but that is too much skin. Baka magkasakit ka pa." Sabi ko pa.

"Ang sweet mo kailangan mo ba ng dagdag allowance?" Tanong ni ate. She knows i don't like it kapag nagbibigay sya saakin or sila ng extra pera kase i told them na i want to be independent. I have my own business.

"Ate!" Pag wa whine ko. Lumapit ito muli sakin at pinat ang ulo ko.

"Just kidding." Sabi pa nito habang natatawa. "Anong oras pala pasok mo?" Tanong pa nito.

"10 o clock." Sagot ko. Tumingin pa ito sa wrist watch nyang rolex.

"Okay. I'll take a bath first then hatid kita sa school---" Mabilis akong napatayo sa sinabi ni ate.

"Ah..no need ate it's okay. Napag usapan na kase namin ni Kurt na sabay kameng papasok." Winagayway ko ang kamay ko para sabihing wag na at okay lang talaga kahit wag nya na ko ihatid. Tbh ngayon ko pa lang sasabihin kay Kurt sabay na kameng pumasok para may reason ako para hindi ako ihatid ni ate.

"Kurt?" Nakakunot ang noo ni ateng tanong sakin. She knows Kurt he's my childhood friend.

"Yeah?" Tanong ko din.

"Lumipat na sila diba?" They did months ago but they are still living along the village so...

"Yung parents nya lang...yung grandma nya dyan pa din nakatira sa may kanto ng street natin." I lied. I don't exactly know where they lived. Though sabay kameng umuuwi ni Kurt pero naghihiwalay kame somewhere sa subdivision close to our house.

"Ah okay." Tumango pa ito. Agad kong tinext si Kurt na magkita kame sa may kanto ng bahay namin pero mukhang tulog pa ito dahil hindi sya nagrereply. "Then tell Kurt na sumabay na sya saatin. Ihahatid ko na kayo." Hindi na ako nakaangal pa dahil umakyat na sya sa kwarto nya para maligo.

Kirk 🦒

KURT!!!!
Sabay tayong pumasok.
Kita tayo sa kanto namin.
KURTTTTT!!!

Sorry ha!
Kagigising ko lang naman.
Tsaka ang layo ng bahay nyo
sa bahay ng lola ko madam.
Kaya mo na pumasok
mag isa. Malaki ka na.
Tsaka maliligo pa ko
for sure malelate nanaman
ako nito.

Nasabi ko kase kay ate na
sabay tayong papasok para
hindi nya na ako ihatid.
Pero ihahatid nya pa rin
daw ako.
Sige! Sabihin ko na lang kay
ate na nalate ka ng gising.
Kaya hindi ka makakasabay
saamin.

What do you
mean madam?
Makakasakay ako sa
kotse ng ate mo?
Isasabay ako ng ate mo?

Hindi na.
Dahil ayoko malate.

Sino nagsabing malelate
ka? Nandito na ako sa kanto
nyo.

----------

"Seatbelt please." Pag papaalala ni ate habang sinusuot din ang kanya. Napatingin ako sa isang kasama namin na hindi matanggal ang ngiti sa mukha nya simula kanina pa. Ni hindi ito gumagalaw at nakatitig lang sa ginagawa ni ate.

"Seatbelt daw." Pagsisira ko sa imahinasyon nya kung meron man. Sumimangot itong tumingin sakin at hinahanap ang seatbelt nito. Mga ilang segundo pa ay hindi pa rin nya ito maikabit kaya napatingin si ate dito.

"Do this." Tinuro ni ate ang paggamit ng seatbelt kay Kurt pero hindi pa rin nito magets. Paano ba naman imbes na sa tinuturo ni ate ito tumingin ay nakatitig lang sya kay ate. Dahil nga walang matatapos kung titigan lang ni Kurt si ate ay lumapit na si ate at sya na mismo ang nagkabit ng seatbelt kay Kurt. Natatawa naman ako sa reaksyon ni Kurt dahil he literally frozed infont of ate. "Is he okay?" Mahinang sabi ni ate bago iistart ang makina ng kotse. Tumango naman ako dahil i totally agree mukhang nag malfunction nga sya nung lumapit si ate. Napalingon muli ako kay Kurt na hindi matago ang ngiti at kay ate na ngayon ay seryoso na sa pagdadrive nya.

------

KURT CHOI 🍗 @chikurt
- feeling happy 🙈🚘 with @frcscdms

pprise, mbaste and 408 people likes this photo

mbaste: dito na kame ni bryle sa room namin. kitakits sa starbs later.
bry_leone: 👍

frncscdms: ampanget ng caption. walang context 0/10 🤢

kurtfan2: ay? may jowa na po kayo?
kurtfan: hindi sila magjowa pinagseselos lang nila ako.

-----------

Fran🦋 @frncscdms

☀️

trishhhia, bry_leone and 808 people likes this photo

chikurt: :/
frncscdms: what?

closed comments. [ I closed the comment section dahil sure akong magdadagsaan ang comments ng mga fangirl ni Kurt. Nakalimutan kong famous pala tong kaibigan ko. ]

-----------

Wala pang 30 minutes ay nakarating na kame sa university.

"Hindi na ako papasok." Turo nya sa loob ng campus. "Nessa's waiting na sa coffee shop." Sabi ni ate after she stopped the engine. Tumango pa ako dito and lean on her to give her a peck on her cheeks.

"Thank you ate. Ingat!" Ngumiti pa ito bago lumingon sa taong kasabay namin. Napakamot ako sa ulo dahil parang hinihintay nya pa na si ate tanggalin yung seatbelt nya kaya mabilis kong pinidot yung pang released nito at mabilis bumaba ng kotse. Kinatok ko yung sa backseat para lumabas na din si Kurt. At nung lumabas nga ito ay nakasimangot nanaman saakin.

"Goodluck on your studies guys." Sabi ni ate at binuksan pa ang bintana ng kotse nya.

"T-thank you po Miss Fa. Ingat po kayo" Nauutal naman na sabi ni Kurt kaya ngumiti lang si ate.

"Thank you." Sabi nito kay Kurt. Tumingin naman ito saakin at nag wave ng kamay. "Sige na i'll go ahead na. I love you." Sabi pa ni ate sakin tumango lang ako at nag wave na din sa kotse nya na ngayon ay nakaalis na.

"I love you too." Napatingala naman ako sa kasama ko. Feelingero ever talaga tong si Kurt. Nag wave din pala sya at hanggang ngayon ay sinusundan ng tingin ang kotse ni ate.

"Happy yarn?" Natatawa kong tanong dito. Kanina ko pa talaga sya gustong tawanan sa loob pa lang ng kotse dahil sa reaksyon nya. Pero syempre ma leleft out si ate. Hindi nya naman alam na patay na patay sa kanya ang kaibigan kong ito.

"Sobra! Salamat Madam." Pumapalakpak pa ito sa galak. Sa inaakto nito ngayon hindi mo aakalaing isa ito sa pinag titilian ng mga kababaihan at kalalakihan. Tanggal angas nya kay ate eh.

"Mukhang last mo na yun." Sabi ko mabilis itong tumingin saakin kaya nagpipigil ako ng tawa.

"Bakit naman? Wala naman akong ginawang masama?" Ngumuso pa ito na akala mo kina cute nya.

"Talaga ba? Kaya pala kunwari ka pang hindi marunong nag seatbelt." Napalakas ang tawa ko kaya napag titinginan kame. Hinawakan naman ako ni Kurt sa pulsuhan at hinila papasok ng campus. Madami ng mga estudyante kaya kinalma ko na ang sarili ko sa pang aasar kay Kurt.

"Hindi ko naman talaga alam paano ikabit yung seatbelt." Mahina at mukhang nahihiya nya pang sabi. Tinakpan ko na lang ang bibig ko para mapigil ang tawa ko. Nung kalmado na ulit ako ay hinarap ko ulit sya.

"As far as i know pare parehas lang naman ang pagkakabit ng seatbelt---" Confident ko pang sabi.

"Malay ko ba. Akala ko iba dahil first time ko lang naman makasakay sa ganung klaseng sasakyan...sa lamborghini." Nagpatiuna pa ito sa paglalakad. Ang laking tao matampuhin.

[ Lamborghini Urus 4 seaters ( Adams sisters named it "Red Moon" ) One of many. Car collection of Farah ]

"Fine." Sabi ko pero still hindi ko pa rin maalis sa isip ko yung obvious na paghihintay nya kay ate tanggalin yung seatbelt kaya nagpipigil pa rin ako ng tawa.

"Oh? Bat natatawa ka pa rin?" Huminto ito sa paglalakad ng marinig ang tawa na nakatakas sa bibig ko.

"Ha? Sinong natatawa?" Pag maang maangan ko. Umirap pa ito saakin kaya lalo akong natawa dito.

"Bahala ka nga dyan." Sabi pa nito at nauna na syang maglakad. Dahil mahaba ang biyas ay tinatakbo ko na para makahabol ako dito.

Nakarating kame sa first subject namin na maaga pa ng 5 minutes. Umupo na ako sa usual seat ko at nag message kay ate na nasa room na ako. Habang busy ako sa paggamit ng phone ay biglang tumabi saakin ang matampuhin kong kaibigan.

"May tanong ako..." Lumingon ako sa kanya ng mabilis at ibinaling muli ang tingin sa phone ko.

"What is it?" Mukhang seryoso sya kaya ibinaba ko muna ang phone ko patalikod at tumingin kay Kurt.

"Sa tingin mo ba na turn off saakin ang ate mo?" Lumaki ang butas ng ilong ko sa tanong at buti na lang ay napigilan kong tumawa. Mukha syang problemado siguro dahil din sa nasabi ko.

"Turn off? Bakit?" I'm aware na may gusto si Kurt kay ate matagal na and sobrang obvious yun dahil hinahatid nya ako sa bahay kahit alam kong malayo naman talaga bahay nila sa bahay namin. He knows ate would be waiting for me outside. Hindi nya sinasabi kay ate because he knows his limit. Sinabi nya rin naman na happy crush lang nya si ate kaya okay lang sakin.

"Wala lang. Naisip ko lang baka he thinks i'm weird dahil lang sa hindi ko alam kung paano magkabit nung seatbelt?" Nag flashback naman saakin yung sinabi ni ate sa kotse kanina. Hindi sya naweirduhan dahil sa hindi marunong si Kurt mag seatbelt. Naweirduhan sya kase he frozed on the spot and hindi ito gumalaw ng ilang segundo.

"Hindi naman ganon si ate." Sabi ko pa dito. "Cheer up." Tumango naman sya at ngumiti. Nasakto naman na dumating na ang prof namin kaya hindi na umalis si Kurt sa upuan nya at nakinig na kame ng lecture ni Sir.

"So that would be all. Any question?" Sabi ni Sir Chen nakatingin ito sa aming lahat at naghihintay kung may magtatanong pa bago sya tuluyang lumabas ng room. "Are you sure?" Dahil napansin nitong walang may gustong magtanong ay tumango na lang ito at inayos na ang mga gamit nya bago tuluyang lumabas ng room.

"Paano nga ulit yung---" Bago pa matapos ni Kurt ang sasabihin nya ay napabuntong hininga na lang ako.

"Bakit hindi mo tinanong kay Sir kanina? Nagtatanong sya kung sinong hindi nakagets diba?" Sabi ko dito nag pout nanaman ito na akala mo ikinakyut nya.

"Magtatagal lang kapag inexplain nya sakin. Ikaw na mag explain mas maiintindihan ko kapag ikaw." Ngumiti pa ito sakin. "Please." Wala na akong nagawa kundi iexplain na lang sa kanya ang hindi nya maintindihan sa lecture. Makalipas ang apat na minuto ay naintindihan nya na din. Hindi naman ganun kahirap. "Ah. Ganun pala. Thank you madam." Tumango lang ako ng isang beses at inayos na ang gamit ko. Akma naman akong lalabas ng room.

"San ka pupunta?" Tanong naman nito.

"Magsi CR lang ako. Bakit sama ka?" Natatawa naman itong napailing sa tanong ko sa kanya.

"O-okay." Nakangiting sabi nito.

Lumabas naman na ako ng room para pumunta sa cr. Wala namang ibang estudyante kaya napatakbo na ako sa bakanteng cubicle. Nang matapos ako maglabas ng sama ng loob ay nagtungo ako sa lababo kung saan ko nilagay ang pouch ko. Nung kukunin ko na ay may ibang kumuha at inihagis ito sa lapag. Napatingin ako dito mula paa hanggang ulo. Anong problema nito? Ni hindi ko nga napansin na may iba palang estudyante dito sa cr.

















TW: Vulgar words (?)

"Ikaw ba yung bagong girlfriend ni Kurt my loves?" Gusto ko matawa sa tawag nya kay Kurt pero hindi maganda ang kutob ko sa ganto. Ilang beses na nga ba akong naaway dahil sa pag aakalang girlfriend ako ng mga pinapantasya nilang lalaki.

"Hindi ako yun." Sabi ko lang akma ko ng kukunin ang nilaglag o nalaglag kong pouch pero sinapa pa niya yun palayo. ABA! "Ano bang problema mo?" Hindi naman sana ako lalaban pero sumusobra naman ata tong isang to.

"Hindi mo ba ako kilala?" Natatawa pang sabi nito. Napakunot ang noo ko at napatingin muli sa kanya mula ulo hanggang paa.

"Hindi?" Hindi ko sure na sagot. Naghalukipkip pa ito at tinaasan ako ng isang kilay.

"Pwes! Ako lang naman ang presidente ng fansclub ni Kurt Choi. I'm Princess Jao." Oh? Wow may fansclub pala si Kurt? Di ko alam.

"Okay?" TMI pero okay. Yumuko na ulit ako para abutin ang pouch ko pero pinigilan nanaman nya ako.

"Wag ka masyadong magmadali hindi pa ako tapos sayo." Sabi pa nito at pumalakpak ng tatlong beses. Bigla namang may lumitaw na dalawa pang babae sa isa sa mga cubicle. Akala ko walang tao kaya ako jumebs.

"Kanina pa kayo dyan?" Tanong ko. Baka mamaya may naamoy sila or...bat ko ba pinoproblema yun.

"Ano bang gagawin natin sa kanya Princess?" Sabi nung isa na ngayon ay nasa gilid ko na.

"Kunin mo yung pouch." Utos nya naman sa isang malapit sa kanya. Agad naman nitong sinunod at iniaabot saakin. Nag aalangan naman ako kung aabutin ko. "Tonta! Saakin mo ibibigay syempre." Agad namang nilihis nito ang pag abot saakin at inabot na nga dun kay Princess kumburuhus.

"Sinusubukan ko lang sya Princess kung aabutin nya." Kumakamot pa ito sa batok nya habang nangangatwiran pa. As if namang hindi ko nabasa yung script na hindi pa isosoli saakin yung pouch. Umirap lang ito sa kasamahan nya at binalik ang tingin saakin.

"Looks ekspensib." Naka smirk pa na sabi nito.

"You mean expensive?" Pagtatama ko dito. Nanlaki naman ang mata nya at minata yung mga kasama nya.

"Hawakan nyo nga sya para hindi sya makapag salita." Galit na utos pa nito sa dalawa nyang back up.

"Anong konek nung hawakan sa---" May sasabihin pa sana ito pero pinitik na ni Princess ang tenga nito.

"Shut off." Sabi nya pa habang gigil sa kaharap. Hindi ko alam kung ilang beses na akong nagpigil ng tawa today pero i'm sure mauutot na ako anytime soon. "Pwede ba sumunod na lang kayo. Mas madami pa kayong nireklamo kaysa sa kanya." Nagkibit balikat na lang ako sa dalawa. Akma nila akong hahawakan pero umiwas ako sa kanila.

"No touching." Sabi ko sa dalawa at sumang ayon naman sila. Buti pa kameng tatlo nagkakaintindihan.

"Mukhang mamahalin ang pouch na ito ha." Sabi ni Princess habang tinitingnan ang pouch ko.

"Tinagalog nya na para hindi sya mahirapan." Bulong ko sa dalawang nasa gilid ko. Natawa naman ang mga ito at tumango bilang pagsang ayon.

"True sis!" Sabi pa nung isa.

"Ano bang pinagbubulungan nyo dyan? Hindi ba't sabi ko hawakan nyo sya?" Pagalit nanaman na sabi nito. Parang nagmamakaawa namang tumingin sakin yung dalawa.

"Sige na nga." Sabi ko sa kanila at agad nila akong hinawakan. Pakapit bisig style kameng tatlo. Napansin yun ni Princess pero inirapan nya lang kame.

"Eto ba yung naglalaman ng nagpapaganda sayo?" Nakataas na kilay na tanong nya saakin. Napaisip ako sa tanong nyang yun. Umiling lang ako bilang sagot. "Nag maang maangan ka pa. For sure nandito ang gayumang ginamit mo sa Kurt ko!" Narinig ko namang nag clear throat ang dalawa sa gilid ko. "Kurt pala namin." Pagkokorek nya sa sarili nya.

"Ano bang pinagsasabi mo?" Hindi ako nito pinansin at pinagpatuloy ang pagbubukas ng pouch ko.

"Mamahaling pabango?" Inamoy pa muna nito ang hawak nyang pabango bago mag smirk saakin. "Eto ba ang ginagamit mo para mabighani mo ang Kurt ko...namin?" Napakunot ang noo ko sa pinagsasabi nito.

"Pwede ba! Akin na nga yan." Nung kumakalas ako sa dalawang nakahawak sakin ay hindi na nila ako binibitawan. "Teka? Bitawan nyo na ako." Sabi ko dun sa dalawa pero hindi nila ako tinitingnan at diretso silang nakatingin kay Princess.

"Wag kang friendly masyado. Syempre galit din yang dalawa sayo dahil inaagaw mo saamin si Kurt." Napabalik balik pa ang tingin ko sa dalawa bago muling tumingin kay Princess.

"Wala akong inaagaw sainyo kaya pwede ba bitawan nyo na ako!" Pilit kong kinakalas ang sarili ko sa kanilang dalawa pero ito na ata ang katas ng walang tamang ehersisyo kaya walang nagbabago at hindi ako makaalis.

"NO!" Sabi pa nito at inispray sa kanya ang paborito kong pabango. Nakaramdam ako ng galit sa puntong ito kaya pwersahan akong umalis sa pagkahawak ng dalawa at nagtagumpay naman ako. "Wag mong subukang lumapit." Sabi pa nito at inaaktong bibitawan ang pabangong hawak nya. "Joke! Hindi ko ibabagsak to pero kukunin ko to." Natatawa pa nitong sabi habang binubulsa ang pabangong hawak nya.

"Akin na yan!" Pilit ko namang kinukuha ang pabangong ibinulsa nya pero mas malakas sya kaya naitulak nya ko palayo sa kanya. "Ah." Malakas ang impact ng pagtulak nya kaya napapasok ako sa bakanteng cubicle.

"Mga tonta! Ano bang pinag gagagawa nyo at bakit hindi nyo sya mapigilang makalapit sakin." Narinig kong pagpapagalit nya sa dalawa.

"Tama na Princess! Mali na yang ginagawa mo..." Mahinang sabi nito kay Princess. Tinulungan naman ako nito makatayo mula sa loob ng cubicle palabas. "N-nakakasakit ka na." Nakayukong sabi nito habang hawak ang kamay kong may sugat gawa ng sira ang cubicle na napasukan ko at may mga matutulis na bagay dito kaya nakasara. Inilalayan nya naman ako sa lababo para linisin ang sugat ko.

"Aba! Wag mo kong babaliktarin Key ginusto mo..nyo din to! Ako lang ang merong lakas ng loob gawin ang mga ito dahil duwag kayo." Gigil na sabi nito. Napatingin ako sa isa pang babae na pilit kinuha ang pouch na hawak ni Princess. "ANO BA!" Sabi pa nito pero nagpatalo na din at ibinigay na din ang pouch. Bumalik naman ito sa gawi namin at isinauli na ang pouch. Napangiti ako dito.

"S-sorry sa nagawa naming tatl---" May tumama sa mukha nito kaya napahinto ito sa sasabihin nya. Sabay sabay kameng napatingin sa gawi ni Princess.

"Hindi ako mang hihingi ng tawad dahil wala naman akong kasalanan." Mataray pa na sabi nito. Lalapit pa sana yung isang girl na binato ni Princess pero pinigilan ko ito.

"Okay lang. Salamat sainyong dalawa." Nakangiti ko pang sabi dito. Napatitig ako sa mga mukha nila at mukha namang matitino sila naimpluwensyahan lang siguro sila ni Princess sa pakikipag away. "Hindi natin kailangan makipag away pa." Natatawa kong sabi sa dalawa.

"Dugo ba yan?" Sabi ni Key habang chinecheck ang ulo ng kaibigan. Mabilis din akong napatitig dito at hinawakan ang pulang marka sa ulo nito.

"Is that my lipstick?" Bulong ko at napatingin kay Princess na umiirap irap lang habang hawak pa rin ang pabango ko.

"Eh ano naman kung oo?" Sagot pa nito. Dinila ko ang loob ng pisngi ko sa inis na nararamdaman ko ngayon.

"A-ano naman kung oo?" Pag uulit ko sa sinabi nito. Ayoko naman talaga makipag away pero binato nya lang naman yung YSL na lipstick ko. Yung pinaka paborito ko sa lahat. Agad agad ko itong sinugod... [ Next chapter | SMMSC: F | II ] 3682 words.

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

170K 5.3K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...
25.7K 174 25
When the Sexy surgeon Wandee Ronnakiat becomes involved with boxer Yeo Yak and their relationship develops from friends with benefits to something mo...
17.3K 952 22
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
1.6K 69 10
Gaano nga ba kabigat ang isang pangako? Mananatili ka bang naghihintay kahit halos walong taon na ang nakalilipas o pipiliin mo na lang magsimula mul...