Hunstman Series #:7- The Mafi...

By MayAmbay

447K 14.2K 596

Colosas Hunstman HUNSTMAN 3rd GEN SERIES "Kasalan itong ginagawa mo sa'kin maghunos dili ka, Ginoo..." Lumuw... More

THE MAFIA BODYGUARD
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
EPILOGUE
Special Chapter (Henry and Clarit)
Special Chapter (Henry and Clarit)

Chapter 35

8.6K 287 1
By MayAmbay

RAQUEL
#Estranghero

"Huwag kang mahiyang magsabi sa 'kin kung ano ang kakainin mo kase libre kita, Raquel!" Bulalas na sambit ni James habang nandito kami sa pinakamataas na bahagi ng isang kainan. Dito niya ako dinala.

Namangha ako sa magandang tanawin kase kita ang buong taniman ng iba't-ibang uri ng mga gulay at mayroon din na mga bulaklak. Sariwa pa ang ihip ng malamig na hangin.

"Nakakahiya naman sa iyo, James. Libre mo lahat ang nagastos at kinain na'tin.." Nahihiya kong sabi na agad naman niyang kinailing.

Kanina pa nga panay ang libre niya sa akin kahit tumanggi ako ay binibili pa din niya, kase ang rason niya ay dinala niya ako dito kaya dapat na siya ang gagastos sa lahat. Kaya hindi na ako komuntra.

"Libre ko 'to kase nanalo ang team at isa pa ay nakikicheer ka kanina kung kaya't nanalo tayo!" Pagmamalaki pa niyang sabi habang nakatitig sa akin ang nakangiti niyang mukha.

Hindi maiwasan na mailang ako doon kaya umiwas ako ng tingin at tinuloy ang pagpili ko sa aking kakainin. Kinuha din agad ng waiter ang oorderin na'min.

"Ang ganda mo, Raquel. Para kang anghel na bumaba dito sa lupa at sinasabog ang iyong kagandahan." Napatingin ako kay James nang sambitin niya ang mga salitang iyon. Hindi maiwasan na mamula sa hiya ang aking pisngi, nakangiti siya sa'kin.

"J-james—"

"Ate! Ate! Para po sa inyo!" Napatigil ako sa aking sasabihin nang may isang batang lalaki ang biglang tumabi sa akin. May hawak siyang isang bugkos na pulang rosas at nakalagay iyon sa magandang lalagyan. Nakalahad ito sa akin.

"Nagkamali ka bata, hindi iyan sa akin." Nagtataka kong pagtanggi kase hindi naman talaga sa akin ang mga bulaklak na hawak niya.

"Para po talaga ito sa inyo, ate! Sige na po tanggapin mo na kase kung hindi ay wala po akong pera na pambili po ng pagkain na'min! Nagugutom na po ako!" Nagulat ako nang biglang umiyak ang bata sa harapan ko, nakatulo pa ang sipon.

Mabilis naman akong napatayo at saka dinaluhan ang bata. Nakuha ko agad ang bulaklak na hawak niya at saka hinaplos ang kaniyang likod. Bigla akong naawa sa kaniyang sinabi.

"Tahan na.. nakuha ko na bulaklak." Mahina kong sabi at agad naman napunasan ng bata ang kaniyang mga luha at pati sipon, gamit ang kaniyang damit.

Madungis ito at sira-sira na ang damit na suot niya na lalong nagpaantig sa akin. Tiyak na may kasama pa siyang iba na naghihintay sa kaniya.

"M-maraming salamat po, ate! May kakainin na po ang pamilya ko!" Bumukas ang saya sa mukha niya pero nandoon pa din ang paghudyat sa mga luha niya. Ngumiti naman ako at saka umiling-iling sa kaniya.

Kung marami lang sana akong pera ay binigyan at tinulungan ko na agad siya. Alam ko na may ibang bata din na gaya niya ang nakakaranas ng ganitong hirap sa buhay, na sa murang edad ay todo kayod at pagala-gala sa kalye upang mabuhay at pati na din ang pamilya nito. Kung minsan din ay nais kong sisihin ang mga magulang kung bakit pinabayaan nila ang mga anak at hinayaan sa ganitong paraan upang mabuhay. Wala sanang mga batang pagala-gala sa kalye kung walang mga magulang na iresponsable. Pero ang isa mga nangungunang rason kung bakit may pamilya na ganun ay ang kahirapan.

"Kanino ba ito galing?" Malumanay kong tanong at saka sinamyo ang bango ng mga pulang rosas.

"Kay Kuya pogi po doon sa labas!" Bulalas nito habang tinuturo ang labas. Nakita ko naman na tumayo na din si James at saka palinga-linga ito sa labas dito sa kinaroroonan na'min.

"Kilala mo ba iyon, Raquel? Baka modus iyan para maniwala ka at sa huli ay mapahamak. Talamak pa ngayon ang mga ganyang modus." Seryosong paliwanag ni James na tumingin sa hawak kong bulaklak bago tumingin sa mukha ko.

"Baka tama ka nga siguro, James. Wala naman kase akong kakilala dito at lalong wala akong kakilala na lalaki para magbigay sa akin ng bulaklak na ito." Pagsang-ayon ko sa kaniya. Siguro din ay nagkamali lang ang bata sa pagbigay sa akin ng mga bulaklak.

"Ibalik mo na 'yan sa bata—"

"Sa kaniya po talaga iyan e! Sabi pa nga ni kuya pogi na galit po siya kase may kasama po kayong lalaki, ate! Kaya po layuan mo po siya kung ayaw mong tuluyang magalit si kuya pogi!" Pagkasabi niya nun ay mabilis na tumakbo ang bata.

Naiwan akong natigilan sa mga sinabi nung bata. Agad na pumasok sa aking isip si Colosas. Siya lang naman kase ang lalaki na kilala kong may ugali na ganun. Malakas ang kutob ko na siya talaga iyon pero bakit hindi siya ang personal na magbigay nito sa akin?

Colosas, sana ikaw nga ang lalaking iyon..

"Saglit lang, James!" Sambit ko at saka nagmamadaling lumakad para hanapin si Colosas sa labas. Narinig ko naman na tinawag ako ni James pero hindi ko na siya pinansin.

Lumibot agad ang paningin dito sa labas nang makarating ako dito.  Palakad-lakad ako sa gilid at tinatanaw ang presensya niya pero nalungkot ako nang hindi ko siya makita. Tanging mga sasakyan lang and nakaparada dito sa gilid ng daan, at mga sasakyan naman na dumadaan sa gitna ng daan ang nakikita ko.

"Raquel! Nakita mo ang estrangherolalaki na sinasabi ng bata?" Umiling ako kay James nang makalapit siya sa tabi ko.

"Hindi." Mahina kong pagtugon. Nais kong umiyak na baka umalis na siya o baka nagkakamali lang ako ng hinala.

"Sabi ko sa'yo modus lang 'yon at binayaran ang bata para maniwala ka sa kwento nun." Saad ni James at bigla kong naramdaman ang pagdantay ng palad niya sa balikat ko.

Kasabay din nun ang biglang pagbusina ng isang sasakyan na kaharap lang na'min. Sa lakas ng busina ay napatili pa ako at muntik ng matumba kung hindi agad nakaalalay si James sa aking beywang.

"Ayos ka lang?" Pag-alalang tanong nito na kinatango ko naman bago ito bumitaw at saka nagmadaling pinuntahan ang umaabanteng kulay itim na kotse. Hindi ko maaninag ang tao sa loob kase tinted iyon. "Hoy! Gago ka lumabas ka diyan! Walang modo!" Galit na pinagsisipa ni James ang kotse na siyang kinabahala ko.

"James! Tama na 'yan!" Pigil kong sambit pero hindi ito nakikinig at panay ang suntok nito sa pinto ng kotse. Pero parang mas matigas pa 'yata ang pinto kaysa sa kamao ni James kase parang ngumingiwi ito.

Nakalabas na ang kotse sa parking at nasa gilid ng daan na ito at panay doon ang pagmumura ni James. Parang wala namang balak na lumabas ang driver kase hinahayaan lang nito si James sa ginawa.

Pero halos himatayin ako sa takot nung mabilis na umabante ang kotse at saka biglang napaatras at sumagitsit ang pagpreno sa mismong kinaroroonan ni James. Gahibla na lang ang distansya ng kotse mula kay James, na biglang natulala sa kinatatayuan nito.

"J-james!" Nahimasmasan ako nang marinig ang malakas na pagbusina ng kotse bago ito humarurot paalis. Agad kong dinaluhan si James na nakatulala pa din sa pwesto niya. "James!" Pagyugyog ko sa balikat niya dahilan para mapakurap ito.

"Gagong driver iyon a! Huwag lang siyang magpapakita sa akin at tiyak na wasak ang mukha nun!" Malakas na bigkas nito at saka sinusuntok-suntok ng isang kamao nito ang isang niyang kamay na para bang handang sumugod sa suntukan.

"Kumalma ka lang, James. Nakaalis na ang kotse at hindi na na'tin makikita pa. Huwag mo na din pansinin iyon at hindi maganda na magtanim ka ng galit diyan sa puso mo." Kalma kong pagpapaalala.

Tumingin siya sa akin at saka sumilay ang isang matamis na ngiti sa kaniyang labi, bago siya tumango at marahan pa niyang pinisil ang kaliwang pisngi ko.

"Nakaligtaan ko na isa ka pa lang madre dati, pasensya." Sensero ang paghingi niya ng paumanhin at ngayon ko lang napansin ang dalawang biloy niya sa magkabilang pisngi, ang lalim at ang cute tingnan.

"Okay lang. Pwede na ba tayong umuwi? Magdidilim na kase at naiwan pa doon mag-isa si Nanay Cathy." Agad naman tumango si James sa sinabi ko.

_*_*_*_*_

"Hindi ka na ba tutuloy sa loob?" Tanong ko nang makababa ako. Nakita ko naman ang pag-iling niya bago sumulyap sa bahay.

"Hindi na at pakisabi na lang kay Lola na umalis na ako— teka lang, nag-enjoy ka ba sa pamamasyal kanina?" Agad naman akong ngumiti at saka tumango sa tanong niya.

"Oo at maraming salamat dahil sinama mo 'ko. Kahit papaano ay nawala ang lungkot ko.." Mahina kong sabi na agad naman kinangiti ni James. Lumapit siya at saka mahinang pinisil ang kanang pisngi ko.

"Kung malungkot ka ay sabihin mo lang sa akin dahil pasasayahin agad kita, ha?" Marahan niyang sabi at kita ko pa ang kumikislap niyang mga mata. Nakakahalina at parang pamilyar ang mga mata niya sa akin.

"Salamat, James. Sigurado ka na talaga na hindi ka papasok para magkape man lang?" Ulit ko at nakita naman ang pag-iling niya.

"Hindi na. Sige, pumasok ka na sa loob at mahamog na dito sa labas." Ako naman ang tumango.

"Sige, mag-iingat ka sa pagdrive at pag-uwi mo." Paalala ko na kinatango niya at doon ay tumalikod na ako para pumasok sa loob ng bahay.

Nasa pinto na ako nang marinig ko ang tunog ng motor ni James dahilan para lingunin ko siya. Sakto naman ang pagkaway nito at saka umalis na.

Napahinga ako ng malalim pero bigla na lang din ang pagbilis ng tibok ng puso ko na hindi ko maintindihan kung bakit. Pakiramdam ko kase ay may nakatitig sa akin at parang ramdam ko ang galit doon.

***
© 2022 MAYAMBAY

Continue Reading

You'll Also Like

358K 8.1K 45
MATURE CONTENT | R18 | DARK ROMANCE Obsessed Men Series I Leyton would go to any lengths to make sure he gets Kristina. Kristina would go to any len...
182K 3.3K 19
[ COMPLETED. UNEDITED. ] R-18. MATURED CONTENT. SPG Carson's Series #2 "The wave was my life but when you arrived, my world changed. You are my sea...
9.8K 475 35
Magagawa mo bang mahalin ang taong alam mong kahit kailan ay hindi ka pinakitaan man lang ng pagpapahalaga? Paano kung bigla niyang yanigin ang Mundo...
368K 8.6K 48
On her first day of school, Filamrie got bullied by her male student named, Yvan Wayne Suarez. But what if he do that just to get her attention, whet...