All About Her (Published unde...

Door bluekisses

2.8M 52.1K 2.2K

(One Night's Mistake Side Story) Bitch, mang-aagaw, malandi, home wrecker, call me whatever you want to call... Meer

One: The Girl
Two: The Past
Three: After All
Four: Whose Engagement?
Five: The Betrayal
Six: Her Decision
Seven: Wedding Day
Eight: The Bride's Escape
Nine: Bitching Around
Ten: Home Wrecker
Eleven: Her Conscience
Twelve: He's Here
Thirteen: I'm Doomed
Fourteen: The Punishment
Fifteen: Living in Hell
Sixteen: His Other Side
Seventeen: Getting to Know Him
Eighteen: Getting Closer
Nineteen: Undefined Attraction
Twenty: The Sweet Surrender
Twenty One: Late Honeymoon
Twenty Two: The Perfect Wife
Twenty Three: Married Couple
Twenty Four: Sixth Monthsary
Twenty Five: Not Yet
Twenty Six: Birthday & Phone Call
Twenty Seven: One Last Time
Twenty Eight: Dozen of Tears
Twenty Nine: All About Him
Thirty: I Truly Do
Thirty One: Four Years
Thirty Three: The Confession
Thirty Four: My Era
Thirty Five: Business Meeting
Thirty Six: Cold Stares
Thirty Seven: Your Baby
Thirty Eight: Wedding Anniversary
Thirty Nine: An Explanation
Forty: He Cares
Forty One: Disappointed
Forty Two: No More Chance
Forty Three: Thinking of You
Forty Four: Era's Dad
Forty Five: Era and Sebastian
Forty Six: Third Birthday Celebration
Forty Seven: Cheating
Forty Eight: Fixing Things
Forty Nine: A Fight for Love
Fifty: A Surprise
Epilogue
All About Her (Published)

Thirty Two: Reminiscing the Past

42.9K 871 49
Door bluekisses

Dedicated to @IamYoungLady, ngayon ko lang asi nalaman na Silent Reader ko siya sa ONM before at nasubaybayan niya si ONM mula noon hanggang sa mga success ni Lara at RIc!


Thirty Two: Reminiscing the Past


Pagkatapos ko makausap yung abogado ay kinuha ko na ang mga ilang mahahalagang gamit sa bahay ni Lolo, ang mga ilang photo album, mga memorabilya ng pamilya at mga kung anu-ano pa. Grabe naaawa ako kay Lolo, wala nang natira sa kanya. Pero wala na rin namang magmamana ng mga ari-arian niya kung sakali. Okay na ako sa buhay ko. Well kung stable, oo pero sa pag-ibig I am still broken.


Pinalis ko na iyon sa isip ko, dahil maiiyak na naman ako pag naalala ko siya at kung hindi ko mapigilan, ay bigla nalang akong bumalik sa bahay niya, at magkunwaring wala akong alam at hindi ako nagplanong maglayas. Kung tutuusin kasi, kung maiisipan kong umuwi, paniguradong wala pa si Sebastian sa bahay. Pero ayoko na nang mag-isip tungkol sa kanya.


Kaya bago pa man ako magbago ng isip ay pumara na ako ng Taxi. "Saan po tayo Mam?" Inabot ko sa kanya ang address ng dati naming tinitirahan sa Cavite. Tama dun nalang ako. Hindi niya na ako mate-trace dun. Pinatay ko na ang phone ko, dahil mahirap na baka ma-track pa ako ni Sebastian kung babalik siya mamayang gabi.



HINDI ko namalayan na nakatulog pala ako sa byahe. "Mam, saan po banda dito?" Nagising ako sa tanong na iyon ng driver. "Ah, e, sandali, sumilip ako sa labas. Ten years old pa ako nung huli akong pumunta dito. Hindi ko na maalala. At malaki na rin ang nagbago, twenty years ba naman ang lumipas.


"Ay manong paki tanong nalang po kung saan ang bahay ni Nanay Azon." Teka baka di siya kilala sa tawag na iyon, chineck ko yung papel sa bulsa ko. "Corazon Duran, Corazon Duran po Manong."


Ipinagtanong nga ng driver ang pangalan ni Nanay Azon, at wala pang sampung minuto ay nasa harap na kami ng lumang bahay ni Nanay Azon, ayun pa rin ang bahay niya walang pinagbago, maaring naalagaan ni Nanay ng mabuti ang bahay niya.


"Dito na po tayo Mam." nagpatulong na ako sa pagbaba ng gamit ko sa driver. At dinoble ko pa ang bayad ko sa kanya, kasi bibihira ang ganyan kabait na taxi driver sa panahon ngayon, nakatulog pa ako sa byahe. Kung nagkataon sigurong masamang tao 'yon baka may nangyari nang masama sa 'kin ngayon. "Salamat po Manong ha."


Kumatok na ako sa gate ng bahay. "Tao po, tao po."


"Sandali," Sigaw ng humahangos na matandang babae habang pababa sa

hagdan ng bahay. Si Nanay Azon na nga ito, namumukhaan ko pa siya.


"Sino ba itong pagkagandang bisita ko? Teka, parang may hawig ka kay...

Teka ikaw ba ang anak ni Sabel? Eunice ikaw na nga ba iyan?" Napatango naman ako at mabilis na yumakap sa kanya-pagkabukas na pagkabukas niya ng gate. "Opo Nanay, naaalala niyo pa po ba ako?"


"Malilimutan ba naman kita, tara tuloy ka, sandali. "Karen, Marie, tulungan niyo nga magbitbit itong bisita ko. Tapos umakyat na kami sa bahay. Nakaktuwa na sa lumipas na halos dalampung taon ay napangalagaan ng maayos ang bahay na ito.


"Maupo ka Hija," sumunod naman ako sa iniutos ni Nanay. "Kamusta na Hija? Magkwento ka." At doon ko na naikwento sa kanya ang lahat ng pinagdaanan ko sa buhay mula sa poder ni Lolo, nung sumama ako sa Papa, hanggang sa mga huling pangyayari sa buhay ko.


"Nanay may paupahan pa po ba kayo?" Tanong ko sa kanya, matapos namin magkwentuhan. "Naku Hija, puno ang apartment ko ngayon, pero welcome ka naman dito sa bahay ko, may bakante pa akong kwarto at isa pa, hindi ka na iba sa akin." Parang maiiyak na naman tuloy ako sa sinabi niya. Parang tunay na rin kitang apo Hija." Hindi ko na napigilan ang sarili ko, niyakap ko siya at umiyak, inalo niya naman ako sa pamamagitan ng paghagod sa likod ko. Kailangan ko ito sa mga panahong ito.



LUMIPAS ang dalawang linggo, natanggap ko na din ang kinita sa pagbebenta ko ng shop ko. Ayun na kasi ang pinakamainam kong gawin, mabilis nga iyong nabenta dahil madami palang nag-aabang sa shop ko. Minadali na namin ang proseso, tutal ay nasa akin naman ang mga papeles, mabilis ko iyong pinadala, gamit ang pinakamabilis na delivery service. Pero hindi ko ginamit ang pangalan ko sa pagpapadala, ginamit ko ang kay Nanay Azon na mabuti't pumayag.


Pero hindi naman ako pwedeng umasa lang sa perang iyon, I still need to earn money. I decided to put my money to a time deposit account. At nagtanong kay Nanay kung saan ako pwede mag-apply. Itinuro naman niya sa 'kin ang AMSC, nung una ay natakot ako sa kadahilanang andun din umiikot ang negosyo nila Sebastian. Pero bakit ba ako matatakot? Magta-trabaho lang naman ako bilang empleyado.


At agad nga akong natanggap sa trabaho. At masaya ako, ngayon ko lang kasi nasubukan maging empleyado, yung pressure na naranasan ko sa tuwing may inaasikaso ako. Enjoy na enjoy ako sa trabaho ko.


Until one time ay bigla akong nagcollapse sa opisina. Ang akala ng lahat ay over fatigue ako at stressed pa ako dahil isang buwan palang naman ang lumilipas mula nung mamatay ang Lolo ko at ang heartbreak ko.


Pero nung nasa ospital ako, hindi ko alam kung matatakot ako o matuwa nalang sa ibinalita ng Doktor. Hindi lang ako ang nagulat maging sila Nanay Azon at ang kasamahan ko na nagdala sa 'kin sa ospital.


Wala na akong magagawa, eto ang kaloob sa 'kin ng Diyos. Ito marahil ang plano niya para sa 'kin. Eto maharil ang kapalit ng mga nagawa at mga naging desisyon ko sa buhay ko.


"Hija, madaling araw na, hindi ka pa ba matutulog." Nawala ako sa pagbabalik tanaw sa pagtawag na iyon ni Nanay.


"Opo Nay, matutulog na po ako." Umakyat na ako at sumunod kay Nanay, sinarado ko na rin ang pinto ng bahay, at piniling maligo muna ng mahimasmasan ako, alam kong minsan may tama din ang ladies drink lalo na sa hindi sanay uminom.


Habang naliligo ay nagbalik tanaw akong muli.


Kahit na nalaman ko kung ano ang kalagayan ko ay pinagpatuloy ko ang pagta-trabo dahil masaya ako sa ginagawa ko. Hindi lang ako pumapalya sa pag inom ng mga nireseta sa akin at sinunod ko ang mga bilin sa akin ng Doktor.


Kakayanin ko naman ito dahil malakas ako.


I am strong enough to face it alone. Though nung mga panahon na iyon, hindi ko rin maiwasan ang hindi umiyak kapag mag-isa nalang ako. Iniisip ko kasi kung bakit naging ganito ang buhay ko, iniisip ko na karma na ba ito sa lahat ng nagawa ko mula noon? O eto palang talgaga yung karma ko sa pagsira ng pamilya ng may pamilya?


Pinalis ko na sa isip ko ang mga bagay na iyon, dahil baka maiyak na naman ako sa tuwing naaalala ko ang kinahinatnan ko noon, kahit masaya na ako sa buhay ko ngayon.


Nakatapos na akong maligo. Naiiling na napapangiti nalang ako sa pagkakaalala ko sa nakaraan ko. I am strong. Kung hindi ba ako naging malakas, magiging masaya ba ako? Mararating ko ba ang narating ko ngayon? Meron ba ako ng mga bagay na meron ako ngayon?


Malamang wala. I am happy, because I chose to be happy. I am satisfied and contented because I decide for myself. Wala namang makakapagdikta sa tao sa mga gusto niyang tahakin sa buhay.


I think my experience at lahat ng pinagdaanan ko ang nagpatatag sa 'kin. And everything I have now is something I owe from my past.



--


Thanks for reading! Hihihi :)

Comment pls, I want real long comments! hahaahah :) then vote if you like the story! Ang mga silent reader uso po ang pagpaparamdam, creepy po kasi pag hindi nagparamdam. Chos!


So ayan, I dunnon when is the next update, wala pa po akong draft. And yeah, I am inviting you to our meet up this coming Saturday sa MOA seaside. If you are interested sa FB nalang, add me! Bluekisses WP. And yes you can join my group. 'Bluekisses Gorgeous Readers (the BLUE-KISSERS) search niyo lang yan and feel free to join!


Di ko makuha yung link ng event namin sa Join nalang kayo sa group, or sa FB ko andun yun! Thanks! See you guys on Sunday! I have bookmarks of ONM and AAH!


~leyn


Ga verder met lezen

Dit interesseert je vast

1M 29.4K 44
It was one fine morning at Konsehal Casimiro Zaragoza's office-nang may dumating na isang babae at ipinapaako sa kaniya ang anak nito. Pero paano ni...
4.7M 80.9K 60
"Why can't you accept it? Hindi kita magagawang mahalin. It's always been Katrina."
368K 7.2K 30
SG: 4th He believes in love. The annoying feeling of that skipping heartbeat whenever that lucky woman was around. He want to meet that green jealou...
2.9M 27.9K 23
To Be Published Under LIB BARE [FIN] Rated SPG | R-18 | Romance Novel Red Valdez, an ambitious model, has to resist the billionaire Levi Raffael Luhs...