CHAPTER 7
GAB'S POV
Nandito ako ngayon sa bahay, naka higa sa aking higaan. Wala kasi si mama, may trabaho, wala din akong ma gawa ditto kundi matulog, manood ng T.V oh di kaya magfacebook. AIISHHH bored na bored na ko ditto wala akong magawa, "aiissshhh" napa-upo ako sa aking kama at ginulo ang aking buhok.
“ano ba ang magandang gawin kapagbored??ahh alam ko na, nasan naba yung phone ko??”
Calling Gail
[Hello?]
"Gail may ginagawa ka ngayon?"
[Wala naman, bakit?]
"Punta tayo sa Mall"
[sige ba basta treat mo]
“okay,okay fine.hahaha”
Nandito na ako ngayon sa bahay ni Gail, hinitay ko siya ditto sa salas nila. Kanina pa nga yun siya sa kwarto niya eh, babae nga naman. Habang naghihintay ako ditto sa living room nila ay may narinig akong parang tumatakbo sa hagdanan, kaya napatingin naman ako. Si Gail na malapit matumba sa hagdan ang nakita ko, hindi naman siya excited ano??
"sorry sa paghihintay” pagpapaumanhin niya
“wala yun, so ano??tara na” sabi ko naman sa kanya, tumango naman siya bilang sagot niya sa sinabi ko
"Gab punta tayo sa timezone"
"Dala mo ba yung card mo sa timezone" tanong ko sa kanya
"ako pa, girls scout ata ito, palaging handa...haha" sabi niya habang nakalagay ang kanyang siradong kamay sa kanyang dibdib
"let’s go" kaya naglakad na kami patungong Timezone. Halos lahat na ng games ditto sa Timezone ay nalaro na naming. Ang saya nga eh, kasi naman parating talo si Gail, minsan lang siyang nananalo. Habang Masaya kaming naglalaro ni Gail ditto sa Timezone, may tumawag sa amin.
"Gab..anong ginagawa niyo dito?" sabi ni Sophia
"Nagpra-prayer meeting kami dito"sarkastikong sabi naman ni Gail. Napakasungit talaga nitong si Gail. Dahil sa sinabi ni Gail kang Sophia ay sinamaan siya nig tingin nito.
"pagpasensyahan mo na si Gail meron kasi ngayon eh"
Sinamaan naman ako ng tingin ni Gail “anong pinagsasabi mong meron ako??ha??” bulong niya sa akin, binawala ko na lang yung sinabi ni Gail, pekon eh, hahaha.
"Okay lang yun" sabi naman ni Sophia
"Gutso mo bang sumabay sa amin?" tanong ko naman
"Kung okay lang sa inyo"
"Okay lang samin" sagot ko naman sa kanya, at dahil parang walang planong sumagot si Gail ay siniko ko siya, pinandilatan naman niya ako ng mata.
"Ah oo..okay lang...pss" sagot ni Gail na nakabusangot ang mukha
Lakad lang kami ng lakad ditto sa mall, si Sophia naman ay nakahawak sa aking braso. Hinahanap niyo ba si Gail?? Nandon siya sa likod namin,tahimik na sumusunod sa amin, iwan ko ba kung bakit ayaw niyang sumabay sa amin maglakad at dun talaga siya sa likuran namin. Na alerto naman ako ng biglang nagsalita si Sophia.
"Gab gutom na ako” sabi ni Sophia habang nagpapuppy-eyes, ang cute naman ni Sophia. Sh*t naman oh mukhang tinamaan na talaga ako ni Sophia.
"sige kain muna tayo, san mo ba gusto?" tanong ko naman sa kanya
"Kahit saan na lang"
"eh sa KFC na lang?okay lang ba sayo??"
"oo okay lang" sagot naman ni Sophia sa akin.
"Gai--...nasan si Gail?" tanong ko naman. Nandun lang naman siya sa likod namin ba’t na wala yun, aiissshh san nanaman yun pumunta??
"Hindi ko alam" sagot ni Sohia
"Hanapin muna natin siya" sabi ko kang Sophia, still hinahap ko pa rin si Gail, baka nandito lang yun sa paligid
"Ehhh Gab naman ehhh...gutom nako...baka umiwi na siya" reklamo naman ni Sophia sa akin
"uuhhmm...ahh..sige" wala na akong nagawa, tawagan ko na lang siya mamaya para ipaalam kung nasaan kami
Naka-ilang tawag at text na ako sa kanya at ni isa ay hindi niya sinasagot, naman oh, baka merong nangyari sa kanya, ako pa ang makokonsensya. Natapos na kaming kumain, hindi pa rin nagpaparamdam si Gail sa akin, naglakad-lakad na lang kami ni Sophia, hanggang sa napagod kami at nagkayayaang umuwi.
"Hatid na kita?" alok ko kang Sophia
"ahh wag na Gab may susundo naman sa akin eh”
"sige magiingat ka Sophia, bye”
"ikaw din, bye Gab" nagulat naman ako sa ginawa ni Sophia sa paghalik sa aking pisngi, bakla man pakinggan pero mga tol parang namumula ako. Umuwi na ako, pero napansin kung bukas pa ang ilaw sa kwarto ni Gail, kaya sinubukan kung tawagin siya at salamat naman at sinagot niya.
[Hello?]
"Gail ba't bigla kang nawala sa Mall kanina?"
[Ahhh sorry, sumakit kasi ang tiyan ko] sabi naman niya sa kabilang linya
"Ba't di ka man nagpaalam sa amin?"
[Hindi na ako nagatubili pang sabihin sa inyo, ang saya kasi niyo baka makasira lang ako, ikaw ha dumadamoves kana..ha ha ha] habang sinasabi niya iyon ay parang ang langya ng kanyang boses
"Okay ka na ba?"
[okay na ako. sige Gab tulog na ko.good night]
"good night"