Satisfying Needs 2 (Finished)

By JeraldineTanL

267K 4.3K 286

Satisfying Needs 2 by: aine_tan and FrustratedGirlWriter More

Prologue
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Epilogue

Chapter 2

13.1K 200 7
By JeraldineTanL

"DENISE...please. Let me in. Pakinggan mo 'ko..."

            Matalim na tinignan ni Denise ang nakasarang pintong binalibag niya sa pagmumukha ng lalaking ginawa siyang tanga. "Go away, Knud," matigas niyang sabi at saka tinalikuran ang pintuan.

            "Denise!" sigaw pa rin nito mula sa labas. "Listen to me."

            Siya namang nagmamatigas ay hindi maihakbang ang mga paa palayo.

            Kumatok ito ng kumatok. "Just give me three minutes to explain everything to you. Please, Denise... makinig ka naman sa'kin , o. Akala mo ba iyong isang buwan na hindi tayo nagkausap, masaya ako? Hell, no! I missed you!

            Missed? Siya? Na-miss nito? Oh, come on! Sino ang niloloko nito?! "Hoy, Knud, huwag mong pinapaikot ang ulo ko. Kung talagang nami-miss mo 'ko, kahit isang text, o chat, o email man lang nagpadala ka para sabihin sa'kin kung buhay ka pa ba o hindi na!" nanggagalaiting sabi niya.

            "Denise, open the door!" pagmamakaawa nito habang patuloy pa rin sa pagkatok. "Mas magkakaintindihan tayo kung walang pinto sa pagitan natin."

            Napaismid siya at kumuyom ang mga kamay. "Manigas ka!"

            "Denise..."                

            Gusto na talagang lumayo ni Denise sa pintuan, pumasok ng kuwarto niya, at magtalukbong ng mga unan at kumot para hindi na marinig ito ngunit...hindi niya magawang utusan ang sariling katawan.

            Nag-aagaw ang isip niya kung iignorahin ba ito at hahayaan itong magmukhang tanga sa labas. Aba! Dapat lang iyon dito! Considering the fact that she also looked stupid for the past month without any news from him! Nagawa niya pang maghabol at magtanong ng kung sinu-sinong tao para lang malaman kung anong nangyari rito.

            But her heart was biased. Gusto niyon buksan ang pinto at pakinggan ang mga paliwanag ni Knud. Her heart was willing to give him the benefit of the doubt.

            "Denise..." muling tawag ni Knud sa nagmamakaawang tono.

            Nagtagis ang mga bagang niya at hindi na alam kung anong gagawin.

            Again, it's the battle between the mind and the heart. Damn it!

            "Hindi ako uuwi hanggang sa hindi tayo nag-uusap ng matino, Denise," matatag na sabi ni Knud. "Alam ko na iyang ugali mong iyan. Nagmamatigas ka na naman."

            "So, what?!" mataray na sabi niya at saka na naman napaharap sa pintuang nakasara. "May karapatan akong maging ganito. Ang ayos ayos ng usapan natin ng gabing iyon, Knud, tapos bigla kang mawawala na parang bula at pagkatapos ng isang buwan, babalik ka ulit? And take note, ha? Kahit isang paramdam, wala! And now, you expect me to welcome you with open arms? Asa!"

            "Uh...well, yeah. With a kiss, perhaps?"

            "Fuck you! H'wag mo 'kong dinadaan sa pa-ganyan ganyan mo!"

            "Mag-usap kasi muna tayo ng maayos. Kapag narinig mo na ang paliwanag ko at saka ka magdesisyon kung magiging ano tayo."

            "Tayo? Baka nakakalimutan mo? Wala pang 'tayo', Knud, pero ngayon pa lang pinagmumukha mo na 'kong tanga!" hasik ni Denise at saka hinampas ng malakas ang pinto. "Just go back to where you came from!" taboy niya ngunit kulang sa diin.

            "Three minutes. Just give me three minutes, Denise."

            Hindi siya sumagot.

            "Two minutes, then!" tawad pa nito.

            Humalukipkip si Denise upang pigilan ang mga kamay sa pag-abot ng doorknob. She can feel it, her body was betraying her. Gustung-gusto niya nang pagbuksan ulit ng pinto si Knud.

            Napapikit siya ng mariin at lumapat ang kamay niya sa doorknob. Nagtagis ang mga ngipin niya kasabay ng pagpihit niya niyon pabukas.

            Then she saw him, again. Looking fresh and handsome. For a second, she had the urge again to hug him but...

            She raised her chin. "Talk. You have two minutes," she strictly ordered. Tiningnan niya pa ang orasan para mabilang ng maayos ang two minutes nito.

            Alanganing ngumiti ito. "Hindi ba mas maganda kung sa loob tayo mag-uusap?"

            "Okay ka lang? Ano ka, sinusuwerte? Now, talk! After your two minutes I'll shut this door, again! Umaandar na 'yung oras, o,"

            Tila nataranta naman ito at tumayo ng tuwid. Tumikhim pa ito. "Sa nakalipas na isang buwan, I still stayed in Singapore, Denise. Hindi ako umalis doon. Dahil hindi natapos ang trabahong ipinunta ko. Kulang pala ang tatlong buwang in-extend ko para lang ma-meet ang deadline ng demanding Singaporean nationals."

 Napabuga ito ng hangin. "Alam mong magbubukas kami ni Tito ng isang headquarter ng publishing house doon, hindi ba? We are also finding a perfect place for our own bookstore. I was doing all the heavy works, Denise... from meeting important people up to supervising my staff. Ako rin ang gumagawa ng advertisement and some sample book covers na papasa sa panlasa ng mga Singaporeans."

 Napakunot ang noo niya. Knud's a graphic artist and an illustrator. Ngunit kahit ganoon ay may mataas itong posisyon sa publishing house ng tiyuhin nito na boss niya. At makailang beses nga nilang napag-usapan over the phone na hindi pala ganoon kadaling kumuha ng business permit at kung anu-ano pang permit sa Singapore. Knud thought that he had it all planned. Pero hindi pa rin pala sapat.

 Kaya nga na-extend ito ng three months pa—mas matagal kaysa sa orihinal na plano nitong pag-aayos ng mga papeles sa Singapore.

 "They have gotten more strict sa pagtatayo ng foreign business. You know Singapore, Denise. Pinaka-disiplinado sila kaya kailangan kong sumunod sa lahat ng protocol."

 Lumabi siya at pinagkrus ang mga braso sa tapat ng dibdib, "I understand that. Pero bakit hindi mo man lang pinaalam sa'kin kaagad na magtatagal ka pa pala ulit ng isang buwan doon? You're not answering my damn calls, texts, and chats! Parang biglang nawala na ang existence ko sa mundo mo? Kahit isang text lang, Knud! That is all I need. I'm not asking much from you, you know that! Para naman hindi ako mukhang tanga dito na naghihintay sa tao na hindi ko alam kung babalik pa ba o hindi."

 "I'm sorry... I'm really sorry, Denise. Please, forgive me," he sincerely apologized. "Pero kalaban ko ang oras sa mga nakalipas na araw. Kahit sino dito sa Pilipinas, wala akong makausap dahil abalang abala ako na huwag mapunta sa wala ang apat na buwang inasikaso ko roon..."

 Nahilot ni Knud ang sentido nito at nakita niya ang kapaguran sa mga mata nito. "You don't know how much I wanted to talk to you, too, Denise. Pero kung hindi ako nagta-trabaho o may kausap na kung sinu-sinong tao para lang matapos lahat ng inaasikaso ko, natutulog ako. Dahil iyon na lang ang pambawi ko para tumakbo pa ng matino ang utak ko sa nangyaring pagkabuhol-buhol ng lahat ng inatang na responsibilidad sa'kin ni Tito."

 Bumagsak ang mga balikat nito at nilagay ang mga kamay sa magkabilang bulsa ng pantalon. "Akala ko madali lang ang lahat... hindi pala. I miscalculated my duties. I also admit I underestimated the people in Singapore. Akala ko, porket may koneksyon na 'ko, hindi na ko mahihirapan. Iyon pala, I still need to go along with the long and legal process to be able to buy a place and get some goddamned business permits."

 Tiningnan niya ito nang mataman at inobserbahang mabuti ang mga mata nito—kung tapat ba ito at hindi lang basta nagpapalusot. Baka mamaya, memorized na nito ang mga sasabihin kaya nagtutunog convincing sa pandinig niya? But then, this is Knud.

 Mahal niya ang lalaki. Nagiging biased ang feelings niya. Gusto niya nang paniwalaan agad ito. Gusto niya nang huwag na lang pansinin ang isang buwang walang balita mula rito.

 Pero...

 "Kahit gaano pa ka-busy ang isang tao, kung talagang importante sa kanya ang isa pang tao, kahit isang minuto lang, gagawa siya ng paraan para makausap iyon." Nagbuga siya ng hangin at tiningala ito para magsalubong ang mga tingin nila. "Ganoon ba kahirap magtext o chat? Kahit nga 30-second call lang, e. Ang kaso, kahit kaunting paramdam, wala!  Ano sa tingin mo ang mararamdaman ko?"

 Akmang hahawakan siya nito ngunit umiwas siya. Binaba nito ang mga kamay at saka huminga ng malalim. "But you weren't on my position, Denise. Minsan tatlong araw akong walang tulog para lang matapos ang mga ginagawa kong trabaho. Minsan, kailangan kong gumawa ng mga advertisements na ma-a-approve ng mga tao doon. Kapag ayaw nila, gagawa na naman ulit ako ng bago. At hindi ganoon kasimple bumuo ng concept! At hindi lang iyon ang ginagawa ko roon." Bumuga ito ng hangin. "Ang nasa isip ko, matapos ko lang lahat ng iyon, uuwi na talaga ako ng Pilipinas at saka 'ko ipapaliwanag ng mabuti sa'yo ang lahat."

 "Kahit tatlong segundong tawag lang, hindi mo magawa?"

 "Damn, Denise!" He looked frustrated. Nasuklay nito ang mga kamay sa buhok at saka umiling-iling. "Don't you know how much I yearn for you? Alam mong hindi ko kayang tumawag sa'yo ng sandali lang at magkasya sa ganoon kaikling oras para makausap ka. I would always want more from you, Denise. Natatakot akong kapag kinausap kita hindi ko na mabitawan ang telepono at tamarin na 'kong magtrabaho para lang makausap ka! Shit! Ganoon kita kamahal, can't you see? You're my worst and most favorite distraction!"

 Natulala si Denise at napakurap dahil sa mga narinig. She does not know if it's a compliment or an insult but either way, halatang pumapalakpak ang tainga niya at nagtatatalon ang puso niya sa mga huling salitang binitiwan nito.

 Kaunting-kaunti na lang ay mapapaniwala na siya nito. Mabobola na naman siya.

 "Kaya napagdesisyunan kong huwag munang tumawag o mag-text man lang. Dahil hindi ko na kaya pang paglaanan ng oras at siguradong ikaw lang naman ang gusto kong laging makausap pero lagi lang rin akong mabibitin kaya huwag na lang muna. And yes, it was a stupid decision but it's the only idea left inside my overused brain." Mabilis nitong kinuha ang isa niyang kamay. "Forgive me, Denise. Believe me. Totoo lahat ng mga pinag-uusapan natin sa telepono, sa text, sa chat... Kung sa nakalipas na buwan ay naramdaman mong parang naiwan ka sa ere, then you weren't. Nandito pa rin ako... na-busy lang."

 Ramdam ni Denise, bibigay na ang puso niya ngunit may natitira pang sense sa utak niya. Yes, Knud looked so convincing. Napaka-sinsero rin ng tinig nito. Plus the fact that he did look so tired and drained. She missed to see the dark shadow under his eyes. Kapag titigan pala itong mabuti ay mas malalim ang mga mata nito tanda nang kakulangan sa pagtulog.

 Pagod na pagod nga yata ito sa lahat ng trabahong ginawa nito sa Singapore...

 Kumibot ang labi niya at naramdaman niya ang pagkirot ng sentido. Binawi niya na ang kamay kay Knud.

 "Lumagpas ka na sa two minutes. But, well, you already explained. You can go now," she blankly said.

 Napanganga ito. "D-Denise?"

 "Alam mo, Knud, gabi na kasi. Gusto ko nang magpahinga. I'm drained and tired like you. So we both deserved some proper sleep, don't you think? Umuwi ka na," taboy niya rito at saka akmang pagsasarhan na ulit ito ng pinto nang pigilin nito iyon.

 "Denise—"

 "Next time na lang tayo mag-usap, Knud. Bumalik ka na lang kapag parehas na tayong hindi pagod. This whole thing is damn tiring!"

 Napabuntong-hininga ito. She saw surrender on his face. "Alright, I understand... But promise me, we'll talk again."

 Napilitan na lang siyang tumango.

 "Good night, Denise..."

 "Night..." Pagkasara niya ng pinto ay mabilis niyang ni-lock iyon. Ayaw man niyang paalisin si Knud ngunit hindi magandang masyado siyang nagpapadala ng emosyon.

 Pag-iisipan niya ang mga sinabi nito. Then, she'll decide. Titimbangin pa rin ang puso niya na lagi nang kampi kay Knud.

 She loves him. But she just got to be wiser than before.

~o~o~o~

 

NAGISING SI Denise sa tunog ng nag-iingay niyang iphone. Pagtingin niya roon ay tumatawag ang editor niya.

            Sinagot niya naman agad iyon kahit pa paos ang tinig dahil bagong gising pa lang siya.

            "Good morning, Miss Solis! Puwede ka bang pumunta dito sa office? May kailangan lang kaming i-discuss about your recent manuscript. At gusto ka ring makausap sana ni boss."

            Tinakpan niya ang bibig habang humihikab. "All right," pagpayag na lang niya agad. "What time?"

            "Kung makakaabot ka ng mga ten AM, okay sana."

            The fact that her editor is calling for a discussion ay may seryoso talagang pag-uusapan tungkol sa nobela niya. Kakausapin pa daw siya ng boss nila. Kaya kahit pa wala siyang planong lumabas ng araw na iyon ay pupunta na lang siya ng office.

            Tumingin si Denise sa wall clock at nakitang may dalawang oras pa siya para makapag-ayos at bumiyahe. "I'll be there."

            "Sige, Miss Solis! See you."

            Pagkababa ng tawag ay agad na siyang kumilos at naligo. Pagkatapos ay nakipagtitigan pa siya sa salamin. Iniisip niya kung mag-aayos pa ba siya o hahayaan na lang na simple ang get up niya.

            Tinapik-tapik niya ang mga pisngi na medyo lumolobo. "I guess I'll be okay with the natural," aniya sa sarili at saka umalis na sa harap ng salamin.

            Mabilis niya lang na nasuklay ang buhok at saka niya kinuha ang bag at shades. She went out the house and locked the door.

            Nagsisimula na siyang maglakad nang biglang may humablot sa braso niya at tumama ang mukha niya sa matigas na dibdib ng kung sino.

            "Ouch!" daing niya at saka napatingala. "What the hell?!"

            Knud smiled at her. "Good morning, Denise."

            Gustong kumunot ng noo ni Denise ngunit langhap na langhap niya ang mabango at hindi masakit sa ilong na pabango ni Knud. Parang ang sarap huwag magtaray at magpaka-good mood na lang ngunit nagmamadali siya.

            "A-Anong ginagawa mo rito ng ganito kaaga?"

            Nagkibit-balikat lang ito. "How was your sleep?"

            She rolled her eyes. "Next time na tayo magtanungan. May pupuntahan ako. Step aside."

            "Oh, no. You're not going anywhere, Denise," magaan na sabi nito at hindi binitawan ang braso niya. "But you're coming with me."

            Tinaasan niya ito ng kilay. "At sinong may sabing sasama ako sa'yo?"

            Medyo napangiwi ito. "I have to force you, then?"

            "Force me? Huh! You cannot force me—ahh!" napatili siya nang bigla siya nitong buhatin sa balikat nito na parang isang sako ng bigas. "Knud!"

            Pumalag si Denise at inulan na ito ng mura pero ang ending lang ay nakasakay na siya sa loob ng kotse ni Knud at mabilis na siya nitong nakabitan ng seatbelt.

            "Are you crazy?! Hindi mo 'ko basta puwedeng dalhin kung saan, Knud!"

            "Kailangan na kitang pilitin dahil kung hindi, hindi ka makikipag-usap sa'kin ng matino," seryosong sabi nito. "Once and for all, Denise, let's talk about everything... about us. Hindi na tayo mga bata. We've been through some things before. Ngayon pa bang ayos ka na at saka tayo hindi magkakaintindihan?"

            Napahalukipkip siya. He got a point.

            "Saan mo ba 'ko dadalhin? Kailangan kong pumunta sa office. Kakausapin ako ng editor ko at ng Tito mo."

            "Sshh. Relax, Denise. Just trust me."

            "Sorry, still got a little trust issue in here," nang-aasar na sabi niya.

            Mapagpasensyang napabuntong-hininga ito. "Kundi lang talaga kita mahal..."narinig niyang bulong nito.

            Nawala ang kunot sa noo niya at napatuwid siya ng upo. Tumatagilid na naman ang puso niya. Kahit na gusto niyang magmatigas ay gusto niya rin ang mga naririnig.

            "So, where are you going to take me?"

            In-adjust muna nito ang rearview mirror at saka siya sinulyapan. "To a happy place where you will surely kiss me," nakangiting sabi nito at saka pinaharurot ang sasakyan paalis.


——————————

Next update is on Sunday night, May 17.

Continue Reading

You'll Also Like

Fifteen By LzyDemb

Teen Fiction

41 0 12
How a fifteen year old girl deals with romance.
66.2K 2.1K 38
R18+ Mature Content Gay story Don't forget to vote and comment
113 39 5
She needs a man while I need a money I was born in poor family, so unhesitatingly I accept her offer to buy my body.
160K 2.4K 28
Two different people, who attest their unconditional love to each other.
Wattpad App - Unlock exclusive features