Wreck Me, Cia Clemente

By hasminxklara

12.7K 303 0

"We can satisfy ourselves tonight, but I cannot entertain you courting me, Lucas." ©️ 2022 More

Prologue :
***
01:
02:
03:
04:
05:
06:
07:
08:
09:
10:
11:
12:
13:
14:
15:
16:
17:
18:
19:
20:
21:
22:
23:
24:
25:
26:
27:
28:
29:
30:
31:
32:
33:
34:
35:
36:
37:
39:
40:
41:
42:
43:
44:
45:
46:
47:
48:
49:
50:
51:
52:
53:
54:
55:
56:
57:
58:
59:
Epilogue:
Note:

38:

131 4 0
By hasminxklara

Ala una nang makabalik ako sa bahay. Mabuti na nga lamang ay pinagbuksan pa ako ng gate ni Haze. I was about to get mad at her for being awake so late, but I did not have the chance to. Siya rin kasi ang maya't maya kong taga-update.

"Nasaan ate mo? Umiiyak pa rin?"

"Ha? Ewan kasi kanina ko pa siya iniwan sa kwarto niya, e. Sabi ko tutulog na ako tapos ayaw ko siyang katabi. Ayon na lang dinahilan ko kasi alam ko namang gusto niyang umalis ako ayaw niya lang sabihin."

"Matagal siyang umiyak kanina?"

Umiling si Haze na para bang nag-iisip pa. Ako naman ay nagmamadali na ring maglakad papasok ng bahay matapos ayusin ang pagkakaparada ng kotse ko. Tahimik naman na sa bahay. Wala na ring ilaw sa itaas dahil nakapatay na iyon.

"Matulog ka na." sambit ko na lang kay Haze.

Ngumuso lang siya sandali sa akin saka padabog ngunit tahimik siyang nagmartsa patungo sa kwarto niya. I made sure to lock the door and heaved a deep sigh before coming up to Esmeralda's place. Naghihingal pa ako nang kaunti sa ngayon dahil kinakabahan ako sa hindi ko malamang dahilan. I had to drive faster that is why I even got anxious on the way home. Muntik ko pang hindi maihatid nang maayos si Cia dahil medyo nagpapanic na ako. Ang dapat na tatlong oras ay nakuha ko ng halos dalawang oras at labinlimang minuto lang dahil sa pagmamadali ko. Hindi naman na ako kumatok pa nang subukan kong pumasok sa kwarto ni Esmeralda. Gladly, it's not locked. Agad na bumungad sa akin ang tahimik na kwarto at ang ilang kalat sa may inuman area, sa sahig, malapit sa kaniyang kama niya. Two bottles of gin Ginebra are empty. Sa katabi noon ay ilang mga lagayan ng pagkain at ang baso niyang ginamit. Nang lingunin ko ang kama ay naroroon siya't nakadapa. Hindi ko alam kung natutulog na siya o sadyang tahimik lang. Binuksan ko naman ang ilaw para hindi ako mangapa sa dilim. Marahan ngunit mabilis din akong nagtungo sa kama niya para tingnan kung tulog na siya o umiiyak. To my surprise, she's doing both. Tulog siya habang tumutulo ang kaniyang mga luha. Kaagad akong napabuntong-hininga dahil doon. Kulang na lang ay mapakamot ako sa ulo ko habang tinitingnan siya dahil nagui-guilty ako sa ginawa ko. I should have known that she is in pain. I should have known that she needs me to cry on.

"Mahal,"

Agad akong napatingin sa kaniya nang marinig ko ang mahina niyang boses habang marahan kong pinupunasan ang luha niya at sinusubukang huwag siyang magising. Nagmulat lang siya sandali ng mata at saka walang ganang iniabot ang kamay niya sa akin na agad kong hinawakan bago maupo sa kama niya.

"W-why are you here? Hindi ba't may lakad ka?" sinubukan pa niyang bumangon biglaan pero hindi niya kaya. "Ouch. Tangina. Umaga na ba? Oh my God. Saan natulog si Haze?"

"Shush. Settle down. Huwag kang malikot." sambit ko na lang. Pinaayos ko siya sa pagkakahiga niya at medyo binabaan din ang unan niya. "Natutulog na si Haze sa baba. Tapos na ang lakad ko."

"Ah...ganoon ba?" nagtataka siya. Naniningkit pa ang mata habang tinitiningnan ako. Hawak-hawak ko pa rin naman ang kanan niyang kamay na halos itapon niya kung saan-saan dahil sa kalasingan niya. "But why...do you sound cold?"

"Cold ka riyan."

"No. Nanginginig 'yong kamay mo oh tapos ang lamig." sabay turo niya pa sa magkahawak naming kamay. "Natatae ka ba?"

Natawa ako sandali. Kahit papaano ay nabasawan ang kaba ko. Hindi pa naman garalgal ang boses niya. Hindi rin mahirap intindihin dahil malinaw pa iyon. Sa mata niya lang mahahalatang umiyak siya at may tama na ng alak.

"How much did you drink?"

"Two. Dalawang bote."

"What time did you start?"

"Pagkatapos na pagkatapos ko sa design ko."

"Hmm. Okay. That doesn't even matter right now. Bakit ka naglasing?"

Sandali siyang napairap. Humiwalay din sa pagkakahawak kamay sa akin at halos itapon na naman niya iyon. Muntik pang matumba nang biglaang tumayo para kunin ang cellphone niya pero bumalik din kakaagad sa kama. She tapped on her cellphone for seconds and then gave it to me. Sa screen noon ay makikita ang isang picture. A wedding picture, actually. And I know who it is. Leo. He is smiling at his bride at the picture. Agad na nagtaginting sa isipan ko ang nangyayari. Agad-agad na nadagdagan ang pagkaguilty ko sa ngayon dahil kahapon pala ang kasal ng Leo na iyon. Hindi tuloy ako makapagsalita. Hindi ko alam kung paano ko dadamayan si Esmeralda at isa pa ay dapat hindi ko nakalimutan iyon una pa lang. I should have been prepared to be with her when she breaks down. Kaya pala matamlay siya bago ako umalis kanina.

"See? Ang ganda niya ano? Wait… heto pa."

Binawi niya ang cellphone niya sa akin sandali at agad ding ibinalik iyon. This time, instead of the wedding pictures, it's a recent conversation between her and Leo. Sobrang recent lamang dahil kaninang alas otso lang iyon ng gabi.

"You're the one I was seeing

while I was having my vows."

"I may have married her,

pero ikaw pa rin ang mahal ko."

"Ikaw pa rin palagi."

Napabuntong-himinga na naman ako. The bravery of this man to even send these types of messages to her after he married another girl. Nakakagalit to think that the girl he married will be miserable. Oras pa lang ang lumilipas, her husband is already doing bullshits behind her back. Good thing Emerald did not respond to it and even from the past weeks' constant messages she received from him. Nang lingunin ko siya sa ngayon ay malungkot ang mga mata niya. Hindi umiiyak, walang mga luha. Siguro ay naubos na sa kakaiyak niya.

"Ang malas ni ate girl but at the same time, ang suwerte niya." she smiled. "She married the man I once wished to marry, yet I cannot imagine the pain it will give her if she knows what we did, what he's still doing, and what he truly feels."

Hinayaan ko lang na sandali kaming matahimik. Ako ay pinapakinggan siya at kulang na lang ay lamunin ng galit dahil sa nakikita kong sakit sa mga mata ni Esmeralda. But even though I am mad, I cannot let her know I am. She is what matters here. Her emotions are what matters here. I need to just listen and be with her.

"I drank kasi kanina pa ako nagcocompose ng congrats sa Instagram post niya." she laughed it off. "Tangina eight letters lang iyon pero hirap na hirap akong isulat 'yon. Everytime I tried to, hindi ko kinakaya. I always end up trembling. I am a really bad person. I should be happy for them, right? But why can't I do that right now? I have these crazy thoughts na sana hindi sila maging masaya, o maging failed 'yong relationship nila. Ang sama ng ugali ko, mahal."

"No. Hindi sa ganoon. You were just mad. I know you do not genuinely wish that. Kilala kita, Esmeralda. You are the softest woman I ever met."

"Mahal..."

"Hmm?"

"Sex tayo."

I was too stunned to speak and process what she said. Hindi agad ako makapag-isip nang matino dahil sa sinabi niya. Now that she's also gently holding my left hand, drunkenly asking for casual sex. I know she is mad and heartbroken at the moment and it is not the first time she jokingly asked about us having sex, but this time seems different. Kahit ayaw ko ay hindi ko mapigilan at makapagkontrol. Sobrang init na kaagad ng pakiramdam ko. Napapalunok ako ng sarili kong laway habang nakatingin sa lasing niyang mukha at nararamdaman ang kamay niya sa kamay ko.

"Esmeralda," I laughed it off. "Malakas na nga talaga ang tama mo. Okay lang 'yan, gagaling ka rin naman tapos papagsisihan mo 'to bukas."

"Why? Ayaw mo?" she's confused. Parang batang naguguluhan din sa sinasabi niya at napakamot pa sa ulo niya.

She doesn’t even know what she's asking right now. Natatawa tuloy ako sa hitsura niya.

"Esmeralda, tulog ka na."

"No." naramdaman ko ang paghigpit ng pagkakahawak niya sa kamay ko nang subukan kong kumilos. "Why can't I have sex with you when you can casually do it with Cia?"

"Ha?" napalunok akong muli. "What do you mean?"

She laughed. "You can't hide anything from me. I have read your text messages and all the flirting. Siya ang lagi mong kasama paglabas-labas mo tapos siya ang emergency mo. You've told me before she just wants sex and ayaw mo sa ganoon because you really liked her before. Why did you lie to me? Bakit hindi mo sinabi sa akin na nadudugtungan pala 'yong set-up n'yo? That's weird."

"Ahm," napatikhim ako lalo na at nangungunot na ang noo niya. "Ano..."

"Fuck buddy. Tss."

"Esmeralda…"

"Tayo na lang, mahal." she smiled. Kakaagad na napaayos ng tayo at nakayakap sa akin. Naipulupot din ang braso niya sa may leeg ko at ngayon ay pinaglalaruan pa ang buhok ko. "Tayo na lang fuck buddy,"

"E-Esmeralda...stop playing with my hair and being stupid." sambit ko habang sinusubukang alisin siya sa pagkakayakap sa akin. "Papagsisihan mo talaga kahibangan mo bukas nang umaga. Saka iyang mga pinagsasabi mo. Pabababoy ka na nang pababoy ah. Hindi nakakatuwa."

"Tss." she hissed. Bigla pang piningot ang tainga ko at bumulong doon.

"I hate you." she said. "I actually hate you these past weeks."

She finished it off with a laugh. Napatigil ako lalo na nang siya na mismo ang kumalas sa pagkakayakap niya sa akin saka bumalik na sa pagkakahiga niya. Muli akong napalunok at tumingin na sa kaniya ulit.

"What do you mean you hate me?"

"I don't know. I just hate you. Hindi mo na ako mahal, e." she pouted. "Since that girl showed up and you agreed, even breaking your own rules, hindi mo na ako mahal."

"Oh, so nagtatampo ka talaga about doon sa lagi kong paglabas-labas?"

"Of course. Sino bang hindi?"

She pouted even more. Now she even sighed. Napatabon pa sandali sa mukha niya ng kamay niya. She's maybe thinking what she is trying to say right now and ends up being confused on what she is telling me. Napapatango-tango na lang ako. Mayamaya pa ay muli siyang bumangon.

"Ano?" she hissed dahil hindi ko siya nilulubayan ng tingin.

Hindi na rin maganda ang tama ko kahit hindi naman ako nakainom. Init na init na ang sistema ko kaya naman nananahimik na lang ako. It might be even obvious that I am getting hard right now. Hindi lang niya napapansin dahil hindi iyon ang focus niya.

"Galit ka rin sa akin?" she hissed again. "Oo na, oo na. I should have let it slip kasi bumawi ka na pero..."

"Sex tayo." I said. "Esmeralda, you don't casually say that..."

Hindi ko alam kung anong pumasok sa kukote ko at mabilis akong nakapunta kay Esmeralda na natigil lang at nanahimik sa kinauupuan niya. My left hand is gently caressing her cheek. I am looking at her eyes. I am aware on what I am to do next.

"...you feel it." I kissed Esmeralda for the first time. Not jokingly, not anything, but my heart commanded me to. "Saka don't say sex. It's making love."

Tahimik siya. Hindi gumalaw ang labi o kahit ang gumalaw man lang. Nakatingin lang siya sa akin na naguguluhan din lalo na ngayong nakatingin na lang ako sa kaniya para sa reaksyon niya. I know this is madness because she is my bestfriend and I don't want to lose this relationship with her. Maybe I am being stupid right now risking it because I cannot control myself on kissing her.

I might even be in love with her.

When I touched her cheek again, doon lang siya para bang natauhan. Tumingin siya sa akin na nanlalaki ang mga mata at hindi makapaniwala.

"Mahal..."

"Yes. I kissed you." I said. "And I guess I am also in love with you all since the beginning."

Continue Reading

You'll Also Like

420K 22.1K 33
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
274K 3.8K 48
[MATURED CONTENT] Not suitable for 18 below. C O M P L E T E D//// Pieces Series #1: "The truly scary thing about undiscovered lies is that they hav...
91.8K 2.7K 63
Color Series 3 : Seductive Red [SOON TO BE PUBLISHED UNDER DOUBLE R" PUBLICATIONS] Kaizer Villafuente and Red Sachi
712K 20.6K 38
Serenity being so pure and kind while Havoc being a cold-hearted guy, they immediately have a liking towards each other. After all, they say opposit...