Wreck Me, Cia Clemente

By hasminxklara

16.4K 327 0

"We can satisfy ourselves tonight, but I cannot entertain you courting me, Lucas." ©️ 2022 More

Prologue :
***
01:
02:
03:
04:
05:
06:
07:
08:
09:
10:
11:
12:
13:
14:
15:
16:
17:
18:
19:
20:
21:
22:
24:
25:
26:
27:
28:
29:
30:
31:
32:
33:
34:
35:
36:
37:
38:
39:
40:
41:
42:
43:
44:
45:
46:
47:
48:
49:
50:
51:
52:
53:
54:
55:
56:
57:
58:
59:
Epilogue:
Note:

23:

168 3 0
By hasminxklara

Napapailing ako habang tinititigan ang dalawa. Cia and Esmeralda are asleep on Esmeralda's bed. Magkayakap na magkayakap pa na daig mo pa ang hindi mapaghiwalay.

It's ten in the morning. Napapailing na lang ako habang inaalala ang nangyari kagabi pati na sa kwartong ito. Napakaingay nila. Muntik pa kaming masita for noise complain nang dahil sa biglaan nilang pagvivideoke ng alas dos ng madaling araw. They both cried in between the shots, the stories they told each other for the hundred times about Pocholo and Leo, and the singing. Hindi ko sila napigilan. Napuyat din ako kakaalalay sa kanila sa pagpunta sa cr para masiguradong hindi sila madudulas o mababagok. Mabuti nga rin at medyo nakaya kong bantayan silang dalawa dahil weirdly enough, they wake up from time to time. Iiyak silang dalawa tapos magkukwentuhang lasing, matutulog, babangon tapos iiyak ulit. Pagod na pagod ako buong magdamag. Mabuti nga at natigil din sila at tuluyang nakatulog noong bandang alas sais na ng umaga. Nagui-guilty tuloy ako kung gigisingin ko ba sila o hihintayin na lang na magising nang kusa. I contemplated for five minutes before I decided not to wake them up. May niluto na kasi akong hangover soup and I think they badly need that. Magluluto na lang ako ng pagkain sa ngayon para kapag nagising sila ay hindi naman sila magutom.

"Who are you with last night, kuya? May bisita ba kayo ni Ate?" si Haze na kumakamot pa sa ulo niya. Kakagising niya lang at agad na nagdiretso rito sa may kusina. That is what she always does. "That's new. Never pa kayong nag-invite dati ah. Sino? Ang ingay n'yo e muntik na akong hindi makatulog."

"Yeah. May bisita kami." sambit ko na lang.

Hindi ko na sinabi sa kaniya kung sino iyon. I am aware and Cia told me too that she hates her. Both hates each other. Ayaw ko namang sirain kakaagad ang umaga ni Haze kapag nalaman niyang si Cia nga ang bisita namin.

Sabay kaming kumain ni Haze ng brunch. Hindi ko siya masyadong kinakausap dahil abala ako sa pagtipa sa cellphone ko habang siya ay ganoon din ang ginagawa. Mukha namang nagustuhan niya ang niluto ko at wala siyang reklamo sa ngayon. Nakita ko lang ang pagtataka sa mata niya nang makita niyang bumaba si Esmeralda kasunod si Cia. Kahit ako ay naguguluhan din. Both are a mess. Halatang kakagising lang at sabog na sabog ang mga buhok. Pipikit-pikit pa na para bang walang pakialam kung nakikita namin silang ganoon ang hitsura. Parehas ding mukhang malala ang hangover nila. Agad na nagdiretso sa hapag ang dalawa. Magkatabi pa nga sa harapan namin. Napalipat pa nga si Haze sa tabi ko dahil hindi sila mapaghiwalay. I just shrugged when Haze looked at me confused. I know she is asking about why Cia is here. Hindi naman siya nagsalita ng pagtutol doon pero mataman niyang tinitingnan ang dalawa. Nakayukod parehas sa mesa at animo ay langong-lango pa sa alak.

"Tubig," si Esmeralda. "Kailangan ko ng tubig."

"Ako rin. Tubig," si Cia.

I quickly gave both a glass of water. Namangha ako ng halos sabay sila sa pagkilos. Sabay sa pag-inom at sabay din sa pagtapos. Matapos iyon ay sabay silang napangalumbaba sa mesa. Nagpapabalik-balik ang mata sa amin ni Haze at ganoon din kami ni Haze sa kanila. Ngingiti-ngiti pa nga sila mayamaya.

What is happening to them? Are they?

"Oh?" si Cia na medyo natatauhan na yata. "That kid?" she chuckled.

"Ah siya pala ang bisita?" hindi makapaniwala si Haze sa napagtanto niya at ngayon ay napapailing na nakatingin sa akin. Animo ba ay si Mama ito kung makapagreact sa nangyayari. "Kaya pala kahit maingay e hindi mo sinasaway. Ah, now I know."

"Tss. Why do you hate me, kid? Natatalbugan ko ba ang ganda mo?" Cia chuckled again. Lasing pa nga ang isang ito dahil kahit bata ay pinapatulan. "Tss."

"Excuse me? Ako? Natatalbugan sa ganda mo? Hala saang banda?" mataray ang tono ni Haze na napacross arms pa. The pettiness on her face is visible. "God made me beautiful, your doctor made you."

"Haze!"

"Tama!" sang-ayon ni Esmeralda na hindi ko lalong inaasahan. Nagkatinginan pa sila ni Cia na ngayon ay tumatawa na rin. "Papagawa rin ako sa doktor kapag napagtripan ko. Ang laki ng dede niya, e. Ang sarap hawak-hawakan. Sobrang gana ng tulog ko sa dede niya."

"Tulog ka ulit. Halika."

-

Pagbuntong-hininga na naman ang ginawa ko nang tingnan ang mga reaksyon nina Cia at Esmeralda. Nandito sila sa sala at nagkukwentuhan. Alas dos na nang hapon at mukhang ngayon lang sila nahuhulasan sa pagkalasing dahil mas maayos na ang kanilang pananalita. Ngingiwi-ngiwi na nga lang mayamaya kapag umaatake ang sakit ng ulo. Haze is on her room. Ayaw niyang lumbas at mas gusto ko nga iyon dahil nag-aaway sila ni Cia. It must be true that they do not like each other at all. Mukhang una pa lang talaga ay hindi na sila magkasundo. Parehas sila ng ugali, e.

"Nakailang bote tayo kagabi, bes?" si Cia kay Esmeralda. "Ngayon na lang ako nakainom ulit nang ganoon kagrabe. Hindi ko kinakaya ang sakit ng ulo ko. Humihina na yata ako ah."

"Ewan. Hindi ko na nabilang, e. Nawalan na yata ako ng ulirat kagabi." pagrereklamo rin ni Esmeralda na panay ang paghilot sa sentido niya. "Buti na lang wala akong pasok ngayon. Grabe feeling ko wala na akong atay pagkatapos ng araw na ito. Ah, grabe."

Pinapanood ko silang magpalitan ng mga saloobin nila na tungkol sa kanilang hangover at sakit ng ulo. Napapailing na lang ako dahil hindi ko sila makausap nang maayos. Ginagawa lang nila akong katulong. Inuutos-utusan lang nilang dalawa ako. Wala naman akong magawa kung hindi ang sundin sila. Unang-una ay hindi ko puwedeng hindi sundin si Esmeralda dahil papagalitan ako noon. Ikalawa, Cia might think the other way and it is weird to not follow her polite requests. Baka sabihin pa nito na napakapangit kong mag-imbita sa bahay. Isa pa, I still cannot talk with her again. I am still findinh it awkward that she is here in my house after what has happened in between the two of us.

"Ang init!" si Esmeralda.

I saw Cia looking at her phone for the nth time in an hour. Nakikita ng peripheral visions ko na may tumatawag sa kaniya pero hindi niya sinasagot. Mabuti na nga lang talaga at walang habas ang bunganga ni Esmeralda at siya ang nagtanong nang mapansin niya ang napansin ko.

"That's him, right? Bakit ayaw mong sagutin gago ka." she laughed. "Baka nag-aalala na 'yon maawa ka naman."

"Tss." sambit ni Cia. She quickly declined another call from Pocholo only seconds after that. "Bahala muna siya sa buhay niya. Mag-alala siya dapat sa akin. Deserve ko naman sigurong magtampo at suyuin nang dahil sa mga ginagawa niya. Tss."

"Heto napakapetty din. Batukan kita riyan, e."

"Uuwi naman ako mamaya. Mamaya pa rin naman siya uuwi so it doesn't matter if I accept his call or not. Gabi pa naman siya makakauwi eh. Gabi pa kami magkikita. Papag-alalahanin ko muna siya nang kaunti."

"Hay naku ewan ko sa'yo." Esmeralda hissed. "Mahal, ikaw ba inaantok? Siguradong napuyat ka kakabantay sa amin ni Cia. You should sleep now kahit wala kang pasok."

Hindi naman ako sumagot. Napatingin ako kay Cia na ngayon ay nakakunot ang noong nagtatanong kay Esmeralda.

"Bantay? How would you know na binantayan niya tayo kagabi e lasing din ang isang iyan?"

Napailing si Esmeralda. "He always does that. Taga-alaga ko 'yan kapag lasing ako, e. Sana kung hindi ako siguradong binantayan tayo niyan kagabi, may problema tayo ngayong umaga. Baka naghasik tayo ng katarantaduhan diyan sa labas." she even laughed. "Kaya kung mayroon ka mang papasalamatan dahil buhay ka pa at walang problema ngayong nag-uumpisa pa lang mawala ang hangover me, it's Lucas."

Napapatango-tango naman si Cia habang nagpapaliwanag si Esmeralda. They look like they understood everything in one conversation. Wala nang follow up at wala nang pagtutol.

"Sige. I'll do that. Babawi naman ako ng tulog." sambit ko na lang at saka nagdiretso na sa kwarto matapos kong magpaalam sa kanila.

Panatag naman ang loob ko na hindi mabobored si Cia o mapapahamak dahil nasa kamay siya ni Esmeralda. She will be safe. Nang makahiga ako sa kama, dala na rin siguro ng pagod at antok, ay agad akong nakatulog. Nang magising ako ay wala na si Esmeralda sa bahay. Haze is at the sala and Esmeralda is cooking our dinner.

Alas otso na pala nang gabi. Medyo napahaba-haba rin ang tulog ko kaya bawing-bawi ang puyat ko. I am not even hangover because what I did that night is more on be silent, listen to Cia and Esmeralda's rants, and making sure they are not going to do anything stupid.

"Nakauwi na nang ligtas si Cia." Esmeralda said without even looking at me. She knows I am asking even though I did not directly ask. "Mga alas singko siya umalis tapos nagtext siya kanina na nasa bahay niya na raw siya. Handa na raw siyang magpalambing sa jowa niya."

"Did she say anything?"

"Hmm. Wala naman. Was she supposed to say something before leaving except thank you?"

Umiling ako. Nagdiretso na rin sa may refrigerator para kumuha ng tubig at agad iyong inumin.

"Wala naman. I am glad she is home safe." I said matapos kong uminom. Nagdiresto na rin ako sa sala habang hinihintay na matapos ang pagluluto ni Esmeralda. Haze looked at me as if I did something to annoy her as soon as I walk towards her direction. "What? Kanina ka pang tanghali ah. Baliw ka ba?"

"Why is that plastic girl with you and Ate?" napacross arms pa ito. Halatang may inis sa kaniyang mukha.

"Plastic girl? Sino? Si Cia?"

"Yeah."

"Why are you hating her so much?"

"Because deserve niya. Hindi n'yo ba napapansin? She is not a real friend. Baka mamaya niyan masira kayo ni Ate gawa sa babaeng iyon kuya ha? Masama pa naman ang ugali noon."

Napakunot ang noo ko sandali saka natawa. Sa loob-loob ko ay hindi ko alam kung dapat ba akong tumawa o kunin ang ilan sa points ng sinabi ni Haze dahil sa totoo lamang ay mayroon nga naman. Well, hindi kasali roon ang ugali niya. Hindi naman masamang tao si Cia. Mukha lang na pangit lang talaga ang impression nila sa isa't isa kaya niya ito nasasabi.

"Masama rin naman ugali mo ah. Hindi naman ako nagreklamo."

"Kuya, iba 'yong sama ng ugali ko kaysa sa sama ng ugali niya. Kapatid mo ako kaya alam mo ugali ko while that girl, I don't know, maybe friends n'yo lang sandali. Malay mo may inner agenda pala 'yan."

Natawa naman ako at naupo na rin sa tabi niya. Agad ko siyang binatukan pero mahina lamang. Thay would not even hurt a littlr but her reaction is extreme. Umakto pa siyang inaapi at sinasalag ang kamay ko.

"Tamo kakatanggol mo riyan sa Cia na 'yan pati ako inaaway mo."

"Haze, matulog ka na kaya 'no? Dami mong sinasabi, \e."

"Tss. Talaga. Kay Ate Emerald ako matutulog mamaya. Tabi kami. Tse!"

Iyon lamang at saka iniwam niya na ako sa sala. Binelatan pa nga ako na para bang bata at nagdiretso sa kusina kung nasaan si Esmeralda. Napailing na lang ako ulit. She is really a kid yet sometimes her emotional maturity is on point. Hindi ko siya masisisi kung ayaw niya kay Cia or she have those doubts. My little sister is just trying to protect me. Makalipas ang ilan pang minuto ay tinawag na ako ni Esmeralda sa hapagkainan.  Tapos na siyang magluto kaya naman kaming tatlo ay narito na at naghahanda. Haze keeps on looking at me madly and when I am looking at her back, she'll roll her eyes. Of all the emotions in the world, she chose pettiness tonight.

"May pasok ako bukas. Sama ka ulit, Haze?"

"Yes, ate. Ayaw kong maiwan kasama si Kuya rito. Tss." she hissed at me. Diniinan pa talaga ang mga salita niya. "Baka bugbugin ako niyan kakatanggol niya kay plastic girl."

"Plastic girl? Sino?" tanong ni Esmeralda na naguluhan din noong una. "Oh, si Cia? Boobs lang plastic doon, not her."

Continue Reading

You'll Also Like

333K 6.7K 37
Her father treats her like a princess, the world treats her like she's a national treasure and yet the man she loves treated her like a trash. That's...
48.7K 1.4K 45
Meraki means doing something with soul, creativity or even love. And that was what Raki does for herself, and also for her 4 year old son. She was a...
31.1K 450 45
Montenegro Series #4. Ang buhay na kinalakihan ni Jamilla Carson Cabe ay masalimuot at malungkot. Separated parents, drunkard father and pressured by...
37.4K 758 44
Published: March 9, 2022 Finished: September 25, 2022 (Book Cover isn't mine. It was made by my amazing friend.)