Ancient Romance (God's series...

By Sillent_eater

20.9K 1.3K 342

Arcadia is a happy fairy, but when her feet set foot in God's palace, her destiny will begin to change, will... More

Characters
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41

Chapter 24

178 22 2
By Sillent_eater

Arcadia's Point of View

Chapter 24

Napahawak ako sa dibdib ng muli kaming huminto, mahigit ilang oras na kaming naglalakad ngunit ay hindi parin kami nakakarating sa dapat naming pupuntahan.

" matagal paba tayo.? " hinihingal kong tanong sakanya. bat sakanya ay halata rin ang paghingal dahil nag tataas baba din ang balikat nya.

" oo ngunit, magiging matirik na ang susunod nating madadaanan " aniya, kaya tumango nalang ako. kahit ano pa iyan. kailangan kong sabihan si indra.

Napalunok ako nang makita ang matirik at nakakatakot na dadaanan namin, maling galaw ko lang at paniguradong mahuhulog ako sa madilim na bangin na iyon.

" maging maingat ka sa mga hakbang mo. " paalala ng nilalang na nasa tabi ko tangin pagtango nalang ang nagawa ko dahil hindi ko parin maitanggal sa mata ko ang lugar.

Nagsimula na kaming maglakad at ang tanging hinahawakan ay isang lubid, hindi kopa alam kung matibay pa ito luma narin ito at mukhang matagal ng nakalagay dito.

Muli akong tumingin sa gilid ko at nakita na naman ang bangin, halos magsitaasan lahat ng balahibo ko sa katawan dahil sobrang dilim nito, ni wala akong makita na maliwanag na parte.

may nahulog na kaya jan?

" huwang kang tumingin, kailangan nating maka alis sa lugar na ito sa lalo't sa madaling panahon, baka magising ang nilalang na iyon mahirap na. " nilalang? may nakatira bang kakaibang nilalang jan sa madilim na lugar nayan.

nakaramdam ako ng takot, anong klaseng nilalang kaya ang bubungad jan? mas masahol pa kaya sa dragon? wag naman sana hindi pako nakakapunta kung nasaan si indra.

mabilis ang naging lakad namin, at halos maghabol ako ng hininga ng maka-alis sa nakakatakot na daanan na iyon, at buhay pa naman din ako.

matapos kong magpahinga napa angat ang tingin ko dahil sa ingay.

" nandito kana sa aming tribo, " aniya nya at naunang lumakad kaya sinundan ko naman sya, napatigil din ang maingay na lugar ng pumasok kami sa isang malaking bakuran.

lahat ng mga mata nila ay nasa akin.

" sino ang nilalang na iyan gill.? " isang lalaking mas malaki pa ang sungay kesa kay gill ang lumapit samin, tinignan ako nito mula ulo hanggang paa bago muling binalingan ang katabi ko.

" isa syang diwata, nandito sya upang makita ang lalaking dinala ko din dito. " sagot naman ni gill. tumingin ulit sakin ang lalaki

" isang diwata? kakaiba pala talaga ang mga itsura nyo,. " hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kakaiba sa sinabi, hindi kaya't guni guni ko lang iyon?

" sige samahan mona sya. " dugtong pa nito at umalis na agad naman akong nakahinga ng maayos dahil don.

" pasensya na sa anak ng pinuno namin, ganon talaga iyon. " aniya kaya tanging pag ngiti nalang ang iginanti ko.

Pumasok kami sa isang maliit na kubo napatakbo ako ng makita ang walang malay na si indra, agad ko syang sinipat at wala naman syang sugat pinakiramdaman ko rin ang enerhiya nya at mabuti naman ay bumalik na ang lakas nya.

" salamat at iniligtas mo sya. importante sya sakin-at syempre pati sa nakakarami. " tumango naman ito. at nagsabing kukuha lang ng maiinom.

Muli kong tinignan ang lalaking nakahiga sa maliit na kama, bakit kaya tulog sya? bumabawi parin ba ang katawan nya? bakit ba kasi ibinigay lahat ng enerhiya nya sakin kung ganito naman kahihinatnan nya.

bahagya aking lumapit sakanya agad kong sinuri ang noo nya at nakahinga naman ako ng maluwag ng wala syang lagnat.

Indra's Point of View

Hindi kopa nababawi ang lahat ng lakas ko at nagising nalamang ako sa kakaibang lugar, kakaibang mga nilalang ang sumalubong sakin ng ako'y magising at sinabing nawalan ako ng malay sa kakahuyan.

hindi ko sinabi ang aking katauhan at tanging pangalan lamang ang pina alam ko, hindi ako pwedeng magtiwala lalo't nasa labas ako ng palasyo.

Napatingin ako sa hawak kong polseras, hindi ko naibalik sakanya ito dulot ng pagmamadali dapat pala ay isinuot ko nalang sakanya habang wala syang malay at hindi na sya hinintay na magising hindi ko tuloy maramdaman ang enerhiya nya.

nagpahilot ako sa aking sentido dahil sumasakit ito, hindi pako pwedeng umalis sa lugar nato dahil may kakaiba ako nararamdaman may nanunuluyan na itim na salamangka sa lugar na ito.

ngunit ngayon ay kailangan kong maisiguro na hindi nararamdaman ng nilalang nayon ang presensya at enerhiya ko.

Agad kong tinuon ang sarili sa pagpapasok sa loob ng katawan ko ang lahat ng enerhiya ko, walang pwedeng maka-alam ng pagkaka-kilanlan ko.

Humiga ako at pumikit kailangan kong ikonsetrasyon ang katawan ko upang hindi ito mabigla.

Hindi ko alam kung ilang oras ang tinagal ko bago matapos ang kailangan kong gawin, idinilat ko agad ang aking mata at lumingon ngunit.. nagulat ako sa presensyang nakikita ko.

paanong nandito sya,.

Dahan, dahan akong tumayo at hindi gumawa ng ingay nakahiga ang ulo nya sa kamang hinihigaan ko kaya dahan dahan ko syang nilapitan.

hindi ko alam ngunit biglang gumalaw ang kamay ko upang alisin ang hibla ng buhok nya na tunatakip sa mukha nya.

pinuntahan nya ba ako dito? paano nya nalaman ang ganitong lugar.

palihim nalang akong napa-iling hanggang ngayon ay hindi parin sya sumusunod, hilig parin nyang gawin ang gusto nya kaya lagi syang napapahamak.



Arcadia's Point of View

Napakusot kusot ako ng mata ng magising hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. napatingin ako sa kama kung nasaan si indra ngunit ganon nalamang ang gulat ko ng wala na sya doon.

hala! nasan na sya.

Agad akong lumabas ng kubo at inikot ang buong paligid ngunit walang indra ang nakita ko, nakaramdam ako ng kaba dahil hindi pa sya ka ganon kalakas para lumabas at isa pa hindi nya alam ang pasikot sikot sa kagubatan. isa syang dyos at laging sa palasyo lamang sya namimirpi.

bakit ba kasi ako natulog? e kung gising ako at lumabas sya maaari ko syang pigilan.

Tatakbo pa sana ako ng may biglang humila sa pulsuhan ko sa lakas ng pagkakahila non ay nauntog ako sa dibdib non.

" bakit ka humahangos.? " agad na naging pamilyar sakin ang boses ng lalaking iyon.

Inangat ko ang tingin at ang mukha nya ang sumalubong sakin pakiramdam ko ay nakahinga ako ng maluwag dahil nakita ko syang ligtas.

" bakit ka humahangos, arcadia? " napalunok ako dahil sa pag tawag nya sa pangalan ko.

" hinahanap ko lang kayo kamahalan, at kailangan na rin nating umalis dito. may nangyayaring masama sa palasyo. " ani ko agad sumeryoso ang itsura nya.

Bigla itong bumuntong hininga na ngayon ko lang nakita sa tuwing kaharap ko sya.

" hindi tayo maaaring makalabas sa lugar na ito, " agad nangunot ang noo ko dahil don.

" bakit naman bawal.? " nagtataka kong tanong bakit naman kami bawal lumabas.

" dahil may malaking harang ang lugar na ito, kapag lumabas tayo hihigupin ng harang na iyon ang enerhiya nating dalawa. " paanong nangyari yon? at bakit may ganitong harang sa lugar nila gill.?

" kung ganon' anong gagawin natin.? " tanong ko sakanya.

" sa ngayon kailangan muna natin silang pakiramdaman. " tumango naman ako sa sinabi nya.

Nagulat ako ng may biglang yumakap sa braso ko, isa itong babae na may sungay din, gabon din ang nangyari kay indra may lumapit din sakanya na babae ngunit nanatiling wala syang emosyon.

" sumali kayo sa salosalo namin,. " pahayag ng isang matanda habang nakaupo sa malaking sanga ng kahoy, may hawak din itong malaking baso na gawa rin sa kahoy.

Masaya silang nag sasayawan sa malaking apoy mula sa gitna, hindi alintala ang init na nagmumula doon. inikot ko ang paningin ko at tumama iyon sa anak ng pinuno na sinasabi ni gill.

napalunok ako sa hindi ko malamang dahilan, alam kong kakaiba sila ngunit kakaiba talaga ang anak ng pinuno nila.

" gill.. " tawag ko kay gill na nasa tabi ko lamang ito lumingon ito saglit ngunit agad ding umiwas.

may problema kaya.?



HAPPY 2023 EVERYONE.♥️

Continue Reading

You'll Also Like

828K 29K 103
When Grace returns home from college, it doesn't go like she thought it would. With her past still haunting her everyday choices, she discovers a sid...
1.3M 90.4K 23
#Book-2 in Lost Royalty series (But can be read standalone ) Ekaksh Singh Ranawat The callous heartless , sole heir of Ranawat empire, which is spr...
113K 4.4K 27
""SIT THERE AND TAKE IT LIKE A GOOD GIRL"" YOU,DIRTY,DIRTY GIRL ,I WAS TALKING ABOUT THE BOOK🌝🌚
147K 7.4K 21
I suddenly died while reading greek mythology. I know! I know! It's so cliche! I am very aware of that fact! But you're correct, I got reincarnated i...