Author's Note (The Villain Se...

By wintertelle

220K 11.2K 3K

The Villain Series No. 1 Due to Zero almost wiping out the fictional dimension, Fictosa's system malfunctione... More

The Villain Series
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Winty's Note
Spotify Playlist

Kabanata 8

4.7K 301 217
By wintertelle

NAKATUTOK sa kisame si Logan habang nagpaulit-ulit pa rin sa isipan niya ang nakita kagabi. Hindi siya nakatulog buong gabi. Hindi niya malimot ang mga cocoon na naglalaman ng mga tao pati na kung paano sila binitbit ni Adamas papuntang bintana at hinagis.

He thought he would kill them, but thankfully, Adamas caught them with his threads before they could land and meet the afterlife.

"Get over it." Bahagya niyang sinapok ang ulo bago bumangon sa kama.

Binalewala niya ang bigat na nararamdaman at kaagad na naligo. Alas singko na ng umaga at kailangan na niyang maghanda para sa kaniyang shift. He was working part-time at a coffee shop every weekends. Sa weekdays naman nagtratrabaho siya bilang editor sa isang publishing company at part-time instructor sa university kung saan siya gr-um-aduate.

And that wasn't his dream. He wanted to be an author. But for now, he needed to work his butt out to provide for himself and for his family. Hindi naman siya tumitigil sa pangarap niya. Patuloy niya pa rin itong tinutupad kasama si Gon. Kaya siya nandito para abutin ang pangarap niyang maging makilala ang kaniyang mga likha.

Pagkatapos niyang maligo, lumabas na siya at nagtungo sa kusina para magluto. Nadaanan niya si Adamas na mahimbing na natutulog sa sofa na nasa salas.

Sumagi na naman sa isip niya ang kagabi.

"Bahay ko 'to pero ako pa inuwi mo." Bumuntonghininga siya bago nagpatuloy sa kusina.

Hindi siya makapaniwala na sila pa ni Gon ang inuwi nito sa apartment building. Sila ang sumundo, pero sila rin ang inuwi. Hays.

Nagsimula na siyang magsaing at magluto ng ulam. Pagkatapos, hinanda na niya ang hapag. Pinuntahan niya si Adamas upang gisingin. Isang metro ang layo niya sa lalaki dahil natatakot pa rin siya hanggang ngayon. Malay niya, baka wala pala ito sa mood at siya ang biglang pagbuntungan.

"Mr. Adamas."

"I'm already awake." Bumangon ito.

"Naka-veil ka kasi. Hindi halata." Napakamot siya sa kaniyang ulo. "Kakain na tayo."

Naglakad na siya pabalik ng kusina. Napansin niya ring sumunod si Adamas sa kaniya.

"Stop being afraid, human. I'm not going to hurt you or Gonietta."

"Should I be happy about that?" Pinasadahan niya ito ng tingin bago umupo.

Tinanggal naman ni Adamas ang kaniyang veil at umupo rin sa kaharap na upuan. Tumango ito. "You should be. You should feel honored that you get the side of the villain like myself."

"I never wish for that to happen. I rather want the main character's side. It's safer that way."

Napasimangot naman si Adamas sa kaniyang sinagot. "Safer? Since when did I make your life in danger?" Tinusok nito ang sunny-side up bago ituro sa kaniya. "You and my reddy readsy are the ones asking for danger. I never ask you to follow me around. But despite that, did you get hurt, huh? Did you even get a single scratch?!"

"No, but--"

"I never ask for the 'buts'. I only want the yes or no, so you can shut up now and eat."

Kagaya ng sinabi nito, hindi na siya sumagot pa. Panay ang pagbuntonghininga niya habang kumakain dahil sa inis. He cooked the food and let him have a share. Siya ang naghanda sa lahat pero kung umasta ito ay parang siya pa ang nakikikain. 

"Whoa! This tastes so good! So good! So Noa loves this taste, huh? She mentioned once she like eggs." Adamas swayed his body like an air dancer balloon while savoring the egg.

Napailing siya.

He's overreacting again.

"You're too obsessed with your author," komento niya. Tumayo na siya at niligpit ang kaniyang kinain.

"Because she's obsessed with me, too!" nakangiting saad nito at inubos na ang pagkain.

Niligpit niya rin ang pinagkainan nito. Maghuhugas na sana siya pero pinigilan siya ni Adamas.

"You seem to be in a hurry. Leave that to me."

Hindi-makapaniwalang nilingon niya ito. "Marunong ka maghugas ng pinggan?!"

"Tsk. Tsk. Tsk." Adamas shook his head while walking towards the sink. "It seemed that a reader of Odds of Tribes is not paying attention to the tiny details of the story. Not a good trait for a writer to obtain."

Nagsimula na itong maghugas. And Logan's mouth hung open when it wasn't Adamas, but it was his threads doing all the work. Kaagad niyang naalala ang isang scene sa Odds of Tribes kung saan inutusan si Adamas ng ama na maghugas ng pinggan matapos siya nitong sermunan.

Nakaawang ang bibig niyang nagsalita, "Wow . . . and you have the nerve to flex that to me when it was your power doing the work?"

"My power is mine. Therefore, I am still the one doing it."

Sighing, he looked at him from head to toe. Then back to his proud face again.

What a shameless villain.

"Well, anyway. I need to go. May work pa ako. Sana wala kang gagawing masama habang wala ako." Tumalikod na siya at maglalakad na sana palayo pero napatigil siya. Muli niyang nilingon si Adamas. "Ah, about what you said earlier . . ."

"Saan doon?"

"Can I really trust you? That you won't hurt us?"

Adamas turned to look at him. "Really, human? I can't believe you read Odds of Tribes and then not knowing that the villain there never lies. I am always true to my words."

Pinagmasdan niya ito saglit.

He was right. He couldn't recall any scene from the book that Adamas failed to put action into his words. He was murderous but truthful.

Sumagi sa isipan niya si Aivan. Even though he was hesitating, he took all the courage to ask Adamas.

Napalunok muna siya. "You never lie, right? W-why did you kill Aivan last night? What did he do to you?"

"He killed my wordy Noa."

"Noa committed a suicide."

"He was one of the reasons why my beloved did that."

"How would you know?" kunot-noo niyang tanong. "What was your proof? Aren't you just acting because of your villain instinct? Because you can't stay still and not kill anyone?"

"Villain instinct, huh?" He squinted his eyes, displeased by what he heard. "This is what a villain instinct can do."

Tinapat nito ang kamay sa kaniyang mukha. Ang akala niya'y susuntukin siya nito kaya napapikit siya. Imbes na kamao ang tumama, isang sinulid ang tumusok sa kaniyang noo. Wala siyang naramdamang sakit subalit nanlambot ang kaniyang mga tuhod. Sumunod na lumabas ang mga imahe sa kaniyang isipan dahilan upang tuluyan siyang manghina.

It was fast yet he understood the images, the voices and the conversation. It was Aivan and a woman, talking crap about people's struggles and Noa's death.

"Do you understand now?"

Nahigit niya ang sarili sa reyalidad nang marinig ang boses ni Adamas. Bumalik ang lakas niyang nawala kanina. Tiningnan niya ang lalaki na nakatalikod na sa kaniya at naghuhugas na ulit ng mga pinggan.

"Leave now or this villain instinct will strangle you if you start to question me again about my judgement." Mahina ngunit may diin sa bawat salita.

Napalunok ulit siya. "O-okay. Then, I'll get going. Oh and . . ." Napakamot siya sa kaniyang ulo. Nagdadalawang-isip siyang umalis. He felt like he made Adamas upset. So to quench his guilt, he ended up saying, "If you want to change, you can borrow some of my clothes. I'm quite worried dahil ilang araw ka nang hindi nagpapalit ng damit."

Nakakapagtaka nga dahil hindi nangangamoy si Adamas. Siguro dahil hindi siya totoo kaya hindi rin siya bumabaho.

Tuluyan na siyang lumabas. Pinuntahan niya muna si Gon na nasa seventh floor upang kumustahin kung okay lang ba ito bago bumaba patungong first floor at mag-abang ng sasakyan sa labas.

When he got inside the taxi, it was a que to focus his mind on his work. Buong araw siyang nagtrabaho sa Ice and Freeze Café. Isa itong shop na nagtitinda ng iba't ibang sweets, coffees, at teas.

Malapit nang mag-end ang shift niya nang makatanggap siya ng notification mula kay Gon.

Tinignan niya ito.

Gonietta Ran:
Hoy, Lolo! Tingnan mo 'to. Kinakabahan ako.

Binitiwan niya muna ang hawak na empty tray. Binuksan niya ang link na naka-attach sa message ni Gon. Isa itong article patungkol kay Aivan Laurien.

Napalunok siya nang mabasa ang laman nito.

Aivan Laurien was reported missing.

Isang malalim na buntonghininga ang binitiwan niya. Kung makikita niya ang sariling repleksyon ngayon, masasabi niyang mukha na siyang pumanas sa sobrang putla. Kinakabahan siya.

Mag-re-reply na sana siya nang tawagin siya ni Ash, ang co-worker niya.

"Logan, sa table seven." Nilagay nito ang ice cream sa tray.

Binalik niya sa bulsa ang phone bago abutin ang tray ng ice cream. Kaagad siyang naglakad papalapit sa table seven at binigay ang kanilang order.

Nang pumatak ang alas kuwatro, nag-out na siya dahil tapos na ang kaniyang shift. Tinanggal niya ang kaniyang brown apron at inayos ang sarili bago naupo sa isa sa mga table ng café. Mamayang alas-diyes pa ito magsasara pero hanggang alas-kuwatro lang ng hapon ang shift niya.

Tiningnan niya ang kaniyang phone. Bumungad sa kaniya ang mga messages ni Gon.

Gonietta Ran:
Hoy! Huwag mo 'ko i-seen!

Lolo!

Seener (⁠ノ⁠`⁠Д⁠´⁠)⁠ノ⁠彡⁠┻⁠━⁠┻

Puntahan kita r'yan. Chika us!

Logan Murikawa Ramirez:
I'm waiting.

Pumunta muna siya ng counter at nag-order ng favorite nitong Strawberry Frozen Yogurt. Saktong pagbalik niya sa upuan, dumating na rin si Gon.

For a moment, Logan was suddenly like the yogurt he was holding--frozen. He couldn't take his eyes off of her. The brown flower dress she was wearing perfectly fitted the shades of her skin. And the small sling bag added a subtle touch to her appearance, making him curved his lips into a smile.

She was cute. And utterly stunning.

When Gon gaze at him, he immediately looked away and pretended he wasn't staring about how gorgeous she was.

"Hoy, Lolo!" bati nito at umupo sa kaharap niyang upuan. Tinuro nito ang frozen yogurt. "Para sa akin ba 'to? Akin na 'to, ah?"

Before he could reply, Gon was already enjoying the yogurt.

"Alam mo ba, puro si Aivan ang laman ng news. Gago, Lolo, ano gagawin natin?"

"What do you mean? We can't do anything." He sighed.

Napatigil naman ito sa pagkain. "Wala tayong gagawin? Mananahimik lang tayo?" Lumapit ito sa kaniya at saka bumulong. "Hindi natin sasabihin sa awtoridad na alam natin kung sino ang kumuha kay Aivan? Na patay na si Aivan ngayon?"

"No." Marahan niyang tinulak ang mukha nito palayo sa kaniya. Masiyadong malapit. Hindi siya makapagpokus. "Adamas will not be happy if we do that. Baka tayo ang sumunod kay Aivan."

"Pero, Lo. Hindi ka ba na-g-guilty?"

"I am. But . . ." Napaisip siya sa ipinakita ni Adamas kaninang umaga.

He felt bad about what happened to Aivan. Pero magsisinungaling siya kung sasabihin niyang hindi siya nakahinga nang maluwag. Kahit na alam niyang mali, may parte sa kaniya ang natuwa sa nangyari kay Aivan.

"Let's not just get ourselves involve."

"We are already involved," sagot ni Gon. "Nasa apartment mo nag-s-stay si Adamas."

"Yeah, but let's not make a move. Let Adamas handle this total siya naman ang may gawa nito. And isa pa, kapag nakialam tayo. I doubt kakayanin nating harapin si Adamas." Sumandal siya sa upuan at pinokus ang kaniyang tingin sa kaniyang pulso. "Pumili ka, Gon. Will you choose to be in the side of the authority or to Adamas who can easily kill us?"

"I suggest you take my side."

Sabay silang napaigtad nang may lalaking biglang lumapit sa kanila. Halos malaglag ang kaniyang mga mata nang makita si Adamas. Hindi niya man lang ito napansin.

Kung bakit hindi niya napansin ang pagdating ng lalaki ay dahil wala itong suot na veil, robe at corset. Isang itim na polo at pants ang suot nito. Nakatali rin ang mahaba nitong buhok. At ang pagkakatali pa ay kagaya ng sa kaniya kung saan kalahating parte lang nito ang nakapuyod. Mukha na siyang--

"Mukha ka ng tao, Adamas," 'di makapaniwalaang sabi ni Gon at tiningnan si Adamas mula ulo hanggang paa. "Bukod sa mga mata, mukha ka na talagang tao."

Humalakhak naman si Adamas. Ang tawa nitong literal na maririnig ang 'haha'. Kumuha ito ng upuan at umupo sa kanilang table.

"Thank you for the compliment, my reddy readsy." He pointed at the yogurt. "What is that you're eating?"

"Frozen yogurt."

"Frozen yogurt?!" malakas nitong sabi at nanlalaking mga matang tinitigan ang hawak ni Gon. "Shit! My wordy Noa mentioned that thing!" He then shifted his eyes to him. "Get me one! I want to try that right now!"

Wala siyang nagawa kundi ang um-order ng isa pang yogurt. Adamas' face was already twinkling with excitement, so how was he supposed to say no? At isa pa, baka 'pag umayaw siya, baka bigla siya nitong gawing cocoon.

Nang makarating ang order, kaagad nitong nilantakan ang yogurt. Napapikit ito sa sarap habang niyayakap ang sarili.  "Ah! It's so good! So good! My Noa was right! It tastes like paradise!"

"Baliw."

Tumango naman siya bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Gon.

"Bakit ba panay na lang ang pagbanggit mo kay Noa, ha? Bakit parang ang dami mong alam sa kaniya? Hindi ko nabasa na baliw na baliw ka pala sa kaniya. Ano bang mayroon?" dagdag ni Gon.

"You want to know?" Tumigil ito sa pagkain at pinasadahan sila ng tingin. He signaled them to lean in so they did. Adamas then whispered on their ear. "The truth is . . . I'm her husband."

Napangiwi naman silang dalawa bago lumayo at tiningnan ang lalaki na punong-puno ng panghuhusga. "Baliw nga."

"I'm not lying! We are married!"

"Weh? Kailan at saan kayo nagpakasal?" pang-iintriga ni Gon.

"In my dreams."

Napahalakhak naman ang babae. Nabitiwan nito ang yogurt at hinampas-hampas ang lamesa. "Mas delusional ka pa pala sa mga readers mo, Adamas. I feel you! Ganiyan din ako kabaliw sa mga kinaadikan kong karakter! Apir nga!" Tinaas nito ang kamay at nakipag-high five kay Adamas.

Siya naman ay bumuntonghininga lang at nanatiling tahimik. He couldn't believe that the two clicked at some point.

"Illusionada ka pala, ha. Balo ka na naman," dagdag pa ni Gon.

Adamas came from the Widow Tribe, and members of those tribes had to be widows. Ibig sabihin, si Adamas ay nagkaroon na ng asawa at ngayo'y naging balo na.

Was it possible to make all the members of the tribe widows? Well, to make it happen, it was part of their tradition to kill their spouse after five years of marriage.

When he first read those, he was utterly surprised. But when he reached halfway of the book, he found out the reason why they had to kill them. And it was because of the odds that the tribe had been given. Both the Widow and Unmarried tribes had their own odds, and for the widows, it was a disease that will slowly kill their spouse after five years of marriage. To avoid their spouse's suffering, they took the responsibility to kill them the moment they showed symptoms.

And Adamas had killed his wife too. His wife wasn't relevant in the book, so the author didn't waste time to give her a name nor a description.

"I am not delusional--well just quite--but not that delusional like how you all threw thirsty comments on me!" sagot ni Adamas kay Gon. Muli nitong kinagat ang frozen yogurt.

"Ha? Anong ibig mong sabihin? Nababasa mo opinyon ng mga readers sa 'yo?"

Adamas nodded.

Napanganga naman si Gon. Magsasalita na sana ulit ito nang may babaeng lumapit sa kanila. May hawak itong hardbound na medical textbook.

"Gon? Logan? I can't believe I'll see you here."

"Stacey!" bati ni Gon sa dumating at sinalubong ito ng yakap.

Nginitian niya rin si Stacey bilang pagbati.

Stacey was their schoolmate in college. She was a nursing student, Gon was in Fine Arts while he took up Creative Writing. Nakilala nila si Stacey dahil sa isang volunteer organization na sinalihan nila dati.

"Kumusta ka na?" tanong ni Gon.

"Doing great in med school. How about you? Nagd-draw ka pa rin?"

"Oo. Nagtratrabaho rin ako bilang layout artist."

"Oh, really? How 'bout you, Logan?" Nilingon siya ni Stacey. "Do you still write?"

"Yeah." Tumango siya at tipid na ngumiti.

"And ano na ang naabot niyo r'yan?"

Natigilan naman siya sa sinabi nito. Si Gon naman ay napakunot ang noo.

"Ha? Anong ibig mong sabihin?"

She looked at them from head to toe. "Hindi naman sa minanaliit ko kayo, but you know, going into the artistic path will do both of you no good. Wala kayong kinabukasan kapag pinagpatuloy niyo 'yan. It's not worth it and kinda cheap as well. You won't get any titles and pa-d-drawing drawing and sulat-sulat lang kayo. Ang boring, right?" Hinarap nito sa kanila ang textbook na hawak. "Unlike me, I'm now in med school and will soon become a doctor. I suggest you both get a real profession as soon as possible kasi baka magsisi lang kayo sa huli."

Napakuyom naman ang kaniyang kamao matapos iyong marinig.

"Ah. Siguro nga, 'no?" Peke namang tumawa si Gon. "Naisip na rin namin 'yan at baka siguro nga mag-aaral ulit kami ng college."

"You should be," nakangiting sagot ni Stacey.

Umiwas siya ng tingin at tinuon na lang ang pokus sa kaniyang pulso. Hindi na bago sa kanila ang makarinig ng mga ganoong salita. Sa tuwing malalaman ng mga tao ang natapos na kurso nila, nagiging dismayado ang kanilang mga mukha. Na para bang sinasabi nilang sinayang lang nila ang apat na taong ginogol nila sa kolehiyo.

Na walang kuwenta ang kurso nila. Na dapat kumuha sila ng totoong kurso. At ang mga totoong kurso para sa kanila ay mga kursong nasa business, law at medical field.

Sanay na sila sa mga taong ganito mag-isip kaya hindi na lang nila pinapatulan.

"Anyway, I need to go. I have classes to attend pa."

Nagpaalam na si Stacey sa kanila at maglalakad na sana paalis nang biglang inagaw ni Adamas ang textbook.

"Ah, excuse me?" Bahagya pang natulala si Stacey nang makita ang mukha ni Adamas.

"What kind of a person do you think who made this book, human?" Binuklat ni Adamas ang mga pahina pero kaagad ding sinira at tinuro ang pamalat. "How about this one? What kind of a person who made this?"

Napataas naman ang kilay ni Stacey. "Uh . . . what's your point?"

Tumayo ito at hinarap ang babae. "My point is the kind of people who made this book that can supply knowledge to a dumb human like you are Gonietta and Logan." Adamas pointed at them while his eyes were fixated to the woman. "They have real professions. Get that inside your head."

Hindi naman nakasagot si Stacey. Sila rin ay natahimik dahil kahit sila mismo ay hindi alam ang isasagot.

Ito ang unang pagkakataon na may nagtanggol sa kanila.

"Now, apologize."

"What? Why would I apologize?" inis na sigaw ni Stacey. "I was just telling the truth! If they'll stay like that, they can't survive in this country. Being an artist is not the standard here!"

"The problem is not the country's standard. It's the way you think, human. It. Is. Your. Mindset." Dinutdot ni Adamas ang dulo ng libro sa noo nito dahilan para mamilog ang mata ni Stacey sa gulat. She looked offended.

"How dare you!" Marahas na winaksi ni Stacey ang libro. Sasampalin na sana si Adamas ngunit naunahan ito.

Adamas slapped her hard with the hardbound textbook.

Continue Reading

You'll Also Like

59.1K 6.8K 29
HIGHEST RANK ACHIEVE #09 ACTION-THRILLER. Department One: Home of Detective Ace's. Considered the most successful department throughout the city of t...
3.4K 219 34
Ang mabuhay ng payapa at matiwasay ay ang tanging hiling ng mag-aaral na si Katana. Ngunit ang lahat ng kaniyang mithiin ay tila ba nag-laho na paran...
7.5K 698 34
"Where do insomniac persons go?" Pressured with Yawaka's standards, Dazzle Amaria ended up being sleep-deprived and dreamless. She even found hersel...
10.5M 480K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #03 ◢ Alpha Omega - refers to the twelve demigods destined for the upcoming rebellion. The world has changed. Time has stopped an...