C A P O D E C I N A

By Yanalovesyouu

53.5K 3K 954

Constance Grace has been forced into hiding and is currently waging a battle to stay alive. She is resolute i... More

Author's Note
I l P r o l o g o
C a p i t o l o 1
C a p i t o l o 2
C a p i t o l o 3
C a p i t o l o 4
C a p i t o l o 6
C a p i t o l o 7
C a p i t o l o 8
C a p i t o l o 9
C a p i t o l o 10
C a p i t o l o 11
C a p i t o l o 12
C a p i t o l o 1 3

C a p i t o l o 5

1.8K 143 58
By Yanalovesyouu

I focused my attention first on the filthy wall in front of me, then on the metal chain that was tying my hands together.

Imagine, nakakulong na ako sa loob ng selda, tapos nakagapos pa ang mga paa at kamay ko habang nakaharap sa pader. Masyadong possessive 'tong si Ludovic Luciano, ah.

Pero okay lang kasi wala namang magandang view rito sa loob. Aside from that, there is not even a sliver of light to be seen. Even the ground itself is not paved, so I'm not sure how I'll be able to find a place to sit if I'm not tied up in some way.

Hindi rin ako puwedeng umalis dito sa teritoryo ng Luciano Famiglia dahil baka hindi na ako makabalik. Kaya kesa tumakas, e, hahayaan ko na lang muna na ganito ang sitwasyon ko pansamantala.

Hindi ko lang alam kung gaano katagal ko kayang manitili rito dahil na nakakasulasok na amoy nitong selda. Amoy pinaghalo-halong panis na pagkain at nabubulok na daga. Buti na lang at hindi ganoon kaselan ang tiyan ko kundi baka kanina pa ako nagsuka.

Natigilan ako because someone was calling me. "Psst! Miss maganda!"

Alam kong ako tinutukoy ng kung sinuman na iyon dahil ako lang naman ang maganda rito.

When I turned to the right, the metal chain that held my hands and feet together clanked. Shit! kailangan kong mag-ingat dahil baka may mga tauhan iyong si Ludovic Luciano na nakabantay malapit dito sa selda ko.

"Miss maganda, ako ito." Kahit hindi ko maaninag ang pagmumukha niya dahil sa sobrang dilim, e, kilala ko ang boses ng manyak na iyon.

"Ano ang trip mo?" pabulong na sigaw ko.

"Nandito ako para tulungan ka," bulong din niya pabalik. Sunod ay nakarinig ako ng kalansing ng mga metal. Binubuksan na nga ng gago itong selda.

"Tanga! Hindi ko kailangan ng tulong mo, huwag kang pabida r'yan," inis na sagot ko sa kanya, pagkatapos ay ibinalik ko na ulit ang tingin ko sa pader.

Hindi naman sa ma-pride ako, pero ayokong madagdagan ang utang na loob ko sa kanya. Lalo na kung hindi ko naman kailangan ng tulong. Nakapag-decide na ako kani-kanina lang na dito muna ako. Kailangan kong mag-isip ng paraan para malaman kung bakit si Ludovic Luciano ang inilagay ni Ciro doon sa papel.

Pero matigas ang mukha ng isang 'to dahil nandito na siya ngayon sa tabi ko at pilit na inaabot ang lock nitong metal na nakagapos sa mga kamay ko.

"Alam mo hindi ko gustong tumakas, oka—"

"You're welcome," putol niya sa sinasabi ko. I let out a sigh, then rolled my eyes in response kahit na hindi niya naman iyon nakikita.

"Hindi ako ang nakaisip nito, kaya huwag kang mag-alala."

Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya, "Anong ibig mong sabihin?" tanong ko. Pero biglang may sumagi sa isip ko.

Don't tell me, si Ludovic Luciano ang nag-utos sa kanya?

I'm not sure why, but just thinking about it made me smile.

Sabi ko na, eh! Mukhang nakuha ko nga talaga siya sa second sight.

I smiled and clutched both of my wrists as he removed my handcuffs, which had been so painful.

Mukha lang din akong tangang nakangiti habang inaalis niya ang chain na nasa binti ko.

"Paano ba 'yan, mukhang boss mo na ako, dahil napaibig ko ang Capo n'yo," I told him in a condescending manner.

"Huh?" Kahit hindi ko siya nakikita ay alam kong nagtataka siya dahil clueless siya sa sinasabi ko.

"Sige na, tara na," pag-iiba ko ng usapan at saka naglakad palabas ng selda. But as soon as I was free, I told him to walk in front of me.

"Mauna ka, hindi ko alam ang daan pabalik sa kuwarto ng future jowa ko."

"Adik ka ba?" tanong naman niya sa akin kaya tumigil ako at tiningnan siya ng masama dahil nasa likod ko pa rin siya hanggang ngayon. Narinig ko siyang natatawa-tawa habang naglalakad hanggang sa makapuwesto na siya sa harap.

May paminsan-minsan akong napapahawak sa likod niya dahil wala pa rin akong makita. Mabuti na lang at may dalang cellphone 'tong manyak kaya nagagamit niya iyon bilang pang-ilaw.

Sige lang tumawa ka lang. Kapag ako talaga jinowa niyan ni Ludovic, tingnan natin.

"Kung inaakala mong si bossing ang nag-utos sa akin na pakawalan ka, nagkakamali ka," sabi niya habang naglalakad. Nakasunod naman ako sa likod niya.

Wait, what?

"Kung hindi si Ludovic Luciano ang nag-utos sa 'yo, e, sino?" tanong ko.

Saglit siyang huminto para lingunin ako. Muntik pa akong mapasubsob sa kanya dahil sa sahig ako nakatingin. Gago naman nito, manay maglakad na lang.

"Si Ottavia."

What? Iyong babaeng intrimitidang pabida?

Nakatago kaming dalawa nitong manyak sa pagitan ng dalawang malaking poste habang nag-aabang ng tamang tyempo para lumabas.

We're looking at a group of influential Luciana Famiglia members walking down the lengthy corridor at pinangungunahan ito ng isang babae.

"Sino naman ang mga 'to?" bulong ko sa manyak. Nang lingunin ko siya ay napataas ang isang kilay ko dahil halos magkadikit na ang mga mukha namin kaya tinampal ko siya sa mukha.

"Aray k—"

He couldn't finish what he was about to say because I abruptly silenced him. "Sshh, tingnan mo 'to, mag-iingay pa."

"Ba't ka kasi nananampal?" angal niya habang kinukuskos ang mukha.

"Nabigla lang ako, okay?" pagdadahilan ko. "Oh, sino na 'yang mga 'yan?" tanong ko habang nakasunod na ulit ang tingin doon sa grupo na naglalakad.

"Mga taga Prima ang mga 'yan," bulong niya.

"Anong Prima?"

"May labing tatlong decina ang Luciano Famiglia at ang bawat decina ay pinamumunuan ng isang Capodecina. 'Yang babaeng nasa unahan ay isang funzionaria."

"Ahh... okay? So ano ang ibig sabihin ng funzionaria?"

Tumingin iyong manyak sa akin na para bang takang-taka sa mga tanong ko. "Wala ka ba talagang alam?

"Magtatanong ba ako kung alam ko?"

"Tara," pag-aaya n'ong manyak nang makalampas na iyong grupo na nanggaling daw sa Prima.

Lumingon muna siya sa kaliwa't kanan para masigurong walang tao at saka marahan na lumabas mula sa pagkakatago namin. Sumunod naman ako sa kanya.

"Tinatawag na Capodecina dahil ang ibig sabihin n'on ay head of ten. At iyong sampung high-ranking officials na nasa ilalim ng Capo ay tinatawag na funzionarie kapag marami. Funzionaria kapag babae, at funzionario kapag lalaki." Napangiti ako dahil kahit naman pala manyak 'to, mukhang marami akong matututunan sa kanya.

"At sa Luciano Famiglia, ang Prima ang unang Decina. Sila rin ang pinakamakapangyarihan."

Dahil sa mga paliwanag niya, medyo naiintindihan ko na. Ang hindi ko lang alam... "Bakit sila nandito ngayon? Dahil ba sa akin?"

"Oo," tipid na sagot niya. Naglalakad pa rin kami

"Ang ganda ko talaga," komento ko. "Akalain mo 'yon, dinarayo ako ng taga ibang decina rito. No wonder kung bakit gusto n'yo akong itakas dahil—"

"May idea ka ba kung bakit ka nila pinuntahan dito?" tanong niya kaya I gave him a sidelong glance.

"Dahil maganda ako? Crush siguro ako n'ong capo nila. Gusto akong asawahin, kaya pumunta sila rito para—"

"Gusto nilang sila ang pumatay sa 'yo," putol niya sa sinasabi ko kaya natigil ako sa pagde-daydream.

What?

"Sus! Huwag ka ngang imbento r'yan. Bakit naman nila gagawin 'yon, e, wala naman akong ginagawa sa kanila?"

May ilang minuto pa kaming nagtalo dahil no'ng una hindi ako naniniwala sa sinabi niya.

Pero ang sabi nitong manyak, ito raw ang dahilan kaya inutusan siya ni Ottavia na itakas ako mula sa selda. Nakatunog si Ottavia na dahil sa ginawa ko kanina sa lobby ay gusto akong kuhanin mula sa kanila ng iba't ibang grupo.

Well, hindi dahil natutuwa sila sa akin kundi dahil may atraso ako sa kanila.

Imbes na doon kami sa dalawang hagdan na may red carpet dumaan ay tumungo kami sa ilalim nito. May mga pinto rin pala 'to sa ilalim.

"Huwag kang mangtatangkang gawin ulit sa akin iyong ginawa mo kahapon, sinasabi ko sa 'yo baka hindi kita ma-tantsa," paalala ko sa kanya bago kami tuluyang makapasok sa loob.

Tumawa pa siya ng mahina pero hindi niya sinagot ang sinabi ko. Gago 'to, ah. Baka plano niya pang ulitin 'yon subukan niya lang talaga.

"Dalawa sa mga namatay ay kabilang sa Settimo kaya mas mabuti na kami ang humawak sa kanya para mabigyan siya ng karampatang kaparusahan na naaayon sa bilang ng mga pinatay niya," he firmly stated. Hindi ko kilala kung sino siya dahil wala siya kanina roon sa mga kasama ng mga taga Prima.

"Settimo?" bulong na patanong ko rito sa pangit na manyak at saka inabot ang inaalok niyang sigarilyo. Nakatanaw kami ngayon sa isang salamin kung saan kita namin ang nangyayari sa loob ng la sala conferenze.

Ludovic Luciano was present, as were several other funzionarie from other decinas. Pero hindi tulad ng iba, tahimik lang siya at nakikinig.

"Ipagtanggol mo naman ako, aba. Self defense iyong ginawa ko."

"Self defense? E, ikaw ang naunang kumuha ng baril," epal nitong manyak kaya tiningnan ko siya ng masama. "Excuse me? Si Ludovic ang kausap ko." Tumawa lang siya pero nanahimik na rin dahil nabaling ang atensyon namin sa umapila.

"Dalawa lang ang namatay sa inyo, sa Prima ay lima. Therefore, I believe that we ought to punish her." Siya iyong babae na nakita naming nasa unahan kanina ng mga taga Prima. In fairness sa kanya, ramdam mo talaga ang awtoridad sa pagsasalita nito. Wala na ring nasabi pa iyong funzionario ng Settimo.

"Both points were taken. Pero let's not disregard the fact that Tredicesimo ang nakahuli sa kanya. In other words, miyembro n'yo man o hindi, Tredicesimo ang magdedesisyon kung ano ang gagawin sa kanya." And that's—

"Sino nga ang isang iyon?"

"Alin?"

"Iyong nagsalita?"

"Ah...si Russo, isa rin 'yan sa mga funzionario ng Tredicesimo."

"Good job, Russo!" papuri ko with matching palakpak pa na pinigil naman agad n'ong manyak kaya sinamaan ko siya ng tingin. KJ naman.

Tumuro pa siya kaya sinundan ko ng tingin ang daliri niya. "Iyong katabi naman ni Ottavia ay si Saverio." For a brief moment, I turned to face the man he was pointing at. Guwapo rin 'tong isang 'to, ah. Pati na rin iyong Russo.

Then I returned my gaze to the person next to me. "Hindi ba't funzionario ka rin? Bakit hindi ka kasali roon?"

"Pang sampu ako sa ranggo, eh. Ha-ha." Ahhh okay. May mga ganoon pa pala.

"That won't happen," pagtutol n'ong babaeng galing sa Prima kaya napatingin ako sa kanya. "Alam ng lahat na sa lahat ng Decima na ang Prima ang may kakayanan na gawin 'yan."

"Ano ang ibig niyang sabihin?" tanong ko ulit sa manyak.

"Sa lahat ng Decima ng Luciana Famiglia, Prima ang may pinakamayaman, pinakamaraming miyembro at pinakamakapangyarihan."

"E ang Tredicesimo?" tanong ko kasabay ng pagbaling ko sa kanya.

"Kulelat," nakangising sagot niya. "Tredicesimo ang pinakamababa sa lahat ng antas."

Talaga?

Ibinalik ko ang tingin doon sa salamin para tingnang muli si Ludovic Luciano.

"Bakit kayo ang pinakamababa? Bobo ba si Ludovic Luciano?"

Natawa siya ng malakas sa tanong ko kaya hinampas ko siya sa braso. "Huwag kang maingay baka marinig tayo nitong mga 'to." Ipapahamak pa ako, eh.

"Hindi siya bobo, okay?" umpisa niya, "Sadyang malas lang siguro talaga."

Ilang saglit pa ay may mga nagmamadaling pumasok na mga kalalakihan sa loob ng la sala conferenze kung saan sila nag-uusap.

Lumapit siya doon sa funzionaria ng Prima at may ibinulong. Kahit hindi namin dinig kung ano ang ibinulong nito doon sa babae, e, mukhang alam ko na.

Nagkatinginan kami n'ong manyak. "Tingin mo kailangan ko nang tumakas?" tanong ko sa kanya.

"Ops, hindi ka puwedeng tumakas, bihag ka pa rin namin baka nakakalimutan mo."

"Oh sige, umisip ka ng paraan kung paano nila ako hindi mahuhuli nang hindi tumatakas," sagot ko naman sa kanya.

Ngumisi naman siya sa akin bilang sagot. Sa totoo lang, hindi ko gusto ang ngisi niya dahil parang katawan ko na naman ang habol niya. "Huwag mong subuka—"

"Hep! Mali ka ng iniisip," putol naman niya sa sasabihin ko.

"Mabuti naman kung ganoon."

"Wow! Ito ba ang pinakatuktok na palapag?" tanong ko nang bumukas ang elevator. Marami ring lalaki ang naka suot ng black suit na animo'y mga estatwa dahil nakatayo lang sila sa magkabilang gilid ng corridor. Halos isang metro lang din ang pagitan nila.

Sa tingin ko ito na ang floor kung saan ko makikita ang Mafia Boss.

"Katapusan ko na ba?" bulong ko sa manyak. Pero imbes na sagutin ako ay ngumisi lang siya ng nakakainis.

"Kung papatayin n'yo ako, warningan mo naman ako para makalaban ako kahit papaano 'di ba?" Hindi pa rin ako sinagot ng pangit na manyak. Dere-deretso lang siya sa paglalakad.

"Alam mo, ito iyong time na kailangan ko ng kadaldalan mo," inis na sabi ko pa hanggang sa mapansin ko na lang na huminto na pala siya sa dalawang malalaking pinto. Tingnan mo 'tong gagong 'to. Hindi man lang sinabi sa akin na hayun na pala ang pupuntahan namin. Dere-deretso pa naman ako.

Padabog akong naglakad pabalik dahil sa inis. Hindi pa man ako nakakalapit sa kanya ay bumukas na ang dalawang malaking pinto na nasa harap niya.

"Wow! Legit pang mayaman nga 'to, ah." Nauna akong pumasok s'yempre. Hindi ako puwedeng mahuli sa mga ganitong pagkakataon.

Lumapit ako sa entry table na puno ng mga gold na figurine at saka kumuha ng isang piraso. "Psst, pangit! Sa tingin mo magkano ang isa nito?" tanong ko roon sa manyak at saka pinagmasdang maigi ang figurine.

Wala naman sigurong masama kung mag-uuwi ako ng isa nito bilang souvenir 'di ba? Ano pa't naging magnanakaw ako kung hindi ko rin naman magagamit sa mga ganitong pagkakataon.

At saka isa pa, hindi naman siguro ikakahirap ng Luciano Famiglia kung kukuha ako ng isa.

Pinunasan ko muna ang figurine gamit ang damit ko at ibubulsa ko na sana nang may magsalita mula sa likuran ko.

"Iyang mismong hawak mo ay nagkakahalaga ng 2.5 million dollars." Pakiramdam ko ay slow motion pa akong humarap dahil sa pagkagulat.

"Bakit mo naitanong? Plano mo bang iuwi?" tanong n'ong lalaki sa akin na sa tantsa ko'y nasa 40s na. Presentable ang suot niya at gusto kong isipin na siya ang Don o ang Mafia boss ng Luciano Famiglia dahil sa intimidating aura niya pero wala silang pagkakahawig ni Ludovic Luciano kaya mukhang malabong siya ang tatay niya.

"Luh! Bintangero naman siya, bakit ko naman iuuwi 'to? E, marami ako n'yan 'no, kung hindi n'yo ho naitatanong," sagot ko sa kanya.

"Pinunasan ko lang, maalikabok kasi." Lumingon kaagad ako sa may entry table para ibalik iyong figurine na kinuha ko.

"Oh tingnan n'yo pa 'tong isa pa, marumi rin oh," puna ko sa isa pang figurine na medyo maalikabok. Kinuha ko rin iyong figurine para punasan. "My God! Naturingang mayayaman, hindi marunong maglinis ng mga gamit. Ang dami n'yo naman dito pero wala man lang nagkukusang loob na maglinis," sabi ko pa habang patuloy sa pagpupunas ng figurine.

Tumikhim iyong matandang lalaki. "Agnello," pagbanggit niya sa pangalan n'ong manyak kaya ibinalik ko na ang figurine sa entry table para harapin silang dalawa.

"Maaari bang ipaliwanag mo kung ano ang ginagawa niya rito?" Bagamat mahinahon ang pagkakatanong niya roon sa manyak ay pakiramdam ko ay pinapatay niya ako sa mga tingin niya.

"Nakarating sa akin na hinahanap siya ng ibang decina kaya gusto kong malaman kung ano ang ginagawa niya rito."

"Pasensiya na sa aking kabastusan. Nakalimutan ko nga palang ipakilala sa 'yo ang bagong miyembro ng Tredicesimo..." Tumingin sa gawi ko iyong manyak kaya napakunot ako ng noo.

"...Constance, ito nga pala si Onofre, ang Consigliere ng Luciano Famiglia." Tumingin naman siya doon sa matandang lalaki na nagngangalang Onofre. Hindi ko alam kung ngingiti ako dahil nakatingin sa akin iyong matanda. "Onofre... meet Constance Grace, ang bagong miyembro ng Tredicesimo..."

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang sabihin n'ong manyak. Mabilis kong ibinalik sa kanya ang mga tingin ko pero kindatan niya lang ako na para bang dapat akong ma-impress sa ginawa niya. "...at nandito siya para sa panunumpa."

What the fuck?

Continue Reading

You'll Also Like

20.1M 700K 28
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as self-harm, physical violence, emotiona...
1.3M 48.3K 66
Silhouette Montevero stepped down from her position as a secret agent to achieve a normal life. She's already living a peaceful life when a powerful...
1.6M 62.6K 37
Lucienne Simons, also known as Lush Fox, is a best-selling mystery writer who is worshipped by millions of her fans. Everyone is eager to find out wh...
2.8M 103K 75
Sypnosis Andilyne Dave was just a typical senior highschool student. Lumaking mag isa at namuhay ng tahimik. Not until his father surprised him one d...