My Heart's Angel (Completed)

By DRMorden

41.6K 867 5

My Heart's Angel Sa kagustuhang makalimot sa kanyang masakit na nakaraan, ay nagpakalayo si Daniah upang maka... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Epilogue
Author's Note

Chapter 41

577 13 2
By DRMorden

Chapter 41

My Heart's Angel

Daniah

Naalimpungatan ako sa lamig ng paligid. Bakit nga ba malamig? Giniginaw ako ng sobra. Kinapa ko ang kumot na nakatabing mula sa aking beywang at itinaas iyon hanggang sa aking balikat. Napaka lambot naman yata ng higaan ko ngayon? At napakabango ng paligid. Amoy..amoy Mr. Romano? Bigla ay napakislot ako sa pagkakahiga, pero ngayon ko lamang naramdamang  may mabigat na bagay na nakadagan sa gawing beywang ko. Bigla akong nakaramdam ng takot ng maisip na baka may nakapasok na kung ano sa kwarto ko. Dahan dahan kong sinalat ang bagay na iyon, at gayon na lamang ang gulat ko ng mapagtantong braso iyon. Sa takot ko ay bigla akong napalingon sa estrangherong katabi ko.

Napapikit ang isa kong mata sa biglaang paglingon ko, nahilo akong bigla. Malamlam ang ilaw sa likod ng estranghero, ngunit gayun pa man ay kilalang kilala ko ang may ari ng mga brasong ito. Ang amoy niya..ang napaka bangong amoy ng kanyang pabango na nanunuot sa ilong ko. Dahan dahan akong humarap sa kanya. Nang makaharap ako, ay dahan dahan kong hinaplos ang kanyang mukha. Malamig ang mukha nito, hindi gaya ng palad ko na sobrang init. Hinaplos ko ang kanyang magagandang mata, ang makinis niyang pisngi, ng matangos na ilong, at ang kanyang mga labi, na iilang beses ng nakanakaw ng halik sakin. Hindi ko alam kung nasaan ako, at kung bakit narito ako, parang lumulutang kasi ang pakiramdam ko, pero gusto ko ang nakikita ko ngayon. Hindi ko rin alam kung bakit nandirito siya kasama ko, at katabi ko pa sa pagtulog. Unti unting nagbalik sa alaala ko ang huling tagpo bago ako nawalan ng malay. Tama. Nawalan ako ng malay kanina lang, o kagabi pa. Hindi ko rin alam kung maliwanag na ba sa labas, o gabi pa rin. Napansin kong hindi pa ito nakakapagpalit ng kanyang damit. Nakasuot pa ito ng grey button up shirt. Nakakaawa naman ang taong ito, siguro ay puro trabaho na lang ang inaatupag sa buhay. Sa ilang beses na nagkasama kami, ay hindi naman nito nababanggit kung may pamilya pa siya, o kapatid. Tanging si Carlisle lang ang alam kong malapit sa kanya. Ano kaya ang nagpapasaya sa kanya? Masaya kaya siya sa buhay niya? Uminit ang aking mga mata sa isiping baka wala ring itong pamilya gaya ko. Muli kong hinaplos ang kanyang pisngi, habang tahimik na lumuluha.

"Alam kong may dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin malinaw kung ano ba ako sa buhay mo. Lulubog lilitaw ka man, masaya pa rin ako dahil bigla kitang nakikita ng hindi ko inaasahan. Gusto ko lang sabihing, napapalukso mo ang puso ko sa mga titig mo pa lang..at masaya ako dahil nakilala kita.."  mahinang bulong ko.

"If you're happy, why are you crying..?" bigla ay pinahid ko ang mga luha ko ng magsalita ito. Naku naman! Santisima! Napalakas yata yung bulong ko. Ano ka ba naman Daniah, kahit kaylan ka talaga!

"Uh..uhmm..gising k-ka?" natataranta kong tanong.

"No..I'm sleeping.." Anak ng! Syempre gising siya, kaya nga naririnig ka niya? Isang mapang asar na ngiti ang sumilay sa magagandang labi nito. Lalo pala itong gumagwapo kapag bagong gising.

Naramdaman ko na lamang na ipinasok nito ang kanyang katawan sa loob ng kumot, at tsaka ako maingat na inilapit sa kanya. Ramdam ko ang init ng kanyang hininga sa aking leeg.

"You still need to sleep, you have a fever you know?" wika nito na dumadampi dampi pa ang labi sa aking leeg habang nagsasalita. Kinikilabutan man ay pilit akong hindi nagpa apekto.

"T-tama.." maikli kong sagot. Hindi apektado pero hindi makapagsalita ng tuwid Daniah?

"Okay..Let's sleep again.." anito, bago humalik sa gilid ng aking mata at hinigpitan pa ang pagyakap sa akin. Haay..may sakit nga ako, lalo kasi akong nahihilo sa ginagawa ng lalaking ito.

Ilang minuto pa ang lumipas bago ako nakomportable sa ganoong posisyon namin. Malalim na rin ang kanyang pagtulog dahil hindi na ito gumalaw pa. Kung sana palagong ganito. Kaso hindi.

Nang magising ako kinabukasan ay wala na si Mr. Romano sa aking tabi. Nang maalalang nasa ibang bahay ako ay agad akong bumangon at inilibot ang paningin sa paligid. Lalaking lalaki ang kwartong ito, puro itim at gray lang ang kulay pati ang mga beddings, Romanong Romano ang dating. Nilingon ko ang kama kung saan ako mahimbing na nakatulog na yakap yakap niya. Napangiti ako, ang saya talagang gumising kapag mahal mo ang katabi mo sa pagtulog. Mahal? Sigurado na ba ako? Sa tingin ko, sigurado na ako. Kagabi pa lang nung makita kong siya nasa tabi ko na natutulog ng mahimbing, alam ko na sa sarili kong siya uli ang nagbukas sa puso ko para matutong magmahal muli.

Dahan dahan akong nag inat ng mga kamay, dahil pakiramdam ko ay masasakit pa ang aking mga kalamnan, sa tingin ko ay may kaunti pa akong sinat. Pero kaya ko na ito. Kaylangan ko na ring umuwi dahil sigurado akong hinahanap na ako ni Chichi. Inalis ko ang makapal na kumot na nakabalot sa aking katawan at napansin kong iba ang suot kong damit. Puting Tshirt at grey na pajama, agad akong pinamulahan ng mukha ng maisip kung sino ang nagbihis sa akin kagabi. Santisima, nakita na niya? Nahawakan na niya? malamang mahahawakan niya dahi siya nga ang nagbihis sayo! Sigaw ng kontra kong isip. Napatakip ako ng mukha ng maisip pa kung anong ginawa nito. Diyos ko naman Daniah! Ito ba ang unang beses? H-hindi nga. Pero nakakahiya pa rin dahil wala naman akong malay ng mangyari iyon. Haaay!

Tumayo na ako at ng tangkang hahakbang na ay dere deretsong nahulog ang pajama sa aking paa. Santisima! Anong klaseng beywang ba meron siya? Itinaas ko itong muli, ngunit muling nalaglag. Sinipat ko ang suot kong tshirt, hanggang tuhod, kaya ko na sigurong ilakad ito? Luminga linga ako, umaasang makikita ang mga damit ko. Wala. Paano ako uuwi? Nagpasya akong lumabas ng nakayapak mula sa kwarto para hanapin si Mr. Romano. Siguro naman ay nariyan lang siya sa sala, o sa kusina. Kaylangan ko lang makuha iyong mga damit ko ng makapa palit na. Panay ang hila ko sa laylayan ng damit, pakiramdam ko kasi ay nakikita ang buong kaluluwa ko. Mula sa kwarto iyon ay ilang halbang pa para makarating sa hagdan. Tinunton ko lamang ang maiksing pasilyo at maingat na bumaba ng hagdan. Kung nakakahanga ang view sa itaas, ganun din namang kinaganda dito sa ibaba. Ganun pa rin ang kulay, madilim ang ambiance, pero elegante naman ang pagkakaayos ng mga furniture at napaka linis pa. din para sa bawat parte ng bahay, una kong nadaanan ay ang sala, kung saan naroon ang tv, sofa, at ang napakalaking salamin na bintana. Akmang hahawakan ko na sana ang isa sa mga ito ng may marinig akong nagbubulungan. Saglit akong nakiramdam at nakinig. Malabo ang usapan ng mga ito, bago tuluyang lumapit sa kinaroroonan ng mga boses ay muli kong sinipat ang ng suot ko. Nakakahiya kung magpapakita ako sa kanila ng ganito lang ang suot. Paano lung importanteng bisita niya iyon? Sumilip na lang muna kaya ako? Nag aatubiling naglakad ako atungo sa kusina, nahaharangan iyon ng isang division kaya hindi agad makikita ang kabuuan nito, ng makalapit sa pader nito ay dahan dahan akong sumilip.

Nanlaki ang mga mata ko sa pagkabigla sa tagpong nabungaran ko. Si Mr. Romano ay nakatalikod mula sa kinaroroonan ko, wala itong suot na damit kundi ang nakatapis lamang na tuwalya sa beywang nito. Mayroon siyang kahalikang babae na siyang nakaharap sa akin, nakaupo ito sa counter top, at nakayapos ang mga bisig sa batok no Mr. Romano. Pakiramdam ko ay nawasak ang puso ko. Bumigat ang ulo ko at napasandal ako sa dingding na iyon. Mabilis ang paghingang tinakpan ko ng dalawang kamay ang bibig ko. Hindi ako makapaniwala sa nakita ko nasaksihan ko. Tatakbo na sana akong muli palayo roon ng mabangga naman ang kanang bahagi ng katawan ko sa isa pang division.

"Ah...!" Hindi sinasadya ay impit kong sigaw. Tinakpan kong muli ng aking bibig at pilit na tumayo mula sa pagkabagsak. Ngunit huli na.

"D-Daniah? Hey! What are you doing here?" napahinto ako ng mabosesan kung sino iyon. Hindi ako lumingon, dahil hindi ko alam kung paano haharapin ang sitwasyon.

"Why is she here?" tanong nito, na kahit hindi ko nakikita ay alam kong si Mr. Romano ang tinatanong nito. Eh ikaw? Bakit na nandito? Balik na tanong ng isip ko.

"Oh..I see..another slut huh?" nagpanting ang tenga ko sa narinig koula sa kanya. Humugot ako ng lakas ng loob para makaya kong humarap sa mga ito. Oo nga! maaring ilang beses na akong naniwala at nagpapatangay sa agos sa twing kasama ko ang lalaking ito, pero hindi ibig sabihin noon ay kaladkaring babae na ako.

"Hi Ms. Christine..muntik na tayong magkasabay? Nauna lang ako sayo, kagabi pa kasi ako nandito.." gusto kong umiyak. Gusto kong sumigaw. Hindi ko napigilan ang sarili ko. Hindi naman ako ganito. Hindi ko makuhang tingnan sa mga mata ang lalaking kagabi lang ay na realize kong minamahal ko na pala.

"Really? So kaya mo na palang sumagot ngayo-" animo'y nalaglag ang puso ko ng marinig na ang sigaw ni Mr. Romano.

"Shut up Christine! You better leave now before I throw you out of the window!" nagbabaga ang mga mata nitong nakatingin sa babaeng noong una akala ko'y mabuting tao.

"Oh come on Xavier! We were just enjoying the moment a while ago right?" ang lakas ng loob nitong ipagyabang kung anong ginagawa nila kanina.

"I said shut the fuck up! Get the hell out of here!" bahagya akong na alarma ng makitang hinawakan nito ang braso ng babae at sapilitang hinila patungo sa pinto.

"Ouch! Ok I'm leaving! You don't have to hurt me!" pilit naman itong nagpumiglas at ng makawala ay muli akong hinarap.

"You think you are the luckiest woman on earth huh? Well, just believe it bitc-" pinagsarhan na ito ng pinto ni Mr. Romano, at agad na humarap sa akin. Mabuti na lamang at malayo ang pagitan naming dalawa. Napahilamos ito sa kanyang gwapong mukha, at isinuklay ang kamay sa kanyang buhok.

"Fuck!" sigaw nito.
Napakislot ako sa aking kinatatayuan ng mabigla sa pagsigaw nito. Napayuko ako at napahawak ako sa braso. Hindi ko na alam kung anong dapat gawin. Nagagalit ba siya sakin? Nasasaktan ako ng sobra. Nasasaktan na naman ako. Dapat pa ba akong magsalita? May karapatan ba akong magalit? Wala namang linaw ang lahat sa aming dalawa. Unti unting pumatak ang mga luha ko, na pinahid ko naman ng likod ng aking palad.

"Your clothes are in the walk in closet inside the room.." wika nito ng hindi tumitingin sa akin. Hindi ako sumagot. Bagkus ay nanatili lang na nakatayo roon habang tahimik na lumuluha.

"When you're done changing. You can leave.." lalong namasa ang mga mata ko. Lumabo na kasing labo ng relasyon namin ng lalaking ito. Kung meron man. Gusto ko siyang sigawan, gusto kong itanong sa kanya kung ano ba ako sa kanya. Kung bakit hindi niya kayang sabihin kung may nararamdaman ba siya sa akin, o pinaglalaruan niya lang ako. Pero wala akong karapatan hindi ba? Wala ako sa posisyon para magtanong. Patakbo akong umakyat abalik ng kwarto at nagmamadaling nagbihis. Naroon lahat ng gamit ko, ang bag pack ko, ang paper bag kung saan nakalagay ang ginamit kong costume kagabi. Nang makapag sapatos ay agad na rin akong bumaba.

Nadatnan ko siya na nakatanaw sa malaking bintana, nakapag bihis na rin. Hindi ko na sasabihing napaka gwapo niya sa suot niyang white longsleeve button up shirt. Normal na yata nilang pang araw araw ang mga suit. Kagat labi akong nag lakad patungo sa likuran niya, pero hindi na ako gaanong lumapit.

"T-tutuloy na po ako.." Hindi ito sumagot. Hindi rin lumningon. Huminga ako ng malalim dahil nagbabadya na namang tumulo ang mga luha ko. Wala man lang bang Sorry? Pagkatapos ng sayang naramdaman ko kagabi lang, sa ganito rin lang naman pala uli magtatapos. Malulungkot at masasaktan muli ang puso ko. 

Haay..tumalikod na ako at naglakad patungo sa pinto, walang doorknob. Santisima. Pasimple kong sinipat kung mayroong pindutan man lang. Meron nga. Pero mukhang security code ang kaylangan para mabuksan ang pintuang ito. Haay, problema ko na nga ang puso ko, pati ba naman ang pinto proproblemahin ko pa?

Natigilan ako ng maramdaman ang paglapit niya sa aking likuran. Dahandahan niyang pinindot ang code, animo'y sinasadyang makita ko ang mga numero. Pero hindi ko na iyon inintindi, dahil gusto ko ng makaalis, at gusto ko ng ibuhos ang mga luha ko. Nang bumukas ang pinto ay nakayuko na akong lumabas. Iba ang pala ang pakiramdam kapag itinataboy ka. Muli ko siyang hinarap, hindi man siya nakatingin sa akin ay muli pa rin akong nagsalita.

"S-salamat sa pagpapatuloy nyo sa akin kagabi.." Tinalikuran ko na siya. Haay..hindi man lang lang nagsalita, nag paalam. Wala man lang sinabi? Bakit ganun ka Mr. Romano. Napangiti ako ng tawagin niya ang pangalan ko. Pinipigilan niya ba akong umalis?

"Daniah.." agad akong lumingon, at napatingin sa kamay nitong may hawak na maliit na ziplock bag.

"Your medicines.." nagbuntong hininga ako, at mapait na ngumiti.

"Hindi ko na kaylangan niyan, nagkakasakit rin naman ako noon, at gumagaling naman..kahit walang gamot, o kahit walang nag aalaga.." Nagtataray ako?konti. Dahil Naguumapaw na sa sama ng loob ang dibdib ko.

"S-sana..Sana ito na ang huli nating pagkikita..Xavier Romano.." at pagkasabi noon ay tumakbo na ako patungo sa hagdan.

itutuloy..

Continue Reading

You'll Also Like

260K 3K 39
"Gaganti ako, bwisit na lalaki yun pinaglaruan ang ate ko... Humanda ka Ed Guevarra". Yan ang pangako ni Alex sa sarili niya.. Gagawin n...
4.3K 843 19
R-18 Not suitable for young readers. Description He will do anything para mabura sa kayang landas ang lalakeng inampon ng kanyang Ina sapagkat lahat...
53.6K 1.6K 64
Normal lang naman ang buhay ko noon. Focus on my business, hang out with friends and bonding with my lolo. NOT until nalaman ko na ikakasal na pala k...
4K 110 27
"Will you ever follow what's destined? Or your heart that's beating?"