ANG NAWAWALANG PINTUAN SA REC...

By SefahMil

50.9K 5.4K 725

Si Patty ay may nakilalang Anghel ng Kamatayan sa isang sekretong pintuan sa Recto, Manila. Malamig man ang... More

CHAPTER I
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
Chapter 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
NOTE

CHAPTER 13

1.6K 195 7
By SefahMil

Gusto sana ni Patty na magbakasyon sa probinsiya, ang kumain ng lutong-bahay, ang maligo sa dagat, ang makipagtsismisan sa mga kapitbahay at matulog nang matulog. Nami-miss nga niya ang mga kapamilya, lalo na ang ina ngunit kailangan niya talagang magtrabaho para mabayaran ang utang niya kay Marciel. Pero syempre, hindi niya rin makaila na masaya siya habang kasama ang lalake. Hindi nga tao 'yan, pero lalake pa rin 'yon at araw-araw pa silang nagkikita, impossible namang hindi mahuhulog ang loob niya. Pagdating ng tanghalian ay narinig niya ang yapak ni Marciel na papalapit. May dala itong KFC meal para sa kanya. Umupo ito sa gilid niya at tiningnan ang kanyang sinusulat.



"Itigil mo muna 'yan at kumain."



Tinigil naman niya ang sinusulat at binuksan ang dala ng lalake. Kinuha niya ang manok at sinubo dito. Nilayo naman ng lalake ang kamay niya.



"Maglaway ka! Masarap kaya 'to."



"Ano ba ang lasa?" tanong ng lalake sabay akbay sa upuan niya.



"Masarsa. Manamis-namis. Hindi ka ba makalasa?"



Umiling ang lalake.



"Ayyy! Kawawa ka naman! Alam mo ba sa nabasa ko food and sex daw ang pinakapleasurable na mga bagay sa mundong ito. Ano bang buhay 'yan, kuya?!"



Napabungisngis ang lalake.



Kinausap niya ito na lilinisin niya ang isang silid sa ibaba dahil gusto niyang laruin ang piano. Marunong naman siyang tumugtog nito, Chopstick nga lang ang nag-iisang piyesa na alam niya. Pumayag naman. Mga gamit daw ito na nakolekta sa buong oras na pamamalagi sa mundo.



"Grabe! Ang kaunti! Kung ako ang nabuhay ng ganyan, baka kulang ang isang barangay sa mga makokolekta ko."



"Lalake kasi ako."



At napunta sa awayang lalake kontra babae ang pinag-usapan nila hanggang sa nagpaalam ang registrar dahil may pupuntahan daw.



"Kuya, hindi mo pa rin ba nakikita ang hinahanap niyo?"



Napailing si Marciel.



Isang nag-iencourage na ngiti naman ang binigay niya.



Tinapos niya ang sinusulat. Pagdating ng alas-singko ay iyon na siya bumaba sa ilalim para maglinis ng silid. Hindi na siya takot dahil naniniwala siyang kahit anong oras kapag kailangan niya si Marciel ay darating ito. At wala naman siyang naririnig na iyakan ng mga kaluluwa dito sa loob. Doon sa tunnel banda 'yon. Baka kasi ginawang sound proof dito.



Ang kapal ng alikabok sa silid. Inuna niya ang Chippendale na sofa. Hinampas niya ng hinampas para magkaliparan ang alikabok. Kinuha niya ang walis tingting sa taas at inabot ang mga bahay-gagamba. Ni-scrub niya rin ang sahig. Mukhang kukulangin ang isang araw sa kakalinis ng lugar na ito at nakaramdam siya ng pagod at takot sa kakatulak at kakabuhat ng mga furniture.



Dina-dust niya ang isang aparador nang may nakita siyang isang pindutan. Pinindot niya at umatras na naman ang aparador at nagpakita ng maiksing hallway. Pumasok siya doon at nasindak sa kung ano ang nakita sa pahabang silid -mga paintings ng mga taong namamatay o pinapatay. Karamihan dugo, mga sakit, mga aksidente, mga nahihirapang mukha, mga naghihingalo.. Napakapa naman siya ng dibdib habang hinuhulaan kung paano ba dapat siya mamamatay. Napatutok ang mata niya sa isang painting na parang natatakpan ng totoong dugo. Tinaas niya ang kamay para siguraduhing dugo nga ang nahuhulog sa kwadro ngunit tinigil niya ang sarili nang isang dangkal na lang ang layo ng mga daliri. Natakot siya at baka totoo. Tiningnan na lang niya ang parte na hindi namantsahan ng nangingitim na pulang likido. Mukhang sa dark ages ito pininta dahil nakaroba ang mga babaeng nag-iiyakan.



Nilibot niya ang mga mata at ang pinakanakakatakot pala ay ang mga mapuputlang mukha ng mga taong malapit ng mamatay dahil sa isang nakakahawang sakit. Pakiramdam niya kapag lumapit siya ay mahahawaan din siya ng sakit ng mga ito. Nakakadiri pa ang isang Renaissance painting kung saan ang lalakeng malapit nang mamatay ay nakipagtalik pa sa isang babae na nakikipagtalik din sa isang lalake pa na may tinatalikan ding isang babae pa. Walang katapusang nagtatalik at napansin niya na simula sa mamamatay ay mukhang may mga sakit na rin ang mga katabi nito at ang sa pinakahuling linya ay malulusog pa at siguradong magkakasakit din.



Nilipat niya ang mga mata dahil hindi niya kaya ang nakikita. Doon siya lumiko sa hilera ng mga biblical depictions ng mga patay. Tumayo siya sa harap ng mga depictions ng ten plague of Egypt. Doon ang mga anghel ng kamatayan na sumasalot sa Ehipto.



Hinimas-himas niya ang mga nakatayong balahibo sa braso nang nakita niya ang last plague kung saan nagkakamatayan lahat ng mga panganay na lalake ng mga Egyptians. Doon ang mga anghel ng kamatayan na bumibisita sa mga bahay-bahay. Nakaramdam siya ng panglalamig dahil nandoon ang itsura ng mga bata. Naalala niya ang namatay nilang panganay, ang kanyang kuya John noong siyam na taong gulang siya. Nalunod kasi nang nag-swimming sila sa ilog. Naalala niya kung paano silang lahat naghiyawan sa pait nang nakita ang walang buhay na mukha ng kanyang kapatid. Ang ina niya noon parang mabaliw sa hinagpis.



"Nandito ka pala," isang boses ang pumukaw sa pagmuni-muni niya.



Hindi na niya kailangang lumingon para malamang nasa likod niya si Marciel.



"Binilhan kita ng cassava cake."



Wala siyang sagot. Hindi naman nagsalita muli ang lalake. Nagtataka siguro kung bakit tahimik siya. Inakbayan siya nito at giniya palabas ng silid, papunta sa labas. Dumiretso sila sa aklatan sa taas at sa lamesa binuksan ang malaking kahon ng cassava cake. Wala siyang gana pero binawasan niya rin dahil ayaw naman niyang i-offend ang lalake. Malaki ang tulong nito sa pag-aaral niya kaya dapat marunong din dapat siyang magpakita ng utang na loob.



Pagkatapos niyang ubusin ang isang slice ay pinilit siya ng lalake na magdagdag. Umiling siya. Pinadala na lang nito ang tira sa boarding house niya para pasalubong sa kanyang mga kasama sa bahay.



Mga alas-nuwebe ng gabi ay hinatid siya ng lalake sa kanyang boarding house. Sumakay sila ng jeep at hinatid siya nito sa labas ng pintuan. At sa hindi inasahan ay binigyan siya nito ng halik sa pisngi.



Isang maliit na ngiti ang binigay niya dito. Kung hindi niya lang nakita ang mga paintings ay baka gumulong-gulong siya sa tuwa, ngunit iba talaga ang epekto sa kanya ng mga nakitang paintings. Parang naging iba ang paningin niya sa lalake. Siguradong sa makina rin nito nanggaling ang kamatayan ng Kuya John niya. Baka may anghel na naglunod doon.



Nang nakapasok sa kuwarto niya ay kinuwento niya kay Krang-krang ang nakita sa loob ng silid at 'yong pagkadisgustado niya sa gawain ni Marciel. "Mabait naman siya sa mabait, Krang, pero hindi talaga ako komportable sa ideyang tagakitil siya ng buhay. Hindi ba mangmamatay tao pa rin 'yon? Parang hitman bah."



Isang malalim na titig ang binigay ng aso sa kanya.





********RUZAWEL********





HILERA-HILERA NG MGA SASAKYANG PANGDAGAT ang nakadaong sa North Pier. Ilan din ang mga pulley na gumagana sa hangin para damputin ang mga karga mula sa barko na naghahabol ng oras bago dumilim. Dalawang anghel ng kamatayan ang nakatayo sa tuktok ng patong-patong na mga cargo at nakatingin sa isang cargo vessel na sa gilid ng isang barko kung saan bumababa ang mga pahinanteng Bombay. Mamaya ay lalayag ito at hindi na muling makakadaong pa, lalamunin ito ng tubig at dilim.



Isang uwak ang buong layag na pumaspas ng pakpak sa alapaap na kulay dalandan sa papalubog na araw. Ang dalawang anghel ng kamatayan ang pakay nito dahil doon papadiretso. Nang nakaapak sa cargo ay naghulma anghel din ito.



"Alam niyo ba kung ano ang nakita ko sa opisina?" tanong ng anghel na may itim na balat at itim na mata. Hindi tulad ng mga anghel na payat, medyo mabigat tingnan ang isang ito dahil hindi katangkaran.



Napatingin naman ang dalawa sa kakarating. Interesado ring makarinig ng bagong balita.



"Galing ako doon sa opisina dahil may tanong ako kay Marciel tungkol sa listahan ko. Pero pagbukas ko, may babaeng taong kasama doon ang registrar."



"Baka bisita galing Portugal," sabi naman ng isang mukhang Asyano na anghel.



"Bisita eh inaakbayan ng registrar, tapos ang sarap pa ng usapan. Mabuti nga at hindi nila namalayan na nasa pintuan ako. Sinarado ko na lang ang pintuan at umalis."



Hindi makapaniwalang tingin ang binigay ng dalawa sa kakarating. Ang seryoso nilang registrar may babae? Sa lahat ng puwedeng matsismis na may babae, iyon pa eh strikto sa sarili 'yon.



"Sigurado ka?" tanong ni Ruzawel DIIXZL, isang pula buhok na anghel ng kamatayan.



"Oo naman! Bakit naman ako gagawa ng istorya?"



Hindi na muling nagtanong si Ruzawel. Tatapusin niya ang trabaho ngayong araw at tatawag siya sa Istanbul sa amo niya. Pagkababa ng araw ay bumaba na sila ng kasama mula sa cargo at sumakay sa barkong papalayag na. Buong gabi silang naglayag ng barko at pagdating ng bukang liwayway ay tumalon silang dalawa sa tubig at naglangoy ng palibot habang binubuga ang kanilang enerhiya. Naging ipo-ipo ang kanilang galaw sa tubig at wala nang nagawa ang barko sa malakas na hangin at tubig na kumakain dito.



Nang wala nang makitang lumulutang ay naghulma uwak sila at lumipad pabalik sa North Pier. Iyon na dumiretso si Ruzawel sa headquarter nito at tumawag kay Marubi para ikuwento ang tungkol sa babae. Sa excitement naman ng commissioner ay inutusan nito ang anghel na lumipad ngayong gabi at dumiretso sa apartment nito sa Istanbul dahil kailangan nito ng kausap. Wala nang nagawa si Ruzawel kundi ang lumipad papuntang NAIA at sumakay ng eroplano papuntang Europe. Nang sumunod na araw ay nandoon na siya papalipad papunta sa apartment ni Marubi.



Isang ngiti ang binigay ni Marubi pagkakita sa kanya. Nakatayo ito sa terrace. Pag-apak niya sa baldosa ay tungkol sa babae na agad ang tinanong nito.



"Nakita siya ni Halbis sa opisina ni Marciel."



"Bantayan mo sila. Kunan mo ako ng litrato para maipakita ko sa komisyon."



At nag-abot si Marubi ng sulat sa kanya. "Ang totoo niyan, may ipapasuyo sana ako. Hanapin mo si Salazatter kung saan na 'yon at ibigay 'yan. Tanungin mo kung ano na ang plano nito at bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin nagpaparamdam. Nakailang buwan na tayo pero bakit hindi pa rin burado ang Pilipinas sa mapa? Hindi ko siya pinalabas para magbakasyon. Nandiyan ang address sa sobre."



"Opo sir."



At nagsenyas ito na puwede na siyang umalis. Lumipad naman siya papunta sa paliparan at sumakay ng eroplano papuntang Asya. Pagdating na pagdating sa Maynila ay pinuntahan niya agad ang address na binigay ng commissioner. Isang lumang bahay ang kanyang natunghayan. Tinawag niya ang pangalan ng demonyo. Hindi naman maririnig ng mga tao ang boses niya, maliban na lang kung sadyain niya. Nakailang tawag siya ngunit walang lumabas. Sinambit niya ang pangalan ni Marubi.



"Salazatter, may sulat dito si Marubi!! Pinapahanap ka niya!"



Iyon lumabas ang demonyo sa pintuan. Hindi ito masaya na makita siya dahil madilim ang mukha. Kung simpleng anghel lang ito ay baka binugahan na niya 'to ng apoy dahil masama kung makatingin, pero isa itong Cherubim kaya dapat marunong siyang lumugar. Lumapit ito at hinablot ang sulat sa kamay niya. Aalis na sana siya ngunit sinenyasan siyang maghintay. Binasa nito ang sulat at nilakumos.



"Tanungin mo ang amo mo kung sino ba siya na dapat niya akong diktahan. Gagawin ko ang mga dapat kong gawin sa oras na gusto ko, hindi kung kelan niya gusto."



At bumukas ang pintuan. Ang kaninang makisig na anghel na kausap niya ay biglang naging magandang puting aso.



"Krang-krang, bakit lumabas ka na naman?" tanong ng babaeng lumabas ng pintuan. Dinampot nito ang aso at kinarga sa dibdib. Lumaki ang mata ng babae pagkakita sa kanya.



"Anong kailangan niyo?" natatakot na tanong nito.



Natigilan si Ruzawel. Bakit nakikita siya ng babae? Mabuti na lang mabilis na napaisip ng isasagot ang utak niya. "Ahhhh... papadaan lang ako, miss. Ang ganda kasi ng aso kaya tiningnan ko."



Isang hindi siguradong maliit na ngiti ang sagot ng babae.



Dumuko siya dito at naglakad palayo. Duda niya lang na baka nagiging abala ang demonyo sa babae kaya wala ng oras para burahin ang Pilipinas. Pero sino 'yong babae? Bakit siya nakikita nito? Siguro may gift of sight 'yon.



Nang malayo-layo na siya sa paupahan ay tinawagan niya si Marubi. Galit na galit ang commissioner sa pinasabi ni Salazzater. Ingrato raw ang demonyo. Walang utang na loob. Hindi naman niya alam ang sasabihin. Hinayaan na lang niya na magmura at manermon ang kausap. Baka siya ang maipit sa dalawa.





















Continue Reading

You'll Also Like

1.6M 64.9K 79
Previous title: SIGNUS ACADEMY Her family was killed. The kings and queens were their murderers. Having the unique ability like no other, she decided...
6.2K 171 16
(Goblin Inspired) Kim Shin was a great warrior of a Kingdom long ago, he was betrayed by his own friend, He was punished by being immortal, seeing hi...
33.4K 1.5K 11
Aangkinin mo ba ang isang bagay na hindi naman talaga sa 'yo? Kahit pa ito ang magsasalba sa iyong problema? Paano kung kakaiba ang nakuha mo? At maa...
400K 4.5K 72
Copyright © 2013 by June. All Rights Reserved. FOREVER EDITING. HR: Romance #345