ANG NAWAWALANG PINTUAN SA REC...

By SefahMil

50.9K 5.4K 725

Si Patty ay may nakilalang Anghel ng Kamatayan sa isang sekretong pintuan sa Recto, Manila. Malamig man ang... More

CHAPTER I
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
Chapter 10
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
NOTE

CHAPTER 11

1.8K 261 7
By SefahMil


Noong naupo si Constantine the Great bilang emperador ng Emperyong Romano ay nilipat nito ang capital ng emperyo sa Byzantium at binigyan ito ng bagong pangalang Constantinople. Pagkatapos noon ay marami na ang nangyari sa kaharian na nasa gitna ng Dagat Marmara at ng Black Sea, nasakop ito ng mga Ottoman sa pangunguna ni Mehmed II kaya naging Muslim Caliphate hanggang sa naguho ang emperyo bago nag-umpisa ang unang digmaang pangdaigdig. Noong 1920's ay pinangalanan ito na Istanbul at sa ngayon ay naghahanda para maging miyembro ng European Union.



Sa gitna ng siyudad nakatayo ang nakapakagarang apartment sa tuktok ng luma at pinakainiingatang gusali. Sa teresa nakaupo ang dalawang lalakeng may mahahabang buhok. Ang isa ay itim ang buhok habang ang isa ay blonde. Parehong nakadamit ng itim na roba ang mga ito at parehong may mga umaapoy na berdeng mata na nakatingin sa direksiyon ng palasyo ng Haggia Sophia sa malayuan kung saan may isang uwak na lumilipad papunta sa kanilang direksiyon.



Paglapag ng uwak sa sahig na baldosang may disenyo ng mga gumagapang na arabeskeng ahas ay naging anghel na ito ng kamatayan sa itim na roba at itim na buhok. Sa ngisi pa lang ay alam nang kampi ito sa dilim.



"May balita?" tanong ni Marubi, ang itim ang buhok. Isa rin itong anghel ng Kamatayan at pinakamalakas na puwersa sa komisyon.



"Si Marciel ay nagpasa na naman daw ng aplikasyon paakyat ng langit."



Nagkatinginan ang dalawang nakaupo at pinagsaluhan ang masisigabong na halakhakan pagkatapos.



"After a long time, nagkalakas loob na naman pala," ani ni Marubi sa demonyong katabi.



"Ano na ang balita kay Salazatter?" tanong ni Azael XXIDI, isang dating anghel na Erelim sa ikalimang langit na nahulog din dahil kumampi kay Sataniel.



"Hindi pa nga nagpaparamdam," sagot ni Marubi. "Tinuruan ko nga kung paano gumamit ng cellphone bago umalis pero wala talaga. Circa 2000BC pa rin kung mag-isip."



Napatawa si Azael. "Baka padalhan ka ng sulat na nakakabit sa kalapati."



Napatawa rin si Marubi. "'Yan nga rin ang inaasahan ko eh."



"Ano ba plano no'n?"



"Ang sabi niya, buburahin niya rin daw sa mapa ang kinasasakupan ni Marciel."



"That shabby little rathole," sabi ni Azael, "but I find their women very attractive though."



Hindi na nagreakt si Marubi. Primera bawal nga sa kanilang anghel ang makipagrelasyon sa mga tao. Siya gusto niya pang makaakyat sa langit. Itong katabi niya hinulog na nga kaya wala nang paki sa kung anuman ang bawal.



"Salazzater likes it exotic," patuloy ni Azael sabay bigay ng malisyosong ngiti. "He did a whole caravan of black Nubians before."



"At sana ay unahin niya muna si Marciel kaysa sa mga babae noh! Huwag niyang maliitin 'yon. Kung nakulong siya ni Marciel dati, baka sa sunod nilang pagtutuos ay matapos na siya ng tuluyan ng registrar ng Pilipinas."



"And why do you hate Marciel so much?" Nagbigay ng hindi makapaniwalang ngisi ang demonyo sa kaibigan.



"Dahil hindi niyo siya nakasama ng malapitan para malaman niyo na mayabang 'yon," sagot ni Marubi.



"Maybe he's just not sociable. We're of different types of personality."



Tumingin si Marubi sa katabi para marinig nito ang mga mali kay Marciel. "He's also inefficient. Nakita mo noong nag-uumpisa pa lang ang sibilisasyon pagkatapos ng matinding baha, ang ibang lugar siyudad na, ang Maynila ni Marciel isla pa rin?"



"Marciel is a warrior, not an economist," sagot ni Azael. "We all have our own forte. Pero kung ako ang uupong registrar doon sa Pilipinas, babahaan ko 'yon ng epidemyang tepus at cholera o pahabain ko ang tagtuyot para marami ang magutom at mamatay. Kapag kaunti ang tao, uunlad ang ekonomiya. I'll rather see my self gone than seeing myself handling that poor city."



"Yan nga ang pinakanakakainis doon. Marciel played by the book. Masyadong nagpapapel sa taas. Kung ako ang nakaupong registrar doon, hindi ko na susundin ang makina, tsunami ko na 'yon taon-taon. Nakakahiya kaya sa mga kakilala na ganoon kahirap ang siyudad mo."



Tinikom na ng demonyo ang bibig. Ang alam niya kasi sa Africa naman nag-umpisa si Marubi bago naupo sa komisyon, at alam naman ng lahat na mas mahirap pa ang mga bansa doon kaysa Pilipinas.



Tumingin si Marubi sa nakaantabay na anghel ng kamatayan. "Sabihan mo ang mga kaibigan natin na may meeting sa Sabado. Gusto kong umattend si Gahor."



"Yes Boss!" ang sabi ng anghel bago tumalon mula sa terasa at naghulmang uwak. Lumipad ito sa direksiyon papunta sa alapaap.





****** MARCIEL*******




SAMANTALA SA PILIPINAS....



Nakatayo sa tuktok ng Sta. Lucia Mall sa Cainta si Marciel nang may naramdaman siyang nakakaibang enerhiya. Para itong araw kung sumilab na malakas at umiikot.



Minulat niya ang mata at nakita ang traffic ng jeep sa kalsada sa baba. Ngayon lang siya nakaramdam ng ganitong klaseng enerhiya. Sobrang lakas din pero hindi iyong tipong naninindig ang balahibo niya. Pero baka kung ano ginagawa ngayon ni Salazzater para ikubli ang enerhiya nito sa kanya. Sigurado siyang sa nilalang langit nanggaling ang enerhiyang ito.



Nasa hilaga ang enerhiya. Tumalon siya mula sa tuktok at naging uwak. Tinaas niya ang lipad sa alapaap para mabilis niyang maipaspas ang mga pakpak. Napapalipad siya sa direksiyon sakto sa kalsada na dinadaanan ng jeep na Cubao papuntang Taytay. Tingnan nga niya naman at dito lang pala sa Rizal 'to.



Napadiretso nga siya sa Taytay at napapadapo sa signage ng MC Donalds na nasa National Road. Doon niya dinamdam ang paligid para damhin kung saan nanggaling ang enerhiya. Malapit na siya dahil halos mapuno ng enerhiya ang lugar. Lumipad pa siya habang tinitingnan ang maalikabok na kalsada sa baba. Marami siyang nakikitang tindahan na may bilihan ng mga makina na pangtahi hanggang sa napapasok siya sa gitna ng enerhiya. Nandito sa lugar na ito ang nagdadala noon. Dumapo siya sa gusali na may tarpaulin na Telahan Sa Taytay. Sa palibot nito ay mga tindahan na nagbebenta ng tela. Punong-puno nga ang kalsada ng mga nakalatag na rolyo ng tela na bina-bargain. Lumipat siya sa kanang bahagi dahil doon ang pinakasentro. Doon siya sa maliit na eskinita dumungaw at sa tindahan kung saan nakalatag ang mga bumabarlak na ginto at silver na sequinced na tela niya naamoy ang pinanggalingan ng enerhiya. Hinintay niya lang hanggang lumbas mula sa loob ang isang tindera at isang matangkad na lalake na may malaking tiyan siguro sa kakainom ng beer. Mukha namang Asyano ang lalake ngunit matangos ang ilong at bigotelyo kaya nagmumukhang Meksikano sa kabilang banda.



Napahaba ang uwak na leeg niya para matitigan ng husto ang lalake. Minsan kasi ang mga demonyo ay nang-popossess ng katawan ng tao at baka binabahayan na ng demonyo ang katawan nito. Pero masyadong mabigat ang enerhiya ng mga demonyo para dalhin ng mga katawang mortal kaya nanghihina ang tao, nagkakasakit at kung hindi mapalabas ang demonyo ay mamamatay na lang ito. 'Yong lalake mukhang walang iniinda na kung anong karamdaman. Bibo pa itong nakipagtawaran sa tindera. Napahalakhak naman ang tindera bago kumuha ng kahoy na pangsukat at binigyan ng tigsampung yarda ng gold and silver sequinced na tela ang lalake.



"Thank you!!!" rinig niya na salita ng lalake sa malaking boses na mukhang dinig ng buong eskinita. Naglakad ito palabas ng eskinita at sumakay ng karag-karag na jeep. Sinundan naman niya ng lipad ang sasakyan hanggang sa huminto sila sa isang plaza kung saan may perya at malaking tolda ng circus na may karatulang Isachim Circus.



Sa gilid ng malaking trak hininto ng lalake ang karag-karag nitong jeep. Pagbaba ng lalake ay may tumakbong matabang tsinitong bata dito at nagpakarga.



"Kamusta ang apo kong si Pochokoy?"



"Malusog pa rin, lolo," sagot ng anim na taong bata.



Dumiretso ang maglolo sa maliit na tolda sa gilid ng circus.



Nanatili lang siyang nakadapo sa puno na nasa gilid ng plaza para magmanman. Dumating ang dilim at iyon na nag-umpisa ang pila papasok sa tolda. Hindi naman siya puwedeng magbalik sa totoong hulma niya at baka maramdaman ng demonyo ang enerhiya niya kaya nanatili siyang uwak.



Dumapo siya sa tuktok at doon binutasan ang tolda. Doon ay isang dabyanang babae nagbubukas ng programa sa falsettong kanta sa stage na may mga roleta at mga octagon na lumilibot. Pagkatapos niya ay lumabas ang mga unano na nakasakay ng stand alone na bike. Nagkarerahan ang mga ito at nag-tumbling sa palakpakan ng mga tao. Pagkatapos ng mga unano ay lumabas ang isang magandang babaeng contortionist. Sumayaw ito sa stool at doon nagbali-bali ng katawan. Pagkatapos niya ay lumabas ang Siamese twins para sumayaw at mag-juggle ng mga bote at bola. Ang Siamese ang may pinakamasigabong na palakpakan, lalo na at nakacostume ang mga ito na parang sa mga octupos sa apat na paa at apat na kamay. Pagkatapos ng mga ito ay doon na lumabas ang lalake na may malaking tiyan. Nakacostume ito ng bumabarlak na bughaw na damit panghari at sa mga kamay ay mga mahahabang puting tela. Sa pamamagitan ng tingin nito ay umapoy ang duluhan ng tela. Mabilis na sinunog ng apoy ang tela hanggang sa umabot ito sa kamay at damit ng lalake. Doon lang ang lalake nakatayo pero hindi nasusunog.



Napakunot ang noo ng uwak. Hindi tao itong nakikita niya, pero kung anghel man ay bakit hindi niya kilala. Lahat ng anghel na napapasok sa Pilipinas ay nakalista sa kanya.



Nang naubos na ang damit ng lalake ay tinakpan nito ang katawan ng tuwalya. Pumasok sa isang maliit na kurtina at paglabas ay may suot ng roba at kasama ang dabyanang babae na may falsettong boses. May dalang espada ang lalake. Pinikit ng babae ang mata at parang sa trance ay napatulog ito. Nilagay ng lalake ang dulo ng espada sa likod ng babae. Napahiyaw ang lahat nang tinaas ng lalake ang espada at sumabay doon ang dabyana. Mga tatlong minuto rin na nakapatong ang babae sa tuktok ng espada na parang sa papel lang ang bigat.



Nang nababa ang babae ay nag-umpisa naman ang magic cards ng lalake. Palakpakan ang lahat dahil maliban sa mga magic nito ay masaya at bibo magsalita ang lalake. Marami itong ginawang tricks hanggang sa natapos ang palabas. Nag-bow ang lahat sa stage at naglabasan ang mga tao. Lumipat siya sa likuran ng tent dahil siguradong dito maglalabasan ang mga performers. Lumabas nga ang lalake at kaakbay nito ang dabyana. Kung ang ibang mga performers ay pumasok sa isang tent, ang lalake naman at ang inaakbayang dabyana ay pumasok sa tent kung saan nakahintay ang bata at ang ina nito. Doon din pumasok ang contortionist. Mukhang magkapamilya ang lima.





******PATTY******



MAAGA PA LANG AY NAKATANGGAP na si Patty ng text kay Mylene na wala silang pasok ngayong umaga kaya dumiretso na siya sa opisina sa Recto at doon nag-aral para sa kanilang prelims sa Ecclesisatical arts mamayang alas-dos. Tahimik kasi ang lugar at walang disturbo at masarap mag-review habang nakaupo sa serpentinang upuan. Pagdating ng alas-onse ay doon na niya binalik ang mga notebook sa kanyang bag at nagpasya na pumunta ng UST. Doon na lang siya kakain ng lunch. Papalabas siya sa pintuan papuntang opisina nang may narinig siyang mga boses ng lalake sa lengwaheng hindi niya maintindihan. Nahintakutan siya dahil baka mga anghel ito. Kaninang umaga ay nadatnan niya pa si Marciel. Binuksan niya ang maliit na silipan sa estante para malaman ang nangyayari sa opisina. Nandoon ang apat na matatangkad na lalake, lahat nakakapa ng itim. Tatlo sa mga ito ay itim ang buhok, habang ang isa ay pula. Noong isang araw ay may mga anghel din na dumating sa opisina kaya nga hindi siya pinalabas ni Marciel. Ang problema ngayon ay wala ang lalake at kailangan niya talagang makalabas dahil prelims nila ngayon. Hindi siya puwedeng mag-absent.



Ni-text niya si Marciel. Walang sumagot. Tinawagan. Narinig niyang may tumunog na cellphone sa lamesa sa labas. Patay! Kailangan niyang makalabas na.



Tumingin siya sa relo. Palapit na alas-dose at mukhang sarap na sarap sa kakakuwentuhan ang mga lalake sa labas. Baka mamaya pa ang mga ito aalis. Bumalik na lang siya sa aklatan at dinampot ang electric lamp sa mesa. Wala na siyang pagpipilian at baka sa baba ay may mahanap siyang ibang lagusan. Nag-aalinlangan ay pinihit niya ang switch sa isang estante kaya tumambad na naman sa kanya ang isang hagdan. Natatakot man ay bumaba siya. Kaya nga siya nagpapagod sa kakalista ng patay para may pangpaaral sa sarili tapos mababagsak naman siya dahil hindi siya kumuha ng prelims.



Pinindot niya ang emergency light at bumaba ng hagdan. Tinulak niya pagkatapos ang pintuan at doon bumungad ang madilim na hallway. Nilalakasan ang loob na humakbang siya papasok. Tinulak niya ang pinakamalapit na pintuan at inilawan. Doon ang isang makitid na silid na may hilera ng mga estante na puno ng libro. Hindi tulad sa taas na pagbukas mo ng silid ay makikita mo naman ang dulo, dito parang walang dulo, parang walang hanggang estante. Siguro masyadong mahaba kaya hindi maabot ng emergency light. Natakot naman siyang pumasok dahil parang hindi nalinis. Baka maraming daga diyan.



Lumipat na lang siya sa ibang pintuan at pareho rin ang kanyang nadatnan, ang walang hanggang hilera ng mga estante ng librong itim. Grabe, ganito na pala kadami ang nasundong tao ni Marciel. Lahat ng anim na pintuan sa kaliwang dingding ay puro aklatan hanggang sa dumating siya sa dulo kung saan may nag-iisang pintuan sa kanan. Binuksan niya ito at nabuhayan ng loob nang nailawan ang isang makitid ding silid sa mga couch at mabibigat na mga lamp shades. Kinapkap niya ang dingding at baka may mapindot siyang switch. Meron. Pagliwanag ay napaawang ang bibig niya dahil maalikabok man ang silid ay hindi pa rin makakaila na magagara ang mga gamit sa loob. Para siyang napasok sa isang classical apartment sa French Riviera sa mga paintings ng mga Madonna at bible depictions sa dingding, sa mga Florentine casonne at commode sa gilid na pinapatungan ng mga Venetian na mga salaming at sa mga Chippendale na mga upuan. Meron ding mga estante dito, pero hindi maiitim ang mga libro, kundi mga makukulay. At sa isang gilid ay isang grand piano. Kung hindi lang siya nagmamadali ay baka tutugtog siya, pero kailangan niyang makadating ng UST bago mag-alas-dos. Sa kanang dingding ay may built-in na cabinet kaya baka diyan ang isang gargoyle, at tulad nga sa built-in sa opisina at ang built-in sa aklatan, isang pulgada mula sa dulo sa kaliwang bahagi makikita ang gargoyle. Pinindot niya ito at isang maiksi na makitid na hallway ang nabungaran niya. Sa dulo ay isang pinto. Binuksan niya ang pinto at dinungaw ang ulo.



Isang madilim na tunnel.



Siguro ito ang serewage ng Recto, pero bakit kaya hindi naman mukhang dumpsite gayong hindi malinis ang kalsada sa taas? Maglakad-lakad siya ng kaunti at baka may makita siyang hagdan pataas. Kung wala ay balik na lang siya at hintayin ang mga lalake na makaalis.



Lumiko siya sa kanan. Humawak siya sa pader dahil natatakot siya na baka may dumaan na dagang estero at matumba siya. Tinututok niya ang tingin sa dinadaanan nang may narinig siyang parang iyak na nililipad ng hangin. Napatigil siya at tinaas ang emergency light para tingnan ang lugar at baka may tao. Wala.



Bigla siyang naparalisa ng takot. Nagdadalawang-isip siya kung magpapatuloy o babalik sa aklatan nang may narinig siyang iyak na mas klaro. Iyong iyak na parang nilulunod. Napatingin siya sa pader na nilulumot at nilapat doon ang taenga dahil parang nandoon nanggagaling ang iyak. At parang may bibig talagang lumapat sa kabila ng pader at iniyakan ang taenga niya. Nagulat siya kaya umalingawngaw ang buong lugar nang nabitiwan niya ang emergency light.



At wala na siyang nakita dahil nilamon na ng dilim ang buong lugar. Siguro nabulabog kung sino man ang mga nandito sa lugar kaya mas dumami ang iyakan. Pinuno nito ang lugar. Parang humihingi ng tulong ang panangis ng mga ito. Hindi na siya nakagalaw sa takot. Napaluhod siya at niyakap ang sarili.



"Kuya," iyak niya.



"Kuya," iyak niya uli.



Mga ilang minuto rin siyang nakaupo doon at tinatakpan ang taenga hanggang sa may dalawang braso na yumakap sa kanya. "Tahan na, Patricia. Tahan na."



Napayakap din siya kay Marciel dahil sa pasasalamat. Hinayaan naman siya ni Marciel na doon lang siya sa dibdib nito. Malamig man ang katawan ng lalake, pero komportable pa rin ang mga braso nito. Pakiramdam niya ay walang makakasakit sa kanya habang sa bisig siya nito.



"Bakit wala ka kasi?" tanong niya dito sa dilim. "May mga tao kasi doon sa opisina mo kaya hindi ako makalabas. May prelims pa naman ako ngayon."



"Nabasa ko nga ngayon-ngayon lang ang text mo kaya hinanap kita. Sumakay ka sa likod ko at ihahatid kita doon sa labasan."



Niyakap niya ang mga kamay sa leeg ng lalake ay sumakay sa likod nito. Pants naman na itim ang uniporme nila kaya madali niyang naiyakap niya ang mga binti sa bewang ng lalake at hinawakan naman ng lalake ang binti niya para hindi siya mahulog.



Naglakad si Marciel sa dilim. Mukhang alam naman nito ang inaapakan.



"Ano ang mga umiiyak na 'yan, Kuya?"



"Mga kaluluwa."



"Mga kaluluwang ligaw? Kuya, nandito rin ba ang purgatoryo sa Recto?"



"Kapag mamatay ang tao, lumilipad ang kaluluwa nila sa hangin para maging isa sa maykapal. Ang iba kasi hindi nadi-dissolve kaya kinukuha namin at nilalagay sa isang lugar para ipadala sa Portugal at ang mga anghel na doon ang gagawa ng paraan para ma-dissolve ang mga ito."



Napakunot ang noo niya sa dilim. "Anong dissolve-dissolve, kuya?"



"Kapag mamatay ang tao, bumabalik siya sa diyos at nagiging parte siya uli nito. Sa langit walang pami-pamilya, walang asa-asawa o kai-kaibigan. Lahat ng kaluluwa ay nagiging isa na. Eh, ang iba, hindi madaling madissolve kaya ginagawan ng paraan."



Napaawang ang labi niya. Parang hindi iyon ang inaasahan na marinig. Parang chemistry project lang sa mga dissolve-dissolve. Tinikom na lang niya ang bibig at dinama ang kalapitan ng lalake. Hindi niya akalain na ganito pala kaganda sa pakiramdam kapag kayakap ang lalake.



"Hawak ka ng maigi. Gagapang ako." Sabi ng lalake nang may nakita silang mumunting liwanag galing sa giwang sa taas.



Niyakap niya ng mahigpit ang lalake. Gumapang ito pataas na parang si Spiderman at binuhat ang metal na takip sa taas. Paglabas nila ay likuran ng isang gusali ang kanilang natunghayan.



"Nasa Divisoria ito. Sumakay ka na lang ng traysikad papuntang UST para hindi ka na mahirapan."



"Salamat, kuya ha," sabi niya dito sabay bigay ng masarap na ngiti. Nagpara siya ng paparating na traysikad at nang nakita siya ni Marciel na nakasakay na ay iyon ito bumalik sa butas. Sakto naman ang dating niya sa UST. Magkasabay silang pumasok sa silid ng professor nila sa Rizal.




==========

(Kapag bumoto ka, magkakaasawa ka ng mayaman balang araw... hehe!  Boto na!)


Continue Reading

You'll Also Like

36.2K 822 73
Si Cyrish Villaroel ay hindi naniniwala sa pag-ibig at hilig niyang paglaruan ang puso ng mga lalaki sa kanyang paligid. Kapag ayaw na niya, madali n...
2.2M 41.4K 64
Highest Rank Achieved #1 in General Fiction #1 in romance #1 in humor #1 in love #1 in billionaire #1 in kilig #1 in boss #1 in terror #1 in rich #...
Second Best By Gette

Teen Fiction

293K 4.2K 77
Editing. Almira never wished to be anyone's 'replica' but she found herself being one when she met Myco. Sharing almost the same facial features with...
9.1K 648 44
TRAITORS are not the ones who confront you in the face and point a gun right at your head. No. They are the ones who give you the brightest of smiles...