Broken Chains (Montemayor 2nd...

By frezbae

422K 14.5K 1.7K

Sapphire Sebrace, the only daughter of Sebastian and Natalia Montemayor was a perfect child in the eyes of a... More

Guidance
Chapter 1 (I'm back)
Chapter 2(Motorbike)
Chapter 3 (Slut)
Chapter 4 (Beautiful)
Chapter 5 (Curse)
Chapter 5 ( Bitch)
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 22
Broken Chains
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29(LAST TEASER)
Chapter 30
Chapter 30
Chapter 37
Chapter 42
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 49
Chapter 54
Chapter 59
Chapter 62
Chapter 63

Chapter 21

6.5K 311 20
By frezbae

(Last Chapter) Kung gusto po mabasa ang iilang chapters ay welcome po sa aking VIP page.

~~~~



Tila napikon ko si Raphael dahilan na kahit nakauwi na kami sa bahay ni lola Magda ay hindi siya umiiyak. Bawat tingin ko lang sa kanya ay umiigting ang kanya panga at seryoso siya.

Tanghali ng makarating kami kaya mainit. Ngunit kahit mainit ay malamig parin ang simoy ng hangin. Nakababa na ako sa sasakyan at nilingon siya. Ewan ko, I felt guilty.

Alangan naman ano ang sasabihin ko? Hindi naman talaga kami. Yeah, we fuck sometimes pero hindi kami.

Sinubukan kong hulihin ng tingin niya ngunit hindi man lang niya ako sinulyapan. Kundi, kinausap niya ang isang trabahante ni lola.

"Naayos na ho ba?" rinig kong tanong niya.

Umiling ang matandang lalaki na may malaking sumbrero. Nakajacket ito na may mga kaunting dumi.

"Hindi talaga naayos ang sasakyan. Wala dito si Magda. Pumuntang Maynila at kikitain na kliyente niya sa lupa. Kung wala talaga si Magda ay hindi namin alam ang gagawin kapag nasira ang truck. Siya lang may kontak sa nag aayos e."

Lumapit ako sa kanila, kuryuso sa problema dito sa Hacienda.

"Hm... Ano pong sira ng truck niyo manong? Ginagamit po sa pagkakarga?"

Tumango ang ginoo sa akin. Bakas ang pagod sa kanyang mga mata.

"Ginagamit ma'am. Iyon nga lang nasira. Ayaw na umandar."

Kinagat ko ang labi ko. "Uh, pwede naman na bumili ng bago. I'll call-"

"Let me see Mang Kiko. Aayusin ko." putol sakin ni Raphael at nilampasan ako para samahan si Mang Kiko.

Humalukipkip ako at ang aking documents ay pinasuyi ko sa isang katulong na dalhin sa kwarto. Sumunod agad ako kina Raphael at nakita ko siyang pinuntahan ang truck na alam kong luma na.

May iilang trabahante na namamahinga sa anino ng malalaking puno. May mga kumakain sa gilid na may mesa. Kanila akong inimbitahan kaya tumango lang ako.

Nakita ko kung paano nagbulong bulongan ang ibang babae ng makita ako na dumaan sa harapan nila.

Bale apat na matatandang lalaki na ang kasama ni Raphael ng makalapit ako. May iilang gamit na rin doon.

Ilang beses ko na siyang nakitang nag ayos ng motor at sasakyan kaya alam ko na maaayos niya ang truck.

Nakabukas ang harapan ng truck na kinakargahan at inienspeksyon ni Raphael ang makina.

"Kailangang palitan ng CDI ito at clutch. Kaya namamatay kasi sunog na ang unang Cdi nito." Nakatuko ang dalawang kamay niya doon at tinitignan ang mga wire na naroroon.

"Naku hijo, mga magkano kaya iyon?" nag aalala ang matandang si Kiko.

"Huwag na ho mag alala. Ako na hong bahala."

"Maraming salamat talaga hijo."

Hindi na sumagot pa si Raphael. Ilang minuto pa ay hindi niya parin ako tinatapunan ng tingin.

So I decided na umupo muna sa malilim na parte. Hinaplos ko ang aking balat dahil sa nararamdamang ginaw. Kahit na matayog ang araw ay malamig ang klima.

Wala naman akong gagawin sa loob ng bahay. Sa tutuusin ay hindi pa ako nakakaliwaliw dito sa paligid ng hacienda ni lola. Kung may oras ako, plano kong' magliwaliw sa mga hindi ko pa napuntahan.

Nang titigan ko si Raphael ay nakatitig na siya sakin ngunit ng mahuli ko siya ay umiwas siya agad at ang kinataas ng kilay ko ay wala na ang gray v-neck shirt niya.

What the hell is he doing?

I pursed my lips and look at him straight. I watched his every move habang nakahalukipkip.

Ang ibang trabahante ay umalis na para simulan ang kanilang ginagawa. Mula dito sakin ay nakikita ko ang kalupaan ng mga niyog. Then on my left side ay mga bulaklak naman. Ang sa harapan kung saan ang truck ay ang mga mangga na sa tingin ko ang siyang pinakamalawak. Itong truck na inaayos ni Raph ay ang kinakargahan ng mga ito.

Maya maya pa ay dumating na isang pamilyar sakin. May binigay iyon kay Raphael at sa tingin ko ay iyon ang sira sa sasakyan ni mang Kiko.

Huminga ako ng malalim at lalapitan sana sila ngunit napansin ko ang isang haciendera na una ko palang na punta dito at ni Raphael ay panay ang titig kay Raphael. Siya rin nung kailan ang nagbigay ng kape doon.

I took a deep breath slowly and back off. Imbes na lumapit ako ay pinagmasdan ko ang babaeng nakadaster na kulay brown. Halatang luma na iyon. Mahaba ang kanyang buhok at may pagka mestisa siya tulad ko.

Hindi ko na maibilang ang buntong hininga ko na malalalim lalo na ng makitang may sinabi siya kay Raphael. Nakita ko kung paano siya tignan si Raphael.... At may kung ano sa akin na ayaw iyon. Those pair of dark gray eyes is just mine!

I remained calm even though parang nagpapalpitate na ang dalawa kong kilay.

May sinabi rin si Raphael sa kanya at tumitig sa dala niyang pagkain na hindi ko alam kung ano ang mga iyon.

Then he accepted it!!! I saw the woman blushed while surprisingly looking at him!

At ako naman ay nakatunganga sa kanila. Bumara ang lalamunan ko....

"Ma'am Sapphire." may tumawag sa akin na lalaking haciendero dito. Tinaasan ko siya ng kilay dahil narin sa irritable ako.

"What?"

"Uhm...Kanina kita tinitignan baka gusto niyong kumain nitong puto? Galing kusina at ang inay ang nagluto."

Bumaba ang tingin ko sa puto. I know this food.

"Is these some kind of desserts right?"

"Tama ka ma'am, Sapphire."

Of course I checked him out! He is leaned and tanned skin! Ang kanyang height ay parang si Raphael din!

I blinked and took some puto. Nilagay ko iyon sa platito. "Thank you!"

"Kukuhaan na lang kita ng juice sa loob." aniya.

"What's your name?" agad kong tanong sa kanya. Nakita ko siyang namutla.
"And why are you nervous?"

"W-Wala ma'am, a-ang taray niyo po kasi. Leandro po pala."

Huh? Am I? Nagtatanong lang naman ako!

I rolled my eyes at tumayo na. Hindi na ako sumulyap pa sa gawi ni Raphael lalo na at ramdam' ko ang paninikip ng aking dibdib.

I spent my afternoon inside my room. I kept on contacting mom at sa marami kong messages ay isang reply lang ang naisukli niya. Nasa Maynila na raw sila at kinakamusta ako.

Hindi na ako lumabas pa hanggang sa mag alas sais ng tumunog ang cellphone ko.

Inaantok kong kinuha sa ilalim ng unan ang cellphone ko at sinagot ang tawag ni Amy.

"Hello? Nasaan kana?" diretso kong tanong ngunit narinig ko ang kanyang hikbi. "Amy? Bakit ka umiiyak?"

"W-Wala. Puwede bang pasundo ako dito sa Greenhills? Malapit sa Starbucks."

Mas lalong nangunot ang noo ko. "Nasa City ka? Who's with you?"

"I'm alone."

What ever her problem is... I am always here for her. Nagmamadali akong lumabas ng kwarto. Hindi na ako nagpalit pa dahil pagpasok ko kanina ay nagpalit na ako ng bestidang kulay yellow. Hanggang hita iyon at fitted sa aking katawan. Hindi rin ako nakasuklay.

Nang makababa ako ay nakita ko agad si lola Magda.

"Oh Hija!? Saan ka pupunta? Nagkuto ako ng menudo at pochero."

"Lola susunduin ko lang si Amy sa Greenhills."

Natigil siya saglit. "Bakit? Bihira magpasundo ang batang iyon. Oh siya sige! Baka nandiyan sa labas ang body guard mo kung wala ay marami diyang driver hija. May gagawin lang ako."

I nodded and smiled firmly before leaving. Lumabas ako ng bahay at naghanap ng driver at saktong nakita ko si Leandro. Lalapitan ko sana siya ngunit nabangga ako sa isang matigas na bagay... Or I must say, dibdib ni Raphael.

Tinitigan ko siya. "Excuse me?" I don't know...pero kahit ako ay batid ko palagi ang kalamigan ng aking boses. Parang walang pakealam sa nararamdaman ng isang tao.

I tried to peek a look of Leandro para sana magpadrive sa kanya ngunit humarang ulit si Raphael.

Mas lalo akong nairita. "Excuse me? Kailangan kong umalis. Now. Can you please back off?"

"With whom?" His voice sent shiver down my spine.

What the heck is his problem?

Taas baba na ang dibdib ko at tinaliman siya ng tingin. His lips dropped on my lips from my eyes.

"With Leandro."

"Ma'am? May problema ba?" fuck shit Leandro. Mas lumapit pa ang gunggong!

"Do you want me to kill him? Hmm?" he whispered dangerously. Parang may bombang sumabog sa dibdib ko ng marinig iyon.

Kung ang titig niya ay matibay, pwes, ganon rin sa akin.

I smirked at him. "Kill him then. Akala ko ba walang pansinan? Hindi mo ako pinapansin kanina , Mondragon. Wala namang problema iyon sakin kahit habang buhay pa...Tapos ngayon..." hindi ko matuloy tuloy ang sasabihin ko dahil hinawakan niya ang baywang ko.

I could feel the hardness of his chest when he pulled me. Unti unti ring umatras si Leandro nang makita kung gaano kami ka intimate ngayon ni Raphael.

"Let's talk inside my car. I can't sleep without solving our problem." damn! Palagi nalang siyang ganito! Na tila ba mag boyfriend at girlfriend kaming dalawa!

I shook my head at hinawakan ang kamay niya sa baywang ko para kalasin.

"Kailangan kong sunduin si Amy. She needs me now. Ayoko na sana pang istorbohin ka. It's clear to me that you don't want me-"

"Who told you that?" anas niya at bahagya pa akong hinimas.

"No one. Iyan lang ang naobserba ko base kanina. And to make things clear to you. Kahit mag girlfriend kapa diyan. Or have sex right now...I...Don't..Fucking...Care."

Nakitaan ko ng emosyon ang mga mata niya at napayuko siya. Hindi pwedeng matibag ang mga pader na tinayo ko kaya umiwas ako.

"Baby...Wala akong ginawang masama. Please, don't say that."

Mas lalo akong natawa. "I grew up watching you play with women, Raph. Stop playing with me."

"Coz' you are fucking minor that time! At hindi ko intensyon-"

I rolled my eyes. "Ugh! Yeah. I just unintentionally heard about it."

Tulad ng dati ay siya pa itong nagmumukhang kawawa sa huli.

Continue Reading

You'll Also Like

709 33 2
Book 3 of The Acquisition
15K 427 27
Via Clarisse has one goal in life, to be her bestfriend's wife. Everything was planned since the day she knew she was inlove to Alaric but everything...
2.8M 53.3K 36
[SPG] Some scenes are not suitable for young readers. Read at your own risk.
1.5K 62 22
Jackson Alejandrino is living his best life traveling and vlogging. He's a cheerful type of guy who treats almost everything like a joke. That is unt...