ANG NAWAWALANG PINTUAN SA REC...

By SefahMil

50.9K 5.4K 725

Si Patty ay may nakilalang Anghel ng Kamatayan sa isang sekretong pintuan sa Recto, Manila. Malamig man ang... More

CHAPTER I
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
Chapter 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
NOTE

CHAPTER 9

1.6K 198 26
By SefahMil

Nakakabugbog man ng katawan ay nakaka-proud naman sa sarili dahil nabayaran ni Patricia ang mga utang niya kay Mylene at Maritess mula sa natatanggap sa sideline niya sa kakalista sa libro ng mga patay. Ngayon ay makakakain na siya ng tatlong beses. Noong mga nagdaang araw kasi ay hindi na siya nagla-lunch. Diet daw pero ang totoo ay wala palang pera pangkain. Naka-isang buwan na siya nang pabalik-balik sa opisina sa Recto at wala namang naging problema. Mukhang pasado naman ang mga sinulat niya sa libro dahil wala namang reklamo si Marciel. Binigyan nga siya nito ng suweldo kagabi at plano niyang bilhan ito ng bulaklak sa Dangwa para malagyan naman ng kahit kaunting kulay ang opisina nito.



Pagkabili niya ng isang pumpong ng rosas ay dumiretso siya sa Recto at doon na sa opisina niya ito ni-flower arrangement. Nagnakaw lang siya ng tubig sa kusina ni Mang Kanor dahil walang tubig o CR sa opisina ni Marciel kaya kung nangagailangan siya ng kubeta, lumalabas siya para maka-CR sa Jollibee.



Dahil walang mapaglagyan ay napagdiskitahan niyang linisin ang mesa ni Marciel. Bakit naman kasi hindi nililigpit ng lalake ang mga libro sa mesa nito para guminhawa naman? Halos hindi na nga ito makita dahil sa mga libro. Pinatong-patong niya sa gilid ang mga libro para ang kalahati ay libre at doon niya ilalagay ang baso na nilagyan niya ng mga bulaklak. Sana ma-appreciate ng amo ang effort niya.



Nang naayos ang mesa ay dumiretso siya sa aklatan para doon magsulat. Hindi na niya namalayan ang oras dahil tutok na tutok siya sa ginagawa. Nakasulat siya ng walong pahina nang may natanggap na text mula kay Marciel. Pinapapunta siya nito sa opisina. Iniwan naman niya ang sinusulat at lumabas ng aklatan. Doon sa mesa nito nakaupo si Marciel at sobrang madilim ang mukha, sa dilim nito ay nagmukha na itong gargoyle na pinipindot niya para bumukas ang pasilyo. Nakaramdam tuloy siya ng kaba dahil sa galit ng lalake ay may nagliliparang hamog at lamig mula sa katawan nito. Pinagdaiti niya ang mga palad sa isa't-isa para makakuha ng kaunting init sa katawan niya.



Nakatingin si Marciel sa nakabukas na libro sa harap nito. Nang lumapit siya ay hindi ito nagtaas ng tingin, bagkus ay nagsalita lang sa boses na parang gumigilit sa balat niya dahil sa sobrang lamig. "Ang pinakaayaw ko sa lahat ay pinapakialaman ang mesa ko!"



Natameme siya. Dapat pala ay nagtanong muna siya bago nanggalaw ng mesa ng iba.



"At ayaw ko ang amoy ng bulaklak. Nakakainit ng ulo!"



Nasaktan naman siya sa narinig. Pinaguran niya kasi ang flower arrangement. Napayakap siya sa sarili dahil biglang nanusok ang lamig. Napasinghap tuloy siya.



Napataas ng tingin si Marciel nang narinig ang singhap niya. Natigilan ito nang nakita siyang giniginaw. Ang galit sa mukha nito kanina ay napalitan ng pag-aalala. Tinangka siya nitong yakapin ngunit napahiyaw siya sa sobrang lamig nang napadaiti na ang braso nito sa katawan niya.



"Pumasok ka muna sa library, Patricia! Bilis!" Mabilis nitong pinindot ang gargoyle para bumukas ang pasilyo.



Napatakbo naman siya sa loob para hindi masakal ng lamig. Nang nakaupo siya sa mga serpentinang upuan ay napayakap siya sa armrest para mawala ang ginaw sa balat niya. Paano kaya nakabuga ng ganoong nakakamatay na lamig ang lalake? Mga kalahating oras pa yata ang lumipas bago tuluyang nawala ang ginaw. Iyon pa lang siya nakapagpatuloy ng pagsusulat sa libro. Sayang din kasi ang oras. Marami pa siyang pahinang matatapos. Mga alas-nuwebe ng gabi siya nagpasyang umuwi. Wala na sa upuan nito sa si Marciel pero doon pa rin ang kaunting lamig sa opisina. Baka nga kanina pa ito umalis. Dumiretso siya sa boarding house niya at pagdating doon ay may isang napakalaking flower arrangement na bumungad sa kanya sa sala.



"Ngayon-ngayon din lang 'yan dumating, Patty. Para raw sa 'yo," sabi ni Gng. Sanchez. Tinuro din ng ginang ang isang malaking thermos ng sabaw. Binuksan niya at doon ang mainit na corn and clam chowder. Mukhang masarap.



"Kanino raw galing?" tanong niya.



"Marceil raw."



Sakto rin dahil may natanggap siyang text mula kay Marciel. "Ubusin mo 'yong sabaw. Makakatulong 'yan kontra lamig."



Ah may nakokonsensiya pala kaya pinadalhan siya ng bulaklak at sabaw.



"Bakit may bulaklak? Sino may patay?" tanong ng paparating na si Maritess.



Napabungisngis siya dahil parang pangpatay nga talaga ang bulaklak. May stand kasi. Kulang na lang ribonette na may salitang Condolence.  Pangsementeryo talaga ang taste ni Marciel.



Pinagtulungan nilang ubosin lahat ang sabaw. Binigyan nga niya si Krang-krang ngunit ayaw ng aso. Hindi naman niya alam kung ano ang gagawin sa bulaklak. Mukhang hindi kasi kakasya sa maliit nilang kuwarto. Iniwan niya sa baba at kinaumagahan ay napasadlak ang mukha niya nang nakitang nakatumba na at lasog-lasog. Alam na niya kung sino ang salarin.



"Krang-krang naman eh!" sabi niya sa aso na nilalaro ni Jenny. Binigyan niya ito ng masamang tingin bago pinulot ang mga bulaklak. Ilalagay niya ang mga ito sa bote dahil galing kaya kay Marciel 'to kaya espesyal.



Nagbihis siya para makapunta ng Recto. Holiday ngayon kaya doon siya magbababad. Alas-otso nang umalis siya ng boarding house. May nadaanan nga siyang isang murang neck pillow sa isang stall kaya bumili siya para ibigay sa amo para tuluyan na nitong makalimutan ang sigmat sa pag-ayos niya ng mesa nito na hindi nagpaalam.



Hindi pa nga nakabukas si Mang Kanor nang dumating siya kaya sinususian niya ang maliit na pintuan para makapasok siya dahil binigyan siya ng duplicate ni Marciel. Plano niyang maglinis. Inumpisahan niya sa opisina bago dumiretso sa aklatan. Pinindot niya lahat ng switch ng ilaw kaya bumusilak ang buong aklatan. Nalaman niyang naka-wood panel pala ang mga dingding. Winawalis niya ang sahig na gawa sa baldosang Vigan nang may nakitang isang pindutan ng ilaw sa isang estante na hindi niya naipindot. Pinindot niya dahil gusto niyang sobrang mailaw ang lugar para hindi malungkot. Para kasing tahanan ng lagim dahil madilim at halos itim lahat. Pero walang kandelabra na umilaw, bagkus umatras ang estante at nag-slide pakaliwa. Bumungad sa kanya ang isang makitid na hagdan pababa na mukhang isang tao lang ang kakasya. May mapusyaw na ilaw naman sa duluhan kaya makikita naman niya ang apakan. Hindi niya matukoy kung gaano kalapad ang opisinang ito. Mukhang maraming pasanga-sangang silid. Kung papababa na ito, ibig sabihin, ang gatero na ng Recto ang ka-level ng silid sa ilalim ng hagdan.



Nakaramdam siya ng matinding curiousity. Hindi naman siguro babalik agad si Marciel kaya hindi nito malalaman na nangialam siya. Dinampot niya ang biniling emergency lights bago bumaba ng hagdan. Malay niya at baka magbrown out at ma-trap siya sa loob at biglang may kalansay na hahawak sa kamay niya.



Isang pinto ang sa ibaba. Natatakot na naku-curious ay binuksan niya ang pinto at isang madilim na pasilyo ang bumulaga sa kanya. Tinaas niya ang emergency lights at may hilera ng mga pintuan ang nandoon. Ang lapad pala talaga ng opisina. Kelan kaya ito tinayo dito sa Recto? At sino ang nagpatayo?



Nagdalawang-isip siya kung didiretso o hindi pero dahil kinain na siya ng nerbiyos kaya bumalik na lang siya sa taas. Sa ibang araw na lang.



Tinapos niya ang paglilinis. Nang nawalis na ang buong silid ay umupo siya sa gitnang lamesa at doon inumpisahan ang ikaisang daan at limang pahina ng libro. Abala siya sa kakasulat nang may yapak na papalapit. Kahit hindi niya itaas ang tingin ay alam niyang si Marciel dahil saulado na niya ang yapak nito, mabigat at mabagal.



"Binilhan kita ng Jollibee at baka nagugutom ka," ang sabi ng lalake sabay abot ng plastic ng Jollibee na may lamang two-piece fried chicken, coke at sundae. Mukhang maganda na ang mood nito dahil hindi na madilim ang mukha. Nakonsensiya sigurado sa nangyari kahapong pagsakal nito ng lamig sa kanya.



"Salamat," aniya. Inabot naman niya ang bag at kinuha doon ang binili niyang neck pillow. "Naisip ko kasi na palagi kang abala. Minsan masarap din na magpahinga sandali."



Nagbigay ng maikling ngiti si Marciel.



Napangiti naman siya at hindi na niya mapigilan ang sarili na mangbola. "Kuya, gusto ko palagi kang ngumingiti. Pumupogi ka lalo at mas nagmumukha kang tao."



Napaseryoso ang mukha ng lalake. Mukhang nabasa na nito na mangbola talaga ang puntirya niya.



"Si Kuya 'di ma-joke," aniya sabay twinkle ng mata niya.



Mukhang hindi alam ng lalake kung paano i-handle 'yong twinkle-twinkle ng mata niya kaya tumalikod na lang para makabalik sa opisina nito.



Binalik naman niya ang atensiyon sa libro. Mga sakto alas-dose nang binaba niya ang balahibo ng phoenix at doon siya sa opisina kumain ng pananghalian. Doon sa leather couch niya binuksan ang Joliibee.



"Kuya, hindi ka ba kumakain? Never kitang nakitang kumain."



Walang sagot as usual. Sanay na siya.



"Kuya, kung anghel ka ng kamatayan, namamatay ka rin ba? Saan ka galing? Paano ka naging ganyan?"



Walang imik.



Marami pa nga siyang tanong pero wala talagang sinagot ang lalake. Dahil naubos na niya ang two-piece chicken at coke, tumayo siya bitbit ang sundae at lumapit sa mesa ng lalake para tingnan ang sinusulat nito. Biglang may nabuong tanong sa utak niya at hindi na niya napigilan ang bibig.



"Kuya, virgin ka pa ba?"



Napatigil sa pagsusulat si Marciel.



"Oi, kuya, may reaction. Ibig sabihin niyan virgin pa."



Binaba ni Marciel ang ballpen at hinarap siya. "Hindi ba may usapan tayo na walang tanong-tanong?"



"Tayo lang kasi dalawa dito, kuya, tapos hindi pa tayo nag-uusap, hindi ba nakaka-bore?"



"Patricia..." bigkas ng lalake sa mabini, ngunit puno ng utoridad na boses.


Mukhang pagagalitan siya ngunit mas pinili na lang nito na manahimik.



Napangiti siya. Mabait ang lalake, sa totoo lang. "Sige na nga, hindi na kita kukulitin." Bumalik na lang siya sa couch para pulutin ang kalat niya at tinapon sa basurahan. Pinindot niya ang ulo ng gargoyle at bago siya dumiretso sa pasilyo ay sinitsitan niya ito at binigyan ng beautiful, twinkling eyes.



Naiwan namang napapailing si Marciel sa mga gimik niya.





Continue Reading

You'll Also Like

33.4K 1.5K 11
Aangkinin mo ba ang isang bagay na hindi naman talaga sa 'yo? Kahit pa ito ang magsasalba sa iyong problema? Paano kung kakaiba ang nakuha mo? At maa...
9.2K 648 44
TRAITORS are not the ones who confront you in the face and point a gun right at your head. No. They are the ones who give you the brightest of smiles...
88.1K 1.6K 41
Yllentell April Greid life change as she started to wish at Magical Feathers . It's a magical dust that led her life into Unknown place called QYLENT...
885K 17K 39
Sa bawat pagpatak ng ulan ang hatid nito ay kasiyahan, sa iba naman ay kalungkutan Sa bawat pagkalanta ng isang bulaklak umuusbong ang isang pang mas...