ANG NAWAWALANG PINTUAN SA REC...

By SefahMil

50.9K 5.4K 725

Si Patty ay may nakilalang Anghel ng Kamatayan sa isang sekretong pintuan sa Recto, Manila. Malamig man ang... More

CHAPTER I
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
Chapter 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
NOTE

CHAPTER 4

2.2K 223 46
By SefahMil

July 2, 2004 ay pinadalhan si Patty ng dalawang libong peso ng pinsan niyang nagtratrabaho sa Taiwan para bilhan niya raw ito ng mga Tagalog Pocketbooks. Nagtratrabaho kasing katulong ang pinsan niya sa isang mansiyon sa tuktok ng isang burol sa Taipei at nabuburo raw palagi dahil walang mapupuntahan kaya nagpapabili ng pocketbooks para may libang-libangan. Pumunta siya sa National Bookstore sa Recto at doon inubos ang isang libo sa pocketbooks. Ang limang daan daw ay sa shipping at limang daan ay kanya na.



Sumakay siya ng jeep papuntang Post Office sa Liwasang Bonifacio.  Lalakarin nga sana niya kaso masyadong mainit ang hapon.  Papapila siya sa hilera ng International mail nang nakita ang isang pamilyar na kapang itim sa lalakeng nag-iisang nakapila roon. Parang kay Recto Boy ang masaharing tindig ah! Lalapit sana siya nang napalingon ang lalake na para bang may tumawag dito at hinanap nito.



Akala nga niya sa kanya ito mapapatingin ngunit napalampas ang mga mata. Tumingin ito sa mataas na kisame at naghanap doon. Maya-maya ay nakita niya itong tumakbo habang nasa kisame pa rin ang mga mata.



'Ano 'yon?' napapabungisngis niyang tanong sa sarili. May problema ba ito sa pag-iisip? Huwag naman sana.



Napahinto ang lalake sa gitna ng lobby at ang sahig naman ang pinakiramdaman.



Dumiretso na lang siya sa mailing window para mapadala ang mga pocketbooks na binili niya. Pagkatapos mabayaran ang kanyang padala ay hinanap niya ang lalake para tingnan kung ano ang sunod nitong gagawin. Pababa ito ng hagdan. Sinundan naman niya. Gusto niya kasing tsikahin. Naalala niyang patong-patong ang mga ginagawa nito sa mesa. Baka makahanap siya ng sideline sa opisina nito. Marunong kaya siyang gumamit ng Corel Draw, Photoshop, Flash, Auto CAD at kaya-kaya niyang gayahin ang mga pekeng diploma at ID na 'yan.



Pagbaba niya ay mga palikuran pala. Baka nag-wewe. Matagal din siyang naghintay sa labas ngunit walang lumabas na nakakapa ng itim. Diniretso na lang niya ang lobby at nakalabas siya sa isang hardin. Wala namang tao dito. Bumalik na lang siya sa hagdan at muling umakyat sa ground floor. Doon nakita niyang papasok ng entrance ang lalake. Nakalabas na pala. Tumayo ito sa gitna at nilibot ang mga mata. Tumigil lang nang nakita siya nitong papalapit.



"Kuya, nagkita na naman tayo," sabi niya sabay bigay ng malapad na ngiti. "Mukhang may hinahanap kayo?"



"May nararamdaman ka bang nakakaiba, Patricia?" tanong nito sa nababahalang boses.



Napakunot ang noo niya. "Nakakaiba? Parang wala naman?"



"Sigurado ka? Iyong parang nakakaibang enerhiya na nagpapatayo ng balahibo mo?"



Napailing siya.



"Kanina napakalakas dito, pero nawala rin."



Hindi naman niya alam kung ano ang isasagot sa sinabi nito. Tinanong na lang niya kung pauwi na. "Iisang daan lang naman natin, kuya, kaya sabay na tayo. Libre kita ng siopao doon sa Ma Mon Luk."



"Kailangan na nating umalis dito," ang sabi ng lalake sabay hatak sa braso niya.



Hindi na siya nakaimik nang kinaladkad siya ng lalake palabas ng entrance at pababa ng hagdan ng Post Office. Lakad-takbo naman siya para sundan ang mabilis na lakad ng lalake. Mahahaba ang mga biyas kaya malalaking hakbang ang nagagawa. Nang nakarating na sila ng simbahan ng Quiapo iyon pa lang binitiwan ng lalake ang braso niya. Kumalma na rin ang mukha nito. Siguro hindi na nararamdaman ang sinasabing enerhiya. Tahimik silang naglakad hanggang sa dumating sila sa Ma Mon Luk.



"Gusto mong kumain 'di ba?" tanong nito sabay hila sa kanya paloob ng restaurant kung saan may mga dambuhalang kawayang steamer na nakadisplay sa kusina banda. Luma na nga ang lugar pero maraming dumadayo dito dahil sa sarap ng siopao at mami. "Mag-order ka."



"Ano ba sa 'yo, Kuya?"



Umiling ito. At pagkatapos ay kumuha ng pera sa bulsa para iabot sa kanya.



"Busog ako. Mag-order ka para sa sarili mo. Sasamahan lang kita sandali para makapag-isip ng sunod kong gagawin." Tumalikod ito para maghanap ng mesa para sa kanila. Nag-order naman siya ng special mami at special siopao at Coke na rin. Umupo siya sa harapan ng lalake pagkatapos para sa mesa na lang hintayin ang inorder. Nalaman niyang kapag sa malapitan ay mapusyaw na abu na may kaunting bughaw sa gilid ang kulay ng mga mata nito. At ang lalim na parang... parang hindi sa tao.



"Sigurado ka bang wala kang nararamdamang nakakaiba sa post office kanina?" tanong uli ng lalake.



Napailing siya. "Bakit, kuya? Ano ba ang nandoon kanina?"



Ang lalake naman ang napailing. Parang may ayaw itong sambitin.



"Ano po ba name mo?" tanong niya.



"Marciel."



"Marquiel?" Grabe naman kasi ang diksiyon ng lalake. Mahina pa ang boses kaya di niya gets agad.



"Marciel," ang sabi nito sa mas malakas na boses at sa Tagalog na tono.



Naalala nga niya ang name stand nito na may pangalang Marciel. Hindi na niya matandaan ang affix doon. Nakakaiba kasi. "Family name mo, kuya?"



Hindi ito sumagot.



Iyon naman dumating ang pagkain niya. "Kuya, ayaw mo talagang kumain?"



Umiling ito.



Inumpisahan naman niyang higupin ang mami niya. Ang lalake naman ay naging abala sa kakatingin sa mga taong dumadaan sa labas. Iyon naman siya nakahanap ng tsansa na magtanong-tanong.



"Kuya, ano nga exactly ang address ng opisina niyo?"



Tumingin sa kanya sandali ang lalake, pero agad din nitong binalik ang mata sa labas. Parang hahawakan nga niya mga kilay niya para hindi tumaas. Hindi ba nito alam na hindi tamang hindi ito sumagot kapag tinatanong? Pero hayaan na niya dahil nilibre siya nito at kailangan niya ng trabaho. Ewan nga sa lalakeng ito. Kanina parang nabigla kaya naging bibo. Nang nabalik sa huwisyo ay balik sa pagiging tahimik uli. "Kuya, tinatanong kita? Bakit kaya nawawala ang pintuan niyo doon sa Balugdani?"



Ayaw nito itigil ang kakatingin sa kalsada. Nagsa-sariling mundo na naman.



"Kuya, panget ba ako? Bakit ayaw niyong tumingin sa akin?"



Tumingin sa mukha niya ang lalake, ngunit agad ding binawi ang tingin. Mukhang 'di nito feel makititigan. Parang nako-conscious.



Hindi naman niya matigil ang sarili na magtanong pa. Malay niya at sumagot. "Kuya, may asawa ka na?"



Umiling.



"'Ilang taon ka na ba, kuya at wala ka pa ring asawa? Hmmmm.... May balak ba kayong maging matandang-dalaga? Malungkot 'yan, kuya."



Wa reaksiyon ang lalake. Para itong estatwa na tumingin lang sa labas. Walang kisap-kisap mata, walang hinga-hinga.



"Kuya, gusto mo syota? May irereto ako. May pinsan ako sa probinsiya na parang kaedad niyo. Naghahanap iyon ng foreigner, eh mukha naman kayong foreigner." Hula niya kasi parang late twenties o early thirties ang lalake. Mahirap tukuyin. Ang rugged nitong mukha at 'yong matalinong awra ang nakakatanda dito.



Napatingin uli sa kanya ang lalake. Walang mababasang emosyon sa mukha nito, basta nakatingin lang. Binigyan naman niya ng beautiful, twinkling eyes. Gusto nga niyang tanungin kung may extra trabaho sa opisina nito ngunit hindi naman niya alam kung ano ang sasabihin. Baka hindi sumagot at mapahiya lang siya. Pero wala siyang mapapala kapag hiya-hiya ang atupagin niya. Ibubuka niya sana ang bibig nang tumayo bigla ang lalake.



"Andyan na naman 'yong enerhiya!" Nilibot nito ang tingin bago tumingin sa kanya. "Pagkatapos mong kumain, Patricia, diretso ka agad ng uwi. Maiwan muna kita dahil may hahanapin lang ako." At napatalilis ito ng takbo.



Naiwan naman siyang nakatingin sa likod ng lalake. Sayang! Marami pa kasi siyang kung anong pasakalye. Dapat tinanong na niya agad kung may extra trabaho ito na mabibigay sa kanya o dapat hiningi na niya ang number nito para makulit niya sa text. Hindi bale hanapin na lang niya at kulitin. Magaling naman siya sa kulitan eh. 'Yan ang forte niya.





**********SALAZZATER**********




HINDI NAPANSIN NG KARTERO NA PAGBABA niya ay may isang saligubang na lumipad mula sa bag niya ng mga sulat. Lumipad ito papunta sa rebulto ni Bonifacio para doon dumapo at magmanman sa paligid. Mainit ang silak ng araw sa lugar na pinagdalhan sa kanya at mukhang mahirap ang ekonomiya dahil may iilang tao na madungis at natutulog sa damuhan. Masyadong malayo sa kahariang huli niyang tinirhan. Maganda naman ang gusali sa harap sa mga dorikong poste nito ngunit wala kung ikumpara sa mga palasyo at rebulto sa patag na may limang kaharian. Ang sabi ni Marubi XVIID ay dito raw sa Pilipinas niya makikita ang pinakamortal niyang kaaway dahil dito ngayon nakadestino si Marciel CDIX, ang nagkulong sa kanya sa tansong kahon noong araw nang nagtuos sila sa Ilog Gihon matagal na panahon na ang nagdaan. Wala man lang siyang nagawa sa kanyang limang kaharian nang pinabahaan ang mga ito ni Marciel ng acido. Kung hindi lang siya pinalabas ni Marubi sa tansong kahon ay baka naubos niya ang walang hanggan doon. Pero tingnan nga naman niya, pagkatapos ng mahabang panahon ay nagisnan niya uli ang lupa na si Marciel ay isa pa ring anghel ng kamatayan. Hindi man lang ito naitaas sa mababa nitong posisyon. At sabi nga ni Marubi, gagawin nito lahat para hinding-hindi makaakyat ng langit ang anghel ng kamatayan.



Lumipad ang saligubang sa isang puno, naging usok na puti hanggang sa may gumapang na maputlang daliri sa kahoy. Maya-maya ay may napakagandang mukha sa maputlang balat at maputlang buhok ang lumabas sa puno. Lumiliyab ang berdeng mata nito habang nakatingin sa post office sa harapan. Doon sa hagdan bumababa ang lalakeng nakaitim ng kapa, kasama ang isang babae na may sukbit na T-square sa likod.



Sinundan niya ng tingin ang dalawa. Ang alam niya ay hindi nakikita ng mga mortal na tao silang mga nilalang langit, maliban na lang kung gustuhin nila. Kung siya ang tumingin, parang nakikita ng babae si Marciel dahil nag-uusap ang mga ito. Kanina ay hinanap siya ng anghel ng kamatayan. Mabuti na lang at nakalabas na ang kartero niya nang naramdaman siya. Siguradong sasabog ang buong lugar kung sila ang magtuos ng lalake. Mababang uri ng anghel si Marciel dahil anghel ng kamatayan lang ito, hindi tulad niya na noon pa man ay anghel na siya ng langit bago nahulog dahil kumampi siya kay Sataniel, ngunit walang makakapasubali sa lakas ni Marciel. Dati kapag may ipapakitil ang langit, si Marciel ang tinatawag nito. Noong binahaan nito ng acido ang mga kaharian niya ay nanginig ang buong lupa.



Matatago nila ang kanilang enerhiya kapag magkaroon sila ng pisikal na katawan ng hayop o tao. Pinipili nilang maghulma hayop palagi dahil mas maliit at makakalipad. Hinulma niyang bultura ang sarili at lumipad sa taas ng Tulay Colgante para masundan ang dalawa na hindi nahahalata ni Marciel. Pagkatapos ay naghulma uli siyang salagubang at dumapo sa beach umbrella na ginagamit ng nagtitinda ng mga dahon-dahon, lana, agimat at cytotic na panglaglag. Doon siya nagmanman sa ginagawa ng dalawa sa labas habang nakikiramdam na rin sa paligid. Sa tanang oras niya na nilagi sa lupa, ngayon lang siya nakakita ng ganito kaitim na hangin. Nakakarindi. Malagkit sa pakiramdam. Ang masahol nahulog pa siya sa beach umbrella dahil humalakhak ang tindera at dumadagundong ang paligid. At muntik pa siyang maapakan kung hindi lang siya nagmadaling gumapang.



At nakita niyang lumabas ng kainan si Marciel. Susundan niya sana ngunit mas mainam na ilayo niya muna ang sarili dito para mapag-aralan niya sa malayuan kung paano ito lupigin. Ang babae ang susundan niya dahil mukhang may alam ito tungkol sa registrar.



Nagtagal pa ang babae sa mamihan bago ito lumabas. Sinunod din nito ang direksiyon ni Marciel ngunit lumiko sa isang plaza sa kanan pagkatapos at dumiretso sa maputik na eskinita kung saan may hilera ng walang hanggang tinda at tolda ng pagkain at mga damit.



Sa mga tolda siya dumapo-dapo para masundan ang babae. Huminto ito sa isang mesa at bumili ng dalandan. Pagbukas nito ng dalandan ay iyon bumusilak sa lugar ang nakakabuhay na amoy ng citrus. Sa sarap ng ngiti nito habang kinakagat ang dalandan ay siguradong matamis.



Diniretso ng babae ang paglakad at huminto sa bilihan ng mga alahas. Sa salaming ito sumukat-sukat ng hikaw. Maganda ang babae sa tipikal na Pilipinang mukha at mahabang itim na buhok. Mahaba ang leeg nito kaya nakakahalina tingnan, lalo na at balingkinitan pa ang katawan. Iba nga ang itsura ng mga tao dito kumpara sa pinanggalingan niya sa Europa at sa malayong Asya kung saan matatangos ang ilong, dito sarat na parang sinuntok ng diyos. Mabuti naman ang babae kahit papaano ay maliit ang ilong, ang tindera suntok na suntok.



Ang babae sumukat lang at hindi naman bumili kaya nakakamatay na tingin ang binigay ng tindera nang nakatalikod na ito. Lumiko ang babae at tumingin-tingin ng mga paninda ng iba. Bumili lang ito ng tali at bumalik na rin sa simbahan. Doon sila muling lumiko bago diniretso ng babae ang daan pauwi. Malayo-layo rin ang nilakad nito bago narating ang lumang bahay na gawa sa semento ang baba at kahoy sa taas.



=======================


FOOT NOTE:

Salazatter's old kingdom is in the pentapolis of Sodom, Gomorrah, Admah, Zeboim and Bela.  Pentapolis means five cities  (PENTA means five).  These cities were being compared to Eden because they were also fertile with vegetation and water.  According to paleontologists and historians, the pentapolis could be found in the country of Jordan in the Middle East.

Continue Reading

You'll Also Like

9.2K 648 44
TRAITORS are not the ones who confront you in the face and point a gun right at your head. No. They are the ones who give you the brightest of smiles...
864K 28.5K 53
Standalone [Completed] Language: Filipino Walang taong ipinanganak na masama. Ang lahat ay pawang mga biktima lamang ng kasamaang naghahari sa ibaba...
Second Best By Gette

Teen Fiction

293K 4.2K 77
Editing. Almira never wished to be anyone's 'replica' but she found herself being one when she met Myco. Sharing almost the same facial features with...
148K 4K 75
"I know who you really are, Hazy Austria." A confident smirk was plastered on his face as he took a step forward. I took a step back, not wanting to...