Origins of the QED Club

By AkoSiIbarra

169K 11.5K 5.2K

QED CLUB: the go-to place of students and teachers in Clark High whenever they have mind-boggling mysteries t... More

Front Matter
Author's Notes
PART ONE: Clubroom Conundrum
Chapter 01: My Pesky Little Problem
Chapter 02: My New Roommate
Chapter 03: Her Troublesome Secret Admirer
Chapter 04: My Sincerest Apologies
Chapter 05: Owe Me A Favor, Will You?
Chapter 06: Don't You Dare Ghost Me
Chapter 07: Phew, Crisis Averted!
PART TWO: Primadonna of Theater
Chapter 08: First, My Curiosity. Now, My Attention
Chapter 09: The Rosy Thread
Chapter 10: At Long Last! Meet the Club!
Chapter 11: QED Club in Action!
Chapter 12: Goodbye, Theater! (For Now)
Chapter 13: Game of Kings! Jamie versus Loki
Chapter 15: Found Yah!
PART THREE: Knight of the Club
Chapter 16: The Childhood Friend
Chapter 17: Friends Reunited
Chapter 18: February Soiree
Chapter 19: Over A Cup of Coffee
Chapter 20: The Transferee
Chapter 21: Join the Club
Chapter 22: QED Club to the Rescue
PART FOUR: Chronicler of the Club
Chapter 23: And Then There Were Four
Chapter 24: Two Truths, One Lie
Chapter 25: From Beyond The Grave
Chapter 26: Sob Stories
Chapter 27: Curtains Drawn
Chapter 28: First Mate
Postscript

Chapter 14: Loki's Missing?!

2.2K 164 24
By AkoSiIbarra

JAMIE

EXCITED PA akong maka-experience ng gano'ng moment kasama si Loki habang wala si Lorelei. Kaya pagka-dismiss ng afternoon classes ko, dumeretso na agad ako sa clubroom. Ine-expect kong madaratnan ko si Loki ro'n, gaya kaninang lunchtime. Kaso walang tao sa loob. Nando'n ang bag niya, pero siya mismo'y wala.

Posible kayang pumunta siya sa boy's comfort room? O kaya baka bumili siya ng pagkain sa cafeteria kasi nagutom siya?

Lumapit ako sa upuan niya para maghanap ng clue. May piece of paper kasi na nasa side ng mesa kung saan siya laging nakapuwesto. Baka nag-iwan siya ng note.

Kaso iba ang nabasa ko. Parang maiksing poem 'tapos may kasamang numbers.


Hey, you there! Why don't we play a game?

Can't find him anywhere? Oh, what a shame!

I will give you time, is forty-five minutes fine?

Better hurry up coz his life is on the line!

Find the coordinates, get out of that square,

Then take one step back and see the answer.

14 • 24 • 21 • 14 • 31 • 45 • 24 • 21 • 23 • 55 • 33


Nanlaki ang mga mata ko nang mabasa ang nakasulat sa papel. Kinutuban pa ako nang masama dahil sa fourth line.

Oh my goodness! Sino ang nag-iwan ng note na 'to? At saan nila dinala si Loki?

Lumikha ng kaluskos ang pinto sa likuran ko, dahilan para mapalingon ako ro'n. Akala ko'y si Loki na ang pumasok, pero si Lorelei lang pala. Iginala niya ang kanyang tingin na parang may hinahanap.

"Nasaan si Loki? Hindi pa ba siya dumaraan dito?" tanong niya. Wala ba siyang manners? Dapat bumati muna siya ng good afternoon kahit walang good ngayon! At saka hindi pa ba halata na nowhere to be seen ang taong m-in-ention niya?

"Lo-Loki . . ." Iniabot ko sa kanya ang hawak kong note. Kinuha niya agad mula sa 'kin at binasa ang nakasulat doon.

Noong una'y normal niyang binabasa, 'tapos unti-unting naningkit ang mga mata niya. Nang matapos na siya, umangat ang tingin niya sa 'kin. "Missing . . . Loki's missing?"

Obvious ba? Pareho naman kami ng binasa. Dumagdag pa tuloy ang pagkayamot sa pagkabahala ko. "Geez! Bakit kailangang siya pa ang mawala? Pwede namang ikaw. I was looking forward to spending this afternoon with him." Nilakad ko nang paikot ang mesa habang nakagat sa freshly polished nails ko. Don't worry, well manicured at disinfected ang mga 'yon.

"At bakit mas gugustuhin mong ako ang mawala?" tanong niya. "That's something you shouldn't tell someone nonchalantly."

Tumigil ako sa paglalakad at tinaasan siya ng kilay. "You're only a decoration in this club. Loki and I can get along very well. We actually had a great time together during lunchtime."

"Na-Natalo mo siya sa chess?"

Ngumisi ako sa kanya. "It's a close match, but Lady Luck favored me today. Why, you jealous?"

She said before na walang something romantic na namamagitan sa kanila ni Loki, and I believed her. Wala kasi sa tono o mukha niya noon na nagsisinungaling siya. But I figured, why not tease her a little? Aside from my eidetic memory, I could somehow tell if someone was acting or not. That's how talented I was!

"Wala na tayong oras para pag-usapan kung nabusog kayong dalawa sa lunch n'yo kanina." Bumalik sa papel ang tingin niya at mukhang binasa ulit ang mga nakasulat doon. Muli kong ibinaling ang tingin ko sa papel at binasa ulit ang nakasulat doon.

"Shouldn't we ask help from the campus police?" suggestion ko nang nagpatuloy na ako sa paglalakad paikot sa mesa. Sorry, hindi ako mapakali sa isang spot. "Baka matulungan nila tayong maghanap? They can ask their officers to search every area on campus."

"Meron tayong less than forty minutes para hanapin si Loki," kontra niya. "Kung pupunta tayo sa station nila at ipaliliwanag kung ano'ng nangyari, baka maubusan tayo ng oras! Besides, hindi natin alam kung maniniwala sila sa atin. They might think that this is just a prank."

Napahawak ang mga kamay ko sa baywang. "At sino namang gagawa nito? Meron bang may galit kay Loki kaya naisipan nila siyang dukutin mula rito sa clubroom at mag-iwan ng isang riddle para sa atin?"

"Baka may connection 'to sa personal request na inaasikaso niya?" Napahaplos siya sa kanyang chin, parang pinag-iisipan talaga ang nangyari.

Wait a minute . . . Anong personal request? Walang nabanggit si Loki na gano'n noong kumain kami. Mukhang wala rin siyang ibang iniisip o pinagkakaabalahan kanina.

"Hindi niya in-involve ang club dahil sa kanya mismo humingi ng tulong ang client," dagdag niya na parang nabasa ang nasa isip ko. "Teka, wala na tayong oras para mag-usap ng kung ano-ano. Kailangan na nating ma-decode 'to!"

"Oh . . ." Naningkit ang mga mata ko sa kanya sabay lapit para magkaharap kami. "So you think you can play the detective without him? Seriously?"

"Kaya nga ako nandito, 'di ba?" sagot niya sa 'kin. "For the record, I've already solved one case with minimal help from him. Ikaw? Hanggang pagpapa-cute lang ba kay Loki ang kaya mong gawin? Bakit ka nga ba sumali sa club na 'to?"

Ramdam kong nag-twitch ang kaliwang mata at ang labi ko. Paano niya nasabing pagpapa-cute lang ang kaya kong i-contribute eh meron akong eidetic memory? Kung may nagpapa-cute man dito, walang iba kundi siya. Sabi nga ni Loki, meron akong gift. Itong si Lorelei? Ewan kung ano'ng meron. Wala mang espesyal sa kanya.

"Fine! Give that to me and I'll show you!" Hinablot ko mula sa kanya ang papel, pero hindi niya binitawan. Sa sobrang lakas ng hila ko at sobrang kapit niya, napunit ang papel sa dalawa. Nilipad pa ng malakas na bugso ng hangin ang kalahati at idinala sa labas.

"Tingnan mo ang ginawa mo!" Tinaasan na niya ako ng boses. Kung may suot na maskara man si Lorelei, heto na, nahuhulog na. "Kalahati na lang ng code ang nasa atin! Ano na'ng gagawin natin niyan?"

Umiwas ako ng tingin nang hindi ko naiwasang matawa.

"At ano'ng nakatutuwa?" reklamo niya. Lalo pa akong natawa sa reaksyon niya. Parang katapusan na ng mundo, parang wala nang pag-asa. "Masaya ka na bang wala na ang clue natin para mahanap si Loki?"

"Lorelei, Lorelei. What will you do without me?" Mabagal akong umiling habang paulit-ulit na napapalatak. Ganyan talaga kapag walang talent ang isang tao. "Have you forgot that I was bestowed with a unique gift?"

Hihirit pa sana siya, pero napanganga na lang siya sa 'kin. Na-realize na rin niya kung bakit kampante pa rin ako at hindi gaya niyang naghi-hysterical. Mas magaling pa yata siyang gumawa ng drama kaysa sa 'kin.

"I remember those numbers like the back of my hand," pagyayabang ko. Tinapon ko na rin 'yong natitirang kalahati ng papel at hinayaang tangayin ng hangin. "Hindi ko kailangan ng kahit anong kodigo."

"Kung natatandaan mo naman pala, e 'di isulat mo na sa papel para masimulan na natin ang pagde-decode!"

Umirap ako sa kanya at bumuntonghininga. "Why should I tell you? Hindi ba't sinabi mo kanina na hanggang pagpapa-cute lang ako?" Kaya dapat mag-ingat siya sa salitang binibitawan niya. Huwag niya akong masyadong maliitin lalo na't may talents ako hindi siya fully aware.

Bigla niyang hinila ang braso ko palapit sa kanya. "Wala na tayong oras, Jamie! Kung gusto mo pang makita si Loki, kailangan nating magtulungang dalawa. I may not be as good as him, but I think we can get through this!"

Ilang seconds din kaming nagkakatitigan bago ako kumalas ng tingin mula sa kanya. Nakita ko sa mga mata niya ang pagiging desperate. "Okay, I'll type the numbers on my phone and show them to you, but let me know about your plan first."

"Kahit siguro pigain ang mga utak natin sa kaiisip kung paano made-decode 'yan, mukhang wala tayong pupuntahan," sabi niya. "Kung isa-substitute natin ang bawat number into letter, parang walang sense. Hanggang twenty-six letters ang English alphabet, kaya ano'ng isa-substitute natin sa 33 at 45?"

"Are you saying na imposibleng ma-solve natin ang code na 'to?" may kaunting pangamba sa tono ko. "Wala na tayong chance na makita ulit si Loki?"

"That's not what I meant." Umiling siya't iniangat ang tingin sa 'kin. "Kailangan nating hanapin ang tamang cipher. Kung sanang mako-call natin si Loki para makahingi tayo ng hint, mas mapadadali ang pagde-decode natin."

Kung wala si Loki at hindi namin kayang i-crack 'to, sino ang pwede naming hingan ng tulong?

"Jamie," tawag ni Lorelei kaya napalingon ako sa kanya, "close ba kayo ni Stein Alberts?"

Medyo kumunot ang noo ko. Napaka-random question naman n'on. "He's the director for this season's theater production. We're not that close but I have his number. Teka, do you think he's the one behind this? Do you think he kidnapped Loki?"

Muli siyang umiling. "I think he's the one who can help us crack this code. Pwede mo ba siyang i-text o i-call kung pwede siyang makipagkita sa atin? We won't take too much of his time."

"They have rehearsals this afternoon, but maybe he can spare a minute or two for me," sagot ko. "He's also a fan of mine so he won't mind if I ask him a little favor. Isang smile at kaway ko lang sa kanya, masaya na siya."

Inilabas ko ang aking phone at para makapag-compose na ng message.


Hey, Stein! You busy? May gusto sana akong iconsult sa yo

Hi, Jamie! Tungkol saan?

Iexplain ko in person. Pwede ka ba naming puntahan?

Nasa audi ako. Rehearsal will start in ten minutes.

Cool! Papunta na kami riyan


Ipinakita ko kay Lorelei ang conversation thread namin para mapanatag siya. Agad naming iniwan ang clubroom at umakyat patungong fifth floor.

—to be continued—

If you've enjoyed this update and you have some thoughts to share, let me know by posting or tweeting with the hashtag #QEDOrigins!

Continue Reading

You'll Also Like

24.8M 1.1M 123
The third and final volume of Project LOKI. Join Lorelei, Loki, Jamie, and Alistair as they bring down Moriarty's organization. Looking for VOLUME1...
24.6K 1.3K 29
#Wattys2018LongList 'Squash' is her pseudonym. She became an author through her frustrations and madness. Everyone thinks that she's just imaginative...
5.7K 347 27
-COMPLETED- The more you hate, the more you love, they say. Well, Trevor and Alexis sure do hate each other. So much. To the point that everyone arou...
29.9M 990K 68
Erityian Tribes Series, Book #2 || A story of forbidden love and friendship, betrayals and sacrifices.