Lucid Dream

By alyloony

14M 573K 277K

Merong iba't-ibang paraan ang mga tao para makatakas sa reyalidad. Yung iba nagbabasa ng libro, nanonood... More

Intro
First Dream
Second Dream
Third Dream
Fourth Dream
Fifth Dream
Sixth Dream
Seventh Dream
Eighth Dream
Ninth Dream
Tenth Dream
Eleventh Dream
Twelfth Dream
Fourteenth Dream
Fifteenth Dream
Sixteenth Dream
Seventeenth Dream
Eighteenth Dream
Nineteenth Dream
Final Dream
Dream Goddess (Bonus Chapter)

Thirteenth Dream

459K 23.5K 9.4K
By alyloony

Thirteenth Dream

Hindi ako mapakali. Gusto ko ulit matulog. Gusto kong bumalik sa panaginip ko.

Ba't ganun ang inasal ni Caleb? Bakit niya sinabi ang mga bagay na 'yun? Aalis na ba siya? Iiwan niya na ba ako?

Napailing ako.

Napaparanoid naman ako masyado. Baka talagang feel niya lang magdrama nun. May times pa naman na hindi ko maintindihan ang mood niya.

Pero hindi pa rin niya sinabing hihintayin niya ako.

Napahinga ako nang malalim. Baka naman nakalimutan niya lang? O dahil nagising na ako bago pa niya sabihin?

Siguro naman kung mawawala siya sa panaginip ko eh magpapaalam siya sa akin nang maayos. After all, kahit sa panaginip lang, may pinagsamahan naman kami.

Naging magkaibigan naman kami.

"Ang lalim ng iniisip mo ah?"

Halos mapatalon ako sa gulat nang may nagsalita sa gilid ko. Napatingin ako rito at nakita ko si Howard.

"Uy ikaw pala, good morning!" bati ko sa kanya. Sinabayan niya ako sa paglalakad papunta sa school.

"Angelique, gusto sana kitang makausap."

"Hmm? Ano 'yun?"

Nilingon ko siya at nakita kong namumula ang tenga niya.

"About Lilian..."

Napahinto ako bigla.

Oh. My. Gosh.

Tiningnan ko ang wrist watch ko. May 40 minutes pa kami bago mag start ang klase.

"Parang gusto ko munang kumain bago pumunta sa klase," sabi ko sa kanya.

He grinned at me, "Ako rin."

~*~

Hindi ako makapaniwala. Hindi ko maitago ang ngiti sa labi ko dahil sa sinabi ni Howard.

Gusto niya si Lilian. May gusto siya sa kaibigan ko!

At 'yung panaginip na napuntahan namin ni Caleb? Hindi 'yun panaginip ni Lilian kundi kay Howard 'yun.

Habang ikinukwento ni Howard ang panaginip niya, grabeng pagpipigil ang ginawa ko para 'wag kong masabi na nandoon din ako sa panaginip na 'yun. Na nakita ko ang lahat.

Nakita namin ni Caleb.

"May pinaplano akong surprise para kay Lilian and I need your help," sabi sa akin ni Howard.

"Ano 'yun?"

Ipinaliwanag niya sa akin ang plano niya at abot hanggang tenga ang ngiti ko.

"Sure! Go ako!" sabi ko sa kanya at naghigh-five kaming dalawa.

Nang pumasok ako sa classroom namin, nadatnan ko si Lilian na busy magbasa ng notes at si Amanda naman ay busy na naman sa pagpipindot ng phone niya. Nakita ko pang nangingiti mag-isa doon si Amanda.

Napangiti na lang ako sa dalawa.

Mukhang bago kami grumaduate ng high school, may lovelife na ang dalawa kong kaibigan.

Napabuntong-hininga na lang ako.

Buti pa sila.

Nung gabing 'yun, nagmamadali kong tinapos ang assignment ko pati na rin ang lahat ng inutos sa akin ni Nanay. Gusto ko nang matulog agad. Excited akong i-kwento kay Caleb ang tungkol kina Howard at Lilian.

Kaya naman nang matapos ko na lahat ng inutos ni Nanay, dali-dali akong nahiga sa kama.

"Sa lahat ng teenager na kilala ko, ikaw lang 'yung maagang natutulog," sabi sa akin ni Kuya.

"Maaga pa pasok ko bukas eh," pagdadahilan ko naman.

"Kaso alas-nuebe pa lang ineng. Ano 'to, probinsya?!"

"Oy, late na kaya ang alas-nuebe! Gusto mo magpuyat ako? 'Wag mo nga akong guluhin, antok na ako!" at nagtalukbong na ako ng kumot.

'Yung Kuya ko talaga minsan may pagkakontrabida!

Ipinikit ko na ang mata ko at pinilit matulog.

~*~

"Caleb?"

Inikot ko ang field kung saan hile-hilera ang mga cherry blossom trees.

"Caleb?"

Hindi siya sumagot. Nag-umpisa na akong makaramdam ng pagpapanic.

"Caleb ah, ayoko ng joke mo!" sigaw ko. "Lumabas ka na, ano ba?!"

Pumikit ako at huminga nang malalim. Tumingin ako sa kaliwa't kanan ko. Wala pa ring Caleb na nagpapakita. Baka wala siya rito sa mga cherry blossom trees. Pumasok ako sa loob ng school. Walang tao. Walang mga estudyante. Walang Caleb.

Inisa-isa ko ang classroom pero hindi ko siya nakita. Pumunta ako sa cafeteria pero wala rin siya doon. Pati rin sa rooftop.

Bumaba ulit ako sa may mga cherry blossom trees. Inikot ko ang buong field. Pumunta ako sa beach pati na rin sa mga pine trees na may snow. Wala siya. Bumalik ulit ako sa classroom, sa rooftop at sa cafeteria. Pero wala si Caleb.

Nanginginig akong naupo sa gitnang table sa cafeteria. Nangingilid na ang luha ko. Nasaan na ba si Caleb? Bakit hindi ko siya makita? Pinilit kong pigilan ang nagbabadyang luha na bumagsak sa mata ko.

Nangyari na 'to dati nung birthday ko. 'Yung akala ko wala na siya pero bigla na lang ulit siya sumulpot.

Darating din siya. Alam ko darating siya.

Hindi ako umalis sa kinauupuan ko. Nandoon lang ako at hinihintay si Caleb na magpakita sa akin.

Nung una, iniisip ko ang katakot-takot na sasabihin ko sa kanya. Magrereklamo ako nang magrereklamo hanggang sa sumakit ang tenga niya. Sasapakin ko rin siya sa braso kasi pinaghihintay niya ako. Sasabihin ko kailangan niyang bumawi dahil kinakabahan ako rito.

Pero habang nararamdaman ko ang papalapit na papalapit na oras ng pag-gising ko, naglaho na lahat ng inis ko kay Caleb.

Basta magpakita lang siya sa akin, hindi na ako magagalit.

Basta malaman ko lang na hindi siya umalis sa panaginip ko, okay na ako doon.

Kahit na isang nakakainis na pantitrip 'to mula sa kanya, tatawanan ko na lang.

Basta magpakita lang siya.

Please Caleb. Please.

Narinig kong nag-alarm ang phone ko. Hindi. Hindi pa ako pwedeng gumising. Ayoko. Wala pa si Caleb. Hindi pwede! Sunod-sunod na ang patak ng luha sa mata ko. Ayokong gumising hangga't hindi ko siya nakikita. "Caleb naman eh!" sigaw ko.

Tumakbo ako palapit sa pintuan ng cafeteria. Kailangan kong mag-travel sa mga panaginip ng iba. Kailangan kong hanapin si Caleb. Kailangan ko siyang makita. Hindi pwedeng hindi siya magpapaalam sa akin. Ayoko. Binuksan ko ang cafeteria habang iniisip ko na lalabas na ako sa panaginip ko. Ganun ang kadalasan kong ginagawa pag nagta-travel kami ni Caleb sa panaginip ng ibang tao.

Pero pag bukas ko, hallway ang nakita ko. No! Ba't ayaw gumana? Ba't hindi ako makapag travel? Mas lalong lumakas ang tunog ng alarm clock ko. Hindi ko 'to pinansin. Hindi pa ako pwedeng gumising. Si Caleb. Kailangan kong makita si Caleb! Isinara ko ulit ang pinto ng cafeteria at muli ko itong binuksan. Hallway pa rin ang bumungad sa akin.

"NAKAKAINIS!" pinagsisipa ko ang pinto habang tuloy-tuloy ang agos ng luha sa mata ko.

Hindi ako makapag travel. Hindi ako makalabas sa panaginip ko.

Kailangan kong hanapin si Caleb!

Caleb!

"Angelique, gumising ka na! Male-late ka na!!!"

Napadilat ang mata ko at nakita kong nandito na ako sa kwarto ko. Gising na gising na ako. Napatingin ako sa pintuan ng kwarto namin at nakita ko si Nanay na palabas na rito.

Hindi. Hindi. Hindi pwede.

Ba't ganun?

Ba't hindi siya nagpakita?

Ipinatong ko ang unan sa mukha ko at humagulgol ng iyak.

Ba't umalis siya nang walang pasabi? Ni hindi man lang siya nagpaalam nang maayos!

Bakit bigla niya na lang akong iniwan ng ganun?!

Matapos niyang mas pagandahin ang panaginip ko, bigla na lang siyang aalis ng ganun?

Hindi ba niya alam na hindi na magiging tulad ng dati ang panaginip ko?

Hindi ba niya alam na hindi ko na pwedeng maging takbuhan 'yun kada may nangyayaring hindi maganda sa reality ko? At dahil 'yun sa kanya.

Dahil kung hindi na siya babalik, mas malulungkot lang ako pag babalik ako sa panaginip ko.

Pina-realize niya kasi sa akin na peke lang lahat ng 'yun. Na kada nananaginip ako noon, mag-isa lang ako.

Siya ba, peke lang din? Parte lang ba siya ng imagination ko?

Pero ba't totoong-totoo siya? Bakit?

Hindi ko na nakuha pang mag-almusal. Ayokong ipakita kina Nanay ang namamagang mata ko. Magtatanong lang sila kung ano ang problema at hindi ko alam kung paano ko sasagutin iyon.

Maaga akong pumasok. Pagdating ko sa classroom, ako pa lang mag-isa.

Lumabas ako agad. Ayokong mag-isa. Ayoko ng tahimik. Nabibingi ako. Naiiyak ako.

Ba't umalis siya nang walang pasabi?

Pumunta ako sa may court malapit sa school namin. At least dito nakikita ko ang mga dumadaan. Dito maingay.

Dito, maraming makakakita sa akin kaya hindi ako pwedeng umiyak.

Nakita kong parating si Owen. Kahit papaano ay napangiti ako.

Si Owen.

Siya na lang ang magandang nangyayari sa akin ngayon.

Inayos ko ang buhok ko gamit ang daliri ko. Inunat ko ang unipormeng suot ko. Pagkatapos nun ay tumayo ako at patakbong lumapit sa kanya.

Pero hindi pa ako tuluyang nakakalapit eh napahinto na ako bigla.

Nakita ko si Amanda na tumakbo rin papalapit kay Owen.

Nang makalapit siya, niyakap siya ni Owen nang mahigpit. Hinalikan pa niya sa noo si Amanda.

Pagkatapos nun ay kinuha niya ang kamay nito at sabay silang naglakad habang magka-holding hands.

Napatalikod ako at bigla kong pinagsisihan na nasa court ako.

Ang daming tao.

Hindi ako makaiyak.

Gusto kong umiyak.

Gusto kong mapag-isa.

Gusto kong bumalik sa pagtulog.

Pero sa panaginip ko, iniwan na ako ni Caleb.

Biglang nag-ring ang phone ko. Nanginginig ang kamay ko nang kunin ko ito sa bulsa ko at nakita kong tumatawag si Nanay sa akin.

Sinagot ko agad ito at nagulat ako nang marinig kong naghe-hysteria siya mula sa kabilang linya.

"Angelique! Anak! Umuwi ka muna! Ang kuya mo!!! Ang kuya mo, isinugod sa ospital!!!"

At tuluyan nang bumagsak ang luha sa mga mata ko.

Continue Reading

You'll Also Like

1.5M 61.8K 79
Her family was killed. The kings and queens were their murderers. Having the unique ability like no other, she decided to avenge them. This makes the...
282K 21.4K 34
I have always seen myself as a savior from the depth of the sea--a place that I have long conquered. But when you appeared right before my eyes, I re...
961K 45.7K 35
Sixteen-year-old Agatha, a famous author and high achiever in school, had everything to live for. That's why when she jumps to her death, her best fr...
174M 3.7M 76
Sa Kingdom High kung saan magkakaaway ang mga lalaki at babae, posible bang may mabuong relasyon at pagkakaibigan? (Completed. Published under Pop Fi...