Never Cry Murder

By Serialsleeper

3.4M 177K 120K

The Ripper Series #3 :: How far would you go to avenge and save the ones you love? More

Prologue
Chapter 1: Wretched Soul
Chapter 2 : On Duty
Chapter 3 : Love and other stuff
Chapter 4 : Seven days of nothing
Chapter 5 : Finding Serenity
Chapter 6: The price to pay
Chapter 7: The Haunt is on
Chapter 8: Samson
Chapter 9: Be Good
Chapter 10: Blasphemy
Chapter 11: She's a goner
Chapter 12: Pass the message
Chapter 13: Manifestations
Chapter 14: What really happened?
Chapter 15: Salvation
Chapter 17: A truce
Chapter 18: The Jemaima Program
Chapter 19: Breaking Point
Chapter 20: They found me
Chapter 21: Truth or Perish
Chapter 22: Visitors
Chapter 23: Alarmed
Chapter 24: Time to let go
Chapter 25: Decipher
Chapter 26: Parting Time
Chapter 27: Epilogue
Chapter 28: Prologue
Chapter 29: A new chapter
Chapter 30: The thing about you and I
Chapter 31: The words he longed to utter
Chapter 32: Collateral Damage
Chapter 33: Jorino
Chapter 34: You reap what you sow
Chapter 35: The Verdict
Chapter 36: Here comes goodbye
Chapter 37: The Dead Girl
Chapter 38: Scribbled
Chapter 39: Silver Lining
Chapter 40: The Last Goodbye
Chapter 41: Listen to the expert
Chapter 42: Your beliefs, Your principles
Chapter 43: Just a warning
Chapter 44: In times of desperation
Chapter 45: Kin
Chapter 46: Let's play numb and dumb
Chapter 47: Connivance
Chapter 48: The Monster she became
Chapter 49: Havoc and Farewell
Chapter 50: When tables are turned
Epilogue (Part 1 of 2)
Epilogue (Part 2 of 2)
Dear Bruh...
Special Chapter #1: First Words
Special Chapter #2: Stay Strong Jorino

Chapter 16: Be rational not emotional

55K 2.9K 1.7K
By Serialsleeper

16.

Be rational not emotional

Sisa

Be rational not emotional.

I really hate in when those people in horror movies do stupid crap, so now that I am in a sorta same situation like them, I try not to be like them.

Be rational not emotional.

I kept on repeating it over and over and over again as I try my best not to look for Paris and the others before escaping this hell. Every second counts. This isn't about being selfish, this is doing the greater good. The sooner one of us gets out, the sooner everyone gets to survive.

Let's be real here, kailangan naming makaalis dito at makahingi ng tulong as soon as possible. Wala ng arte pa, takbo lang ng takbo.

"Miss ano ba kasing nangyayari?!" Naguguluhang sambit ng delivery boy na para bang takot na takot habang kapwa kami tumatakbo sa tila ba walang hanggang pasilyo.

I can't blame him. Ikaw ba naman makakita ng babaeng mala jukebox ang mukha sa dami ng bugbog at humihingi pa ng tulong plus the fact maganda this girl and kidnapping material pa. Sino ba namang di matatakot para sa buhay niya.

"You just trespassed on my kidnapper's house! See, I got kidnapped by a psychotic hypocrite so now he'll kill us both if we won't leave now! Where's your phone?! Saan ka ba dumaan?!" Aligaga ko na lamang na sambit habang mas binibilisan pa ang takbo ko kahit iika-ika.

"Teka sino bang gumawa sayo niyan?! Yun bang receiver nito?!" Takot niyang sambit sabay turo ng box niya.

Wait is that Pizza? Omg what if its Pizza? Pero para siyang shoe box, it can't be! Wait no! No Sisa! No! Behave! Focus! Be rational not emotional! Mamaya na arte!

"Give me your phone! Answer me, saan ka dumaan?!" Bulyaw ko na lamang ulit sa kanya.

Huminto siya sa pagtakbo. Aligaga niyang dinukot mula sa bulsa ang cellphone niya habang nililibot ang paningin sa kulay puting mga dingding.

"Teka di ko maintindihan?! Andito lang yun kanina! Teka nalilito narin ako! Sandali! Mama!" Mangiyak-ngiyak niyang sambit saka inabot sakin ang cellphone niya.

Muntikan kong maitapon ang cellphone nang makita kong walang ni katiting na signal pero buti nalang at naalala ko pa ang be rational not emotional mantra ko.

Wait, what if the white paint all over the place is ruining his sense of direction? Tipong optical illusion ba. Every wall and even the ceiling is white, might as well call us the new Confucious coz you know, we're confused—oh I'm so great, ngayon pa ako nakaisip ng pun. Way to go pandasisa, way to go. You're in the brink of death and you still come up with the pun, too bad I can't share it to the clouds.

"Run! Pagpatuloy natin paghahanap!" Giit ko kaya kapwa kami natatarantang nagtatakbo.

But wait..

"Ba't ka tumigil?!" Bulyaw sa akin ni Delivery boy nang huminto ako sa pagtakbo.

 "Optical illusion!" Bulalas ko saka mariing tiningnan ang bawat dilim.

"Miss wag mo ako englishin! Gusto ko pang mabuhay!" Bulyaw niya sa akin sabay sapo ng ulo niya.

"Baka kulay puti ang pinto! Kapa delivery boy, kapa!" Hinahaplos ko ang dingding sa bawat dinadaanan namin sa pag-asang may mahihipo akong umbok—umbok ng pinto ha—this paint could be Tatang's trick. Ang cool sana ng trick niya kung hindi lang siya isang demonyong hipokritong nagkatawang ulol.

"Ayun may pinto!" Biglang sigaw ni Delivery boy at nang sundan ko ng tingin ang kamay niya ay nakita ko ang isang pintuang gawa sa makapal na kahoy.

Okay, mali ako sa optical illusion theory. Lame tatang, walang trick.

Kapwa kami nagtatakbo patungo sa pinto. Buti nalang at hindi ito naka-lock.

Sa pagpasok pa lang namin dito ay agad na bumungad sa akin ang napakasangsang na amoy ng imburnal. Sa isang iglap, biglang nagdilim ang paligid.

Napakasakit ng ulo ko. Hirap na nga akong makakita dahil sa dilim, nahihirapan pang mag-adjust ang mga mata ko kasi galing ako sa isang lugar na sobrang tingkad dahil sa ilaw at mga dingding.

"Teka asan na tayo?!" Gulat na sambit ni Delivery boy pero bigla na lamang siyang napabulyaw ng bahagya sa sakit. Narinig kong may nabangga siya kaya agad ko siyang inilawan gamit ang cellphone—May nabangga pala siyang isang trashbin.

Itinaas ko ang kamay kong hawak pa ang cellphone. Ginamit ko ito para maaninag namin ang paligid at labis akong natuwa nang makita ko ang isang pamilyar na bagay sa loob ng trashbin—ang backpack ko!

Wala na akong pakialam pa kung mabaho ito o madumi, dali-dali kong hinugot mula rito ang bag ko saka hinila si Delivery boy hanggang sa kapwa na naman kami tumatakbo dito sa mala-tunnel na lugar na sobrang baho. Judging from the smell at sikip ng paligid parang alam ko na kung nasaan kami—isang malaking imburnal.

"Alam mo ba kung saan tayo pupunta?!" Natatarantang sambit ni Delivery boy.

"Anywhere's better than there! The further we go, the safer we'll be!" Giit ko habang tinitingnan ang laman ng bag ko.

"Ughh! Asan ang cellphone ko?!" Napabulyaw na lamang ako nang mapagtanto kong walang ibang laman ang bag ko kundi lipstick at eyeliner ko. But then again, I so missed my babies! Antagal ko ng mukhang patay without them.

"Miss, sigurado ka bang mas ligtas tayo dito?!" Tanong pa ni Delivery boy habang kumakaripas parin kami ng takbo. Hindi namin alam kung saan kami pupunta, wala kaming kaide-ideya kung saan patungo ang imburnal nato pero mas mabuti na ito kesa ba naman nasa puder kami ni Tatang.

Habang tumatagal, lalong sumasangsang ang amoy ng paligid. May naririnig na akong ingay ng mga daga, pati rin agos ng tubig. Ugh, dahil sa lugar na'to nagmukhang mabango ang kanal.

Paulit-ulit kong inaangat ang cellphone niya sa pag-asang may masasagap akong signal pero wala talaga.

"Miss sandali, pagod na pagod na ako!" Humahangos na sambit ng delivery boy na natigil na sa pagtakbo. Sa sobrang pagod ay napayuko na lamang siya't napahawak sa mga tuhod niya.

"Akala mo ba ikaw lang?! Subukan mo kayang mahampas ng bible sa mukha ng paulit-ulit?! Wala kang ideya sa mga dinanas ko kaya tumahimik ka habang nakakapagpasensya pa ako! Ano gusto mo? Pansamantalang pahinga o forever pahinga?! Pasalamat ka may trauma pa ako sa pagmumura, di kita magogomo-gokyow panchitaw!" Bulyaw ko na lamang sa kanya.

Humahangos niyang tinanggal ang cap niya. Tagaktak na pala talaga ang pawis niya. But then again, ngayon ko lang napansin, teenager parin pala ang isang 'to. Ang laki at hugis ng mga mata niya, parang inaantok at stressed palagi.

"Paano yung ibang mga babae? Iiwan ba natin sila?!" Giit niya.

"And what? Para mas lalong matagalan at mahuli ni Tatang?! Look this isn't about—" Natigil ako sa pagsasalita nang may bigla akong napagtanto.

"Miss okay ka lang?" Tanong niya sakin kaya sarkastiko na lamang akong ngumisi at bahagyang humakbang ng paatras.

Parang isang bulang naglaho ang pag-asang naramdaman ko kanina.

I should've known this was too good to be true.

"Okay na sana eh, napaniwala mo na sana ako eh kaso nasobrahan ang bunganga mo." Sarkastiko akong tumawa habang pinipigilan ang luha ko, "I never told you there were other girls." Umiling-iling ako.

"Ay..." Unti-unting kumurba ang ngisi sa mukha niya hanggang sa tumawa na nga siya. "Ang galing, pinabilib mo ako ah." Aniya saka sarkastiko akong pinalakpakan.

Naninikip ang dibdib ko. Gustong-gusto kong magwala. Gustong-gusto ko siyang patayin ng paulit-ulit. Kaso ano pang magagawa ko? Dehado ako. Ano bang laban ko sa kanila?

"So... who are you?" Tanong ko na lamang habang binabalewala ang luhang umagos mula sa mga mata ko.

"Buti tinanong mo." Aniya saka humakbang papalapit sakin, "Alam mo kasi, sinigurado ni Tatang na walang sino man ang pwedeng makatakas sa facility, at ang imburnal nato?" Bahagya siyang tumawa, "Parte parin to ng facility at kung tatakbo ka hanggang sa dulo, malalaman ni Tatang na sinubukan mong tumakas." Aniya pa.

"That doesn't answer my question. Who are you?" Giit ko.

"I am your ticket out. Pinagkakatiwalaan ako ni Tatang, kita mo naman diba? Nakakalabas-masok ako dito kahit na bawal rito ang mga lalake." Taas-noo niyang pagmamalaki, "Dalawa na ang nakakaligtas mula sa lugar nato dahil sakin, pero sina Kerry at ang iba pa? Tinanggihan nila ang alok ko kaya hanggang ngayon andito parin sila." Nakangisi niyang sambit.

Napabuntong-hininga na lamang ako at tiningnan siya ng matalim, "So what's the catch?"

Humakbang siya papalapit sakin hanggang sa kapwa na kami nakatayo sa harap ng isa't-isa. Napakalapit ng mga mukha namin at kitang-kita ko pa ang malademonyong ngisi sa mukha niya.

"I want you." Bigla na lamang niyang hinigit ang bewang ko at isinandal ako sa pader. Tuluyan akong kinilabutan nang naramdaman ko ang bigla niyang paghaplos sa hita ko. Nagulat ako sa ginawa niya lalo na nang unti-unting umakyat ang mga kamay niya  papunta sa dibdib ko.

It all makes sense now...

How Julia got pregnant kahit hindi naman nanggagahasa si Tatang...

It was him... He was taking advantage of their captivity.

"Answer me first fugly dude." Napahawak na lamang ako sa balikat niya at inilapit ang bibig ko sa tenga niya. "Where is Julia's baby?"

"Ano?" Kitang-kita ko ang gulat sa mukha niya nang mabanggit ko si Julia at ng sanggol. Dahil dito lalo lamang sumiklab ang galit na matagal ko ng pinipigilan.

"I'm sorry, I just can't be rational. You're really disgusting." Hindi na ako nakapagpigil pa at sinipa ko na ng napakalakas ang gitna ng hita niya. Sa sobrang lakas ay agad siyang napahiyaw sa sakit bumagsak sa napakaruming sahig.

Be rational not emotional? Sorry, I just cant. Let's be real, anger is my fuel.

"Putangina! Putangina!" He screamed over and over again while curled up on the floor dahil sa matinding sakit. Wow, wala pa yan sa sakit na gusto kong iparanas sa kanya.

"Hindi mo ba alam?! Bawal magmura dito!" Bulyaw ko naman saka muling tinadyakan ang source of kalandian niya. Patuloy ko siyang tinatadyakan ng ubod ng lakas. "Kala mo kung sino ka?! Weak ka! Weak! Malandi! Mamatay ka na!"

Kung ako sumisigaw sa galit, siya naman sumisigaw sa sakit. Kung may dala lang talaga akong matalim na bagay puputulan ko na talaga siya.

"Malandi ka! Mamatay ka na! Asan ang anak ni Julia?! Magsalita ka!" Napapatili na lamang ako sa labis na galit. Sumasakit narin ang mga paa ko sa pananadyak sa kanya pero wala akong balak na tumigil. Papatayin ko siya kung ito ang huling bagay na magagawa ko.

Napatili ako nang bigla niyang nahawakan ang paa ko. Napakabilis ng pangyayari, bigla na lamang niyang hinila ang paa ko dahilan para madapa ako at madaganan siya. Sorry siya, siya parin nasaktan.

"Papatayin kitang malandi ka! Wala akong pake kung ama ka ng anak ni Julia!" Nginudngod ko ang palad ko sa ilong niya para di siya makahinga. Paulit-ulit niyang iniiwas ang mukha niya kaya pinaghahampas ko nalang ng napakalakas ang kamay ko sa mukha niya.

Nang mahawakan ko ang buhok niya ay para akong nabuhayan ng loob. Nanghihina siya dahil sa pananadyak ko sa source of kalandian, ppportunity na'to. Nanggigil ako lalo. Marahas kong iniangat ang ulo niya at buong lakas itong pinag-uuntog sa sahig, paulit-ulit.

Makaraan ang ilang sandali ay napansin kong hindi na siya nagpupumiglas at nang tingnan ko siya ay nakita kong duguan na pala siya at walang malay.

Holy bruh, what am I gonna do next? Saan na ako pupunta? Hala, kung babalik ako lagot ako kay Tatang. Kung tatakbo pa ako, baka mahuli rin ako ni Tatang gaya ng sinabi ng malanding 'to. Ugh, mukhang hindi na ako makakakanta ng 'sampung mga daliri' nito.

Bigla akong may napansing kakaiba, para bang may liwanag akong nakikita hindi kalayuan sa amin. Parang liwanag na galing sa taas... Parang liwanag na nanggagaling sa sinag ng araw.

Wait... If we're in the sewers, does that mean nasa ilalim kami ng isang kalye? Wait! That explains why there's no signal! All this time, we're underground!

Sinundan ko ang liwanag at muli akong nakaramdam ng pag-asa nang tumama sa mukha ko ang sikat ng araw na matagal kong hindi natatamasa.

Ngayon ko lang napagtanto na isa palang manhole ang nasa taas. May butas ang mga takip nito na nagsisilbing daanan ng ilaw. Oh my bruh this is it! My ticket out of hell!

Nakakita ako ng manipis na hagdan at patungo ito sa takip ng manhole. Hindi na ako nag-atubili pa at dali-dali ko itong inakyat. Mangiyak-ngiyak na ako sa tuwa at pakiramdam koy sasabog na ang puso ko sa lakas ng kabog nito pero hindi ako tumitigil, nilalakasan ko na lamang ang loob ko.

"Tulong! May tao ba diyan!" Napatili na ako nang makaabot ako sa mismong bilugang takip ng manhole.

Nararamdaman ko na ang init na nanggagaling sa ibabaw ng ulo ko, hindi ko mapigilang mapangiti. Miss na miss ko na ang outside world. Antagal ko nang hindi nakakita ng sinag ng araw.

"Tulong!" Paulit-ulit kong sinubukang iangat ang takip na nasa ibabaw ng ulo ko ngunit ayaw nitong gumalaw. Mistula itong naka-screw o nakalock.

Hindi ko ito maingat kaya paulit-ulit ko itong pinaghahampas habang sumisigaw sa abot ng makakaya ko.

May maliliit na butas ang takip kaya pilit ko na lamang na inilulusot ang daliri ko sa pag-asang may makakakita sakin at tutulungan ako. Diyos ko, nasaang daan ba ako? Diyos ko, sana nasa matao akong lugar.

Nangangalay na ang mga kamay ko kaya ibinaba ko na lamang ito. Muli akong nagsisigaw pero mistulang wala paring nakakarinig sa akin. Natatakot ako, naririnig kaya ang boses ko mula sa ibabaw?

Naalala ko ang lipstick at eyeliner ko kaya inilusot ko ito papalabas sa takip ng manhole sa pag-asang may makakakita at pupulot rito.

Napakagat na lamang ako sa labi ko upang mapigilan ang sarili kong umiyak. Nanginginig parin ako sa kaba. Natatakot ako, paano kung walang makakita sakin? Paano kung walang tumulong sakin? Totorturin ba ako ni Tatang? Puputulan niya rin ba ako ng paa? Puputulan niya ba ako ng dila? Papatayin niya ba ako?

Ayoko pang mamatay, hindi pa ako nakakahingi ng tawad kay Mommy at Daddy. Hindi ko pa nasasabi sa kanila kung gaano ko sila kamahal. Andami kong masasakit na salitang isinigaw sa kanila noon. Andaming beses ko silang dinismaya. Itinuring ko silang kontrabida sa buhay ko when in fact all this time, they were just trying to protect me. All they wanted was the best for me pero ako yung makasarili, parati ko lang ginagawa ang gusto ko ng hindi nag-iisip. Miss na miss ko na sila. Ayoko pang mamatay... At si Ponzi... hindi pa ako nakakahingi ng tawad sa kanya... Hindi niya ako tinraydor... Sinubukan niya akong protektahan.. Kung sana nakinig lang ako sa kanya.

 Sa isang iglap, para akong may narinig na kakaiba... Yung tunog na naririnig ko, mahina lamang at mukhang nasa malayo pa. Yung tunog na yon, parang sa isang motorsiklo.

"Dito! May tao dito! Tulong! Tulong!" Tumili ako ng tumili habang hinahampas ang kamay ko sa takip ng manhole. Ilalabas ko sana ulit ang daliri ko nang bigla ko na lamang maramdaman ang isang malamig na kamay na humawak sa paa ko.

Tiningnan ko kung sino at nagulat ako nang makita ko ang isang lalaking, hawak na ng paa ko. Hindi ko alam kung sino siya pero mukhang hindi pa siya masyadong matanda.

"Bitawan mo ako!" Pinilit kong sumipa ngunit nang dahil sa ginawa ko ay nawalan ako ng balanse sa sarili ko at naramdaman ko ang pagdulas ng kamay ko sa bakal na hinahawakan ko. Napatili ako nang makita kong babasagsak na ako sa malamig na sahig.

***

Nakaramdam ako ng kirot sa ulo ko kaya unti-unti kong idinilat ang mga mata ko. Napakasakit ng buo kong katawan lalo na ng likod ko. Tatayo sana ako nang bigla kong mapansin ang kamay na nakapulupot sa bewang ko at ang isa naman ay nagtatakip sa bibig ko. Napakahigpit ng hawak niya sakin, nahihirapan akong huminga.

"Subukan mong gumawa ng ingay at isusumbong kita kay Tatang." Narinig kong may bumulong sa tenga ko kaya kahit hindi ko naiintindihan ang nangyayari, tumango-tango na lamang ako. Hindi siya yung delivery boy, holy bruhs, ilan ba talaga sila?!

Naramdaman kong bigla niya akong kinaladkad, gusto kong magpumiglas pero sa totoo lang, hindi narin talaga ako makagalaw dahil sa hilo at sobrang sakit ng katawan ko.

"Baka kung anong gawin niya kay Sisa."

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang bigla akong may marinig na pamilyar na boses. Malabo lamang ito pero alam ko kung saan ito nanggagaling—Sa taas!

Naramdaman kong biglang bumilis ang pagkaladkad niya sakin kaya pinilit kong pabigatin ang katawan ko para mas lalo siyang mahirapan.

"Alam ko, bigyan mo lang ako ng oras."

Muli kong narinig ang boses niya kaya tuluyan ng bumuhos ang luha ko. Kilalang-kilala ko ang boses na narinig ko. Alam ko kung sino ito. Kilalang-kilala ko ang boses niya kahit saan man ako magpunta.

Lalong humigpit ang pagkakatakip ng lalake sa bibig ko. Narinig ko siyang huminga ng malalim at mukhang kakaladkarin naman niya ako palayo.

Alam kong maari akong maparusahan sa gagawin kong 'to pero mas higit na parusa sa akin kung pagsisisihan kong hindi ko ito ginawa...

Buong lakas kong kinagat ang kamay ng lalaking kumakaladkad sa akin dahilan para impit siyang mapaungol sa sakit saka mapabitaw. Sa sobrang lakas ng pagkagat ko sa kanya ay dumugo ang kamay niya at ang ilan rito ay naiwan pa sa bibig ko.

Umaagos pababa ng labi ko ang dugo niya pero binalewala ko ito at sa halip ay buong lakas akong nagsisigaw, "Ponzi andito ako! Ponzi! Ponzi! Tulungan mo—" bigla ko na lamang naramdaman ang pagtama ng malakas na bagay sa ulo ko.

END OF CHAPTER 16.

Note: Yes guys, this pretty much explains what happened in chapter seven bwahahaha. The first sisa point-of-viewed chapter started sa day one ng captivity niya and we've been sorta backtracking since then XD

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3

Continue Reading

You'll Also Like

Psycho next door By bambi

Mystery / Thriller

4.3M 203K 51
Cosima Sanctuary is a one of a kind safe house for teenage survivors, but when they realize that one of them is a psychopath, all hell breaks loose...
4M 173K 33
"My name is Maddieson Paredes but everyone calls me Maddy. I'm an 18-year old college student. I go to school by day and I work at a convenience stor...
24.7M 1.1M 123
The third and final volume of Project LOKI. Join Lorelei, Loki, Jamie, and Alistair as they bring down Moriarty's organization. Looking for VOLUME1...
Fear Thy Pact By bambi

Mystery / Thriller

3.3M 109K 45
Pact Series # 2 | "To defeat the monster, I must become a monster."