CHAPTER 14
Jansen's POV
*Knock * *Knock*
"Get in."
Nakahiga nako eh. Ayoko ng tumayo. I'm tired of all these sh*ts happening.
"May I talk to you?"
Si kuya pala. Dali dali akong umupo sa kama at nag-indian sit.
"Bakit Dean Bro? Should I already leave this house?"
"Overthinking. Sa sobrang talino mo, ang layo layo na ng nararating ng utak mo."
"I'm sorry... It's just that...Nevermind."
Nakakainis. Bakit ba kasi to nangyayari? Dati naman, I'm having a good time with my friends, normal lang. Walang stress sa social life ko. Academics lang. Pero ngayon? Fvck! Bakit kailangan ko pang isipin ang mga bagay bagay nato sa halip na grades nalang yung pinoproblema ko?
"Jansen Francis, 6 years of your life. Ako na ang naging brother/father mo. Tapos sasabihin mo sakin, NEVERMIND. Pagkatapos mong lumayas sa aprtment mo at sumugod dito sa bahay na puno ng bruises. Nevermind? Eh kung sabihin ko kaya sayo na ako nalang yung matino mong kamag-anak dito na pwede kang tulungan tapos ayaw mo pang mag-share. Speak now."
Hinigit niya yung chair at hinarap sa kama kung san ako nakaupo. Ano ba yan? Feeling ko, nasa dean's office ako at kailangan kong magconfess kung hindi masususpend ako dito sa bahay.
"Okay. Stop the drama. Kuya naman, rami mo na agad nasabi eh. Wla naman talagang problema eh."
"Isa pa Jan, I'll throw you out in that window."
"Okay!!! Maraming problema Kuya at hindi ko na alam kung pano ko masosolve. That's the part I hate the most. Parang ang bobo ko kasi hindi ko magawang tapusin tong mga problemang to."
"Be specific."
Hinigit niya yung upuan ng mas malapit sakin.
"Naaalala mo pa ba si Justine?"
"Yung crush mo?"
"YUNG STALKER KO! KUYA! SERYOSO NA!"
"Wag mo akong sigawan. Bahay ko to."
"Tss. Anyway, I rejected her kanina sa harap ng maraming tao."
"Harshly or Smoothly?"
"Angrily."
Pag naiimagine ko yung eksena kanina, habang sinisigawan ko siya. Hindi ko mapigilang mainis...
"Why would you do such thing? Pinalaki ba kitang ganun?"
"No! Alam mong lahat ng bagay na mabuti eh tinuro mo sakin but I'm just naturally evil. In such a way na, mataray ako at insensitive."
"Sobrang sakit nun."
"Ha? Masakit ang ano?"
Naguluhan ako bigla sa response ng Kuya. Hindi naman connected sa sinasabi ko eh.
"Sobrang sakit nun para kay Justine."
Argh! Bakit ba lahat si Justine ang kinakampihan?! Lahat ng barkada ko siya yung iniintindi. Bakit ba sila ganun?
"I think, I should just sleep Kuya."
"Ayan ka na naman. Tatakasan mo na naman. Stop being so naive. At saka can you please calm down. Pwede bang wag ka munang magmataray ngayon? Take time to reflect. Lahat ng ginawa mo. Lahat ng nangyari. Baka naman kasi sa isang side ka lang naka-focus. Baka naman kasi you are being unfair. Jan, the real deal is that you're too clever in a way that you can do already the most stupid things in your life."
"I don't get you."
"You will really not get me if you're holding everything inside you. Andito naman ako eh. Lahat pwede mong sabihin sakin." He smiled.
I take a reaaaaally deep breath saka ako nagsimulang magkwento.
"Naiisip ko kasi na lahat ng nangyayari sakin eh kasalanan ni Justine. Feeling ko kasi Kuya, before siya dumating eh we are happy. I mean, kaming apat. Walang conflict o kung anuman pero simula nung umamin siya sakin, Everything has change. And then dati, I don't get harsh judgements from my schoolmates but now, I'm hearing some."
"Judgements like?"
"Ang cheap daw ng type kong babae. Low standards kung baga. Eh hindi naman kuya diba? Eversince, lahat na ginawa ko para lang maging isang well-known guy sa school. Physically and mentally kaya it doesn't make sense na pipili ako ng isang basura."
"Alam mo naman pala sa sarili mo na hindi ka ganun. Eh bakit kay Justine ka nagagalit? Hindi ba pwedeng dun sa mga nagjujudge sayo kesa dun sa taong lahat nalang ay ginawa mapatunayan lang na hindi siya basura gaya ng sinasabi nung iba."
"Pero kuya! May point naman sila eh! Kababaeng tao ni Justine, siya yung habol ng habol! Para siyang aso!"
"I pity her. I really do. Pag nakita ko siya sa school, magsosorry ako sa kanya in behalf of my evil little brother."
"HINDI KITA MAINTINDIHAN KUYA! HAY. TUTULOG NA TALAGA AKO!"
*Pak*
Aww. Sinapok ako ng kuya ko for the first time dahil lang sa nonsense conversation na ito? What the....
"Bakit ka ba ganyan? Ang selfish mo. Sobra. Hindi mo man lang naisip na Justine is receiving way more harsh judgements than you. Lahat nung effort at pagod niya, naisip mo ba kahit minsan yun? Kapag may ginagawa siyang surprises sa harap ng maraming tao para sayo, Did you ever think kung gaanong courage ang iniipon niya just to make that happen. Mas marami siyang naririinig na panlalait kesa sayo Jansen. Kaya stop being a baby."
Tumayo na siya at binalik yung chair sa dati nung pwesto. Then, lumakad na siya papunta dun sa pinto.
"Last thing, lahat ng sagot sa problema mo eh ikaw lang ang makakasagot pero I just wanna tell you na hindi aso si Justine. She's an ordinary girl. Yung simpleng babae na lahat eh handang gawin para sayo... but you let her slip away. Anyways, GOOD NIGHT!"
Tsaka niya tuluyang sinarado yung pinto at umalis na. Naiwan ako ditong nakatulala. Pina-process lahat ng sinabi ni Kuya.
I let her slip away???
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Seb's POV
I can't take this anymore. 1 week na ang nakakalipas pero wala pa ring progress saming lahat. Si Justine, straight 1 week ring absent. Si Jansen naman eh hindi pa rin umuuwi ng apartment. Si Gray, unti unti na ring nagiging seryoso. Si Dan lang yung neutral pa rin.
Tomorrow is saturday again. Ang bilis bilis ng oras pero ang bagal bagal naman naming maayos tong problema namin.
*Ting*
From: Christoff Gray
Seb, baka malate ako ng uwi ha? Sasamahan ko lang mag-grocery si Alice. Yayain mo nalang si Dan na kumain sa labas.Take care.
====
Tinago ko na uli yung phone sa pocket ko. Buti pa si Gray, may date. Ako, wala. No! I must stay positive. Maghintay lang sa babaeng para sakin. For now, maitext na lang si Dan.
To: Daniel Ezekiel
Dan, asan ka? Tarang kumain sa labas. Wala si Gray eh. Kakatapos lang ng training ko.
Message sent.
===
Nagpunas lang ako ng pawis. Nagpalit ng shirt tapos umalis na dun sa gymnasium. Naglalakad nako sa may hallway nung may nagtext.
From: Daniel Ezekiel
I'm sorry Seb. Andito ako sa Mall eh, may pinabibili kasi sakin yung president ng org namin. Pero hindi ko dala ang kotse nasa apartment. Ikaw nalang muna. Ingat
===
Wow, What a life. Pero anong magagawa ko, ganito talaga. At least, magkakaroon ako ng quality time para sa sarili ko.
Pagdating ko ng apartment eh nagbihis lang ako ng casual tapos umalis na dala yung sasakyan para hindi na rin hassle.
"Nakakapanibago naman."
I said to myself. Wala kasing maiingay akong kasama sa sasakyan. Walang nag-aasaran tapos wala pa akong kasunod na motor. Palibhasa, wala rin si Jansen. Nakakamiss rin naman kahit papa—-JUSTINE?!
Tinigil ko yung sasakyan malapit dun sa chapel. Nakita ko kasi na papasok si Justine dun sa maliit na simbahan na yun. Bumaba ako saglit.
"Hey! Wait!"-Sumigaw nako kahit alam kong nakakahiya kasi gabi na tapos ang ingay ko pa.
"Seb?"
Tumakbo ako palapit sa kanya.
"What are you doing here? 7 pm na ah? Saka bakit ka mag-isa? Bakit ka absent ng 1 week? Bakit dika man lang nagtetext samin?"
"Alin yung una kong sasagutin. Haha." She smiled. That smile... sobrang namiss ko yun. Hindi ko na napigilan ang sarili ko, niyakap ko siya.
"I miss you." Bulong ko sa kanya.
"Haha. Yeah. Ako din. Miss ko na kayong lahat."
Binitawan ko na siya at tiningnan ng mabuti.
"Justine, pumayat ka ata..."
"Wala yan. Nastress lang. Haha. Ayos lang ba sayo kung sasaglit tayo sa loob. Magpepray lang ako. Mabilis lang. Promise."
Sumulyap ako sa kotse. Hindi naman siguro mananakaw yun dun diba? Saka mabilis lang naman.
"Okay. No problem. Tara."
________________________________