Kahit 'Di Mo Alam [COMPLETED]

By nancycarroline

13K 301 2

A continued story of "Kung 'Di Rin Lang Ikaw" Sa bawat saglit, handang masaktan kahit 'di mo alam Year 2028 S... More

STORY COVER
FOREWORD
Disclaimer
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25 - EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER

CHAPTER 7

172 7 0
By nancycarroline

Tyler Moreno

Pagkatapos ng araw na iyon, hindi na muling bumisita si louie sa stadium, tutal, madalas naman siya ikwento sa'kin ni kevin nasabi niya na masyadong busy lang daw si louie sa trabaho niya this past few days at nung nakaraan lang ay nag bigayan ng report card kaya sobrang dami ng ginagawa ni louie. Which is inderstandable. thou hindi ko naman pinipilit na bumisita uli si louie alam ko sa sarili ko na umaasa ko, tsaka isa pa, neighbors naman kami, madalas nagkakasalubong rin kami dahil iisang condo lang ang pinaliligiran namin. Mag kaibigan na rin kami ni kevin. Iniisip ko nga na hindi dapat na lumapit pa ko sa kanila lalo na alam ko sa sarili ko na mahal ko pa rin si louie kahit di ko man aminin sa lahat. at si kevin, sa ginagawa ko parang trinatraydor ko siya.

Tsaka noong October 5 nga pala, Teacher's day nun. dahil magkatrabaho kami ni kevin sabay na kami umuwi sa condo galing stadium, hindi niya nasundo si louie, minsan ganon daw talaga sila. naabutan namin si louie na papasok nang unit nila ni kevin.

"Love!" tawag ni kevin kay louie umakbay ito at humalik sa noon niya.
"Love, Grabe ang dami naman niyan!" Hindi makapaniwalang reaction ni kevin. marami kasing mga dalang flowers and gifts si louie. sigurado bigay iyon ng mga studyante niya sa kanya.

"Tulungan na kita love." Sabi niya at kinuha ang ilan sa bitbit ni louie.
"Mahal na mahal ka ng mga studyante mo ah." Puri niya.

Kung ako ang tatanungin, siguradong totoo ang sinabi ni kevin, mahal na mahal siya ng mga studyante niya, halos isang bag na nga ang dala niyang flowers and gifts, kahit hindi ko pa nakikita si louie kung paano maging teacher alam ko na, na magiting at mabuting teacher si louie.

Tumawa si louie.

"Oo nga eh. At alam mo ba love sinurprise pa ko ng mga yon. kahit ilang beses ko na naranasan yon parang bago pa rin sakin, iba ibang bata kasi ang sumusurpresa sakin kada taon." kwento ni louie

"Syempre naman. Deserve mo yon, Ang galing mo kayang Teacher." pagpapakilig naman ni kevin kay louie, bigla naman namula si louie. kung ako ang pagsasalitain ganoon din naman ang sasabihin ko. sobrang sweet nilang dalawa.

"Ah..louie...para sayo." Sabi ko at inabot ang boquet ng flower.

Napatitig si louie sa bulaklak na hawak ko. It's a bunch of red roses. Bigla kong naisip ngayon lang yata ako nag bigay sa kanya ng bulaklak. hahaha.

Tinaas na niya ang tingin sa akin tapos ay ngumiti. "Tyler, Nandito ka pala. Hindi kita napansin, akala ko si kevin lang nandito." may tawa sa pagitan ng pananalita niya.

Dii niya uli ako napansin, parang dati lang din. noong umuulan at tinawag ko siya, di niya rin daw ako napansin. Kailan mo ba ko mapapansin louie? mula noon hanggang ngayon Minahal kita pero di mo pa rin alam. May Pagkamanhid din talaga si louie.

"Kunin mo na louie, para sa'yo 'to." sabi ko at inabot sa kanya.

Ngumiti siya sa'kin. "Thank you."

"Happy Teacher's day love, Akala mo wala akong ibibigay noh? ako pa ba?" sabi ni Kevin.

kumunot ang noo ni louie, malamang ay naguluhan siya.

"A-actually, hindi galing sa'kin yang bulaklak, kay kevin." sabi ko. "Pinahawak niya lang sa'kin kanina dahil balak ka niya isurprise pero naabutan ka namin dito, since dala niya yung iba mong bitbit sakin niya nalang pinapabigay sayo." paliwanag ko.

"Ahhh..." tumawa si louie. "A-akala ko galing sayo, a-akala ko ikaw" natatawa niyang sabi. hinampas niya si kevin. "Ikaw talaga!" kinikilig niyang sabi kay kevin.

"Pero ang totoo niyan meron din talaga kong dala." sabi ko at kinuha ang isang pieces ng rosas. Inabot ko iyon sa kanya. "Happy teacher's day din louie." bati ko. kung iniisip niyo kung bakit isa lang, dahil ayokong lamangan kung ano man ang gustong ibigay ni kevin para kay louie, ayokong magkaroon ng anomang pagdududa si kevin samin ni louie, ayoko makasira sa kanila.

Tinanggap ni louie iyon. "Salamat. Salamat sa inyong dalawa!" masayang pagpapasalamat niya.

At dahil magkaibigan na kami ni kevin, madalas siyang mag kwento about kay louie, kung gaano daw siya ka-swerte kay louie, kung gaano kaganda ang personality ni louie at kung gaano niya kamahal si louie. Sobrang detailed niya at masyadong makwento si kevin. kapag ganon ang topic namin, hindi mo maiwasang hindi magsisi, kasi naramdaman ko rin kung paano makasama si louie pero hindi ko agad naisip na ingatan siya para hindi siya mawala sakin, tuloy napunta siya sa iba. Ngayon na kinukwento siya sakin ni kevin, hindi ko maiwasang hindi mainggit o mag selos kahit hindi dapat kasi mag kaibigan lang naman kami dati. Pero ang sakit. Ang sakit sakit isipin na, ako dapat iyon, ako dapat ang nakakaranas ng pagmamahal na iyon ni louie pero hindi. napupunta kay kevin lahat. pero ano nga bang dapat kong ireklamo? eh ako rin naman ang may gawa nito sa sarili ko. kung bakit ako nasasaktan yun ay dahil alam kong naunahan na ako, naunahan na kong pakitaan si louie ng pagmamahal na binibigay sa kanya ngayon ni kevin. at ang sakit din pala mag tiis na nakikita mong sobrang in love ng dalawa sa isa't isa habang ikaw ay parang nanghihingi ng atensyon. para akong nanghihingi ng atensyon kay louie. kung dati sobrang free ni louie, anytime na kailangan ko siya nandun siya. Ngayon, ibang iba. iba na talaga. dahil hindi na ako mahalaga sa kanya ngayon. may ibang tao na siyang pinapahalagahan.

Ito yung talagang sayang. Sobra ko siyang sinayang. at sobra rin akong nanghihinayang dahil nasa akin na si louie, abot kamay ko na siya noon, hindi ko pa ginrab yung pagkakataon na yon. Nakakaiyak ng sobra. nakakawala ng pag-asa. ayoko lang ipakita, ayoko lang ipahalata, pero ngayon pa lang inaamin ko na, masakit. ang sakit sakit. sobrang sakit.

Hindi ko pa naamin kay louie nakakapangsuko na naman. iniisip ko kung aamin ako may mapapala ba ako? pag umamin ako babalik ba sa'kin si louie? hindi. Napaka imposible. Nagsisisi ako na minahal ko pa siya sa paraang ako lang nakakaalam nagsisisi ako na minahal ko pa siya ng palihim. sana pala ay umamin ako. pero kahit ano naman pagsisisi ang gawin ko eh hindi ko na rin naman maibabalik ang dati at hindi na rin mag babago kasi ito na oh, magpapaka bulag pa ba ko.

***

Ngayon ang araw ng competitions. Nandito ako sa New clark city athletics stadium sa Capas, Tarlac. Ngayon ang laban ng Track and field athletes. Nandito na rin ang mga trainee ko at ang team ni kevin. Nandito rin si louie. At ayon Todo support siya kay kevin. napapangiti nalang talaga ko, deep inside nakakainggit.

Everytime na mari-reach ng team ko ang finish line naghihiyawan ang mga tagasuporta nila tapos ay deretso ang team ko sa pag takbo para makaulit ng ikot. Si louie, todo support siya. Katabi ko siya ngayon sa upuan ng manonood may dala pa siyang banner, kung ako ang chinicheer niya sigurado gaganahan rin ako mag laro. ang swerte nga ni kevin. noon pa man supportive na si louie hanggang ngayon ganon pa rin siya.

Mukhang ang lucky charm nga ng team ko ay si louie at mas lalong lucky charm naman siya ni kevin.

Nanalo ang Team namin. Sobrang saya nila. mas lalo na si louie dahil nanalo ang boyfriend niya.

"Congratulations kevin! i'm so happy for you love. I'm very proud of you!!!" Sobrang lakas ng sigaw ni louie at high pitch na high pitch. parang hindi siya nauubusan ng energy mula pa kanina sa upuan sobrang dami ng lakas niya hanggang ngayon ang tibay pa rin. di nga siya umupo eh. tutok siya kay kevin. Malakas na bati niya iyon sa harapan ni kevin. Yumakap siya ng mahigpit kay kevin. pumulupot naman ang banner kay kevin na malaki na hawak niya kanina pa. nandito na kami sa gitna ng field gusto kasi siya salubungin ni louie excited siyang batiin si kevin. sumunod nalang ako. baka mapano ang ligalig kasi ni louie. hindi pa rin pala siya nag babago.

"Congratulations everyone! You made it!" Bati ko sa kanila.

"No coach, we made it!" sabi naman ng isang ka-team ni kevin.

"Yes coach, we made it." sabi pa ng isa.

"Success namin, success nating lahat!" sabi ng isa pa. kung maaalala apat sila.

Lumapit yung dalawang traine ko sa magkabilang side ko, umakbay pa nga ang dalawa sa balikat ko. mga pagod ang itsura. Habang ako napalingon pa uli kaila kevin at louie.

Kumalas sila magkakayakap at agad naman iyon sinundan ni kevin ng halik sa noo si louie ng matagal.

"Syempre! nandyan ka eh. Ikaw ang Lucky charm ko eh." sabi ni kevin

biglang namula si louie.

"Hmm...aba dapat lang na manalo ka, hindi kaya ako umupo. nandun lang ako nakatayo at chinicheer ka noh." sabi ni louie at tumuro pa sa deresyon kung saan kami nakapwesto nanonood kanina. sinundan ng tingin iyon ni kevin

ang sweet talaga nila. Napapangiti nalang ako. "Totoo yun kevs, Todo support ang girlfriend mo, hindi siya tumitigil sa kakacheer sayo." sabi ko.

Tumingin siya kay louie. "Ang supportive naman talaga ng gf ko! Patingen nga, ano ba yang hawak mo." napansin niya yung banner na hawak ni louie. kung ako ang tatanungin at kung ako ang naglalaro kanina hindi ko rin agad makikita yon dahil nakafocus ako sa tinatakbo ko.

Kinuha ni kevin ang banner at binasa iyon.

Go Kevin Luvs!

HAHAHAH Nakakatawa talaga si louie. sa totoo lang pinagtitinginan siya ng mga tao sa upuan. pero papakielamanan ko ba siya eh boyfriend niya ang nag lalaro.

"Ang sweet sweet naman ng mahal ko, at napakama-effort rin, Thank you! dahil dito nanalo kami. ikaw ang lucky charm namin!" sabi ni kevin.

"At syempre dahil din yan sa magaling naming coach!" puri ng isa at tinap ang balikat ko.

"Diba coach?" paniniguro ng isa.

Napalingon sakin sila kevin at louie. bumalik ako sa ulirat.

"A-ahh...o-oo naman." Tumawa ako.

"Congratulations sa inyo, ang gagaling ninyo!" Bati ni louie sa kanilang apat.

"Bros Lucky charm ko!" pagbibida ni kevin at tumuro pa kay louie

"Mukha nga eh." sabi ng tatlo

Tumawa lang si louie.

"Dahil dyan! Kakain tayo sa labas!" masiyang aya ni louie

Nag tinginan ang apat.

"Di nga?" paniniguro nila. si kevin naman nakangiti at mukhang alam ang ibigsabihin ni louie

"Oo!" high pitch niyang pag payag. "Ililibre ko kayo!" sabi niya.

***

Gaya nang sinabi ni louie. Kumain nga kami sa Tekuy's Sugbahan. malapit lang iyon sa stadium. Libre iyon ni Louie dahil nanalo ang team namin. Kanina nga habang kumakain Panay ang kwentuhan nila puro tawanan din. Matapos nun ay umalis na rin yung tatlo para umuwi.

Dito kami nila Kevin sa car. Nag Aya na Naman siya na sumabay Ako, Wala Naman naging problema si Louie don, nagulat nga ko at sobrang out going Niya Ngayon. Ang saya-saya Niya. Isa pa siya sa nag pilit na sumabay na ko. Tsaka si Kevin, kaibigan na Ang Turing Niya sa'kin kaya ganoon nalang siya kung mag Aya.

"Yey! Looking forward for more competitions na mapapanalunan mo Kevin!" Sabi ni Louie. Hindi pa rin siya natatapos at sobrang lakas pa rin Ng energy.

Tumawa si Kevin. Nasa driver's seat siya habang kami nandito sa passenger seat.

"Your girlfriend is indeed supportive kev." Sabi ko. Tumawa na rin Ako.

Maya-maya ay tumahimik rin kami. Si Louie na napaka energetic kanina, ayun tulog. Nakasandal Ang buong katawan Niya sa sandalan Ng passenger seat, may kumot Pala silang binabaon Dito sa car kaya ayun yung pinangkumot ko Kay Louie-pinakumot ni kevin. Pinagmamasdan ko lang si Louie.

Ang amo pa rin Ng Mukha Niya kapag natutulog. Napaka payapa Ng itsura Niya pag nagpapahinga.

🎵Ipikit mo man ang iyong mata
'Di pa rin naman mag-iiba
Nabalutan ng poot ang puso mo🎵

Biglang tumugtog Ang kantang ito Ng December Avenue sa Radio. 2017 pa ang kanta na ito pero pinapatugtog pa rin Pala sa radyo.

🎵Tila malimit kang ngumiti ngayon
'Di ka rin naman ganyan noon
Naubusan ng tibok ang puso mo🎵

Dito na Naman Tayo sa mga kantang Basta nalang tutugtog para mag bigay sa atin Ng meaning.

🎵Kulang na ba ang mga ulap sa langit at buwan?
'Di ka na babalik sa lilim ng ulan🎵

Hindi na ba talaga babalik sakin si Louie? Tuluyan na nga ba nawalan Ng tibok Ang puso Niya para sa'kin? Hindi na ba talaga siya muling susugal para sa'kin? Ano ba 'to tinatanong ko sa sarili ko. Mukha bang may pag-asa pa Ako? Nakita ko kung gaano kamahal ni Louie si Kevin. Wala nang point para umasa pa ko.

🎵Sa bawat saglit, handang masaktan
Kahit 'di mo alam🎵

Totoo yun. Kita, kahit alam Kong walang pag-asa Panay pa rin Ang lapit ko. Hindi ko mapigil Ang sarili kahit Ang totoo yung mga gusto Kong Sabihin di ko rin Naman magawang sabihin sa kanya, tsaka may mag babago ba? Tingin ko, napaka pointless nalang nun.

🎵Subukang muli at pagbigyan
Ang ating nakaraan
Kahit 'di mo na alam🎵

Babalik nalang ba uli Ako sa dati? Na kung saan mamahalin ko nalang din siya Ng palihim, yung Hindi Niya alam.

***

"Louie, gising na. Nandito na Tayo sa condo." Gising ko Kay Louie.

"Napagod Ang mahal ko." Sabi ni Kevin at ngumiti ngiti pa. Tumawa nalang Ako Ng kaunti. "I'll carry her." Sabi Niya at akmang bubuhatin na si Louie. Bigla naalimpungat siya.

"Love, nasan na Tayo?" Kagigising na tanong ni Louie.

"We're here na love. Nakatulog ka sa byahe. I'm plan to carry you Kaso nagising ka na."

Tumayo si Louie.

"Si Tyler nasan?" Tanong Niya Kay Kevin. Nagulat Ako, bakit bigla Niya ko hinanap?

"Andyan, sa likod mo love." May pag tatakang sabi ni Kevin.

Nilingon Ako ni Louie. Pagod Ang Mukha Niya at halatnag galing sa tulog.

Ngumisi Ako sa kanya at kumaway para sabihing "Ito Ako." Tinitigan lang Ako ni Louie Ng saglit at bumalik uli sa dati Ang itsura niyang Hindi ako masyado pinapansin. Unlike kanina na lahat kinakausap Niya.

"You okay love?"

Tumango si Louie at ngumiti.

"Uwi na Tayo love."

Tumango si Kevin. "Of course." Sagot Niya.

Pagkahatid sa kanila sa unit 15 lumabas uli si Kevin para mag paalam sa'kin.

"Tulog na." Pabulong niyang Sabi at sinenyas pa ang thumb nail sa likuran

"Good for her. Napaka high Ng energy Niya kanina Kevin." Sabi ko.

"Right, I'll see you on training coach." Sabi Niya at hinawakan Ako sa balikat

Tumango na lang din Ako. Umuwi na rin Ako sa unit ko.

Inisip ko, bakit kaya Ako hinahanap ni Louie kanina? Hindi kaya napanaginipan Niya ko? Bakit Naman Ako? Iniisip Niya ba ko?

Dahil don umasa Akong may gusto rin siyang sabihin sa'kin. Di ko mapigilan Hindi mag overthink. Ano kaya Ang kailangan Niya at bigla Niya Akong hinanap.

Continue Reading

You'll Also Like

2.2M 128K 44
"You all must have heard that a ray of light is definitely visible in the darkness which takes us towards light. But what if instead of light the dev...
670 57 19
"She's my Karma, my Beautiful Karma," Jiyu, living his life to the fullest as he stumbles upon a girl under the umbrella, as he knows that she was h...
302K 7.6K 20
Lisa just graduated from High School, and now she is off to college. Since she lives far away, she was forced to get a dorm. It was fine until she...
7.1K 179 27
Ma. Zerriana Talieghna has a happy and contented family until a tragedy happen that turn her life into a nightmare. Despite if that she will pursue h...