Embracing Her Lies (THREE KIN...

By LegendArie

5.5M 150K 132K

Three Kings Series #2 (Blare Yvan Reifler) More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 42

Chapter 41

135K 4.4K 3.2K
By LegendArie

His secret child

Halos dalawang linggo na ang nakalipas simula noong huli kaming nagkita ni Blare. Hindi ko na alam at wala akong balak alamin pa ang nangyari sa kanya pagkatapos ng tagpo namin sa beach.

Ang huling balita ko lang ay may ilan siyang interviews at commercials na ginawa sa TV station kung saan nagta-trabaho si Donna pagkatapos ay bumalik na siya sa London dahil magsisimula na ang recording ng bagong album ng Xerxes.

Gustuhin ko man na hindi na makarinig ng kahit ano tungkol kay Blare ay hindi naman maiiwasan dahil laman ng balita sa tv o internet ang banda nila.

Hanggang ngayon ay kumikirot ang puso ko sa isipin na si Vega, ang sarili ko pang pinsan ang asawa niya. How could they do that to me? I'm still upset and devasted, I still have a lot of unanswered questions in my mind.

Paano ba sila naging malapit at nauwi sa kasalan ang relasyon nila? Hindi man lang ba nila ako naisip habang may namamagitan sa kanila? Hindi man lang ba naisip ni Vega si Wrangler? She was there when I'm raising the son of her husband.

Isa pang laman ng isip ko ay ang mga huling katagang binitawan ni Blare.

'Maybe I don't own you anymore, but you have someone that belongs to me.'

His every words still lingers, I am sure that those words had deep meaning. Naging paranoid ako sa mga unang araw pagkatapos sabihin yun ni Blare.

What if Vega told him everything about his son? About my Wrangler.

Sinubukan kong alisin lahat 'yon sa isipan ko, sinubukan kong huwag bigyan ng kahulugan ang mga sinabi ni Blare dahil ayaw kong mabuhay sa takot. Kung alam niya ang tungkol sa anak ko, hindi ba dapat gumawa man lang siya ng paraan para magkita sila?

Nahinto lang ang pag-i-isip ko ng malalim noong marinig ko ang striktong boses ng tutor ni Wrangler mula sa sala kaya naisipan kong silipin sila.

Kinuha ko ang tasa ng kape na kanina ko pa tinimpla bago ako naglakad patungo sa pintuan, sumandal ako sa hamba ng pinto at pinanood sila habang iniinom ang kape ko na lumamig na dahil napahaba ang pag-iisip ko kay Blare.

"Let's start with English. Wrangler, please complete the sentence okay?" Her voice was calm but I can still hear a hint of strictness.

"My favorite thing to do in school is...?"

"Leaving!" Wrangler answered, no evident of hesitation in his small and naughty voice.

Prente siyang nakaupo sa kanyang dinosaur chair habang nakapatong ang magkabilang siko sa dinosaur table at ang mga kamay ay nakalagay sa ilalim ng baba na para bang bored na bored siya sa buhay.

Napailing na lamang ako dahil inaasahan ko na ang mga sagot ng batang ito kaya nga si Teacher Guernica ang kinuha kong tutor dahil alam kong strikta siya at hindi ang tipo na susuko sa ugali ni Wrangler.

Kumuha ako ng tutor para sa anak ko dahil papasok na siya sa pre-school sa susunod na buwan at alam kong hindi ko gaanong matututukan ang pag-aaral niya.

It's hard to be a hands on mom if you're also a single mom and working mom while studying medicine and pursuing your dreams.

His tutor sighed. "Okay, Wrangler. Let's just move on to Mathematics."

Wrangler frowned and suddenly looked at me with frustrated cute face. "Mommy! Help! I'm just three!"

Itinaas pa niya ang tatlong maliliit na daliri para ipakita sa akin ang edad niya. Lumapit ako sa kinaroroonan nila at tumabi kay Wrangler, katapat namin si Teacher Nica.

"Teacher, hindi ba masyadong advanced ang lesson para sa anak ko? Mathematics is just too complicated for a three-year-old boy."

Hindi nakaligtas sa paningin ko ang paglabas ng malalim na dimples ni Wrangler dahil sa malaking ngiti na sumilay sa kanina ay nakasimangot niyang mukha.

Hinawakan ko ang brown na buhok ng anak ko at bahagyang hinimas ito. Tuwang-tuwa ang bata dahil akala niya ay makakaligtas siya sa math. 

"Kung ano lang sana ang kaya ng anak ko, no pressure." Sabi ko kay Nica na hanggang ngayon ay walang emosyon.

Bahagyang tumango si Nica sa akin pagkatapos ay nilingon niya ang nakangisi na si Wrangler.

"Basic numbers lang po ito, kaya nga po akong sagutin ni Wrangler, Math pa kaya?"

Mahina akong natawa noong nakita ko ang pag-iba ng mukha ni Wrangler, hindi siya makapalag sa tutor niya dahil talagang strikta ito at hindi nadadala sa pagpapa-cute niya, hindi  katulad ng mga dati niyang tutors.

"Ready na, Wrangler?" Inilabas ng teacher ang libro niya, tumango naman si Wrangler kahit na nakatulis ang labi niya at halatang napipilitan.

"John has 5 chocolate bars, he eats 4. What does he have now?"

Nagkibit ng balikat si Wrangler. "Ang dali naman po!" Mayabang na aniya.

Napangiti naman ako, he's just three but he can do addition already.

"John has diabetes po," dagdag pa niya.

My proud smile started to fade.

Kumunot ang noo ni Teacher Nica. "Huh?"

"Eh kasi po dami niyang nikain na chocolates, edi malamang po may diabetes na siya!" Saad ni Wrangler sa tono na nangangatwiran.

Teacher Nica sighed deeply, animo ay hinahabaan ang pasensya. "Hmm, maybe Math is too easy for you, Wrangler."

Inilagay niya sa isang gilid ang Math book at inilabas ang Science book. "Let's just do Science, is that okay?"

"Okay po, favorite ko po Science eh." Nagmamalaki niyang saad habang nilalaro ang dinosaur niyang ballpen na umiilaw pa.

"Do you know why Elephants don't have wings?" Panimula ni Teacher Nica.

Mabilis na tumango si Wrangler.

"Siyempre po! Kapag po ba may pakpak ang elephants, papayag ka po na dapuan ka nila?"

Napakurap na lamang ang teacher niya at walang nasabi pero kaagad naman siyang nakabawi. Itinabi niya ang Science book at inilabas ang Filipino book.

"I think Science is too much for your imagination, let's just focus on Filipino."

Hindi nagsalita si Wrangler dahil busy siya sa pag-inom ng chocolate milk sa dinosaur niyang tumbler. Itinaas lang niya ang daliri at nag-thumbs up sa teacher niya.

Napailing ako at pinunasan ang labi niyang may gatas. Baby pa siya pero kung makapagsalita ay parang binata na.

"Ano'ng favorite line ng mommy mo na lagi niyang sinasabi sa'yo? Pwede mo bang sabihin sa 'kin?" His tutor asked.

Ngumiti ng malaki si Wrangler kaya lumabas ang bungi niyang ngipin.

"Lagi po nisasabi sa 'kin ni mommy ko," He looked at me. "Wrangler, you're more than enough."

Sobra akong na-touched sa sinabi ng anak ko. Akala ko ay hindi siya nakikinig sa tuwing sinasabi ko 'yon sa kanya pero heto at naaalala pala niya.

Sa unang beses ay nakita kong ngumiti si Nica. "That's sweet, can you translate it in Filipino?"

Tumayo pa si Wrangler at lumingon sa akin. "In tagalog, sumosobra ka na!"

Wala akong nagawa kung hindi takpan ng palad ang mukha ko, wala akong masabi sa mga sagot ng batang ito, pati si Nica ay hindi man lang nakapagsalita, nahihiya ko siyang tiningnan bago ko nilapitan ang anak ko.

Napag-usapan namin ng teacher niya na magpapasagot na lang muna siya ng quiz kay Wrangler dahil mukhang hindi kakayanin na mag-open ng bagong lesson. Iba kasi ang isip ng batang 'to.

Dinala ko si Wrangler sa kusina para pakainin, paano ay reklamo nang reklamo ang bata dahil nagugutom na raw siya kahit na wala siyang ibang ginawa kung hindi ang kumain habang tinuturuan siya kanina.

Si Nica naman ay mamaya na raw kakain kaya dinalhan ko na lang siya ng merienda dahil may tinuturuan siya online, napakadami kasi niyang trabaho. Pagkatapos nga niyang turuan si Wrangler mamaya ay papasok siya bilang waiter sa bagong bar malapit sa apartment namin.

Nilagyan ko ng fried chicken ang plato ni Wrangler na dinosaur ang design, kaagad niya iyong kinuha at kinagatan kaya pinanlakihan ko siya ng mga mata.

"Don't forget to pray," paalala ko habang nilalagyan ng kanin ang plato niya.

Nagsimula naman siyang magdasal kaya napangiti ako, nakapikit pa kasi ang mga mata niya at magkasalikop ang mga kamay sa tapat ng labi niya.

Pagkatapos magdasal ay nagsimula na siyang kumain kaya tinabihan ko siya at pinanood lamang. He stopped eating when he noticed that I'm watching him.

Ngumuso siya at itinapat ang leg ng fried chicken sa bibig ko. "Gusto mo po, mommy ko? Sabay po tayong mag-eat, mommy ko?"

Napangiti ako at sinabayan siyang kumain. Wrangler is a sweet child but he's really naughty some times. . . Well, most of the time.

Habang kumakain kami ay sinubukan ko siyang i-motivate, napansin ko kasi na mas ginaganahan si Wrangler kapag may reward siya na natatanggap sa mga ginagawa niya.

"Wrangler, kapag mabilis kang natapos sa quiz mamaya, sasabihin ko kay Ninang Donna mo na ipag-bake ka ng favorite dino cookies mo, okay ba 'yun?"

Tila nabuhayan ng loob ang bata at bigla na lang naging good mood, tumayo siya sa upuan at nagtatalon doon, itinaas niya ang dalawang kamay na parehong may hawak na fried chicken.

He happily yelled, "YES! DINO COOKIES AND MY NINANG PRETTY? PERFECT COMBO PO, MOMMY KO!"

Napailing ako, nilapitan ko siyang muli at hinalikan ang namumula niyang pisngi, "Opo kaya galingan mo sa quiz ha?"

Pagkatapos naming kumain ay naligo na ako, si Wrangler naman ay nag-take ng quiz niya. Pupunta ako sandali sa University ko dahil may kailangan akong ayusing mga papel para sa enrollment ko para sa next semester.

Nag-ayos lang ako sandali bago lumabas. Sinalubong ako ng tumatalon na si Wrangler paglabas ko pa lamang sa pintuan ng kwarto namin.

"Mommy! Tapos na po ako sa quiz ko!" Malaki ang ngisi na aniya. Nginuso pa ang test paper niya na binabasa ngayon ni Teacher Nica.

Yumuko ako upang magkapantay kami ng anak ko, piniga ko ang namumula niyang pisngi at hinalikan iyon. "Ang bilis naman ng baby ko!" Puri ko sa kanya.

"Mommy ko, tapos na po ako 'di ba po? Call mo na po si ninang pretty ko? Please na, mommy ko!" He looked at me with his pleading green eyes.

"Check muna natin yung quiz mo, anak." Kinuha ko ang maliit niyang kamay para sabay kaming lumapit kay Teacher Nica sa sala pero nagpumiglas ang bata.

"Ehhh! Mommy ko, call mo si ninang pretty! Mommy naman e!" Naramdaman ko na malapit nang mag-tantrums si Wrangler kaya napailing ako at inilabas ang phone para tawagan ang ninang pretty niya.

"Hi, Dons. Busy ka?" Sinilip ko si Wrangler, nagpipigil ng ngiti ang batang makulit pagkarinig sa pangalan ni Donna.

Sinabi ko ang tungkol sa reward ni Wrangler, pumayag naman siya dahil pupunta rin naman siya rito sa Sabado. Inabot ko ang cellphone kay Wrangler. "Anak, say thank you to Ninang pretty."

Kinuha ni Wrangler ang phone sa akin at sumigaw ng, "I love you po!"

Pinanlakihan ko ng mga mata si Wrangler pero kinindatan lang niya ako.

Narinig ko naman ang mahinang tawa ni Donna sa kabilang linya. "I love you too, Wrangler," she said before she said her goodbye and hung up.

Malaki ang ngisi ni Wrangler nang lingunin akong muli. "See, mommy ko?" Aniya bago nagtatakbo patungo sa kusina para kumuha na naman ng chocolate sa ref.

Sinundan ko siya at tinulungan na buksan ang ref. "Ang dami mo nang kinakain na chocolate, tingnan mo konti na lang ang natira, madaming box ang pasalubong sa 'yo ni Ninang Margaux ah?"

Ngumuso si Wrangler at hindi ako pinansin, nagtatakbo lang siya papunta sa harapan ng TV para manood ng favorite dinosaur cartoon niya.

Dumaan dito si Margaux noong isang araw para ibigay ang pasalubong kay Wrangler, nagpunta kasi siyang Paris para sa isang photoshoot at halos magkaroon ako ng heart attack dahil kasama niya pala si Blake roon! Basically ay sinundan siya ni Blake pagkatapos ng nangyari sa beach sa Batangas.

Masaya ako para kay Margaux, pero may parte sa akin na sumisigaw ng 'sana all' but at least, one of the MVD finally made it back to a Reifler's arms.

Napailing ako at pinuntahan sa sala si Nica. "Nics, kumusta ang quiz ni Wrangler?"

Nica shrugged her shoulders and sighed deeply, para bang sumusuko na ang itsura niya bago ibigay sa akin ang papel na sinagutan ng anak ko.

Nagpaalam na si Nica sa amin ni Wrangler, nag-iwan lang siya ng assignment at babalik sa isang araw.

Tiningnan ko ang test paper ni Wrangler, kailangan niyang lagyan ng check ang mga pictures na nagpapakita ng tamang asal pero pati ang picture ng batang nanipa ng 'birdie' ay naka-check.

"Wrangler! Come here!" Mabilis ko siyang tinawag dahil naalarma ako, akala yata ng anak ko ay tama ang pagsipa sa 'birdie' ng iba.

"Yes, mommy?" Nakangiti siya ng malaki habang papunta sa kinaroroonan namin kaya litaw ang bungi niyang ngipin at ang labi niyang may chocolates pa ang paligid. 

Itinuturo ko ang papel pagkaupo niya sa tabi ko. "This is not nice, anak. Violence is bad, Wrangler. You must not hurt anyone, okay?" Pangaral ko.

Nagkamot siya ng batok. "E kasi mommy ko, kamukha po ni bulldog yung boy sa picture kaya po ni-check ko!" Pangangatwiran niya.

Tiningnan kong muli ang lalaki sa picture, kamukha nga ito ni Lucas. Napailing ako handa na sana siyang pagalitan ngunit tumunog ang doorbell kaya kaagad kong binuksan ang pintuan.

Tumambad sa akin ang mukha ni Lucas na malaki ang ngiti. "Hello, Vanny."

I smiled back. "Hi, what are you doing here?"

"May concern lang sana ako sa room ko," panimula niya.

Lucas rented one of my apartment's room, may bago raw kasi siyang trabaho mas malapit dito kaya naisipan niyang mag-renta na lang sa apartment ko.

"Mommy! Sino po 'yan?!" Rinig na rinig ko ang malakas na sigaw ni Wrangler mula sa sala kaya inaya ko si Lucas na sa labas na lang kami mag-usap, alam ko kasing mawawala na naman sa mood si Wrangler kapag nakita siya.

"Ano pala ang concern mo?" I asked when we got outside.

"Sira ang doorbell," aniya.

Kumunot naman ang noo ko. "Pina-check ko yun sa utility kahapon bago ka lumipat, okay naman."

Nagkamot ng ulo si Lucas. "Nasira yata, si Wrangler kasi..."

Nanlaki ang mga mata ko. "Ano na naman ang ginawa ng batang 'yun?"

Nagmamadali akong pumasok sa loob para pagalitan si Wrangler noong makaalis na si Lucas.

"Wrangler, let me talk to you for a second," nahalata yata niya ang tono ng boses ko kaya tumulis ang nguso niya at mabagal na lumapit sa akin.

Sakto naman na pumasok sa loob ng apartment namin si Nanay Mildred kaya nabaling sa kanya ang atensyon namin.

"Parang si nanay Mildred po pala si John," ani Wrangler at nagtatakbo para yakapin ang matanda na galing sa grocery.

"Sino na naman si John, aber?" Nalilitong tanong ni Nanay Mildred.

Ngumisi si Wrangler at tinulungan siyang magbuhat ng mga paperbags. "Yung bata po sa math, basta po may diabetes din siya like you."

Nahalata ko na iniiba lang niya ang usapan at tumatakas siya sa akin dahil alam niyang papagalitan ko siya.

"Wrangler, go to our room. Now!" Nagkamot ng batok ang makulit na bata at tiningnan si Nanay Mildred na para bang nanghihingi siya ng tulong.

Pagkapasok sa kwarto ay pinagsabihan ko siya dahil sobra na ang kakulitan niya, I don't want to tolerate his behaviors, baka dalhin niya ang mga kalokohan niya sa pagtanda.

Hindi ko pa tapos pagsabihan ang anak ko ay sumilip naman si Nanay Mildred sa kuwarto namin.

"Nipagalitan po ako ni mama!" Malakas na sumbong ni Wrangler na para bang kinawawa siya.

Nakanguso ang makulit na bata habang nagpapaawa. The old woman look at him with a pity on her eyes, napailing na lamang ako dahil sa sumbungero kong anak.

"Vanessa, hija. Bakit mo naman pinagalitan ang anak mo? Nakakaawa tuloy ang itsura, oh, tingnan mo nga," itinuro sa akin ni Nanay Mildred ang nakangusong si Wrangler, nagpapaawa pa ang berde nitong mga mata kaya napailing na lamang ako at ibinalik ang tingin kay Nanay Mildred.

"Nay, 'yan po kasing si Wrangler ginamit na naman pala ang printer kasama yung kalaro niyang si Carlitos." I explained myself, hinilot ko na rin ang sintido ko gamit ang daliri dahil sumasakit ang ulo ko sa ginawang kalokohan ng anak ko.

"Para yun lang, pinagalitan mo na?" Yumuko si Nay Mildred at binuhat ang nakasimangot na si Wrangler.

"Kasi naman po, nag-print sila ng 'ice for sale' at pinakat sa labas ng apartment ni Lucas, ang dami tuloy nagdo-doorbell sa pintuan nung tao para bumili ng yelo." Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pag-irap ni Wrangler nang banggitin ko ang pangalan ni Lucas.

"Naku kang bata ka. Ikaw naman pala ang may kasalanan, ikaw pa ang sumbungero," umiling si Nanay Mildred at ibinaba si Wrangler bago ako lingunin. "Nga pala, hija. Bumalik si Lucas, nasa labas ulit at hinahanap ka na naman."

"Sige po, susunod po kami pagkatapos kong pagsabihan ang batang 'to." Tumango lamang siya at lumabas.

Lumakad ako palapit kay Wrangler at itinuon ko ang buong atensyon sa kanya. "Anak, behave ah? Apologize to Tito Lucas."

"Eh, mama. Si Carlitos naman po nag-print, hindi naman ako ah? Bakit ako po magsasabi ng sorry? Hindi ko pa nga alam spell ng 'for sale' eh." Mas nalukot ang mukha niya habang pinagtatanggol ang sarili.

I crossed my arms around my chest. "At kanino naman idea 'yon? Sino kaya ang nakaisip na pag-trip-an si Lucas? I'm sure it's not Carlitos' idea."

Wrangler looks at me using his frowning face. "Bakit naman po kasi naisip ni bulldog na mag-rent ng apartment dito? Ha, mama? Gusto niya maging close sa 'yo eh. No way!"

I sighed deeply and hold his arm. "Baby, Lucas is just a friend. Nag-rent siya dito kasi mas malapit ang apartment natin sa bago niyang work."

"May car naman siya ah? Edi mag-car siya papasok sa work!" Masungit ang tono ng boses niya, halatang inis na inis pa rin.

"Sira ang car ni Lucas, anak," ani ko. Iyon naman talaga ang sinabi sa akin ni Lucas last week bago siya nagrenta sa apartment na pinapaupahan ko.

"Edi bili po siya ng bago! Poor po ba siya? Wala po ba siyang money? Madami po money si Grandmommy and Grandpapi ko, gusto po ba ni bulldog bigyan ko siya ng money?" He's crossing his little arms this time. Magkadugtong din ang mga kilay niya habang nakatingin sa akin at nakasimangot.

Napailing ako at nagkibit na lamang ng balikat. There's no point on arguing with my kid, lalo na at napakatigas ng ulo niya na hindi ko alam kung kanino ba niya namana.

"Kahit na, please say sorry to tito Lucas, okay? We all need to humble ourselves and ask for forgiveness everytime we cause harm to someone." I calmed my voice to pursue him.

I believe that my child will listen to me as long as I'm gentle to him, ayaw ko siyang sigawan o pagalitan dahil alam kong trauma lang ang mahahatid noon sa batang isip ni Wrangler. Matigas ang ulo niya pero kilala ko ang anak ko, I know how to discipline him in my own way.

Unti-unting tumango si Wrangler, mukha namang nakaramdam siya ng guilt dahil sa mga sinabi ko. Kahit halatang labag sa loob ay sumama siya sa akin palabas ng kuwarto. Naabutan namin si Lucas na prenteng nakaupo sa sofa at hinihintay kami.

He smiled when his eyes caught mine. Tumayo siya at sinalubong ako. "Van, I'm sorry to barged in," aniya.

Bumalik siya rito para sunduin ako, pupunta rin kasi siya sa University ko kaya gusto niyang sumabay sa akin dahil sira nga raw ang sasakyan niya.

Nginitian ko si Lucas. "Lucas, may sasabihin muna raw sa 'yo si Wrangler," saad ko bago nilipat ang tingin kay Wrangler na nakatayo sa tabi ko at masama na naman ang tingin kay Lucas.

"Anak, 'di ba may sasabihin ka kay Tito Lucas?" I whispered to my son.

Tumango si Wrangler at pilit na ngumiti. "Bulldo--- I mean, Tito Lucas. Hulaan mo how much magagastos mo kapag ni-date mo si mama ko."

Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Wrangler. Hindi iyon ang usapan namin!

Napatawa si Lucas. "How much, little guy?"

"Wala po kasi hindi ko naman siya papayagan na maka-date ka!" Dumila pa siya na parang nang-a-asar bago nagtatakbo sa kusina. Pinilit kong kumalma, mamaya ay pagsasabihan kong muli ang anak ko.

Sinilip ko ang wristwatch na suot, kailangan ko nang pumunta sa University. Kinuha ko ang bag at susi ng sasakyan ko na magkatabing nakapatong sa gilid ng TV.

Pinuntahan ko muna si Wrangler para magpaalam, kasama niya si nanay Mildred sa kusina.

Hinalikan ko ang pisngi niya. "Aalis muna si mommy, behave ka kay Nanay Mildred ah?"

Nakasimangot ang bata at nagpahuhat kay Nanay Mildred, halatang ayaw niya akong umalis kasama si Lucas kaya nagtatampo siya.

Hindi ko rin masyadong nakausap si Lucas sa biyahe dahil abala ako sa pag-compute ng expenses namin ngayong buwan idagdag pa ang gagamitin kong pera para sa enrollment, mahigit 145,000 pesos kasi ang tuition fee ko sa St. Luke's College of Medicine.

Lumalaki na rin si Wrangler kaya kailangan kong maging matalino sa pera kahit pa sinabi nila Mama Amanda at Tito Blaze na sila ang bahala sa lahat ng expenses and needs ni Wrangler, gusto nga nila na bilhan kaming mag-ina ng bago at mas malaking bahay pero hindi ako pumayag kahit pinipilit nila ako.

Gusto rin ng mag-asawang Reifler na sa elite academy i-enroll si Wrangler pero pinaliwanag ko ang ugali ng apo nila, hindi siya pwede sa mahigpit na mga academy dahil tiyak na puro kalokohan ang gagawin niya.

Ang mga sustento na binibigay nila kay Wrangler ay tinatabi ko sa trust fund ng anak ko, masyado iyong malaki para sa pangangailangan ng tatlong taong gulang na bata.

Nagbibigay sila ng pera, nakahiwalay pa ang vitamins, gatas, groceries, damit, at laruan ni Wrangler.

Pagkababa sa University ay naghiwalay kami ng way ni Lucas dahil may kikitain siyang dating kaklase sa east wing.

I checked the documents needed, kumpleto ang mga ito kaya dumiretso na ako sa admission office.

"Name?" Tanong ng admission officer.

"Vanessa Athena Martin po." Inabot ko ang brown envelope na naglalaman ng documents ko.

"Year?" Nagtipa sa harapan ng computer ang admission officer.

"Second year, medicine proper."

Kumunot ang noo ng matandang babae, "Dito ka last sem?"

Tumango ako. "Yes po."

"What's your pre-med course?"

"Nursing po."

"Walang Vanessa Martin sa records," nagtatakang saad niya.

Napakunot na rin ang noo ko. Paano nangyari yun? "Pakitingnan po ang mga papers ko, nandoon po lahat ng records ko."

Sinilip ng admission officer ang brown envelope at tiningnan ang laman nito pagkatapos ay may pinindot na naman siya sa computer.

"Did you bring the copy of your marriage certificate?"

Napataas ang kilay ko sa tanong niya. "I'm not married."

Tiningnan ako ng admission officer na para bang gulong-gulo na siya. "The only second year, medicine proper student named Vanessa in our record is married, kasama ang marriage certificate sa mga papers niyang pinasa last semester."

I was so confused. "Paki-check naman pong mabuti, pinsan ko po kasi ang nag-enroll sa 'kin noong first year ako hanggang sa second year, 1st sem."

Ang tinutukoy ko ay si Vega, siya ang nag-e-enroll para sa akin noong nandito pa siya sa Pinas at pinipilit niya ako na siya na lang ang bahala sa mga papers at record ko sa University dahil may kakilala siya rito. 

"I'm sorry, Ms. Martin but we cannot process your enrollment until your requirements are complete."

Litong-lito ako, sobra akong naguluhan sa nangyari. Gusto ko namang tawagan si Vega at itanong ang tungkol sa mga records ko ay hindi ko magawa dahil nananaig ang sama ng loob ko sa kanya. Hindi ko pa siya kayang makita o kausapin man lang.

Dumaan muna ako sa fastfood bago umuwi, ibibili ko ng pasalubong si Wrangler dahil nagtatampo siya sa akin kanina bago ako umalis.

Habang naghihintay ng order ay naupo muna ako. Iniisip ko pa rin kung paano nangyari na wala akong records sa University na pinapasukan ko for over 2 years!

"Oh gosh, si Blare Reifler!"

"For real ba? Baka fake news."

"Bias ko pa naman siya!"

Hindi ko mapigilan na mapatingin sa lamesa kung nasaan ang mga teenager na kababaihan, nakamasid sila sa malaking TV sa loob ng fastfood chain kaya pati ako ay nabaling ang atensyon doon.

'In a one-on-one interview, Blare Reifler, the Filipino vocalist for the London-based band, 'Xerxes' revealed his secret marriage and secret child.

The 26-year-old singer-songwriter, best known for their popular album "Athena," reportedly revealed that he is secretly married to his non-showbiz wife and has a son with her.'

I sit there. . . jaw dropped, heart shuttered, and dumbfounded.

Para akong nabingi sa mga narinig ko. Akala ko ay masakit na ang malaman kung sino ang asawa niya pero mas masakit pala na marinig na may anak na siya rito.

Bigla akong nagselos para kay Wrangler, may ibang kinikilalang anak ang ama niya samantalang siya ay hindi man lamang kilala nito.

Gusto kong saktan ang sarili ko dahil alam kong ako ang may kasalanan, I hide him and I kept him away from his own father.

Hindi ko alam kung paano ako nakauwi ng ligtas dahil walang tigil ang luha ko habang nagmamaneho. Masakit pa rin pala kahit na sabihing wala na kami at kahit na pilitin ko pang paniwalain ang sarili ko na hindi ko na siya mahal— na nakamove on na ako.

I composed myself when I got home. Pinunasan ko ang luha ko at pinakalma ang sarili, kinuha ko ang pasalubong ko kay Wrangler at naglakas ng loob na pumasok sa loob ng apartment namin.

"Mommy ko!" Salubong sa akin ni Wrangler. Mabilis niya akong niyakap, yumuko ako upang magkapantay kami.

"Behave ka ba, anak?" I asked him, I looked directly into his green eyes and all I can see is his father's eyes.

"Yes po! Mommy ko, may visitor po tayo!" He giggled.

"Sino?" I asked him, bago pa man makasagot si Wrangler ay may lumapit na sa akin.

"Vanny."

Dahil nakaluhod ako ay dahan-dahan akong tumingala sa may-ari ng boses, sumalubong sa akin ang malaki at mabilog niyang tiyan.

"Vega."

It's my cousin, Blare's wife.

And she's standing in front of me while holding her big baby bump.

She's pregnant.

"Mommy! Look, umuwi po si Tita Vega and she has a baby boy inside her tummy!" Masayang-masayang pagbalita ni Wrangler.

The news is true, Blare is married to his non-showbiz wife and has a son with her.

LEGENDARIE

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 35.1K 23
FORTALEJO•BILLIONAIRE SAGA #1 Highest Rank: #5 in GenFic (10.15.16) Paano kung Mahulog ang loob mo sa isang babaeng akala mo ay bayaran? Isang babae...
221K 20.2K 4
Beneath a broken mask lies the truth behind the façade, and while masks can conceal pain, they cannot mend wounds. In the end, no mask was worth the...
1.4M 60.6K 38
Conrad Series 2: THE PREACHER ☽❃☾ Mavis Amvaho D. Naligo is a twenty-three-year-old woman who works as an embalmer in the funeral industry...
24.6K 246 33
Heiress Trilogy Series#3 Lea's life been a hell for her... All she can do is to obey her Father want.. Everytime she disobey Him,He punish her... A p...