Forward | Lee Hyun Woo FF

By Neekann_

68 0 0

"You need to let me go... so I could move forward." Kylian was sent by his parents to a university that... More

INTRODUCING CHARACTERS
1 | His Smile
2 | With Him
4 | My Girl

3 | Viewfinder

12 0 0
By Neekann_

Nami's POV •

I spent my next few days being busy for my Major's Research Thesis. Ilang araw ko na din di pinapansin si Mirko. Si Kylian naman nagiging busy na rin kaya di ko na masyado nakakasama.

*Sigh* Namimiss ko na tuloy pag ngumingiti siya.

"Nami, sasali ka ba sa Photo contest? Sa sabado na ang deadline nun. Sayang naman kung di ka sasali, may premyo doon." Sabi ng isa kong kasamahan sa Photography Club.

"Meron kasi akong Research Thesis na ginagawa pa, pero sige susubukan kong pumasa ng Entry ko." I told her.

*Hmmm* Ano kaya ipapasa ko?

Ang alam kong tema ng Photo Contest ay Happiness. Pero wala akong ganung naka-archive na photos. Kung meron man, hindi siguro pang contest.

Dahil sa wala akong idea kung anong litrato magiging pang-entry ko, minabuti kong maghanap ng matanungan sa contacts ko.

Si Mirko kaya? Hindi pwede, magka-away pa kami. How about sir Eman? Naku, baka walang ma-suggest sa akin si sir. Eh si... Kylian kaya? Magre-reply ba yun?

_
_
_
To: Kylian♡
Saan ka?
_
_
_

Wala pang isang minuto tumatawag na sa akin si Kylian. Halos tumalon puso ko palabas ng ribs ko sa kaba.

"Hell--"

"Nami? Anong nangyayari? Bakit ka nag-text?" Bakas sa boses niya ang pag-aalala sa akin.

Natawa na lang ako bigla. Ang cute niya!!!

"Hindi! Hindi! Nag-tatanong lang ako kung saan ka, gusto ko lang makita ka. Ganun, hehe" Napakamot lang ako ng ulo habang parang baliw na nangingiti ng mag-isa.

"Nasa Soccer field ako..ngayon, nagpa-practice... Ikaw san ka?"

Mukha ngang nagpa-practice dahil sa hinihingal siya mag-salita.

"Pwede ba akong manuod dyan?" Tanong ko habang iniisip ang ideya ko kung paano makakapasa ng entry sa Photo contest sa sabado.

"Well, yeah you can"

Binaba ko na agad tawag at nagmadali akong kuhanin ang lalagyan ng camera ko sa locker ko.

Ilang sandali pa ay nakarating na ako sa soccer field. Nandoon sina June at Kylian naglalaro ng soccer. Pareha silang magaling. Pero ibang-iba si Kylian, mabilis at magaan siyang kumilos, parang hangin lang na nilalagpasan mga kalaban niya.

Maya-maya pa ay napasok sa goal ang sinipang bola ni Kylian!

"Yes!" Napahiyaw at napatalon ako sa tuwa.

"Kylian, kung hindi mo to girlfriend, baka isa to sa mga fans mo si Nami" Banat ni June habang papalapit sa kinaroroonan ko.

Nahampas ng bahagya ni Kylian si June sa braso nito.

"Pasensya ka na dito kay June, Nami. Mahilig lang to mag-biro." Sabi ni Kylian.

"Hmmm, pwede ba kitang kuhanan ng picture?" Tanong ko nang nakalapit na sa akin si Kylian.

Mukhang alanganin pa si Kylian at napakunot pa ng kilay sa akin.

"Para saan ang picture?" Tanong nito.

"Sasali kasi ako sa isang Photo Contest sa sabado eh wala akong maisip kung anong magandang picture pang-entry. Kaya ikaw yung naisip kong kuhanan ng litrato, hehe" Nahihiya kong sagot sa kanya.

"Bakit naman ako ang napili mo? How about taking a photo with your bestfriend?" Medyo natatawa pa siya.

"Ikaw naman yung gusto ko eh." I looked at his eyes while smiling at him.

"Uuuuy!!! Kylian! Talo ka pa ni Nami, naunahan kang mag-confess!" Kiniliti ni June si Kylian.

"Ano ka ba June! Umalis ka nga!" Nahampas ni Kylian sa ulo si June.

Pero natatawa na lang si June habang tumatakbo papalayo kay Kylian. He then shifted his eyes on me.

"Sige Nami, pwede mo kong kuhanan ng picture, in one condition..." Napahalukipkip siya habang ngumingiti.

°°°

Kylian's POV •

"Regional finals namin sa friday." Inaya ko si Nami na pumunta sa game namin.

Nanlaki mga mata ni Nami.

"Yun yung kapalit ng pictures mo?" Nangiti siya habang kumukuha ng pictures ng ibang players.

"No." I was thinking of something else. She snapped her gaze on me, looking puzzled. "Samahan mo ako sa dinner party ng team namin."

Humagalpak naman siya ng tawa sa sinabi ko.

"What if, matalo kayo? Dinner party pa rin ba? Hahaha" Di siya makapanilawa sa magaganap sa biyernes.

"Naku, kung alam mo lang. Our coach feeds us whether we win or lose the game." I ruffled her head while walking out.

I heard she's already taking my pictures. The sound of those shutters quite similar to the ones that my father has.

He used to take pictures of mine when I was a kid learning soccer.

The sound of shutters will always have a bittersweet memory to me. I'll never gonna have those moment ever again.

"Huy! Tinatawag ka ni Captain!" Inakbayan ako ni June.

Dali-dali akong tumakbo papunta sa Captain namin ng team.

"What's up with you Kil? I want you to take the run and go for it. Kanina mo pa di inaayos yung laro mo." Pinagsabihan ako ng Captain namin nang nakalapit na ako sa kanya.

"Sorry, medyo malalim lang na iniisip ko kanina. Babawi ako!" Threw him a smile and he did the same to me.

"That's our Kylian! We can win this game as long as you are with us."

Napabuntong hininga na lamang ako. I know I am good at this sport but will never be good enough to those I love.

°°°

Nami's POV •

Kinuhanan ko siya ng litrato pero mukha siyang malungkot. It's the same sadness that I saw from the rooftop.

Bakit kaya? We just had a fun conversation awhile ago.

I kept on taking his pictures until I saw him enjoying the game.

Nakakapagtataka kung gaano kabilis niyang itago yung lungkot niya. Siguro, sanay na siya.

But my viewfinder never lies. I still can see those sadness behind his smiles.

I snapped a picture of him again and again. Nagulat na lang ako na nasa 1000 na yung nakuha kong pictures niya.

Baka pwede na siguro ito.

I silently left the field and did not wait for Kylian to finish his practice.

When I got back home, tiningnan ko lahat ng kuha kong litrato. I even took a video. Sobrang galing niya, kagaya nang nakikita ko sa ibang bansa na naglalaro ng soccer.

If he stays with this sport he might get drafted to different International Football clubs.

Bigla ko na lang naalala yung pag-uusap niya at ng Papa niya.

He's the supposed heir to their business.

"Mama!!" Tinawag ko nanay ko to ask something.

"Bakit nanaman anak?! Naku pag ikaw hihingi ka nanaman ng pang-gasto mo dyan sa kamera mo, kakaltasan ko na talaga Allowance mo!" Mahabang litanya ni Mama.

"Di naman po tungkol sa pera eh! Magtatanong lang ako kung kilala niyo po ba yung MYG group?" Nilingkis ko braso ni mama para lambingin siya.

"Si papa mo dapat tinatanong mo ng ganyan. Mas marami siyang alam. Bakit mo natanong? Balak mo bang maging company nurse anak?"
Inalis ni mama pagkakalingkis ko sa braso niya at nagpatuloy sa pagluluto.

"Hindi Ma. Kasi yung crush ko, anak ng may-ari ng MYG Group, kaya nagtatanong lang po ako kung malaking kumpanya ba yun" Naupo ako sa harap ng countertop na nakapangalumbaba.

"Oh my daughter! We are in the age of advanced technology! Hanapin mo sa internet! Bakit nililigawan ka na ba ng crush mo?!" Pinanlakihan ako ng mga mata ni Mama.

"Eh yun nga eh, di ata ako type nun. Baka mahilig siya sa mayayamang babae." I sighed remembering what June said.

That I was better than the other one.

Sino kaya yun? May Ex Girlfriend na ba si Kylian?

I tried looking for answers through internet.

Nalaman ko na wala palang social media si Kylian. Pero nalaman ko din na ang MYG Group ay isang Trading Group of Companies. Mga malalaking kumpanya na bihasa sa Trading Industry, na may revenue na umaabot sa 50Million Dollars.

That's insane to think Kylian might be working in a high position in their company.

Di kaya ito yung reason kung bakit biglang nagalit sa akin si Kylian nung minsan ko na siyang asarin sa Internship niya?

°°°

Will update the next chapter when I'm free~

Continue Reading

You'll Also Like

816K 30.4K 54
Status: UNDER REVISION Tahimik. Payapa. Walang gulo. Ganiyan maituturing ang buhay ni Niana Jillian "Naji" Alcayde; bantering with her older brother...
1.2M 24K 56
just for fun
108M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...
19K 1K 23
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...