DUCANI LEGACY SERIES #4: KLIN...

By House_of_Sol

673K 5.7K 491

Klinn promised himself he'd never fall for his fake girlfriend no matter what, until the changes in Cassy's b... More

Blurb
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10

Kabanata 3

15.1K 484 48
By House_of_Sol

Kabanata 3

Klinn

"I'm busy. Anniversary namin ni Mona ngayon," Kuya Keeno said when I asked him if he could look after Kreige's dog. 

Tumango ako't bumaling kay Keios, ngunit wala pa man akong nasasabi ay tumaas na ang pareho niyang kilay. "Don't look at me like that. May utang pang dog food at bayad sa vet sa akin 'yang si Krei."

I smirked. "May date ka lang kamo."

Gumanti ng ngisi si Keios. "Syempre. Stressed baby ko sa midterms. Deserve niya ng long weekend nang makapag-relax naman. Masyado rin akong naging busy sa UAAP. Denyse naman ngayon."

I shook my head. Keios and his love for the only girl he took seriously. Si kuya Keeno ay gano'n din.

"Nasaan ba kasi si Krei? Bakit hindi siya ang mag-alaga sa aso niya? Kapag nakalabas na naman si Bully ng gate, siguradong mag-aalala si Mama. Pagagalitan tayong lahat ni Daddy," ani Keios. 

"Over time sila ngayon sa gym. Hindi ko naman pwedeng isama si Bully dahil mangangarera ako. You know Cassy. She's allergic with dogs."

"I'll just bring Bully with me. Nami-miss na rin naman siya ni Mona. Huwag ninyo nang ipaalam kay Mama. She just did another chemo session today. Ako na lang ang bahala sa aso."

"There we go? Problem solved." I grinned. "Aren't you a savior, kuya?"

"Huwag mo na akong utuin. I still won't sell you my car. Si kuya Konnar na lang ang utuin mo."

I laughed. "Fine. Hindi bale. May parating akong bago." I stood up. "Ligo na ko."

My brothers jerked their heads while they're both sticking their noses on their phones, probably chatting their girlfriends. Sumimple naman ako ng silip sa kanilang mga cellphone at nakibasa.

Keios sent Denyse a video clip of a baby girl playing the doll house her dad built for her. Nakangising nagtipa ng chat si Keios pagtapos.

Keios: Daan nga akong hardware. Bibili akong materials. Bubuo ako ng dollhouse.

Denyse: Wala pa tayong anak. Magtigil ka.

Keios: Okay lang. Eh, 'di paglabas, one day old pa lang sa dollhouse na hinihele.

I shook my head. Crazy Keios.

Napatingin ako kay kuya na nakangisi rin habang nakatingin sa phone niya. Naiinggit lamang ako kaya bago ko pa makalimutang may lakad ako ngayon, iniwan ko na sila sa sala at umakyat ako sa kwarto ko. 

I took a bath and picked my clothes for tonight's race. Sakto namang katatapos ko lang magbihis nang mag-chat ang seller ng kotse'ng kukunin ko sa Leyte pagkauwi ni Tito Lee galing US.

Billy: Sir, 'yong isang kursunada mong kotse, baka matagalan ang set up at may inaasikaso 'yong mekaniko ko. May sakit kasi kapatid niya ngayon.

Naupo ako sa gilid ng kama at nag-reply. I told him it's fine. Na hindi naman ako nagmamadali. Sana lang ay makapag-set up na bago pa ako maging busy sa trainings ko for F1. Baka kung magsimula na 'yon ay mawalan na ako ng oras. Ayaw ko pa namang inaasa sa iba ang pag-check sa mga sasakyang gusto ko.

I waited for Billy's chats. We settled a few more stuff about our upcoming transactions before I told Cassy that I'm on my way to pick her up.

When she told me that she's already waiting at the cafe, I chose the car I'm going to use for tonight's race.

Pumarada ang kotse ko sa harap ng cafe, at dahil kilala na ng gwardya ang sasakyan ay kaagad na sumaludo sa akin.

"Si Cassy ho, nasa loob na raw?" I asked politely.

Tumango ang gwardya. "Oo, Sir Klinn. Bagong gupit? Bagay niya."

Kumunot ang noo ko. "Bagong gupit? Anong klaseng gupit?"

"Tinkerbell yata 'yon?"

"Tinkerbell o pixie?"

"Ay pixie pala, Sir." Tumawa siya. "Kakanood ng apo ko ng Tinkerbell, 'yon tuloy ang naisip ko."

Nakangisi ko siyang tinapik sa balikat. "Ikaw talaga, Mang Dio. Sige ho, pasok na ko."

Tumango ang gwardya saka ako pinagbuksan ng pinto. I immediately searched for Cassy inside the cafe, and when I spotted her by the far end of the place, I found myself stopping from taking another step.

She looked... different. Still pretty, but very... very... different. 

Hindi ko maipaliwanag ang kakaiba kong naramdaman nang matitigan ko siya nang husto. Her face, it's still the same, but her pixie hair made her look more stunning. Kailan pa siya nahilig sa ganoong gupit? Cassy loves keeping her hair long. I wonder if there's another problem in their home that's why she chose to chop her long hair?

Ibinulsa ko ang susi ng kotse saka ako humakbang palapit sa kanya. She looked surprise when I finally occupied the seat next to her. Lumagabog naman ang dibdib ko sa hindi maipaliwanag na dahilan nang magtama ang tingin naming dalawa.

Her eyes, why did it seem... different as well? Para siyang natatakot, kinakabahan, at tila... humahanga. Since when did Cassy lose her cool around me? 

"Nice haircut," I commented to break the awkward silence between us.

Cassy looked away shyly. "T--Thank you."

I jerked my head and tried to calm my heart when I heard her lovely voice. Madalas ay malamig ang tinig ni Cassy, hindi gaya ngayon na may halong emosyon na ang boses niya. It's like for the first time after years of knowing her, I finally had a glimpse of her humane side.

"Dito na ba talaga tayo kakain o lipat pa tayo sa resto?"

Tumikhim siya. "D--Dito na lang." She tried to catch my gaze as if she wanted to show me that I don't affect her that much. "We're... gonna go for a race... right? Anong... klaseng karera nga ulit?"

"Drag lang. Sa abandonadong airport."

Tumango-tango siya, umiiwas na naman ng tingin na parang hindi niya matagalan ang titig ko. Hindi ko tuloy naiwasan ang pagsasalubong ng mga kilay ko. Is she alright?

"Wala ka ba sa mood?" I asked.

"N--Nasa mood naman. Medyo... kinakabahan lang kasi... kasi 'di ba... ngayon mo lang ako isasama?"

I nodded. "Yeah. I want to make them believe that we're really dating."

She tried to straightened her back to fake her confidence. "Bakit nga pala... tayo nagpapanggap na magkarelasyon?"

Lalong nagsalubong ang mga kilay ko. Why is she asking me that?

I licked my lips. "Because I don't want girls to still hit on me when I'm not in the mood to date anyone. Saka para hindi ka na pag-initan ng parents mo dahil kay Miguel kasi nga 'di ba ayaw nila sa boyfriend mo?"

"Right. Just making sure we're still both aware of our deal." She forced a smile. Mayamaya ay napansin kong parang napapatagal ang titig niya sa akin na para bang nahihipnotismo ko siya. 

Cassy never looked at me this way. Why is she acting weird all of a sudden?

"Are you alright?" hindi ko na napigilang itanong.

Kaagad siyang tumango. "Yeah. Uhm, stressed lang. That's all."

Alanganin na lang akong tumango bago ako nagtawag ng waiter para makapag-order. I kept observing her the entire time, and the more she's being awkward around me, the more I am convinced that something wrong is going on. 

"Sigurado ka bang ayos ka lang?" tanong ko.

"Oo naman. Bakit naman hindi?"

"Wala lang." I smirked. "Don't tell me you're starting to like me for real, Cassy. You know I don't have plans to take things seriously especially when I am just your front so you can keep your relationship with Migs."

Napansin ko ang paglunok niya. "I'm not. Don't be so full of yourself."

I whistled and tapped my fingers on the table. "Sana nga mali ako. Can't lose a good friend because of a one sided love, Cas."

"So are you saying that you will never like me romantically?" she asked, now looking straight into my eyes as if she wants to see if I'll be honest with my answer.

A playful smirk made its way to my lips. 

"Depende. Kung ibang tao ka lang, baka seryosohin talaga kita..."

Continue Reading

You'll Also Like

28.9K 236 12
Rafael Avila lost everything after his crippling downfall. Needing some time to build himself again, Rafael accepted a friend's offer to join a cruis...
11.3M 206K 64
The Billionaire Series 1: King Tyron Sandoval (Self-published under Immac Publishing) Simple lang ang hangad ni Hera Buencamino sa kaniyang buhay ang...
434K 6.2K 24
Dice and Madisson
4.6K 1.6K 31
COMPLETED!! Please read, vote and support my first story! A Nurse Student An Idol Trixie is a Nurse Student from Pampanga who decided to study in Man...