Never Cry Murder

By Serialsleeper

3.4M 177K 120K

The Ripper Series #3 :: How far would you go to avenge and save the ones you love? More

Prologue
Chapter 1: Wretched Soul
Chapter 2 : On Duty
Chapter 3 : Love and other stuff
Chapter 4 : Seven days of nothing
Chapter 5 : Finding Serenity
Chapter 6: The price to pay
Chapter 7: The Haunt is on
Chapter 8: Samson
Chapter 9: Be Good
Chapter 10: Blasphemy
Chapter 11: She's a goner
Chapter 12: Pass the message
Chapter 13: Manifestations
Chapter 14: What really happened?
Chapter 16: Be rational not emotional
Chapter 17: A truce
Chapter 18: The Jemaima Program
Chapter 19: Breaking Point
Chapter 20: They found me
Chapter 21: Truth or Perish
Chapter 22: Visitors
Chapter 23: Alarmed
Chapter 24: Time to let go
Chapter 25: Decipher
Chapter 26: Parting Time
Chapter 27: Epilogue
Chapter 28: Prologue
Chapter 29: A new chapter
Chapter 30: The thing about you and I
Chapter 31: The words he longed to utter
Chapter 32: Collateral Damage
Chapter 33: Jorino
Chapter 34: You reap what you sow
Chapter 35: The Verdict
Chapter 36: Here comes goodbye
Chapter 37: The Dead Girl
Chapter 38: Scribbled
Chapter 39: Silver Lining
Chapter 40: The Last Goodbye
Chapter 41: Listen to the expert
Chapter 42: Your beliefs, Your principles
Chapter 43: Just a warning
Chapter 44: In times of desperation
Chapter 45: Kin
Chapter 46: Let's play numb and dumb
Chapter 47: Connivance
Chapter 48: The Monster she became
Chapter 49: Havoc and Farewell
Chapter 50: When tables are turned
Epilogue (Part 1 of 2)
Epilogue (Part 2 of 2)
Dear Bruh...
Special Chapter #1: First Words
Special Chapter #2: Stay Strong Jorino

Chapter 15: Salvation

56.7K 2.9K 2.2K
By Serialsleeper

15.

Salvation

Sisa

"Grabe in love na in love ako dun sa  isa naming schoolmate, Calix yung name niya kaso may girlfriend siya na daig pa ang perfection. Time ko na sana na mag-confess kasi naghiwalay sila tas boom nakidnap pa ako ni Tatang. Masaket diba?"

"Medyo landi ka Ada."

"I know, wala eh, pogi ni Calix eh."

"Ikaw Serenity, have you ever been In love?"

"Serenity?"

"Hoy Serenity!!!"

Napatingin ako kay Ada nang bigla kong napansin na isinisigaw na pala niya ang pangalan ko.

"Ha?" Tanong ko na lamang saka ko lang napansin na nakatuon na pala sa akin ang atensyon nila.

"Asan nagpunta utak mo? Kanina pa kami nagsasayang ng laway dito." Biro pa ni Rose kaya ngumiti na lamang ako at napatitig sa pader na nasa dulo ng selda ko. Gamit ang dugo mula sa bawat sugat na natatamo ko, gumuguhit ako ng palatandaan kung ilang araw na ako dito—9 days. Wow lang diba? 9 days na puro 'opo tatang', 'sorry tatang', 'wag mo akong sasaktan tatang' ngayon naiintindihan ko na kung bakit ginawa ni Olive ang ginawa niya kahit sobrang sakit.  Ginagawa ko ang lahat para magpa-good shot kay Tatang kaso lagi talaga akong pumapalpak kaya bugbog ang resulta. Hay....

"Does your face still hurt?" Tanong ni Paris mula sa kabilang selda kaya bahagya akong tumawa.

"Ulol, ako ang dapat mangamusta sayo Paris. Pinalo ka niya ng sandok sa ulo kanina kasi di masarap luto mo." Sabi ko na lamang sabay himas ng noo kong namamaga pa.

"Isang beses lang naman niya ako sinupalpal ng sandok eh. Yung sayo kanina sa bible study, pinaghahampas ka talaga niya sa mukha ng Bible. Ang kapal kaya ng bible na yun." Giit pa ni Paris kaya natawa na lamang ako. Pero ouch, ang sakit tumawa, ang sakit pa kasi talaga ng mukha ko, paghahampasin ba naman daw kasi ng bible. Loko tong si Tatang, ano ako si Carrie White?

"Yan, wag kasing ma-distract habang nagbabasa." Sabi pa ni Kerry. On the other hand, ang sarap atang batuhin ng sandok ni Kerry ngayon ah? Sorry lang ha, wala eh, hirap talaga akong mag-focus sa pagbabasa.

"Sisa ano nga? Na inlove ka na ba?" Muling tanong ni Ada kaya nahiga na lamang ako sa sahig at napatitig sa kisameng walang ibang kulay kundi puti... Hay, asan ba yung mga butiki? Ba't minsan ko nalang silang nakikitang tumatambay dito? Kakamiss silang habulin at abutin.

"No worries Serenity, di naman ako magagalit pag sinabi mong love talaga yung naramdaman mo kay Archie eh." Sabi pa ni Paris kaya natawa na lamang ako.

"Honestly?" Napabuntong-hininga ako, "Pizza. Seriously it's Pizza. I'm in love with Pizza. Yung nakikita ko pa lang ang waiter na papalapit sa table ko bitbit ang mainit pang Pizzza, bigla ng bumibilis ang tibok ng puso ko. Ah, I can't explain... That feel is real. I'm in love with Pizza." Sabi ko na lamang sabay hawak sa tiyan ko.

Miss ko ng kumain ng Pizza.

Nakakaiyak.

"Tao Sisa! Tao!" Giit ni Kerry dahilan para magtawanan sila.

"Si Dustin no?" Tanong ni Ada kaya bahagya akong napaisip.

Oo nga parati kong nilalandi si Dustin sa isipan ko, ganun din naman ako kay Archie noon eh. Kung noon pasikreto kong kinukunan ng stolen photos si Archie, si Dustin naman hinanapan ko pa ng childhood pictures at na-achieve ko thanks to Tammy. Diba dapat ang love mahirap kalimutan? Ba't ambilis kong naka get-over? Nang malaman ko kasi na may gusto si Archie kay Paris, ambilis kong natanggap. Nang makilala ko si Dustin doon ko napagtanto na hindi love yung naramdaman ko kay Archie kasi sa isip ko nun, in love talaga ako kay Dustin. Pero nang malaman kong mamamatay tao si Dustin, wala na agad. Love ba talaga yun or attracted lang ako? Sinasabi kong mahal ko si Dustin pero tama nga ba yung pinagsasabi ko? How do I know if love ba or assuming lang ako? Yun bang nagpapaapekto lang dahil sa influence ng fictional stuff.

"Lalim ng iniisip ah?" Biro ni Rose.

Natawa na lamang ako, "Paano ba malaman kung love ba or kalandian lang? I think I was in love once or twice but I'm not sure. Nothing makes sense actually."

"Nararamdaman mo yan Serenity. Ikaw ang may alam sa sagot." Sabi pa ni Paris kaya napakamot na lamang ako sa ulo ko.

"Kaya nga eh, ang problema, di ko ma-gets ang takbo ng isip ko. Hanggang ngayon di pa nga ako nakakapagdecide kung saan ako naniniwala, kung sa choco na gatas ba o gatas na may choco, yang love and inlove pa kaya. Buti pa kayo, siguro nga forever syntax error tong hypothalamus ko." Napabuntong-hininga na lamang ako at unti-unting pumikit. Ewan ko ba pero naiiyak ako, namimiss ko na naman ang dating buhay ko. Namimiss ko si Julia. Namimiss ko sina Mommy at Daddy. Namimiss ko ang Pizza. Namimiss ko si—

"Serenity alam ko ang sagot sa problema mo. Magaling ako sa ganito. Mwahahaha." Bigla na lamang humalakhak si Rose, "Sabi mo kanina ang sarap ng pakiramdam mo sa tuwing nakakakita ka ng Pizza. Para kang inlove diba? Ngayon sabihin mo, sino ang nakikita mong nakikita mong naghahatid ng Pizza papunta sa table mo?"

Ewan ko ba pero sa isang iglap, bigla kong natagpuan ang sarili ko sa Pizza shop na pagmamay-ari nila Julia. Ito ang pinakapaborito kong lugar. Dito ako pinaka-komportable. Nakakatuwang makabalik ulit dito kahit sa imahinasyon lang.

"Asan Pizza ko?!" Hindi ko maiwasang mapasigaw. Pizza makes me crazy.

"Oo na! Heto na!" Narinig ko namang may sumigaw. Para siyang naiirita na ewan kaya lumingon ako. Hindi ko mapigilan ang sarili kong mapangiwi nang makita ko kung sino ang singkit na naglalakad papalapit sakin bitbit ng isang tray ng Pizza—Si Ponzi.

"Oh my Bruh! Bakit si Ponzi ang na-imagine ko?!" Otomatiko akong napaupo. Bakit si Ponzilita? Diba dapat si Dustin my ex loves or Archie crushie?

Narinig kong nagtawanan sina Paris, Rose, Ada at Kerry.

"Wait so hindi mo pala siya totoong boyfriend?" Tawa pa ni Paris.

"Wag kayong tumawa! Ughh! Ponzi u little shit." Napakamot na lamang ako sa ulo ko.

"Aside from the life outside and most specially your parents, ano ang pinakanamimiss mong gawin?" Tanong naman ni Kerry.

"Eat Pizza?" Sagot ko.

"Aside from that?" Tanong pa ni Paris.

"Pagt-tripan si Ponzilita..." Napatingin na naman ako sa kawalan.

"Now for the last and final question Serenity.... Aside from your parents, sino ang parati mong naiisip sa tuwing pinapahirapan ka ni Tatang? Kaninong masasayang alaala ka nagpapakalunod sa tuwing pakiramdam mo, mamamatay ka na sa sakit? Who do you miss the most?" Seryosong sambit ni Rose kaya natahimik na lamang ako.

I know who the answer is. But then again, ano pa ang silbi kung mabubulok naman ako at mamamatay dito? What's the point of sorting out my feelings kung dito parin ako mamamatay? Let's face it, I'll die here. Ugh, this is torture. I really should stop thinking about Ponzi.

"Hay... by the way, bawas ang problema ko sa buhay." Pag-iiba ni Paris ng usapan. Naramdaman niya yata na naiilang na akong pag-usapan ang feelings ko.

"Talaga ano?" Tanong ni Kerry.

"Well, never na akong mamo-mroblema sa shoes!" Tumatawang sambit ni Paris pero hindi kami lubusang natawa, alam kasi namin na naghahanap lang siya ng diversion sa sakit na nararamdaman niya.

"On the bright side, di ka narin mamo-mroblema sa Pedicure." Sinakyan ko nalang din ang biro niya dahilan para lalo siyang tumawa.

Wow, no wonder why Archie chose Paris over me. She's strong, a lot and a thousand times stronger than me. All this time, I failed to realize how awesome she is. Sana pareho ako sa kanya.

****

Tahimik lamang kaming lahat habang nanananghalian. Ganun parin ang sitwasyon gaya ng dati, daig pa ang asong nakatali habang kumakain.

"Paris anak kamusta na ang paa mo?" Tanong ni Tatang.

"Okay lang po Tatang." Sabi ni Paris saka ngumiti. Natututo na yang si Paris kaya nagpapaka-anghel. Nang sinagot niya kasi ng pabalang, binato siya ng pinggan sa mukha.

"Rose, gusto kong ulitin natin yung test kahapon. Pag butihan mo anak ha?" Sabi pa ni Tatang kaya ngumiti si Rose at tumango.

"Ikaw Serenity kamusta? Masarap ba tulog mo?" Tanong ni Tatang kaya nakunot ang noo ko.

Ba't niya kinukumusta ang tulog ko? Sino ba siya sa akala niya? Hindi niya ako anak. Anak ako ng daddy ko. Sperm cell pa lang ng Daddy ko, wala siyang binatbat. Ughh, when will he stop treating me as his daughter?! Nakakadiri na! But then again mas mabuti nalang siguro to kesa ba naman magahasa kami ng wala sa oras. Okay na siguro tong father-daughter psychotic relationship kesa sa sexual abuse, mas kaya ng sikmura ko.

Pero teka? Ba't tulog ko lang kinukumusta niya? Yung iba, di niya ba sila kakamustahin? Teka, favorite ba ako ni Tatang o assuming lang ako?

"Serenity ikaw ang maguhugas ngayon ng pinggan." Sabi pa niya kaya pinigilan ko ng todo ang sarili kong mapangiwi. Kaya pala ang bait sakin, uutusan pala ako. Tss.

****

Tinanggal ni Tatang ang blindfold sa mga mata ko pero kinurap-kurap ko muna ang mga mata ko bago ko ito tuluyang maidilat.

"Dito ka maghuhugas ng pinggan." Sabi pa ni tatang.

Ang weird lang talaga ng kwarto nato. Puro puti. Gaya ng mga selda namin, ni isang bintana ay wala ito. Isang bagay lang ang meron sa kwarto nato at iyon ay isang malapad na lababo. Wait, let me get this straight, lababo lang talaga ang laman ng kwarto nato? Aba expired na toyo nga siguro ang laman nitong utak ni Tatang.

"Ikaw ang una kong pagkakatiwalaan na maghugas ng pinggan kaya wag mo akong bibiguin." Sabi pa niya kaya sarcastic ko siyang nginitian.

Bakit? Gawa bas a gold tong mga pinggan niya at ayaw niya itong ipagkatiwala sa kahit kanino? But then again parang gets ko ang point niya. I could use these as weapons. I could just break them and use it to stab his head.

He trusts me. I like it. I could use this as my advantage.

"Sige hija, iiwanan muna kita dito. Babalik ako mamaya." Aniya pa at iniwan na akong mag-isa.

Hayyy... but why me? Why do I have to do the dishes? Ughh, this is so lame.

*****

Mag-iisang oras na yata akong nakatayo rito sa harap ng lababo pero ni isang pinggan ay wala pa akong nahuhugasan. Wala lang, nakatayo lang ako habang nakatitig sa tubig na lumalagaslas mula sa gripo.

Buti pa ang tubig nakakatakas mula sa lugar nato.

Ako kaya kelan kaya ako makakaalis dito?

Gusto ko na talagang umuwi.

Miss na miss ko na ang dating buhay.

Gusto kong tumakas pero ayokong magaya kay Paris.

"Tao po?"

At may bisita pa talaga si Tatang sa labas.

"May tao ba rito? Delivery po!"

Ulol, kung Pizza yan lalabas talaga ako.

"Tao po?"

Wait...

What the...

Holy mother of bruhs!

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Kung noon dahil sa takot, ngayon dahil na sa pag-asa.

Dali-dali akong nagtatakbo papunta sa pinto.... Lalo pang tumindi ang kabog ng dibdib ko nang tuluyan kong mabuksan ang pinto.

Natagpuan ko ang sarili kong tumatakbo sa isang pasilyong walang ibang kulay kundi puti. Para akong nasa isang masikip at napakalinis na eskinita, wala akong ibang nakikitang kwarto o bintana, pader lamang nakulay puti.

"Magandang araw po ma'am. D-delivery po pala. P-pasensya na po kung pumasok ako sa building niyo, kanina pa po kasi ako naghihintay sa labas kaso walang sumasagot."

Tuluyang pumatak ang luha mula sa mga mata ko nang makita ko ang isang lalaking nakasuot ng kulay pulang damit at cap niyang may logo pa ng delivery company na pinagt-trabahuan niya. Bitbit niya sa kamay ang isang may katamtamang laking kahon.

"Teka, Ma'am okay lang po ba kayo?" Kunot-noo niyang sambit nang makita ang mga sugat ko.

END OF CHAPTER 15.

Note : Carrie White is a reference from the movie Carrie :)

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3

  

Continue Reading

You'll Also Like

26.1K 1.1K 18
Based on a true story.
60.4K 2.6K 47
Jupiter Ashtyn Hayes is simply watching in amazement as Cataleya Lily Abadino keeps up with her peers despite having an average lifestyle. Will they...
1.3M 45.7K 17
Vertigo was published last 2014, under Life is Beautiful Corp.
692K 47.2K 44
Crime and murder podcaster Wren Lozarte is desperate to earn money for her ailing uncle so she accepts a strange but high-paying offer from a mysteri...