Lucid Dream

By alyloony

14M 573K 277K

Merong iba't-ibang paraan ang mga tao para makatakas sa reyalidad. Yung iba nagbabasa ng libro, nanonood... More

Intro
First Dream
Second Dream
Third Dream
Fourth Dream
Fifth Dream
Sixth Dream
Seventh Dream
Eighth Dream
Ninth Dream
Tenth Dream
Eleventh Dream
Thirteenth Dream
Fourteenth Dream
Fifteenth Dream
Sixteenth Dream
Seventeenth Dream
Eighteenth Dream
Nineteenth Dream
Final Dream
Dream Goddess (Bonus Chapter)

Twelfth Dream

517K 24.7K 14.3K
By alyloony

Twelfth Dream

"Kumusta naman ang panaginip mo kagabi?"

Ngiting-ngiti ako habang nakatingin kay Lilian. Naglalakad kami ngayon papasok sa school.

"Panaginip?" medyo kumunot ang noo niya. "Parang hindi naman ako nanaginip kagabi." Nag-kibit balikat siya, "Kung sabagay, feeling ko nanaginip nga ako, hindi ko lang matandaan. Ganun naman kadalasan. Laging hindi ko natatandaan ang panaginip ko."

Napatango na lang ako.

It's either ayaw ipaalam ni Lilian sa akin na napanaginipan niya si Howard o talaga ngang nakalimutan niya. Pero kung nakalimutan nga niya 'yun, sayang naman, kay gandang panaginip kaya nun.

Pagdating namin sa classroom, nandoon na si Amanda at busy sa cellphone niya. Ngumingiti ngiti pang mag-isa. Anong meron?

"Huy!" tinapik ni Lilian si Amanda at halos mapatalon 'to sa sobrang gulat.

"Ano ba, Lilian?!"

Ngumiti ng nakakaloko si Lilian, "Ikaw ah? May ka-text ka 'no? Crush mo ba 'yan o jowa na?"

"Hay naku, ewan ko sa'yo Lilian!" umirap si Amanda at lumipat ng upuan.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Lilian. "Ikaw talaga! Shy siya eh!" natatawa-tawang sabi ko kay Lilian.

"Sorry naman! Malay ko bang umiibig na talaga ang kaibigan natin!" at sabay kaming nagtawanan ni Lilian.

Halos dalawang buwan na ang nakalipas at araw-araw na palaging may ka-text itong si Amanda. Hindi naman niya sinasabi kung sino pero parang dama ko na kung sino ang ka-text niya.

Ilang beses kong nahuhuli si Gerald—isa sa mga kaibigan ni Owen—na nakatingin kay Amanda kada magkakasama kami. Feeling ko talaga type ng isang 'to ang kaibigan ko eh.

Pero kung nanliligaw na siya kay Amanda, sana sabihin niya sa amin. Okay naman siya eh. Tsaka isa pa gentleman si Gerald.

Sa dalawang buwan na lumipas, halos hindi ko nakikita si Owen. Sabi nina Gerald at Howard, busy raw ang isang yun ngayon sa pag-aaral para sa entrance exam niya sa Ateneo. Nainggit tuloy ako kaya madalas na rin akong umuwi nang maaga para mag-aral. Kailangan kong makakuha ng scholarship kaya dapat taasan ko ang score ko sa entrance exam.

May times na nakakatext ko si Owen pero madalang na lang. Usually puro about academics ang pinag-uusapan namin. Ginu-good luck ko siya at ganun din naman siya sa akin.

Pero kahit papaano, nami-miss kong maka-bonding siya.

Sa panaginip naman, kung anu-ano at kung saan-saan kami pumupunta ni Caleb.

Nakakatuwa nga eh. Para kasi kaming hindi nauubusan ng pag-uusapan. Kahit sobrang random na ng nagiging takbo ng pag-uusap namin, nag-eenjoy pa rin ako na makasama siya.

Lately ko lang na-realize na paaga nang paaga ang pagtulog ko. Ewan ko ba. Lagi akong excited na makasama si Caleb. Siguro dahil sobrang gaan ng loob ko sa kanya.

'Yun nga lang, 'yung isang 'yun, hindi pa rin ipinapakita sa akin 'yung drawing niya. Sabi niya, itinapon na raw niya. Hindi ako naniniwala. Ang daya talaga niya!

~*~

            "Eighteen years old," sabi sa akin ni Caleb isang araw habang naglalakad kami sa beach dito sa panaginip ko.

"Anong eighteen years old?"

Nilingon niya ako at nginitian, "Ayan ang edad ko sabi ni Dream Goddess."

Napatango ako, "Eighteen years old. Mas matanda ka pala sa akin ng two years." Ngumisi ako sa kanya. "Dapat ata Kuya Caleb ang tawag ko sa'yo?"

Napatawa siya nang mahina, "Bakit? Kuya ba ang turing mo sa akin?"

Napangiti na lang ako at napailing. Hindi ko makuhang sagutin ang tanong niya sa akin.

Isang beses na, bumisita uli kami sa panaginip ng isang tao. Medyo weird at creepy ang panaginip nito kahit na hindi 'yung pink door ang pinasok namin.

Sa panaginip niya kasi, nandito kami sa isang mahabang eskinita na may dikit-dikit na bahay. Maraming tambay sa paligid. Marami ring nagkalat na asong kalye. Sa isang side, may mga nag-iinumang mga lalaki. Sa kabila naman, may aleng sinisigawan ang asawa niya.

"Very familiar ang aura ng paligid," sabi ko kay Caleb habang naglalakad kami sa kahabaan ng squatter's area.

"Bakit naman?"

"Sa ganitong lugar kami dati nakatira. Kaya lang nung nanakawan kami, lumipat na kami."

Napatango si Caleb, "Eh kumusta naman 'yung tinitirhan niyo ngayon?"

"Uhmm. Ganun pa rin. Maliit lang ang bahay namin. Gawa sa yero ang bubong. Pag bumagyo, lagi kaming binabaha. Tapos iisa lang ang kwarto namin sa bahay. Iisa lang din ang kama."

Napangiti si Caleb, "Iisa lang ang kama? Ibig sabihin tabi-tabi kayong matulog?"

"Oo! At ang sikip! Ba't ka ba nakangiti na parang nakakatuwa 'yun?"

Napailing si Caleb pero nakangiti pa rin siya, "Wala lang. Kung tabi-tabi kayong matulog, ibig sabihin close kayo ng pamilya mo. Alam mo ba na tingin ko, kapag mas maliit ang bahay, mas nagiging malapit ang pamilya sa isa't isa. Lagi kasi kayong magkakasama at mas maraming oras na makapag-kwentuhan."

Napangiti na lang din ako. Tama naman si Caleb eh. Tama siya. Hindi ko ba alam kung paano niya nagagawa ito. Kung paano niyang nakukuhang makakita ng maganda sa mga pangit na bagay sa reyalidad ko. Pero dahil doon, simula nang makilala ko si Caleb sa panaginip ko, ang dami kong na-realize. Napagtanto ko na hindi naman pala ganoon ka-sama ang reyalidad ko. Sa totoo lang, blessed pa nga ako sa maraming bagay eh. Si Nanay at si kuya lang, ang laking blessing na sa akin.

"I-describe mo naman sa akin 'yung crush mo," sabi ni Caleb sa akin habang nakaupo kami sa likod ng bus.

Nandito kami ngayon sa panaginip ng isang elementary student. Ang setting, nasa bus sila at may field trip.

"Si Owen? Eh nakita mo na siya sa panaginip ko dati 'di ba?"

"Wala lang. I'm just wondering kung ano ba siya sa reality mo."

"Hmm, gwapo siya."

"I know that. Pero mas gwapo pa rin ako."

Tinulak ko siya ng mahina, "Aba! Makapal ah?"

"Totoo naman eh! Pero ano nga? Ano ang ugali niya?"

"Mabait. Gentleman. Maalalahanin. Masipag mag-aral, mabuting kaibigan. Ano pa ba?"

"Wow ha?! Sigurado ka bang totoong tao 'yang Owen na 'yan at hindi isang fictional character sa librong nabasa mo?"

"Oo kaya! Bakit ba?!"

"Masyado siyang perfect eh. Hindi na makatotohanan."

"Eh ganun talaga siya eh. Kaya ko nga siya nagustuhan eh."

Napatango si Caleb at napangiti, "Kung sabagay. Swerte niya."

"Ha? Ano 'yun? 'Di ko narinig 'yung huling sinabi mo."

"Wala. Sabi ko, tingin mo, saan papunta ang bus na 'to?"

Nagkibit-balikat ako, "Ewan. Hula ko sa zoo. Ikaw?"

"Factory ng tinapay," nakangisi niyang sabi.

Medyo natawa ako. Madalas kasi sa factory ng mga pagkain ang field trip eh.

'Yun nga lang, hindi na namin nalaman kung saan patungo ang bus na sinasakyan namin kasi bago pa man kami makarating, nagising na 'yung bata.

"Eh ikaw, naranasan mo na bang ma-in love?" tanong ko naman kay Caleb habang nakasakay kami sa isang ferris wheel. Nandito kami ngayon sa panaginip ko. Gabi. Tanaw na tanaw ang kabuuan ng panaginip na ginawa ko sa tuktok ng ferris wheel.

"Seryoso ka sa tanong na 'yan?" nakangiting sabi ni Caleb.

"Oo! Seryoso ako!"

Tumingin si Caleb sa labas ng ferris wheel at ngumiti. Ngunit hindi niya sinagot ang tanong ko. Gusto ko siyang pilitin. Naku-curious talaga ako. Alam kong nagka-crush na siya pero na-in love na ba siya? Si Dream Goddess kaya? Ba't ang ganda ng ngiti niya? Pero hindi ko siya matanong.

Parang natatakot ako kung anuman ang isasagot niya.

Marami pa kaming napuntahan ni Caleb sa mga dumaan pang araw. May times na napupuntahan ulit namin ang panaginip na napuntahan na namin dati. Katulad na lang nung panaginip ng batang babae na nasa isang garden wedding. At katulad ng dati, bago kami lumabas sa panaginip niya, niyakap na naman niya si Caleb at tinanong kung babalik na ito.

Nginitian lang siya ni Caleb.

"Ilang beses ka na bang nakarating sa panaginip nung bata?" tanong ko sa kanya habang nandito kami sa isa na namang panaginip ng ibang tao. This time, isang matandang babae ang nananaginip. Dito sa panaginip niya, nasa farm siya at nakaupo sa isang duyan habang pinapanood niya ang mga apo niyang nagtatakbuhan sa damuhan.

Nakaupo kami ni Caleb sa kabilang duyan na malapit doon sa matanda.

"Mga limang beses na," sagot naman niya sa akin.

Napatango ako, "Kaya pala lagi ka niyang pinapabalik."

"Feeling ko crush niya ako. Ang gwapo ko kasi!"

Hinampas ko siya sa braso, "Ikaw talaga! Pati ba naman bata?!"

"Ganun talaga pag gwapo!" at kinindatan niya ako. Napailing na lang ako.

~*~

"Welcome back," nakangiting sabi sa akin ni Caleb pagkarating na pagkarating ko sa panaginip ko.

The usual, dito ko na naman siya nakita sa hile-hilerang mga cherry blossom tree. Sabi niya sa akin, ito ang favorite place niya sa panaginip ko.

Dati, wala akong favorite place sa panaginip ko. Pero ngayon, mukhang itong parte na rin na 'to ang pinakapaborito ko.

Nilapitan niya ako habang nakangiti pa rin nang malawak.

"Saan mo gustong pumunta ngayon?" tanong niya sa akin.

"Hmmm, ikaw naman ang magsabi. Nung last time ako na ang nagsabi kung saan tayo pupunta eh."

"Okay. Gusto kong mag-ice skating!"

"Ice skating? Saan naman?"

Medyo natatawa-tawang pinitik ako sa noo ni Caleb.

"Aw, ikaw ba't mo 'ko pinitik sa noo?!"

"Wala lang. Nakakatawa ka. You lack imagination, don't you?"

"Huh?"

Napatingin sa kanan si Caleb at sinundan ko ang tingin niya. Nakita ko ang parte ng panaginip ko kung saan may mga pine trees at umuulan ng snow.

"Oh... okay. Gets ko na ang gusto mong mangyari."

"Tara na! Masaya 'to!"

Bago pa ako makaangal eh hinila na ako ni Caleb papunta doon sa may mga pine trees.

"Ayan ang imagination!" masiglang sabi ni Caleb nang makita niya ang isang skating rink sa gitna ng mga pine trees.

"Marunong ka bang mag-ice skating?" tanong ko sa kanya.

"I'm Caleb the great. Lahat ng bagay, alam kong gawin!"

Hinampas ko siya nang mahina sa braso, "Ang yabang mo talaga!"

"Hindi naman. Gwapo lang."

"Tingnan mo 'yan! 'Yan!"

"Alin? 'Yung mukha ko?" nakangisi niyang sabi.

"Ay naku, ewan ko sa'yo, Caleb."

"Eh ikaw? Marunong ka bang mag-ice skating?"

Umiling ako, "Paano naman ako matututo? Pang mayaman lang ang ice skating!"

"Eh pwede ka namang matuto sa panaginip mo."

Biglang inilahad ni Caleb ang kamay niya. "Ano 'yan?" sabi ko habang nakatingin sa palad niya.

"Inilalahad ko ang kamay ko kasi gusto kitang yayaing magsayaw."

Pinanliitan ko siya ng mata. "Joke lang! Obviously niyayaya kitang mag-ice skating. Tuturuan kita."

"Kailangan magkahawak kamay?"

"Oh e di 'wag. Bahala ka."

Medyo natawa ako at kinuha ko ang kamay niya.

"Joke lang! Pero finally naasar din kita!"

Napangiti na lang si Caleb habang iiling-iling.

Inumpisahan niya akong turuan. Madali lang naman pala. Or ewan kung madali lang talaga dahil nasa panaginip ako at kaya ko ring i-control ang learning skills ko dito? Pero nag-eenjoy ako.

Hindi pa rin binibitiwan ni Caleb ang kamay ko. Ayoko ring bumitiw. Mas komportable ako ng ganito.

Hindi kami nakasuot ng kahit anong panlamig. Walang hand mittens o scarf. Si Caleb, suot pa rin niya 'yung leather jacket at white shirt niya. Ako naman, 'yung uniform ko.

Palaging ganito ang damit namin. Hindi naman namin kailangang magpalit ng damit eh. Pero weird, kasi ngayong malapit ako kay Caleb, naamoy ko siya. Ang bango niya. Bumabaho ba ang mga kagaya niya?

Napatingin ako sa langit. Ang ganda ng blue moon. Ang ganda rin ng ilaw ng mga bituin.

"Alam mo bang dito sa panaginip mo may pinakamagandang blue moon? Mas maganda pa kesa sa blue moon na nasa Tala," sabi sa akin ni Caleb.

"Talaga? Mas maganda pa sa Tala?"

Tumango si Caleb at tinitigan ako.

"Oo, mas maganda..."

Napayuko agad ako at napalunok. Sobrang komportable ko kada kasama si Caleb. Pero kada tinitingnan niya ako ng ganyan, parang may nagwawala sa kaloob-looban ko. Hindi ko maintindihan kung bakit.

Nagkakagusto na ba ako sa kanya?

Imposible. Si Owen ang gusto ko eh.

At hindi pwede. Hindi pwede kasi hanggang sa panaginip ko lang siya makakasama. Hindi siya parte ng reality ko.

Kahit ilang beses kong ipinagdasal at hiniling sa Diyos na sana maging parte siya ng reality ko.

"Alam mo ba, nag-take na ako ng entrance exam doon sa school na gusto ko," kwento ko kay Caleb.

Bigla siyang napangiti at kita ko sa expression niya ang saya. "Talaga? That's great Angelique!"

"Kinakabahan pa ako kasi next month pa malalaman kung pasok ako sa school o hindi. O...kung natanggap ako sa scholarship."

"Nararamdaman kong makukuha mo ang scholarship."

"Sus. Alam kong pinapalakas mo lang ang loob ko. Pero thank you, Caleb."

"No, I'm serious. Nararamdaman ko talaga na makukuha mo ang scholarship."

"Bakit naman?"

"Dahil si Angelique ka."

Napangiti ako bigla. Sa lahat ng taong nakilala ko, ito pang lalaki na nasa panaginip ko ang may kakayahang pagaanin at palakasin ang loob ko.

"Thank you Caleb ah? Thank you sa lahat ng ipina-realize mo sa akin."

Napatango si Caleb at nginitian niya ako.

"Masaya ka na ba sa reality mo?"

"Hmm, hindi ito perfect pero na-realize ko na wala naman talagang perfect na reality at isa pa, ang dami kong bagay na dapat ipagpasalamat. Na-realize ko rin na blessed pa rin ako. At oo, masaya ako sa reality ko, Caleb. Sobrang saya."

"I'm glad, Angelique. I'm glad."

"P-pero hindi ibig sabihin nun hindi na ako maglu-lucid dream ha? Masaya rin ako rito pag kasama kita. Promise 'yun! Kahit pang-asar ka pa!"

Medyo napatawa si Caleb.

"Hindi ako magsasawang asarin ka."

"Balang araw makakaganti rin ako sa'yo!"

Natawa si Caleb at ako naman, na-out of balance. Napahawak tuloy siya bigla sa bewang ko at inalalayan akong umayos ng tayo.

"Ayos ka lang?"

"O-oo," napatingin ako sa kanya at halos mag-init ang mukha ko nang ma-realize kong sobrang lapit na namin sa isa't-isa.

"Angelique, alam mo ba, ang saya ko..."

"H-ha?"

Nagulat ako nang biglang hawakan ni Caleb ang mukha ko.

"C-Caleb..."

"Thank you ah? Kahit papaano nagkaroon ng saysay ang existence ko rito. Ngayon ko lang na-realize kung gaano pala kasaya na pumunta sa iba't-ibang panaginip. Kasama kasi kita eh. Ngayon ko lang naranasan na magplano ng mga susunod na gagawin. Ngayon ko lang naramdaman ang excitement na mag-travel sa iba't ibang panaginip. Dahil sa'yo iyon, Angelique. At sobrang nagpapasalamat ako dahil dumating ka sa buhay ko."

"T-teka Caleb. Ba't mo naman sinasabi 'to? Parang namamaalam ka na eh."

Ngumiti lang siya sa akin. "It's time for you to wake up."

Pagkasabi ni Caleb nun ay bigla na lang akong nagising.

Ang bilis ng tibok ng puso ko.

Ang sikip ng dibdib ko.

Napahawak ako sa pisngi ko.

Gabi-gabi, bago ako magising, laging sinasabi ni Caleb na maghihintay siya sa akin.

Walang palya iyon. Walang mintis.

Pero ito ang unang beses na hindi niya sinabi sa akin na maghihintay siya.

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko.

Aalis na ba siya? Hindi ko na ba siya makikita?

Namamaalam na ba kanina sa akin si Caleb?

Napapikit na lang ako at hindi ko na napigilan pa ang pagbagsak ng luha sa mga mata ko.

Continue Reading

You'll Also Like

24.6M 1.1M 123
The third and final volume of Project LOKI. Join Lorelei, Loki, Jamie, and Alistair as they bring down Moriarty's organization. Looking for VOLUME1...
56.3M 2.3M 81
Most women fall for engineers, doctors, lawyers, architects and businessmen but in my case? I fell in love with an astronaut. Highest rank: 1 Cover...
5.1M 177K 50
Sequel/Book 2 (The MAIN STORY) of Love at First Read. Ano ang gagawin mo kung ginulo ng tadhana ang tahimik mong mundo? Sina Train, AB, Kudos, at Haz...
171K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...